Kabanata 1: The Dream. The Accident. The Unknown Lady.
KABANATA 1—The Dream. The Accident. The Unknown Lady.
HINDI KO alam kung saan ako papunta. Basta patuloy lang ako sa pagtakbo. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kahit madilim, maliwanag ko pa ring nakikita ang mga nagta-taasang puno sa paligid at dahil 'yon sa liwanag na ibinibigay ng buwan. Wala akong ibang makita kundi puro puno. Muli ko ng itinuon ang pansin ko sa tinatakbuhan ko. Habang tumatakbo, maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko. Una sa lahat, hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo. Pangalawa, hindi ko alam kung may humahabol ba sa akin at kung meron man, sino? At pangatlo, bakit nandito ako sa kagubatan at nakasuot ng... puting dress?
Pansamantala muna akong huminto nang mapansing parang wala namang patutunguhan ang pagtakbo ko. Ni hindi ko nga makita ang kadulu-duluhan nitong parting tinatakbuhan ko o kung may dulo pa nga ba ito. Hingal na hingal akong sumandal sa isa sa mga puno.
"N-nasaan ba ako?" kinakabahang tanong ko sa aking sarili. Marahan kong pinunasan ang pawis na unti-unti ng bumabagsak sa mukha ko. "Ano bang nangyayari?"
"Creamy... Creamy..."
Napalingon-lingon ako sa paligid nang may marinig akong kakaibang boses na tumatawag sa pangalan ko.
"S-sino ka? Nasaan ka? Magpakita ka!" buong lakas na sigaw ko.
"Creamy..."
"Ano ba? Nasaan ka ba? Nasaan ba ako ngayon?!"
"Creamy... Nandito ka sa mundo ng Soulnania."
"S-soulna—what?" naguguluhang tanong ko sa sarili habang patuloy pa rin ako sa paglibot ng aking paningin upang hanapin kung saan nanggagaling ang kakaibing tinig na 'yon.
"Nandito ka sa mundo ng Soulnania." pag-uulit n'ya. "Ang mundo kung saan ang lahat ng mga ligaw na kaluluwa ay naririto."
"Ligaw na kaluluwa?!" pasigaw na tanong ko. "Ano bang pinagsasabi mo?"
"Oo, Creamy. Ligaw na kaluluwa. At kaya ka nandito dahil.... isa ka na rin sa mga ligaw na kaluluwa na sinasabi ko. Paniguradong sa mga oras na 'to, wala ka pang naaalala tungkol sa nangyari sa 'yo."
Ni isa sa mga pinagsasabi niya, wala akong maintindihan.
"Alam mo... Kung sino ka mang nilalang ka, wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi mo. Saka, bakit ba kasi ayaw mo magpakita sa akin? Nasaan ka ba, ha?"
"Para nga kunwari pa-mysterious effect ako. Wala ka talaga, e."
Napangiwi ako dahil sa naging sagot niya. Magsasalita pa sana akong muli nang may biglang isang bagay na tumama sa noo ko. "Aray!" reklamo ko dahil sa sakit na naramdaman ko.
Pagtingin ko sa lupa kung saan bumagsak yung bagay na tumama sa noo ko, napakunot ako ng aking noo. "Ano naman ang bagay na 'to?" nagtatakang tanong ko.
"'Yan ang string bracelet. Ang bagay na magdadala sa 'yo upang mahanap mo ang lalaking makakatulong na maisakatuparan ang misyong ibibigay ko sa 'yo."
"Anong misyon—"
"ARGH!" SIGAW ko.
Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Dali-dali akong bumangon at hinawakan ang aking ulo. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko nai-adjust ang aking paningin mula sa liwanag na tumatama sa gawi ko. Kinusot-kusot ko pa aking mga mata nang ma-realize na wala ako ngayon sa kuwarto ko at kakaibang ambiance ang nararamdaman ko. Pagmulat ko, dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo.
"Anong ginagawa ko dito?" nagtatakang sambit ko sa aking isipan. "Bakit ako nandito? Ano bang nangyari? Saka bakit gan'to ang suot ko—bakit ako naka-hospital gown?!" sunod-sunod pa na tanong ko.
Isinuot ko muna ang tsinelas na nasa malapit sa paanan ko bago ako nagsimulang maglakad palabas. Dahil medyo naikot pa ang aking paningin, hindi ko napigilan ang aking sarili na magdire-diretso sa paglalakad. At laking gulat ko na lang nang biglang... tumagos na lang ako sa pintuan.
"A-anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa mga kamay ko. At nasagot lang ang aking katanungan nang may bumangga sa aking isang babae at...at tumagos lang siya sa akin.
I-ibig ba sabihin nito... patay na ako? Teka—ano?! Patay na ako?!
OMG! No, it can't be! Hindi maaaring patay na ako! Saka paanong nangyari 'yon, e, nasa bar lang naman ako kagabi pagkatapos...
Napatigil ako bigla nang may mga alaalang pumasok sa isipan ko. Bigla ko na lang naalala yung nangyari kagabi. Mula nang pumunta ako sa bar hanggang sa umalis na ako at...
"CREAMY? OKAY ka lang ba talaga?" ramdam ko ang pag-aalala sa boses ng best friend kong si Orange. Pero wala ako sa mood ngayon para pansinin pa ang maliit na bagay na 'yon. Isa pa, hindi pag-aalala ang kailangan ko ngayon.
"Ayos lang ako." pagkatapos kong sabihin 'yon, sininok ako. Muli kong tinungga ang huling shot ng tequila na nasa harapan ko. Sa pagtungga kong 'yon, na-realize ko na hindi na pala ako ayos. Nahihilo na kasi ako at medyo nanlalabo na rin ang paningin ko.
Ilang segundo lang ang hinayaan kong lumipas bago ko naisipang tumayo para umuwi na.
"O, teka lang, saan ka naman ngayon pupunta?" natatarantang tanong sa akin ni Orange pagtayo ko. Hindi ko na siya pinansin at nagdire-diretso na ko sa paglalakad kahit na ramdam kong pagewang-gewang na ko. "Creamy! Saan ka sabi pupunta?!"
Nang marinig ko ang pagsigaw ng best friend ko hindi ko mapigilang hindi matuwa. Once in a blue moon ko lang kasi siya marinig na sumisigaw at ginagawa niya lang 'yon kapag naiinis o naiirita siya. Nakaka-miss din pala ang pagsigaw niya. Huminto muna ako sa paglalakad at dahan-dahang liningon siya. "Uuwi na." sabi ko saka ako muling sininok.
Pagkatapos kong sabihin 'yon, nagpatuloy na ko sa paglalakad. Ilang pakikipagsiksikan at tulakan din ang ginawa ko bago ako nakalabas ng matiwasay sa bar. Humawak muna ako sa poste dahil parang mas lalo pa kong nahilo dahil sa ginawa ko.
"Creamy!"
Napaikot na lang ako ng mata nang muling narinig ang boses ng best friend ko. Knowing her, alam ko namang hindi niya ko titigilan.
"Hoy, Creamy!"
"What?"
"Don't tell me, ikaw ang magmamaneho, huh?!"
"Ako nga."
Pagkasabi ko niyon, naglakad na kong muli para naman hanapin kung nasaan na yung sasakyan ko. Patuloy sa pagsunod sa akin si Orange at kung anu-ano ang pinagsasabi.
"Creamy, ano ba! Are you listening?!"
"Orange, ano bang problema, huh? Gusto ko nang umuwi kaya please, pabayaan mo muna ako."
"Seryoso, Creamy Cortez?" muli ko siyang hinarap dahil sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. "Sasabihin mong pabayaan kitang magmaneho sa sitwasyon mo ngayon? Nagpapatawa ka ba?"
"Mukha ba kong nagpapatawa, Orange?"
"Medyo."
Hindi ko alam kung saan ba ko dapat mainis ngayon. Sa hindi ko mahanap ang sasakyan ko o kay Orange na nagpapaka-mean na naman.
"Creamy, sana maintindihan mo naman na concern lang ako sa 'yo dahil delikado ang balak mong gawin. You're drunk and---"
"Found it!" masayang sabi ko nang makita ko na rin ang sasakyan ko.
Hindi ko na hinayaan pang masundan ako ni Orange kaya dali-dali na kong lumapit sa sasakyan ko pagkatapos agad din akong pumasok sa loob. Akala ko napagod na si Orange at umalis na rin pero nagkamali pala ako. Dahil nang saktong ii-start ko na ang sasakyan saka naman siya sumulpot sa kung saan at walang sawa pang kinatok-katok ang bintana ng sasakyan ko. Hindi ko pa pina-tinted ang isang 'to kaya malinaw kong nakikita ang inis na inis na mukha ng best friend ko. And I assume, na ang isinisigaw niya mula sa labas ay bumaba na ako ngayon rin. Binigyan ko na lang siya ng isang ngiti at nag-okay sign saka pinaharurot ang sasakyan ko.
Akala ko kanina nagiging ayos na ako pero bigla na naman akong nakaramdam ng pagkahilo. Nasa kalagitnaan ako ng pagmamaneho ng maalala ko kung bakit ba ko nagkakaganito ngayon. Kung bakit ba ko nagpapakalasing. Mayroon lang naman akong tatlong dahilan:
1. Dahil sa wala kong kwentang ate
2. Dahil sa papa kong walang pakialam sa akin
3. Dahil sa buwisit kong boyfriend
Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang na nanlalabo na ang mga mata ko. Na naging dahilan upang hindi ko makita na may papaliko na pa lang sasakyan sa kaliwa ko...
ARGH! MULI ko na namang naramdaman ang pagsakit ng ulo ko. Para itong binibiyak na ewan. Hindi 'to puwede. Hindi pupuwede na patay na ko. Hindi pa ko handang mamatay. Hindi... pa.
Dahil sa pangyayaring naalala ko, hindi na tumigil sa pagsakit ang aking ulo. Hindi ko na talaga kaya. Kaya naman naisipan ko na lang na bumalik sa kuwarto kung saan ako nanggaling kanina. Para pa akong tanga sa pag-iwas sa mga taong nakakasalubong ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala na... isa na lang akong multo ngayon.
"Nasaan naman napunta yung kuwarto ko?" nagtatakang tanong ko sa sarili.
Pagpasok ko kasi sa kuwartong pinasukan ko kanina, nagtataka ako dahil may ibang mga tao na ang nandoon. May ibang katawan na rin ang nakahiga sa kama. Dali-dali na lang akong lumabas at inisa-isa ang mga kuwartong malapit sa pinasukan ko kanina. Mas lalong tumindi ang pagtataka ko nang ni isang kuwartong pinasukan ko, hindi ko katawan ang nakahiga sa kama.
"Aray!" reklamo ko nang mapaupo na lang ako sa sahig dahil may bigla na lang bumangga sa akin. Teka... bumangga sa akin?!
Dali-dali akong napatingin sa kung sino mang tao ang nakabangga sa akin. Awtomatiko naman akong napatayo nang makita ang itsura nito. May kaunti akong takot na naramdaman nang magsalubong ang mga mata namin. Isa na itong matandang babae na hanggang tuhod ang buhok at halos kulay itim ang bumabalot sa katawan niya. Magmula sa munting belo na nasa ulo niya hanggang sa itim niyang bistida na hanggang tuhod.
Magsasalita pa lang sana ako para mag-react nang bigla na lang siyang lumapit sa akin. Dahil sa pagkabigla, hindi na ako nakagalaw at nagmistula na lang akong na-istatwa sa puwesto ko. Ilang inches na lang ang pagitan namin nang walang anu-anong hinawakan niya ang kamay ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil do'n. Una, nabangga niya ko. Pangalawa, nakikita niya ko. Tapos ngayon naman, nahahawakan niya rin ako. Teka... patay na ba talaga ako? Pero kung gano'n... bakit may nakakakita at nakakahawak sa akin?
"B-bitawan mo ako." sa wakas, may lumabas na ring salita sa bibig ko. Masyado kasing mahigpit ang pagkakahawak niya kaya medyo nasasaktan na ako.
"Sumama ka sa akin." malamig niyang sabi.
"S-saan mo naman ako dadalhin?"
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari pagkatapos niyang hindi sagutin ang tanong ko. May biglang liwanag na lang kasi ang bumalot sa aming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro