Chapter 5
Nag-iisa ko sa isang tahimik na parke. Maliwanag ang araw ngunit pawang wala 'kong makita. Pakiramdam ko ay nasa isa kong madilim na lugar at hindi nasisinagan ng liwanag ng araw.
Ang weird naman, bakit ako nandito?
Tumayo ako mula sa inuupuan kong bench sa parke na kinaroroonan ko. Handa na 'kong tumawid sa kalsada upang umuwi nang sa kabilang dulo ng kalsada ay mayroon akong nakita --- isang lalaki at isang babaeng bata at tila masaya sila.
Ngunit nagbago ang lahat nang makita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ng batang babae.
Ang kasunod kong nakita ay nang itulak niya nang malakas ang kasama niya papunta sa gitna ng kalsada. Kasabay no'n ay ang pagdating ng isang sasakyan---
"Huwag!" sigaw ko at napabangon sa pagkakahiga.
Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa madako ang tingin ko sa taong bigla na lang nagsalita sa tabi ko.
"Okay ka lang? Bakit ka sumigaw?"
"Dylan?" nagtatakang tanong ko.
Siya ngayon ay nasa gilid ng kama habang bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
Napatingin naman ako sa sarili ko nang mapansin na parang nagbago ang damit ko---
Agad akong lumayo sa kaniya't iniharang ang mga kamay ko sa katawan ko.
Pinandilatan ko siya ng mata. "Ano'ng ginawa mo sa 'kin? Bakit ako nandito, ha? May ginawa kang masama sa 'kin, 'no?!"
Mula sa pagkakaupo ay umayos siya ng tayo. "Ano namang gagawin ko sa 'yo?"
"Hindi mo 'ko maloloko! Minsan mo na ngang nagawa na silipan ako kaya hindi malayong gawin mo 'yon sa 'kin!"
Muli ko na namang nakita ang nakakainis niyang ngisi. "Kung may balak man akong gawin iyon sa 'yo, edi sana sa hotel kita dinala hindi rito sa bahay namin."
Nanlaki ang mata ko. "N-Nasa bahay niyo ko?"
"Sabayan mo na si Julia na mag-breakfast sa baba. Kanina ka pa niya hinihintay at nang maihatid ka na rin niya sa inyo."
Matapos sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto.
Bumaba na 'ko para kumain ng breakfast. Tulad ng inaasahan, naabutan ko roon si Julia na nag-iisa sa dining table nila. Naglakad ako roon at umupo sa upuan na kaharap niya.
"Good morning! Did you enjoy your stay in our home?" nakangiti niyang tanong pero halata namang nang-aasar lang siya.
"Ano bang nangyari kagabi? Wala 'kong maalala."
"Siguro dapat huwag mo nang alalahanin---"
"May ginawa ba 'kong nakakahiya?" pagputol ko sa sinasabi niya.
Napatigil siya sa pagsubo at seryoso akong tiningnan. "Feeling ko kapag naalala mo, e mukhang wala ka nang ihaharap na mukha sa kapatid ko. Kaya ang payo ko sa 'yo, huwag mo na lang alalahanin."
Ano? May ginawa ako kay Dylan kagabi? Nako naman, dahil sa sinabi ni Julia ay mas lalo akong kinabahan. Ayoko man na alalahanin iyon, pero alam kong kusa ko 'yon maaalala, e.
Hindi kaya ako 'yong nanamantala sa kanya kagabi? Ayoko man na isipin iyon pero isa ng ebidensya 'yong damit ko kasi sino namang magpapalit ng damit ko kundi siya lang naman---
"Isa na roon ay..." Napatingin ako kay Julia nang magsalita siya. "Ipinaligo mo 'yong isang boteng alak sa sarili mo kaya iba na 'yang damit na suot mo. Ako ang nagpalit ng damit mo kaya huwag mo nang isipan ng kung ano-ano si Dylan."
Napatakip ako sa bibig sa sobrang gulat. "G-Ginawa ko 'yon?"
Lumapit siya sa 'kin at bumulong. "Nakakahiya ka, 'di ba?"
Napapikit ako ng mariin. Gusto kong hindi maniwala sa sinabi ni Julia pero nararamdaman kong totoo ang sinasabi niya.
Nakita ko kasi 'yong damit ko na suot kagabi na nakasampay sa banyo nila at amoy na amoy ko 'yong halimuyak ng alak.
Iniisip ko pa lang na ginawa ko 'yon, e hiyang-hiya na 'ko para sa sarili ko. Ang dami pa namang tao sa bar na 'yon kagabi kaya tiyak maraming nakakita sa 'kin. Wala sanang demonyo ang kumuha ng video sa 'kin habang ginagawa ko 'yon.
"Julia, huwag mong ipagsasabi 'to, ah? Lalo na kay Eli, hindi niya dapat malaman na nasa bar ako kagabi at iyong mga kahihiyan na ginawa ko. Okay?"
"Talagang hindi niya dapat malaman kasi pati kami ay damay kung mangyari man," aniya. "Hindi ka talaga pwede sa bar kaya last mo na 'yon, huh?"
Tumayo na siya sa pagkakaupo at nagpaalam na kukunin sa kwarto niya ang susi ng kotse para ihatid ako sa bahay namin.
"Bakit niyo kasi ako isinama roon?" bulong ko sa sarili.
---
"Alam mo, may napanaginipan ako. Ang creepy nga, e," kwento ko kay Julia.
"Tungkol saan?" tanong niya habang abala sa pagmamaneho.
"May nakita kong dalawang bata sa panaginip ko. Ang saya nila habang naglalakad pero nawala 'yon nang siguro ay may sabihin iyong batang lalaki na hindi nagustuhan no'ng batang babae.
Nagulat na lang ako sa kasunod na nangyari kasi itinulak no'ng batang babae 'yong batang lalaki sa gitna ng kalsada---"
Naputol ako sa pagsasalita nang biglang p-um-reno si Julia. Muntik pa 'kong mauntog sa salamin ng kotse dahil sa ginawa niya.
"Anong problema? Bakit ka p-um-reno bigla?" tanong ko habang tumitingin sa likod at harap ng kotse kung may nabangga ba kami.
"W-Wala. May naalala lang ako dahil sa ikinwento mo."
"Talaga? Sino?"
Tiningnan niya ko nang seryoso. Nakaramdam ako ng kaba sa mga tingin ni Julia. Nakahinga lang ako nang maluwag dahil ngumiti siya.
"Hindi mo siya kilala."
Napatango na lamang ako. Medyo na-weird-uhan ako sa reaksyon niya pero hindi ko na lang iyon pinansin pa.
Habang inaabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa dinaraanan namin pauwi sa bahay, may eksenang nag-flash na lang bigla sa isip ko.
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw, tila ba ay naaninag ko ang mukha ni Eli na ngayon ay papalapit sa 'kin.
Hindi ko alam kung imahinasyon ko ba 'to dala ng kalasingan, pero dahil na rin siguro sa pagkasabik ko sa kaniya ay agad ko siyang nilapitan.
Ikinapit ko ang dalawang kamay ko sa likod ng leeg niya bago siya nginitian.
"Mahal na mahal kita." Without further ado, I claimed his lips.
"Oh my God!"
"Bakit?" rinig kong tanong ni Julia.
Lumingon ako sa kanya. "Ginawa ko ba talaga 'yon? Hinalikan ko ba talaga si Dylan kagabi?"
"Finally, naalala mo rin!" natatawang sabi niya.
"Huwag mo nga kong tawanan!" naiinis na sabi ko sa kanya.
Isinandal ko ang ulo ko sa inuupuan ko at napahilamos sa mukha.
Bakit ko ginawa 'yon? Sa dami ng lalaki, bakit kay Dylan pa? Saksi ang Diyos kung gaano ako naiinis sa lalaking iyon... tapos siya pa ang makakauna sa 'kin?
Kami nga ni Eli na isang taon ng magkarelasyon, e hindi pa nag-ki-kiss tapos---
"Ahhhh!"
"Tingin mo makakatulong iyang pagsigaw mo para burahin iyong kahihiyan na ginawa mo?" iiling-iling na sambit niya. "Kapag nalaman ni Eli---"
"Hindi niya pwedeng malaman, okay? Natatakot ako na baka iba ang isipin niya kaya nakikiusap ako sa inyo na sana huwag kayong magsalita!"
"Knowing Dylan, ayaw niyang nagtatago ng sikreto sa DWEIYAH --- lalo na kay Eli."
Hindi pwede. Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi magsalita ang bwiset na 'yon.
Alam kong hindi naging maganda ang una naming pagkikita at may posibilidad na ibuking niya ang nangyari na 'yon kay Eli.
Pero ano ngang pwede kong gawin? Mukhang malabo na pakiusapan ang taong iyon, e. Sa itsura pa lang niya, mukhang hobby niya na manira ng buhay ng iba.
'Huwag naman sana.'
"Ibigay mo sa 'kin ang number ni Dylan."
Inihinto ni Julia ang sasakyan nang makarating na kami sa bahay namin.
Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. "Sa personal kayo mag-usap para kung sakaling tumanggi siya, e pwedeng-pwede mo siyang sapakin."
"Pero---"
"Wala ng pero-pero! Bumaba ka na't may lakad pa ko!"
"Ibigay mo muna---"
Pinutol niya ko sa pagsasalita at pwersahang pinababa sa sasakyan. Wala na kong nagawa kundi ang lumabas sa kotse at panoorin siyang magmaneho papalayo sa bahay namin.
Napapadyak ako sa sobrang inis. Ayoko ngang kinakausap ang lalaking iyon sa personal tapos gusto ni Julia na kausapin ko---
Ayy! Mababaliw na ko!
"Hey, love!"
Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nang lingunin kung sino 'yon, nakita ko si Eli sakay ng kaniyang motor.
Naturingang artista tapos nakasakay sa motor? Ano 'yon? Ayaw niyang magasgasan kotse niya?
"Why are you seem so shock?" tanong niya pa.
Napaiwas ako ng tingin. "H-Hindi, ah! Medyo lang."
"Saan ka galing at mukhang pauwi ka pa lang sa inyo?"
Ilang beses akong napalunok dahil sa sobrang kaba ko.
This is so not me. Ayokong nagsisinungaling kay Eli... pero iba ang kaso ngayon. Kinakailangan kong itago ang tungkol sa nangyari kagabi dahil ayokong masira ang relasyon namin.
Ipinapangako ko na ito ang una at huling beses na magsisinungaling ako sa kaniya.
"May binili lang ako sa tindahan," pahayag ko.
"But you're empty-handed."
Oo nga, 'no? Bakit naman kasi ang tanga ko pagdating sa pagpapalusot?
"Ipinapasok ko na kay Manang iyong mga binili ko."
Napatango siya. "Are you free today?"
Nakahinga ako nang maluwag dahil iniba na niya ang topic. Hindi ko na kasi alam kung ano pang ipapalusot ko kung sakaling magtanong na naman siya.
"Bakit? Mukhang free time mo yata ngayon? Wala ka bang photoshoot ngayon or hindi pa ba kayo nagsisimulang mag-shoot para sa first project mo?"
"That's why I'm here... To spend my free time with you. After having my break, baka hindi na tayo magkita for quite too long."
"Ano? Bakit naman? I mean, hindi ka na rin ba papasok? Talagang mag-a-artista ka na lang?"
Bumaba siya sa pagkakasakay sa motor niya at lumapit sa 'kin. "Of course not. I also have to study, that's why I settled everything.
Pagkatapos ng shooting sa first project ko, I will spend a month para makahabol sa lessons and requirements for our final term."
"Gaano katagal kang mawawala?"
"I think a month or two," sagot niya.
"Bakit naman ang tagal? Tiyaka saan ba kayo mag-s-shooting?"
"Sa Thailand. Half of the drama has to be shot in Thailand and afterwards, dito na sa Pilipinas ang continuation. That's why I came here---"
"Kasi ito na ang huling araw na makakasama kita," pagpapatuloy ko sa sinasabi niya. Sa sandaling ito, hindi ko na napigilang umiyak.
"Don't cry," aniya at niyakap ako.
Hindi ko inaakalang ganito kahirap ang magiging sitwasyon namin ni Eli sa sandaling natupad na niya ang pangarap na maging artista. Sobrang hirap pala ng pinasok ko at hindi ko maiwasang pagsisihan na sinuportahan ko siya sa gusto niya.
Masaya naman ako dahil natupad niya ang pangarap niya. Pero at the same time, ang sakit kasi ako 'yong sasalo ng lahat ng sakit.
Ako 'yong maiiwan... Ako na naman.
Akala ko siya na 'yong lalaki na hinding-hindi aalis sa tabi ko, pero isa rin pala siya sa mang-iiwan sa 'kin.
At this point, hindi ko maipaliwanag kung ano'ng mararamdaman ko. Gusto kong magalit sa kanya at sigawan siya. Gusto kong gawin ang lahat para lang pigilan siya na umalis... pero wala akong nagawa kundi ang manahimik.
"Masaya lang ako para sa 'yo," pagsisinungaling ko.
"Mag-iingat ka roon, ah? Siguraduhin mong kakain ka sa oras at huwag na huwag kang papatol sa mga babae roon. Lagot ka talaga sa 'kin pagbalik mo!" Pinilit kong tumawa habang wala pa ring patid ang pagtulo ng luha ko.
"You don't have to worry. Mawala man ako sa tabi mo, but still I belong to you. Ikaw lang ang mahal ko... kahit nasaan man akong lugar."
'Sana hindi mo kainin 'yang sinasabi mo.'
Niyakap ko siya bilang sagot. Sa kanya ko umiyak ng umiyak. Naiiyak ako dahil aalis na siya at naiiyak din ako kasi sobra akong nakokonsensya dahil may itinatago akong sikreto sa kaniya.
Hindi ko deserve ang isang kagaya ni Eli. Hindi siya deserve ng isang kagaya ko na kapag nalasing ay kung sino-sinong lalaki na lang ang sinusunggaban.
Hindi ko deserve na mahalin nang ganito ng isang kagaya ni Eli.
"You are my most favorite part of reality, Magi. I love you, always remember that." And then he kissed me on my forehead.
'Saksi ang tadhana kung gaano kita kamahal, Eli. But do I deserve to be loved by you?'
---
Gaya ng gusto ni Eli, lumabas kaming dalawa ngayong araw bilang ito na ang huling araw bago siya umalis patungong Thailand. Sakay ng kanyang motor, nagpunta kami sa isang mamahaling restaurant.
Hindi ko na inintindi pa kung babagay ba ang suot kong damit sa mamahaling restaurant na pinuntahan namin. Hindi na kasi ko pinagpalit pa ni Eli ng damit dahil pag-aaksaya lang daw iyon sa oras.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang papalabas kami ng restaurant.
"Kahit saan basta kasama kita," nakangiting sagot ko.
"You make my heart skip a beat, don't you?" Tiyaka siya umiwas sa 'kin ng tingin.
Napangiti ako at dahan-dahang inabot ang kamay niya at hinawakan. "All thanks to you, ginaya ko lang kung paano mo 'ko binabanatan ng lines no'ng nililigawan mo pa lang ako. So, I've learned that from you."
Probably it's our last date for today kaya sisikapin kong mag-enjoy ngayong araw habang kasama siya.
Hinila ko siya patungo sa isang field kung saan pwede roon na mag-bike. Malapit lang ang lugar na 'to sa kinainan namin at kayang-kaya na lakarin.
"Marunong ka bang mag-bike?" tanong ni Eli.
"Aayain ba kita rito kung hindi?"
Nag-rent kami ng tig-isang bike at tiyaka nagsimulang lakbayin ang lugar sakay ng bisikleta.
Ang ganda ng lugar na 'to at ang aliwalas din ng paligid. Perfect place din ito sa mga hindi gaanong marunong mag-bike kasi walang mga sasakyan na pwedeng dumaan dito maliban sa mga nagbibisikleta.
Pwedeng-pwedeng magsanay na mag-bike dito kasi walang abalang mga sasakyan.
Bata pa lang ako ay marunong na kong mag-bike. Natatandaan ko rin iyong taong nagturo sa 'kin na mag-bisikleta---
Siya 'yong first love ko.
Ilang months lang kami nagkasama pero sa loob ng panahong iyon ay masasabi kong nagustuhan ko siya. Ang bata ko pa kasi that time, mabilis mahulog sa simpleng 'the moves.'
Siya 'yong nagturo sa 'kin na mag-bike kasi dati takot na takot ako na sumakay sa bisikleta. Pero dahil sa kaniya, hindi ko na 'to ngayon kinakatakutan na sakyan.
Sa ilang buwan na nakasama ko rin siya, ni hindi sumagi sa isip ko na tanungin ang pangalan niya. Gaano ko man kagusto na hanapin siya, ngunit alam kong imposible na mangyari 'yon dahil hindi ko alam ang pangalan niya.
Kung nasaan man siya ngayon, hangad ko na nasa mabuti siyang kalagayan at sana ay masaya siya. Dahil ako, masaya ko ngayon at naging masaya ang childhood memories ko dahil sa kanya.
Napangiti ako sa kawalan habang inaalala ang natitirang memories ko sa lalaking iyon nang biglang may sumaging kung ano sa isip ko.
Nasa harap ko ang isang batang lalaki at duguan ito.
Shit.
Naliligo sa sarili niyang dugo ang bata. A-Anong nangyari?
Bigla kong naramdaman ang pangangatog ng mga braso ko hanggang sa mawalan ako ng balanse. Ang ending, nasemplang ako at nagtamo ng ilang sugat sa binti.
"Love, ano'ng nangyari?" nag-aalalang tanong ni Eli sa 'kin.
Bumaba siya sa bisikleta na kanyang sinasakyan at inalalayan akong tumayo. Hindi ko talaga magawang tumayo ng diretsyo dahil sa sugat na natamo ko sa binti.
"Nawalan ako ng kontrol."
"May center na malapit dito, dadalhin na kita," aniya at binuhat ako.
Lutang pa rin ako dahil sa pangyayaring lumitaw sa isip ko. Hindi ko mapigilang isipin kung bakit ko 'yon naisip bigla?
May koneksyon ba ko roon sa batang lalaki na duguan? Sino ba siya?
---
"Make sure you rest, huh? Hindi ako mapapanatag na umalis kung ganito ang kondisyon mo."
"Okay lang ako, Eli. Umuwi ka na at magpahinga ka na rin."
"You sure---"
"Papasok na ko," pagputol ko sa sinasabi niya at agad na tinalikuran siya.
Bigla na lang akong nawala sa mood. Ewan ko ba... Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin iyong---
"Aish! Huwag mo nang isipin iyon, Magi. Hindi 'yon mahalaga, okay?" bulong ko sa sarili.
May halong panghihinayang dahil hindi ko na-enjoy nang sobra ang araw na ito dahil sa alaalang 'yon na hindi ko matandaan kung saang puntod ko nahukay.
Huminga ako nang malalim bago pumasok ng bahay. Hindi dapat ako maabutan ni lola na ganito ang itsura dahil baka isipin no'n na may problema ko.
"Hi, lola! Kumain ka na ba?" salubong ko kay lola na nakita kong galing sa kusina.
Lumapit ako rito at humalik sa pisngi niya. Kaya lang nanibago ako sa ikinilos niya dahil bigla niya 'kong itinulak papalayo sa kaniya.
"Sino ka? Bakit mo ko tinawag na lola?"
Nagulat ako sa sinambit niya. Teka ano'ng nangyayari?
"Lola, nagbibiro ka ba?"
Akmang lalapitan ko siyang muli nang bigla niya kong sampalin nang malakas. "Huwag mo nga kong tinatawag na lola! Hindi ba't labandera ka lang dito?"
"P-Po?"
Itinulak niya ko nang malakas. "Maglaba ka na roon nang makatuyo ka! Bilisan mo, maglaba ka na!"
Sa ikalawang beses ng pagtulak ni lola sa 'kin ay tuluyan na kong napaupo sa sahig.
Hindi ko na napigilan pang umiyak. "Talaga bang hindi mo na ko naaalala, lola?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro