Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 36

"Pinagod ako ng mga batang iyon. Mga boss ko nga sa trabaho, utak ko ang pinapagod. Sila naman, katawan ang pinagod sa akin!" Nasa loob na kami ng van paalis sa lugar na 'yon nang magsimulang mag-rant si Harris. "Halata bang haggard ako?"

"Gwapo ka naman," ani Warren. "Kahit haggard ka, at least gwapo ka."

They're sitting in front of me. That's why I'm able to see how Harris pushed Warren's shoulder sa harap ng upuan niya.

"Edi sinabi mo ring haggard ako!"

"Lahat naman tayo!" muttered Delancy. "Pwede mo namang iligo 'yan pagkauwi, e."

"Hindi porke inaaway ko 'yang jowa mo, may karapatan ka ng makisabat." He's starting a fight again.

I just let out a deep and heavy sigh. Pinili kong ipikit na lang ang mga mata ko to find a place inside my imagination where I could be at serene.

Lunod rin ang sarili ko kagaya nila. I am also tired; physically and emotionally. It was a great experience to make those children happy. And to have the opportunity to hang out with them was a big pleasure of mine.

"It was a long, tiring day, so better sleep for now." Just like that, I opened my eyes as I heard him talk.

"How could I be able to sleep at peace? Sometimes, I regret belonging to this circle of friends. They're so noisy!" I said, irritatedly.

"Ang sabihin mo, iritado ka lang dahil sa kagwapuhan ko, Julia! Hindi ko kasalanan maging gwapo. Ang malaking kasalanan, e 'yong kaiinggitan mo ang perpekto kong mukha!"

"Kupal ka rin, 'no? Bakit ako maiinggit sa iyo? Sino ka ba? Nananahimik ako rito, ako na naman ang pinupuntirya mo!" Julia shouted.

"Ang ingay niyo naman diyan sa likod. Ibangga ko kaya 'tong sasakyan natin, gusto niyo?" asked Alec who was the one driving the van.

"May inggitera kasi rito, Lec---"

"Alam kong mga pagod kayo, pero itahimik niyo na lang mga bunganga niyo. Sakit niyo sa tenga."

"Yuwi's right," pagsang-ayon dito ni Eli.

"Basta ako, tahimik lang ako na nanonood rito ng away. Popcorn na lang talaga ang kulang, e," Israel said.

"See how nosy they are?" I rolled my eyes before closing my eyes again.

Wala akong narinig na response mula kay Dylan, but only a gesture from him. Naramdaman ko ang mga palad niya na tumakip sa tenga ko. Just like that, I immediately opened my eyes to see what stupidness he was doing.

"Use my palm to make you relax." He smiled. "Somehow, it will lessen the noise you're hearing right now."

Seconds had passed before I averted my gaze at him. I will tell a lie if I won't say I didn't feel thrilled by the words he uttered and by the sweet gestures he made.

Truly, he is still that guy I've met before --- so many years have passed, but he's still the sweetest guy I've known, so far...

I thought of surrendering sa pakikipagtitigan sa kanya. I closed my eyes habang dinadama ang init ng kanyang mga palad sa aking tenga.

Bahagya akong napangiti.

In this life full of disappointments, I'm glad that I found a guy where I could find the contentment I always sought for.

Expectations are, what they say, a trade-off of disappointments. Never expect it if you don't like to be disappointed because one's life has so many flaws and failures.

But on my account, we only disappoint ourselves when we are expecting more on that thing --- forgetting to feel contentment with your first expectation.

As time goes by, your expectation becomes bigger and elongated, you begin dreaming higher and underneath all those dreams, you're aiming for bigger achievements to succeed.

As we failed to achieve it, we ended up being disappointed. For I believe every expectation is meant to be granted or might as well, have an alternative way in order to achieve it.

But as your expectations become higher, it will be hard to fulfill and might end up, you, being disappointed.

In this life, one thing we have to learn is that we have to be content with the things we have.

There's no wrong if someone aims to dream higher, but he must prepare himself to face his greatest downfall once that ambition he wants to fulfill cuts his own wings.

---

As the ray of sun touches my skin, I deliberately opened my eyes. I see myself lying on my bed. Dahil siguro sa sobrang pagod ko, I almost sleep half of my life. Hindi man lang ako nakakain ng lunch at dinner because of exhausted I am.

Hindi rin ako nakaligo.

Papunta na sana ako sa banyo upang linisin muna ang sarili ko nang may maamoy akong mabango sa labas. Because I haven't eat my lunch and dinner yesterday, nagwala ang mga bulate ko sa tiyan nang maamoy ang nakakagutom na amoy na 'yon.

I went out of my room. As if I'm not expecting that he's the person behind the aroma that I've smelled earlier.

I smiled coquettishly when he looked at my behavior. Naglakad ako papalapit sa kaniya upang silipin ang niluluto niya.

Adobo; it's one of my favorite dishes.

"Marunong ka palang magluto niyan."

"Pinag-practice-an ko na magluto nito kasi nalaman kong favorite mo pala ito," he replied while stirring the mixture on the pan. "Kinakabahan nga ako kasi baka malayo sa lasa ng luto ng lola mo 'yong kalabasan nitong niluluto ko."

"Insane," I murmured. "You don't have to mimic my grandmother's recipe of cooking adobo para lang kainin ko 'yan. Make it delicious and savory, I will surely love that."

Nakangiti siyang nilingon ako. "Totoo?" I nodded at him. "You're making my heart full, aren't you?"

"Likewise." Naupo ako sa dining table while waiting for him to serve the food.

Woah? May taga-luto na nga ko rito sa bahay, may taga-serve pa e, 'no?

"Of course, I'm aware na gabi-gabi kang hindi makatulog dahil kinikilig ka sa mga banat at efforts ko for you. Baka nga ikaw 'yong dahilan kung bakit may ilang gabi na hindi ako makatulog." Ibinaba niya ang mangkok sa table kung saan nandoon ang adobo. I was looking at him, and so he is. "Iniisip mo ako nang hindi hinihingi ang permiso ko. Kasuhan kaya kita, Magi?"

I faked my laugh. "Your sense of humor sucks," I said in between laughs. "Say that again, I'm gonna punch you."

"Because you're guilty," he simpered. "Ang cute mo talaga kapag defensive ka, 'no?"

"Mind your own business," I said with authority. "And I'll do mine!"

Inumpisahan ko na ang pagkain ng pinagsama-samang lunch, dinner at breakfast. Hindi sana ulcer ang abutin ko nito dahil sobrang nalipasan na ako ng gutom.

While eating, I could clearly see in my peripheral vision that Dylan was looking at me. Nang tingnan ko siya, his eyes crinkled at the corners.

"Para kang tanga sa ginagawa mo, Dylan. Sabayan mo na lang kaya ako kumain, 'no?"

"Dati, bitter na bitter ako kay Israel tuwing sasabihin niya sa isang babae na 'Okay lang ako, babe. Makita lang kita, busog na ako.'" His smile went broadly. "Totoo pala talaga 'yon. Kuntento na ako na hindi kumain, dahil sa tuwing nakikita ka ng mga mata ko, hindi ko nararamdaman ang gutom."

"Ipinaglihi ka nga siguro talaga sa mais. Napaka-corny mo! Magutom ka riyan sa ka-corny-han mo, Dylan."

He laughs like a drain. "You're too serious to joke with, 'no?"

Siguro ay tuluyan nang kumalam ang sikmura niya kung kaya't sumandok na siya ng pagkain. I didn't bother to pay attention to what he said.

"I don't know if I already told you this before..." nakatitig lamang ako sa plato ko bago nagpatuloy. "Since I was born, hindi ko nakilala kung sino ang papa ko. Ni litrato ay wala. His identity was completely blanked."

"So, he's your father?"

Napaangat ang tingin ko sa kaniya nang itanong niya 'yon. "Who are you talking about?"

"Noong ma-discharge si Julia sa ospital, may isang lalaki na lumapit sa iyo, 'di ba? Kagaya ng sinabi ko, nakabantay ako sa iyo nang patago. At nakita ko ang eksena no'ng pagtaasan mo ng boses ang lalaking 'yon noong araw na 'yon."

"I forgot." I faked a smile. "Yeah, he's my father. Inamin niya sa akin ang lahat at ang dahilan niya kung bakit siya biglang naging missing in action.

You know what's the revelation na hindi ko halos matanggap?" My eyes went weary as sadness enveloped my body. "He told me that Trisha was my sister."

"No way!" uttered Dylan and just like that, he stopped from eating. "Kapatid mo si Trisha?"

"That's beyond belief, isn't it?" I plastered a smile. "Of all people, bakit ang babae pa na 'yon ang magiging kapatid ko?

How on Earth will I accept the fact that she's my sister? Pagkatapos niyang gawing miserable ang buhay ko... How will my father expect me to react? He even begged me para hindi ko kasuhan ang kriminal niyang anak.

What a thoughtful father to his lovely daughter!"

"Pumayag ka ba, Magi?" he curiously asked. "Hindi ka naman pumayag sa pakiusap ng papa mo, 'di ba?"

"Of course not!" I hissed. "Hindi ako baliw para hindi kasuhan ang kriminal na 'yon. I don't even care if he's my father. As long as he's standing in the wrong position, I won't side with him.

All I want is justice for my grandmother, kaya sisiguraduhin kong magdurusa ang babaeng 'yon sa kulungan."

"You did the right thing." Lumipat siya sa upuan na katabi ko before he patted my head. "Don't worry, maiintindihan din ng papa mo ang dahilan kung bakit gusto mong makulong si Trisha.

Alam kong may kaunting saya sa puso mo dahil nakita mo na ang papa mo. Alam kong matagal mo na siyang gustong makita. But time will come, you will be able to spend your time with him kapag naayos na ang lahat."

At magiging maayos lang ang lahat kung isusuko na ni Trisha nang tuluyan ang sarili niya.

She has to stop her childish game to hide and seek from us. Anuman ang gawin niya, I will still hunt and chase her. Saan man siya dalhin ng pagtakbo niya sa batas at sa mga kasalanan niya, susundan ko siya.

"May mahalaga nga pala akong sasabihin sa iyo," abala ko sa paglalagay ng tubig sa baso ko nang magsalita si Dylan. "Tungkol sa nangyari sa sementeryo noon. Kung saan inakala mong ako ang may gawa no'n dahil nandoon sa lugar na 'yon ang bracelet na ibinigay mo sa akin."

"What about it?"

"Setup ni Trisha ang lahat," he said. "While I was away, nag-imbestiga ko nang mag-isa tungkol sa babaeng 'yon. Isang araw, naisipan kong balikan ang sementeryo kung saan nakahimlay ang mga mahal mo sa buhay. Nasaktuhan kong may isang lalaki na nakamasid roon kaya nilapitan ko at pinilit mapaamin kung ano'ng ginagawa niya roon.

Inutusan daw siya ni Trisha na guluhin ulit ang lugar na 'yon. Umamin din siya na 'yong kalat na nangyari doon ay si Trisha ang nag-utos sa kaniya na gawin 'yon. Pati na rin ang paglalagay ng bracelet na bigay mo sa akin para isipin mong ako ang may gawa no'n."

"Dapat ba akong magulat diyan?" I teased him. "Her game was so easy to predict, Dylan. Noon pa man, siya na ang pinaghinalaan ko na gagawa ng gano'ng bagay kaya 'di na ako nagulat."

"Kung sabagay," aniya. "Pero ang isang malaking tanong na wala pang kasagutan ay kung paano napunta kay Trisha 'yong bracelet?"

"Don't underestimate what capabilities a criminal like her can do. Maybe she finds a way to steal the bracelet from you, or either she used her power in order to steal it. Ganiyan ang mga galawan ng mga kagaya niyang walang utak."

Narinig ko bigla ang pagtawa niya. "Gigil ka na naman, misis ko. Bagong kain ka, baka bigla mong mailabas sa kabilang butas 'yan." Kinuha niya ang pinagkainan ko at dinala sa lababo.

"Ilagay mo na lang diyan lahat. Ako na ang maghuhugas niyan mamaya. Bumalik ka na sa unit mo."

"You really thought I'm doing this for free?" Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko kanina dahil hinugasan niya pa rin ang mga pinagkainan namin sa lababo. "Sa panahon ngayon, wala nang libre."

"So, you're saying what?"

"In return for my services to you, let me stay here."

"W-What?" gulat kong tanong. "Are you trying to annoy me or what? You ain't funny!"

"Occupied na raw kasi 'yong unit ko dati kaya sabi ko, hindi na lang ako mag-c-check-in kung hindi rin naman ikaw ang magiging kapitbahay ko." Abala siya sa paghuhugas habang nagpapaliwanag. "Gusto ko kasi, malapit ka lang sa akin. Kung occupied na ang unit ko dati, mas better siguro kung dito na lang ako sa unit mo mag-stay. Para sobrang lapit mo na talaga sa akin." He faced me while smiling expansively at me. "Ayaw mo ba no'n?"

"Ayoko---"

"You don't have any options but to accept me, Magi. I have no other places to go. Hindi ka ba naaawa sa akin?"

"Utot mo! Pwede ka namang umuwi sa bahay niyo, 'di ba? Wala ka nang dahilan para lumayo sa mama mo dahil okay na ang lahat about sa issue sa past. Go home, instead of pestering me in my comfort place!"

He pouted. "Don't you have mercy para sa cute na kagaya ko? Ayaw mo na bang matikman ang mga luto ko?"

"Kaya kong itawid ang sikmura ko everyday ng itlog at hotdog lang ang ulam ko. May FoodPanda at Grabb na rin naman, so I could order foods whenever I want. Sufficient reason na ba 'yon para tantanan mo na ako?"

His face returned to be solemn. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa kakaunting space na lang ang natitira sa pagitan namin.

"Gusto kitang makasama kahit sa loob ng sandaling panahon lang. Gusto kong makabawi sa iyo dahil bigla kitang iniwan noon sa gitna ng ulan. I promised you to not ever leave you again, but I broke my promise once again.

Iniwan kita noong mga bata pa tayo. And when we found each other again, iniwan na naman kita. Ayokong isipin mo na lahat ng tao ay iniiwan ka na lang, pero gano'n din naman ang ginagawa ko sa iyo." Hinaplos niya ang pisngi ko kahit basa 'yon ng tubig... tiyaka ako mataman na tinitigan. "I want to make it up to you, Magi. Hayaan mo akong makabawi sa lahat ng mga pangakong hindi ko natupad. Sapat na bang dahilan 'yon para hayaan mo akong manatili sa lugar na ito... Kasama ka?"

Honestly, I was just teasing him. Gusto ko ngang makasama ko siya rito, e. Gusto kong makasama siya araw-araw. But I didn't expect na da-drama-han niya ako nang ganito.

Bigla ko tuloy naramdaman na paakyat na naman ang tubig patungo sa mga mata ko. Alam naman niyang iyakin ako, raratsada pa siya nang ganito.

"Do as you say!" Agad ko siyang itinulak papalayo sa akin bago naglakad paupo sa sofa.

Binuksan ko na lamang ang TV upang libangin na lang sana ang sarili. Kaso imbes na malibang, nag-init pa ang ulo ko nang makita ang pagmumukha ni Trisha sa TV.

Her face was zoomed in a second bago ibalik 'yon sa dating size. They were on The Oblivians 2021 red carpet show. Kasama niya roon si Eli while clinging her hand on his arm.

Suddenly, the news coverage was cut and proceeded on with the interview for Trisha and Eli. Siguradong tungkol sa series ang topic, pati na rin tiyak sa controversy na kinasangkutan ni Trisha.

Exciting ito!

"We're very sorry to announce that our series will no longer be aired on Philippine TV," said Eli. "It was a unanimous decision from the board members of our agency to lift our series from the list of upcoming series to be aired.

The series is already completed and we're done filming it a month ago, but if this was our fate, so be it. Well then, it was a great experience for both Trisha and I that we're able to work with each other."

"Supporting his statement, I enjoyed the journey of filming the series throughout the days. Honestly, I'm generally out of sorts today because of this news.

But it is what it is, I have no other options but to accept the fact that the series will no longer be aired on National TV.

To all the fans that we disappoint, we're very sorry."

Buti lang sa kanya 'yan. Hindi niya deserve na mapanood pa siya sa TV. Her series is now dismissed, siya naman ngayon ang sisiguraduhin kong mapapatalsik sa industriya.

"This kind of news is what I really loved to watch," I said with a close-mouthed smile.

"You're done with Plan B, aren't you?"

Tumango ako. "Watch how the bomb explode."

"May nakarating na update sa amin, Miss Trisha. Do you know Miss Julia Villarosa?"

"What about her?"

"This anonymous person told us that you attempted to murder her," the reporter said.

"Anonymous nga, 'di ba? Who knows? Baka 'yan din 'yong taong gustong sumira sa pangalan ko. Don't you ever believe in someone who you don't even know what that person's identity is! This isn't a simple case, so better be careful of who you believe."

Lumawak ang ngiti sa labi ko nang biglang magkagulo sa studio. Halata sa mukha ni Trisha na hindi niya inaasahang may darating na mga pulis doon. Kung kaya't ang shooting ay naputol.

I opened my laptop para ipagpatuloy ang magandang eksenang pinapanood ko.

This is my Plan B --- ang ilantad sa publiko na tinangka niyang patayin si Julia.

Before going on that event, kinuntsaba ko si Eli na ikabit sa suit niya ang isang wireless mini spy camera dahil alam kong once na dumating ang mga pulis, ititigil nila ang shooting.

"Bakit niyo ako inaaresto? Ano'ng karapatan niyo na gawin 'yan?!"

Ipinakita ng isang pulis ang hawak nitong plastic kung saan naroon 'yong baril. "Hindi mo maitatangging hindi sa iyo ito. Natagpuan namin ang fingerprint mo rito, patunay lang na tinangka mong patayin ang biktimang si Julia Villarosa."

"What are you talking about? Bakit ko naman gagawin 'yon? Sino nagsabi sa inyo niyan? Si Magi? E, wala namang alam 'yon kung hindi ang ituro ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa!"

"Sumama ka na lang sa amin ng maayos, Miss Trisha. Sa presinto ka na magpaliwanag."

"N-No---"

Inilapit ni Eli si Trisha sa mga pulis upang tuluyan na nila itong maposasan. Bakas sa mukha ni Trisha ang pagkabigla, marahil sa ginawa ni Eli.

Sa wakas, naranasan niya ring pagtaksilan at talikuran siya ng taong mahal na mahal niya. Nararapat lang sa kanya 'yon.

"Paano mo nakuha 'yong baril?" Nang tuluyan ko nang patayin ang laptop, sinalubong ako ni Dylan ng tanong.

"She's not only the one who has the freedom to use her power and her money." I raised my eyebrow as I pursed my lips. "Because of my intelligence para humanap ng mga taong mahusay kumalap ng impormasyon at ebidensya, nakuha ko ang baril na ginamit niya noong araw na barilin niya si Julia.

On that specific day, nakita ko siya sa loob ng Cooking Room ng HM habang ang baril ay nakatutok kay Julia. Sigurado akong siya 'yon even though she's hiding herself using a thin cloth. Pero ang tangang si Trisha, hinayaan lang na nasa loob ng unit niya 'yong baril imbes na idispatsya sana para wala ng ebidensya na magtuturo sa kanya.

Nang tuluyang makuha 'yong baril, nag-match ang bullet na nakuha mula sa katawan ni Julia roon sa bullet na nasa loob ng baril. We traced the fingerprint at nalamang kay Trisha 'yon.

Paano namin nakuha ang fingerprint ni Trisha? Well then, thanks to Eli. Naging madali lang ang lahat para pataubin ang isang babaeng tanga sa lahat ng aspeto sa buhay."

Ikinagulat ko when he slowly clap his hands. "Fantastic."

"Compared to that bitch, I'm way wiser than her." I flipped my hair before I stood up.

Once more, the glowing appreciation on my face shone brighter than the noonday sun. I didn't expect it would be so pleasing to make her life even more miserable.

---

"What's so nice about this place?" I roamed around my gaze to seek what's so special about this place.

Yeah, the lights are beautiful but it's a crowded place. Sobrang daming tao and sari-saring mga kaganapan ang mayroon. There are groups of individuals dancing traditional dance, there are also performances for entertainment like magic shows.

"Special itong lugar na ito kasi kasama kita." I felt his hands on mine before dragging me to somewhere.

"Ang corny mo! Noong kami naman ni Eli, hindi siya ganiyan ka-corny," I mumbled.

Naramdaman ko ang pagbagal ng paglakad niya at ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa kamay ko. "Hindi kasi siya marunong mag-joke."

"Ayoko rin naman sa taong palabiro, Dylan. Walang mali, pero hindi ko lang bet. Mukha kang tanga kung magbibiro ka tapos corny na pala sa pandinig ng iba." Hindi ko naman red days kaya maski ako ay nagtataka kung bakit hindi maganda ang mood ko ngayon.

"Ano pa?" Tuluyan niya nang binitawan ang kamay ko. "Ano pa ba ang dapat hindi ko gawin para hindi mo na ko ikumpara kay Eli? Ano pa, Magi?"

I was shocked. Hindi ko inaasahang magiging ganito ang reaksyon niya sa sinabi ko.

"Come on, I'm not comparing---"

"But your words are." Nagsimula na siyang maglakad papunta sa kung saan. Sinundan ko na lang siya kung saan man siya pupunta dahil hindi ko siya pwedeng iwan dito --- wala akong sasakyan pauwi.

PMS ba 'yon?

"Ano bang problema mo?" Nang makarating sa isang lugar na hinintuan niya, naglakas na ako ng loob na kausapin siya.

We're at a wooden bridge na napaliligiran ng iba't ibang kulay ng mga tela. Walang gaanong ilaw rito, ngunit sapat na ang liwanag ng buwan upang makita ko si Dylan as he faced me --- holding a lantern.

"Ano na namang binabalak mo? Para saan 'yan?"

"Isulat natin lahat ng sama ng loob natin dito." He walk towards me and handed me a pen. "Gusto kong pag-alis natin sa lugar na ito, wala na tayong sama ng loob sa puso natin, maging sa isa't isa."

Seconds had passed pero nakatulala pa rin ako sa kanya. Abala siyang nagsusulat sa lantern kaya naman ginawa ko na lang ang ginagawa niya. I wrote everything that I wanted to release from my soul.

Kahit sa ganitong paraan man lang ay mailabas ko lahat ng sama ng loob ko --- lalong-lalo na sa tadhana. Hindi ko na nagugustuhan 'yong mga pang-t-trip niya sa buhay ko. Pagod na akong umiyak at halos maubusan na ako ng tubig sa katawan.

'Yong totoo, may katapusan ba ang mga problema ko? O for lifetime na 'to?

When we finally finished writing down all our grievances on the lantern, hinawakan namin nang sabay 'yon using both of our hands.

"Breath in, breath out," said Dylan. "In a count of three, we both have to release this lantern, kasama ang mga sama ng loob na dala-dala natin. In that way, we could be able to start a new beginning."

Even though he wasn't able to see my face, I plastered a smile. I think this is the perfect time to free myself from all those things that keep pestering my life. Those grievances that stop me from being happy.

"Three." That's the cue, so I release the lantern from my hands.

The smile on my face suddenly vanished when someone placed a piece of cloth on my mouth --- the reason why I wasn't able to see Dylan's face once more --- before everything from my sight went black.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro