CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Galit
"Champagne." Ani Marcus sa waiter habang nasa kalagitnaan kami ng hapunan.
Buong araw akong natatahimik sa mga ikinikilos niya. Simula ng gawin ni Marco 'yong kanina ay parang bigla nalang nagbago ang ihip ng hangin.
Tumingin siya sa'kin habang nakangiti. I'm speechless. Ni hindi ko masabayan ang mood niya kahit na ikinatutuwa ko 'yon.
"Are you okay?" May pag-aalinlangan kong tanong sa kan'ya.
Tumawa naman siya dahil sa tanong ko.
"I am. Why do you ask me?"
Nagkibit balikat ako. It's just... Unusual. Hindi nalang ako nagsalitang muli.
Bago pa kami natapos sa pagkain ay isang bultong papasok sa restaurant ang kumuha sa atensiyon ko. He's alone. Marco is alone.
Nang magtama ang mga mata namin ay umangat ang isang sulok ng kan'yang labi. I know what he was thinking. Napasulyap ako kay Marcus na abala parin sa pagkain at paginom ng wine.
Marco sit beside our table. Para bang gusto niya talaga akong inisin ngayon. Inirapan ko lang siya.
"Matutulog ka na ba pagkatapos nito?" I asked Marcus.
Pinunasan niya ang labi niya bago ako sagutin.
"What do you have in mind? "
Saglit akong natigilan. Wala naman akong ibang naisip kung hindi ang makasama siya.
"Maglalakad lang sa shore line?" Hindi siguradong suggestion ko.
"You know there's a party going on in the ballroom. If you guys want to have some fun, you should join us." Nakangising singit ni Marco.
Sabay kami ni Marcus na napatingin sa kan'ya. Tumingin ako kay Marcus na ngayon ay nakatiim bagang sa lalaking nasa gilid namin.
"We will think about it. Thanks for the invitation." Pormal na sagot ni Marcus.
"Good! Be sure to wear the color of your relationship status." Nakangising dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa harapan namin ni Marcus.
I want to go. Hindi ba 'yon naman ang point ng pagpunta namin sa lugar na 'to? To have some fun. Nakadalawang basong wine na kami ni Marcus bago siya muling nagsalita.
"Do you want to go?" He asked.
Umiling naman ako. Hindi ko alam. I'm not sure about the party but I want him to come with me.
"Kung pupunta ba ako sasama ka?"
"Uh, yeah sure..." Tipid niyang sagot.
Lumiwanag ang mukha ko dahil sa sagot niya. Pagbalik namin sa suite ay nadaanan namin ang malakas na ballroom kung saan nagaganap ang isang magarbong party.
Mayroong malaking banner sa labas nito na nakalagay ang mga dapat suotin ng guest base sa kan'yang relationship status.
Napahinto ako doon habang binabasang mabuti ang mga nakasulat. Should I wear white, blue or red?
White para sa mga single , blue para sa mga nasa complicated relationship at red naman kapag nasa in a relationship.
Ipinilig ko nalang ang ulo ko pagkatapos ay sinundan na sa paglalakad si Marcus. Pagdating namin sa suite ay may tumawag sa kan'ya kaya nauna na akong pumasok sa kwarto.
Sanay na ako sa gano'n. I didn't bother to ask him even once. May karapatan pa ba akong itanong 'yon?
Naghalungkat rin ako sa maletang dala ko ng pwedeng suotin. Wala akong nakitang blue na damit doon dahil halos puro puti ang dala kong damit. Ang pulang boho dress ko naman ay kakasuot ko lamang kahapon. I don't have any choice but to wear white.
Agad kong isinuot ang puting off shoulder crop top at shorts na nakuha ko sa aking maleta. Naglagay rin ako ng kaunting make-up para naman ma-highlight ang soft features ng mukha ko. I also wear red lipstick. I don't want to look pale especially now.
Isang mahinang katok ang nagpabalik sa'kin. Dali-dali naman akong tumungo doon.
I gasp when I saw Marcus's eyes laid on me. Para bang noong unang beses niya akong nakita sa campbell. Hindi ko alam kung bakit pero nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko ay nangilid ang mga luha ko.
"I'm... I'm done Marcus." Nauutal kong sabi.
Siya naman ay patuloy paring nakatitig sa'kin. Para bang sinusuri ang kabuuan ko.
"O-Okay. Magbibihis lang ako saglit." Aniya.
Ngumiti naman ako at kinuha ang sling bag ko sa kama bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Hihintayin kita..." I smiled bitterly while he closed the door.
Para bang tinalo na naman ako ng lungkot sa puso ko. Hindi ko maintindihan. Gusto kong maging masaya nalang habang may oras pa akong makasama siya. Pero ayaw kong umasa at maulit na masaktan.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas narin siya ng kwarto. He wears red polo shirt and white shorts. Parang gusto kong maguilty na hindi ko mawari.
"Let's go..." May lungkot sa boses niyang sabi.
Malayo palang ay nakita ko na si Marco na napapalibutan ng mga babae sa harapan ng venue.
"I'll take this call Blaire, mauna kana." Sabi ni Marcus pagkatapos itaas ang kan'yang telepono. Tumango lang ako.
Parang gustong manginig ng mga tuhod ko dahil do'n. Oo nga at sumama siya sa'kin pero wala naman sa'kin ang buong atensiyon niya.
"Good evening!" Bati ng receptionist na naroon.
"Good evening..." Tinapatan ko ang ngiting ibinigay niya.
I need alcohol. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang uminom ng alak at magpakalunod rito.
Nang masulyapan ako ni Marco ay agad naman siyang nagpaalam sa mga kasama niya. Nang may dumaang waiter sa harap niya ay kumuha siya sa tray na hawak nito ng isang champagne bago ako tuluyang salubungin.
"Cheers for the single lady!" Nakangisi niyang bati sa'kin.
Tipid ko siyang nginitian.
"Thank you." Kinuha ko ang champagne sa kamay niya. "Meron bang mas hard dito?" Tukoy ko sa hawak ko.
"Easy! I can see that you're... alone?"
"Marcus is outside."
Sabay na kaming pumasok sa loob ng venue.
Mga malilikot na ilaw ang sumalubong sa'kin. Mga taong nagkakasiyahan at ang iba pa nga ay halos magwala na sa dance floor. Napailing ako. I've never been drunk all my life but I want to try. Yung tipong gagapang nalang ako pauwi.
That's what I like. I need to forget everything.
Tinungga ko ang hawak kong champagne.
"Can we have vodka now?" Ngumisi ako.
I loosen up a bit. I reminded myself to be happy and forget about Marcus.
"Sure! hey, vodka here!" Tawag pansin niya sa lalaking waiter. Mabilis namang tumalima ang huli.
"Ikaw bakit blue?" Usisa ko sa damit niyang suot.
Tumawa naman siya. Nag-iwas ako ng tingin. He looks damn gorgeous with that messy hair. Is this a good thing? Na kaya ko ng maka-appreciate ng ibang tao maliban kay Marcus?
Sinuri niya ang sarili sa huling pagkakataon bago nagsalita.
"It's complicated."
"Your relationship status?" Kunot noong tanong ko.
Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago itinuon ang tingin sa'kin.
"It's complicated to choose a girl tonight." I rolled my eyes as he smirked.
"Psh! Play boy!" Dumating na ang waiter na may dalang anim na shots ng vodka.
Inisa isa kong tunggain ang laman ng mga 'yon at ni isang pagtutol ay wala akong narinig kay Marco. Kung siguro'y si Marcus lang ang kasama ko ngayon ay baka pinagalitan na ako nito.
Isang oras na ang lumipas pero hindi parin siya bumabalik. Kahit na nagiging masaya ako sa company ni Marco ay hindi ko matanggal sa isip ko si Marcus.
I chug all the drinks in our table. Sa huling shot ako nakaramdam ng pagkahilo.
"Sayaw tayo!" Hindi ko na hinayaang makasagot pa si Marco. Agad akong tumayo para kunin ang kamay niya at hilahin patungo sa dance floor.
"Wooh!" Sigawan ang sumalubong sa'kin.
I dance all the remaining pain. Itinaas ko ang mga kamay ko at hinayaan 'yon sa ere habang umiindak sa beat ng masayang tugtugin.
Humarap ako kay Marco na gano'n din ang ginagawa. He smiled at me. Nang magbago ang tempo ng tugtog ay hinawakan niya ang bewang ko. I didn't mind. Siguro ay dala narin sa alak na nainom ko.
Hinayaan ko siyang hawakan ako. Ang bewang ko. Tumalikod ako para ilapat ang katawan ko sa kan'ya. I closed my eyes and feel the rhythm.
Hindi pa man ako nakakagiling sa harap ni Marco ay isang kamay ang naramdaman kong humila sa'kin.
Gulat akong napadilat. I saw Marcus's eyes burning! Para bang ngayon ko lang siya nakita ng ganito kagalit.
"Uuwi na tayo Blaire!" Matigas niyang sabi bago sulyapan si Marco.
Nang hilahin niya ako palabas ay wala na akong nagawa. I let him. Halos madapa na ako dahil sa bilis ng paglalakad niya.
My world is spinning...
Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa paglabas namin ng venue ay saka niya palang binitiwan ang kamay ko.
"What the hell was that for Blaire?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro