viii. Paano ba ito?
Puso ko'y nabigla,
Biglang tumalon,
Tumalong napakasigla
Ikaw na aking inspirasyon
Ikaw na dahilan ng pagngiti ko sa tuwina
Paano ba ito?
Hindi ko matanto ano itong iyong ginawa
Itong epekto mong sadyang kay lakas
Hindi ko naisip na darating sa ganito,
Ang sinabi kong di kailanman magaganap,
Salita ko'y kinain ko na lang bigla
Paano ba ito?
Gusto kong tumigil na lang ang nararamdaman kong namumukadkad,
Itigil na lang dahil alam kong sa huli ako'y masasaktan,
Itigil na lang ang pag asa dahil isa itong kahangalan,
Isang malaking kalokohan!
Itong pakiramdam na aking pasan pasan
Paano ba ito?
Pahingi namang piso
Upang makabili ng tissue
Tissue na pampunas sa dugong dumadanak sa puso ko
Sampalin mo naman ako
Upang magising ang hangal na ito
Hangal na mapansin mo
Hangal na sana'y mahalin mo
Oo, hangal ako
Paano ba ito?
Pasensya ka na pinipilit kong pigilan,
Pero sa bawat pigil, mas lalong lumala
Lumala itong aking pag sinta,
Itigil mo na 'to hangal!
Laging sabi ng aking isipan
Sana nga itong pag ibig ay madaling takpan,
Upang 'di ko na ito maramdaman,
Upang maging malaya sa tanikala ng aking mismong nararamdaman
Paano ba ito?
Itong pag sinta na dahilan ng aking kasiyahan,
Dahilan din nitong aking kasawian,
Bakit ba masakit ang umibig?
Bakit ikaw pa sa dinami dami diyan?
Bakit ba nasa sa'yo na ang lahat ng aking hanap
Paano ba ito?
Para kang tala nais kong maabot,
Pero alam kong pantasya lamang dahil di ko naman kaya,
Di ko kaya, hanggang titig na lamang ako sa'yo sa malayuan,
Dahil sabi ko sa sarili ko ayaw ko nang sarili ko ay saktan pa,
Pero bakit mas lalong lumala ang akala kong lunas?
Hindi kita kayang iwasan,
Gaya ng tala sa langit lagi akong napapatingin,
Napapatingin sa isang bagay na kahit kailan hindi ko kayang abutin
Paano ba ito?
Paano ba ito?
Pagpasensyahan mo na ang hangal na ito
Ngunit alam kong walang magagawa
Dahil hawak ng iba ang tala kong hinahangad,
Pero tala ko sa langit,
Dingin ang aking hiling
Sana ika'y tuluyan ko ng makalimutan
Upang 'di na masaktan pa
Paano ba ito?
Nagkamali kasi ako,
Nagkamali akong mahulog sa'yo,
Nagkamali ako...
Minahal kasi kita
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro