Chapter 2: Accident
Didecated to: Someone na hindi safe magmaniho
••••••
Ang pinaka ayuko talaga sa lahat iyong madaming tao. Masyadong maingay at masyadong magulo kahit na sabihin nating kailangan akong pumunta dahil isa ako sa inimbitahan pero ayuko padin sa madaming tao pakiramdam ko na aalipadparan ako.
“DIBA— SI GREGNIGHT IYAN? IYONG FAMOUS AUTHOR DIN NG MGA TRAGIC|FANTASY.”
“OO NGA NOH, TARA PAPICTURE TAYO. ”
“ANO KABA, HINDI KA MAKAKALAPIT D’YAN ISAG SIKAT DIN NA C. E. O IYAN E AT BALITA KO S’YA ANG PINAKABATANG C. E. O SA BUONG MUNDO. GWAPO NA NGA MAYAMAN PA ANG SWERTE SIGURO NG MAGIGING GIRLFRIEND N’YA.”
Really? Pinagchichismisan ba nila ako? Sa pagkaka alam ko kasi andito lang ako sa gilid nila nakikinig, hindi ba nila nararamdaman na anytime pwede ko silang madinig?
Tskk! Kaya ayuko sa babae e. Masyadong —arghhh!! Nevermind.
“Hi babe? ” seryuso akong napatingin don sa babaeng pumulupot sa braso ko.
And who the hell is she?
“MAY GF NA PALA E. ”
“OO NGA E, SAYANG. ”
Tskkk! Again ako ulit pinagchichismisan ng mga babae. I hate girls.
“Are you ok? ”
“No.”
“Why? Is there something wrong? Naiinip kaba? Gusto mo bang iuwi kita in my condo. Ayos lang? ”
“Really? ”
“Yes, Mr Lee. You want? ”
“No, so get lost. ” tulak ko dito dahilan para mapa atras ito. Midyo may nakakita naman kaya nag karoon agad ng bulungan.
Bakit ba ang hilig nilang magbulungan? Para silang bubuyog e dinig na dinig naman.
“ATTENTION EVERYONE THANK YOU SA PAGPUNTA N’YO SA EVENT NA ITO. AND ALSO SA MGA AUTHOR'S NA NANDITO SPECIALLY MS GREG LEE PLEASE GIVE HIM AROUND OF APPLAUSE. ”
ayukong ngumiti. Tumingin lang ako sa kanila saka yumuko walang nakakatawa doon at ang daming babae. I hate girls.
“WELL, SIGURO NAGTATAKA KAYO BAKIT NAGKAROON NG EVENT, ACTUALLY MAG OOPEN KAMI NA NG BOOKSTORE NOW AT DAHIL BAGO PALANG KUNG SINO IYONG NANDITO MAY LIBRENG MGA BOOKSMARK MAY AUTHOGRAP DIN PARA SA MGA AUTHOR'S NA NANDITO. SO ENJOY GUYS AND HAVE FUN THANK YOU. ”
That's all? Nevermind maka alis nanga l—
“Ah, Mr Lee maaari kaba naming mainterview? About sa bago mong sinusulat ngayon. ”
Tinignan ko ng maiigi yong reporter. Buti nalang hindi babae pagnagkataon ayukong magpa enterview tsskk! I hate girls.
“Yeah. Spill it. ”
“So, Mr Lee. Anytips pano ka nagsusulat ng mga story? ”
“Wala akong masyadong maibibigay. Base on my experience as a Author. Hindi ako nagsusulat kapag pakiramdam ko sa sarili kung pagod ako or tila walang may kung anong lakas ang meron ako. Kasi everytime na pinipilit ko ang sarili kong magsulat lahat ng imagination ko nawawala. So nagsusulat ako kapag nag kaisa na ang puso at isip ko pag ganon na ang nangyayari malaya na akong nakakapagsulat ng maayos na nobela. ”
“Balita ko nagbabasa kadin ng novel na gawa ng kapwa mo author's. How's is it? I mean ano masasabi mo? ”
“Maganda.”
“Maganda ang? ”
“Gawa nilang nobela. ” sagot ko na kinatango naman nito.
“May binabasa kaba ngayong novel? ”
“Oh.”
“Then what is that?”
“Hiding the demon Vampire. ”
“Wow isa sa mga series ni Rc Astaria. Balita ko bawat series na gawa n’ya ay magaganda natapos n’yo naba? ”
“Malapit na. ”
“Ano sa tingin n’yo ang ending? Happy or sad? ”
“Siguro happy ending na midyo sad. ”
“Pakiramdam ko lang, nong nag basa ako andon na ako sa part na tila parang may kung anong lumason sa kanya kaya biglang nag iba ang pagdadala n’ya ng sasakyan. So i decide na huwag na munang ituloy ayuko kasing nasasaktan ang mga character lalo na ang main lead. ”
“Ayaw mo pero pinapatay mo mga character mo. ”
“Ahh ehh—magka iba naman kasi. ”
“How about kung ikaw ang Author ng Hiding the demon Vampire at maging sad ang ending babalakin mo kayang erevise para maging happy ending ito? Or kung bibigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang nakasulat sa libro anong scene ang babaguhin mo doon? ” midyo napakunot ako ng noo dahil don sa tanong ng isang babae na midyo may kaeraran na.
Reposter din kaya s’ya? Pero wala akong nakita kanina na andito ito? Ba’t ngayon nasa harapan kuna.
“Mr Lee? Sasagutin n’yo po ba. ” nanatili akong tahimik at tila pinagmamasdan ng maigi ang matandang babaeng nagtanong sa’kin kanina. “Get lost. ” saad ko don sa mga reposter na nasa harapan ko.
Masyado na silang maraming tanong, pero speaking of pag nabigyan ako ng pagkakataon na baguhin ang kwento at alin ang babaguhin ko doon. Syempre kung ako lang, iyong part na gusto nong FL na may mangyari sa kanila nong ML para lang sa pera at para lang mabuntis para maging mabait na sa kan’ya ang pamilya n’ya. Kasi in that case isusuko n’ya bataan n’ya para lang sa walang kwentang ganon.
Tapos madami pa, iyong nalason si Gray di n’ya deserve iyon. Pero sabi ko nga may tiwala ako sa Author non kaya sure akong happy ending ang kinalabasan noon.
Damn ang rindi pag naaalala ko iyong nabasa ko. Muntik nang maikama ni gray iyong babae. Pero nakakapagtaka bakit di n’ya naaamoy ang dugo ng babae? Baka naman di na birhin ang babaeng iyon.
Yack! I hate her.
Tapos naman na siguro ang event kasi basi na nakikita ko puro nagpapasign nalang ang lahat kaya naisipan kung uminom muna ng drinks sala tumungo sa sasakyan ko at punasok. All i need now is makapag rest at tapusin ang novel na binabasa ko. Ayuko din naman munang mag update ngayon masyadong nakakapagod.
Walang mood na pumasok ako sa kotse saka ito pina andar. Nasa kalagitnaan naman na ako ng byahe ng mapansin kung tila nagkusang bumuklat ang librong dala ko at naglilipat ng page. Kaya minaigi ko itong tignan.
Siguro sa hangin lang kaya ganon ang nangyari. Pero tila nakakapagtaka kasi nasa page na s’ya huminto kung saan ako huminto sa pagbabasa iyong time na maaaksidente si Gr—
BEEEEEEPPPPP
SCREEEETTCHHHH
tila na iliko ko sa kabilang bahagi ang sasakyan ko dahil sa gulat pero tila mas lalo akong nagulat ng may malaking truck nasasalpok malapit sa kotse ko. Sinubukan kong iwasan pero tila hindi na pwede dahil huli na ang lahat.
Kita ko mismo sa sarili ko kung pano tumilapon ang kotseng minamaniho. Ito ba ang katapusan ko? Masyado pa akong bata para maagang mawala. Kasabay ng pagtilapon ko ay sya ring pag angat ng librong binabasa ko papunta sa’kin. Masyadong weird pero tanggap ko nang dito na ako mawawala.
Kaya naman sa pagbagsak ng sasakyan at s’ya ring pagkaramdam ko ng pamamanhid sa buo kung katawan na s’yang kina unti unti kung pagkawala ng paningin kaya naman ako na mismo sa sarili ko ang nagkusang pumikit dahil pakiramdam ko hinang hina na ako.
If I die now. Gusto ko kung mabubuhay man ako ulit pwede bang maka experience ako na mapunta sa isang fantasy world? Nevermind.
Basta walang girls ok na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro