EPILOGUE
Dylan's Point of View:
That day was supposed to be the day we are celebrating an important occasion, but turns out to be the day where two important people in our life... in my life, got punished by the law.
Hindi gano'n kadaling tanggapin ang nangyari lalo't nakasugal ang buhay at pangarap nila sa kulungan. I thought everything was all polished right after Trisha got sentenced to pay for the crime she did... pero nangyari ang hindi inaasahan.
Almost a year had passed but I'm still stuck in the year 2021. Matagal na rin ang lumipas pero tila sariwa pa rin sa utak ko ang lahat ng mga nangyari. Yeah, we're able to visit them inside the jail... not until now. Dumating na lang 'yong araw na hindi na kami pinapayagan ng mga pulis na dalawin sina Julia at Magi sa kulungan, sa hindi ko malaman na dahilan.
Magtapon man ako ng pera sa harap nila, hindi nila yon pupulutin at magmamatigas na 'wag kaming hayaan na bisitahin 'yong dalawa. Five months na rin siguro no'ng huli kong bisita sa kanila... and they seemed doing well inside the jail. It perhaps calmed myself down at hindi na masyadong mag-alala na baka hindi sila pinapakain at pinapatulog doon nang maayos.
Last time I've talked to Julia, naikwento niya pa sa akin na mababait daw 'yong mga kasama nila sa selda. She never expected she would find a true family in her cell. However, Magi has told me despite being a prisoner, that wouldn't stop herself from living and striving harder for her dreams. Habang nasa kulungan, both of them decided na ipagpatuloy ang pag-aaral.
Pinahintulutan sila na mag-enroll sa online class para kahit papaano ay sa pamamagitan ng virtual classroom ay makasunod pa rin sila sa amin. They managed to survive the first semester of being a college student, at ngayong second semester na, I heard from one of our professors na magpa-practice teaching na 'yong dalawa by using a virtual classroom.
Bale ma-a-assign sila sa school na nag-o-offer ng blended learning sa mga estudyante.
"Who wants to answer on the board?" Hawak ang kakukuha ko lang na chalk sa chalk box, isa-isa kong tiningnan ang mga estudyante ko na ilag na ilag sa mga mata ko.
Hindi na bago sa akin ito dahil minsan ko na rin itong napagdaanan... minsan din akong nasa sitwasyon nila kung saan halos makipagtitigan ako sa sahig para lang hindi matawag ng teacher.
"Walang gustong sumagot? Sure na 'yan?" pag-uulit ko.
Lumapit ako sa isa kong estudyante na kung hindi ako nagkakamali ay Margareth ang pangalan. Sinilip ko ang papel niya. "Tama naman ang solution at sagot mo. Bakit ayaw mong magtaas ng kamay at sumagot sa harap?" mahinahon ang boses ko nang tanungin siya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang ulo niya upang tingnan ako. "Nahihiya po ako, sir."
Umatras ako at bumalik sa teacher's table. Humarap ako sa mga estudyante ko tiyaka sila binigyan ng matamis na ngiti. "Hindi ko naman kayo parurusahan o pagagalitan sakaling mali ang solution na isusulat niyo sa board. Kung natatakot kayo o nahihiya kasi baka mali ang sagot niyo, isipin n'yo na lang na at least sinubukan n'yong sumagot... mali man ang sagot n'yo o tama."
"Kagaya ni Margareth... tama naman ang sagot niya pero dahil nahihiya siyang sumagot sa harap, hindi siya sumagot," I added. "Huwag n'yong kasanayan na manahimik na lang sa gilid dala ng takot na sumagot, when in fact tama naman ang inyo. Paglabas n'yo ng paaralan, pipiliin mo bang manahimik na lang kaysa ang magsalita sa isang bagay na mali naman talaga?"
"Gawin n'yong stepping stone na palakasin ang loob n'yo sa paraan na 'wag n'yong katakutan na pag-solve-in ko kayo ng problem sa board o sumagot kayo sa recitation ng iba ninyong subject teachers." I flashed a smile on my face. "Hindi gano'n kadali gawin... but practice makes everything perfect."
"Sir Dy, pasensya na po. Next time po ay magiging active na po kami sa lahat ng subjects namin." Tumayo sa kanyang upuan si Cezar upang sabihin 'yon.
"Mabuti," sagot ko. "Pass all your papers to the front, and sideways going to the center."
Nang makarating sa center ang mga papel, kinuha ko 'yon sa kamay ni Camille at tiyaka inilagay sa table. "You may now take your lunch." Iyon ang batid kong kanina pa nila hinihintay kaya naman 'di na ako nagulat nang mag-unahan silang lumabas ng classroom.
Mula elementary hanggang college, hindi ko maikakailang nakakagutom ang Math subject. Tanda ko pa na palaging Math subject ang subject namin bago mag-lunch noong high school kaya madalas ay imbes na makinig ako sa lesson, abala ako na busugin ang sarili ko sa imaginations na kumakain ako ng burger at footlong sa canteen.
"Sorry po ulit sa kanina, sir." Habang abala akong nag-aayos ng gamit sa table, Margareth approached me just to say her apologies. "Hindi na po talaga mauulit 'yon, sir!"
I turned around to face her. "That's good to hear from you. I'm expecting na magiging active ka na sa mga next class sessions natin... 'cause I see a lot of potential in you.
Matalino kang bata at dapat maging proud ka pa dahil bilang lang sa daliri ang mga batang kagaya mo na pinagkalooban ng talent na maging mahusay sa subject na Mathematics."
"Hala, sir! Kinikilig po ako sa sinasabi niyo," nakayuko niyang sambit.
Upang maka-level ko ang height niya, yumukod ako ng bahagya. "Bakit naman?" I giggled while asking her that question.
"Crush po kasi kita, sir." She's trying her best to lower her tone just to make sure na walang makarinig sa cute niyang confession.
I smiled. Bukod sa kapangalan niya ang babaeng mahal ko, na sa ikatlong pagkakataon ay hinihintay ko na magkita kaming muli... this kid makes my day brighter. Hearing her sweet and cute confessions at least divert my attention from missing Magi.
Ginulo ko ang buhok niya. "Kinilig din si Sir sa sinabi mo." Sa pagkakataon na ito, nakuha na niya akong tingnan. "Sana gawin mong inspirasyon si Sir para mag-aral ka ng mabuti, huh?"
Tinanguan niya ako. "Opo, sir!" Nahihiya niya akong nginitian bago nagpatuloy sa sasabihin. "Tiyaka feeling ko po kasi ay mayroon ka na pong girlfriend, hindi po ba?"
I'm thrilled when my face broke into a smile. "Alam mo bang naging girlfriend ko lang siya last year? I was already 23 years old when I had her as my girlfriend... my first and hope to be my last girlfriend." I patted her head. "This should serve as a lesson for you, okay? Don't rush things to find a boyfriend kasi darating ang tamang tao para sa iyo during those times that you're not looking for him."
Nagpaalam na rin ako sa kanya na mauuna na ako dahil ang daming papers ang nakatambak sa akin para check-an. Puyat mode na naman ako mamaya plus may mga visual aids pa akong need tapusin for my final demo sa Grade 9 Section Amethyst. Sigurado naman akong kakayanin ko pero ang 'di ko sure, kung makakapasa ba ako sa final demo ko.
"Kaya mo pa, Teacher Dylan?" Habang naglalakad sa hallway ng JHS building, nakasalubong ko si Eli na saktong palabas na rin sa room na pinanggalingan niya. "Hindi ko akalain na ganito pala kahirap 'pag nasa field ka na talaga."
I chuckled. "Isipin mo na lang 'yong mga pinagdaanang stress ng mga teachers natin mula elem hanggang college. Hindi talaga biro ang pinasok natin, bro."
"Kung bakit kasi nasa Engineering course na tayo noon, pero hinatak mo pa ako na mag-educ para lang sundan si Magi!" natatawa niyang sambit. "Tuwing naaalala ko 'yong pang-childish mong modus, Dylan. Ewan ko sa iyo, natatawa ako!"
Natawa na lang din ako ng maalala 'yon. Nasa ibang bansa ko noon nang contact-in ko sina Eli para itanong kung ano'ng course ang kukunin ni Magi.
Nang malaman na educ ang kinuha niya, edi educ din ang kinuha ko sa university na pinasukan ko noon sa ibang bansa. Plano ko kasi na once bumalik ako ng Pinas at mag-transfer sa university na pinapasukan niya, I'm going to apply on the course she was also taking with.
Para na rin hindi na ako mahihirapang mag-adjust... kasi kung sakaling nag-engineering ako no'n, ang hirap mag-adjust kung magsi-shift ako bigla ng course para lang sundan si Magi.
"It's quite difficult to pretend like I'm truly, madly, deadly in love with her back then..." This time, sumeryoso na ang mukha ni Eli.
"Pero alam mo, bro... kahit na pagpapanggap lang na gusto ko si Magi no'ng ligawan ko siya noon, sa halos isang taon na pinagsamahan namin, 'di ko namamalayan na nagugustuhan ko na siya, e. Alam kong wala sa usapan natin na may mabuo akong feelings for her, but it just happened."
Ibinaba ko ang mga abubot na dala ko nang makarating kami sa faculty room. Hinarap ko si Eli at tinapik ang balikat niya. "Hindi ako galit sa iyo kung nangyari man 'yon. Si Magi 'yon, e. Hindi siya gano'n kahirap na magustuhan kaya naiintindihan ko kung nagawa mo man siyang magustuhan. Pero dahil sa nangyari, nasaktan mo siya at nasaktan ka namin."
"Ngayon ko na-realize na sana hindi ko na lang ip-in-ush pa 'yong kalokohan ko na 'yon... edi sana walang nasaktan, 'di ba?" dagdag ko.
Kung bakit ko nga ba ginawa ang kalokohan na 'yon... dahil gusto kong malaman kung tutuparin nga ba niya ang pangako sa akin---na ako lang ang lalaking magugustuhan niya.
Pero noong dumating sa buhay niya si Eli, tuluyan niya na ngang tinalikuran ang pangakong 'yon.
"Ang mahalaga ay tapos na 'yon," aniya.
"Kaya nga kahit nasaktan ako dahil noong mga panahong sinusubukan kong makipagbalikan sa kanya ay ikaw ang pinili niya, pinili ko na lang manahimik at tanggapin ang lahat."
"Tahimik akong nasaktan at paulit-ulit na inalala ang nakaraan kung saan ako rin ang gumawa ng dahilan para saktan ang sarili ko. Nasaktan ako kasi minahal ko siya... na dapat hindi," Eli added.
Kung tutuusin, ako dapat ang sisihin. Plano ko 'yon kaya't ako ang puno't dulo ng lahat. Hindi ko na lang sana itinuloy 'yon para sana wala ng nangyaring ganito.
Tanging hiling ko lang ay sana manatili itong sikreto sa pagitan naming dalawa ni Eli.
"Don't worry, bro. I will keep my mouth shut. Maayos na ang relasyon n'yo ni Magi, guguluhin ko pa ba?" For the nth time, he laughed. "Maayos na rin naman ang buhay ko ngayon at kahit papaano, nakakapag move-on."
"Thank you, Eli." Pilit na ngiti ang aking naibigay.
Hangga't maaari at hangga't posible, ayoko ng dagdagan pa ang sakit at sama ng loob na dinadala ngayon ni Magi.
Not this time.
*****
"Good job, Sir Dylan. Mahusay ang naging final demo mo kaya naman mataas ang grade na ibibigay ko sa iyo. Keep it up!" nakangiting sambit ni Ma'am Cecile, ang nag-observe sa akin.
"Thank you, ma'am!" natutuwa kong sagot. Nang matapos ang pag-uusap ay pumasok ako sa classroom upang tingnan ang mga estudyante ko. "Nakapasa si Sir!"
Nagkagulo ang mga estudyante ko dahil sinamahan nila ako na magdiwang.
"Congratulations po!"
"Congrats, Sir Dy!"
"Yey! Congrats, sir!"
"Salamat," natutuwang sagot ko. "Maraming salamat dahil naki-cooperate kayo. Tinulungan n'yo si Sir na makapasa kaya utang na loob ko sa inyo ito." Kinuha ko sa bag ko ang ilang balot ng gummy worms. "Tulad ng naipangako ko, may gummy worms kayo kay Sir!"
Iniabot ko sa kanila ang lahat ng iyon bago ako lumabas ng classroom. Kahit man lang sa simpleng present ay mapasaya ko sila... para na rin makapagpasalamat.
"Kumusta ang demo?" salubong ni Delancy sa akin.
"I passed," kaswal na sagot ko. "Ikaw?"
"Same!"
"Good to hear!" natutuwa kong sambit. "At least ngayon, sure na sure ng ga-graduate tayo."
"Oo nga, e." Ibinaba niya ang mga gamit sa kanyang table. "Mas masaya sana kung kasama natin dito sina Magi at Julia, 'no?"
Tumango ako. "It would be happier if they're here."
"Nakaka-miss nga sila, e," she mumbled. "Pero alam kong mas nami-miss mo sila... lalo na si Magi."
"Of course." I chuckled.
"She's actually the reason why I gave you up," nakuha niya ang atensyon ko dahil sa kaniyang sinambit. "Alam kong alam mo na crush kita... but instead of pushing myself to you, I choose to set you free. Alam ko namang kahit ano'ng gawin ko, hindi ko siya mapapalitan sa buhay mo."
"At least you found Warren." I smiled. "Kahit nasaktan ka, there's always a room for good things to happen, 'di ba? 'Yong 10% na saya na mararamdaman mo sa akin, naging hundred percent when you're with Warren."
"Yeah." She chortled. "Masakit man magpaubaya, pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon, magiging kasing sad gurl ko si Moira. It doesn't hurt that much... dahil sa una pa lang, tinanggap ko nang hindi talaga tayo pwede."
"You did the right thing, Delancy." I smiled. Warren should've been proud of his girl... of how brave she was.
*****
"Sige, ako na lang." Israel sounds defeated. "Bayad ko para sa bonggang surprise party na inihanda n'yo para sa akin last year."
"Sinasabi ko na nga ba, e! Kunwari ka pang hindi mo nagustuhan 'yong gift namin sa iyo no'n na chicks!"
"Busog na busog tiyak ang mata n'yan," pagdugtong ko sa sinabi ni Delancy.
"Kakapal ng mga mukha n'yo! Hindi pa rin ako nakaka move-on sa bagay na 'yon!Buong akala ko ay chicks talaga... 'di n'yo sinabi na sisiw lang pala!" Mabibigat ang paa na umalis siya pagkatapos sabihin 'yon habang kami rito ay naiwan na tawa nang tawa.
Noong araw na 'yon ay ipinagpatuloy pa rin namin ang party sa kabila ng nangyari. Wala man sina Magi at Julia no'n, alam kong malulungkot sila kung hindi namin itutuloy 'yong party para kay Israel na matagal-tagal din naming pinaghandaan.
We just watched Israel turn his back at us, papunta sa presinto upang samahan 'yong dalawa sa virtual graduation namin na dapat hindi sila mawala. Gusto ko sanang kasama ako roon... kung hindi lang sana ako ga-graduate din ngayon. Kung sasama naman ako sa virtual graduation nila, baka raw hindi pa ibigay sa akin ang diploma ko.
Ewan ko kung biro lang ba 'yon o tinatakot ako ng mga professors ko no'ng subukan kong magpaalam na sa virtual na lang ako a-attend.
"Doon na kami," paalam ni Eli kina Warren at Alec na prenteng nakaupo na sa kanilang upuan.
Absent si Harris dahil nasa Cebu para sa business trip, habang si Yuwi naman ay kasalukuyang naka-duty sa trabaho. 'Di raw siya ubrang hindi pumasok dahil na rin 'di siya pinayagan ng boss niya.
"To start our program for today, allow us to give the spotlight to our dearest directress of the campus, Miss Jamila Sandico," uttered by the Master of Ceremony as she gave the microphone to Miss Sandico, our directress.
She accepted the microphone before facing the crowd. "This is my third time witnessing our hardworking graduating students in this university fulfill their dreams to finish their degree."
"The fruits of your hard work are ready to be harvested. Worth it ang pagsusunog ninyo ng kilay dahil diploma ang naging bunga. I'm greatly honored to be the one giving you these diplomas na pinaggugulan n'yo ng apat na taon upang makamit. I'm beyond proud of all of you, Batch 2022 graduates. Mabuhay kayo!" Finishing her brief speech with an encouraging words on the last part, pagdaka'y ibinalik na ang mic sa emcee.
"What a thoughtful speech coming from our sweet directress. Thank you, Ma'am Sandico!" pagpapasalamat ng emcee bago itinuon ang atensyon sa sigurong script niya. "Proceeding to our beloved Governor, let us give him a round of applause and hear his thoughts and appreciation for our newly batch of graduates!"
Ilang mga panauhing pandangal pa ang hinintay naming matapos na mag-speech sa stage bilang parte ng seremonya. Nang matapos ang speech ng mga panauhing pandangal, tiyaka pa lang kami nabigyan ng pagkakataon na makapag-martsa patungo sa stage kasama ang aming mga magulang upang tanggapin ang aming hinahangad na diploma.
"Congratulations," pagbati sa akin ng mga dinaanan kong importanteng tao sa stage habang nakikipagkamay bago tanggapin ang diploma.
"Thank you po," ang tanging nasagot ko before I proceeded on the center stage with my mother, and took a photo.
Proud na proud ako sa sarili ko sa sandaling naabot ko na ang isa sa mga objective ko sa buhay. Isa na lang talaga ang hindi... at sa tingin ko ay matutupad lang 'yon once na makalabas na siya sa selda.
Ang sunod na nangyari ay sunod-sunod na sinabitan ng medal ang mga estudyanteng may karangalan. Hindi ako pinalad na maka-graduate with flying colors kaya tahimik ko na lang na pinanood sila na tanggapin ang medalyang bunga ng kanilang pagsisikap.
Sana all na lang.
"As part of our closing remarks, ihanda ang ating mga kamay sa pagbibigay-pugay sa Cumlaude ng Batch 2022 graduates!"
Napuno ng palakpakan ang loob ng gymnasium habang ang mga mata ko ay nakatuon sa estudyanteng nasa stage, suot ang itim na graduation gown at toga. Marahan niyang kinuha ang microphone bago iharap sa crowd ang kanyang mukha.
"Magi?!" gulat na bulong ko sa sarili.
"It's been a while since I last visited this campus... a year ago, I think. I have no regrets choosing to study here because since my first year, I found people who became my family, as well. Can't imagine how the days fly by so fast, thinking that I've already graduated with my degree... finishing it as a Cumlaude."
"Hindi biro ang pagtuntong sa kolehiyo. You will shoulder a huge amount of responsibilities as a student and as an ordinary individual. As we all know, our world shouldn't revolve only in the four corners of the classroom... which I have learned that studying should be prioritized but never ever forget about yourself and your mental health."
"Tons of distinct posts on social media have I seen which increase my concerns about these students who abused their health just to make their parents proud or collect medals just so they could consider themselves as an achiever or an intelligent individual."
"Ladies and gentlemen, I would like to inform you and also to use this platform to raise awareness that to be an achiever doesn't always require you to study hard, to the point you're abusing your health for the sake of your ambition. It's completely fine if you've been wanting to make your parents proud in return for giving them medals as part of your achievement, pero ang lahat ng sobra ay masama."
"Learn to balance things... limit yourself from expecting things to happen. Something that I learned while spending my years on this campus is that I learned to limit my expectations because of the fear of being disappointed in the end."
"Sabi nga nila, life is full of disappointments. Contrary to that, may room pa rin naman para mangyari 'yong expectation mo, but accept the fact that it will not always be possible to happen. The best thing we should do is to be content."
"On the other hand, I would like to thank everyone for hearing my long speech ahead of you. Forgive me if I talk too much... I have a lot more to say."
"To thank my professors for being hardworking teachers for us and being a good role model---especially for us, Future Teachers. Nagpapasalamat din ako sa mga matitiyagang taga-maintain ng kalinisan sa campus na ito. Without them, we, students, wouldn't be able to study comfortably in this university."
"To all the people who believed in me when I'm facing my greatest nightmare, thank you. Shout out sa mga kaklase ko riyan na nakasama ko throughout this journey. Sobrang blessed ko to have you guys!"
"Sa mga panahong akala ko ay tinalikuran na ako ng mundo, aside sa mga kaibigan ko, kayo 'yong nakaagapay sa akin at pinaramdam n'yong kahit ano'ng sabihin ng iba, sa akin lang kayo maniniwala."
"Shout out din sa mga Tita's ko riyan, sa mga nagsilbing magulang ko right after I became a homeless person. Salamat po sa pagpaparamdam na hindi ako nag-iisa kasi nandiyan kayo para magsilbing pamilya ko rin.
To Tita Lea, Eli's mother, I love you so much po! To Tita Ellen, Dylan and Julia's mother, thank you for your forgiveness..." those words were uttered in a lower tone.
"I would like to thank my grandmother in heaven, who I know is watching me right now. Nakakalungkot na hindi niya ako naabutan na maka-graduate at hindi niya naabutang maging isang ganap na guro ako. She dreamt of having a granddaughter to be a teacher... so I pursue teaching even if it's not my dream profession.
In return for all the sacrifices and love she had given to me in the absence of my parents, sinunod ko ang gusto niya... tinupad ko ang pangarap niya. Thankfully, I learned to love and embrace this profession. Finishing my degree as a Cumlaude, without having regrets entering this kind of profession. Hopefully, I made her smile and happy as I finished off this degree."
"And of course, sa mga kaibigan ko na 'di ko na pipiliin pang pangalanan. Sino lang ba ang mga kaibigan ko kung hindi kayo lang naman, 'di ba? Salamat sa pagsama sa akin through my ups and downs. Salamat sa walang-sawang pagsuporta sa akin at pagbibigay ng advices sa kagaya kong marupok sa pag-ibig.
You know how much I love all of you, thanking the almighty God for bringing y'all into my life. Well, my life will end up colorless kung hindi ko kayo nakilala."
"For the last part of my very long speech, there's these two people who I wanted to extend my gratitude to..." Her eyes landed on the person sitting next to me. "You make my life extra meaningful, Eli. You may not be the person who I ended with, at least you became a part of me... my most treasured experience in life."
Lumipat ang mapupungay niyang mga mata sa kinauupuan ko, pinipilit ang sarili na 'wag maubo dahil sa kabiglaan. "I owe you an important long message, Dylan. Napahaba na 'yong speech ko kaya mamaya na lang."
Binawi niya kaagad ang tingin at ibinalik sa crowd. "Before I ended my speech, wala akong takot na ilalahad sa inyo ang katotohanang bilanggo ako sa salang attempted murder. Tinapos ko ang huling taon ko sa college sa kulungan dahil nanghihinayang ako kung titigil ako ng isang taon kung pwede ko namang gawan ng paraan, 'di ba?"
"Last year, 2021, was my unluckiest year. Kung baga, ito 'yong taon na sana ay hindi na lang nangyari. Kung posible lang talaga na lampasan ang taong 2021, I think I may not be the happiest person in the universe, but still happy to think that my grandmother was still alive.
Yes, it was all about my grandmother and my eagerness to have justice on her death was the root of how my life became complicated... I ended up putting myself inside the jail.
To cut the long story short, I spent almost a year inside the jail para pagbayaran ang kasalanan ko sa nakaraan. Ngayong araw ng paglaya ko, I was standing in front of all of you upang ipagyabang na kahit nasa loob ako ng selda, nagawa kong g-um-raduate with flying colors."
"It's not always about the grades or any numeric symbolism we are seeing in our card just so you consider yourself as an achiever... but your hard work hugely counts. Mababa man o mataas, ang importante ay pinaghirapan mo 'yon... hindi ka umasa sa iba to maintain your high grades."
"I've talked too much so I'm gonna end this with meaningful words from me. In any aspect of life, it is always important to love yourself. To love yourself means to invest in your personal growth, to work on being the best version of you. You become a seed which you, yourself, water on a daily basis in order to grow.
Always take note that to love yourself doesn't mean you're being selfish. Learning to love yourself only means appreciating your flaws and imperfections and beginning to build self-esteem, making it your shield if someone dares to stab you just so they could be able to pull you down."
"Be aware that before entering a relationship, pag-aralan mo munang mahalin ang sarili mo bago ang iba. Do not commit the same mistake I've made before... you've been warned." Her face broke into a smile. "Thank you for listening."
We gave her a round of applause. She bowed her head down bago tuluyang bumaba ng stage. Nakasunod sa kanya ang paningin ko, dumiretsyo siya sa kabilang side para doon umupo. Nakahiwalay kasi ang upuan ng mga babae sa lalaki, e.
"I'm surprised... laya na pala si Magi. Hindi man lang niya tayo sinabihan," rinig kong sambit ng katabi kong si Eli.
Hindi na importante sa akin kung hindi niya man kami sinabihan na ngayong araw na pala ang laya niya... ang mahalaga sa akin ngayon ay wala na siya sa kulungan.
Finally, magkakasama na kami ulit nang walang seldang pumapagitan.
*****
Pagkatapos ng program, hindi man lang kami hinayaan ni Delancy na makapag-usap ni Magi. Pagdaka'y inakay niya kaagad ito after ng picture taking.
Hindi nirespeto 'yong kagwapuhan ko, nakakayamot.
"Silang dalawa kasi ang nakatoka sa preparation ng party natin mamaya," Warren whispered. "Huwag ko nga raw palang sabihin sa inyo--"
"Nasabi mo na, e. Ituloy mo na," bored na sambit ko.
"Basta may party tayo mamaya... tulad ng nakagawian tuwing may ga-graduate sa atin," pagtuloy ni Warren sa sinasabi niya. "Bakit pala hindi na bumalik si Israel--"
"Na-traffic lang ako." Pagkapasok ni Israel sa bahay nina Warren, agad itong naupo sa sofa habang habol ang kanyang hininga. "Wala pa namang 24 hours akong nawawala sa paningin mo, miss mo na ako kaagad?"
"Disgusting!" At umaktong nasusuka pa si Eli habang prenteng nakaupo sa single-seater na sofa.
"Kumusta pala si Julia?" Alec asked.
"Senti mode ang Ate Julia niyo," humahagikgik na sabi niya. "Buti na lang daw at naisipan kong puntahan siya roon kasi kung nagkataon, baka g-um-raduate siya nang mag-isa."
"Hindi naman kasi pwedeng hatiin katawan ni Mama," I mumbled.
"Okay naman na siya, bro. Nakakapanibago nga kasi parang bumait siya lalo."
"Good for her," ani Alec. "At least hindi nasayang ang pagkakakulong niya nang gano'ng katagal kasi kahit paano, nagkaroon siya ng character development."
"Nakakapanibago nga kasi buong akala ko ay sisigawan niya ako... pero hindi niya ginawa."
"So happy for her," si Eli ang nagsalita. "Literally, she proved to us that she's also capable of making some changes in her life.
Kaya niya rin magbago kagaya ni Delancy. Thankfully, she changed for the betterment of herself."
"Kailan pala ang labas niya?" tanong ni Warren. "Bakit naaga ng labas si Magi sa kanya?"
"Magaan lang ang kaso ni Magi compared to Julia," I answered. "Attempted murder ang kaso kay Magi and because she's still a minor no'ng gawin niya 'yon, she's been sentenced to be imprisoned for about eight months to one year---depende kung gaano kalala."
"However, Julia intentionally murdered a person... poisoned by an unknown drug na inilagay ni Trisha sa drinks niya. Kahit pa sabihin na gano'n nga ang nangyari, Julia still murdered a person kaya mahaba-haba ang ilalagi niya sa kulungan. Ang pinakamatagal, kung hindi ako nagkakamali, ay apat na taon."
"Teacher ka ba o lawyer?" mocked Alec.
"Pwede rin namang both," pagsakay ko sa pamamangka niya.
"Poor Julia... sana isipin niya na lang na apat na taon siyang makukulong sa bahay ni Kuya." Ewan ko pero natawa ko sa sinambit ni Warren.
"May nakakatawa?" asked Eli, innocently.
"Mayroon?" si Israel ay ganoon din ang naging tanong.
"Okay, ang babaw ng kaligayahan ko," pagsuko ko bago tumayo. "Pahangin lang ako sa labas. Sabihan niyo na lang ako kung aalis na tayo."
Lumabas ako ng bahay nina Warren hanggang sa makarating sa kalsada at naglakad-lakad sa loob ng subdivision kung saan sila nakatira. Makulimlim ang langit, mahangin at presko nang makalabas ako mula sa bahay nina Warren. Napagod na kasi 'yong pwet ko kakaupo sa sofa kaya naisipan kong lumabas... pero hindi ko inaasahang makakasalubong ko si Magi.
Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit siya nandito, nagkusa ang katawan ko na gumalaw at lumapit sa kanya. I locked her in my body using both of my arms.
"I miss you," ang tanging salita na lumabas sa bibig ko bago ko siya iniharap sa akin. "How are you--"
"Na-miss din kita, syempre!"
"I'm asking you if you're okay--"
"Can't you state the obvious? Why would I feel unwell? Nakita na kita so... I'm more than okay." Doing her mannerism, she's pouting again. I moved my face closer to her tiyaka siya mabilis na hinalikan sa labi. "What was that for--"
"Your punishment," prenteng sagot ko. "Sinasadya mo talaga siguro na mag-pout sa harap ko para halikan kita, 'no?"
Nabigla ako nang itulak niya ako palayo sa kanya. "Ang assuming mo, huh? Hindi lang tayo nagkita ng ilang buwan, lumobo na naman 'yang ulo mo!"
"Bakit?" natatawa kong tanong. "Alam ko namang na-miss mo rin 'yong halik ko--"
"Kung wala ka rin lang sasabihing matino, better shut your mouth!" Aalis na siya dapat pero lumapit ako sa kanya upang pasanin siya sa likod ko. "Dylan, what are you doing?! Ibaba mo nga ako!"
Imbes na makinig, pinara ko ang taxi na kadadaan lang tiyaka siya isinakay roon. "Ano bang pinaplano mo, huh? Dadalhin mo ako sa motel? Para ano--"
"Child Jesus Orphanage, boss."
"W-What? Ano'ng gagawin natin doon, Dylan? Hindi mo ba alam na may sasabihin ako kina Warren. Delancy needs assistance from the boys--"
"Para saan pang may load at may cellphone ka?"
"Wala akong load!"
"Ako mayroon." I texted Warren para iparating ang gustong sabihin sa kanila ni Magi at para na rin sa ikatatahimik ng kaluluwa niya. "Sent!" Ipinakita ko pang nag-sent 'yong text message ko kay Warren.
"Tawagan mo! What if hindi niya mapansin ang text mo--"
"Okay raw." Muli, iniharap ko ang phone ko sa kaniya para makita niyang sumagot sa text ko si Warren. "May sasabihin ka pa?"
Sinamaan niya lang ako ng tingin. Habang naka-cross ang braso sa chest part niya, padabog siyang sumandal sa upuan ng taxi, nakaguhit ang nakasimangot niyang labi sa mukha.
I didn't know if she's just not in the mood or baka may sama ng loob talaga siya sa akin?
Nang tuluyang makarating sa lugar, batid ko ang malaking pagbabago ng lugar na ito compared noong last time ng pagbisita namin dito. Maayos na ang mga facilities at may playground na ang mga makukulit na bata rito sa orphanage.
Pinatunayan lang ng nangangasiwa rito na hindi niya sinayang sa wala ang donasyong ibinigay ng pamilya namin sa kanila.
"We've promised the kids here na babalikan natin sila," I started talking. "Do you think it's fair kung hindi natin 'yon tutuparin? Simple lang naman ang hiling nila... bakit hindi natin pagbigyan?"
"You talk too much!" Iniripan niya ako pagkatapos. "We're already here, right? So, pwede bang 'wag mo na akong konsensyahin?"
"Ang init naman ng ulo ng future misis ko." inakbayan ko siya pero ramdam kong itinutulak niya ako palayo sa kanya. "Ganyan mo ba dapat itrato ang magiging asawa mo?"
"Proposal muna," mahinang bulong niya ngunit sapat na upang marinig ko. Hindi ako sumagot, bagkus napangiti na lang ako sa sinambit niya.
Magkasabay namin na tinahak ang daan patungo sa mga bata, hindi na ako nagulat nang sugurin nila kami at isa-isang niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Tinupad niyo po 'yong promise niyo, kuya!" tuwang-tuwa na sambit ni Macmac. "Buong akala ko po ay hindi na kayo babalik... pero nandito kayo't kasama na ulit kami. Salamat po, huh? Na-miss po talaga namin kayong kalaro, e!"
"Bakit naman kami mangangako ng isang bagay na hindi namin tutuparin?" Nakangiti ako sa kanya. "Hindi na mabilang ang mga pangakong napapako, dadagdagan pa ba namin 'yon?"
"Tiyaka, Macmac..." ani Magi. "Para saan pa na nag-pinky promise tayo kung 'di namin 'yon tutuparin, 'di ba?"
Pangako mo nga sa akin noon, 'di mo tinupad.
"Ayaw mo pa ngang sumama sa akin," natatawang bulong ko sa kanya.
Siniko niya lang ako tiyaka nginitian si Macmac. "Nakakatuwa naman kayo... Ang gaganda't gugwapo niyo na."
"Opo, Ate Magi! Sa inyo kami nagmana!" sabi ni Mikmik, ang batang babae na katabi ni Macmac.
We spent some of our time na makipaglaro sa mga bata, at nang mapagod ay nagsipag-merienda sila. Nakisalo kami at nagpasalamat sa pagpapaunlak bago nilisan ang lugar na 'yon.
Nakaupo kami sa waiting shed habang naghihintay ng masasakyan, biglang binasag ni Magi ang katahimikan.
"You're that guy, weren't you?"
Lumingon ako sa kanya. "Sino'ng tinutukoy mo?"
"The guy who saved me on the bar... noong muntikan na akong ma-rape."
Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya sa pagkabigla nang ungkatin niya ang tungkol sa bagay na 'yon. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago nagsalita. "Ako nga, Magi."
"Bakit mo itinago?" From my peripheral view, kita kong nakatingin siya sa akin. "What's the purpose of hiding it from me?"
"I don't like being entitled to be a hero nor a savior," I replied.
But the truth is, I don't want her to know na ako 'yon dahil hindi pa ako ready na magpakilala sa kaniya noon. I know I had plenty of chances na aminin 'yon kay Magi, pero hindi ko ginawa. Nangyari na 'yon... and I don't think so it would mean a lot to her if ever na sinabi ko 'yon sa kanya.
"Hindi ba't nasa States ka noong mga panahon na 'yon? Julia told me that you're studying abroad... so, ano'ng ginagawa mo rito that day?"
"I had a two month vacation, May to July, and I spent it here. Umuwi ako rito para magbakasyon upang makasama sina Mama at Julia. Sa States kasi, tita ko ang kasama ko and sawang-sawa na ako sa surroundings doon kaya umuwi ako."
"Kaya naman ako napadpad sa bar na kinaroroonan n'yo, it's because Alec invited me to go there. 'Yon na sana ang pagkakataon na makilala mo ako pero noong papasok na ako sa bar, nakita kitang hina-harass ng lalaki, so I took action.
After that incident, nawalan na ako ng lakas ng loob na makilala mo ako kasi ayokong malaman mo na ako 'yong lalaking nagligtas sa iyo. Kaya nagpalusot na lang ako kina Alec na sumama ang pakiramdam ko no'ng araw na 'yon."
Manghang-mangha ang mukha niya na tumingin sa akin. "Nakonsensya tuloy ako kasi noong nagkita tayo sa reception, inakala kong rapist ka or manyakis without knowing you're that guy who saved me from the rapist that night." Hinawakan niya ang kamay ko. "I owe you my life. Thanks for doing that."
"Hindi ko hahayaan na hindi ako ang makakauna sa iyo, 'no?" pagbiro ko.
She punched my chest. "But seriously," she said. "Noong nalaman kong ikaw 'yong lalaking nagligtas sa akin no'ng araw na muntik na akong masagasaan, pati na rin 'yong pagbigay mo sa akin ng phone sa party... I already had a hint na ikaw 'yon." She flashes a smile on her face. "Hindi ba't may utang akong speech sa iyo?"
"I'm waiting." My lips curved into a smirk.
She chortled softly. "Dylan..." She pressed my hand using her two little but tender hands. "I've made a lot of mistakes in my life, but meeting you ain't one of them. The truth untold is that, I regret of meeting you noong nasa reception tayo ng kasal ng tita mo. Who wouldn't be? Maybe I'm overreacted because all I thought, sinisilipan mo talaga ako."
"But yeah... as I knew you very well, I'm so blessed na nakilala kita. I'm on cloud nine because we've been reunited. Sa kabila ng kamalasan ko sa buhay at sa mga hindi magandang pinagdaanan ko, isa ka sa magandang nangyari sa buhay ko."
"My words are not filtered... It's true and natural. Galing pa sa kailaliman ng puso ko."
Lumapit ako sa kanya upang idampi ang labi ko sa noo niya, sunod sa ilong hanggang sa makarating sa pisngi. "Thousands of girls I know... but I only love you, Magi. Ikaw lang ang unang babae na nagustuhan at minahal ko, ikaw lang hanggang sa huli."
"I may not be a perfect partner to you, but one thing I can promise to you... ikaw lang ang nag-iisang babae rito." Gamit ang kamay niya, I placed it on my chest. "Hindi ako nagmahal ng iba because I want to keep my promise to you---you're the only girl I will love."
Nagsimulang sumariwa ang alaala sa nakaraan... kung paano kami nagkakilala ni Magi noong mga bata pa kami.
Bagong lipat kami sa lugar nina Magi noon at nagkataong magkapit-bahay pa kami. Naging close ang family namin sa lola niya at may mga araw na dinadalhan kami ng lola niya ng pagkain, gano'n din naman si Mama sa kanila. Dahil doon, naging close din kami ni Magi at naging magkalaro. Hindi ko kasama si Julia no'ng mga panahon na 'yon dahil nasa probinsya siya... nakatira sa lola namin doon.
Nagsimula sa pagiging magkalaro, hindi ko inaasahan na mas hihigit pa roon ang tingin ko kay Magi. Alam kong mga bata pa kami para maramdaman 'yon, pero hindi ko napigilan at ipinagtapat sa kanya na gusto ko siya.
Umamin din siyang gusto niya ako... at 'yon ang unang beses na naramdaman kong tumibok ng sobrang bilis ang puso ko. Hindi batid ang mga sinasabi namin sa murang edad, nagsumpaan kaming dalawa sa pekeng altar at nangako sa isa't isa na wala kaming ibang magugustuhan at mamahalin kung 'di ang isa't isa lamang.
Mga pangakong minsan nang nalimutan ng isip ni Magi dahil nahulog ang loob niya kay Eli... pero kahit minsan ay ang pangakong 'yon ay pilit kong pinanghawakan at tinupad.
Hindi ako nagmahal at nagkagusto sa ibang babae... kasi sa murang isip ko noon, batid kong masamang bumali sa pangako.
Kaya lang sobra akong nalungkot noong dumating ang araw na kinakailangan ko siyang iwan. Nag-decide kasi si Mama na lumipat kami ng bahay... malayo kina Magi. Nalipat kasi ng ibang branch si Mama sa trabaho kaya umalis kami sa lugar na 'yon. Masakit para sa akin na iwan si Magi... kung alam niya lang na sobrang hirap din sa akin na iwan siya.
Buong akala ko talaga ay hindi na kami pagtatagpuin ng tadhana, but thankfully I found her again. Natandaan ko pa 'yong araw na inangkas ko sa bike si Magi. Noong nakita ko siya sa sementeryo, palihim kong dinukot sa bulsa ko 'yong bracelet na ibinigay niya sa akin para sadyain na makita niya 'yon... hoping na maalala niya ako once na makita niya 'yon.
That time, I'm fully aware na hindi na ako naaalala ni Magi. Hindi rin kami nagkapalitan ng pangalan kaya wala siyang traces sa pagkatao ko... 'yong bracelet lang. Pero ako, kahit ang laki na ng pinagbago niya, nagawa ko pa rin siyang makilala---lumipas man ang maraming taon, nakilala pa rin siya ng puso ko.
Wala na akong masabi... sadyang napakabait ng tadhana sa amin this time.
"I love you." She cupped my face at sa ilang sandali lang, I felt her lips touch mine.
"Mas mahal kita," I answered before returning the favor.
*****
"Oo, okay na 'yan!" mariin kong bulong kay Eli tiyaka inagaw sa kanya 'yong bouquet of roses na hawak niya. Pinilit ko pa si tita na ipahiram niya sa akin ito para kako sa pasabog ko, buti kamo pumayag.
"Good luck, bro!" aniya sabay tapik sa balikat ko. "Sure naman ako na mission success tayo!"
Inayos ko ang collar ng suot kong polo. Gamit ang mga daliri, inayos ko ang buhaghag kong buhok habang nakaharap sa salamin. "Konsensya niya na lang kung tatanggihan niya ako." I smirked a little.
"Ang yabang talaga ng kaibigan ko!" natatawa nitong sambit bago kami naglakad paalis ng bahay nila.
Sakay ng kotse ay mabilis naming tinahak ang venue ng party. Nang makarating, may mga tao na sa loob. Mga pamilya at kamag-anak namin ang nasa loob, abala sa pag-inom ng wine at pakikipagkwentuhan.
"Wala pa sila?" tanong ko kina Alec. "What took them so long?"
"Excited ka naman, bro. Five minutes pa bago ang call time!" he said in between laughs.
Hindi kasi ako mapalagay. Parang maiihi ako sa sobrang kaba lalo't ang daming tao na pwedeng makasaksi ng gagawin ko. Kung sakaling mapahiya ako, maraming witness.
"Relax ka lang. Huwag mong ipahalata sa amin masyado na kabado ka." Kahit hindi bakas sa boses niya, alam kong sinusubukan akong asarin ni Israel.
Papansinin ko na sana siya nang lumapit ang papa ni Magi sa akin. Agad akong nagmano sa kaniya. "Mabuti naman po't nakapunta po kayo."
"Magtatampo ang unica hija ko kung hindi ako darating." Tumaas ang kamay niya patungo sa buhok ko bago 'yon guluhin. Ang hirap kayang ayusin ng buhok ko, ginulo niya pa. "Hihintayin ko 'yang pasabog mo." Tumalikod na ito kaagad at ako'y naiwan na nakanganga.
P-Paano niya nalaman?
"She's here," bulong ni Warren sa akin.
Hindi pa man nag-iinit ang pwet ni Magi sa pagkakaupo sa upuan kausap ang papa niya, agad siyang napatayo nang magsimulang tumugtog ang banda sa loob ng venue.
Kasabay rin noon ay ang paglapit ko sa kanya bitbit ang bouquet of roses... ang ugat ng una naming pagkikita.
"What are you doing?" galit niyang bulong sa akin. "Nakakahiya sa mga tao, Dylan. Don't you ever dare do something embarrassing--"
She stopped from talking nonsense when I knelt down in front of her. "Magi..." Sa loob ng petals ng mga roses, hinugot ko mula roon ang isang singsing. "Higit pa sa P15 billion ang presyo ng singsing na ito kaya makonsensya ka na ngayon pa lang kapag hinindian mo ako."
"Are you insane?!" mariin niyang bulong.
Nakangiti akong tumango. "I'm stupidly in love with you, Margaret Serrano." I raised a genuine smile on my face. "Can you please allow me to change your surname... into mine? Will you accept me as your partner through your ups and downs, in sickness and in health?"
"Hindi pa ako pumapayag, 'di ba? Why are you saying wedding vows too soon?"
"Look at my back and please read the banner."
She looked around and said, "Me Marry You Will?"
Tiningnan ko ang tinitingnan niya... jusko ang mga kaibigan ko, sabog ba sila? Ang sana'y "Will you marry me?" ay naging jumbled.
"Magi, will you marry me?" I remained in my composure and asked her straight. "Ang sakit na ng tuhod ko, Magi. Sumagot ka na--"
Kinuha niya sa kamay ko ang singsing at siya na mismo ang nagsuot no'n sa ring finger niya. "Who am I to refuse?"
Dala ng sobrang tuwa ay niyakap ko siya nang mahigpit habang mariing isinisigaw sa loob ng venue na fiance ko na si Magi... finally. I can't even explain what I'm feeling right now. Basta ang alam ko lang ay sobrang saya ko ngayong gabi dahil 'yong babaeng minahal ko noon hanggang ngayon ay malapit ko nang maging asawa.
"So happy for the both of you." Unang-una sa listahan na bumati sa amin ay si Mama. "Hindi naging madali ang daan na tinahak n'yo patungo sa isa't isa, pero worth it naman ang hirap."
"Congratulations." Sunod ay ang papa ni Magi. "Kailan ba ang kasalan, balae?" natatawang tanong nito.
"Let's give them enough time to prepare, balae," pagsakay ni Mama sa sinabi ng future Papa-in-law ko.
"Obvious pa sa mukha n'yong dalawa na hindi kayo naniniwala sa tradisyon naming mga matatanda... na kung sino ang makasasalo ng bulaklak na ihahagis ng bride ay sila ang susunod na ikakasal."
"Naniniwala na siguro kayo na totoo talaga 'yon, ano?"
Tumango na lamang kami nang sabay ni Magi kay tita. Bigla kong naalala 'yong araw na nasalo namin 'yon parehas... kahit na sadya 'yong ginawa ko na paglapit kay Magi at sadya rin ang pakikipag-agawan ng kamay ko sa kamay niya sa pagsalo no'ng bouquet.
Pilit at pinilit... pero at least naging totoo.
Hindi sa kagustuhan ko na pangunahan ang tadhana para gumawa ng daan upang magtagpo kami... ngunit hinayaan ko lang ang sarili ko na gumawa ng aksyon. For I believe, tayo rin---mga tao---ang gumuguhit ng sarili nating kapalaran.
Napuno ng pagbati para sa successful na mission ko ang loob ng venue. Lahat sila ay masaya para sa amin ni Magi at natutuwa naman ako roon. Unexpected pa nga ang naging pagpayag ni Magi kasi buong akala ko ay hindi niya ako sasagutin ng oo... pero buti na lang hindi 'yon nangyari.
Habang abala ang iba sa pagkain at pagkukwentuhan, I dragged Magi outside the venue. We went on the balcony, allowing the both of us to witness how dark the night sky was.
"I'd never expect you'll be this fast," I heard her say.
"Matagal na akong sigurado sa iyo, Magi. Matagal ko nang gustong gawin ito... matagal kong naging pangarap na ngayon lang nagkaroon ng katuparan." I cupped her face, pulled her lips to curve a smile. "At dahil pumayag kang maging bride ko..." Hinawakan ko ang kwintas na ibinigay ko sa kanya, saktong nakasabit sa leeg niya. "Anyway, thanks for always wearing this necklace."
"Syempre, galing sa iyo." Simple words from her make me thrilled this way.
"Kaya ako'y sa iyo, e." Natawa pa ako ng bahagya. Hinawakan ko ang pendant ng necklace. "The meaning of this pendant is... serendipity."
"Interesting word, huh? I haven't heard that word before," she amusingly said.
"Serendipity means finding something beautiful without looking for it." My face returned to be solemn. "Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Magi. Since we were children until now, you are worth treasured. Naging matagal man ang paghihintay ko sa tamang panahon na magkita ulit tayo... sulit naman kasi ito ang kapalit---pinayagan mong ako ang lalaki na makakasama mo habambuhay."
"Pinagtagpo tayo ng tadhana noon... Pinagtagpo at minsan nang pinaghiwalay, pero tayo pa rin pala talaga hanggang sa dulo. How iconic it is, my love..."
Hawak ang bouquet of roses na kaninang hawak ko, lumuhod akong muli sa kanyang harapan.
"May part 2 pa ba ang proposal mo--"
"Well, may ilang detalye ako na hindi nasabi... 'Cause I want to keep it private, between you and me." My eyes crinkled at the corners while looking at her. "Do you still remember this scene?"
As I start reminiscing the past, I was at the same position---nakaluhod sa kanyang harapan habang hawak ang mga pinitas kong santan sa kapitbahay. Mula sa loob ng tumpok ng mga bulaklak, inilabas ko ang singsing na gawa sa pinagdugtong-dugtong na bulaklak ng santan bago iharap sa kanya 'yon.
"Will you marry me?" ang aking itinuran sa napakagandang batang babae na nakatayo sa aking harapan.
"Will you marry me, Margaret Serrano?" I asked, smiling extensively at her.
Laking gulat ko nang makita siyang umiyak. "Naaalala ko," humahagulgol niyang sagot sa akin.
"Talagang pakakasal ako sa iyo!" sagot niya sa akin at siya na mismo ang nagsuot sa daliri niya ng singsing na gawa sa santan.
"I will marry you, Dylan Villarosa." This time, ang tunay na singsing---gawa na sa bakal at hindi sa santan---ay aking isinuot sa kaniyang palasingsingan.
"Dalawang singsing na 'yang nakakabit sa daliri mo. Ang ikatlo ay sa kasal na natin... tatlo para I love you." Umayos ako ng tayo, nanatiling nakahawak nang mahigpit ang kamay ko sa kanya. "Gladly you still remember," tugon ko.
She hummed. "Iyon ang isang alaala ko mula sa nakaraan na ayoko na muli pang kalimutan," she whispered.
Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa labi. "Sa bulaklak ng santan tayo nagsimula... at natutuwa akong isipin na sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa altar pa rin ang ating destinasyon."
"Buong akala ko ay hindi na ito posibleng mangyari. Akala ko hanggang sa panaginip na lang matutupad ang pangarap ko simula bata pa lang tayo na pakasalan ka... Buti na lang ay gumawa ang tadhana ng paraan para magkita tayong muli."
"At dahil 'yon dito." Hinawakan niya 'yong bouquet of roses na nasa kamay ko. "Mula sa tumpok ng bulaklak na santan ay naging tumpok ng rosas na siyang nagsilbing daan upang magkrus muli ang landas nating dalawa."
"Tanda mo 'yong sa tita mo, 'di ba?" She hummed softly. "Iyon na pala 'yong sign... Doon na pala mag-uumpisa ang book 2 ng ating kwento. Fortunately, it ended like this."
"Because we're meant to be." She smiled. "Destiny gave you a second chance to find me... and you found me in my mess. Mula sa pagkakalugmok sa isang putik na akala ko ay hindi ko na kayang ahunin, you made it possible. You helped me to start a new beginning and lead the way in my most dreamt happy ending."
"My pleasure." I flashed a smile.
To close the book of our love story, my lips sealed hers. It was a great honor to me that this woman I've shared my lips... and soon my life with, I helped her to learn the importance of self-love. As she learns to love herself. Her love becomes sweeter and irresistible.
At this very moment, there's always room for a happy ending. Couples of trials and misfortunes ahead of us, but in the name of love, there's no problem that couldn't be solved. There's no perfect love story, but that doesn't mean a story is full of flaws and imperfections, it should have a tragic ending.
Hindi sa kwento naming dalawa.
Together with their families...
Dylan Villarosa
&
Margaret Serrano
Request the pleasure of your company at celebration of their wedding. Soon.
THE END.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro