Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Based on my diagnosis, may Alzheimer's disease ang lola mo," pahayag ng doktor.

Nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ni lola ay agad akong tumawag ng doktor upang alamin ang kalagayan niya. Hindi ko inaasahan na ito ang magiging diagnosis niya.

'May Alzheimer's disease ang lola ko?'

Dahil sa nalaman ko, hindi na 'ko halos makatayo nang diretsyo. Biglang nanghina ang katawan ko matapos marinig ang diagnosis ng doktor.

"Nagagamot ba 'yon, doc?"

"There's no cure for Alzheimer's." Hearing the doctor's response to my question makes me skip my breath.

"A-Ano'ng gagawin ko, doc? Hihintayin ko na lang ba 'yong lola ko na bawian ng buhay?"

"There are treatments that may potentially delay decline from the disease, and there are drug and non-drug options that may help treat symptoms.

Kaya huwag kang mag-alala, we will do our best to prolong your grandma's life." Umalis na rin ito pagkaraan na sabihin iyon.

Nilapitan ko si lola na mahimbing ang pagkakatulog sa kama. Kanina ay halos magwala siya nang makitang may doktor sa harapan niya dahil hindi ko ipinaalam sa kanya na ipapa check-up ko siya. 

They have no choice kundi ang saksakan ng pampatulog si lola nang sa gayon ay hindi na 'to magwala.

At this moment, hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maiyak habang nakatingin ako sa lola ko.

"How would I live my life without you?" pahayag ko, animo'y naririnig ako ni lola ngayon. 

"Okay na ko sa sitwasyon ko kung saan hindi mo ako naaalala... pero huwag naman sanang ganito na wala 'kong clue kung kailan ka mawawala.

I can't live my life without you, lola. Do not leave me, please."

Siya na lang ang natitira kong pamilya tapos iiwan niya pa 'ko? 

Wala 'kong kinalakihan na magulang. Si lola ang nagsilbing nanay at tatay ko no'ng bata pa 'ko kaya magiging mahirap para sa 'kin na pati siya ay mawala.

Bakit ko kailangang maranasan ito? Talaga bang hindi patas ang mundo?

"Hmm."

Mabilis kong inayos ang sarili ko at pinunasan ang mukha na basa ng luha nang marinig ko ang mahinang usal ni lola, senyales na kakagising niya lang.

Nang magtagpo ang aming paningin, bigla na namang sumama ang tingin nito sa 'kin.

"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ko? Lumabas ka nga kung ayaw mong ipakulong kita!" Muli na naman akong sinigawan ni lola.

"Pasensya na po," sagot ko tiyaka tumayo. Lumapit ako sa basket ng marumihan at kinuha 'yon. "Kukunin ko lang po ito para labhan kaya ako nandito sa kwarto niyo po."

"Gano'n ba?"

"Opo, mauuna na po ako. Lalabhan ko na po ito para makatapos po ako kaagad." Mabilis kong tinalikuran si lola upang takasan ang mga titig niya.

Habang palabas ng kwarto, naitakip ko ang likod ng palad ko sa bibig ko upang pigilan ang sarili na umiyak ng malakas.

Matapos isara ang pintuan ng kwarto ni lola ay doon na bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ako makahinga dahil sa sunod-sunod na paghagulgol ko. 

Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari...

"Tumayo ka nga riyan, Magi. Magpahinga ka na't gabi na," dinig kong sabi ni Manang Yolly at inalalayan akong makatayo.

"Okay lang po ako," sambit ko at pinunasan ang mukha.

"Alam kong hindi ka okay. Sa tagal ko na rito sa bahay ninyo at nakasama ko kayo ng lola mo, e alam ko kung kailan ka nagsisinungaling o hindi," aniya at hinawakan ang mga kamay ko. 

"Maging matatag ka lang, Magi. Alam kong sobrang hirap at sobrang bigat ng sitwasyon mo ngayon pero kinakailangan mong magpakatatag para na rin sa lola mo.

Siya ang nag-alaga sa 'yo no'ng bata ka pa hanggang sa lumaki ka. Ngayon na siya ang nangangailangan ng pag-aalaga, ito na ang pagkakataon mo na makabawi ka sa kanya.

Lakasan mo ang loob mo para malampasan mo itong pagsubok na 'to. Alam kong kaya mo dahil naniniwala ako sa 'yo, Magi."

Maluha-luha akong napatingin kay Manang Yolly. "Hindi ko alam kung kakayanin ko pa po bang mawalan na naman ng mahal sa buhay. 

Si lola na lang ang kaisa-isang pamilya na nasa tabi ko, kaya hindi ko po kayang pati siya ay mawala. Hindi ko po kaya, manang."

"Iyon ang kailangan mong matutunan na tanggapin, Magi. Hindi lahat ng tao na nasa tabi mo ay mananatili sa tabi mo habambuhay. Darating ang panahon, kung hindi man ikaw, ay sila ang mang-iiwan sa 'yo.

Sa puntong iyon, kailangan mong sanayin ang sarili mo na hindi lahat ng importanteng tao sa buhay mo ay mananatili sa tabi mo."

At 'yon ang isang bagay na kinatatakutan kong mangyari sa buhay ko. Minsan na kong naiwan --- iniwan ako ng mama ko at sumakabilang-buhay, habang ang papa ko naman ay hindi ko alam kung buhay pa ba o hindi na. 

Na-trauma ko sa pangyayaring iyon kaya't ngayon, natatakot ako na maiwan na naman nang mag-isa. Natatakot akong mabuhay mag-isa.

Matagal ko na sanang inihanda ang sarili ko sa ganitong bagay, dahil alam kong hindi ko matatakasan ang araw na kailangan na rin akong iwan ni lola sa mundong ito. Hindi naman siya imortal para manatili sa tabi ko habambuhay, e.

Siguro ang magandang gawin ko na lang sa pagkakataon na 'to ay ang sulitin ko ang mga araw na pwede ko pang makasama si lola sa mundong ito. 

Masakit man sa kalooban ko na ipinagtatabuyan niya ko dahil hindi na niya ko naaalala, pero handa kong tiisin iyon para lang walang araw na masayang.

Ika nga nila, sobrang ikli ng buhay. Ang hayaan na lumipas ang isang araw nang walang ginagawa ay isa nang uri ng pag-aaksaya. 

Dahil maikli lamang ang buhay ng isang tao, dapat bawat segundo, minuto, oras, o araw pa man iyan, dapat sulitin natin at i-enjoy ang buhay hangga't pwede pa.

Kasi hindi natin alam at walang sinuman ang nakakaalam kung hanggang kailan na lang tayo mananatili sa mundo.

Iyan ang reyalidad --- masakit man ngunit ito ang katotohanan sapagkat ang buhay natin ay hiram lamang.

---

Pagkapasok ko ng bahay galing sa pharmacy upang bumili ng gamot ni lola, hindi ko inaasahang maaabutan ko si Delancy sa loob habang kakwentuhan niya ang ilan sa mga kasambahay namin na sina Nay Lorna at Nay Puring.

"Napapadalas ka rito, ah? Bakit nandito ka?" tanong ko kay Delancy tiyaka naupo sa katabing sofa na inuupuan niya.

Iniabot ko ang bitbit na gamot kay Nay Lorna upang ihanda kasama ang mga pagkain na dadalhin ko mayamaya lang kay lola.

"Actually nakauwi na 'ko sa 'min kaya lang naabutan ko sa bahay na nandoon iyong kabit ni papa kaya umalis na lang din ako kaagad. Tapos ayon, dito ako dinala ng mga layas kong paa," sambit niya, bakas sa mukha niya ang lungkot.

Kagaya ko, lumaki siya sa isang broken family. Iyong mama niya ay nangaliwa, gano'n din ang papa niya. Siya ang kaisa-isang anak ng mama at papa niya pero hindi siya piniling isama ng mama niya sa bahay ng kabit nito kaya naiwan si Delancy sa poder ng papa niya.

Iyon nga lang, mayroon din palang kabit ang papa niya, kaya pala nagkasundo ang mga magulang niya na maghiwalay na lang. 

Ngayon ay nakatira si Delancy sa isang bahay na pakiramdam niya ay hindi na siya belong. May mga anak na ang papa niya sa kabit nito kaya naman siya ang nagmumukhang anak sa labas.

Naikwento 'yan ni Delancy sa 'min ni Julia at talagang nalulungkot ako sa sitwasyon ni Delancy. Napakahirap na manirahan sa isang bahay na alam mong hindi mo na lugar para manatili ka pa roon. 

Pero dahil wala naman ng maaasahan at matutuluyan, pinili ni Delancy na manatili roon kahit ang bigat na sa kalooban niya ang makasama ang kabit ng papa niya pati ang mga anak nito.

"Hindi mo kailangang kimkimin iyang sama ng loob na dinadala mo. Alam mo namang nandito lang kami parati ni Julia para sa 'yo... Para pakinggan ka.

At kung hindi mo na talaga kinakaya na magtiis na kasama ang kabit ng papa mo sa iisang bubong, bukas na bukas ang pinto ng bahay namin para sa 'yo."

Tiningnan niya ko at batid kong pilit ang ngiti na ibinigay niya sa 'kin. "Okay lang ako, Magi. Salamat sa pag-aalala pero kaya ko pa namang tiisin ang lahat, e.

Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi ko iiwan si papa sa kabit niya dahil naniniwala 'kong hindi magiging maayos ang buhay niya kasama ang babaeng iyon."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Delancy?"

"Nahuli ko noong isang araw si Lucy na may kinitang lalaki sa may tindahan malapit sa bahay namin. Sobrang linaw ng mga mata ko kahit gabi no'n at kitang-kita ko kung paano sunggaban ng halik ng babaeng iyon ang lalaking kinita niya.

Alam kong wala 'kong sapat na ebidensya kung sakaling sabihin ko 'to kay papa, dahil na rin hindi ko nakuhanan ang scene na 'yon kasi wala akong dalang phone that time, para paniwalaan ako ni papa. 

Pero naniniwala ako na darating ang araw na mabibisto rin ang Lucy na 'yon. Alam kong pineperahan niya lang ang papa ko at hindi niya 'yon mahal kaya hangga't humihinga ako, mananatili ako sa tabi ng papa ko para protektahan siya sa Lucy na 'yon!"

Nabigla 'ko sa nalaman kay Delancy. Ngayon lang siya nagkwento tungkol sa gano'ng bagay at talagang halos hindi ako makapaniwala sa nalaman. 

Pero kagaya niya, sana nga mahuli na ang babaeng iyon. Hindi naman habambuhay ay maitatago niya ang sikreto niya, e.

I just gave her a hug, hoping she finds solace in my embrace.

Bandang huli, walang sikreto na hindi nabubuking.

---

Pinilit kong pumasok ngayon sa kabila ng pinagdaraanan ko. Hindi dapat huminto ang takbo ng buhay ko dahil lang sa isang problema. 

Gaya rin ng sabi ni Manang Yolly sa 'kin kahapon, kailangan kong tatagan ang loob ko dahil nararamdaman ko na may mas mabigat pang problema na darating sa buhay ko.

Kung baga, kailangan kong tatagan ang pader na pumoprotekta sa 'kin upang sa pagdating ng isang malakas na unos ay handa ako at hindi nito kayaning tibagin.

Pinili ko ring i-sikreto kina Julia at Delancy ang tungkol sa kalagayan ni lola. Meaning to say, hindi ko na sila pwedeng papuntahin sa bahay namin. Ayokong malaman pa nila ang tungkol doon dahil hangga't maaari ay gusto kong manatiling sikreto 'yon ng pamilya namin.

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Magi. Ano'ng mayroon? Tungkol ba 'yan kay Dylan, huh?" Ayan agad ang isinalubong ni Julia sa 'kin.

Kaagad ko siyang pinalo sa braso. "Huwag ka nga sinabing maingay! Kapag may ibang nakarinig sa 'yo---"

"Wala na si Eli rito sa Pilipinas kaya ano pang ikinakatakot mo riyan?"

"Ang sama talaga ng ugali mo, Julia! Porke wala rito 'yong tao, ganiyan ka na kung makapagsalita," ani Delancy.

"Since birth nang masama ang ugali ko. Hindi ka ba na-inform?"

Napailing ako. "Ilang guardian angel na ba ang ipinadala sa 'yo para gabayan ka sa kabutihan?"

"Wow huh? Hiyang-hiya ako," tumatawang sagot ni Julia sa 'kin. "Baka gusto mong ipagkalat ko sa buong campus ang ginawa mo? Itotodo ko na, tutal sinasabihan mo naman akong masama ang ugali, e."

"Hindi ba uso sa pamilya niyo na magbiro?"

"Bakit ba kasi parang kating-kati ka na sirain ang relasyon ni Eli at Magi? Hmm, I smell something weird," rinig kong sambit ni Delancy.

Nakuha ni Delancy ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Feeling ko type ni Julia si Eli---"

"Manahimik ka nga, Delancy! Ang aga-aga, nagkakalat ka na naman ng fake news!" pagputol ni Julia sa sinasabi ni Delancy.

"Late ka na para i-cut ang sinabi ko," sabi ni Delancy at kita ko pang nginisian pa nito si Julia. "Nasabi ko na ang dapat malaman ni Magi, e."

Agad na humarap si Julia sa 'kin. "Alam mo, ang kagaya ni Delancy ay hindi dapat pinapakinggan. Huwag mo na lang intindihin ang sinasabi niya, nababaliw na 'yan."

"Bakit kasi hindi mo na lang aminin kay Magi ang totoo? Kaya nga todo ka kung makaayaw sa relasyon nila ni Eli, 'di ba? Kasi ang totoo niyan, gusto mong palitan si Magi sa pagiging girlfriend ni Eli."

Hindi makatingin ng diretsyo si Julia sa 'kin which made me believe na totoo ang sinasabi ni Delancy.

"Talaga bang gusto mo si Eli?" hindi ko na napigilan pa ang sarili na magtanong.

"Naniniwala ka ba talaga sa kagaya ni Delancy---"

"At kanino mo siya gustong maniwala? Sa iyo? Gusto mo pa bang magpakita 'ko ng ilang ebidensya para lang mapatunayan kong totoo ang sinasabi ko---"

"Oo, gusto ko si Eli!" pag-amin ni Julia. "Ilang years ko na ring itinatago sa kaniya 'tong feelings ko. 

Handa na sana 'kong umamin sa kanya kaso naunahan niya ko --- dahil no'ng mismong araw na handa na 'kong umamin sa kaniya ay iyon din iyong araw na ipinagtapat niyang gusto ka niya, Magi." 

Lumingon si Julia sa 'kin habang ang mata niya ay maluha-luha na. "Paano naman ako makakaamin sa isang tao na may iba na palang gusto, 'di ba?"

Dahil sa mga nalaman ko ngayon, bigla akong nakaramdam ng guilt para kay Julia. 

Hindi ko naman alam na gusto niya pala si Eli simula pa no'n, e. Siya pala dapat ang nasa katayuan ko ngayon, at siguro mas deserving din siya na maging girlfriend ni Eli kaysa sa 'kin.

"Hindi ko naman hinihiling sa 'yo na hiwalayan mo si Eli nang dahil lang sa 'kin. At kailanman hindi ko inisip o binalak na sirain ang relasyon niyong dalawa. Hindi naman ako immature na kagaya ni Delancy para gawin iyon.

Tanggap ko na ikaw ang nagustuhan ni Eli at tanggap ko rin na ikaw ang girlfriend niya ngayon. Mas napanatag ang loob ko na kaibigan ko ang naging girlfriend niya. Sapat na sa 'kin iyon para maging masaya 'ko para sa kaniya.

Simula nga no'ng araw na 'yon, pinili kong kalimutan na si Eli. Nakipag-date ako sa random guys na nakilala ko sa internet para lang mawala na 'yong namuong feelings ko para kay Eli.

Honestly, nandito pa rin pero alam kong mawawala rin ito pagdating ng panahon kaya don't be bother about me. Enjoy your relationship with Eli because you deserve him; you deserve each other." Sa pagkakataon na 'to ay nakangiti na sa 'kin si Julia. 

"Walang halong plastik, huh? Hindi naman ako kagaya ng iba diyan na mapapel na nga, nanlalaglag pa. Next time talaga, hindi na kita pagkakatiwalaan na sabihan ng sikreto!"

"Alam mo naman ako, kapag kumati ang dila ko, e hindi ko na 'to mapigilan," natatawang sabi ni Delancy.

Nakitawa na lang din ako sa kanila. Nagpapasalamat ako na hindi humantong sa away ang pambubuking ni Delancy kay Julia. 

Higit sa lahat, nagpapasalamat ako kasi mayroon akong kaibigan na kagaya ni Julia na handang magpaubaya para sa 'kin.

Darating ang araw na masusuklian ko rin ang ginawa niya.

---

"Instant celebrity na naman si Eli rito si campus matapos i-release 'yong kanta niya. 

Kaya proud ako roon, e. Ako kaya nag-voice coach sa kanya kung hindi niyo naitatanong," nagyayabang na sabi ni Israel.

Kasalukuyan kaming nasa classroom habang naghihintay ng professor at ayon nga, napagkwentuhan nila ang tungkol sa music video ng kanta ni Eli.

Sino ba naman kasing hindi mabibigla, e wala pang 1 week na na-re-release ang kanta ay mayroon na ito agad 24M views at 13M likes sa youtube.

BTS yarn?

"Hindi namin itinatanong, okay? Ano, share mo lang?" pambabara dito ni Julia.

Natawa naman si Israel. "Gusto mo lang yata na kantahan kita para paniwalaan mo 'ko, e. 

Ano bang gusto mong kantahin ko sa 'yo? Pusong-bato? Binibini? Gayuma? Kabilang-buhay---"

"Nanghaharana ka ba ng patay o ng babaeng broken-hearted?" natatawang tanong ni Delancy.

"Ano'ng pinapalabas mo ngayon, ha? Na broken-hearted ako? Ang kapal naman ng libag mo sa singit! 

E, ano namang pakialam mo kung palagi akong broken? Ang mahalaga, e napapalitan ko rin naman sila ng bago, 'no!"

"Proud pa siya, ah?" bulong ko sa sarili habang iiling-iling.

"Hindi mo kasi tularan si Magi, ayan oh, happy kay Eli." At nagmula ang boses na 'yon sa kakapasok lang na si Dylan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtagpo ang aming mga paningin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa mga tingin niya na 'yon… Weird.

"Nakakatuwa naman dahil sumisikat na ang boyfriend mo, sana hindi ka niya ipagpalit sa mas magaganda na magiging katrabaho niya sa showbiz."

Pumait bigla ang timpla ng mukha ko matapos marinig ang sinabi niya. Siguro ay nang-aasar lang siya pero para sa 'kin, pakiramdam ko ay pinepersonal niya 'ko, e.

Sapul na sapul ang mga laman-loob ko sa sinambit niya. Aaminin ko na nag-init at kumulo ang dugo ko sa sinabi niya... Pero may halong katotohanan, e. 

Isang bagay na ikinakatakot ko ay ang ipagpalit ako ni Eli sa makikilala niya sa showbiz. Ang daming magagandang artista sa panahon ngayon at masasabi kong gwapo rin naman si Eli.

Hindi malabong i-ship siya sa ibang female artists.

Malaking dagok para sa akin 'yon habang pinapanood ang mga fans nila na tuwang-tuwa i-match ang mga idolo nila sa isa't isa na ultimo dinaig pa ang mga matchmakers. 

Ako 'yong girlfriend pero parang ako pa 'tong insecure at nasasaktan. In-open kasi ni Dylan. Kabwiset talaga!

"Akala ko kaibigan mo si Eli? Pero bakit ganiyan ka na lang kung makapagsabi ng mga salita laban sa kaniya? 

Kung tutuusin, ikaw ang mas nakakakilala sa kanya kasi mas matagal ang pinagsamahan n'yo kaysa sa 'kin.

Para namang hindi mo kilala ang kaibigan mo kung makapagsalita ka. Ganiyan ba ang ugali mo talaga? Naninira ka nang patalikod sa mga kaibigan mong hundred percent ang tiwala sa 'yo?

Kung gano'n man, isa kang basura."

Magsasalita na sana si Dylan nang pumagitna si Israel. "Talagang pag-aawayan niyo pa 'yan dito? Paano kapag nakarating ito sa admin? Edi pare-pareho tayong lagot? 

Chill lang kayong dalawa, huwag mainit ang ulo. Umaga pa lang oh! Nahiya ang araw sa inyo, sa totoo lang."

"Sino ba kasing nagsimula? Nananahimik iyong tao tapos guguluhin ng bwiset na 'yan," bulong ko sa sarili pero ramdam ko namang narinig din iyon ni Dylan.

Imbes na patulan ay umupo na lang ito sa upuan niya at nakita kong itinutok sa phone niya ang atensyon.

"Easy ka lang, Mags---"

"Pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo. Kung sinusubukan niyang magbiro o mang-asar, pwedeng huwag niyang idadamay si Eli? 

Akala niya kasi nakakatawa pa 'yang ginagawa niya. Namemersonal, wala naman siyang alam."

"Kalma lang, ako na ang bahalang kumausap kay Dylan," iyon ang huling sinabi ni Israel bago siya umalis sa pwesto naming tatlo.

---

Break time namin at kasalukuyang nasa covered court ako ngayon. Ako lang mag-isa dahil sina Julia at Delancy ay iniwan ko sa cafeteria. Sobrang babagal kasi magsikain, kaya ayo'n, nainip ako't napadpad rito sa covered court.

Madalang ang mga estudyanteng narito. Karaniwan sa kanila ay nakaupo sa mga bleachers at naglalaro ng online games, habang ang ilan ay abala na ngumiti sa harap ng phone nila upang mag-selfie. 

Mayroon ding ilang kalalakihan na naglalaro ng basketball, pero mga hindi naman marunong mag-shoot ng bola.

"Hindi ba sila nahihiya? Sasadyain nilang magpakita sa mga tao rito na su-shoot sila tapos hindi naman ma-su-shoot iyong bola. Parang mga tanga," bulong ko sa sarili.

"Kahit mga Professional Basketball Players ay sumasablay rin kapag nag-su-shoot sila ng bola." Muntik ko na akong malaglag sa kinauupuan nang may magsalita sa likuran ko.

Nang tingnan ko kung sino 'yong nagsalita na 'yon---

"Bakit naman ganiyan 'yang mukha mo? Para kang nakakita ng multo?" tanong niya at talagang naupo pa siya sa tabi ko.

Teka, paano kaya ko makakaalis dito? Ano bang pwede kong palusot para --- wait nga, bakit ko naman kailangang umisip ng palusot, e pwede naman akong umalis dito nang walang sinasabi. Hindi ko naman obligasyon na magpaalam sa lalaking ito na aalis na 'ko, e.

Bakit, sino ba siya?

Nang maging buo na ang loob ko na umalis ay pagdaka'y tumayo ako sa pagkakaupo at handa nang maglakad nang maramdaman ko bigla ang kamay niya na humawak sa braso ko.

"Maaga pa para sa next class natin. Dito ka muna."

Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. Halos malaglag ang panga ko nang makita ang ekspresyon ng mukha niya. Nakangiti siya sa 'kin ngayon habang nakasenyas sa 'kin na bumalik sa pagkakaupo.

As if may choice naman ako, kaya bumalik na lang din ako sa pagkakaupo kahit labag man sa kalooban ko.

Pero teka nga, bakit parang nag-iba ang atmosphere? Galit ako dapat sa kaniya, 'di ba?

"Bakit nga pala hindi mo kasama sina Julia at Delancy?"

"Nasa cafeteria pa sila."

"Ahh, okay."

Hindi na ko sumagot pa. Buong akala ko ay magiging tahimik na ang paligid sa pagitan naming dalawa nang muli siyang magsalita.

"Kumusta ka? Mukhang hindi yata maganda ang gising mo---"

"Teka nga," pagputol ko sa sinasabi niya at hinarap siya. "Matanong lang sana kita, Dylan. Hindi kasi ako sanay na ganiyan ang way mo ng pakikipag-usap sa 'kin, e. 

Naninibago ako. Bakit bigla ka na lang naging ganiyan? Ano'ng nakain mo?"

Hindi ko alam kung bakit niya ko tinawanan, e wala namang nakakatawa sa sinabi ko, ah?

"Bukod sa na-guilty ako sa sinabi ko kanina sa 'yo," panimula niya, "siguro may nangyaring nagustuhan ko kaya bigla na lang nagbago ang pakikitungo ko sa 'yo."

OMG! Huwag naman sana niyang i bring-up pa 'yong nangyari no'ng gabing iyon! Hindi pa ko handa na pag-usapan 'yon. Na-a-awkward-an pa rin ako hanggang ngayon.

"About last time---"

"Tama na! Huwag na muna nating pag-usapan iyong tungkol sa bagay na 'yon. Hindi pa ko handa!"

"Ano'ng sinasabi mo?" natatawa pa nitong tanong sabay abot sa 'kin ng isang paper bag. "Ibibigay ko lang itong damit na naiwan mo sa bahay. Malinis na 'yan, i-ha-hanger mo na lang."

Alanganin kong inabot iyon. "I-Ito pala 'yong tinutukoy niya," bulong ko sa sarili.

"Mukhang may iba ka yatang iniisip at inaasahan na sasabihin ko. Share mo naman sa 'kin iyan."

Tiningnan ko siya ng masama. "Wala! Tiyaka huwag ka ngang umarte na parang close tayo! Hindi tayo close, kaya huwag mo na ko ulit lalapitan!"

Nagmamadali akong tumayo at maglalakad na sana paalis nang magsalita siyang muli.

"Paano kung ayoko?"

Nanatili lamang akong nakatalikod sa kaniya habang hinihintay ang sasabihin niya.

Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pa rin akong naririnig na kasudlong ng sinabi niya kaya't pumihit ako patalikod upang harapin sana siya kaya lang---

Pagharap ko ay isang dangkal na lamang ang layo ng mukha ni Dylan sa 'kin.

"I want you to be this closer to me, Magi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro