Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Fourth Day



"Ready?" Tanong ni Hermes habang nasa mga mata ko ang kan'yang kamay.

"Oo na!" Natatawang sabi ko.

Marahan niyang tinanggal ang kamay niya sa mata ko.

Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga lanterns na nagmistulang ilaw sa langit. I've never experienced something like this. Noon pa man ay pangarap ko ng makakita ng ganitong klaseng event.

Nangilid ang mga luha ko ng humarap ako sa ka'ya. Mabilis namang napawi ang mga ngiti niya at agad na hinawakan ang kamay ko.

"What's wrong? Okay ka lang ba?" Pag-aalalang tanong niya.

Napapikit ako ng maramdaman ang pares ng kamay niyang pumahid sa mga luha ko. Tumango ako at niyakap siya.

"Thank you Hermes!" Sabi ko sa gitna ng paghikbi dahil sa tuwa.

Hinagod niya ang likod ko pagkatapos ay iniharap ako sa kan'ya. He handed me his handkerchief.

"Iiyak ka ba o papaliparin na natin yan?" Nakangiting sabi niya.

Ngayon ko lang napansin ang dalawa pang lanterns na nasa likod ng kan'yang sasakyan.

I held my tears back. Matagal ko ng gustong gawin ang bagay na ito. I don't know.

Parang pakiramdam ko pwede kang mag wish sa mga 'yon papuntang langit.

Sinindihan ni Hermes ang mga hawak naming paper lanterns. Sinulyapan niya ako bago pumikit. Ginawa ko rin ang ginawa niya.

I prayed.

Nagdasal ako na sana sa paglipad nito patungo sa kung saan ay kasabay na no'n ang peace of mind, heart, body and soul na matagal ko ng gustong makuha.

Sa pagdilat ng mga mata ko ay ang seryosong mukha ni Hermes ang nakita ko. My heart pounded when I see his white teeth. He looks so handsome now. Or it's just because of the lantern?

Sabay naming binitawan ang mga 'yon. Kasabay ng pag-asa kong magiging maayos na ang puso ko. Napapitlag ako ng maramdaman ang kamay ni Hermes sa balikat ko.

It feels warm. Imbes na tumutol ako sa ginawa niya ay inihilig ko nalang ang ulo sa katawan niya. I never felt this feeling in a long time. Yung bang pakiramdam na safe ka.

Maaga akong nagising kinabukasan. Wala sa tabi ko si Marcus. Just like what I expected. Pinilit kong ngumiti. It's a brand new day!

Pang apat na araw na ito. Dumiretso ako sa banyo para maligo. Kahapon ay nag dinner akong mag-isa at nagkulong lang sa kwarto. Hindi ko alam kung saan naman si Marcus buong araw.

Siguro ay kausap parin 'yong kausap niya kahapon. My heart ached. Tama ba 'to?

Parang gusto kong batukan ang sarili ko. I'm selfish. Kagustuhan ko lang ang gusto kong mangyari. Pinilit ko siya sa huling pitong araw. Kahit na masakit para sa'kin.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Nasa ika-apat na araw na kami. Konti nalang. Konting konti nalang Marcus. I'm sorry...

Naglagay ako sa mukha ko ng make-up. I don't want him to see my swollen eyes. Buong gabi yata akong umiyak kahit na sa pagtulog. Even in my dreams, his love haunts me.

"Good morning!" Masaya kong bati ng makita ko siyang kakagising lang din. Sa couch pala siya natulog.

"Good morning Blaire." He smiled.

Napahinto ako. Siguro ay naisip niyang tatlong araw ng pagtitiis nalang naman at matatapos na ang kahibangan ko.

"Bakit diyan ka natulog? Pwede ka naman sa kwarto." Ngumiti narin ako.

"Hindi na, ayaw na kitang gisingin kagabi." Sagot niya bago tumayo.

"Late narin naman ako natulog Marcus. Mamaya sa kwarto ka nalang ha." Dumiretso ako sa kusina.

Mabuti nalang at may kusina itong suite na nakuha namin. I want to prepare our food. Gusto kong ako mismo ang maghahain sa kan'ya. Sayang naman ang tatlong buwang culinary course na kinuha ko kung hindi ko magawang ipagluto siya di ba?

I was preparing for a married life. Kaya ako nag-aral no'n. Pero ngayon, siguro kahit ngayon lang. Kahit ngayon nalang. Maipagluto ko parin siya.

Gumawa ako ng bacon and eggs. Waffles at chicken sandwich. Paghain ko sa lamesa ay tapos na siyang maligo.

Nakaputing sando lang ito at board shorts.

"Kain ka na Marcus." Inilapag ko na ang lahat ng niluto ko. Ang mga prutas naman na nakalagay sa kitchen counter ay inilagay ko sa lamesa.

"Pwede naman tayong um-order ng pagkain ah." Umupo na siya.

I sit in front of him.

"Hindi na, kaya ko naman eh. Tsaka breakfast lang naman. Madali lang mag prito. May iba ka pa bang gusto?" Tanong ko.

Umiling siya.

"Wala na. Okay na 'to." Aniya.

Tahimik lang siya sa pagkain. Isang tanong isang sagot.

"Gusto mo bang may snorkel? Jet ski?" Tanong ko.

"I don't feel like moving today. Ikaw nalang. Hihintayin nalang kita sa loungers." Tumango ako.

"Sige."

Nang matapos ang pagkain ay sabay kaming pumunta sa pampang. Masarap sa balat ang araw na sumalubong sa'min. Hindi gaanong mainit at tamang tama lang sa balat.

"Good morning Misis Soriano!" Masayang bati ng isang lalaking nakasuot ng pulang rash guard.

Nagkatinginan kami ni Marcus.

"Lozaga." Pagtatama ko.

I was supposed to be Mrs. Soriano but life happened. I smiled bitterly. Para namang namutla ang lalaking nasa harapan ko dahil sa sinabi ko.

"I'm sorry Ms. Lozaga!" Yumuko pa siya.

"It's okay." Pormal kong sabi.

Iginiya niya ako sa pampang habang si Marcus naman ay naroon lang sa isang lounger at nakatingin sa kinaroroonan ko.

Hinatid ako ni Jared sa lalaking magtuturo sa'kin kung paano gamitin ang jet ski.

This is my first time to try the activity. Gusto ko sanang subukan ang lahat ng bagay sa unang pagkakataon kasama si Marcus but it's too late now.

Lumapit sa'kin ang isang lalaking nakasuot rin ng parehong rash guard.

He was tall, dark and literally handsome. Bakat sa katawan niya ang nagmumurang abs dahil sa hapit ng kan'yang suot.

He doesn't look like my race. Para siyang brazillian model! Hindi ko tuloy alam kung saan ako kakabahan? Sa presensiya niya o sa pagsasalita ng english?

"Hi Miss?" Inilahad niya ang kamay niya.

"Blaire... Blaire Lozaga..." Sabi ko bago abutin ang kamay niya.

"Marco." His white teeth showed when he smiled at me.

You gotta be kidding me! Marcus, and Marco? Parang gusto kong sakalin ang tadhana.

"Shall we?" Pagpuputol niya sa kung anong nasa isip ko.

He taught me the basics. From engine to everything. Nag dry run rin kami.

Nasa likuran ko siya at nakalapat ang katawan sa akin dahil hawak naming pareho ang manubela.

Imbes na isipin ko ang pagkailang ay inenjoy ko nalang at ginawa ang mga itinuro niya.

"Good job!" Hiyaw niya ng hayaan na akong magmaniobra ng jet ski.

"Thank you Marco!" Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo no'n.

"Wooh!" Pareho kaming sumisigaw at tumatawa ngayon. For once, I'm happy.

Nakailang ikot kami bago ako nagpasayang bumalik sa resort.

Napawi ang mga ngiti ko ng makita ang madilim na aura ni Marcus na ngayon ay nakatayo at hinihintay ang pagdaong namin.

"Am I in trouble?" Natatawang bulong ni Marco.

Tumawa lang ako.

"No! He's my ex."

"So?"

"So meaning, wala na siyang karapatan sa'kin. Besides, I don't really think that he still loves me." Matapang kong sagot.

"Then let's see..."

Ngumisi siya at lumapit ulit sa katawan ko para abutin ang susi ng Jet ski. Pinatay niya 'yon.

"What are you doing!"

"Ayaw mo bang malaman kung mahal ka pa ba niya?" Ngumisi siya.

Natulala ako ng tumayo siya at lumipat sa harapan ko. Para akong naubusan ng hininga ng yumuko siya para halikan ako. Napapikit nalang ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko o ang magiging reaksiyon ko. Wait...

Napadilat ako ng marinig ang nakakalokong tawa niya.

"I'm just kidding! Relax..." He smirked at me. Hinampas ko naman ang kamay niya.

Halos magdikit na ang mga mukha namin ng sumeryoso siya at yumukong muli.

"Pero kung gusto mo..."

Imbes na sumagot ako ay umatras nalang ako at mabilis na tumalon sa dagat. Lumangoy ako palayo kay Marco. Naririnig ko parin ang tawa niya.

Aaminin kong nakakadistract ang appearance niya. Pero masaya siyang kausap. Sa isang oras namin ay para akong nakahanap ng kakampi.

"Joke lang!" Sigaw niya ng umahon ako. Hawak niya pa ang tiyan niya. Yung abs niyang nagmumura.

"Joke mo mukha mo!"

Pagbalik namin sa pampang ay agad na lumapit sa'kin si Marcus at hinawakan ang kamay ko.

"Halika na..." Ngumiti siya.

Natigilan naman ako. Sumulyap ako kay Marco at nakita ko na naman sa mga labi niya ang pang-aasar.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro