Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

xviii. Hustisya, mahal kong Juan

Spoken poetry collab with imaworshipper12 intended for WritersPH saturday activity

Hustisya,  mahal kong Juan

Mahal kong Juan,
Mahal kong Juan,
Sana'y ako'y iyong naalala,
Naririnig mo ba ang mga daing nila?
Ako raw ay nawawala, hindi mahagilap ng mata,
Ako raw ay kailangan nila,
Ika'y may magagawa,
Ngunit pinili mong ipiring ang iyong mga mata.

Pinipili mong ipiring ang mga mata...
Ipiring upang takasan ang lahat at maging masaya,
Sa mga bagay na hindi magiging tama.

Kasiyahan mo nga lang ang iyong inaalala
Certified kriminal ka nga raw, proud pa ang iyong mga kabarkada.

Sa bawat hawak mo kasi ng iyong pinakamamahal na kwarta, Nakakalimutan mo na ang lahat ng tama.
Kasalana'y nagagawa mo na, lahat ay iniitchapwera mo na.
Nakakalimutan mo, na sa bawat "cheers! " mo sa iyong tinotonga may pamilyang nagdurusa Basta solve ka, "arat na! " ika mo nga.

Walang konse-konsensya kahit makita mo na silang nasa lapida,
Asan na raw ako tanong nila, asan nga ba?
Isang tanong, Juan
Sa bawat kasalanan, ni minsan ba...
Anak, hindi mo ako inaalala?

Naalala mo ba si Mang Karding na iyong pinatay dahil sa pera?
Marahil ay hindi na,
Sabi mo nga, pagkamatay niya'y kasalanan niya pa.
Marami na rin kasi ang iyong nabiktima, hindi mo nililista,
Iikot lang ang iyong mga mata kung ipipilit ko pang ipaalala.

Hindi ka kasi takot mahuli dahil pera mo'y mapapantapal sa bibig,
Kompyansa kang panalo mo'y laging makakamit,
Batas sa kamay mo'y nakapiit,
Lahat ay nasa iyong panig,
Ako'y hawak mo sa leeg.

Naalala mo ba Juan,
ang anak ng iyong biktima na umiiyak habang yakap-yakap ang ataul ng kaniyang pinakamamahal na ama?
O ang kaniyang asawa na tila mababaliw na kung saan kukuha ng salapi pantustos sa kanila dahil nawalan ng padre de pamilya?
O ang ina na labis ang dusa habang nakikitang nililibing ang sariling anak?
Nakaluhod na umaasang panaginip lang ang lahat.

Tinatawag ang aking ngalan
Anak, ako'y pakawalan mo na
Kahit ngayon lang, pumanig sa tama
Tama na ang lahat ng pagkakasala
Anak, parang awa mo na ako'y palayain na,
Palayain na sa lahat ng pagdudusa.

Isa ka ring anak na mahal na mahal nang isang magulang,
Gawin mo ito para sa iyong inang araw-araw lumuluha,
Sinasaktan mo pa nga dahil mga pangangaral niya'y ay ayaw mo na,
Desisyon mo ito at malaki ka na.

Marahil wala ka pang asawa at anak kung kaya't ineenjoy mo ang buhay binata,
Sana nama'y buksan ang mata at mga daing nila ay pakinggan na,
Pagbayaran ang kasalanan,
Tumingala kay bathala,
Humingi ng kapatawaran at maniwala
Ang batas ay huwag takasan
Ang pera ay hindi madadala
Hustisya ay ibigay mo na.

Marahil naalala mo si Magdalena
Isang babaeng winasak mo ang dignidad para sa isang "jolly good time"
Gusto mo pa ngang humirit ng next time,
Kasi nga sabi mo siya'y masarap.

Ang gabing iyon na hindi mo malimot,
Rurok ng tagumpay ay iyong naabot,
Ika mo nga, ika'y "solve na solve"
Hindi mo pansin ang mga hikbi habang ika'y sarap na sarap,
Habang si Magda'y hirap ay lasap na lasap.

Diskriminasyon pa ang kaniyang natanggap,
Habang ako'y hinahanap,
Bulong-bulungang iyong kinalat,
Sa tuwing sumbong ay itatangka,
Pang-aapi ang kaniyang natanggap kaysa sa tulong na kaniyang hangad,
Depresyon ang siya'y yakap-yakap.
Kaya nama'y sarili'y piniling tapusin upang makalaya.

Makalaya...
Makalaya sa lipunang iyong kakampi
Kaysa sa mga taong inaapi
Makalaya sa mundong mas piniling pagtakpan ang tama.

Juan, gumising ka,
Sana'y piliing maging tao
Tumigil na sa pagiging sakuna,
Sa lipunang lubos ang pagmamakaawa.

Bumalik ka...
Bumalik ka sa tama habang may panahon pa.
Yakapin ang ina at humingi ng dispensa,
Habang hindi pa tuluyang nasasakdal ni bathala.

Bulong ay pakinggan, tenga ay buksan
Tanggalin ang piring at ako'y palayain
Rehas man ay marahas,
Hagupit ng batas ma'y mabigat para sa tulad mong nangahas.

Anak, hindi pa huli ang lahat
Ika'y magbago at humingi ng kapatawaran
Panahon na para ako'y ibigay mo na ako sa kanila
Iabot ang matagal nang hinihiling na hustisya,
Hindi salapi o diskriminasyon
Hindi pagkalimot o kawalang aksyon.

Tanging hustisya...
Hustisya na matagal na nilang sigaw,
Na hindi mo binibigay,
Tanging hustisya na laman ng kanilang mga luha
Tanging hustisya na kanilang dalangin
Tanging ako...
Tanging ako na ang pangalan ay hustisya
Hustisya...
...mahal kong, Juan.

Mahal kong, Juan.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro