Kabanata 24: A Night to Remember
KABANATA 24—A Night to Remember
KINABUKASAN, ISANG tahimik na paligid ang sumalubong sa akin. Himala at walang bakas ni Blue sa paligid. Pasimple ko siyang sinilip sa kuwarto niya at nagtaka ako nang wala na siya roon. Nung dumiretso naman ako sa kusina, may nakatakip na pagkain akong naabutan at sa ibabaw ay may isang note siyang iniwan.
Creamy,
Good morning, wife!
Hindi na kita ginising pa dahil alam ko namang pagod ka rin.
Kung binabasa mo naman 'tong note ko ngayon, siguradong naka-
alis na ako. Ayaw mo naman kasi akong kausapin kagabi kaya hindi
na ako nakapagpaalam na may business trip akong pupuntahan ngayon.
Pero don't worry, babalik naman ako agad. Nga pala, bago mo tignan
yung surprise ko sayo sa kuwarto ko, kumain ka muna. Ako ang nagluto
niyan kaya dapat ubusin mo. See you later! And I love you.
Blue
Pagkatapos kong mabasa yung note niya sa akin, hindi ko na napigilan ang sarili ko at wala sa wisyo na akong napangiti. Ito talagang si Blue, alam na alam kung paano ako papakiligin. Ibinulsa ko muna yung note niya bago umupo sa upuan para kumain. Sinangag na kanin, scrambled egg, at tocino ang mga pagkaing bumungad sa akin pagtanggal ko ng takip.
Katulad nang bilin niya sa akin, tinapos ko muna ang pagkain bago ko sinilip kung ano ba yung sinasabi niyang sorpresa para sa akin. Pagpasok ko sa loob ng kuwarto niya, isang malaki na parisukat na kahon ang tumambad sa akin. At sa ibabaw nun ay may isa na namang note.
Wear this before 8PM and go to Serendipity Garden :)
See you there, Creamy! I love you.
Naalala ko kung saan yung Serendipity Garden sa sinasabi niya. 'Yon yung parang coffee shop na pinuntahan namin nung isang araw. May kinausap kasi siya ro'n at nagkataon namang sinama niya ko. Nasabi ko sa kanya na nagustuhan ko yung lugar lalong-lalo na yung ambiance. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Mukhang naalala niya ang bagay na 'yon kaya doon niya ko pinapaunta. Pero teka lang... bakit pala niya ko papapuntahan do'n? Ano bang meron?
"RED?! WHAT are you doing here? OMG! Don't tell me tumakas ka—"
"Calm down, Creamy. Si mommy na mismo ang nagpalabas sa akin. Siguro nakulitan dahil paulit-ulit ko ng sinabi na magaling naman na ako. Ayon, pinayagan na niya akong lumabas ng ospital."
Kakagising ko lang kasi at dahil 'yon sa kung sinong walang tigil sa pagdo-doorbell. Si Red lang pala.
"Alam mo bang istorbo ka sa mahimbing kong pagtulog?" inis na sabi ko nang papasukin ko siya.
"Wow. Nagawa mo pa talagang matulog gayong alam mo naman na may lakad ka mayamaya, ah."
Pagkasabi niya niyon, saka ko lang na-realize na may lakad pala kami ni Blue mamayang 8PM. Teka—paano naman nalaman ni Red ang tungkol doon?
"Paano mo nalaman na may—"
"Nakiusap sa akin si Blue na ihatid ka papunta ro'n sa Serendipity Garden. Nakakahiya naman sa 'yo kaya napilitan na akong pumayag."
"Dapat ba kitang pasalamatan dahil do'n?"
"Naman—"
"E di, thank you!"
"Aba talaga namang—"
"OMG! 7:30PM na?! Argh, Red! Bakit naman ngayon mo lang ako pinuntahan?"
Dali-dali kong kinuha yung dress na binigay sa akin ni Blue at binilin niyang suotin ko ngayong gabi. Simpleng dress lang ito na cream ang kulay at may iilang diyamante na disenyo. Pagkatapos maisuot yung dress, sunod ko namang isinuot yung heels. Nagtaka tuloy ako kung paano nalaman ni Blue ang size ng paa ko, saktong-sakto kasi ito.
Kung dati, halos abutin ako ng isang oras bago matapos sa pag-aayos ng sarili. Ngayon naman, wala pang sampung minuto ay tapos na ako at ready na.
"Red, alam kong sobrang ganda ko ngayon pero mamaya mo na 'yan problemahin, okay? Male-late na tayo, e." nagmamadaling sabi ko kay Red paglabas ko ng kuwarto. Wala na kong sinayang pa na oras at agad ko ng hinila si Red palabas.
"Kumalma ka nga lang, Creamy. Panigurado namang kahit na anong mangyari ay hihintayin ka ni Blue do'n, e."
"Kahit na. Nakakahiya kung sobra akong mahuhuli. Assuming na kung assuming pero I consider this night as our first date. So, bilisan mo na lang yung pagmamaneho diyan, please?"
"Okay. Sabi mo, e."
At kung sinu-suwerte nga talaga, wala pang fifteen minutes ay nakarating na kami sa SG. Mabuti naman at may limang minuto pa kami bago mag-8PM. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas sa sasakyan ni Red. At maglalakad na sana ako papasok sa loob nang may nakalimutan akong sabihin sa kanya.
"Ay, Red!"
"Hmm?"
"Salamat nga pala."
"Wala 'yon. Good luck pala sa first date ninyo."
Nginitian ko lang siya dahil sa sinabi niya pagkatapos tuluyan na kong pumasok sa loob. Mukhang pinaghandaan nga ni Blue ang gabing 'to dahil halatang walang ka-tao-tao sa buong paligid. Siguro pina-reserved niya 'tong buong lugar para lang talaga sa amin.Dahil sa biglaang naisip ko, hindi ko mapigilang hindi kiligin.
Pagpasok ko sa may gate, rose petals na nasa lapag ang bumungad sa akin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may isang waiter na ang sumalubong sa akin at inalalayan ako papunta sa kung saan. Sa may likuran ng SG kami dumiretso at pagdating doon, tunog na mula sa violin naman ang bumungad sa akin. Iginala ko ang paningin ko at sa may bandang gitna ko na nga nakita si Blue. Nakatayo siya malapit sa may lamesa na naka-set up para sa dalawang tao.
Nang magsimula na kong maglakad palapit sa kanya ay napansin kong naglakad na rin siya para naman salubungin ako. Abot tainga ang aking ngiti nang makita ko na siya sa malapitan. Yung kaguwapuhan niya para sa akin ay parang mas nadagdagan pa sa ngayon. He's wearing a tuxedo na siya namang bumagay talaga sa kanya.
"I don't know if you like this, but I hope you will. Dalawang araw ko ring pinaghandaan 'to." bungad niya sa akin. "Nga pala, are you into candle lit dinner? Well, wala ka naman ng magagawa dahil ito na ang nandito."
Palihim akong natawa sa mga pinagsasabi niya. Tanong niya kasi, sagot niya rin, e. Ramdam ko ang kabang nararamdaman niya kaya naman agad kong hinawakan ang dalawa niyang kamay.
"Katulad ng parating sinasabi sa akin ni Red. Kalma ka lang, Blue." nakangiting sabi ko. "Isa pa, wala ka dapat na ipagalala dahil nagustuhan ko ang lahat ng inihanda mo. Salamat." dugtong ko pa.
"Salamat naman at nagustuhan mo."
"So, ano ngang meron? Bakit ka naman naghanda ng gan'to?"
Hinintay ko ang magiging sagot niya sa tanong ko. At kumunot naman ang aking noo nang bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Akala ko hahalikan niya ko kaya napapikit ako bigla, hindi naman pala. May ibubulong lang pala siya. "Dahil mahal kita."
Tatlong salita. Tatlong salita lang at kumpleto na agad ang gabi ko. Ngayon, naisip ko pa kung ano bang nagawa ko no'ng past life ko para mabigyan ako ng isang Blue Gonzales. Sobra pa kasi siya sa sobra.
"Ayos lang ba na sumayaw muna tayo habang hinihintay pa natin yung pagkain?" tanong niya.
"Oo naman, walang problema." nakangiting sagot ko.
Nang ilahad niya ang kanyang kanang kamay sa akin, agad ko itong iniabot. Pagtayo namin, saktong Perfect ni Ed Sheeran ang pinatugtog nung nagva-violin. Pareho kaming napangiti ni Blue dahil doon.
"Creamy, ayos lang ba na sabihin ko ang mga nasa isip ko ngayon?" pagsasalita niya nang magsimula na kaming gumalaw.
"A-ayos lang naman." kinakabahang sagot ko.
"The night na nakita kita sa loob ng unit ko, may kakaiba na agad akong naramdaman sa 'yo at 'yon sa tingin ko ang naging rason kung bakit hinayaan kitang pumasok sa buhay ko. At tama nga ako dahil kahit anong pagtataboy ang ginawa ko sa 'yo, hindi ka pa rin sumuko. Isa sa mga katangiang hinahanap ko sa babaeng gusto kong makasama habang buhay.
"Bata pa lang ako, Creamy, ay nakakakita na ko ng mga multo. Ang sabi sa akin ng Lola Solidad ko ay dahil 'yon sa nakabukas kong third eye. Ginawa lahat ni lola para isara iyon pero walang nangyari. Tanging sa mga pangontra na lang kami umaasa. Hanggang sa tumuntong ako sa labing-walong taong gulang at sa 'di inaasahang pagkakataon, naisara ni Lola Sol ang third eye ko. At doon na nagsimula ang normal kong pamumuhay. Akala ko habang buhay ng nakasara ang third eye ko pero nagkamali pala ako. Dahil ikaw, Creamy, ang muling nakapagbukas nito.
"Sa totoo lang, nung araw na napapayag mo ko na tulungan kita, binalaan ko na agad ang sarili ko na kailangan kong ilayo ang sarili ko sa 'yo. Kailangan kong maglagay ng distansya. Iba kasi yung epekto mo sa akin, e. Lalo na kapag nasa malapit kita. Hindi ako mapakali. Saglit lang naman ang pitong araw kaya confident ako no'n na hinding-hindi ako mahuhulog sa 'yo. Pero sa muling pagkakataon, nagkamali na naman ako.
"Creamy, hindi ko alam ang mangyayari sa buhay ko kung isang araw ay mawawala ka na lang bigla sa tabi ko. Simula nang iwan ako ni Andrea, pinangako kong hindi na ko muling magmamahal. At ngayon, sa harapan mo mismo, handa akong baliin ang pangakong 'yon."
"Blue..."
"Wala akong pakialam kung hindi mo pa kayang suklian ngayon ang pagmamahal ko sa 'yo. I'm willing to wait, Creamy. Hihintayin kita hanggang sa kaya mo na rin akong mahalin. Kahit gaano pa 'yan katagal. Kahit abutin pa 'yan ng buwan o taon. Maghihintay ako. Pangako."
Kanina pa nangingilid ang mga luha ko at tuluyan na nga silang nagsibagsakan nang lumuhod si Blue sa harapan ko.
"Blue, ano bang ibig—"
"I know na masyado akong mabilis, but I want you to take this necklace as the sign of my everlasting love for you. I love you, Creamy."
"Blue, tumayo ka nga diyan." mahinang sabi ko dahil basag na rin ang boses ko. Nang mapatayo ko na siya, hinawakan ko naman ang dalawa niyang kamay. "Hindi mo naman na kailangan maghintay, e. Buong puso kong tatanggapin ang pagmamahal mo. I love you too, Blue."
Alam kong gulat na gulat si Blue sa mga binitawan kong salita. Halata naman kasi sa naging reaksyon niya. Siguro hindi niya inaasahan na ngayong gabi na lalabas sa bibig ko ang apat na salitang pinakahihintay niya.
"M-mahal mo rin ako?" hindi niya makapaniwalang tanong.
"Oo, Blue. Mahal na mahal na mahal na mahal din kita." nakangiting sabi ko.
And by that, we kiss like there's no tomorrow.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro