Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ix. Mahal Kita (Requested)

Mahal Kita

Dalawang salitang may siyam na letra
Letrang bumubuo sa mga salita na nais kong sabihin sa'yo
Ikaw na matagal ko ng gusto
Ikaw na pumukaw sa pihikan kong puso
Mahal kita, mahal kita

Noong una kaibigan lamang ang turing ko sa'yo
Kaibigan na naging sandalan ko,
Ang sandalang pala na iyon ay iibigin ko,
Iibigin ko ng ganito,
Mahal kita, mahal kita
Pero 'di ako siya
Sana ako na lang siya

N'ung umiiyak ka dahil sa kanya,
Ako ang sinabihan mo ng mga hinanakit,
Hinanakit na buong puso kong sinaluhan para sa'yo,
Kahit pangalan pa lang niya na iyong sinasambit, masakit, sobrang sakit
Pero pinili kong tulungan ka, tinulak pa kita para sa kanya,
Mahal kita, mahal kita,
Handa akong magparaya sa kasiyahan mo, sinta

Sana matapang ako,
Kasing tapang ng mga advice na pinapakain ko sa'yo,
Sa salita lang naman ako magaling, ay hindi pala,
Kahit nga simpleng salitang, "gusto kita" 'di ko pa masambit
Nagiging pipi, nagiging basang sisiw, kinakain ng takot at pangamba,
Pangamba na baka layuan mo na,
Pati pagkakaibigan ay mawala na rin
Mahal kita, mahal kita,
Paano ko aaminin, sinta?

Pinilit kong lumayo ng nakahanap ka ng iba,
Iba na sabi mo'y iba sa ex mong maldita,
Lumayo ako para ika'y sumaya
Akala ko malilimutan kita,
Hindi pala,
Kasi 'ngina, bumabalik ka,
Wag na lang sana,
Nanahimik na ako, tama na
Naalala ko kasing mahal kita

Bumabalik ka, ako'y kinakamusta,
Ako etong tanga, 'di umabot ng isang minuto'y tanong mo'y sinagot na,
Eh kasi 'di ko man aminin, namiss kita,
Namiss ko ang kasungitan mo,
Namiss ko ang "haha" mo,
Namiss ko ang naiinis mong emoji,
Namiss ko 'yung mga kwento mo,
Namiss kong pagsabihan ka dahil pabaya ka sa sarili mo,
Namiss kita, sobra, sobra
Ako kaya namiss mo?

Sabi mo wala na kayo,
Kung 'di ba ako lumayo noon, may pag-asa ba tayo?
Umaasa nanaman ako,
Bakit ka pa kasi bumalik?
Mahal kita eh, 'di kita matiis,
Ba't ka ba kasi puro motibo?
Motibo na parang totoo,
Akala ko tuloy tuloy na ang pag chachat mo,
Akala ko lang pala,
Siguro nabagot ka lang kaya kinausap mo ako,
Masaya pa ako, ang tanga ko
Mahal kita eh, mahal kita

Salitang 'di ko masabi sabi sa'yo
Dahil takot ako,
Masisisi mo ba ako na NBSB ako at ikaw ay naparami na ng nagdaan na nobya?
Masisisi mo rin ba ako kung mararamdaman kong, langit ka lupa ako, gwapo ka, panget ako
Masisisi mo bang nakakainis ka, bumabalik, umaalis kung kailan minamahal kitang muli?
Masisisi mo ba akong 'di ko masabi sa'yo,
Mahal kita, mahal kita,
Oo, mahal na mahal kita, dati pa
Tinitiis ko lang,
Baka iseen mo lang ang efforts ko
Mahal na mahal kita
Dalawang salita, siyam na letra na 'di ko masabi sabi sa'yo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro