Kabanata 22: The Extension
KABANATA 22—The Extension
MAHIMBING NA ang pagtulog ni Blue nang tignan ko siya sa kuwarto niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman kong hindi pa nakikita ni Blue yung kahon na naglalaman ng mga goodbye letters ko. Thanks to Goddess M.
Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang lubusang maging masaya. Kung noon ay nahirapan ako sa pagpili kong magsa-sakripisyo ba ko o hindi. Masasabi kong mas nahihirapan naman ako ngayon sa pagpili kung ang pamilya ko o si Blue. Sabi kasi ni Goddess M, bibigyan niya kong muli ng pitong araw para makapag-desisyon. Ayon sa kanya, after seven days ay tatanungin niya kong muli. Kung gusto ko bang mabuhay muli pero wala ng Blue sa tabi ko o di kaya manatili na lang akong multo habang buhay na meron namang Blue sa tabi ko.
Mahal ko ang pamilya ko pero... mahal ko rin naman na si Blue. Isa na siya ngayon sa rason kung bakit gusto kong muling mabuhay muli.
Naalala ko tuloy ulit yung pag-uusap namin ni Goddess M kanina.
"Anong ibig niyong sabihin na kailangan kong mamili? Bakit kailangan kong mamili kung ang pamilya ko o si Blue? Hindi ko maintindihan."
"Utos sa akin 'yon ni Goddess Sol."
"Anong utos?"
"Bibigyan ka niyang muli ng pagkakataon na mabuhay pero kailangan mong mamili. Kung ang pamilya mo ang pipiliin mo, makakabalik ka na agad sa katawang lupa mo pero..."
"Pero ano?"
"...pero mabubura ang lahat ng alaala mo kay Blue."
"M-mabubura? Anong ibig mong sabihin na mabubura?"
"Sa oras na magising ka ay mawawala na sa memorya mo si Blue. Ang pagkakakilala niyo, ang pinagsamahan niyo, pati na ang nararamdaman mo."
"I-ibig sabihin... walang matitirang alaala ni Blue sa isipan ko?"
"Wala. Mabubura lahat. Hinding-hindi mo na siya maaalalang muli."
Dahil sa sinabing 'yon ni Goddess M, sumikip na naman ang dibdib ko. Parang anytime soon ay lalabas na lang sa dibdib ko ang puso kong mabilis na ang pag-pintig ngayon.
"E, ano namang mangyayari kung si Blue naman ang pipiliin ko?"
"Habang buhay..."
"H-huh?"
"Habang buhay mong makakasama si Blue pero... hindi na ang pamilya mo."
"A-ano?"
"Hindi mo na makakasama ang pamilya mo pero habang buhay mo naman makakasama si Blue. Ibig sabihin, habang buhay ka ng magiging multo."
"Habang buhay?"
"Oo, Creamy. At bibigyan na lang kita ng pitong araw para makapag-desisyon. Sa ika-pitong araw, bumalik ka rito at kukunin ko na ang iyong desisyon. Sana pag-isipan mong mabuti ang magiging desisyon mo at kung anuman iyon ay buong puso kong tatanggapin."
"C-Creamy..."
"O, Blue. Nagising ba kita?"
"Saan ka nagpunta? Nag-alala ako sa 'yo."
"Nagpahangin lang ako saglit. Sorry kung pinag-alala pa kita."
"Akala ko ngayon na ang balik mo sa katawan mo?"
"Tungkol pala ro'n, Blue... May gusto sana akong sabihin sa 'yo."
Umupo muna si Blue para magkaintindihan kami ng maayos.
"Ano 'yon?"
"Hindi pa pala ako makakabalik ngayon sa katawan ko."
"Bakit naman? Hindi mo pa ba nagagawa yung misyon mo?"
"Hindi naman sa gano'n. Ang sabi lang sa akin ni Goddess M ay kailangan ko munang maghintay ulit ng pitong araw bago ko malaman kung makakabalik pa ba ako o hindi na."
"Gano'n ba?"
Tumango ako bilang tugon sa tanong niya. Alam kong masama ang pagsisinungaling pero hindi kasi ako sigurado kung tama pa ba na malaman ni Blue ang lahat-lahat.
"Magiging okay din ang lahat, Creamy. Naniniwala akong makakabalik ka rin." nakangiting sabi niya sabay yakap sa akin ng mahigpit. "Sa ngayon, 'wag mo muna nating isipin ang bagay na 'yon, okay?"
"Okay."
"I love you, Creamy..."
Dahil sa huling sinabi niya ay napahiwalay ako mula sa pagyayakapan namin nang wala sa oras. "Um... Blue, sa tingin ko, kailangan munang magpahinga ulit. Masyado ata kitang napagod ngayon."
"Creamy..."
"Sige na, Blue. Magpapahinga na rin ako. Good night, Blue."
BATA PA lang ay naniniwala na ako sa kasabihang "action speaks louder than words." Pero sa sitwasyon namin ngayon ni Blue, alam kong mas mahalaga sa kanya ang pagiging vocal ko... sa feelings ko sa kanya. Mukha kasing nakakahalata na siya na sa tuwing magsasabi siya ng 'I love you' sa akin ay agad kong iniiba ang usapan. Hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil ayaw kong umasa pa siya.
Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nang muli akong bigyan nina Goddess Sol at M ng isa pang pagkakataong mabuhay muli pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mabuo-buo ang desisyon ko tungkol sa bagay na 'yon. Kaya naman ayaw kong bigyan ng false hope si Blue.
"Hindi ko alam kung excited ka bang makita si Enzo—este si Red o hindi, e." pagsasalita ni Blue nang mai-park niya na sa harap ng Del Valle Medical Center yung sasakyan niya.
Katatapos lang kasi ng meeting niya para sa isang investment at naisipan naming dalawin naman si Red. Naikuwento ko na kasi sa kanya ang tungkol sa nangyari kay Red. Hindi nga lang lahat-lahat. Syempre, sinigurado ko na yung mga dapat niya lang malaman ang sasabihin ko.
"Sigurado ka bang wala ka ng nararamdaman sa kanya?" muling tanong niya nang makapasok kami sa elevator.
Kahapon pa kasi siya tanong nang tanong tungkol sa bagay na 'yon at kahit ilang beses ko pa atang sabihin na 'wala na' ay hindi pa rin siya kumbinsado. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi lalo't na hindi ko pa naman nasasabi sa kanya ang four magical words na pinakahihintay niya.
"Nagdududa ka ba sa nararamdaman ko sa 'yo?" pang-aasar ko.
"Medyo." mabilis na sagot niya na siyang ikinagulat ko. Hindi kasi siya nakangiti nang sabihin niya 'yon. Seryoso lang ang itsura niya.
"Blue..."
"Biro lang." sabi niya sabay tawa. "Kinabahan ka, 'no?"
At bago pa ko muling makasagot ay bumukas na ang elevator.
"Blue?"
"Alexa?"
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang isang napakagandang babae ang bumungad sa amin pagbukas nung elevator. At mas lalo pa itong nagsalubong nang mapansin kong mukhang magkakilala sila ni Blue.
"Long time no see, Alexa." nakangiting sambit ni Blue. At parang sa isang iglap ay nakalimutan na agad ni Blue na kasama niya ko.
"OMG! Blue Gonzales?" hindi makapaniwalang tanong nung babae na Alexa ata ang pangalan. "Long time no see. It's been a year, huh."
"Yeah... Kumusta ka na pala? Ang tagal mo ring nawala, ah."
"After you broke my heart a year ago, I decided to go to States. Nagbaka-sakali ako na baka nandoon ang lalaking para sa akin. Pero wala. Dito pa rin ako dinala ng mga paa ko... sa 'yo pa rin ako dinala ng tadhana."
Hindi ko na pinatapos pa ang pag-uusap nila at dali-dali na kong nag-teleport papunta sa kuwarto ko. Ang kapal talaga ng mukha nung Blue na 'yon! Dahil lang sa isang babae, kinalimutan na agad ako. At all this time, hindi lang pala si Andrea ang naging ex-girlfriend niya. See? Mas malala pa pala yung mga sikreto niya kaysa sa akin, e. Ano pa ba bukod doon ang mga tinatago niya sa akin, huh? May iba—
Napatigil ako sa pagra-rant sa aking isipan nang mapansin kong hindi familiar sa akin 'tong kuwartong napasukan ko. Parang... hindi ko naman kuwarto 'to. At napagtanto ko nga na tama ang hinala ko nang may magsalita mula sa likuran ko.
"C-Creamy? Creamy, ikaw ba 'yan?"
Dahan-dahan akong napalingon at muntikan na kong matumba sa kinatatayuan ko nang tumambad sa akin si Red na may benda pa ang ulo na nakaupo sa kama niya.
"R-Red?" hindi ko makapaniwalang sabi. "Nakikita mo pa rin ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro