Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11: Sticky Note

KABANATA 11—Sticky Note



"CREAMY, HINDI ako kumakain ng masyadong chichirya. Tumigil ka nga sa paglalagay." naiinis na bulong sa akin ni Blue.

Paano nandito kami ngayon sa isang grocery store kaya hindi niya ko masigawan at sobrang baba lang ng boses niya dahil sa mga taong nakapaligid sa amin. Tapos, lahat pa ng nilalagay kong chichirya sa cart niya ibinabalik niya agad kaya pinagtitinginan siya nung mga tao sa paligid.

"Babayaran naman kita kapag nakabalik na ako sa katawan ko. Gusto mo, gawin ko pang triple e."

"Wow naman. Mukhang ang yabang ng soon-to-be CEO ng Cortezian Scent, ah."

"Shut up!" sabi ko at muling naglagay ng mga chichirya sa cart niya. Naglalagay lang naman ako kapag walang nakatingin para naman safe pa rin 'tong si Blue.

At dahil mukhang nakulitan na siya sa akin, wala na siyang nagawa pa kundi hayaan na lang ako. Na-miss ko kasi talaga ang pagkain ng chichirya, e. Isa kasi 'to sa way ko para matanggal yung stress ko.

"2,875.75 pesos po, sir."

Parehas kaming nagulat sa babayaran niya. "Sorry, hehe." nakangiting sabi ko.

Ang sama naman ng tingin niya sa akin habang binibigay niya yung pera sa cashier.

"Next time, hindi na kita isasama kapag nag-grocery ako. 'Yong one thousand na budget ko, d-um-oble. Imagine, dahil lang sa mga chichirya mo."

"Babayaran naman kita, e. Sabi ko pa nga triple, 'di ba? O sige, pahingi ako papel."

"At ano naman ang gagawin mo sa papel?"

"Basta, pahingi."

Pagkatapos niya kong bigyan ng sticky note agad ko itong sinulatan at ibinigay sa kanya.

"Ano naman 'to?"

"Basahin mo kaya, puwede?"

"This is the proof that I, Creamy Cortez, is need to pay Blue Cortez a three thousand peso cash once I wake up from a comatose. Signed... Creamy Cortez."

"O, 'di ba? May kasulatan na tayo kaya 'wag ka ng mag-alala, huh? May pirma ko pa 'yan para sure."

"Psh. You're crazy. Pero sige, itatago ko 'to." sabi niya at inilagay na niya sa wallet yung sticky note.


KAKAUWI LANG namin galing sa grocery store nang magpaalam siya sa akin na may pupuntahan lang daw siya saglit.

"Basta 'wagmo na akong hintaying umuwi, huh? Baka kasi gabihin na ko."

"Saan ka naman kasi pupunta?"

"Rule number four, remember?"

"Yeah, whatever." sabi ko na lang at papasok na sana sa kuwarto nang bigla siyang magsalita.

"'Wag kang mag-alala, hindi naman ako mambababae."

"Wala naman akong paki kahit minu-minuto ka pang mambabae, 'no!" pasigaw na sabi ko at tuluyan na kong pumasok sa loob.

Kakahiga ko pa lang nang may marinig ako.

"Ang baliw talaga nung multong 'yon."

At doon ko lang na-realize na nakasuot pa rin pala sa mga tainga namin yung ear pod. Napangisi naman ako sa naisip kong plano.


KANINA KO pa gustong alisin yung ear pod sa tainga ko dahil nako-konsensya na ko. Dahil kasi dito, may isang sikreto akong nalaman tungkol kay Blue—tungkol sa past niya. At kanina ko pa rin siya gustong puntahan sa kung saan para samahan.

"—happy fifth year anniversary ulit, Andrea. Mukhang magiging iba ang tradisyon ko ngayon, ah. Mukhang hindi ako puwedeng mag-inom. Paano, yung kinukuwento kong multo sa 'yo, napapayag na akong tulungan siya. Kaya ayon, bawal akong maglasing ngayon dahil may lakad pa kami kinabukasan..."

Hindi ko man masyadong marinig pero ramdam ko ang pagtulo ng luha sa mata ni Blue sa mga oras na 'to.

"Nga pala, Andrea, medyo nagtaksil pala ako sa 'yo kanina. Hindi ko naman kasi alam na ang ganda pala nung ate ni Creamy. Medyo name-mesmerize ako. Pero 'wag kang mag-alala, ikaw pa rin naman ang laman nitong puso ko saka—"

Hindi ko na talaga kaya. Tinanggal ko na yung ear pod at agad 'tong in-off. Itinabi ko muna ito sa may side table bago ako lumabas ng kuwarto at dumiretso sa may kusina.Habang binubuksan ko yung isang piattos, muling nag-flash sa isipan ko yung mga narinig ko kay Blue. Hindi ko naman inaasahan na may gano'n pala siyang pinagdadaanan. Na may gano'n pala siyang past.


KINABUKASAN, MEDYO tinanghali na kami ng gising ni Blue—ay mali, siya lang pala yung tinanghali ng gising dahil halos hindi naman ako nakatulog buong magdamag kakaisip sa mga nalaman ko tungkol sa kanya.

"Dito kayo nakatira?" tanong niya pagkababa niya ng sasakyan.

Nakatayo kami ngayon sa harapan ng bahay namin. Sa bahay na lang kasi naglalagi si mama simula ng umupo na sa puwesto si ate bilang CEO ng kumpanya namin. Ayaw na rin naman kasi siyang i-stress ni papa dahil tumatanda na rin siya.

Habang nakatayo kami sa tapat ng bahay namin, bumalik yung alaala nung huling pag-uusap namin ni mama.

"Anak, bumalik ka na sa bahay. Hindi ako mapakali kapag hindi kita nakikita at hindi ko alam kung nasaan ka." malungkot na sabi ni mama.

Alam kong sobrang nahihirapan na siya sa halos araw-araw naming pag-aaway nina ate Peach at papa kaya naman hindi ko siya mapagbigyan sa hiling niya. Baka kasi mas lalo pang gumulo yung sitwasyon.

"'Ma, mas lalo kang hindi mapapakali kapag nag-stay pa ko sa bahay. Alam mo naman na sa tuwing nagkikita kami nila ate at papa ay nag-aaway lang kami. Kaya sorry po kung kinailangan ko munang lumayo sa inyo."

"Alam mo bang nami-miss ko na yung mga panahon na sobrang magkasundo pa kayo ng ate at papa mo?"

"Mukhang hindi na ata 'yon mangyayari, 'ma. Pasensya na po."

"Creamy, hindi pa ba natin pipindutin yung door bell?"

Nabalik ako sa aking wisyo nang magsalita si Blue malapit sa tainga ko.

"A-Ah, sorry. Sige, pindutin mo na."

Nakailang pindot pa si Blue bago lumabas si Manang Rose—isa sa mga katulong namin.

"Magandang umaga ho, sir. Ano hong maitutulong ko sa inyo?"

"Ay, good morning din po. Gusto ko lang po sanang makausap si Mrs. Cortez. May importante lang po kasi akong sasabihin."

"Ay, naku hijo! Kaaalis lang ni Ma'am Helena. Simula kasi nung maaksidente si Ma'am Creamy, maaga na siyang nagpupunta ro'n sa ospital kung saan naka-confine si Ma'am Creamy."

"Gano'n po ba? Sige po, salamat na lang po. Pasensya na po sa istorbo."

Pagkasabi niyon ni Blue, umalis na rin si manang Rose sa harap namin at muling pumasok sa loob. Humarap naman sa akin Blue pagkaalis ni manang. "So, paano? Do'n tayo sa ospital kung saan ka naka-confine?"

Tumango na ko bilang sagot at agad nang sumakay sa sasakyan. Excited na kong muling makita si mama. Sobrang miss ko na siya.

"Del Valle Medical Center?" nagtatakang tanong ni Blue. "Sigurado kang do'n ka talaga naka-confine? 'Di ba private hospital 'yon?"

"Ano namang gusto mong palabasin, Gonzales? 'Wag ka na ngang magulo diyan at magmaneho ka na lang."

"Ito naman, ang aga-aga nagsusungit ka na naman. Hindi na kita tulungan—"

"Ikaw talaga, Blue, hindi ka na mabiro."

"Tsk."

Saglit lang naman ang biyahe papunta sa ospital kung saan ako naka-confine mula sa bahay namin. Pagbaba ko agad kong sinabi kay Blue kung nasaan ang kuwarto ko. Kaya naman dire-diretso na kami papunta ro'n.

Nang nasa tapat na kami ng kuwarto ko, kakaibang saya at kaba na naman ang nararamdaman ko. Tinitigan muna ako ni Blue ng ilang segundo bago kumatok.

Tatlong beses lang ang ginawa niyang pagkatok at pumasok na rin siya agad. Pag pasok namin, naabutan naming nagdadasal si mama malapit sa tabi ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang mapansing may ilang makina ang nakakabit sa katawan ko.

"Um... Mrs. Cortez?" pag-agaw ni Blue sa atensyon ni mama.

Paglingon niya, napansin kong kakagaling niya lang sa pag-iyak.

"Yes, hijo? Anong kailangan mo?"

"Hindi ko po alam kung paano ko ito sisimulan pero gusto ko lang pong malaman niyo na..." halata sa boses niya na kinakabahan siya kaya siniko ko siya ng mahina. "...na nakikita at nakakausap ko po ang kaluluwa ni Creamy."

"Ano?! S-Seryoso ka ba?"

Hindi na ako nabigla sa naging reaksyon niya. Alam ko naman kasing hindi kapani-paniwala na si Blue Gonzales ay nakakakita at nakakausap ang isang kaluluwa na katulad ko. Kahit sino naman kasi talaga, mahihirapang intindihin ang sitwasyon namin.

"Alam kong sobra pong mahirap paniwalaan pero totoo po ang sinasabi ko. Kung itatanong niyo naman po kung may third eye ako o may kakaiba akong kapangyarihan—hindi ko po alam. Hindi ko naman po kasi talaga alam kung paano ko siya nakikita at nakakausap.

"Pero nandito po talaga ako dahil may pinakiusap si Creamy sa akin. Hindi niya po kasi talaga ako tatantanan at patatahimikin kapag hindi ko po siya pinagbigyan."

Sinamaan ko siya ng tingin pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Hijo..."

"Blue na lang po."

"Okay, Blue. Nagtatalo ang isip ko kung dapat ba kitang paniwalaan o hindi."

"Naiintindihan ko po kayo."

Siniko ko siya para senyasang ibigay na yung mga dapat niyang ibigay kay mama.

"Ay, Mrs. Cortez!"

"Tita Helena na lang, hijo."

"Um... Tita Helena, ipinabibigay nga po pala niya 'to." sabi niya at inabot ang isang picture frame. Litrato namin ni mama ang nasa picture frame. Five years old pa lang ako no'n. "Saka ito pa po." anya sabay abot naman ng isang black forest flavored cake.

Katulad ni ate Peach kahapon, halos maluha-luha na rin si mama. "Hindi ako makapaniwala pero... kasama ba natin siya ngayon? I mean, yung kaluluwa niya."

"Katabi niyo po siya ngayon."

"'Ma... I really miss you."

"Creamy, anak, listen..." hinawakan niya ang kamay ko—yung nakahiga sa kama at walang malay na ako. "...hindi kami susuko. Hindi ka namin susukuan kaya sana ikaw rin. Mahal na mahal ka namin, anak. Please, 'wag mo muna kaming iwan ngayon. 'Wag muna ngayon."

I'll try to hug her but I can't. Hindi kasi maiwasang hindi talaga ako tumagos sa kanya. Pero pakiramdam ko, naramdaman naman niya ang presensya ng pagyakap ko sa kanya.

"'Ma, don't worry, malapit ko na po ulit kayong makasama."

"Alam niyo po, tita Helena, ganyan na ganyan din po yung reaction ni Peach kahapon." pagsasalita ni Blue.

"K-Kilala mo rin si Peach?" hindi makapaniwalang tanong nimama.

"Ah, opo. Pinuntahan po kasi namin siya kahapon sa opisina niya."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon sakto namang kararating lang ni ate.

"B-Blue? Ikaw ulit?"

"O, Peach, nandito ka na pala."

"Sabi nitong si Blue nakausap mo na raw ang kapatid mo kahapon?"

"Ah, opo, 'ma. Nakalimutan ko na pong sabihin sa inyo ang tungkol doon."

"Ah, Peach, tita Helena... Mauuna na po ako—I mean, kami hehe."

Kanina ko pa gustong batukan 'tong si Blue dahil simula nang dumating si ate parang nawala na siya sa sarili niya. Mukhang tinamaan nga siya kay ate Peach.

"Ah sige, hijo. Maraming salamat ulit."

Nauna na kong lumabas dahil sa inis na nararamdaman ko na hindi ko naman alam kung bakit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro