
Kabanata 4: Operation: Finding the Unlucky (?) Guy
KABANATA 4—Operation: Finding the Unlucky (?) Guy
DALAWANG LINGGOna akong palakad-lakad sa kung saan-saan, para lang hanapin yung sinasabi ni Goddess M na lalaking makakatulong sa akin. Buong akala ko, madali lang ang paghahanap sa lalaking 'yon. Hindi naman pala. Kung saan-saan na ako napadpad at kung anu-ano na rin ang mga napagdaanan ko. Actually, marami na nga akong na-discover sa pagiging multo, e. Mga bagay na hindi ko inaasahan na talaga namang sobrang weird and to enumerate kung anu-ano ang mga 'yon:
1. Napapagod pa rin pala kami
2. Puwede rin kaming matulog
Sa halos dalawang linggo kong palakad-lakad at patagos-tagos sa kung saan-saan, ilang beses din akong nakaramdam ng pagod. Syempre, nagpahinga ako dahil do'n. Isa pa, hindi ko inaasahan na puwede pa rin pala kaming matulog. Naramdaman kong hindi naman siya required pero kung trip mong matulog, ayos lang naman.
3. Hindi naman namin kailangan ng pagkain pero puwedeng-puwede pa rin kami kumain
Namangha rin ako na puwede pa pala kaming kumain. At katulad din sa pagtulog, hindi naman siya required pero kung trip mo, go. E, ako pa na isang food lover. Syempre, g na g ako! Kung tatanungin n'yo kung saan naman ako kumukuha ng pagkain sa mga nakalipas na araw, hindi ko kayo sasagutin. Bahala kayo diyan.
4. Hindi na kami nasasaktan
5. At higit sa lahat, hindi na kami namamatay ulit
Ito ang pinaka-na-astigan ako sa pagiging multo ko, so far. Biruin niyo, hindi na pala kami nasasaktan? Isang beses kasi, hindi ko sinasadya na mag-stay sa gitna ng kalsada, e, hindi ko naman alam na may ten-wheeler truck palang padating kaya ayon, nasagasaan ako... pero hindi naman ako nasaktan. Tumagos lang naman kasi yung truck sa akin. Simula niyon, nag-try na ko ng kung anu-anong mga nakakatakot na gawain—katulad ng tinry kong tumalon mula sa 32nd floor. Well, adventurous naman kasi akong tao. Isa pa, I am the type of person who loves taking risk. At dahil hindi na nga kami nasasaktan, na-realize ko rin na hindi na rin pala kami namamatay ulit (alam kong ang weird ng naisip ko sa part na 'to).
Sa muling pagkakataon, napagod na naman ako kaya naisipan ko munang umupo. Wala akong makitang pu-puwedeng maupuan kaya sa may lapag na lang ako umupo. Pakiramdam ko kasi wala na kong lakas na loob para maglakad pang muli. Sa pag-upo ko, out of the blue, naalala ko yung isa sa mga paalala sa akin ni Goddess M tungkol sa misyon ko.
"Thirty days, Creamy. I will only give you thirty days para maisagawa ang buong misyon. Tandaan mo, buhay mo ang nakataya dito. It's either mapapagtagumpayan mo ang misyon mo at makakasama mong muli ang pamilya mo o mabibigo ka at tuluyan mo na silang iiwan. Sa mga kamay mo nakasalalay ang mangyayari sa 'yo at syempre, sa puso mo na rin."
Thirty days lang ang binigay niya sa akin at labing-pitong araw na ang nawala. Mayroon na lang akong natitirang sixteen days at hindi ko na alam kung magtatagumpay pa ba ako sa misyong 'to.
Naalala ko rin ang sinabi niyang kailangan kong matutong humingi ng tawad at magpatawad sa mga taong nasaktan ko at nasaktan ako. Dahil tuloy do'n, naalala ko ang mga ilang pag-aaway namin ng pamilya ko.
"CREAMY, ANO ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo? Tignan mo nga 'yang sarili mo, o. Ang payat-payat mo na. Daig mo pa ang hindi pinapakain. Sabihin mo, kumakain ka pa ba, huh?" Ramdam ko naman ang pag-aalala sa akin ni ate Peach pero wala akong pakialam. Naiinis ako sa kanya!
"Mukhang nagbago ata ang ihip ng hangin at nagkaroon ka bigla ng pake sa 'kin." naiinis na sabi ko.
"Creamy, ano bang pinagsasabi mo? Kahit kailan hindi ako nawalan ng pakialam sa 'yo. Kapatid kita kaya dapat lang akong mag-alala sa 'yo."
Napansin ko ang pangingilid ng mga luha niya kaya naman agad kong iniwas ang tingin ko do'n. Alam ko naman kasing umaarte na naman siya at ayaw ko ng magpadalang mulu do'n. I'm done with her acting skills, nagsasawa na ako.
"Ate Peach, stop acting like you're really concern to me kahit hindi naman talaga. Saka bakit mo ba 'ko pinipigilang umalis? 'Di ba dapat nga matuwa ka pa kasi maso-solo mo na ang lahat. Ang atensyon ni mama at papa, ang kompanya, at si... Red."
Hindi ko inaasahan na pagkatapos kong bitawan ang linyang 'yon, lalapat na lang sa pisngi ko ang palad ni ate. Gan'to pala ang pakiramdam ng masampal. Ang sakit pala lalo't na sarili mo pang kapatid ang gumawa nito.
Agad kong pinigilan ang mga luhang pabagsak sa mata ko. Hindi puwedeng makita niya—nila— na mahina ako. I don't want to give them that kind of satisfaction.
Tumawa muna ako ng peke bago siya muling hinarap. "'Yan, diyan ka magaling! Magaling kang saktan ako. Sabagay, hobby mo na siguro ang pananakit sa akin." at dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Parati mo na lang akong sinasaktan. Parati mo na lang akong inaagawan. Para na lang ikaw ang bida sa mata nilang lahat. Ikaw ang magaling. Ikaw ang may alam. Wala na silang ibang makita kundi ikaw at ikaw lang—"
Hindi ko na natuloy ang susunod ko pang sasabihin dahil sa muling paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Aba't hindi pa talaga siya nakuntento sa isang sampal, huh? D-in-alawa niya pa talaga.
Kung sa isang sampal, pinalampas ko siya, Pwes, sa pangalawa, hindi na. Ano, madalas na nga niya kong saktan emotionally gusto niya pang l-um-evel up at gawing pati physically? Hindi naman ata pu-puwede 'yon. Hindi na makatarungan ang bagay na 'yon. At gaganti na sana ako at sasampalin rin siya pero agad niya namang nahawakan ang kamay ko.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Ako? Sa ating dalawa, ako pa talaga ang nang-agaw?" natatawa niyang sabi pero nakita ko na ang unti-unting pagpatak ng mga luha niya. "Creamy, na-amnesia ka ba? Baka kasi nakalimutan mo na na sa ating dalawa, ikaw ang mang-aagaw dito. Ikaw ang mang-aagaw ng boyfriend!"
Pagkasabi niya niyon, naalala ko agad ang araw na inagaw ko sa kanya si Red. Yes, inagaw ko lang sa kanya si Red—ang kanyang long-time boyfriend. Nalaman ko kasing sa araw na 'yon balak ni Red mag-propose kay ate Peach at dahil gusto ko namang makaganti sa kanya kahit pa-paano, I seduced her boyfriend. E, hindi ko naman alam na madali lang pala ang bagay na 'yon. Sinadya ko pang ipakita kay ate Peach ang paghahalikan namin ng boyfriend niya. And on the same day, ate Peach broke up with Red.
I'm bitch? Yeah, whatever.
Hindi ko na hinayaan pang muling magsalita si ate at dali-dali na kong naglakad palabas.
MARAHAN KONG pinunasan ang luhang bumagsak sa mata ko nang maalala ko ang huling pag-aaway namin ni ate Peach bago ako umalis sa bahay. Ngayon, aaminin ko nang miss na miss ko na siya. Naiinis tuloy ako sa mga katangahang ginawa ko sa kanya. Argh! Bakit ba kasi ang immature ko?
Oo, aaminin ko, parati ko na lang siyang inaaway at sinisisi. Pero hindi niyo naman ako masisisi sa bagay na 'yon. Paano ba naman kasi, sa mata ng maraming tao lalong-lalo na sa mga magulang ko, si ate Peach lang ang bida. Si ate Peach lang ang maya kaya nito, siya lang ang magaling, siya lang ang marunong, siya lang ang mapapagkatiwalaan, siya ang sikat, at siya ang paborito. Habang ako... wala. Para sa kanila, anino lang ako ni ate Peach. Kumbaga, ni minsan hindi nila pinapansin ang mga tamang ginawa, ginagawa, at nagawa ko. Kundi puro na lang yung mga bagay na mali ako ang napapansin nila.
"CREAMY, WALA ka na ba talagang gagawing tama? Ganyan na lang ba ang gusto mong mangyari sa buhay mo, huh?!"
Ramdam ko ang galit sa bawat pagbigkas ni papa ng mga salita. Nandito ako ngayon sa opisina niya dahil pinatawag niya ko para lang pagalitan.
"Hindi ko talaga maintindihan kung kanino ka ba talaga nagmana. Hindi naman kasi ganyan katigas ang ulo namin ng mommy mo. Pero ikaw, hays, ewan ko sa 'yo!"
Gan'to naman parati ang senaryo namin kapag pinapatawag niya ko sa opisina niya. Siguro nasanay na lang ako kaya pasok sa kabilang tainga at labas naman sa kabila ang ginagawa ko.
"Sana talaga hindi ka na lang namin naging—"
"—anak. Sana hindi niyo na lang ako naging anak? Wow, mukhang bago ata 'yon, ah. Pinagsisisihan niyo na ba na naging anak niyo ko, gano'n ba?"
"Creamy, tumigil ka. 'Wag kang sumagot sa papa mo."
"'Ma, 'wag pong sumagot? So, okay lang sa inyo ang sinabi ni papa na sana hindi niyo na lang ako naging anak?"
"Creamy, hindi naman sa gano'n—"
"E, ano, 'ma?!"
"Creamy, 'wag kang sumigaw!"
"'Yan ang hirap sa inyo, 'ma at 'pa. Masyado kasing nakatuon 'yang mga atensyon n'yo kay ate Peach lang. Hindi niyo naman kasi ako pinapansin o bigyan man lang ng atensyon. Ni hindi niyo nga ata naa-appreciate yung mga ginagawa ko."
"Ano bang sinas—"
"Yung blossom cortezian perfume at lavender extract. Talaga bang hanggang ngayon si ate pa rin ang inakala niyong gumawa niyon. 'Pa naman! Naglagay na nga ako ng note pero ano, binalewala niyo pa rin. Kasi para sa inyo, si ate lang ang may kayang gumawa ng bagay na 'yon. Hindi niyo kasi matanggap na kaya ko rin naman ang lahat ng mga ginagawa ni ate. Bigyan niyo lang sana ako ng chance para ipakita 'yon sa inyo!
"Alam mo, 'pa, kung parati rin naman tayong gan'to. Sana talaga hindi na lang din kayo ang naging mga magulang ko."
Pagkasabi ko niyon, dali-dali na kong lumabas ng opisina niya habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha sa mata ko.
'YONG NAALALA kong pag-aaway namin ni papa nung araw na 'yon ang hindi ko makakalimutan sa lahat. Dahil kasi do'n, inatake sa puso si papa at muntikan na siyang ma-comatose. Sobrang pagsisisi ko nung nalaman kong sinugod siya sa ospital pagkatapos kong umalis. At hanggang ngayon nagsisisi pa rin ako. Kung may nangyari lang talaga kay papa no'ng araw na 'yon, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.
Dalawang linggo na simula nang huli kong makita ang pamilya ko at miss ko na talaga silang lahat. Sa ngayon, isa lang ang gusto kong gawin: ang mayakap sila. Pero syempre, para magawa ko na 'yon, kailangan ko na munang mahanap yung lalaking—
"Ay, multo!" gulat na sabi ko nang mapansin kong may multo sa tabi ko? Teka, multo nga rin ba ang isang 'to?
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil nakatayo siya. Pinunasan ko muna ang mukha ko saka muling tumingin sa gawi niya. At muntikan na kong matumba nang bigla na lang niya kong ngitian. Paano ba naman kasi, ang guwapo ng isang 'to. Makalaglag pan—panga. Oo, makalaglag panga. Pero teka... bakit parang familiar ang mukha niya sa akin?
"M-multo ka rin ba?" nagtatakang tanong ko.
Katulad ko kasi, may kakaibang puting liwanag din na nasa paligid niya. At tama nga ang hinala ko nang tumango siya sabay muling ngiti.
"Hi! Ako si Enzo," pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.
May pag-aalinlangan pa kong naramdaman nang abutin ko ang kamay niya. "Creamy," pagpapakilala ko rin.
"Hinahanap mo yung makakatulong sa 'yo, 'no."
Agad akong napakunot ng noo dahil sa sinabi niya. Hindi kasi 'yon patanong kundi parang sigurado talaga siya sa bagay na 'yon.
"P-paano mo naman nalaman?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil diyan," anya sabay turo sa bracelet na suot ko. "Hindi pa kasi lumalabas yung string kaya alam kong hindi mo pa hinahanap yung makakatulong sa 'yo tulad ko."
"May misyon ka rin?"
"Oo, isang misyong hindi ko alam kung hanggang kailan matatapos."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Creamy, tatlong taon ko nang hinahanap yung sinasabi ni Goddess M na makakatulong sa akin pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin siya nakikita."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro