CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Sixth Day
"Blaire!"
Niyakap kaagad ako ni Georgina ng makapasok ako sa club kung saan ginaganap ang birthday ni Leonne.
"Sorry na late ako!" Sigaw ko.
Masyado na kasing maingay sa loob ng bar at hindi na kami masyadong magkarinigan kung hindi lalakasan ang pagsasalita.
"Fashionably late! I like it!"
Sinuri niya ang kabuuan ko at pumalakpak pa ng masipat ako simula ulo hanggang paa.
I'm wearing a bright red cocktail dress na mayroong malaking uka sa likod. Hindi naman talaga ito ang dapat kong suotin pero wala na akong makitang maayos sa closet ko.
I didn't plan going in this event anyway. Kung hindi pa sinabi ni Georgina ay hindi ko pa 'to maaalala.
Iginiya ako ni George sa mga kaibigan namin.
"Happy birthday Leonne!" Hinalikan ko siya sa pisngi.
He looked wasted already. Natatawa niya akong niyakap.
"Thank you Blaire! You look... gorgeous! Wow!" Gaya ni Georgina ay hinagod niya rin ang kabuuan ko.
Tama ba ang pagsuot ko nito? This is the first time I wore something like this. Too much skin kumbaga.
Natigil ang pagngiti ko ng makita si Marcus at Hermes sa isang mahabang couch kasama ang mga iilang kaibigan nila.
Abala si Marcus sa pakikipag-usap sa katabi niyang lalaking may mahabang buhok habang ang mga mata naman ni Hermes ay seryosong nakatingin sa'kin.
Umiling nalang ako. Hinawakan ni Leonne ang kamay ko papunta sa pwesto nila.
Nang makita ako ni Marcus ay natigilan rin siya matapos hagurin ang kabuuan ko. Dahil ba sa suot ko?
Nginitian ko silang lahat.
Napailing ako ng makita ang pagkalito sa mga mata ni Leonne ng hindi ko pansinin si Marcus. Kung siguro ay kami pa, tiyak akong yakap kaagap ang pagsasalubong naming dalawa. O kaya naman ay siya mismo ang kasama ko papunta rito.
Tumayo si Marcus para batiin ako.
"Hi." Aniya habang namumula na ang kan'yang pisngi.
Binati ko rin siya pero imbes sa tabi niya umupo ay sa tabi ako ni Georgina pumwesto.
"Akala ko ba eight ang simula bakit parang lasing na ang mga 'to?" Tanong ko sa kan'ya at binalingan ulit ng tingin sila Marcus.
"Oo nga pero napaaga ang punta nila kanina. Before seven nandito na." Kinuha ni George ang baso na may lamang cocktail bago ibinigay sa'kin.
"Cheers!" Masaya niyang sabi pagkatapos itaas ang basong hawak niya. Gano'n din ang ginawa ko.
Nang lumalim ang gabi ay mas napuno pa ang buong club. Dumating narin ang mga kasama nila sa team at iilang mga kaibigan.
Marami narin akong nainom na alak. Nag-usap lang kami ni Marcus ng mawala ang kausap niya.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
Kami nalang kasi ang naiwan sa table dahil ang mga kasama namin ay nasa dance floor na at nagsasaya.
"Oo naman. Ikaw?" Sagot ko.
"Yeah... You look gorgeous Blaire." Aniyang pabulong.
Kahit na mahina ang pagkakasabi niya ay rinig ko 'yon ng buong buo.
"Thank you Marcus." Ngumiti ako bago uminom ulit ng alak.
"Come on Blaire! Sayaw na tayo!" Hindi ko na namalayan ang pagsulpot ni Georgina sa gilid ko.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo kay Marcus. I'm glad she came. Dahil kung hindi ay matutuliro na naman hindi lang ang utak ko kung hindi pati narin ang puso ko.
Sumayaw kami ng sumayaw sa dance floor. Sinayawan ko narin si Leonne na kanina pa ako inaasar kay Marcus.
"LQ?" Nakangisi niyang sabi.
I feel bad. Parang naguilty ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang status ng relasyon namin ni Marcus. We are done. Napalingon ako sa couch kung nasaan siya.
Nag-iisa siya do'n habang patuloy ang pag-inom ng alak. Nag-iwas ako ng tingin.
"Hindi. Let's not talk about it!" Pagtatapos ko sa usapan.
Umindak indak kami ni Georgina habang kinikilala ang mga naroon.
"Itulak mo ako!" Bulong niya sa tenga ko.
Tumingin ako sa likuran niya at doon ko nakita iyong isang ka team nila na kinababaliwan rin sa school.
Ginawa ko ang sinabi niya. Napailing nalang ako ng makita ang paglalandi niya sa lalaki. Mabilis na pumulupot ang kamay ng kaibigan ko sa leeg nito na parang isang koalang nakakapit sa isang sanga ng puno.
She winked at me nang makuha niya ang gusto niya. I rolled my eyes at her. Imbes na isipin ko si Georgina ay sumayaw nalang ako ng sumayaw. Nang medyo nagbago ang ritmo ng tugtog at mas naging flirty ay ginawa ko ang ginagawa ni Georgina.
I started grinding my body on someone. Napangisi ako ng maramdaman ang pagkapit niya sa bewang ko.
Nang subukan kong bumaba para gumiling sa kan'ya ay ipinosisyon niya ang sarili ko para matigil ako.
What?!
Inis ko siyang nilingon.
"Hermes..." Nilamon ako ng hiya ng makita ang pag igting ng panga niya dahil sa ginawa ko.
What's wrong with him? Mukha siyang galit na hindi ko malaman! Umayos ako para harapin siya.
Nilagay ko ang kamay ko sa leeg niya kahit na mukhang hindi niya nagustuhan ang ginagawa ko.
Sa pagbuntong hinga niya ay ngumisi ako.
"Hindi ko alam na gusto mo palang sumayaw." Sabi ko.
The alcohol is kicking in. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko habang ang kamay niya ay nasa bewang ko parin at pilit akong ipinipirmi sa pag galaw.
"Come on Hermes! let me dance with you! Kung ayaw mo, you should let me go." Sa huling sinabi ko ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak sa bewang ko.
Sa ginawa niya ay napatitig nalang ako sa mga mata niya.
Damn... Kailan pa naging ganito ka-gwapo sa paningin ko ang isang 'to?
I must be really drunk.
"Dance with me then." Sabi nito saka binitiwan ang bewang ko.
Biglang nablangko ang utak ko sa sinabi niya. I didn't mean anything but I think I pushed his buttons.
Binalewala ko nalang ang lahat ng nasa isip ko. Sumayaw ako ng sumayaw sa harapan niya. I didn't mind. Gusto ko 'to. Ngayon ko lang naramdaman na free ako sa lahat ng bagay.
Nakikita ko sa isang sulok ng mata ko si Marcus na nakatingin lang sa direksiyon namin ni Hermes. Nawala lang 'yon ng bumalik sa'kin si Georgina.
Halos malaglag ang panga niya ng magkaharap kami at nakita kung sino ang kasayaw ko.
"What? Hindi ko alam." Natatawang sabi ni Hermes ng sabihin ko sa kan'ya ang tungkol kay Georgina.
Nag didinner kami ngayon sa isang italian restaurant. Ayaw ko sanang sumama sa kan'ya pero dahil kumakalam narin ang sikmura ko ay sumama na ako.
"Seriously?!" I can't believe him!
"Yeah."
"Hindi mo ba pansin yung mga lagkit ng titig niya sa'yo noon? Ano ka ba!" Hindi ko na mapigilan ang paghalakhak ko.
He doesn't know that Georgina likes him! Nakakainis ang kamanhidan ng isang 'to! Hindi niya ba halata sa tuwing nagpapacute ito sa kan'ya?
"No. She's just like that even with Leonne." Umiiling niyang sabi habang nangingiti parin dahil sa mga ibinulalas ko.
"She likes you! Matagal na, hindi pa kami ni Marcus ay ini-stalk ka na ng isang 'yon! Nadadamay pa nga ako minsan eh..."
Napataas ang kilay niya sa huling sinabi ko.
"How?"
Napalunok tuloy ako. This is just between me and George. Sikreto namin ang lahat ng ito pero dahil matagal na naman 'yon ay siguro okay lang na sabihin ko?
"Uhm, wala minsan sinisilip ka namin sa classroom mo. O kaya naman nanunuod kami ng game ninyo. Ganun, even on facebook..." Natigilan ako sa naisip.
Ako ang unang nag add kay Hermes noon dahil sa udyok ni Georgina. Nahihiya kasi itong i-add si Hermes kaya ako ang inutusan niya.
"Facebook?"
"Oo, inadd kita di ba? She told me to do that. Pero dahil wala ka namang masyadong pinopost ay wala rin kaming napala doon."
Napailing ako at uminom ng wine.
Good times... I miss that brat!
"Bakit nga ba walang laman ang page mo? I mean, ni hindi ko rin nabalitaan na nagkaron ka ng girlfriend?" Kumabog ang dibdib ko sa tanong ko kahit na normal lang namang pag-usapan ang bagay na 'yon.
We are friends... Right? Naalala ko tuloy iyong pag-uusap namin ni Leonne noong nakaraang linggo.
Nagkibit-balikat lang siya.
"Wala eh." Uminom rin siya ng wine kagaya ko.
Tumango nalang ako.
"As in no girlfriend since birth Hermes?" Usisa ko ulit sa ka'nya.
"You can say that."
"Wow! Unbelievable." Hindi makapaniwalang sabi ko.
Akala ko sadyang gusto niya lang talaga ng pribadong buhay kaya hindi siya nagdadala ng babae sa grupo o kahit na sa mga okasyong nagdaan. Totoo pala talagang wala siyang dadalhin.
Meaning... Ako ang unang nakilala ng pamilya niya? Nang grandparents niya? Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko sa naisip.
Ako ang una? But why?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro