Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8: The Rules and The List

KABANATA 8—The Rules and The List


NINE DAYS na lang ang natitira sa akin at laking pasasalamat ko at napapayag ko na si Blue (pag-uwi kasi naman kahapon, isa 'yan sa mga kondisyon niya para tulungan niya ako. Huwag ko na raw siyang tawaging Asul dahil ang sagwa raw pakinggan) kahapon. Oo, pumayag na rin siya, sa wakas, na tulungan ako sa misyon ko. Pag-uwi namin galing do'n kay Lola Solidad, parang biglang nagbago ang pakikitunga niya sa akin. Yung kasungitan niya, nabawasan na ng kaunti. At parang naging interesado na siya sa misyon ko.

Pero hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino ba talaga si Lola Solidad. Bakit niya ko nakikita? Bakit alam niya yung tungkol sa misyon ko? Kilala niya ba si Goddess M? Close ba sila? Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko hanggang ngayon. Sobrang weird naman kasi ni Lola Solidad. Tapos pinagsabihan pa ko ni Blue na 'wag na kong magtanong tungkol kay Lola Solidad. Mag-focus na lang daw ako sa misyon ko.

Hindi ko nga alam kung paano ako makakapag-focus kung alam kong kaunting oras na lang ang mayroon ako. Hindi ko pa nga alam kung paano kami magsisimula, e.

"O, Creamy, kanina ka pa gising?" napatingin ako sa kakabukas lang na pinto.

"Hindi naman ako natulog, e." sagot ko.

Oo, hindi ako natulog. Hindi kasi ako makatulog. Mabuti na lang, ayos lang sa amin ang magpuyat. Hindi kami magkakaroon ng eyebags.

"Sabi ko naman sa 'yo, 'wag mo na akong masyadong isipin. 'Yan tuloy, hindi ka pa nakatulog nang dahil sa akin."

Nakalimutan ko pa lang sabihin na yung kaunting kasungitan na nabawas sa kanya ay napalitan naman ng sangkatutak na kayabangan. Parang mas gusto ko tuloy na sungitan na lang niya ko kaysa hiritan niya ko ng mga kahanginan niya sa buhay.

"Asa ka naman." mataray na bulong ko.

Nang dumiretso siya sa kusina, sumunod ako sa kanya. "Um... Blue?"

"Hmm?"

"Kailan natin sisimulan yung misyon?"

Bigla siyang napatigil sa ginagawa niyang pagtitimpla ng kape at nilingon ako. "Ano nga ulit yung kailangan nating gawin?"

Napanganga ako sa naging sagot niya sa tanong ko. Kahapon, tinanong niya rin yung tungkol sa misyon kaya naman todo explain ako sa plano na naisip ko.

"Akala ko ba gets mo na? 'Di ba sabi mo—"

"Biro lang. Oo, gets ko na. Sasamahan at tutulungan kitang kausapin yung mga taong nasaktan mo."

"So, kailan at paano nga tayo magsisimula?"

"About diyan, may kailangan muna akong i-discuss sa 'yo."

"Tungkol saan naman?"

"Malalaman mo rin mamaya. For the mean time, puwede bang pag-kape-hin mo muna ako?"

"Ay, sorry. Sige, mag-kape ka muna diyan."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, bumalik na ko sa sala. Pag-upo ko, bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo. Kahapon, sumakit din ang ulo ko. Saglit lang naman siyang nangyayari sa akin pero iba rin kasi yung sakit.


"TUNGKOL SAAN nga kasi yung idi-discuss mo at bakit kailangan dito pa tayo sa kuwarto? Hindi ba puwedeng sa sala na lang?" naiinis na tanong ko.

"Hoy, Creamy! 'Wag kang maka-rekla-reklamo diyan. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may kailangan sa akin."

"Ay, sino ba kasing may sabing nagrereklamo ako? Ito naman, hindi mabiro. Sige na, mag-start ka na lang mag-discuss."

"Ang plastik mo talagang multo ka."

"Narinig ko 'yon!"

"Okay. Simple lang naman ang idi-discuss ko sa 'yo. Mga rules ko lang habang isinasagawa natin yung misyon."

"Wait—rules? Anong rules? Bakit may gano'n?"

"Rule number one, bawal mag-reklamo."

Mabilis na sabi niya. May hawak siyang maliit na papel na mukhang doon nakasulat yung mga rules na pinagsasabi niya.

"Sa misyong 'to, hindi ako puwedeng makarinig ng reklamo galing sa 'yo. Uulitin ko, ikaw ang may kailangan sa akin kaya hindi ka puwedeng mag-reklamo. May angal ka ba roon? Madali lang naman akong kausap at maaari ka nang makaalis ngayon at maghanap na lang ng ibang—"

"Next rule!" pagputol ko sa mahabang litanya niya. Mamaya magbago pa talaga ang isip nito. Paano na ko, 'di ba?

"Madali ka naman pa lang kausap, e." naka-ngising bulong niya. "Rule number two, bawal kang pumasok sa kuwarto ko unless sinabi ko."

"At sinong may sabing gusto kong pumasok sa kuwarto mo?"

"Malay ko bang palihim mo kong pinagnanasaan, di ba?"

"Aba't ang kapal talaga—"

"Rule number three, bawal mong pakialaman ang kahit na anong gamit dito sa unit ko unless sinabi ko ulit."

"Anong 'kala mo sa akin, pakialamera?"

Nagkibit-balikat siya bago binasa ang susunod na rule kuno niya. "Rule number four, bawal magtanong tungkol sa personal na buhay ko."

"As if I'm interested."

"Rule number five, bawal mo kong sundan 24/7."

"Huh? E, bakit naman kita susundan? Alam mo, walang kwenta talaga 'yang mga pinagsusulat mo diyan. Puro walang sense, e."

"Rule number six, hindi mo ko puwedeng kausapin kapag nasa public places tayo."

"E, paano natin magagawa yung misyon ko kung hindi tayo—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may bigla siyang binato na kung ano sa akin. Pagtingin ko, isang maliit na box. "Ano naman 'to?" nagtatakang tanong ko.

"'Yan ang gagamitin natin para makapag-usap. Alam kong wala 'yan sa bundok pero nilalagay lang naman 'yan sa tainga. Hindi rin 'yan masakit."

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Malapit na talaga siyang makatikim sa akin.

"And the most important rule. Rule number seven, never fall in love with me."


"ARGH! BUWISIT ka talaga Blue Cortez! Yung kakapalan ng mukha mo, one hundred times na."

Nandito ako ngayon sa kuwartong binigay sa akin nung bwisit na Asul na 'yon—sa tapat lang ng kuwarto niya. Hawak-hawak ko ngayon yung papel na naglalaman ng rules nung bwisit na 'yon. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-get over sa panghuling rule niya. Muli kong binasa yung seven rules niya.

1. Bawal mag-reklamo

2. Bawal kang pumasok sa kuwarto ko unless sinabi ko

3. Bawal mong pakialaman ang kahit na anong gamit dito sa unit ko unless sinabi ko ulit

4. Bawal magtanong tungkol sa personal na buhay ko

5. Bawal mo kong sundan 24/7

6. Hindi mo ko puwedeng kausapin kapag nasa public places tayo

7. Never fall in love with me

At sa muling pagkakataon, nilukot ko yung papel. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-init ang ulo ko kapag nababasa ko yung mga wala namang ka-sense sense na mga rules niya—lalo na yung pang-pito. Hindi ko talaga lubusang maisip kung ano ba ang pumasok sa isip niya para gumawa siya ng gano'ng rules.

"Oy, Creamy! Buhay ka pa ba diyan?"

Napatingin ako sa may pintuan nang marinig ko siyang kumakatok.

"Magi-isang buwan na kong patay!" naiirita na sagot ko.

"Hahaha. Oo nga pala."

Tumayo na ako para pagbuksan siya.

"Tapos mo na ba yung listahan?"

"Ay, oo. Bakit titingnan mo na ba?"

"Malamang. Para makaisip na rin ako ng diskarte, 'di ba?"

"Kaya nga ako nagtatanong, e!"

"Aba't sinisigaw mo na—"

"Hindi, ah! Gan'to talaga ang boses ko kapag gabi!"

"Tsk. Akin na nga yung listahan."

Pumasok ulit ako sa kuwarto para kunin yung listahan na ginawa ko kani-kanina lang. Kanina kasi, napag-usapan na namin yung tungkol sa misyon. May nabuo naman na kaming plano at pinagawa niya na sa akin yung listahan ng mga taong dapat kong hingan ng tawad.

"Mind to know kung sino ang mga taong 'to?"

Huminga muna ako ng malalim bago tumango. "Yung una sa listahan, si ate Peach, ate ko."

Si ate Peach ang inuna ko sa listahan dahil sa tingin ko, marami akong naging pagkukulang bilang kapatid niya. Imbes kasi na sinusuportahan ko siya, parati ko pa siyang inaaway at sinisisi. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang isipin ang makakabuti sa akin samantalang puro nakakasama naman sa kanya ang mga ginagawa ko.

"Si Helena Cortez, she's my mom."

Alam kong sobrang disappointed ni mama sa akin, lalo na kapag nakikipagtalo ako kay ate Peach at papa. Siguro sobrang sama na ng loob niya sa akin. Parati ko na lang din pinapasakit ang ulo niya. Alam ko ring hindi ako naging mabuting anak sa kanya.

"Si Harold Cortez, he's my dad."

Katulad nung sabi ko, parati kaming nagtatalo ni papa—sa lahat ng bagay. Para kasing si ate na lang ang tinuturing niyang anak. Habang ako, hangin na lang sa paningin niya. Hindi rin ako naging mabuting anak sa kanya and I feel so bad because of that.

"Orange Ferrer, my-ever-so-loyal best friend."

Orange was always there for me when I need her while I'm always there for her when I only have time. Alam ko sa sarili ko na hindi ako naging mabuting best friend sa kanya. Parati ko na lang siyang sinusungitan. At sobrang thankful ako dahil kahit gano'n, hindi niya ko iniwan.

Napatingin ako kay Blue na tahimik lang na nakikinig sa akin.

"Maris Sy, my super-duper supportive tita."

Tuwing nag-aaway kami nina ate Peach o ni papa, si tita Maris lang ang takbuhan ko. Kahit gaano pa kalayo ang resort niya, sinasadya ko talaga dahil siya lang ang sa tingin kong nakakaintindi sa akin. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil nakakapag-sinungaling pa siya nang dahil sa akin.

"Sino naman 'tong Reggie Enzo Del Valle?"

Nagulat ako nung bigla na siyang nagsalita.

"He's my... boyfriend."

Madami akong dapat ihingi ng tawad sa kanya. Dahil sa akin, napilitan si ate Peach na makipaghiwalay sa kanya. Dahil din sa akin, walang kasalan na naganap. Sa totoo lang, wala talaga sa plano ko ang mahulog sa kanya. Pero nagulat na lang ako na isang araw, hulog na hulog na ako sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip nang muling magsalita si Blue. "M-may boyfriend ka pala?"

"Kakasabi ko lang, 'di ba?"

"Tsk. Mabuti naman at may pumatol sa 'yo."

Sasapakin ko na sana siya nang bigla na lang siyang tumakbo papasok sa kuwarto niya. Isasara ko na sana yung pinto ko nang biglang bumukas muli yung pintuan ng kuwarto niya.

"Bukas na pala natin sisimulan yung misyon." pagkasabi niya niyon, napatingin siya sa wrist watch niya. "12 midnight na. Mayroon na lang tayong saktong eight days."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro