vi. Dekada Sisenta
Iyong mga dugong dumanak
Mga taong nagsi-iyak
Kalayaang di tiyak
Hiling ay napaka payak
Decada sisenta
Pangyayaring pinapasa pasa
Katarungang hindi natamasa
Sa kasalukuya'y iyon pa rin pala?
Sadyang mga kababaya'y nakakalimot
Pangyayaring iyon ay bangungot
Kamatayan, paghihirap, ano pa ba't ibabalangkas
Iyong mga taong nagsisimatayan, kalayaan tanging pinaglalaban
Aking mga katoto,
Buksan ang mata at magpakatotoo
Ibabalewala ba lahat ng ito?
Pinipinta ng dugo sa mismong kasaysayan
Kundi dahil sa mga taong nagsipaglaban
Hindi ito panahon sa paglimot
Sapagkat maraming buhay ang dinukot
Pinipintasan ng panlilinlang
Kailan ba iwawaksi ang kamangmangan?
Naging alila, lumaban, lumaya
Ngayo'y babalik nanaman ba?
Minsan ng naging isa sa isang hangarin
Tama na't tangalin ang piring
Buksan ang mga mata at tumingin
Ang tama'y ngayon ay sundin
Ang totoong kahulugan ng pagiging bayani
Basahin sa mga sipi
Nang pagka-pilipino'y sumidhi
Wag hayaang tumuntong ang di' karapat-dapat
Makinig sa mga panaghoy ng mga biktimang sa bayan ay tapat
Ang tunay na kahulugan ng kabayanihan,
Idadanak ang dugo para sa bayang iniingatan,
Hindi isang taong hangad lang yumaman
Habang karamiha'y nahihirapan, kumakapa sa kadiliman
Matagal na panahon na man ang lumipas,
Hindi pa rin ito sapat na dahilan upang umiwas
Tandaan ang ginawa ng karamihang nagbuwis ng buhay
Para saan pa ang pag-gunita sa yaong araw na iyon?
Kung nawawala na sa isip sa panahon ngayon?
O, aking mga kababayan
Wala bang silbi ang lahat ng iyon sa kasalukuyan?
Lahat ng iyon, hindi mapapalitan ng paghingi ng tawad
Ibalik ang ninakaw, katarungan ang tanging hangad
Kamatayan ni Ninoy,
Pati na rin ang kamatayan ng maraming Pinoy
Marami sa atin marahil ay walang kaalam-alam
Karamihan mga kabataan
Dito matatapos ang pag-labas ko ng aking saloobin
Sana nama'y kahit katiting
Kaalaman ay pulutin
Wag hayaang mapawalang silbi ang ginawa ng karamihan
Tama na't kampihan ang bulong ng kasaysayan ng bayan
Itigil na ang pagbubulag-bulagan
-Fin-
**
Kung nais niyong magalit sa binabalangkas ng aking bibig, Hindi kayo masisisi't ipagpatuloy ang nais, Ngunit isa lang aking nais ipintakasi, Tutol ako sa pagpapalibing sa isang diktador na minsa'y naghasik ng dilim, pumatay ng mismong kalahi.
Marahil hindi pa ako napapanganak noong nangyari iyon, pero ramdam ko ang katotohan sa nakitang mga pangyayari, video man ang nakita ngunit tumatak iyon sa kasaysayan, Pinapaalam sa karamihan, Hindi mabubura kailanpaman.
#NoToMarcosBurial
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro