Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 37

My eyes were blinded with a piece of cloth. I could feel how my sweat streamed down my face.

Nang tuluyan akong magising, I could feel I was placed on a wooden chair habang nakagapos ang mga kamay at paa ko.

At this moment, all I want is to cry. My hands are shivering as well. Nababalot ng takot ang buo kong katawan because I had no idea kung sino ang nagpa-kidnap sa akin at kung ano'ng dahilan nila para gawin sa akin ito.

How about Dylan? Dinakip din kaya nila si Dylan? What if they do? W-What if---

"Gising ka na pala." A feminine voice stopped me from overthinking. "Kanina pa talaga kita hinihintay na magising, e. Mukhang mahaba-haba ang pagkukwentuhan natin... Magi."

Naramdaman kong may lumapit sa akin upang tanggalin ang tela na nakabalot sa mata ko. When I opened my eyes, sumalubong sa akin ang nakangising si Trisha.

"Bakit pa nga ba ako magtataka kung bakit ako nandito? Bakit pahihirapan ko pa ang sarili ko na hulaan kung sino ang may pakana nito?" I smirked back at her. "Wala ka na ba talagang konsensya? Talaga bang sagad na hanggang buto ang kasamaan mo?

Why are you doing this, Trisha? Gusto mo akong patayin? Do you think if you do that, makakaligtas ka na sa mga kasalanang pilit mong tinatakasan?"

"Ang daldal mo," aniya. She moved closer to me and she pressed hard on my cheeks. "I will do everything just to clear my name. Kung kailangan kong patayin ka para matahimik ang buhay ko, I'm willing to do that. After all, matagal nang nadumihan ang malinis kong kamay.

Pagdusahan ko man ito, wala akong pakialam. Ang importante lang sa akin ay hindi mawala ang matagal ko nang pinag-iingatan.

Sa loob ng mahabang panahon, I spend all my life para lang gawing matunog ang pangalan ko sa showbiz industry!" Malakas niyang itinulak ang mukha ko bago umayos ng tayo. "Because my ambition is to be on top. I want to be one of the artists that is praised by half a billion of supporters."

Now she's crying in front of me. For what? To gain my sympathy? Kung akala niya na dahil sa pag-iinarte niya sa harap ko ay iuurong ko ang kasong isasampa ko sa kanya, well, nagkakamali siya.

"Dahil sa ambisyon mong maging sikat at makilala ng maraming tao, that's why you're doing this?

Baka lang nakakalimutan mo, Trisha... Ikaw ang naglagay ng dumi sa pangalan mo. So, don't ever use anyone para linisin ang pangalan mo!"

"Kaysa makulong ako, mas mainam na gawin ito sa pag-asang malinis ang pangalan ko." Now, the evil smirk on her face came back. "Kung makukulong lang din naman ako, why would I choose to let this opportunity slide?

Hindi lang ako ang dapat magdusa... Dapat ikaw rin. I won't let myself be a prisoner without doing something horrible---"

"Demonyo ka!" I shouted. "Hindi pa ba sapat na sa halos dalawang dekadang nabubuhay ako sa mundo, 'yong hinahanap-hanap kong ama ay palaging nasa tabi mo?

Hindi pa ba sapat na pagdurusa ang ginawa mo sa akin nang patayin mo ang lola ko? Wala nang natira sa akin. Mag-isa na lang ako sa buhay ngayon. Walang magulang, wala kahit ano! Hindi ka pa ba kuntento?!"

"W-What are you talking about?"

I faked my laugh. "Seems like your father didn't tell you about me... We're siblings."

Nanginginig ang buo niyang katawan habang dahan-dahan siyang umaatras papalayo sa akin. Her face seems so shocked about the information I revealed. Hindi ko inakalang wala pa pala siyang alam tungkol sa akin.

"Your mother killed my Mom," I added. "Because your mother was dying hard to get rid of us sa buhay niyo.

Oo, Trisha... Bunga ako ng isang pagkakamali. Wala dapat ako sa mundong ito, kung hindi nangyari ang isang malaking kasalanan noon."

Naalala ko na naman ang lahat. My existence in this world is just a mistake. Siguro dahil bunga ako ng isang kasalanan, kaya siguro ganito ka-miserable ang buhay ko.

"Y-You're saying... Kapatid kita?" hindi pa rin siya makapaniwala nang itanong sa akin 'yon. "No, you're lying!"

Without letting me speak, agad niya akong iniwan at nagtatakbo palabas ng kwarto. I know how hard it is for her to accept that I'm her sister. Ako man ay hindi ko kayang tanggapin na ang isang kagaya niya pa ang magiging kapatid ko.

We hate each other, so I understand her reaction.

But I do hope so, after knowing the truth, sana matauhan na rin siya. There's always a room in my heart for forgiveness. Gaano man kalaki ang kasalanan niya sa akin, alam kong magagawa ko rin siyang patawarin.

'Yon ay kung magbabago na siya at lalagay siya sa tama.

As much as possible, I don't want to live my life bitbit ang mga sama ng loob ko sa isang tao. Of course, I want to live a better life, but in order to do that, I have to free myself from the past.

Hindi mabilis magpatawad lalo na kung sobrang bigat ng kasalanang ginawa ng taong 'yon sa iyo. It takes a lot of time to forgive someone, but at least, there's always time to forgive and to heal.

"Magi." Someone caught my attention... My father.

"What are you doing here?" I asked. "Kakuntsaba ka ba ng anak mo na kidnap-in ako?!"

"It's not like that---"

"Then why the hell are you here?" I clenched my fist. "Don't try to fool me 'cause I'm not stupid like you! You even begged me na iurong ang demanda ko kay Trisha noon, 'di ba?

Awang-awa ka sa anak mo na huwag kong ipakulong. Malay ko bang ito lang ang naiisip niyong paraan para pakiusapan o takutin ako para gawin ang gusto niyo!"

"Magi..." He kneeled down. "Alam kong mali na pumayag ako sa gusto ni Trisha. Hindi ko dapat siya kinokunsinte sa mga ginagawa niya... Pero papa niya ako. At ang lahat ng ama ay handang gawin ang lahat para lang sa kanilang anak."

"Hindi mo ba ako anak?" Sa pagkakataon na ito, hindi ko na napigilan ang sariling umiyak. "Anak mo rin naman ako, 'di ba? O baka anak mo lang ako sa papel, pero dahil bunga lang ako ng pagtataksil mo sa nanay ni Trisha... Kaya hindi mo na ako itinuturing na anak?

Kung sabagay, anak mo lang naman ako sa labas, 'di ba?"

"Ano ka ba! Anak kita---"

"Pero bakit parang mas pinapaboran mo 'yang si Trisha kahit na alam n'yo namang wala na siya sa tama? Imbes na i-guide niyo siya na tahakin ang tamang landas, kinukunsinti niyo pa talaga siya sa mga kagagahan niya sa buhay! Ano'ng klaseng ama kayo?!"

I was stunned when I saw him cry in front of me. Para tuloy gusto kong bawiin 'yong mga nasabi ko. He's still my father... anyway.

"L-Look... I didn't mean to say---"

"Anak." hHndi ko naipagpatuloy ang sinasabi ko nang tawagin niya akong anak. "Sobrang laki ng naging pagkukulang ko sa iyo. Nalulungkot ako kasi imbes na bumawi ako sa mga panahong nasayang ko, ito pa ang ginawa ko.

Alam kong nasa mali si Trisha, at hindi ka niya dapat isinasali sa ganito. Nasasaktan din ako, anak, sa sitwasyon. Ipit na ipit ako dahil pareho ko kayong mahal..."

I swallowed hard and took a deep breath. "Kung mahal mo kami pareho, gawin mo ang tama na naaayon sa batas. Bali-baliktarin man natin ang mundo, nagkasala ang anak mo kaya kailangan niyang makulong."

Lumapit siya sa akin tiyaka inabot ang mga nakagapos kong kamay. "Ayokong magbitaw ng pangako sa iyo dahil ayokong saktan ka sakaling hindi ko matupad. Pero alang-alang sa ipinaglalaban mong hustisya sa pagkamatay ng lola mo, magtiwala kang ang lahat ay maitatama.

Makabawi man lang ako sa mga naging pagkukulang ko sa iyo, gagawin ko ito kahit buhay ko pa ang maging kapalit."

Iniwas ko kaagad ang paningin sa kaniya dahil ayokong ipakita na umiiyak ako. Kailangan kong maging matatag at magmukhang malakas lalo na sa ganitong sitwasyon.

Matapos lang ang lahat ng ito, ipinapangako kong magiging masaya na ako.

At sa oras na mangyari 'yon, matatawag ko na rin ang taong ito bilang 'Papa.'

---

"Padalhan ninyo ako ng pera at helicopter para pakawalan ko si Magi." Nakaharap ang cellphone ni Trisha sa akin.

Buong akala ko ay binago na ng rebelasyon ko kanina si Trisha. I thought I could at least melt her heart by saying that... But evil will always be evil.

[Subukan mo lang na saktan si Magi, ako ang papatay sa iyo!] That voice belongs to Dylan.

I couldn't glance at the camera of her phone because of the fear that the thing I could do is to cry in front of them.

At 'yon ang isang bagay na ayokong mangyari.

Yeah, I'm desperate to beg for their help, but I won't ever let them show how worn out I am.

[Gagawin ba natin ang gusto niya, Dylan? Edi parang hinayaan lang din natin ang babaeng 'yan na makatakas!] I heard Delancy's voice.

[Kaysa naman hayaan na lang natin si Magi sa kamay ng babaeng 'yan.]

"Sa panahon ngayon, kailangan niyong maging praktikal. Kung mahal niyo itong kaibigan niyo, ibigay niyo ang gusto ko. Gano'n lang naman kasimple. Walang kahirap-hirap."

['Yon lang ba ang gusto mo---]

Naputol ang dapat sanang sasabihin ni Dylan nang biglang naputol ang linya. Gamit ang isa kong paa, inihagis ko ang sapatos na suot ko at saktong tumama 'yon sa hawak na cellphone ni Trisha kaya ito nabagsak at namatay.

"Look what you've done! Kakabili ko lang niyan---"

"Ibibili na lang kita ng bago," walang-emosyon kong sabi. "And don't you ever dare to use my friends just so you get what you want.

Kung gusto mong patayin ako, then go! Take my life, instead!"

Nabigla ako nang sugurin niya ako. Ginawaran niya ako ng mag-asawang sampal na saksakan ng lutong. Siguro sa lakas no'n ay nagkasugat ang gilid ng labi ko, dahil na rin sa may nalasahan akong lasang kalawang.

"Baka nabitin ka pa sa dalawang sampal. Make it four!"

"Hinahamon mo ba talaga ako---"

"Gano'n na nga!" sagot ko. "Pinipilit kitang saktan ako hanggang sa mapilitan ka ng patayin ako. Doon din naman tayo hahantong, bakit pinapatagal mo pa?!"

"Gusto mo talagang patayin na kita?" Nakita kong naglabas siya ng baril sa bulsa niya at akmang itututok 'yon sa akin nang biglang kunin sa kaniya 'yon ni Papa.

"Itigil mo na 'to, anak," mahinahong sambit nito. "Huwag mo nang subukan pa na itama ng isang pagkakamali ang isa pang pagkakamali.

Harapin mo ang batas, anak. Nakikiusap si Papa sa iyo."

"No!" Pilit niyang binabawi sa kamay ni Papa 'yong baril ngunit initsa palabas ni Papa 'yong baril. "Pa! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?! We've talked about this already. Why are you acting like that?!"

"Hindi na tama ang mga ginagawa mo, anak. Patawarin mo ko, pero hindi na dapat kita kinunsinti na gawin ang bagay na 'to," nagsusumamong sambit niya. "Magkapatid kayo ni Magi kaya't hindi dapat ganito ang trato niyo sa isa't isa. Hangga't maaga pa, anak, magbago ka na at harapin mo ang mga kasalanang ginawa mo."

I could see on Trisha's face na hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi ni Papa sa kanya. Trisha is the type of a person na hindi agad-agad ma-p-please sa isang salitaan lang, so I doubt her heart could soften like that.

Hindi na ako umaasa.

"So, hahayaan mo na lang na gumuho lahat ng pinaghirapan kong itayo? Hahayaan mo na lang na masira sa mga tao ang pangalan ko?

Paano naman 'yong pangarap ko, pa? Alam mong sobrang halaga sa akin ng pangarap ko na mas sumikat at makilala... Hahayaan mo na lang ba na tangayin 'yon ng hangin?"

"Cut the nonsense, will you?" naiiritang sambit ko. "Stop saying that you're the victim here. That I'm the one who started the war, when in fact, it's you who wanted to ruin my life and to win Eli back, didn't you?"

"Huwag kang makikialam dito---"

"Trisha, tumigil ka na!" Parehas kaming nagulat ni Trisha nang magtaas ng boses si Papa. "Pagod na pagod na akong intindihin ka. Pagod na akong maniwala sa mga kasinungalingan mo. Ayoko nang magbulag-bulagan na walang mali sa mga ginawa mo.

Sa pagkakataon na ito, patawarin mo ko ngunit hindi na kita papaburan ngayon, anak."

"Then you should learn to stop calling me your daughter from now on!"

Nagtatakbong lumabas ito ng kwarto after niyang sabihin 'yon. Si Papa naman ay lumapit sa akin upang, sa wakas, ay kalagan ako mula sa pagkakatali sa upuan.

"Aalis na tayo rito."

"How about her?" I asked.

"Let her do what she wants." Nang matapos niya akong kalagan ay hinarap niya ako. "Alam kong hindi ko siya mapipilit na umalis sa lugar na ito dahil alam kong sumama ang loob niya sa sinabi ko."

"Hindi ba magiging delikado ang buhay niya if she'll stay in this place?"

I roamed around my gaze habang pababa ng hagdan. This place is an old mansion in an antique design. Maalikabok dito at puro sapot, dala na rin siguro ng kalumaan.

"Susubukan kong kumbinsihin siya, pero kung ayaw niya talaga..." Tumigil siya sa paglalakad. "Hayaan na lang natin siya rito. Bigyan natin siya ng oras para makapag-isip-isip. May tiwala ako kay Trisha. Alam kong isusuko niya rin ang sarili niya ng kusa."

Ako, wala.

Wala akong tiwala sa babaeng 'yon. Sa dami ng kasamaan at kasalanan na ginawa niya sa buhay ko, hindi ako naniniwalang isusuko niya ang sarili niya sa mga pulis ng kusang-loob.

Doing those things was the least thing she would do.

"Her Mom who just passed away two months ago molded her to be perfect. Gusto ng mama niya na maging celebrity siya dahil batikang aktres noon ang mama niya. Syempre, gusto niyang susunod sa yapak niya ang anak niya.

Masipag si Trisha. Nagsusumikap talaga siya na maging kasing-husay ng mama niya sa pag-arte. Gusto niya ring maabot niya ang kagaya ng naabot na achievements ng mama niya noon. Kaya't nagpursige siya para abutin ang pangarap niyang iyon.

Hindi ko lang talaga inaasahan na dahil sa sobrang taas ng pangarap niya na gustong abutin, umabot na siya sa ganitong punto. Nang dahil sa kagustuhan niyang sumikat at dahil sa takot na mahusgahan ng mga tao, gano'n na lang ang kagustuhan niyang malinis ang pangalan niya.

That time, kahit alam kong mali, ay sinuportahan ko ang desisyon niya. Kahit na alam kong kailangan niyang pagbayaran ang mga kasalanan niya, pinili ko pa ring suportahan ang kagustuhan niya. Kaya ako nagmakaawa sa iyo noon na huwag mo na siyang kasuhan.

Kaya lang ang pasensya ko ay may hangganan. Hindi ko na halos masikmura ang mga ginagawa ko kasi alam kong mali." Huminto siya sa may pintuan. Kahit patago niyang ginawa, alam kong nagpunas siya ng luha. "Papa niya ako, kaya dapat hindi ko sinusuportahan ang mga bagay na hindi naman talaga tama. Ako ang papa niya, hindi ko dapat kinukunsinti ang mga bagay na sa una pa lang ay mali na talaga.

Pero ano'ng ginawa ko? Nang dahil sa mahal na mahal ko si Trisha, ikaw tuloy ang nahihirapan. Patawarin mo si Papa, anak."

Umiiling-iling ako bago siya dambahin ng yakap. "You just did what a father should do," I whispered.

"H-Huwag kayong lalabas!" Nagmamadaling pumasok si Trisha habang humahangos. "M-May mga rebelde sa labas nitong bahay."

"Paano magkakaroon ng rebelde sa Manila?" I asked.

"Wala tayo sa Manila," si Papa ang nagsalita. "Dito tayo dumaan sa likod ng bahay. Kailangan nating makaalis dito para 'di tayo mabihag."

Takot na takot na sinundan namin ni Trisha si Papa na patungo sa backdoor nitong lumang mansyon. Medyo mahaba-haba ang pasilyo na tinahak namin bago tuluyang marating iyon.

Pinihit ni Papa ang doorknob at nang tuluyan kaming makalabas, bumungad sa amin ang isang malawak na kagubatan. Malapit pa namang magdilim, mukhang delikado na tahakin namin 'yon.

"Pa, hindi ba natin pwedeng kunin 'yong sasakyan?"

"Makikita nila tayo."

"Edi hintayin na lang natin silang umalis, tiyaka tayo patagong sumakay sa kotse at tumakas?"

"Anak, kung magtatagal tayo sa lugar na ito, mas tataas ang tsansa na madakip tayo ng mga rebeldeng 'yon. Mahirap na kung mahuli nila tayo."

I'm also scared of walking in the forest, lalo na't kapag gabi. Takot ako sa mga species na naninirahan sa mga kagubatan, lalo na 'yong mga ahas, kwago, and the likes.

But in order to escape this place, kinakailangang harapin ko ang kinatatakutan ko.

"Kung bakit kasi dadalhin mo na lang ako sa lugar na maitatago mo ako, bakit dito pa sa probinsya na may mga rebelde? Nasa peligro tuloy ang buhay natin dahil sa iyo!" bulalas ko habang naglalakad kami.

"Ako pa ang sinisisi mo, Magi? How dare you?!"

"How dare you mo mukha mo! Kasalanan mo naman talaga ang lahat---"

"Both of you, can you please shut the hell up? Hindi ito ang tamang oras para magpalakasan kayo ng hiyaw. Paano na lang kung may ibang tao na makarinig sa inyo, huh?" pag-awat ni Papa.

"Nakakainis kasi 'yang anak mo! Kung sana ay hindi niya na lang ginawa at pinagplanuhan na kidnap-in ako, edi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon.

If she just surrendered herself to the police, then our life couldn't be in danger!"

"Gusto ko lang linisin ang pangalan ko, Magi. Wala naman akong plano na patayin ka. Ang gusto ko lang ay pakiusapan ka na huwag mo na akong kasuhan. 'Yon lang naman ang hinihingi ko sa iyo---"

"At iyon ang isang bagay na hinding-hindi ko ibibigay!" Humarap ako sa kaniya at pinanlisikan siya ng mata. "For I believe that you deserved to spare all of your life in the prison pagkatapos ng ginawa mo.

Hawak ko na ang lahat ng mga ebidensya na magpapatunay na ginamit mo lang si Julia para ipapatay ang lola ko. At ikaw rin ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Julia!

Sa tingin mo, hindi mo dapat pagbayaran sa kulungan ang gano'ng mga kasalanan?!"

"I said enough!" gigil na sigaw ni Papa. "Just this once, please stop fighting! Pwede ba 'yon---"

"Sino kayo?"

Nagulat kami pare-pareho nang may lalaki na armado ang nasa harap namin at may hawak na baril. He seemed to be one of those terrorists that Trisha was talking about earlier.

"Boss, hindi kami---"

"Isasama ko 'yang dalawang babaeng kasama mo," sabi no'ng lalaki at akmang lalapit sa amin ni Trisha pero humarang si Papa. "Tumabi ka riyan!"

"Ako na lang ang kunin niyo, 'wag lang sila." Lumingon sa amin si Papa at sumenyas na tumakbo na kami.

"P-Pa," naiiyak kong bulong.

"Tumakbo na kayo," he mouthed. Nangungusap ang kanyang mga mata habang nakangiti sa amin.

"A-Ayoko," rinig kong sambit ni Trisha.

"Tumabi ka riyan! Kung hindi, ikaw ang tutuluyan ko!" rinig kong sabi pa no'ng lalaki.

Hinawakan ko ang kamay ni Trisha upang hilahin patakbo, ngunit ayaw niyang gumalaw. "Trisha, tara na---"

"Dito lang ako, Magi. Hindi ko kayang iwan si Papa---"

"Tumakbo na kayo, mga anak!" sigaw ni Papa at pilit nakipag-agawan ng baril doon sa lalaki.

Marahil dahil sa sigaw ni Papa ay agad rin kaming napatakbo ni Trisha palayo sa kanya.

Hindi pa man kami nakakalayo kay Papa ay nakarinig ako ng putok ng baril... kitang-kita ko ang pagbagsak ng walang-malay niyang katawan.

And just like that, I lost another loved one... again.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro