Chapter 3
Dahan-dahang binuksan ni William ang mga mata at sinalubong siya ng liwanag. Nang subukan niyang igalaw ang mga kamay at paa, doon niya naramdaman ang sakit. Nagpalinga-linga siya sa paligid at saka niya napagtanto na nasa ospital siya.
Aisleen...
Agad na pumasok sa isipan ni William ang nobya. Tila bangugnot na nagbalik sa kanyang alaala ang mga nangyari. Masaya pa silang dalawa dahil kaarawan niya pero dahil sa kapusukan niya, naaksidente silang dalawa. It was his damn fault kung bakit umabot sila sa ganoong sitwasyon.
"A-Aisleen..." nahihirapang ani ni William. Sinubukan niyang magsalita muli ngunit tila may nakabarang kung ano sa kanyang lalamunan. Hirap na hirap siyang magsalita at ultimo paghinga ay nagiging pasakit sa kanya.
Doon napaisip si William. Kung ganito na katindi ang hirap na nararanasan niya ngayon, paano pa kaya si Aisleen? She was the one driving before they got into an accident. If he only waited... If he was just more patient... If he only knew how to control himself, none of this would have happened. Pero huli na ang lahat. Nangyari na ang nangyari and he could not do anything to change anything at all. Kahit na magsisi siya sa pagiging mapusok niya noong gabing iyon, wala na rin namang magbabago. Naaksidente na sila at malamang ay pareho silang nahihirapan ngayon.
William then decided to try a little bit harder. Sinubukan ulit niyang magsalita at tawagin ang nobya. Sinubukan din niyang igalaw ang mga braso at binti niya ngunit para bang sinimento ang mga iyon. Hindi niya maigalaw ang mga ito. No matter how much effort he exerted, it was still futile in the end.
Tangina. Hindi mapigilan ni Wiliam ang mapamura sa isip niya. He couldn't understand what was happening. Wala rin naman siyang makitang tao sa kwarto niya kaya hindi siya makahingi ng tulong.
Fuck. This can't be. Patuloy na pinipilit ni William na makagalaw ngunit wala pa ring nangyayari. Sinubukan niya ring magsalita ulit pero sa paraan ng paglabas ng tunog sa bibig niya, it was quite impossible for someone to hear him. Just when he was about to give up, the door of his room opened slowly, and a nurse came in. Hindi pa nito napansin kaagad na nagkamalay na siya. Naglakad ito papalapit sa kama niya and when she was about to check his vital signs, doon na siya napansin nito. Ang kalamadong mukha nito kanina ay biglang nakitaan ng gulat dahil sa pagkakitang gising na siya.
"Oh, you're finally awake, Sir! Hold on. I'll just make a call to your parents. They will be thrilled to hear this news!" dere-deretsong sabi ng nurse. Bago pa man niya ito matawag pabalik, nakalabas na ito ng kwarto niya.
Pagkalipas ng ilang minuto, bumalik ang nurse kasama ang isang doktor. Sinusubukan nilang tanungin si William kung ano ang nararamdaman nito kasabay ng kanilang pagsusuri dito ngunit patuloy lang sa pag-iling si William. Nais pa rin niyang makatayo at puntahan ang nobya.
"Sir, we need you to calm down. Your parents are arriving soon," kalmadong saad ng nurse ngunit tila hindi ito pinapansin ni William. Napatingin ang nurse sa doktor at kasunod ng kanilang pagtango ay ang pagturok ng injection sa braso ni William. Pagkatapos nito, unti-unti na itong tinangay ng antok.
***
By the time William woke up again, he felt like everything's still a mess. Sure, his parents were finally beside him but he can't seem to make himself calm down. He knew he made a mistake and now, Aisleen's nowhere to be found. Gustong-gusto na niyang makita ang nobya pero hindi niya malaman kung paano.
"Oh, William! You made us worry! How are you feeling? May masakit ba sa 'yo? May gusto ka bang kainin? Tell us, honey," dere-deretsong sabi ng mommy niya. William felt his mom's sincerity, but that wasn't his priority at the moment.
"Where's Aisleen?" mahina niyang tanong na siyang nagpatahimik sa kanyang ina. Umiwas din ito bigla ng tingin sa kanya, halatang ayaw sagutin ang kanyang tanong.
"Mom, where's Aisleen? I was with her when the accident happened. Ano na ang nangyari sa kanya?" pagpupumilit niya. Medyo tumaas na rin ang tono ng kanyang pananalita.
Napapikit nang mariin ang mommy ni William, tila hirap na hirap kung paano sasagutin ang mga tanong ng anak. Pero dahil sa paulit-ulit na pagsusumamo nito, wala na rin siyang nagawa kung hindi sabihin ang totoo.
"We don't know, anak. Right after you were stabilized at the hospital, inilipad ka na namin ng daddy mo papunta rito sa US. You weren't responding for a long time and we had to make sure that you'll get the best medical attention. Wala na kaming ibang inisip kung hindi ikaw at ang kalagayan mo," malumanay na sagot ng mommy ni William. Hinawakan din nito ang kamay ng anak ngunit nagulat na lang ito nang biglang hinawi ni William ang kanyang kamay.
"A-anak..."
"How could you leave her alone, Ma? You know how much I love Aisleen!" galit na sigaw ni William. His mom was still trying to explain things to him but he just wouldn't listen. At nang sumali na usapan ang daddy niya, doon na siya tuluyang natahimik.
"Aisleen has her own family! And what did you expect us to do, huh? Leave you there in the Philippines after finding out that it's your goddamn fault why you got into an accident?!"
William blinked a couple of times, as if trying to digest what he just heard. His father knew what they did? Pero paano?
"If we left you there with your girlfriend and let the police handle the situation, we don't know what damage it would cause to our family and our business. You're such a disgrace, William. You should have known better," dismayadong sabi ng daddy ni William and he immediately gave him a sharp look. Sa tagal nilang hindi nagkikita dahil sa pagsama nito sa babae nito, bigla na lang itong lilitawa at kung umasta ay parang naging magaling at huwaran pa itong ama. But when his dad continued saying how he only brought problems into his life, he was suddenly left wondering if waking up from this was still the better option.
Hindi malaman ni William kung dapat ba siyang magpasalamat at buhay pa siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang malungkot dahil nilayo siya ng mga magulang niya sa babaeng pinakamamahal niya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang mahiya dahil nalaman ng mga ito ang dahilan kung bakit sila naaksidente. At hindi niya rin alam kung dapat ba siyang magalit dahil kahihiyan na naman ang tingin sa kanya ng ama niya. It was a mix of emotions at hindi niya malaman kung ano ba ang dapat mas pagtuunan ng pansin sa mga iyon.
William laughed bitterly nang iwan siya ng mga magulang sa loob ng kwarto. They looked like they were on good terms again just because of his situation, but deep inside, he knew that it was all an act. He knew that they would never be complete again. Pero nang maisip niya na kahit kailan ay hindi naman niya naramdaman ang presensya at pagmamahal ng kanyang ama sa kanya, pakiramdam niya ay malabo na ring magkaroon pa ng pag-asa ang sitwasyon niya.
That night, William slept with a heavy heart and with the mindset that he needed to leave the hospital as soon as possible to be able to see the only girl who made him feel loved.
***
Sabi ng mga doctor, kailangan daw dumaan ni William sa iba't ibang mga test pati na rin sa therapy. Kahit na hindi na rin sigurado si William sa mga nangyayari, pinilit na lang niyang sumunod sa mga sinasabi ng doktor at ng kanyang magulang para makabalik din agad sa Pilipinas. He badly wanted to see Aisleen again. Kung siya nga ay ang tindi na ng epekto ng naging aksidente, paano pa kaya ang nobya niya?
William knew he was to blame but right now, all that mattered was that he recovered and would be strong enough to be with Aisleen once more.
And so he did his best. Itinodo niya ang therapy at pinilit niya ang sarili na lumakas agad. Hindi siya kumokontra sa mga kagustuhan ng magulang to gain their trust and to avoid any suspicions. And before he knew it, months have passed since he first woke up in the hospital.
"How are you feeling, son?" William's father asked. They were eating their breakfast together and William had to blink a couple of times before he actually believed that it was his father who asked him that.
"U-uh, fine, I guess?" nag-aalangang sagot ni William, halatang hindi sigurado kung ano nga ba dapat ang isasagot sa tanong ng ama. Ever since they stayed in the US, hindi na niya nakita pa ang babae nito. Palagi nila itong kasama ng mommy niya which makes their situation much more awkward and difficult. Hindi na rin niya malaman kung paano ba dapat pakisamahan pa ang ama.
"Today's your last day in therapy. What do you want to do next? You can continue your studies here or we can find another university. It's up to you."
"I want to go back to the Philippines, Dad. I need to see—"
"No. Don't even think about meeting that girl again. Forget I even gave you options. You're staying here for good," William's father said with finality. Dahil sa narinig, napahigpit ang hawak ni William sa mga kubyertos sa kamay. His mom could only look at him sadly kaya't nag-iwas na rin agad siya ng tingin. Sa bawat araw na lumilipas, tumitindi ang namumuong galit sa kanyang puso at sigurado siyang gagawin niya ang lahat para lang makabalik sa Pilipinas... kahit pa ibig sabihin n'on ay susuwayin niya ang kagustuhan ng sariling ama.
Desididong makauwi, maagang tinapos ni William ang therapy niya sa araw na iyon. Kinausap din agad niya ang ilan sa mga kaibigan para tulungan siyang makauwi. Kung hindi siya papayagan at tutulungan ng sariling magulang, gagawa at gagawa na lang siya ng paraan upang matupad ang kagustuhan niya.
"Just book the earliest flight possible. The sooner I get home, the better," ani William. Alam niyang hindi madali ang pagtupad sa plano niya lalo pa't bantay sarado siya ng ilang tauhan ng ama pero wala na siyang pakialam pa.
"Pa'no ka naman tatakas diyan sa bantay mo? Any ideas?" tanong naman ni Jiv, ang tutulong sa plano ni William. He was already preparing William's tickets at ngayon naman ay ang pagtakas na nito ang pinag-iisipan nila.
"Hindi ko na rin alam. Help me out, bro," halos nagmamakaawang sabi ni William. He was really desperate. He found out through Jiv that Aisleen lost her sense of vision because of the accident. Hindi na siya pinatatahimik ng konsensya niya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari. If he only controlled himself, maayos at magkasama pa rin sana sila ni Aisleen. And when she needed him the most, saka naman siya nilayo ng mga magulang niya.
Fuck this life!
"Hay nako. Ang hirap ng gusto mo, p're. But I could probably call my cousin who's living there as well. Find a way kung paano ka makakasama sa kanya. Pretend that you're staying with him for the night. 'Pag pinayagan ka na nina Tita, saka kayo tumakas papuntang airport. Nasa iyo naman yung passport mo, 'di ba?" suhestiyon ni Jiv. At that point, wala nang pakialam si William kung anong klaseng plano pa ang mabuo ni Jiv. He just wanted to leave and go back home. Kahit nga siguro hilingin ng kaibigan na tumakbo siya sa ibabaw ng bubog ay gagawin na niya.
"Yes, it's with me," maikling sagot ni William.
"Then it's settled. I'll proceed with the booking tapos tawagan ko na agad yung pinsan ko para sunduin ka mamaya. Just pack a normal overnight bag para hindi maghinala sina Tita."
"Got it. Thanks, bro. I'll pay you back, I swear!"
"Gago. Basta bumalik ka lang nang buhay rito, okay na ako. Mag-iinuman pa tayo pagbalik mo!" natatawang sagot ni Jiv na siyang nagpatawa rin kay William.
He was one step away from meeting Aisleen again. Sana magtagumpay ang plano nila ng kaibigan. Sana...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro