Chapter 7
Ilang minuto akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatitig lamang sa mukha ni Dylan na para bang may kung ano sa mukha niya na dapat kong titigan---
Teka, ano namang espesyal sa mukha niya para titigan ko nang ganito? Haist, nababaliw na ba 'ko?
"Nahuhulog ka na ba sa karisma ko, Magi?" Nabalik ako sa katinuan nang magsalita siya.
Itinulak ko siya nang malakas at masama siyang tiningnan. "Sabihin mo nga sa 'kin, talaga bang ipinanganak ka ng mama mo nang ganiyan kayabang? Hindi ko na maabot 'yong kahanginan mo, lagpas ng universe, e!"
"Saang banda ako naging mayabang sa sinabi ko?" maang-maangan pa nito at muli na naman siyang naglakad papalapit sa 'kin. "Baka naman palusot mo lang 'yan para i-deny sa 'kin na gusto mo na ko---"
"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako tanga para magkagusto sa kagaya mo! Itaga mo 'yan sa bato!"
Tumawa siya. "Inaasar lang naman kita, hindi ko akalain na mabilis ka palang mapikon."
"You, piece of shit---"
"Huwag kang mag-alala, hindi rin naman ako interesado sa 'yo. Gusto ko lang talaga malaman kung hanggang saan aabot ang pasensya mo.
Unfortunately, nalaman kong ipinanganak ka palang maikli ang pasensya. 'Di ka bagay maging teacher, Magi." At umalis na siya sa harapan ko.
He left me with my jaw dropped.
That piece of shit, he's getting into my nerves. Ang kapal talaga ng mukha niya, at dahil sa mga sinabi niya ay mas lalo kong napatunayan na hindi ako nagkamali na isiping mayabang nga siya.
At tiyaka hindi ko naman talaga gustong maging teacher, 'no? Hindi ko pangarap ang propesyon na 'to dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako bagay rito.
Bago pa man malaman ng Dylan na 'yon ay alam ko na sa sarili ko na maikli ang pasensya ko. Mabilis akong mainis o maasar sa isang bagay.
Ito ang isang ugali na kinaayawan ko sa sarili ko. Although teaching is not my desired profession, pero ginagamit ko ang pagkakataon na maging educ student para mawala sa pagkatao ko 'yong ugaling ito.
Dahil alam ko sa sarili ko na hindi magandang magkaroon ng ganitong ugali ang isang tao, teacher man siya o ordinaryong tao.
At the end of the day, proper control for our patience is a must. In that way, we are not prone to hurt somebody's feeling if we didn't let ourselves to be swayed by our emotions.
Dahil tinumbok na ni Dylan ang usapin tungkol sa short patience, mayroon akong kwento na biglang naalala. Actually, isa 'yong maikling kwento na ipina-activity sa 'min ng prof namin when I was on second year college.
Prof namin sa Panitikang Filipino 'yon and we were tasked to do an activity at kailangang suriin namin 'yong short story na ibinigay ng prof namin.
Our prof allotted three hours for us para gawin 'yong activity kaya sabi ko sa sarili ko that time, kahit ano na lang ang maisulat ko, basta ang mahalaga ay may maipasa ako.
But when I started to read that short story, everything went opposite to what I'm expecting. Dahil na-hook ako ng kwentong binabasa ko ay ang daming ideas and realizations ang pumasok sa isip ko.
The story is all about a teacher who cares a lot from one of her student. Naawa kasi siya roon sa isa niyang estudyante after she finds out that her student was living as an orphan. Dahil sa nalaman ng teacher na 'yon, she help that student in her own way.
Dahil malungkot 'yong bata at ramdam ng guro ang kanyang pag-iisa, gumawa siya ng way para maramdaman ng batang iyon na mayroong isa na handang samahan siya sa kanyang pag-iisa.
Until one day, sa hindi sinasadyang pagkakataon ay naibunton ng teacher ang galit niya sa estudyanteng 'yon. The teacher expects that everything will change from now on, but she failed.
Napagalitan man niya ang estudyanteng 'yon ngunit hindi nito kinalimutan na pagsilbihan ang teacher niya gaya ng kanyang nakagawian.
At the end of the story, sa pagkakataon na 'yon ay ang estudyanteng 'yon ang kaniyang naging guro. Because that student helps her to realize that being swayed by emotion will hurt someone's feeling.
Dahil sa kwentong iyon ay na-realize ko rin na sobrang halaga ang tamang pagkontrol sa emosyon natin. Kasi kung magpapadala tayo roon, makakasakit tayo ng damdamin ng iba.
"Kanina ka pa namin hinahanap ni Delancy, nandito ka lang pala!" Nang marinig kong magsalita si Julia ay nabalik ako sa ulirat.
Masyado yatang naging matagal ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan --- ay, ang lalim no'n, a?
"Sinabi ko bang hanapin niyo ko?"
"Edi sige, maiwan ka rito! Magkalimutan na tayo simula ngayon!"
Pinanood ko na lang na magpapadyak si Julia habang naglalakad paalis sa covered court. Si Delancy naman ay naramdaman kong umupo sa tabi ko sabay tapik sa balikat ko.
"Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo? May problema ka ba?" tanong nito sa 'kin.
Napahinga 'ko nang malalim. "Huwag mo 'kong intindihin. 'Di ka na nasanay sa 'kin, palagi naman akong nag-o-overthink, 'di ba?" Tumawa pa 'ko ng bahagya.
"Masama 'yan, a? Huwag mo naman sana gawing hobby ang pag-o-overthink. Baka mamaya, ma-depress ka kaka-overthink mo."
"Napaisip lang kasi ako kung para sa 'kin ba talaga ang pag-t-teacher. Sa katunayan, hindi naman talaga ito ang kurso na gusto kong kuhanin pero dahil gusto ni lola na magkaroon siya ng apo na guro, kaya ako nandito ngayon."
Humarap ako kay Delancy. "Pero ngayong malapit na tayong makatapos, bigla 'kong nag-doubt sa sarili ko. Kasi pakiramdam ko, hindi ako para dito."
"Ano ka ba!" Sabay palo nang mahina sa balikat ko. "Kung kailan malapit mo nang matapos ang kursong ito, tiyaka mo iisipin 'yan?"
"Pakiramdam ko kasi tatapusin ko lang ang kursong ito, pero sa katunayan hindi ko talaga gusto ang propesyon na 'to at hindi ito ang passion ko. I feel like I'm more capable in other professions, not in teaching."
"Kung hindi para sa 'yo ang pagtuturo, edi sana matagal ka nang nag-shift ng ibang course, 'di ba? Kung talagang hindi mo gusto ang course na 'to, bakit nagpatuloy ka pa rin ng third year imbes na mag-take ng ibang course?"
"Nanghihinayang ako sa panahon na iginugol ko sa pag-aaral ng kurso na 'to para lang mag-shift ng ibang course at magsimula na naman sa umpisa," paliwanag ko.
"Mismo! Nanghihinayang ka na masayang 'yong mga natutunan mo at ayaw mong bitiwan 'yan. Hindi mo lang napapansin pero unti-unti nang minamahal ng sarili mo ang propesyon na sa tingin mo ay hindi para sa 'yo.
Aminin mo man o hindi, may pagkakataon na na-i-imagine mo ang sarili mo na nagtuturo, 'di ba?"
At some point, tama siya. Minsan ko nang i-ni-magine ang sarili ko na nagtuturo sa isang classroom. 'Yong saya sa mukha ko that time dahil ramdam na ramdam kong mahal na mahal ako ng mga estudyante ko.
"Kaya sana huwag mong isipin na hindi para sa 'yo ang pagtuturo. Hindi mo rin dapat ayawan 'yan dahil sa kursong 'yan ka dinala ng tadhana.
Tandaan mo, magiging teacher tayo. Dapat ipagmalaki natin 'yan, okay? Hindi man ganoon kalaki ang sahod ng isang guro, still that doesn't define how huge a teachers' function in our society.
We, teachers, made other professions possible. Sapat na dahilan na 'yan para masabing hindi tayo TEACHER LANG."
Napangiti ako at tumango. Sa tingin ko ay wala na kong dapat pang sabihin dahil lahat ay nasabi na ni Delancy.
Nagpapasalamat ako dahil nandiyan siya sa tabi ko at natulungan niya 'kong bigyang-linaw ang mga katanungan at alinlangan sa isip ko.
Ipagpapatuloy ko ang propesyon na ginusto kong piliin. Para kay lola at para na rin sa sarili ko, I'll be a teacher soon.
---
"Nadaanan ko lang iyan sa newsfeed ko kagabi, posted ng SG News kaya naman flood ang comment section.
Sari-sarili na ng haka-haka ang mga tao na kesyo si ganyan daw iyong tinutukoy tapos ang ka-loveteam ay si ganire." Kakaupo ko lang sa upuan ko ay chikahan nina Julia at Delancy kaagad ang narinig ko.
"Nako Delancy, parang kagaya lang din iyan ng dati. Maglalabas sila ng information about sa newest loveteam nila tapos nakalimutan na nilang ilantad kung sino 'yon.
Magugulat ka na lang na nakapaglabas na sila ng teleserye at doon mo na lang malalaman kung sino 'yong loveteam na tinutukoy nila sa post na kagaya niyan.
Gugulatin ka like, 'Boolaga! Kami 'yong newest loveteam ng SGN. Gulat ka, 'no?'
Ganiyan ang mangyayari kaya kung ako sa 'yo, hintayin mong may i-release silang bagong teleserye kaysa tiyagain mong makichismis diyan sa comment section!"
May bagong ilalabas na loveteam ang SGN? Sino kaya 'yon?
"Malay mo naman may mapala ako sa comment section, 'di ba?"
"Sa pag-so-scroll mo mula pa kagabi hanggang ngayon, may napala ka? May nakuha ka bang makabuluhang impormasyon? Hindi ba't puro scam lang at kagaguhan?
Jusko Delancy, hindi ka na nagtanda. Trying-hard ka pa rin na maging chismosa. Gusto mo bang i-seminar kita?"
Inirapan lang siya ni Delancy at tumingin sa 'kin. "Wala bang nababanggit si Eli tungkol dito? Baka naman mayroon, i-chika mo na!"
Natawa 'ko. "Hindi ka ba makakatulog hangga't hindi mo nalalaman kung sino 'yang newest loveteam ng SGN?"
Kita ko namang sumeryoso ang mukha ni Delancy. Feeling ko mali ang move na ginawa ko at tinawanan ko pa siya. Baka dalhin niya pa 'to sa mas seryosong bagay. Knowing her, hindi niya 'yon malabong gawin.
"Guys, kailangan kong malaman para ngayon pa lang ay maitatanong ko na sa sarili ko kung susuportahan ko ba sila o hindi. Para malaman ko kung may chemistry ba sila o wala. Kaya kailangan kong malaman kaagad, naiintindihan niyo ba 'ko?"
Akala ko talaga ay sobrang seryoso na ng sasabihin niya pero mukhang nagkamali ako. Maski ang mukha namin ni Julia ay naging isa ang emosyon dahil sa tinuran ni Delancy.
"Magi, parang gusto kong manapak. Pupwede kayang maging punching bag itong kaibigan natin? Mukhang natutulog pa ang diwa, gigisingin ko lang sana."
Natawa na lang ako't napailing. Alam niyo 'yong feeling na gigil na gigil ka sa kaibigan mo't gusto mo siyang saktan kaso hindi mo magawa kasi kaibigan mo siya.
Grabe 'yong panggigigil ko talaga ngayon pero kailangan pigilan, jusko.
"Ang bully niyo, ah? I-re-report ko 'to sa admin---"
Hindi na naipagpatuloy pa ni Delancy ang kanyang sasabihin nang bigla siyang yakapin ni Julia sa leeg --- or parang sinakal na lang. Parang mas tamang word iyon.
Kidding aside.
"Alis nga!" iritang sabi ni Delancy at inilayo si Julia sa kaniya. "Pero seryosong usapan, balita ko maganda raw iyong babae.
Ayon sa source ko, related siya sa isang sikat na Korean actor. Siguro kapatid, pinsan or ewan ko basta sabi related raw kaya malamang maganda talaga 'yon. May lahi ba namang Korean, e."
"Hindi lahat ng Korean ay maganda o gwapo. Tumigil ka nga riyan, nagiging nega ka na naman!"
"Madalang sa kanila ang panget, 'no? Kaya nga minsan napapaisip ako na sana ginawang Koreana na lang ako ni Lord. Kahit mahirap basta Koreana ako, pwede na 'kong mabuhay nang matiwasay," tatawa-tawa pa nitong sabi.
Napailing na lamang ako sa sinabi ni Delancy. Sa katunayan, may punto naman ang sinabi niya. Maging Koreana ka lang, daig mo pa ang nanalo ng house and lot sa Camella.
Uso kasi sa kanila ang plastic surgery kaya siguro madalang sa kanila ang hindi kagandahan o kagwapuhan ang itsura.
Pero dapat hindi na iniisip ni Delancy ang gano'ng bagay, e. Dapat ay matuto siyang makuntento sa ibinigay ng Diyos sa kanya.
Kung lahing Pilipino ang ibinigay sa 'yo, dapat maging proud ka pa. Naniniwala naman akong lahat ng nilikha ng Diyos ay maganda, sadyang hindi lang iyon visible sa paningin ng iba.
"Gusto mo bang ipatapon ka na namin sa Korea nang lumigaya ka na nang tuluyan? Huwag ka nang mahiya, si Magi na ang sagot sa renta ng eroplano. Ano, tara na?" Idinawit na naman nga ni Julia ang pangalan ko.
Ang dalawang ito talaga, ang hilig nilang palakihin iyong kasinglaki ng kuto na issue. Imbes na kalimutan ay pagtatalunan at pagtatalunan nila 'yan hanggang sa mapagod ang mga bunganga nila.
Aminado akong naririndi sa kanila minsan pero sobrang thankful ko pa rin na magkaroon ng kaibigan na kagaya nilang dalawa.
---
Kinabukasan ay walang pasok ngunit hindi ibig sabihin na walang pasok ay magiging libre na ang araw ko.
Nakatanggap kasi ako ng text mula kay Delancy na pumunta raw kami kina Julia ngayon, mukhang balak niyang ituloy 'yong get together plan na hindi namin naituloy no'ng nakaraang linggo dahil hindi pinayagan si Delancy na lumabas ng papa niya.
G naman ako roon pero bago ko umalis ng bahay ay sinadya ko si lola sa kwarto niya upang tingnan ang lagay niya.
Nang makapasok sa kwarto niya, naabutan kong mahimbing ang pagkakatulog ni lola. Tila wala siyang sakit na iniinda dahil napakapayapa ng tulog niya.
Napangiti ako. "Sana dumating 'yong araw na maalala mo na 'ko, lola," sambit ko bago isinara ang pintuan.
Pababa na sana ko ng hagdanan nang makasalubong ko 'yong h-in-ired kong nurse para alagaan si lola.
"Kumusta na po si lola?"
"Maayos naman ang lagay niya. Medyo nahihirapan lang ako na painumin siya ng gamot kasi gusto niyang 'yong apo niya raw ang mag-alaga sa kaniya."
Nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi ng nurse. Hindi kaya naaalala na ko ni lola?
"Sino raw? Pinangalanan po ba niya?"
"Apo raw niyang gwapo. 'Yon ang palagi niyang hinahanap tuwing nilalapitan ko siya upang pakainin at painumin ng gamot."
Bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig. "A-Ah, o-okay."
Naglakad na ko palabas ng bahay at sinabihan si Kuya Rudy na aalis na kami. Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi mapalagay ang isip ko.
Paano 'to nangyari? Naaalala ni lola na mayroon siyang apo, pero imbes na ako ang maalala niya ay ibang tao pa? And worst, lalaki ang naaalala niyang apo niya?
Sa pagkakaalam ko, ako lang naman ang apo ni lola. Hindi kaya mayroon pa siyang apo sa side ni mama na hindi ko pa nakikilala?
"Kuya Rudy, hindi po ba't 30 years ka ng naninilbihan sa pamilya namin?"
"Oo, Magi. Bakit mo natanong?"
"May iba pa po bang apo si lola sa side ni mama bukod sa 'kin?"
Nakita kong tiningnan ako saglit ni Kuya Rudy mula sa salamin sa loob ng kotse.
"Sinabi na ba ni Nurse Jane sa 'yo 'yong tungkol sa paghahanap ng lola mo sa apo raw niyang lalaki?"
Tumango ako. "Kaya nga po na-cu-curious ako kung bakit hindi na ko naaalala ni lola, pero may apo siyang lalaki na naaalala niya?"
"Sigurado akong wala nang apo ang lola mo sa side ng mama mo. Kaisa-isa niyang anak ang mama mo kaya ikaw lang ang apo ng lola mo.
Alam mo Magi, baka epekto na rin 'yon ng sakit ng lola mo. Naaalala niyang mayroon siyang apo pero sa ibang katauhan.
Normal 'yon sa mga pasyenteng may Alzheimer's disease, dahil naranasan na rin 'yan ng nanay ko na pumanaw dahil sa sakit na 'yon."
Hindi na ko nakasagot pa dahil apektado ako sa huling sinabi ni Kuya Rudy.
Namatay ang nanay nito dahil sa kaparehong sakit na nararanasan ngayon ni lola. At hindi malabong mangyari na mangyari din kay lola ang nangyari sa nanay ni Kuya Rudy.
At 'yon ang kinatatakutan kong mangyari. Alam ko naman na anumang oras ay pwedeng mawala si lola, pero sana bago siya mawala ay maalala niya ko bilang apo niya.
---
Nang makarating ako sa bahay nina Julia ay nagpaalam na ko kay Kuya Rudy at sinabihan siyang sunduin ako rito ng bandang 6 P.M.
Hindi alam ni Julia na pupunta kami ni Delancy sa bahay nila kaya tiyak na ma-su-surprise 'yon.
"Balak niyong ituloy 'yong get together plan natin dito mismo sa bahay namin? Ni hindi niyo man lang ako sinabihan, basta na lang kayo nag-desisyon?" Galit na tono ng boses ni Julia ang sumalubong sa 'kin nang makapasok ako sa loob ng bahay nila.
"Surprise nga kaya hindi namin sinabi sa iyo," sambit ko habang naglalakad papasok sa bahay nila. "Sorry na nga, e!" muli kong sabi at nagpa-cute pa.
"Hindi ko kailangan ng fake apology!"
"Seryoso ako, Juls. Actually, plano talaga naming hindi sabihin sa iyo ang tungkol dito to surprise you sana. Kaso 'di ko expected na 'di mo pala magugustuhan. Sorry na, oh!"
"Now you're sorry?" mataray nitong sambit.
"Kailan mo pa naging hobby na mag-english, huh?" sabat ni Delancy.
"Sinusubukan ko lang, okay? Titingnan ko lang kung bagay sa 'kin, kaso panira ka, e!"
"Okay, my apology is finally accepted!" At niyakap ko nang mahigpit si Julia.
"Ano ba, Magi! Kailan ka pa naging clingy, huh?" naiirita nitong tanong habang pilit akong inilalayo sa kaniya.
Lumayo ako at hinarap siya. "Naglalambing lang naman ako, bakit parang ayaw mo?" sambit ko habang ngumunguso pa.
Tinampal niya ang bibig ko. "Hindi ako sanay sa katauhan mong ganiyan. Parang hindi na kita kilala."
"Gusto ko lang din subukan kung bagay sa 'kin na maging clingy," ani ko at ngumiti. "Kaso hindi pala bagay kaya huwag na lang."
"Alam niyong dalawa na hindi ako sinungaling---"
"Weh?" sabat ni Delancy.
"Oo na! Minsan nagsisinungaling ako pero pagdating sa ganitong bagay, ibang usapan na."
"Tigilan na natin ang ganitong topic. Nakaka-boring," sabi ni Delancy at lumapit sa malaking TV para buksan 'yon.
"Sumobra yata 'yong pag feel-at-home niya sa bahay namin," naiiling na bulong ni Julia.
Hindi ko maitutok ang atensyon ko sa pinapanood na movie, to think na nandito ako sa bahay nina Julia. Anumang oras ay pwede kong makita si Dylan dahil syempre dito rin nakatira ang mayabang na 'yon.
Naalala ko dati, nakakapunta pa ko rito sa bahay nina Julia nang walang inaaalala kasi that time ay hindi ko pa nakikilala ang hambog na kapatid ni Julia.
Pero ibang usapan 'yong ngayon.
"Huwag mo nang hanapin si Dylan dito," dinig kong sabi ni Julia. "Sa condo siya nakatira ngayon, minsan lang siya umuuwi rito. Tuwing may special occasion lang."
Napalingon ako sa kanya. "Bakit naman?"
"Kasi not in good terms sila ni Mama."
"Bakit nga? Nag-away sila?" tanong ko. Medyo tsismosa ko sa part na 'to pero curious lang talaga ko.
"Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin payag si Dylan na hanapin at idemanda namin 'yong taong muntik nang makapatay sa kaniya."
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala sa nalaman---
"Walang iba kundi 'yong first love ni Dylan, na hanggang ngayon ay inaasahan pa rin niyang makikita niya," dugtong ni Delancy.
"Teka, alam mo rin ang tungkol sa bagay na 'to, Delancy?"
"Again, you missed another chika because of Eli," sabi ni Julia.
"Tiyaka malamang na alam ko dahil bawat detalye na tungkol kay Dylan ay inaalam ko." At kumindat pa 'to.
"Okay," saad ko.
Hindi mapalagay ang utak ko dahil sa nalaman. Sa kabila ng pagiging hambog at mayabang ng lalaking 'yon ay mayroon pala siyang kinakaharap na kagaya nito.
Sa totoo lang, nang marinig ko ang tungkol dito ay hindi ko maiwasang hangaan si Dylan. Mahal na mahal niya siguro 'yong babaeng 'yon kasi handa siyang talikuran ang sarili niyang pamilya huwag lang makulong 'yong first love niya.
Hanga ako sa pagmamahal niya sa babaeng 'yon. Hindi ko akalain na ang isang kagaya ni Dylan ay gano'n pala magmahal.
"Ibig niyong sabihin, hindi pa rin nakikita ni Dylan 'yong first love niya hanggang ngayon?"
"Yup," sagot ni Julia.
"Kahit walang kasiguruhan na makikita niya ang babaeng 'yon, handa siyang isugal ang lahat para lang sa kanya. Ang swerte naman no'ng girl, 'no?"
Nagulat ako nang tapikin ni Julia ang balikat ko. "Boyfriend material ang kapatid ko, 'di ba? At least hindi kagaya ng iba riyan, mas inuunang sumikat kaysa---"
"Ang daldal mo, kumain ka na lang!" ani Delancy sabay subo kay Julia ng isang hotdog.
Ngumiti ako ng pilit. Gustuhin ko man na huwag pakinggan at isipin pa ang sinabi ni Julia, e hindi ko 'yon magagawa. At some point, she was right.
Sa mga nalaman ko about Dylan, Eli was nothing compared with him. Siguro bago kinain ng pangarap niya si Eli, e kagaya siya ni Dylan na talagang ideal man at boyfriend material. But when everything turn around, maski ako ay hindi ko na siya kilala.
Minsan na lang magkaroon ng oras para sa 'kin si Eli, pero puro about showbiz pa ang sinasabi niya. Walang isang araw na hindi niya maikukwento sa 'kin ang tungkol sa career niya na malapit ko na talagang sukuan.
Ngayong malayo siya sa 'kin, alam kong posible rin na maging malabo na ang relasyon naming dalawa. Malayo sa realidad na piliin ako ni Eli kaysa sa pangarap niya.
"Si Chelsea Madrigal 'to!" Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Delancy. Ipinakita niya sa amin ang phone niya. "Siya 'yong related sa Korean star na sinasabi ko sa inyo! Pero bakit may selfie sila ni Eli?"
Nang i-swipe niya, lumitaw ang photo no'ng Chelsea kasama si Eli. Mukhang nasa taping pa sila based na rin sa background ng picture.
"Ibig bang sabihin... 'Yang Chelsea at si Eli ang bagong love team ng SGN?" Julia asked.
Sa pagkakataon na ito, I felt uneasiness. Tuwing titingnan ko 'yong mukha no'ng Chelsea, walang-wala ako sa kanya. Sobrang ganda niya at ang kinis ng balat. Kutis porselana at talagang wala akong bagay na maipipintas sa kanya.
Kung totoo man na sila ni Eli ang bagong love team ng SGN... Well, bagay naman sila. Gwapo si Eli, maganda si Chelsea. They are perfectly match with each other.
"Ekis, gagi!" sambit ni Delancy. "Si Jonas pala 'yong ka-love team ni Chelsea." Sabay pakita ng ilang photos na evidence na si Jonas daw ang ka-love team nito.
"Okay, 'yong kaibigan natin ay nakahinga ng maluwag," pang-aasar ni Julia.
Natawa ako. "Sa totoo lang, ang ganda nga niya. Wala akong panama sa ganda niya. Medyo insecure ako pero hanggang dito lang naman ang magagawa ko. Tahimik na lang ako na hahangaan ang mga artistang 'yan na alam kong kahit kailan ay hindi ko mapapantayan."
"Huwag mo kasing i-compare ang sarili mo sa kanila. Malamang ay may differences ka sa kanila dahil hindi ka naman artista.
Pero hindi ibig sabihin na ordinaryong tao ka lang, e ganyan na ang magiging mindset mo. Love yourself, Magi!" singhal ni Julia sa akin.
I smiled a li'l bit. Inabala kong muli ang sarili sa panonood ng movie upang mailayo ang sarili sa kadramahan. Nang na-e-enjoy ko na 'yong movie ay kasabay no'n ang pag-ring ng phone ko.
Eli is calling.
Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas saglit ng bahay nina Julia upang sagutin ang tawag.
"Hello, love."
[I love you, Eli. Thank you for today---]
Agad kong in-end ang call nang marinig kong boses ng babae ang kausap ko. Ang mas lalo kong ipinagtataka, bakit sinabihan si Eli ng I love you ng babaeng 'yon?
Teka...
Thank you for today?
Napailing ako. Ayokong isipin na may ginagawa si Eli na kung ano behind my back. Hindi pwede 'yon dahil alam kong hindi niya ko magagawang pagtaksilan.
'Hindi nga ba?'
Tumulo na nang tuluyan ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Sa kagustuhan ko na hindi magpakita kina Julia at Delancy na ganito ang itsura ay agad akong umalis sa bahay nila at naglakad-lakad.
Dedma na sa mga taong makakakita sa 'kin habang umiiyak ako. Isipin na nilang broken-hearted ako o baliw, bahala sila. Basta ang gusto ko lang ay mailabas ko 'tong sama ng loob ko nang hindi nakikita ng mga kaibigan ko, solve na ko roon.
Sakto namang may nadaanan akong waiting shed kaya't doon muna ko nagtungo at naupo. Yumuko ako at tahimik na humagulgol.
Ang sakit isipin kung totoo ba talagang pinagtataksilan ako ni Eli. Natatakot akong kausapin siya, natatakot ako sa mga sasabihin niya. Mas gugustuhin kong marinig siyang magsinungaling kaysa malaman ang totoo.
Dahil natatakot akong masaktan. Natatakot akong tanggapin ang buong katotohanan.
"Magi?"
Inangat ko ang ulo ko para lang tingnan si Dylan. Nakita kong naupo siya sa tabi ko at ang mas ikinagulat ko ay nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko upang iharap sa kaniya.
"Bakit ka umiiyak? May nangyari ba?"
Tumawa ko sabay punas sa mukha ko. "Bakit parang nag-aalala ka sa 'kin? Wala kang karapatan na mag-alala sa 'kin kaya layuan mo ko!" Tiyaka siya itinulak nang malakas.
"Alam kong hanggang ngayon ay naiinis ka pa rin sa 'kin. Maski ako ay naiinis din sa 'yo---"
"Sapat nang dahilan na kinaiinisan natin ang isa't isa para layuan mo na 'ko at huwag nang kausapin!" pagputol ko sa sinasabi niya.
"Hindi 'yon reason para hindi ako mag-alala sa 'yo." Tiningnan niya ako ng mataman. "I have the initiative to comfort someone who needs it.
Tandaan mo, hindi kailanman gagaan ang bigat ng nararamdaman mo kung hindi mo 'yan ilalabas. Minsan sa buhay natin, kailangan natin ng isang tao na makikinig sa problema natin."
Wala akong sinabi, bagkus nakita ko na lang ang sarili ko na nakayakap kay Dylan at sa kanya ko humagulgol. Dala ng panghihina, sa balikat niya ko umiyak.
---
Buti na lang ay hindi na ko pinilit pa ni Dylan na pagkwentuhin tungkol sa problema ko. Sinabi niyang ikwento ko na lang 'yon sa panahong handa na 'ko.
Inihatid niya rin ako sa bahay namin, although tumatanggi ako kaso mapilit siya. Ngayon ding araw na 'to, hindi kami nagbangayan at hindi ako nainis sa presensya niya.
He seems nice to me just now, kaya wala kong dahilan para kainisan siya. Maaaring nagkamali nga ko sa pagkakakilala ko kay Dylan, dahil hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay nakakainis at mayabang siyang kausap.
"Magkape ka muna, hijo!" Pag-aya sa kaniya ni Manang Yolly at pinapasok sa loob nang makarating kami sa bahay.
Naupo siya sa sofa habang ako ay nakatayo lamang at susunod na sana kay Manang Yolly na pumuntang kusina kaya lang bigla kong natanaw si lola na nakaalalay sa nurse niya habang pababa ng hagdanan.
Teka, dapat sa mga oras na 'to ay nagpapahinga na dapat si lola, a?
"Nagpupumilit siyang bumaba," sabi sa 'kin ni Nurse Jane nang makalapit sila sa kinaroroonan ko.
Tumango ako at humarap kay lola. "Ano pong gusto niyong gawin, lola?"
Hindi ako pinansin ni lola bagkus sa ibang direksyon nakatuon ang paningin nito.
"Apo ko?"
Sinundan ko ng tingin kung kanino nakatingin si lola at kung sino ang tinawag niyang apo.
"Ako po?"
"Apo ko! Na-miss kita!" Masayang lumapit si lola kay Dylan at niyakap ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro