Wakas
WAKAS
BLUE GONZALES' POV
SEVEN YEARS had already passed pero parang kailan lang nangyari ang lahat. Para ngang pakiramdam ko ay kahapon lang ito nangyari. Sobrang linaw pa kasi nito sa isipan ko. Sobrang linaw pa ng mga alaala na nakapagpabago sa buhay ko. Pero... ano na nga ba ang nangyari sa nakalipas na pitong taon? Marami na. Sobrang dami na.
Nandiyan yung nagka-anak na ng kambal sina Peach at Red at kami ni Creamy ang ninong at ninang. At ngayong taon, papasok na ang mga ito sa eskwelahan bilang mga kindergarten students. Masaya nga ako na masaya ang nagiging takbo ng pamilya ng ate ng pinakamamahal ko at best friend ko. Oo, sa nakalipas na pitong taon, naging mag-best friend na kami ni Red. Hindi namin pareho alam kung paano nangyari 'yon. Basta isang araw, mag-best friend na ang turingan namin sa isa't isa.
Maayos na rin ang buhay nila Orange at Brown. Kakatapos lang nila ikasal no'ng isang taon at masaya ako dahil nagbunga agad ang kanilang pagmamahalan. At ngayong taon na nga ipapanganak ang una nilang anak; at sa ayaw man o sa gusto namin ni Creamy, kinakailangan naming maging ninong at ninang din sa magiging anak nila. Masaya naman kami sa bagay na 'yon pero yung gastos kasi ang iniisip namin para sa hinaharap. Baka yung tatlo agad naming mga inaanak ang maging dahilan ng pagkabutas ng bulsa ko. 'Di biro lang.
Habang kami namin ni Creamy, maayos na rin ang buhay. Ikinasal kami two years ago at katulad din nila Orange at Brown, nagbunga na rin agad ang pagmamahalan naming dalawa. Mauuna nga lang si Creamy sa panganganak kay Orange pero halos kaunting araw lang naman daw ang pagitan nito ayon sa doktor nilang dalawa (oo, pati doktor nila sa panganganak ay pareho).
"Bestie, basta yung promise mo sa akin, huh? Na kapag lalaki 'yang naging anak mo, sila na ng anak ko ang magkakatuluyan kapag tumuntong sila sa tamang edad, ah." pagsasalita ni Orange.
Nandito kami ngayong apat nila Creamy, Brown, at Orange sa living room ng bahay nila Peach at Red. Ngayong araw kasi ang sixth birthday nila Rina Riz o Riri at Runo Ruz o Ruru—yung kambal na anak nila Peach at Red.
"Oo naman, bestie. Kaya sana talaga mag-dilang anghel ka at lalaki nga itong ipinagbubuntis ko." natatawa namang sagot ni Creamy.
Ayaw kasi ni Creamy na magpa-ultrasound para raw surprise sa aming dalawa kung lalaki ba o babae ang magiging anak namin. Samantalang si Orange naman na nagpa-ultrasound ay sigurado ng babae ang magiging anak niya. Ilang beses na rin namin ni Creamy pinag-awayan ang tungkol sa bagay na 'yon. Pero di kalaunan, sinunod ko na lang ang kagustuhan niya. Kaya kahit malapit na siyang manganak, wala pa kaming masyadong gamit para sa magiging anak namin. Iilang mga tipikal na gamit sa mga bagong silang na sanggol na unisex lang ang mayroon kami.
"Ay, naku! Excited na ko kung nagkataon. Nga pala, ano palang balak niyong ipangalan diyan kung saka-sakaling lalaki ang magiging anak niyo ni Blue?"
Kung kanina ay nakikinig lang ako sa usapan n'ong dalawa tungkol sa mga ipinagbubuntis nila habang nakikipag-usap kay Brown, ngayon, napatingin na ko kay Creamy at hinihintay ang magiging sagot niya.
Ang usapan kasi namin, kapag babae ang magiging anak namin, ako na ang bahala sa pagpa-pangalan. Una pa lang talaga, babae na ang gusto ko. Habang siya naman ang bahala kapag nga naging lalaki ito. Sabi naman niya, may naisip na raw siya. Pero ayaw niya naman itong ipaalam sa akin. Simple lang naman daw yung pangalan pero sobrang lalim daw ng koneksyon sa mga pinagdaanan namin. Kaya heto ako, na-curious tuloy bigla. Kung puwede nga lang talaga na maging kambal din ang anak namin at parehas din kila Peach at Red na babae at lalaki ang mga ito, bakit hindi, 'di ba? Pero ang liit lang kasi ng chance n'on. Ayon kasi sa pamilya Cortez, wala naman daw sa lahi nila ang pagkakaroon ng mga kambal. Nagkataon lang talaga siguro at sobrang suwerte lang nila Peach at Red kaya biniyayaan sila ng gano'n.
"Secret muna, syempre. Gusto ko nga surprise lahat, 'di ba? Malay mo naman kasi maging babae 'to..." sabi niya sabay himas sa malaki na niyang tiyan. "...e di, pare-pareho tayong nasaktan dahil sa disappointment." pagkatapos sinegundahan niya agad ito ng mahinang pagtawa.
"Sabagay," pag-sang-ayon namin ni Orange. "Pero sana naman maging bagay sa magiging pangalan nitong anak namin, ah."
"Bakit, ano bang ipa-pangalan mo diyan sa magiging anak mo?" hindi ko na napigilan ang sarili at sumabat na ako sa usapan nila.
"Athena Leigh."
MAKALIPAS ANG halos dalawang buwan ay dumating na rin ang pinakahihintay naming araw ni Creamy. Mukhang manganganak na kasi siya ngayong araw. Hindi pa naman sigurado dahil ang sabi sa amin n'ong doktor niya, sa isang linggo pa raw ang nakatakdang araw ng kanyang panganganak. Pero dahil sa biglaang pagsakit ng tiyan niya kanina habang nakikipaglaro sa kambal na sina Riri at Ruru, agad ko na rin siyang isinakay dito sa sasakyan ko at papunta na nga kami sa Del Valle Medical Center.
"Creamy, saglit lang, ah. Pigilan mo muna ang paglabas ni baby, okay? 'Wag ka rito sa kotseng manganak, please." kinakabahang sabi ko. Hindi na kasi siya mapakali sa kakatili at sigaw kaya lalo akong kinakabahan. Imbes tuloy na magdahan-dahan ako sa pagmamaneho, medyo nabibilisan ko na.
"A-Ano ka ba! 'W-Wag mo kong intindi—ahhhhh—h-hin... yung pagmamaneho mo—ahhhhh—yung intindihin mo diyan at baka mabunggo tayo!"
Kung anu-anong dasal na rin ang ginawa ko sa aking isipan. Sana talaga maging maayos ang panganganak nitong si Creamy at maisilang niya ng ligtas ang anak namin.
"Creamy, malapit na tay—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil saktong pagliko namin sa kanan ay may sumalubong sa amin na ten-wheeler truck. Hindi ko ito agad napansin kaya huli na nang maisipan kong pumreno.
"C-Creamy..." pagtawag ko sa kanya nang magising ako na may kaunting pagkirot sa ulo akong naramdaman. Pagtingin ko sa backseat, halos magsi-sigaw ako ng makita ang itsura ni Creamy. Nakapikit na siya ngayon at may kaunting dugo rin banda sa ulo niya. "C-Creamy... no. Gumising ka, please. Creamy, wake up!" mas lalo pa kong nagsi-sigaw nang makita ang mga dugong unti-unting dumadaloy sa binti niya. "Creamy, no! Wake up, please! Yung anak natin, Creamy..." hindi ko na rin napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko.
Napatigil lang ako saglit nang maramdaman kong bahagyang gumalaw ang mga daliri ni Creamy na hawak-hawak ko.
"B-Blue..." nahihirapang pagtawag niya sa akin. Marahan niya ring iminulat ang kanyang mga mata upang makita ako.
"Creamy, 'wag ka ng magsalita, okay? Dadalhin na kita sa ospital. Lumaban ka lang."
"Yung baby natin, Blue..."
"Don't worry. Magiging safe din ang baby natin. Magiging safe din kayong dalawa." umiiyak na sabi ko at lalabas na sana upang humingi ng tulong nang pigilan niya naman ako.
"No, B-Blue..." muli niyang pagsasalita. "Y-Yung anak na lang natin ang iligtas mo dahil... dahil mukhang hindi ko na kaya."
"Creamy, no! 'Wag ka namang magsalita ng ganyan. 'Wag mo naman akong iwan. Lumaban ka, please!"
"I'm sorry, Blue... h-hindi ko na talaga kaya."
"C-Creamy, n-no..." hagulhol na ang ginawa ko dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Creamy. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Kapag may nangyari sa babaeng pinakamamahal ko.
"S-Seven..."
"H-Huh? Anong sabi mo? Seven? Anong seven?" naguguluhang tanong ko nang banggitin niya ang salitang 'seven'.
"'Yon ang gusto kong ipangalan mo sa magiging anak natin kung... kung lalaki siya, oka—"
"Creaaaaaaaamy, noooooooo!"
DEAD ON arrival. Masakit man tanggapin pero 'yon ang kinahantungan ni Creamy nang madala pa namin siya n'ong mga tumulong sa amin no'n sa ospital. Hindi ko nga alam kung magagawa ko pa bang maging masaya no'ng sabihin sa akin ng doktor na ligtas ang mga bata na dinadala ni Creamy. Oo, yung hinihiling ko na maging kambal sana ang anak maging namin ay natupad. Pero kahit anong pilit ko sa aking sarili, hindi ko pa rin magawang maging masaya no'n dahil yung babaeng matagal ko namang hiniling na makakasama ko habang buhay ay iniwan na ko. Iniwan na niya ako at napaka-imposible na mababalikan niya pa ako.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas simula nang maaksidente kami. Simula nang mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Syempre, masakit pa rin sa parte ko. Dahil sariwang alaala pa rin ang nangyari sa amin two years ago. Yung aksidente, yung pagsilang n'ong kambal, at...at yung pagkawala ni Creamy. Sariwang-sariwa pa rin ang mga iyon sa alaala ko at parang panaginip na lang ang lahat. Mas gusto ko nga iyon, e. Sana nga gano'n na lang ang nangyari. Sana nga panaginip na lang ang lahat at sa paggising ko, kasama ko pa rin si Creamy. At masaya sana kami kasi nabuo na ang pamilyang sabay naming pinangarap dalawa. Pero ngayon... mukhang ako na lang ang tutupad sa pangarap naming 'yon.
Wala na talaga akong balak na mag-move on. Dahil kahit saan mo namang anggulo tingnan, malaki ang naging kasalanan ko kung bakit kami na-aksidente no'n. Pero katulad ng sinabi sa akin ni Creamy, almost ten years ago kung kailan kami unang nagkakilala, I need to move forward. At kahit napakahirap talaga itong gawin sa parte ko, sinusubukan ko siya. Alam ko kasing 'yon na lang ang maibibigay ko kay Creamy para kahit sa huling sandali ay mapasaya ko siya.
"Sir, may tawag po kayo."
Marahan kong ibinaba ang hawak kong baso ng alak at kinuha ang telepono kay Manang Marie, isa sa mga kasambahay namin.
"Sino raw?" tanong ko.
"Si Ma'am Orange daw po."
"Ah, sige. Ako ng bahala, salamat." sabi ko at pinabalik na siya sa kusina. "O, Orange. Napatawag ka?" sabi ko naman sa kabilang linya.
"Isasama mo na ba yung kambal sa pagdalaw ngayon kay Creamy?" mahinang tanong niya.
Bigla ko tuloy naalala na tuwing sasapit ang araw na ito—ang araw ng pagkamatay ni Creamy—ay parati akong mag-isang dumadalaw sa puntod niya. Hindi ko kasi kaya no'n na isama ang kambal. No'ng ipinaliwanag ko nga sa kanila na wala na ang mommy nila, halos hirap na hirap na ako, e. Pero katulad ng sinabi ko kanina, ito na ang simula ng pagmo-move on ko mula sa mga nangyari sa nakaraan. Hindi ko naman ito totally na kakalimutan (dahil alam ko naman sa sarili ko na isa 'yon sa mga alaala na dapat kong i-cherish hanggang sa pagtanda) magmo-move forward lang ako para sa panibagong chapter ng buhay ko kasama ng mga anghel na iniwan sa akin ni Creamy. Ang mga anak namin.
"Kung hindi naman. Susunduin na lang naman ulit sila ni Brown—"
"Hindi na, Orange." pagputol ko sa sinasabi niya. "Ako na ang magdadala kila Seven at Reese sa puntod ng mommy nila." nakangiting sabi ko.
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Orange at ang pag-thank you niya na siyang mahinang ikinatawa ko. "Masaya ako na nasa stage ka na ng acceptance, Blue. Maging si Creamy ay paniguradong masaya para sa 'yo kung nasaan man siya ngayon." huling sabi niya bago niya putulin ang tawag.
"Manang Josie!" pagtawag ko naman sa kasambahay namin na nag-aalaga sa kambal.
"Yes po, sir?" anya paglapit sa akin.
"Pabalik naman nitong telepono, o." sabi ko sabay abot n'ong telepono. "Saka pabihis na sa kambal. Sabihin mo, simula ngayon, sa akin na sila sasama sa pagdalaw sa puntod ng mommy nila."
"Sige po, sir."
Mukhang ito ang unang beses na maku-kumpleto tayo, Creamy, bilang isang pamilya. Nasasabik na kong muling makita ka.
Pagsabi ko n'on sa aking isipan, napangiti na lang ako dahil sa biglaang paghangin ng malakas. Alam ko naman kasing binabantayan kami ni Creamy araw-araw. Kahit hindi ko man na siya nakikita tulad noon, nararamdaman ko naman siya. Nararamdaman naman siya nitong puso ko.
"HI, LOVE. Pasensya na kung ginabi na kami, ah. Ito kasing kambal, ayaw magpaawat at kinailangan pa namin munang magpunta sa candy shop ni Peach para makipaglaro kila Riri at Ruru. Kaya ayon, inabutan pa tuloy kami ng traffic." panimula ko nang ilapag ko ang dala-dala kong mga white roses. 'Yon na kasi ang bulaklak na nakagawian kong ibigay sa kanya no'ng nabubuhay pa siya kaya kahit wala na siya, hindi ko puputulin ang nakagawian kong 'yon. "Yung pinangako ko tuloy na kumpleto tayo ngayon, mukhang hindi na matutupad. Paano, dahil sa sobrang paglalaro kanina, bagsak yung kambal ngayon at mahimbing na silang natutulog sa sasakyan."
"Nga pala, dahil parati naman kitang ina-update sa mga nangyayari sa amin ng kambal. Iba naman ngayon ang gusto kong pag-usapan natin. Tungkol naman sa kanila. Ayos lang naman siguro 'yon sa 'yo, 'di ba?" napayakap ako sa aking sarili nang humangin na naman ng malakas. "I'll take that as a yes." natatawang sabi ko.
"Una sa lahat, ayos lang sila. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para maging mabuting ina at ama sa kanilang dalawa. Hindi ko rin hinahayaang hindi ka nila makilala kahit wala ka na sa tabi namin. Parati kasi kitang ikinu-kuwento sa kanila at nakakatuwa naman dahil interesado sila sa mommy nila. Madalas din pala sila kila Peach at nakikipaglaro kila Riri at Ruru. Minsan naman sa anak ni Orange na si Leigh. Hindi ko rin kasi maiwasang hind imaging busy, e. Lalo na ngayon na balak na naming mag-merge ni Red. Pero kahit gano'n, sinisigurado ko pa rin naman na may oras ako para sa kanilang dalawa.
"Seven Rex at Sitti Reese. 'Yan yung buong pangalan n'ong kambal. O 'di ba, sinunod ko yung huli mong kahilingan na Seven ang ipapangalan ko kapag naging lalaki ang anak natin. Pero dahil nga sinuwerte tayo at naging kambal tapos babae at lalaki pa, sinunod ko rin siyempre yung gusto kong pangalan na Reese. Tapos para naman maging konektado pa rin yung dalawa kahit sa pangalan, dinagdagan ko ng Rex yung pangalan ni Seven. Habang tinagalog ko naman at pina-arte yung pangalan niya para naman ipangalan kay Reese. Kaya naging Sitti. Oo na, ako na ang lame at corny sa pagpa-pangalan."
Napayakap na naman ako sa aking sarili dahil sa muling paghangin ng malakas. Kakaiba rin 'tong si Creamy kung mag-response sa akin, e. Nakakakilabot na rin kung minsan.
"May gusto rin pala akong ipag-paalam sa 'yo. Pagtungtong daw pala ng high school n'ong kambal, gusto raw silanghiramin ng Lolo't Lola nila at do'n sa States pag-aralin. Pumayag naman na ako dahil alam kong mas magiging busy pa ako sa mga oras na 'yon. Isa pa, six years lang naman sila ro'n at sa akin naman ulit sila pagtungtong ng kolehiyo. Saka dadalaw-dalawin ko pa rin naman sila ro'n kapag may oras ako at kapag may special occasions na kailangang i-celebrate. Pero dahil nga hindi lang naman ako ang magulang nila, sinigurado ko na rin na magpaalam muna sa 'yo. So, ano? Ayos lang ba sa—"
Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil sa mabilis ulit na paghangin ng malakas.
"Ang bilis mo naman sumagot. Hindi pa nga tapos yung tanong ko." natatawa ko namang sabi pagkatapos n'ong paghangin.
"Creamy... alam kong halos araw-araw ko ng sinasabi sa iyo ito at baka nagsasawa ka na. Pero ako, hinding-hindi magsasawa na sabihin kung gaano..." napahinto ako saglit para haplusin ang puntod niya. "...kung gaano kita kamahal. I love you, Creamy. At parati mong tatandaan na katulad ng sinabi mo sa akin seven years ago..." muli akong napahinto. "...my heart will always remember you. Forever ka ng nandito sa puso ko at wala na kong balak na paalisin ka diyan. 'Wag ka ng umangal pa, okay? Libre na nga ang pagtira mo sa puso ko, e." natawa naman ako sa huli kong sinabi sa kanya bago ako tumayo.
"Sige na at mauna na ko. Baka kanina pa ko hinahanap n'ong kambal. See you again, love. And I love you... hanggang sa kabilang buhay."
—WAKAS—
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro