Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Lumipas ang panahon at mas lalong tumatag ang relasyon nina William at Aisleen. If people would see them together, it was as if they were looking at the most perfect couple in town. They've got the looks, the fame, the riches, and they've got each other as well. At mas nakatulong pa ang katotohanang tanggap ng mommy ni William si Aisleen bilang girlfriend nito.

When Aisleen met William's mom, hindi makapaniwala si Aisleen sa paraan ng pagtanggap na mararanasan niya mula rito. Daig pa nga nito ang mommy niya kung maka-asikaso sa kanya. Halos lahat ay handang ibigay rito para lang maging komportable siya.

"You okay?" tanong ni William kay Aisleen nang mapansing tahimik lang ito. Kasalukuyan silang umiinom ng tsaa kasama ang mommy ng binata.

"Uh, yeah. I'm kind of sleepy lang. Late na rin kasi ako nakatulog dahil may tinapos akong paper," halos pabulong na sagot ng dalaga.

"Do you want to rest first? You can stay in my room," alok ni William na agad namang tinanggihan ng dalaga. Pero maya-maya lang, naghikab na si Aisleen at hindi ito nakalampas sa paningin ng mommy ni William.

"Hija, why don't you rest for a while? We can still talk later until tomorrow. You're staying here tonight, right?" Halatang nagulat si Aisleen dahil sa tanong na iyon. Hindi nila napag-usapan ni William na dito siya magpapalipas ng gabi. Ang alam lang niya, ipapakilala siya ng binata sa magulang nito. Pero hindi naman magawang makatanggi ni Aisleen kaya ang ending, umakyat na lang silang dalawa ni William sa kwarto nito.

***

Dalawang buwan. Dalawang buwan na wala ang mga magulang ni Aisleen. Dalawang buwan na walang ibang ginawa sina William at Aisleen kung hindi magsama at i-enjoy ang pagkakataong malaya silang gawin ang mga gusto nila. Every weekday, sa condo unit ni William natutulog si Aisleen. Kapag weekend naman ay sa bahay ng mommy ni William. At sa buong panahong 'yon, kitang-kita ni William ang kasiyahang nararamdaman ni Aisleen. Mas madalas na nakangiti o nakatawa ang dalaga at mas nakagagalaw ito nang maayos. Para bang wala ito masyadong iniisip o iniintindi.

"Pagpasensyahan mo na si Mommy, ha? She has always wanted to have a daughter kaso ako lang talaga ang naging bunga. The fact that she could bond with you and that she could take someone out for shopping or to go to the spa, it really means a lot to her," William said while they were resting in his room. They just got back from the mall dahil niyaya na naman sila ng mommy ni William na lumabas at mag-shopping dahil nabo-bore na raw ito sa bahay. Hindi naman makatanggi ang dalawa dahil minsan lang humiling ito sa kanila.

William was surprised nang bigla na lang sumiksik si Aisleen sa kanya. Mahigpit din itong yumakap na agad naman niyang ginantihan. He then placed a small kiss on her head and a smile formed on his lips.

"Ano ka ba? It's okay. Ngayon na nga lang ulit ako nakapag-shopping. My mom always chooses my clothes for me. Pagdating ko sa bahay, may paper bags na agad doon o kaya naman nakalagay na agad sa closet ko. She never asked me if I liked those or not. Basta mamahalin o sikat na brand, she would buy it for me even if I really don't like the style," Aisleen answered.

"Bagay naman lahat ng damit sa 'yo..." sagot ni William at napaangat ang tingin ni Aisleen sa binata, tila hinihintay kung anong karugtong ng sasabihin nito. Napataas naman ang kilay ni William pagkakita sa reaksyon ng dalaga.

"Bakit pakiramdam ko may kasunod 'yang sasabihin mo?" Aisleen asked and almost immediately, a smirk formed on William's lips.

"Pero mas gusto ko kapag wala kang damit," nakangisi pa ring bulong ni William. Agad naman siyang hinampas ni Aisleen na ikanatawa agad nito.

"Bwisit ka talaga kahit kailan! Puro 'yan na lang laman ng utak mo!" nanggagalaiting sermon ni Aisleen kay William. Patuloy pa rin ang paghampas ni Aisleen kay William pero hindi naman iniinda nito ang kahit na ano roon. Tawa lang siya nang tawa hanggang sa tumigil na rin si Aisleen sa paghampas sa kanya. At nang mahuli ni William ang mga kamay ni Aisleen at tinitigan niya ito sa mga mata, doon niya napagtanto kung gaano siya kaswerte na dumating ang dalaga sa buhay niya.

"I love you," seryosong saad ni William na ikanatigil ni Aisleen. Tinitigan niya nang maigi ang binata at akmang sasagot pa lamang siya rito nang halikan siya nito. It was as if William wanted to convey his feelings through that kiss and when Aisleen kissed him back, it gave him the signal to take things further. This time, it would only just be about him, Aisleen, and the love that they share with one another.

***

"Aisleen, hija, when are your parents arriving again?" tanong ng mommy ni William habang nag-aalmusal sila.

Napatingin si William kay Aisleen nang mapansin niyang napatigil ito sa pagkain si Aisleen. She suddenly became quiet and after taking a deep breath, she looked at William's mom.

"Tomorrow po, Tita," tipid nitong sagot. William's mom then gave a small nod in response.

"It's William's birthday tomorrow. Would it be okay for you to stay until the day after tomorrow? We would love to have you here so that we could celebrate together." Aisleen immediately turned to William after hearing what his mom said. When their eyes met, isang ngisi ang agad na nabuo sa mga labi ng binata. It was as if he was mocking her dahil halatang-halata na wala itong alam sa mga nangyayari. Sinamaan naman siya ng tingin ni Aisleen dahil doon. He then chuckled lowly as he held her hand.

"Uhh... I'll have to check with my dad po if okay lang. Ang alam po kasi niya hanggang bukas lang po ako rito," nag-aalangang sagot ng dalaga.

"Let me handle it, okay?" singit ni William as he squeezed Aisleen's hand lightly. Wala nang nagawa pa si Aisleen kung hindi tumango at sumang-ayon sa sinabi ni William.

"It's settled then! Aisleen, we'll just be having lunch tomorrow with some of our family members. I believe William has other plans at night with your friends, right?"

"Ma, don't spill all of my plans."

"Okay, okay! Hija, help me in baking the cake for William, okay? Let's buy the ingredients later," yaya ng mommy ni William and Aisleen just found herself agreeing to everything she says.

***

The next day, it was finally William's birthday. Maagang nagising ang binata at tahimik niyang pinagmasdan si Aisleen habang natutulog ito. Nang ma-satisfy siya sa katititig dito, bumangon na siya at nagsimula nang mag-ayos. Lumabas din siya sandali para puntahan ang mga ina.

"Happy birthday, son," bati sa kanya ng kanyang mommy. Niyakap din siya nito nang mahigpit at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.

"Thank you, Mom," sagot niya.

"Shall we go down for breakfast?"

"I'll go and check on Aisleen first," William said at tumango naman ang mommy niya roon. She then kissed him on the cheek before letting William go.

Pagbalik ni William sa kwarto niya, wala na si Aisleen sa kama. Lalabas na sana ulit siya ng kwarto pero narinig niya ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa loob ng banyo. And so he waited right outside the door.

Aisleen was startled when she saw William waiting for her. Nakatingin ito sa kanya at biglang bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang matitigan niyang maigi ito. He looked so good right now at halata ang kasiyahan sa kanyang mukha.

"K-kanina ka pa riyan?" Aisleen asked.

Napangisi naman si William pagkakita niya sa reaksyon ng dalaga. He knew that Aisleen would probably go and run away from him kaya bago pa ito makatakbo sa kanya, umayos na siya ng tayo at nilapitan na niya ito. Niyakap niya ito at isinandal niya ang kanyang ulo sa balikat nito. Maya-maya lang, naramdaman niyang niyakap na rin siya nito pabalik. And that's when a smile formed on his lips.

"Are you okay?" tanong nito sa kanya.

Nang hindi siya sumagot, nagpatuloy si Aisleen, "Happy birthday, love."

Mas lalong hinigpitan ni William ang pagkakayakap sa nobya. Sinimulan niya ring magtanim ng mumunting halik sa leeg nito. Nang magsawa, natahimik saglit si William.

"I feel like you're the best present that I have ever received in my life," anito at nahigit ni Aisleen ang paghinga. Nang bumuntonghininga si Aisleen, humiwalay si William sa pagkakayakap nito at tinitigan niya nang maigi ang dalaga.

"Are you okay?" tanong ni William. Nang tumango si Aisleen bilang sagot, hinayaan na niya itong mag-ayos at sabay na silang bumaba para sa almusal.

Lumipas ang buong araw na busy ang magkasintahan. William introduced Aisleen to his relatives and they sure talked a lot. Pero kahit na anong mangyari, he never left Aisleen's side. Palagi siyang nasa tabi nito para hindi ito ma-out of place at mahiya and Aisleen appreciated that.

By night time, nagbihis na ang dalawa at tumungo sila sa bar kung saan sila madalas pumunta noon kasama ang mga kaibigan ni William. They planned to have another party there and to loosen up as well. Masyado silang naging busy maghapon kung kaya't mas pinili nilang magpakasaya ngayong gabi.

Pagpasok nilang dalawa sa bar, ang dami na agad tao. Binabati sila ng mga 'to, lalo na si William bilang birthday nga nito. Nang makarating sila sa reserved section para sa kanila, agad silang sinalubong ni Alex.

"Happy birthday, bro!" pagbati nito. William thanked him and he immediately grabbed two bottles of beer from the table. He then gave the other one to Aisleen at ininom naman nito agad ang beer.

"Hinay-hinay lang, ah?" bulong ni William kay Aisleen at ngumiti lang ito nang tipid.

Lumipas ang oras at parami nang parami ang naiinom ng dalawa. They were drinking and dancing their hearts out. Mas nagiging touchy na rin sila sa harap ng maraming tao pero hindi na nila 'yon pinapansin pa. At nang mas idinikit pa ni Aisleen ang katawan nito sa binata habang pinagsasaluhan nila ang isang mainit na halik, para bang mababaliw na si William sa iba't ibang sensayong nararamdaman niya.

"Fuck. You're killing me, love," bulong ulit ni William na siyang ikinatawa ng dalaga. Dahil nakakandong ito sa binata, ramdam na ramdam niya na kung ano ang epekto ng pinaggagawa niya rito.

"Calm down, love," nakangisi naman nitong sagot. Akmang hahalikan sana ito ulit ni William ngunit tumayo na si Aisleen at dumeretso ito sa bartender.

Sa paglalim ng gabi, dere-deretso pa rin ang inom ng magkakaibigan. People greeted William countless times already. Sa may bartender na rin sila tumambay para mas makainom sila nang maigi.

"Shot pa!" malakas na sigaw ni William pagkatunggang-pagkatungga nila ng tig-iisang shot ng vodka. Maya-maya pa'y tinungga na ito ni William. Pagtingin ni William kay Aisleen, a smirk immediately formed on his lips. Naglakad ito palapit sa dalaga habang paatras naman nang paatras ang isa. And when he got her cornered, he hotly whispered, "You. Me. In my bed tonight."

Kinilibutan si Aisleen doon. Naghahalo na ang mga naiisip at nararamdaman niya. Akmang aalma pa lang sana siya nang halikan siya ni William. Palalim nang palalim ang halik na pinagsasaluhan nila at nang hindi na nila makayanan pa, napagdesisyunan na nilang umalis sa bar upang ipagpatuloy ang nasimulan nila.

"How long will it take us to get to your condo?" tanong ni Aisleen habang patuloy naman sa paghalik si William sa kanya sa loob ng sasakyan. Mapusok ang bawat halik na binibitawan ni William and they were both getting lost at the moment. They were too hot, too tipsy, and too horny to even care.

Tiningnan saglit ni William ang relos niya. Pagkatapos noon, hinapit niya palapit si Aisleen sa kanya.

"We can get there in fifteen minutes but I can bring you to heaven in no time," bulong nito at agad na ipinagpatuloy ang nasimulan. But before he could even proceed with his plan, Aisleen stopped him then she moved to the driver's seat of her car.

Frustrated, lumipat na lang din si William sa passenger seat. But that didn't stop him from touching Aisleen. He was too engrossed and focused on his goal tonight. He wanted that birthday sex from Aisleen and he's going to have it by hook or by crook. And so he continued touching and teasing her even if she was driving.

"William, wait. I'm driving," suway ni Aisleen kay William. He disregarded any of her pleas though. All that mattered to him at that moment was making Aisleen come undone. He loved seeing her reach new heights especially when he knew that it was his doing. And so no matter how inconvenient their situation was right now, he wanted to make sure to pleasure her right.

"Sshhh... Just continue driving. I've got this," sagot naman nito at ipinagpatuloy ang paghalik at paghaplos sa dalaga. William continued doing everything he could to bring more pleasure to his girl and before Aisleen could even reach the heaven that he had promised her earlier, they just found themselves bumping into a post and being covered in blood.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro