Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39

"Ehem. Pasintabi sa single!" Julia sneezed to broke the eerie atmosphere sa pagitan namin ni Dylan.

As I came back to my senses, ako na itong lumayo sa kaniya before I swiftly averted my gaze at him. Walang pinagbago sa dating paraan niya ng pagtitig sa akin --- his stares slowly melting my whole being.

"Sa dami ng mga nakaka-flirt mo sa Tinder, bakit hindi ka makapili kung sino sa kanila ang seseryosohin mo?" pang-aasar ni Delancy rito.

"Ayoko nga! Walang true love sa mga dating apps. Lalong-lalo na riyan sa Tinder! Nako, proven and tested!"

"Mature ka na mag-isip, huh?" pagpuri ni Dylan sa kapatid. "Parang dati, naghahanap ka lang ng mapaglilibangan sa mga ganyang dating apps. Tapos ngayon... True love na ang hinahanap mo." He giggled after saying that --- showing his precious smile, pati na rin ang nakangiti niyang mga mata.

"Iniinggit niyo kasi ako!" singhal nito. "Si Delancy, may Warren na ngayon. Ang sweet nila tapos halos araw-araw silang nag-d-date." Afterwards, her gaze landed on me. "Tapos si Magi naman, may Dylan na ngayon... Naiinggit ako sa tuwing gagawin niyo 'yong kagaya ng ginawa niyo kanina.

Gusto ko rin kayang maranasan 'yong feeling na binabanatan ng lines. Gusto ko ring maranasan na ilibre sa date."

I could see on her face that she was damn serious about everything she'd uttered. Naiintindihan ko kung maramdaman man niya minsan na maiinggit sa amin...

Because among the three of us, siya na lang 'yong walang lover. So, I'm fully aware that sometimes, she feels out of place.

Julia is the type of person who likely doesn't engage herself in a serious relationship. Like what I've told before, ayaw niya sa commitment.

But hearing those words coming out from her mouth made me confused...

Ready na ba siyang sumugal?

"Magseryoso ka," Delancy answered. "Darating ang araw na mararamdaman mo rin 'yan... Once na seryosohin mo ang pakikipagrelasyon.

You are at the right age para magmahal at pumasok sa isang seryosong relasyon. What if you give it a try? Wala namang masama kung susubukan mo, 'di ba?"

"Para hindi ka na rin mainggit sa amin," natatawang sambit ni Dylan.

"Take a risk," I muttered. Tumingin ako sa kanya and gave her a small smile. "You won't ever feel the true definition of happiness if you're scared to take a risk.

Be brave enough to conquer your weakness. Pain is part of growing up... It is always part of our life. Lahat tayo ay nasasaktan, physically and emotionally. Walang makakaligtas because we should be hurt in order to learn. Not in every aspect, but in general.

So, if you really want to experience everything we are now enjoying... Then take a risk, Julia. Subukan mo dahil wala namang mawawala kung gagawin mo, 'di ba?"

"Exactly my point," uttered Dylan. "Marami akong pinagdaanang sakit bago ako naging masaya." Nakaupo man siya malayo sa akin, but when he looked at me, I could feel that he's just sitting next to me. "Hindi naging madali para sa akin to win Magi back.

Sa katunayan, ayokong makasira ng relasyon at ayokong mawalan ng kaibigan...

Pero 'yon ang nangyari. Nakasira ako ng relasyon at muntik na akong mawalan ng isang tunay na kaibigan.

Mahirap at masakit ang daan na tinahak ko papunta sa kaniya... But it's all worth it." His head held high. "Pero huwag mong madaliin ang lahat ng bagay, Julia. Huwag mo siyang hanapin, kung 'di hayaan mo ang tadhana na pagtagpuin niya kayo."

"Okay! Na-store na 'yan lahat sa utak ko. Review-hin ko na lang sa bahay, 'no?" aniya habang tumatawa. "Ekis na sa seryosong topic. Nakakatindig-balahibo pala na nagiging seryoso ako magsalita. So not me!"

"Kaya nga. Para kang may sapi!" natatawa kong sabi.

"Edi sige, pagtawanan niyo ko hanggang sa maubos ang hininga niyo. Mga bwiset kayo!"

Lumabas na siya ng unit ko habang si Delancy ay tatawa-tawang nakasunod rito. Walk-out queen talaga, e.

"Umuwi ka na rin..." Nilingon ko si Dylan sa kaninang pwesto niya, ngunit laking gulat ko nang makita na wala na siya roon.

"Hindi ba't pinayagan mo na akong mag-stay rito? So, bakit ako uuwi?" Nanggaling ang boses na 'yon sa may kitchen area. There he was... Inaabala ang sarili sa pagluluto.

"Sinabi ko 'yon?" I asked, innocently.

"Could you please stop pretending that you can't remember anything?" bakas sa boses niya ang pagkainis. "It's quite offensive."

"Saan banda?" Lumapit ako sa kanya and lean my arms on the kitchen counter.

"You're hurting my feelings," he answered while still busy cooking something on the pan. "Parang sinasabi mo na ayaw mo akong nandito. Ayaw mo akong makasama. Ginagawa ko naman ang lahat para sa iyo, 'di ba? Ipinagluluto kita ng masarap---"

"Ikaw naman ang tumigil sa pagiging ma-drama mo." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Daig mo pa ang babaeng may mood swings, sa totoo lang. Ang ayos mo namang kausap kanina, tapos bigla kang magiging ganyan. Para kang tanga."

To my surprise, he was laughing at me. While he's pointing the kitchen turner at me, tawa siya nang tawa. Kulang na lang ay bigyan ko siya ng microphone para i-broadcast niya sa buong mundo kung gaano siya kasaya ngayon, e.

"You're done poking fun at me?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Saya mo e, 'no? Sana all."

I was about to leave the kitchen area when I suddenly, felt his hands curl around my waist. He was now hugging me from my back, which made me stop moving my body for a while.

Hindi ko na halos mabilang kung ilang beses ko bang nilunok ang laway ko dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. My heart is also pounding so fast... Every time he's doing this.

"Joesonghabnida," he whispered. "Gusto ko lang naman biruin ka... But I'm not expecting that'll be your reaction. It won't happen, I promise."

I turned around to face him. "Joesonghabnida?" I asked. "Profanity ba 'yon? You're cursing me---"

"Korean word for 'I'm sorry.'" He giggled. "These past few days, I started learning Korean. Nag-enroll din ako sa isang online class para matutunan 'yong mga basics, pati na rin 'yong style of writing nila."

"For what?"

"I just find myself interested in learning their language. Since bakasyon naman natin, I spent ¼ of my time para matutunan 'yon." He's wearing his genuine smile --- I believe he is sincere about learning that language.

"Wala akong balak mag-apply sa mga entertainments sa Korea, huh?" he added. "Baka ang isipin mo riyan ay may balak din akong pasukin ang showbiz. Ekis tayo riyan, Magi. Gusto kong lumayo sa stress."

"Do I utter any words related to that?" I asked. "Defensive ka masyado... Baka nga may balak ka?" My lips curved into a smirk.

He shook his head. "Not this time, my love." He stepped closer to me and kissed my forehead. "Hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan, but I assure you... I won't give you the same pain you've experienced with him."

Closing the conversation with a hug, I leaned my head on his chest while listening to his heartbeat.

I smiled as bright as dawn on a dazzling summer's day because I finally found the solace I always sought.

---

I received a text message from my father, asking me to meet and have a little conversation with him. Maayos naman ang relasyon ko ngayon kay Papa, so without hesitation, pumayag ako na kitain siya.

Nang makarating sa meeting place namin, agad ko siyang nakita na nakaupo sa isang table habang inaabala ang sarili sa pagbubuklat ng magazine. I walked towards him and sat on the chair in front of him. The busy old man was disturbed because of my presence.

"Have you eaten?" That's his opening remarks... To ask me if I already eat my breakfast.

I nodded. "A cup of coffee will be enough," tipid na tugon ko.

He ordered two cups of coffee and two slices of cake for both of us. Kaagad rin naman dumating sa table namin 'yon.

I sipped on a cup of coffee bago nagsalita, "What do you want to talk about?" I asked, forcing myself to be polite.

"Hindi pa tayo nagkakaroon ng enough time para makapag-usap ng maayos, kaya naman inabala kita para dito." Binitiwan niya ang hawak na tinidor at inilipat ang kamay sa kanang kamay ko na nakapatong sa table. "I want to take this opportunity upang humingi ng tawad sa mga nagawa ko.

Paniwalaan mo man ako o hindi, sobra kong pinagsisihan na piliing hindi ko panagutan ang mama mo. Nagsisisi ako na hinayaan kitang lumaki na walang ama. Alam kong naging mahirap para sa iyo na mabuhay sa sirang pamilya, kaya humihingi ako ng tawad sa iyo, anak."

"Sa pagkakataon na ito, habang nabubuhay ako, ay gusto kong makasama ka at makabawi sa lahat ng pagkukulang ko sa iyo. Hinihiling ko na sana ay pagbigyan mo si Papa na makabawi sa mga panahon na wala siya sa tabi mo," he added.

"Sino ba naman ako para hindi ka pagbigyan?" I placed my left hand on top of his hand and held it firmly. "Of course, I will. Well then, gusto ko rin namang ma-experience 'yong feeling na may tatay."

Dala ng sobrang tuwa, agad niya akong niyakap nang mahigpit. "Salamat, anak. Mahal na mahal ka ni Papa."

"I love you too, pa." Finally, natawag ko rin siyang Papa.

Humiwalay siya sa pagkakayakap at masaya kong tiningnan. "Nabibingi na ba ako, anak? Totoo bang tinawag mo akong Papa?"

Tumango ako. "Nagpapasalamat ako dahil sa pagkakataon na ito ay pinahintulutan ako ng tadhana na matawag kang Papa. Buong akala ko, noong namatay ka sa lugar na 'yon na hindi pala totoo, e mawawalan na ako ng chance na matawag kang Papa.

But thankfully, it was all just hallucinations. Gustong-gusto ko nang matawag kang Papa. Dala siguro ng pagkasabik ko na magkaroon ng ama, kaya natutuwa po akong nakita niyo ako."

"Walang araw na hindi ko ginustong makita ka, Magi." Natigilan ako sa paghigop sa kape nang sabihin niya 'yon. "Masakit sa akin na takasan ang responsibilidad ko sa iyo, pero hindi maitatagong ama mo pa rin ako, at anak kita.

Dugo't laman kita kaya bawat araw na lumilipas, nalulungkot ako kasi naiisip ko na paano kakayaning lumaki ng anak ko na wala ako?

Pero natutuwa ako dahil pinalaki ka nang maayos at mabuting tao ng lola mo. Pinalaki ka niyang matapang at nakayanan mong maka-survive kahit wala ako.

Actually, mukha ngang hindi mo na ako kailangan. Pero kahit gano'n, gugustuhin ko na makasama ka para man lang makabawi ako sa iyo bilang ama mo." His smile go widely. "Magi, salamat sa pagpapahintulot mo na gawin ko 'yon. Malaking bagay 'yon para sa akin..."

He didn't receive any response from me. Instead, I embraced him in return. For I believe, I have nothing to say as a response. Sapat na sa akin ang mga narinig ko to be thrilled.

At least, after those couple of experiences that I faced alone... This time, hindi naging maramot sa akin ang tadhana.

Indeed, finding those things or a person without looking for it is an epitome of having serendipitous feelings. I feel like I was on top of the world... Letting no one drag me down, once more.

---

"Shot! Shot! Shot!"

Binging-bingi na nga ako sa lakas ng bunganga ni Julia at Harris, sinabayan pa nina Dylan, Israel at Eli. Pinipilit kasi nilang painumin ng alak si Delancy, e knowing her, hindi siya umiinom ng kahit anong beverages.

"Ayaw!" nakangusong tanggi niya sa shot glass na inaabot ni Warren sa kanya. "Hindi ko nga gusto 'yong lasa! Nakakasuka!"

"Isang shot lang naman, sweetie." Using his charms and his puppy-eye look, inialok na naman ni Warren kay Delancy 'yong alak.

"Delancy, 'wag ka nang KJ diyan! Si Magi nga, napainom namin. Titikman mo lang naman, ano'ng masama roon?" pangingialam ni Harris, his voice obviously screamed irritated.

"Masama nga 'yong lasa---"

"Pinatutunayan mo lang, Delancy, na mahilig ka lang sumama sa bar at sa mga walwalan kagaya nito... pero ilag ka naman sa alak," Israel chuckled.

Medyo true nga.

"Diretsyo ang gawin mong lagok para hindi mo malasahan," sambit ni Yuwi. Nagsalin siya ng alak sa shot glass niya at ipinakita sa amin kung paano niya inumin 'yong alak at mabilis na nilagok. "Wala naman akong nalasahan kasi mabilis kong nilagok."

"Ayan, huh? May libreng demo na mula kay Master Yuwi. Gano'n lang ang gagawin mo, Delancy," ani Julia.

"Tiyaka wala naman gano'ng lasa 'yong alak kasi may halo naman," si Israel naman 'yong nagsalita.

"Lagyan ko ng yakult para mas mawala 'yong pait," suggestion naman ni Dylan at akmang lalagyan ng yakult 'yong shot glass na pag-iinuman ni Delancy, pero kaagad ko 'yong inagaw. "Bakit?"

"Ang magandang suggestion, huwag niyo na lang pilitin si Delancy na painumin."

"Sulsulera ka talaga, Magi!" inis na sabi ni Harris habang ipinupukol ang mga matatalim na titig niya sa akin. As if naman, affected ako sa mga titigan niyang gano'n.

"Hayaan niyo na," pag-awat ni Alec. "Ikaw na ang uminom niyan, Warren. Saluhin mo 'yang si Delancy, tutal girlfriend mo naman."

"Bakit ako?" Nakaturo siya sa sarili niya at halata sa mukhang hindi siya natutuwa.

"Sino ba 'yong boyfriend ni Delancy rito? Ako ba? O baka si Yuwi?" sarkastikong sambit ni Israel.

"Hindi sa gano'n... Pero bakit ako 'yong iinom? Nakakarami na kaya ako ng shot---"

"Pasimple mo lang yatang itinatanggi na girlfriend mo ako. Ginagamit mo pang excuse na marami ka ng nainom para hindi mo inumin 'yang drinks na para sa akin," naka-pout na sambit ni Delancy.

"Sweetie, hindi gano'n---"

"Edi inumin mo na lang para matapos na," sagot pa nito.

"Bro, inumin mo na. Last shot na 'yan, nagkakahiyaan pa kayo! Pambihira, ang lalaki niyo na pero ang hihina niyo pagdating sa inuman!" singhal ni Harris.

"Hiyang-hiya naman kami sa iyo na halos ikaw na ang umubos ng pulutan, pero ni isang patak ng alak, e 'di ka tumikim," ani Dylan habang tumatawa.

"Ano'ng hindi---"

"Para pala talaga sa iyo ito, Harris, e!" Inagaw ni Julia kay Warren 'yong shot glass tiyaka iniabot kay Harris. "Basbasan natin 'yang dila mo. Kahit isang patak lang."

"Ang thick ng mga face niyo. Hindi niyo lang nakita pero uminom ako, 'no!" he defended himself.

"Bro, hindi," sambit ni Alec.

"Ang gulang mo, bro. Uso magbago!" sambit naman ni Yuwi. "Pag-inom na nga lang sa alak ang ambag mo, 'di mo pa magawa."

"Tinulungan ko naman kayong ubusin 'yong pulutan---"

"Guilty!" natatawang sambit ni Dylan. "Inamin niya na pulutan lang ang kanina niya pa tinitira."

"Bro, para pare-parehas na tayong makapagpahinga, inumin mo na," nakikiusap na sambit ni Warren. "Pagod na 'yong mata ko, gusto ko nang matulog."

Kinuha ni Harris 'yong shot glass. Laking gulat ko nang iabot niya 'yon sa akin. "I-save mo kami, Magi. Para makatulog na tayong lahat, ubusin mo na ito."

"Hindi." Iniharang ni Dylan ang braso niya sa harap ko. "Isang shot lang ang usapan kanina, bakit dadalawahin?"

"Ang protective naman masyado! Kinikilig ako!" Israel giggled.

"Kadiri! Halatang fake. Sa una lang 'yan magaling. Si Dylan pa ba?" malakas na bulong ng tarantadong si Yuwi.

"Inggitero ka talaga, Master Yuwi. Kapag ganiyang bitter ka, pikit ka na lang," mumbled Julia.

"Sino naman nagsabing bitter ako sa kanila? Masama magsabi ng totoo?"

"Huwag niyo nga ako pagbulungan diyan! Rinig na rinig ko kaya kayo." Ibinalik ni Dylan ang atensyon kay Harris. "Para matapos na ang lahat---"

"Dylan will save the day! Utang na loob namin sa iyo ito," nagdiriwang na sambit ni Warren.

"Idilig na lang natin sa halaman, baka sakaling mamulaklak kaagad." At walang pakundangan niyang ibinuhos sa halaman 'yong laman ng shot glass. "Nagtatalo pa kasi kayo kung sino ang lalagok sa huling shot, e kung pwede namang itapon niyo na lang. Tapos ang problema."

"Wala ka na ngang ambag sa pagbili ng mamahaling alak na 'yon, itinapon mo pa!" Mahina siyang kinonyatan ni Alec.

"Dylan, para kang nagsayang ng ginto!" Israel chortled. "Pero ayos na 'yan, gusto ko na umuwi!" humihikab na sambit niya.

"Mga bwiset kayo! Ang hihina niyo kainuman!" singhal ni Harris.

"Tumigil ka riyan! Ang yabang nito, e malakas ka lang naman lumamon ng pulutan," ani Julia.

"Let's go home." Habang nag-aayos ako ng sarili to prepared for going home, naramdaman kong kumapit si Dylan sa braso ko and gradually leaned his head on my shoulder. "I'm sleepy."

I gave him an affectionate smile before finally standing up from my seat. Nagpaalam na kami sa mga kaibigan na mauuna na kami tiyaka umalis.

Well yeah, we're staying on one roof. Kagustuhan niya kasi 'yon, but we've already discussed that it was just temporary.

One of these days, I'm going to move out of my condo unit para bumalik sa bahay namin. I want to start a new life when the time has come that I find the courage to get back to our home.

"Sure ka bang kaya mo pang mag-drive?" I asked.

"Hindi naman ako masyadong lasing."

"But you told me you're sleepy."

"I can manage myself." He quickly turned his gaze at me and gave me a reassuring smile. "So, don't worry."

Tumango na lamang ako at isinandal ang ulo sa upuan. Sandali kong ipinikit ang mga mata ko pero naidilat ko rin nang marinig ko siyang magsalita.

"Can I ask you something?"

"Hmm?"

"Ano ba tayo?"

"Tao... Hindi ka aware?" Umayos ako sa pagkakaupo tiyaka bahagyang natawa. "Ano'ng klaseng tanong ba 'yan, Dylan?"

"Israel once asked me about the status of our relationship. He asked me kung tayo na ba? Kung may label na raw ba tayo?" Natawa siya nang mahina. "I don't even know what to answer in his question. Maski ako ay hindi ko alam kung ano na ba tayo..."

The only thing I did was to heave a sigh. Maybe I was just preoccupied over something that happened in my life these past few days.

Or rather I became sensitive to him, neglecting what he feels if I'm still not clarifying to him what our relationship status is as of these days.

"What are we?" muttered myself. "Well, it's somehow a type of question that really is hard to answer..." Huminga ako nang malalim bago nagpatuloy. "Kagaya ng naipangako ko sa iyo noon, if you stayed by my side in five days, I will be honest with my feelings towards you.

In case you are still not aware of my feelings, I want you to know that I love you."

Diretsyo lamang ang tingin ko sa daan, while he accidentally pressed the brake which led the car to stop from moving.

"A-Ano'ng sinabi mo?"

"I said I love you!" sambit ko bago siya hinarap. "I have loved you since I met you during my childhood days, Dylan.

To tell you honestly, nakalimutan ka man ng isip ko, but my heart doesn't. Almost eleven years have passed, but I'm still into you."

His face began to glow and he smiled beamingly at me. "I love you, too." His eyes joined his lips to smile widely at me. "Can we make it official? Will you be my girlfriend---"

Without letting him complete his question, I placed my hands on his face and moved it closer to me. "Yes." Before I kissed his lips.

We're in the midst of enjoying each other's lips when suddenly, umandar ang radio ng kotse ni Dylan. Dahil doon, napahiwalay kami sa isa't isa at sandaling nagkatinginan.

"I am Trisha Burgos... Now signing off as an artist of SG Network. I will honorably face all the consequences of my actions and let the law punish me.

Admitted that I was guilty for the crime being tossed to me, I won't ever run to escape. This might be a huge stain in my image, but right after I was released from prison, prepare for my biggest comeback."

"Sumuko siya nang kusa?" Dylan asked, surprisingly.

My lips curved into a smile. "Out of all the misfortunes and tragedies she brought into my life... Finally, she made me happy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro