[Messenger]
Keen Contreras
June 15, 1:28 pm
Keen
Ano
Bat hindi sa gc?
Wala namang sense si Rael
Hahahahaha
Ano ba yon tol?
Putangina ang bigat
Ng? May buhat ka? Nakakapagchat ka?
Hindi
Si Kajina
Ah. Anong nangyari?
Gago ang sakit ng mga nasabi niya sa nanay ko
Para kong literal na sinasaksak kanina
Ahhh
Hindi talaga yun maiiwasan tol
Mali naman kasi talaga sila Tita Lira non
Maling mali.
Alam ko
Kaso ang sakit kasi nanay ko pa rin yon
Pero mali si Mama, oo, sobra.
Kaya nga naiintindihan ko si Kajina
Kaya nga hindi na ako nagsalita
Hinayaan ko na lang siya kanina kahit nakakadurog talaga
Wala tayong magagawa jan tol
Di na natin maibabalik maling nagawa ni Tita Lira
Masaklap? Di na rin natin maitatama
Hindi naman na posibleng magbalikan nanay at tatay ni Kajina para mabuo sila
Kaya nga naiintindihan ko yung galit ni Kajina
Ang insensitive ko rin yata
Hindi ko manlang naisip na hindi siya komportableng nakikita ako na anak ni Mama
Oo nga tol
Ayun din talaga
Pero sana
Sana?
Sana lang hindi ako damay sa galit na yon.
Kasi kung damay ako
Pano ako magsisimula?
Ha
Kung hindi pa nga ako nagsisimula, galit niya na agad kalaban ko
Magsisimula saan?
Alam mo na yon.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro