Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Nanatili lang akong walang imik at parang tuod na nakaupo sa isang bench katabi ang isang 'di katandaan na lalaki na nagpapakilalang siya raw ang papa ko.

Until now, hindi pa rin ma-process ng utak ko ang lahat. I'm still doubting every single word he uttered and thoughts revolving around my mind that he's just fooling me around.

"Alam kong hindi ka kaagad maniniwala sa akin, kaya nagdala ako nito," nang muli siyang magsalita, kaagad rin akong napalingon sa kaniya.

He's handing me a small picture --- it was my baby picture.

"Nakiusap ako sa mama mo na bigyan niya ako kahit litrato mo para naman kahit sa picture lang ay nakikita kita."

Maluha-luha kong pinagmasdan ang mukha niya. "W-Why?" I stuttered. "Why did you settle for less attraction in me, when in fact, you have the freedom na makasama ako kahit gaano katagal mo gusto?

Bakit pinili mong iwan kami ni Mama? Bakit hinayaan mo akong lumaki na walang ama?" At this moment, tears began falling down my eyes. Sa sobrang bigat ng kalooban ko ngayon, wala na akong nagawa kung 'di ang ilabas ang sama ng loob ko.

I didn't expect this to come --- meeting my long lost father.

"Hindi pwede---"

"Bakit hindi?" I cut his words. "Masama na ba ngayon na magpaka-tatay?"

"Magi, hindi kami pwede ng mama mo. Noong nakilala ko ang mama mo, kasal na ako at mayroon na akong anak sa asawa ko."

Does this mean we're his second family? Anak lang niya ako sa labas?

Nangangatog ang labi ko habang nagsasalita, "P-Pero bakit mo pa binuntis ang mama ko kung pamilyado ka na palang tao?!" Alam kong masama ang magtaas ng boses sa nakatatanda, but I couldn't control myself but to raise my voice at him.

"Lasing kaming parehas ng mama mo nang mangyari ang lahat. Hindi namin sinasadya na gawin 'yon at mabuo ka, Magi."

Naitakip ko ang dalawang palad sa aking bibig. This revelation brings massive weight inside my system. I couldn't take it any longer, so I cried tumultuously.

Isang kasalanan lang pala na ipinanganak ako sa mundo? Dapat pala wala ako ngayon sa mundong ito kung hindi nangyari ang kasalanan na 'yon.

Truly, I'm a black sheep in my family. Kaya siguro lahat ng mga mahal ko sa buhay ay iniwan ako --- kasi isang malaking pagkakamali na nabuhay ako sa mundo.

And this is the curse of the universe for me.

"Huwag mong iisipin na hindi ka namin ginusto na mabuhay. Blessing ka pa rin na maituturing, anak."

I shook my head. "You don't know how my life became miserable because of what you did. Sana hindi niyo na lang ako binuhay para sana hindi ako nahihirapan nang ganito, e!"

"That's why I'm here to make things right!"

"How?" tanong ko. "Everything meant to be a mistake. My existence in this world is a huge mistake. There's nothing you could do to make things right by just showing off yourself to me." Tiningnan ko siya nang masama. "After all, I don't even need a father to survive my everyday life.

Nabuhay ako nang mahigit dalawang dekada na walang ama, so better go back to your first family and please... stop pestering my life once again!"

Tatayo na sana ako para umalis na nang bigla siyang magsalita. "Desperado na ako ngayon kaya nilapitan kita, Magi. Makikiusap ako sa iyo na sana ay 'wag mo nang ituloy pa ang pagsampa ng kaso kay Trisha."

I glanced at him. "Bakit mo siya kilala? Are you related to her?"

"She's my daughter."

"No way!" naibulalas ko dala ng pagkabigla. "H-How come that bitch became your daughter?!"

"Ang totoo niyan, napanood ko 'yong video na ipinalabas noong gabi ng premiere night ng series sana ni Trisha. My wife, Sandra, killed your Mom, unintentionally."

"What else the video couldn't tell para lang paniwalaan mo na pinatay ng sinasabi mong asawa ang mama ko? Sinadya niya man 'yon o hindi, she still killed my mother!"

"But that was not her intention. Nabigla lang siya sa ginawa niya sa kagustuhan niyang mawala na kayo ng mama mo sa landas namin at hindi na kami guluhin pa ng mama mo," he explained. "At 'yong kay Trisha naman, nakikiusap ako na 'wag mo nang ituloy ang balak mo na sampahan siya ng kaso.

Kapatid mo siya, Magi. Sana naman makaramdam ka ng awa sa kapatid mo dahil sa sandaling makulong siya, mawawala sa kanya ang lahat."

I chortled before a smirk formed on my lips. "Who the hell are you to dictate what I should do? Sino ka para pakinggan ko? You might be my father, but you have never been a father to me all my life.

Ginusto mo lang pala na kausapin ako para pakiusapan na 'wag ko kasuhan ang demonyo mong anak.

Honestly, I'm expecting that you seek for me because you, all of a sudden, wanted to be a father to me. But yeah, ano pa nga ba ang dapat kong i-expect, e samantalang anak mo lang ako sa labas!"

"It's not like that---"

"Wala rin akong pakialam kung kapatid ko man ang Trisha na 'yon. That wouldn't an exemption para hindi ko siya sampahan ng kaso. Walang pami-pamilya sa batas, kaya kahit kadugo ko pa siya, e mananatiling buo ang desisyon ko na ipakulong siya at nang mapagbayaran niya ang ginawa niyang pagpatay sa lola ko!"

"Could you please have mercy on your sister---"

"How about me?!" Marahas kong pinunasan ang bumagsak na luha sa aking pisngi. "Hindi ba ako dapat kaawaan? Hindi ka ba naaawa sa akin? Anak mo rin naman ako at kung tutuusin, ako dapat ang mas kaawaan mo kasi wala na akong pamilya na masasandalan ngayon!

Ikaw itong nagkulang sa akin pero hanggang ngayon, mas importante pa rin ang unica hija mo kaysa sa akin na anak mo lang naman sa labas. Kung naaawa ka sa magiging buhay ni Trisha right after the law locked her on the prison, sana maawa ka rin sa akin kasi nang dahil lang naman sa anak mo, 'yong kaisa-isang pamilya na mayroon ako, e walang-awa niyang pinatay!"

Hindi ko na hinayaan pang makasagot siya dahil kaagad rin akong umalis sa lugar na 'yon at sumakay ng taxi. Ang bigat-bigat ng kalooban ko at parang hindi ako makahinga ng maayos. Naiiyak ako sa thought na mas p-in-rioritize niya pa ang anak niyang kriminal kaysa sa akin.

Although there's a 0% probability na pipiliin niya ang side ko, because of the thought na anak niya lang naman ako sa labas, umasa pa rin ako, e. Hindi ko i-d-deny na umasa ako na mangyayari 'yon, kaya nga ganitong nasasaktan ako.

I'm so disappointed in him, thinking that, of all people, why does it have to be him to be my father?

Hindi niya na nga ako kinumusta o binisita man lang sa halos dalawang dekada na nabuhay ako sa mundo, tapos ngayong nagpakita siya, gano'n pa ang ibubungad niya sa akin. What a clout!

Sa pagkakataon na 'to, bigla kong naisip na tama ang desisyon ng tadhana na hindi ko nakilala ang papa ko. Knowing what kind of personality he has, I'm truly grateful that I've been disconnected from such a person like him.

Right at this moment, I no longer see myself lacking just because my father wasn't on my side. I don't need him, isiksik niya ang sarili niya sa pamilya niyang marurumi at maiitim ang budhi.

---

I woke up early today and I don't even know why. Hindi naman ako nag-set ng alarm, it just that something got me wake up. Lumabas ako ng kwarto ko upang makapag-breakfast kasi mayamaya lang ay may mahalaga akong lakad na pupuntahan.

For my breakfast, I prepared oatmeal in a glass bowl and filled it with milk. I don't know how to cook kaya magtitiis na lang ako sa oatmeals tuwing umaga.

Kung bakit kasi hindi ako pinagkalooban ng talent sa pagluluto, e.

I was about to start eating when I heard the bell ring outside my unit. Without hesitation, I opened the door immediately.

"Why are you here?" I asked, amusingly.

"Delivery for Miss Serrano," aniya at niyakag ako papasok sa loob ng unit.

It's nice that he doesn't come here empty-handed. Sawang-sawa na rin kasi ako na oatmeals palagi ang inaalmusal ko. Tamad na tamad naman akong bumili or um-order online ng pagkain, although wala naman akong dapat ikatamad roon.

"How are you? It's been a while since we last talked," I asked as I sat down on the chair. "I heard that cancelled na ang series mo with Trisha."

Binuksan niya ang maliit na kahon na naglalaman ng pancake at iyon ay ibinigay sa akin, together with the hot coffee. I smiled as I accepted it, 'cause I appreciate how thoughtful he is.

"That's fine, Magi," sagot niya. "Hindi naman ako manghihinayang kung sakaling hindi na matuloy na ipalabas 'yon. After all, I can't stand myself watching my own series paired with someone like Trisha.

Rather I'd choose the series that won't air on Philippine TV and just go on a drawing board to start a new project." I can see on Eli's face how disgusted he is.

"Habambuhay ko sigurong pagsisisihan na naniwala at nagtiwala ako kay Trisha noon... kasi buong akala ko, siya 'yong taong hindi gagawa ng gano'ng klaseng bagay. Kaya ngayon, I'm starting to remove her from my life. Makikilala ako sa sarili kong pagsisikap... hindi ko na kailangan umasa pa sa kanya."

"Hindi pa naman huli para magsisi." I hummed softly. "But you can't fool me! I know how important that series is to you, Eli. That is your first project---"

"Whether it is my first or second project, I don't even care. Dati, importante sa akin ang project na 'yon, 'cause it is my first time na sumabak sa pag-arte. I can't deny the fact that it was a great experience filming the series." He looked at me then grinned. "Pero sa tingin ko, after everything what happened, hindi na dapat mapanood ng mga tao 'yon. I want them to stop idolizing a criminal, just like Trisha."

I nodded before starting to eat the pancake. "She's no longer deserving to be an actress, as well. The perfect thing she has to do is quit showbiz."

"Stop talking when your mouth is full," natatawa niyang sambit. Nagsasalita kasi ako kanina habang ngumunguya.

"I just can't stop myself complimenting her," sagot ko. "Thanks for the meal, huh? Kahit ngayong araw man lang ay nakaligtas ako sa oatmeal breakfast ko."

"Bakit kasi hindi ka mag-aral magluto?"

Umiling ako. "Even if I did, hindi rin naman ako matututo. Galit ang pagluluto sa akin, you know? And besides, tinatamad rin ako mag-take ng cooking class, e."

"Kung sabagay, hindi mo naman na need matuto kasi magaling namang magluto si Dylan. He'll be a perfect husband to you in the near future, Magi."

Eli made me stop eating by just mentioning the name of the person whom I longing for. Ang laki ng epekto sa akin ni Dylan, kahit mabanggit lang ang pangalan niya. I don't know, siguro ganito kalala ang pagka-miss ko sa kanya.

"Sorry," he said once again. "I didn't mean to plant sadness on your face, Magi. Hindi ko pala dapat binanggit si Dylan sa iyo. I'm sorry for being so insensitive."

"No," I said. "It's okay, Eli. Miss na miss ko lang kasi talaga siya kaya ako biglang nalungkot." I heave a sigh. "Right at this moment, I've come to think of something.

We never know the value of a person nor a moment until it becomes a memory. Those memories that turn out to be the most painful thing to forget."

Bigla na lang ay naramdaman ko ang kamay ni Eli sa balikat ko. Sinadya kong kagatin ang labi ko just to stop myself from crying.

"Even how much you love a person, 'wag mong hayaan na lamunin nito ang buo mong pagkatao, Magi. Kung hindi man bumalik si Dylan, then let him be.

Set your mindset to not care whom you lose anymore, as long as you don't lose yourself once again."

Indeed, he's right. It is definitely alright to lose everything, but not to lose myself. This time, I won't let myself commit the same mistake I've made before.

"Stop it," I whispered. "Stop making me cry, pagod na akong umiyak!"

Nabigla ako sa biglang ginawa ni Eli. Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Gusto kong kumawala pero parang nawalan ako ng lakas na itulak siya papalayo sa akin.

"Trust the process, Magi. We never know, baka bumalik na siya, 'di ba? Hayaan muna natin siyang lumayo at makapag-isip-isip. May tiwala naman ako sa kaibigan kong 'yon, and I'm a hundred percent sure he'll come back.

If he fails to do that, I think it's time to set him free."

Ngumiti ako even though I'm aware he wouldn't be able to see me smile. That's my sign of agreeing with what he said. I believe that God has perfect timing for everything.

"Hush now and groom yourself. Nandito ako to pick you up."

"W-What?"

"It was Julia's day of confessing everything she knows about the crime, wasn't it?"

Napatango ako. "Ahhh, yeah. Pero hindi ba delikado para sa iyo na sumama ka pa?"

"Interrogation room ang pupuntahan natin, hindi public place. You don't have to worry about me, love---"

"Say that once again, I'm gonna punch you!" I shouted before leaving the dining area. Rinig ko pa ang mapang-asar niyang pagtawa bago ako tuluyang makaalis.

I find it so cute na ginagawa niya na lang pang-asar sa akin 'yong dating endearment namin. Seems the affection he had for me had completely vanished. Dapat lang talaga dahil I don't want him to live a miserable life just because he's still stuck on the past memories we've shared before.

Right after grooming myself, kaagad akong lumabas ng kwarto. Naabutan kong abala sa phone niya si Eli while he's smiling from ear-to-ear. Nagsuspetsya ko kung bakit gano'n kalawak ang ngiti niya kaya sinilip ko iyon --- damn, he's just watching random funny videos on facebook lang pala.

"Wala akong ka-chat, Magi. Alam mo namang ikaw lang."

Nakatingala siya sa akin habang ako ay nakatayo sa likuran niya. He even winked at me at dahil nainis ako sa ginawa niya, tinampal ko siya nang mahina sa pisngi.

Iniwan ko na siya roon at nauna na akong lumabas sa unit ko. Papindot na ko ng button sa elevator nang bigla niyang unahan ang daliri ko.

"Lalaki raw ang dapat pumindot sa elevator sabi ng mga matatanda."

Napailing ako. "Since when did you start being a gentleman, huh?"

"And since when did you start talking like that? You're being rude to me, don't you?" nangunguso nitong reklamo.

Napailing na lang ako sa kaniya at palihim na natawa. I knew his fans would love him more once they were able to see this side of him. He's a li'l bit childish but accurate in the way he acts.

Kung baga, balanse lang.

Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe namin bago kami nakarating sa lugar. We headed on the technical room kung saan naabutan namin si Delancy roon kasama ang isang lalaki. Mukhang isa siya sa mga nangangasiwa sa room na ito.

Joining them to look on the monitor, doon namin nakita si Julia na nasa interrogation room habang kausap siya ng isang lawyer. Mula rito ay rinig namin ang conversation nilang dalawa.

"Noong gabing na 'yon, nakipagkita sa akin si Trisha sa isang bar at doon kami nag-usap. May pinainom siya sa akin, feeling ko may halo, kaya bigla na lang akong nahilo at nakatulog. Paggising ko, hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay nina Magi.

Doon na nga naganap ang krimen. Masyadong matindi ang epekto sa akin ng pinainom ni Trisha. Nang makita ko ang lola ni Magi na paakyat ng hagdan, hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang dumilim ang paningin ko at naitulak ko siya kaya siya gumulong pababa ng hagdanan."

Narinig ko na ang paliwanag niya pero hindi ko pa rin maiwasang maluha upon hearing her statement once again. For the nth time, my heart is pounding because of the strikes of words Julia has been tossed.

"Pero bakit hindi mo kaagad inamin kay Magi ang krimen na ginawa mo? Bakit pinatagal mo pa bago mo inamin ang lahat?"

"Dahil matapos ang insidente, nawalan ako ng malay. Paggising ko, nasa bahay na ako at wala akong matandaan sa mga pangyayari. Isang araw ay nagising ako dahil sa napanaginipan ko, at doon ko nasimulang maalala ang lahat.

Aminado akong hindi ko kaagad sinabi kay Magi dahil natatakot akong magalit siya sa akin at kalimutan niya na lang ako bilang kaibigan niya. Napaamin lang ako sa kaniya noong araw na nahuli niya ako dahil tinangka kong sunugin ang simcard kung saan 'yon ang number na ginamit ko para makipag-usap kay Trisha bago ang insidente."

"May iba ka pa bang gustong sabihin? Ano-anong mga ebidensya ang hawak mo na magdidiin kay Trisha na kasabwat mo siya sa krimen?"

"Na-record ko ang usapan namin noong nasa bar kami," she said. "Masama kasi ang kutob ko kung bakit siya nakikipagkita, kaya naisipan ko na bago ako pumasok ng bar, ini-start ko na ang pag-r-record."

"That will be a great help in this case, Julia. Thank you for your cooperation."

At doon na natapos ang interrogation kay Julia. The officers have told us na hangga't hindi napapatunayang guilty si Trisha sa krimen, they won't catch Julia. Tiyaka kusang-loob namang isusuko ni Julia ang sarili niya sa mga pulis --- right after we make sure hindi lang siya ang makukulong.

Nang magkita-kita kami sa lobby, agad kong sinalubong ng mahigpit na yakap si Julia. "Thank you."

"Kulang pa 'yon bilang kabayaran sa ginawa ko, Magi. Hintayin mong makulong ako nang tuluyan, tiyaka ko tatanggapin 'yang thank you mo."

"Choosy, huh?" natatawang pagpansin pa rito ni Delancy.

"If ever you're not aware," sambit naman ni Eli tiyaka bahagyang ibinaba ang shades. Nakatingin siya ngayon kay Julia at bahagyang ngumiti. "You did a great job of being honest, Julia. We're beyond proud of what you did."

Julia remained silent ngunit hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pamumula ng pisngi niya. "Bakit ka nag-b-blush?" natatawa kong tanong habang palabas kami.

"H-Hoy, hindi ah!"

"Bakit naman hindi siya mag-b-blush? E 'di ba nga, DATI niya raw crush si Eli," sabat ni Delancy.

"Sus, mukhang hanggang ngayon---"

"Kayong dalawa, hindi kayo sasama sa amin, huh? Hindi kayo invited sa party ni Bea!" Julia shouted out of frustration.

"You should've told me kung gusto mo akong makasama, privately. Maluwag naman ang sched ko ngayong week. Pwedeng-pwede tayo lumabas," dumagdag pa talaga si Eli sa pang-aasar kay Julia. Laughtrip tuloy 'yong mukha ni Julia ngayon.

"Alam niyo, mag-c-commute na lang ako. Nakakabwisit kayong kasabay! Kita-kita na lang sa bahay ni Tita." Tinotoo nga niya ang sinabi as she took a cab.

"Sinakyan mo pa kasi kami, Eli!" sambit ni Delancy. "Tara na nga! Baka magalit 'yon 'pag late tayong dumating doon."

---

A greenish garden was surrounded by distinct colors of balloons everywhere. Flowers displayed in the garden add winsomeness to the venue. There's a not-so-large stage in the middle of the garden. However, may mga materials doon sa stage belongs to the clown na magsisilbing entertainment for the kids.

Kung sabagay, a children's party wouldn't be complete without having a clown.

"Nagsayang lang ng pera ang ante mo, Julia. Nandito naman ako, kayang-kaya ko namang patawanin ang mga bisita niyo. Libre pa kung ako ang kinuha niyo." Habang kumakain ay biglang binasag ni Harris ang katahimikan.

Nagbubuhat na naman siya ng bangko.

"Ayaw ni Ante ng comedian na corny naman ang mga jokes," pabalang na sagot ni Julia.

"Corny kasi talaga, bro. Tanggapin mo na lang, fleece," Israel said.

"Ang kakapal ng mukha niyo. Lumayas nga kayo sa party ko---"

"Katapat lang kita, Harris. Gusto mong ibuhos ko sa iyo 'to?" Alec asked while handing the glass of juice.

"Wala ka kasing bebe, Harris. Kaya 'di mo magawang manahimik kagaya ni Warren habang kumakain," Yuwi said.

Sabay-sabay kaming napatingin kina Warren at Delancy. May sariling mundo na naman silang binubuo. Ang sweet nila, hindi ko maiwasang mainggit tuloy.

"Masyado na silang sweet sa isa't isa, itumba niyo na," Eli said, laughingly.

"Bakit lasang ampalaya, Eli?" panunukso naman ni Israel. Ako na nananahimik dito na kumakain ay biglang na-conscious dahil sa tingin ni Israel.

"I don't like the way you're looking at me," I mumbled... still ignoring their presence.

"Masama bang manghinayang kami sa inyong dalawa?" si Yuwi naman ang nagsalita.

"Stop pushing them with each other. May chemistry man sila sa paningin niyo, but when their relationship ended, respect their decision.

Nakakapanghinayang, but let's not push them together. I believe there's a much beguiling plan that the Lord prepared for the," Alec said while he's giving me a winsome smile.

I smiled back. "May mga bagay talaga na ayaw nating magtapos, pero sa kagustuhan ng tadhana, ay natapos. Malay natin, the unexpected ending will be a good sign for a new beginning."

"Ang lalim ng hugot mo, Magi. Saan mo hinukay 'yan?"

I chortled. "Sa lugar kung saan nagmula si Trisha." I stood up from my seat before I excused myself.

Nalalagkitan kasi ako sa kamay ko dahil sa pagkakahawak ko sa buttered chicken wings. I've decided to look for a comfort room here. Ngunit imbes na sa comfort room ang maging diretsyo ko, bigla kong napatingin sa gate.

There's something mysterious out there... Lumabas ako upang i-check kung tama ba ako, pero wala naman akong tao na nakita sa labas. Naglakad-lakad ako upang siguraduhin na wala ngang tao---

"Hmm!" Pagpupumiglas ko nang may lalaking nagtakip sa bibig ko. Using my peripheral vision, nakita kong may dalawang tao pa siyang kasama.

"Sshh, 'wag kang maingay. Trabaho lang, miss," rinig kong bulong nito bago ko nakita sa gilid ko na naglabas siya ng isang patalim.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko upon seeing the weapon he was holding. Sa higpit ng hawak nito sa akin, idagdag pa na may kasama siya, it'll hard for me to escape.

I was in the midst of praying na sana may magligtas sa akin, when suddenly, naramdaman ko ang pagtilapon ng patalim sa kalsada at ang pagluwag ng pagkakahawak sa akin ng lalaki. Mabilis akong tumakbo at pinanood ang eksena.

That guy who saved my life groomed like the group of individuals na muntikan na akong patayin. Itim na itim ang suot nito, pati ang mukha ay natatakluban. Pinanood ko lang kung paano niya gulpihin ang tatlo bago ang mga ito mismo ang tumakbo papalayo sa lugar.

"Wait!" Pagpigil ko roon sa lalaki nang akmang aalis na siya.

He remained at his position, so I walked towards him. I'm fully aware that this is not a hallucination, or rather not a fantasy. The guy who saved me from being raped back when I was on the bar, tapos 'yong lalaki na nagligtas sa akin noong gabing muntik na akong masagasaan...

Ideas were starting to formulate in my mind. Nang makalapit ako sa kanya, agad akong nagtungo sa harapan niya. "Who are you?"

"Walang dahilan para alamin mo pa kung sino ako---"

I didn't let him finish his words as I unmasked the cover on his face. After I completely removed the cloth covering his face, his identity was revealed.

"D-Dylan?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro