Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Iisa ang naging reaksyon namin ni Dylan --- pareho kaming nagulat sa biglang sinabi ni lola na ang apo na tinutukoy niya ay si Dylan at hindi ako. Sobrang gulo ng pangyayari, hindi ko maintindihan kung bakit si Dylan?

"Apo, sa wakas ay nagkita na muli tayo!" sambit ni lola habang tuwang-tuwa ito na nakayakap kay Dylan.

Bakas sa mukha ni Dylan ang kalituhan. Hindi niya kasi alam ang tungkol sa kalagayan ni lola dahil na rin ito ang unang pagkakataon na makapunta si Dylan dito sa bahay namin. 

That's the thing I forgot to tell him, siguro ay ipapaliwanag ko na lang sa kanya ang lahat mamaya.

"Lola, siya po---" He was about to poked my direction nang biglang magsalita si lola.

"Siya si Magi," ani lola at nakangiting tumingin sa 'kin. "Hindi ba't siya ang napakaganda mong girlfriend, apo?"

'Yong namumuong pag-asa ko na baka sakaling naaalala na 'ko ni lola ay biglang naglaho na parang bula.

Kung bakit ba naman kasi hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong maaalala 'ko ni lola bilang sarili niyang apo.

Sadly, it ends up like this. Recognizing Dylan as her grandson imbes na ako dapat.

Ngumiti ako. "Opo, ako si Magi. Tama po kayo lola, ako ang magandang girlfriend ng apo ninyo." Tumingin ako kay Dylan ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pagtataka.

"Trust me," I mouthed.

"Nakakatuwa naman kayong dalawa, perfect match talaga kayo. Hindi ka naman ba binibigyan ng sakit sa ulo nitong napakagwapo kong apo?" tanong ni lola.

Umiling ako. "Hindi pa naman po." At tiyaka ako natawa ng bahagya.

"Huwag kang mahihiyang magsabi sa 'kin kung pinapasakit na ni Dylan ang ulo mo. Hayaan mo't pagsasabihan ko 'yan," ani lola tiyaka tumingin kay Dylan at bahagyang pinalo ito sa braso. "Umayos ka, hijo. Ang gandang dalaga nitong si Magi, baka magkamali ka pang pakawalan siya. Gusto ko pa namang magkaroon ng apong babae na kasing ganda niya."

Mapait akong napangiti. Hindi ko maiwasan ma-miss 'yong bonding namin ni lola dati. Hindi ko maiwasang ma-miss ang mga panahong ako 'yong pinapalo niya sa braso para pagsabihan sa mga maling ginagawa ko noon.

"Halika't matulog na tayo---"

Naputol sa sasabihin si lola at sa akmang pag-akay niya kay Dylan paakyat sa taas nang magsalita ito.

"La, hindi po ako pwedeng mag-stay rito."

Kumunot ang noo ni lola. "Bakit naman hindi? Bahay natin ito, apo. Ano'ng dahilan para hindi ka pwedeng tumira dito?"

Nagkatinginan kami ni Dylan, binabasa ang isip ng isa't isa kung sino ba sa aming dalawa ang dapat sumagot sa tanong ni lola.

Huminga 'ko nang malalim bago nagsalita. "Lola, hindi po ba pinayagan n'yo si Dylan na maging independent na dahil malaki na po siya? May sarili na pong condo si Dylan kaya doon na po siya nakatira ngayon."

"Wala akong maalala na pinayagan kita na mag-condo na lang, apo!" sambit nito at hinawakan ang kamay ni Dylan. "Umalis ka na roon at dumito ka na lang. Miss na miss ka na ni lola, e."

"Huwag kayo mag-alala, lola. Dadalasan ko naman po ang pagdalaw rito para hindi niyo na ko ma-miss nang sobra," he stated and turn his gaze at me. "Nandito rin naman si Magi para alagaan po kayo, kaya wala na kayong dapat pang ikabahala. When Magi's at your side, you'll be safe."

"Wala ba siyang tirahan at nandito siya sa bahay ko?"

Napakagat ako sa labi upang pigilang maiyak. With her question, mas lalo akong nasasaktan. I'm hopeless yet homeless in her mind. What a tragic story.

"Pansamantala lang naman po ako rito para alagaan kayo. Once na gumaling na po kayo, aalis na rin po ako sa bahay niyo. Nakiusap lang po si Dylan sa akin na ako muna ang manatili rito sa bahay niyo habang siya ay nasa condo para at least may balita siya palagi tungkol sa inyo," pagpapalusot ko.

Tumango ito at humarap kay Dylan. "Basta huwag mong kakalimutan na dalawin si lola, huh? Palagi kitang hihintayin, mahal kong apo." At tiyaka niya hinalikan sa noo si Dylan.

Ako dapat 'yon, e. Pero dahil sa kalagayan ni lola ngayon, naging ibang tao pa ang kinikilalang apo niya ngayon.

Sobrang sakit na makalimutan ako ng sarili kong lola na minsan nang nangako sa 'kin na hindi niya raw ako iiwan kahit anuman ang mangyari --- pero dahil sa isang karamdaman ay tuluyan na 'kong nabura sa isipan niya.

Pagkatapos ng usapang iyon ay sinabihan ko si Nurse Jane na dalhin na sa kwarto si lola upang makapagpahinga na 'to. Habang kami naman ni Dylan ay naiwan sa sala upang pag-usapan ang nangyari kani-kanina lang.

"May sakit si lola kaya siya gano'n. Na-diagnosed siya to have an Alzheimer's disease that's why it's not new na hindi niya na 'ko nakikilala." Ngumiti ako nang mapait at tumingin sa kawalan. "Ako man ay nagulat sa nangyari kanina kasi ikaw pala 'yong matagal ng hinahanap ni lola na apo raw niya. Ikaw na ngayon ang kinikilala niyang apo imbes na ako.

Normal lang daw 'yon sa mga pasyente na may gano'ng karamdaman, kung saan napagkakamalan nilang kaanak ang ibang tao habang ang totoo nilang kaanak ay hindi na nila nakikilala."

"Sabihan mo lang ako kung ano'ng maitutulong ko."

Tiningnan ko siya. "Kailangan nating panindigan lahat ng sinabi natin kay lola kanina. Ikaw rin naman ang kinikilala niyang apo, kailangan nating magkasundo na gawin ang pagpapanggap na 'to.

I'm not sure kung hanggang kailan tatagal 'to, pero sana pagbigyan mo ang pakiusap ko."

"Alam kong hindi naging maganda ang una nating pagkikita, but I won't consider that para tanggihan ko ang hinihiling mo. Tell me what your deal is," aniya.

Marahil dahil sa sobrang tuwa ay kaagad ko siyang niyakap. Pareho kaming natigilan sa ginawa ko pero agad rin naman akong dumistansya sa kaniya at nagpanggap na wala lang sa akin ang nangyaring 'yon.

"As I was saying, since ikaw ang kinikilala niyang apo ay panindigan mo na 'yon. Alam kong magsisinungaling tayo kay lola sa gagawin nating 'to, as if I have a choice, 'di ba?

Tiyaka bigla niya kong nakilala as Magi no'ng makita ka niya, thanks to you.

No'ng first phase ng sakit niya, she completely forgets who I was. Even my name ay hindi niya na maalala. But when she finally meets you, doon ako nagulat kasi bigla niyang naalala ang pangalan ko. Kuntento na 'ko roon kaya naman I'm going to propose my deal..."

I didn't receive any answer from him kaya naman nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Let's be a fake couple."

He laughs. "Akala ko naman ay may mas i-intense pa sa sasabihin mo. Something that literally will surprised me," natatawa pa rin niyang sabi. 

"Expected ko naman na 'yan ang gusto mong hingin sa 'kin, Magi. And I have no reason to refuse your offer. However…" He paused for a minute at tiyaka siya dahan-dahang lumapit sa 'kin. 

His gaze was unrealistic, which slowly melted my human body like ice. "What's worrying me the most is about Eli. Paano kapag nalaman niya ang tungkol dito? You're afraid to lose him, aren't you? But still pushing this deal off---"

"Naniniwala 'akong maiintindihan din ako ni Eli once na maipaliwanag ko na sa kanya ang lahat. But this is not the perfect time for that.

Our deal should've remain between you and me. Wala nang dapat makaalam pa ng tungkol dito, otherwise relationship and friendship we have for Eli will be wasted.

We are at the same denominator, Dylan. At 'yon ay parehas nating ayaw mawala si Eli sa buhay natin --- as his friend and as his girlfriend."

He smirked at me. "So, that's your way of persuading me na huwag ko sabihin sa iba ang tungkol dito." Napapatango siya. 

"Anyway, count me in for this deal. Dahil nalaman ko ang sitwasyon mo ngayon, this is my way of returning the favor to you for making our first met remarkable," sarkastiko niyang sabi at kinuha ang phone ko. 

"Ilalagay ko na rito ang contact number ko dahil kung kay Julia mo 'yon hihingin, e para kang lang naghihintay na lumangoy ang langgam sa dagat."

Nanlaki ang mata ko. Ibig bang sabihin, sinabi pa talaga ni Julia kay Dylan na minsan ko nang hiningi sa kanya ang number ng kapatid niya, only to beg Dylan na huwag din sabihin kay Eli about 'that incident' when we were at the bar?

Gosh, nakakahiya!

"Dumarami na ang sikretong itinatago mo kay Eli, huh? Let me remind you, a relationship contains a lot of secrets is not healthy anymore. Baka 'yan pa ang maging dahilan para maghiwalay kayo." After saying that, nagpaalam na siyang umalis.

Most of those secrets that I keep hiding from Eli were these issues that Dylan is also involved with.

Una, 'yong kagagahan na ginawa ko sa bar kung saan napagkamalan kong si Eli si Dylan kaya hinalikan ko siya.

At pangalawa, itong deal namin to pretend like a couple only to persist with my grandma's claim that I am his grandson's girlfriend.

And taking advantage of this deal to regain her memories about me.

Nagbabaka-sakaling maalaala ako ng kaisa-isang pamilya na mayroon ako ngayon. It was indeed hard to be in my situation. Growing up in a broken family kung saan hindi ko na nadatnan ng buhay ang mama ko habang ang papa ko naman ay hindi ko alam kung nasaan.

I was raised by my grandmother and she stood as my parent until now, but to see her suffer in this kind of illness and losing her memories about me is what hurts me more.

---

"Ready ba kayo sa performance ng waltz mamaya?" bungad ni Julia.

Nagkatinginan kami ni Delancy at sabay na umiling.

"Goods 'yan. Ako rin, hindi kami ready, e. Buti na lang damay-damay tayong tatlo," she answered, talagang naghanap lang siya ng karamay, e.

"Kahit naman hindi kami mag-practice ni Dylan, e kaya naman naming i-perform 'yon. We don't need practice, we just need our skills, you know?"

"Same, nag-practice kami ng isang beses ni Warren and na-perfect agad namin. Enough na 'yong isang practice para magawa namin nang maayos 'yong waltz."

"Gaga pala kayo, e! Ang sabi niyo sa 'kin, e hindi kayo ready tapos sasabihin niyo 'yan?"

"The word ready is very informal. We don't say 'We're ready,' instead we say 'We're prepared,'" nang-aasar kong sagot kay Julia.

Hindi naman ako nagkamali dahil talagang naasar siya sa sinabi ko. Masyado kasing nagpa petics-petics no'ng nakaraang week kaya yare talaga siya ngayon.

Ang nakuha naman niyang partner ay si Israel, e hindi niya tiyak mahagilap kasi alam ko busy 'yon dahil working student, e.

Tuluyan na ngang nag-panic si Julia at kaagad na nagtatakbo palabas ng room namin upang hagilapin si Israel. Sakto naman dahil wala pa 'yong prof namin since maaga pa naman. I think we still have thirty minutes before the classes start.

"Nag-panic tuloy si Julia dahil sa sinabi mo," natatawang sambit ni Delancy matapos siyang makalipat sa upuan ni Julia.

"Serves her right," sagot ko. "Sometimes, we should not tolerate her action lalo na pagdating sa pag-aaral. If we keep tolerating that attitude she has, tinuturuan nating maging tamad ang kaibigan natin.

Remember, we should influence each other in a good way, not the other way around."

Nagulat naman ako when Delancy suddenly claps her hands. "Your answer is very impressive, Ms. Serrano!"

"Baliw," natatawa kong sabi.

"Pero maiba tayo, bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala? Hindi ka man lang nagpaalam sa 'min ni Julia kahapon, e."

Ahh, that's when I answered Eli's call pero dahil may narinig akong 'I love you' na boses babae ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na maging emosyonal. Too late to bid a goodbye to my friends kasi nakalayo na 'ko.

"Nagkaroon kasi ng emergency sa bahay," palusot ko.

Tumango siya. "By the way, tinawagan ako ni Eli kaninang umaga. Tinanong ka niya sa 'kin at kinukumusta. Hindi pa ba kayo nakakapag-usap?"

Definitely not. I keep on ignoring his calls, that's why.

"Hindi ko siguro napansin na tinatawagan niya ko. I'll try to call him later to assure him that I'm doing fine."

"Okay," sagot niya.

---

Our P.E. instructor gave us thirty minutes to prepare bago umpisahan ang performance. We are here at our gym, dito raw gagawin 'yong performance since maluwag dito.

Kani-kaniya nang practice ang mga kaklase ko, gano'n din kami ni Dylan. There are times na nagkakamali ako sa pag-ikot at natatapakan ko ang paa niya. Since both of us are perfectionist, may mali lang na isa ay uulit kami from the top.

Aaminin kong nakulangan ako sa thirty minutes na allotted time na ibinigay sa 'min upang makapag-practice dahil hindi ako ganoon ka-satisfied sa practice namin ni Dylan.

I performed with a lot of mistakes, which is kinda different the last time we performed it on the class. Akala ko enough na 'yon para maging kampante ako. Sana pala kahit isang beses ay p-in-ractice ulit namin, edi sana wala 'kong mga mistakes na nagawa.

Bahala na nga.

"Don't get nervous, I got you," dinig kong sabi ni Dylan na ngayon ay katabi ko.

Tumango ako as an answer. Hindi naman kami ang unang mag-pe-perform kaya I still have a lot of time to calm myself.

"Let's get started," our Professor announces.

Naunang mag-perform sina Claire at Jonathan. I think Jonathan is from the Civil Engineering department. I always see him there, and upon seeing he wore that I.D. lace made me think that my claim is right.

Lace kasi 'yon ng mga C.E.

There's no problem if some of our classmates will grab a partner coming from other blocks or departments since our class is lacking in the number of boys. Si Delancy nga rin ay napakuha ng partner sa Computer Engineering which is si Warren, at si Julia ay kinuha si Israel from second year.

Going back, I'm amazed of both Claire and Jonathan's performance. Kuhang-kuha nila 'yong ginawa namin ni Dylan noon. Mukhang pinag-practice-an nila ng maigi.

And what I like them the most is their looks in each other, there's a lot of emotions coming through their eyes at makikita talagang feel na feel nila 'yong pagsasayaw.

It's like they're owning the stage right now, ignoring people around them. They just keep on dancing like they're creating their own world that no one can enter.

They finished their performance giving their audience goosebumps and 'kilig' when they moved their faces very close to each other. Sa sobrang close nito, isang tulak mo na lang ay mag-ki-kiss na sila.

We gave them a round of applause. They deserve more than an applause dahil sa galing at ganda ng performance na ipinakita nila. Upon seeing how good their performance, mas lalong nadagdagan ang kaba ko.

Ilang pairs na ang nagdaan at masasabi kong sobrang gagaling nilang lahat. They all deserve to have flat one as a grade. Maski sina Julia at Israel, they performed the waltz very well.

Sina Delancy at Warren naman ay katatapos lang sa kanilang performance, and they also did very well.

Now it's our time to showcase our talent in dancing; though I admit that I have nothing to be proud of in terms of dancing.

Nang marinig ang tugtog ay nagsimula na rin kaming sumayaw ni Dylan. Walang pinagkaiba sa dati naming isinayaw noon, it was still smooth and very relaxing.

I think this time, I performed this dance very well since we are the last pair to perform and I was given enough time to calm myself.

Having myself calmed, I think nagagawa ko ng sabayan si Dylan and I also conquered my mistakes that keeps bothering me kanina pa. Kabado talaga ko na baka magkamali ako sa pag-ikot at maapakan ko na naman si Dylan, but I'm surprised na hindi 'yon nangyari.

And just like the others did, I lay down with his hands catching my back. Both of my hands are placed on the back of his neck, and our eyes met. I was afraid to move dahil alam kong isang wrong move ko lang, e baka may mangyari na namang hindi ko magugustuhan.

I heard loud of applause coming from our classmates, but still we are in the same position. Minutes have passed bago ako tumayo mula sa pagkakaliyad and I immediately move away from him.

Medyo nakaramdam ako ng awkwardness after that performance but at the same time, I felt relieved to think that we both finished our performance very well.

"To be honest, y'all surprised me with these performances you showcase to me. Natutuwa ako dahil pinaghandaan niyong mabuti ito kaya lahat kayo ay makakatanggap ng flat one!"

Napasigaw sa tuwa ang ilan kong mga kaklase habang kaming tatlo nina Julia at Delancy ay nakisabay sa kanila na humiyaw. 

Buti na lang mabait ang prof namin at binigyan kami ng uno, although kami ni Dylan ay hindi talaga nagpagod na mag-practice ng todo kasi kaya naman naming i-perform 'yon without having a practice.

In my case, I just need to calm myself to perform well. If I let myself eat by nervousness, I will surely make tons of mistakes within my performance.

"You did great, Magi." In the midst of our celebration, Dylan interrupted me just to say those words.

Little did I know, I was already smiling from ear-to-ear after he said those words.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro