Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

"Regarding the news that was spread yesterday night, it was all fake. There is someone who wants to ruin my image and it's not new in this industry.

To all my supporters, have faith in me. I promised I will make things right and seek the person responsible for spreading fake news."

Umagang-umaga ay ang public statement ni Trisha ang bumungad sa amin. As expected, she's gonna say it was just fake news para sirain ang pangalan niya, just to protect her reputation.

What a lame excuse she has.

"Hindi pa rin pala talaga sapat 'yon para lang sumuko siya, 'no?" Delancy said, she's sitting next to me habang si Julia ay nasa kama niya pa rin at nagpapagaling.

"Wala sa itsura niya na magpapahuli siya nang buhay," si Julia naman ang nagsalita. "Kung sabagay, matunog na ang pangalan ni Trisha sa mundo ng showbiz kaya't sure ako na gagawa siya ng paraan para linisin ang nadumihan niyang pangalan."

"At 'yon ang hindi natin hahayaang mangyari," sambit ko. "Siya mismo ang naglagay ng dumi sa pangalan niya. We're just helping her to put herself in the place she deserved to be."

Ang bawat kasalanan ay dapat pagbayaran. Maimpluwensya man siyang tao o mayaman, sisiguraduhin kong hindi siya makaliligtas sa batas. Sabi nga nila, ang buhay ay parang tatsulok. Ang mga taong mayayaman at maimpluwensya ang palaging nasa tuktok.

But this is an exemption. This time, I will make sure na hindi sasantuhin ng batas ang mga kagaya niya.

"Dapat lang talaga sa kaniya 'yon. Muntik niya nang masira ang friendship nating tatlo dahil ginamit niya si Julia sa kagagahan niya." Nanatili lamang nakatuon ang paningin ko sa TV habang pinapakinggan si Delancy. "Sapat na dahilan na 'yon para makulong siya. Tutal plano niya naman ang lahat, kahit na ba hindi siya ang pumatay."

"I was thinking about that," I said. "Posible naman siyang makulong kasi siya ang mastermind ng pagpatay sa lola ko, right?"

"Bakit naman hindi, Magi? Siya ang ulo ng krimen na 'to. Ginamit niya lang ako para dumihan ang kamay ko, pero siya ang may pakana ng lahat!"

"Easy ka lang," sabi ko dahil mukhang manunugod na siya dahil sa mabigat niyang pagpadiyak. "I was just asking a question, you don't have to be like that. Maawa ka sa kama na hinihigaan mo, please?"

"Talaga ba, Magi? Nagawa mo pang mang-asar sa lagay na 'yan? Gusto mo yatang pumalit sa akin dito, e."

"Umaandar na naman pagka-immature niyong dalawa---"

"Wow!" sabay na sambit namin ni Julia at kulang na lang ay itaas namin ang parehong kamay dahil sa sinabi ni Delancy.

"Hoy, hindi na ko immature, 'no! Alam niyo ba nang makilala ko si Warren, nagsimula na kong kontrolin ang pagka-immature ko."

I chuckled. "So, hindi pala talaga magiging mature si Julia dahil wala siyang 'Warren' na kagaya mo?"

"In short, walang lalaki ang makakapagpabago sa kanya." With that, we laughed in chorus.

Julia is the type of person who takes relationships as just a recreation. Kung baga, there's nothing she should take seriously unless she's at her right age to be committed in a relationship.

"Hiyang-hiya naman ako sa inyo, 'no? Talagang harap-harapan niyo akong nilalait at pinagtatawanan?" As what I'm expecting, nagsimula na nga siyang tarayan kami.

"We're not teasing you." I giggled once again. "Telling the truth will never be a joke."

"Alam ko naman 'yon," she said. "Minsan nga, naaawa na rin ako sa sarili ko. Bakit ako ganito? Bakit walang lalaki ang nag-s-stay sa buhay ko? Samantalang kayo, nasa tamang tao na."

"Hindi mo kasi sineseryoso ang pakikipagrelasyon, Julia. Para sa iyo, laro lang ang pinasok mo," Delancy uttered. "Kaya 'wag ka nang magtanong kung walang lalaki ang nag-s-stay sa iyo, dahil ikaw mismo... hindi mo sila sineseryoso."

"Legit," I second the motion. "Hindi mo lang alam, but I kept seeing you flirting with a guy, one at a time. Mapa-internet or personal, you aren't making any changes but to flirt with them. Just so you know, hindi relasyon ang pakikipaglandian."

"Bakit ba hina-hot seat niyo ako?" she complained. "Hindi pa kasi ako ready na mag-commit kaya ganito ang buhay ko. Naniniwala akong darating ang oras para seryosohin ko ang buhay, but this is not the right time." She rolled her eyes before looking at my behavior. "Ikaw, kumusta ka naman?"

"What do you mean by that?" maguguluhan kong tanong. Feeling ko kasi ay may ibang meaning ang tanong niya na 'yon.

"Come on, Magi. Kaibigan mo kami at sigurado kaming sad girl ka ngayon."

"Ang daming unos ang dumaan sa buhay mo at alam naming isang tao lang ang naging sandalan mo during that time. Ngayong wala siya sa tabi mo, how are you?" si Delancy naman ang nagtanong.

I let out a heavy sigh before starting to talk. "Down na down ako these past few days, honestly. But I didn't let any of you know that my bubbles were slowly bursted. Ayoko na kayong isali pa sa problema ko, 'cause I'm fully aware all of you have your own business."

Alam kong kaibigan ko sila pero sa tingin ko, hindi sa lahat ng problema na kinahaharap ko ay dapat silang ma-involve.

I passed the moment alone while everyone thought I was doing fine. Truly, it was one of the selfish decisions I've made so far.

"You're not a great pretender, aren't you?" Delancy mumbled. "Kasi kahit hindi mo sa amin sabihin, alam namin na hindi ka okay. Syempre matagal na nating kilala ang isa't isa kaya aware kami na nalulunod ka na sa kalungkutan.

But here we was, wala kaming magawa para sa iyo kasi ikaw mismo 'tong ayaw tumanggap ng comfort mula sa amin. Ayaw mo kaming ma-involve sa problema mo kaya sinasarili mo lang. Magi, 'wag ka naman sanang madamot sa sarili mo."

"Okay nga lang sa amin ni Delancy na pakialaman mo ang buhay naming dalawa, pero bakit kami... hindi allowed na damayan ka sa problema mo? Kailangan pa ba namin ng lisensya para lang payagan mo kami, Magi?"

"Hindi gano'n---"

"Ano'ng problema? Ayaw mo bang kaawaan ka namin dahil sa sitwasyon mo ngayon? Ganiyan na ba talaga kataas ang pride mo?"

"Kasi nakasanayan kong si Dylan lagi ang kasama ko!" Nagsimula ng manggilid ang luha sa mga mata ko. "Was it weird if he's the only person who I should allow to give me comforts? Although kaibigan ko kayong dalawa, but there's these sentiments I treasured towards him.

He's the only person that my whole being kept seeking for --- kasi nasanay ako na siya lang ang nakikinig sa mga ka-drama-han ko sa buhay, e."

But because he's nowhere to found, kanino na ako maglalabas ng sama ng loob?

This is what I hate among people nowadays. After they've finished giving solace to someone who needed it, parang bula na lang silang mawawala.

"Maybe I'm too complicated for anyone to stay." I fake a laugh. "People who I most treasured were always leaving me alone. Who knows? Maybe this is my fate --- I was born to be a human on an island."

"Itigil niyo na nga 'yan! Baka tumagal pa ako lalo rito kung ganiyang pinaiiyak niyo ako, e!"

"Sinimulan niyo kasi!" I shouted while shedding tears. "Napaiyak tuloy ako nang 'di oras dahil sa inyo!"

"Kasi miss mo," nang dahil sa sinabi ni Delancy, napalingon ako sa kaniya. "Huwag ka nang masyadong malungkot, Magi. Darating ang araw na magkikita kayong muli. At sana sa pagdating ng araw na 'yon, makita ka na naming masaya."

I forced a smile at piniling 'wag na lang magsalita. Hindi rin nagtagal ay umalis na ako sa ospital upang umuwi at makapagpahinga na sa condo ko. Napuyat din kasi ako dahil sa pasabog na ginawa namin kagabi. Siguro may tatlong oras lang ang naging tulog ko kaya gusto ko itong dagdagan.

While sauntering off the hospital, I found it weird when suddenly, a black butterfly approached my face. Ang weird kasi bakit may itim na butterfly rito sa loob ng ospital?

"Nako hija, hindi mo ba alam ang pamanhiin ng mga matatanda tungkol sa mga itim na paru-paro?" I was close to being shocked when a senior doctor talked behind my back.

"P-Po?"

He smiled at me. "Kapag daw nakakita ka ng itim na paru-paro, ipinapaalala lang ng mahal mo sa buhay na pumanaw na may mahalaga kang okasyon na nalimutan." After saying those words, he left immediately.

"Mahalagang okasyon na nakalimutan ko---" Natigil ako sa pagsasalita nang may bigla akong naalala.

This day, 14th of August, is my mother's death anniversary and my grandmother's birthday.

Nang dahil siguro occupied ang utak ko because of Trisha ay nawala na sa isip ko na may importanteng okasyon akong nakalimutan.

My beloved mother and grandmother in heaven, please forgive me for not realizing this day is a special yet melancholic occasion.

Instead of heading to my condo unit, sa sementeryo ang naging destinasyon ko. Dala ang mga basket ng bulaklak at kandila na binili ko kanina, naglakad ako hanggang sa makarating ako sa sacred place kung saan sila naroon.

Marahan kong ibinaba ang dalawang basket ng bulaklak habang ang dalawang kandila ay akin nang sinindihan.

"People tend to celebrate the death anniversary of their loved ones, but I think there's nothing to celebrate about that. Maybe the perfect word to conform is reminiscing the date of when did you, my Mom, succumb?" I smiled bitterly.

"Ayoko nang ulit-ulitin pa na alalahanin ang araw ng pagkamatay mo, pero I want to give respect on this day, so I came here." Sunod kong tiningnan ay ang masayang larawan ng aking lola. "Pasensya na po, Lola, kung wala akong cake na dala. Sa sobrang pagmamadali ko na makarating dito, bulaklak at kandila lang ang nabitbit ng kamay ko. Bawi po ako next time, okay?"

For the nth time, nanggilid na namang muli ang mga luha ko. This is because I was dying hard to see them again. Miss na miss ko na sila and if ever possible lang na makapunta akong langit for at least an hour, wala akong ibang gagawin kung hindi ang yakapin sila nang mahigpit.

Ganoon ko sila ka-miss, lalong-lalo na ang mama ko which I failed to experience the warmth of her hugs.

Agad ko ring pinahid ang luha ko bago umayos ng tayo. "Next time na bibisita ko rito, I promised I will never ever cry again."

My grievances and longing for my loved ones will always be a part of my life. Something that I couldn't detach out of myself and couldn't escape wherever I go.

There's only one thing I should do, and that is to accept how my life became tragic like this.

---

8 in the morning, I just arrived at the hospital upang dalhan ng breakfast si Julia. Nakausap ko si Delancy over the phone and she's asking me if pwede raw bang ako na lang ang magdala kay Julia ng breakfast na iniuutos sa kanya ni Tita Ellen. Wala naman akong dahilan para tumanggi, so I accepted it.

While on my way to her room, I suddenly bumped onto a nurse. "Sorry---"

"Sorry po!" the nurse said bago siya nagmamadaling naglakad sa akin papalayo.

"Ang weird naman niya? Most of the nurse here do not wear a face mask and a face shield, pero bakit siya---"

Kaagad akong nagtatakbo papunta sa room ni Julia dahil masama ang kutob ko sa nurse na 'yon. Nang makarating, naabutan ko si Julia na may hawak na baso at akmang iinumin 'yon nang agawain ko 'yon sa kaniya.

"Gusto mo rin ba ng energy drink?" she asked.

"So, sinabi ng nurse na 'yon na energy drink ito?" I asked as I looked at the glass of plain water. "Masama ang kutob ko sa nurse na 'yon. Sa pormahan niya pa lang, mukhang hindi talaga siya nurse dito!

Why do you trust people so easily? Paano kung kasabwat ni Trisha ang nurse na 'yon at itong akala mong energy drink ay lason pala para tuluyan ka nang mamatay, huh?!"

"Akala ko kasi energy drink talaga---"

"Be an observant next time, Julia. Lalo na sa sitwasyon ngayon, hindi malabong pagtangkaan ni Trisha ang buhay mo."

She nodded her head. "Mag-iingat na talaga ako sa susunod, Magi." After saying that, she heaved a sigh before leaning her back on the headboard. "Pansamantala akong naging bobo, kakagising ko lang kasi. Sensya na, huh? 'Wag na init ulo!"

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Julianna, mukha ba akong nakikipagbiruan sa iyo?"

"Hey! Wala namang tawagan sa totoong pangalan, Margaret!" At humagalpak siya ng tawa. "Grabe, hindi ako sanay na magtawagan tayo sa real name natin. Iba sa pandinig, as in."

"Kumain ka na lang kaysa kung ano-ano ang iniisip mo riyan." Naupo ako sa silya na nasa gilid ng kama niya. "Wala pa rin ba talaga kayong balita kay Dylan?"

Naudlot ang pagsubo niya sa pagkain dahil sa itinanong ko. "Kung mayroon lang, Magi, baka ikaw ang una kong sinabihan."

"Why took him so long to come back?"

"Aba ano'ng malay ko? Kahit naman kapatid ko siya, e wala rin akong natatanggap na tawag from him. Kahit ano'ng way of communication, wala talaga."

Nanahimik na lang ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin ng pagka-miss ko kay Dylan. Kung kailan namang sigurado na ako sa feelings ko for him, tiyaka niya pa ako iiwan.

Suddenly, I placed my hand on the pendant of the necklace that he gave to me. Ito 'yong pendant na hanggang ngayon ay hindi ko alam ang kahulugan. Malalaman ko lang kapag bumalik na siya --- pero babalik pa ba siya?

"Tigilan mo na ang pag-o-overthink, Magi. Hindi nakakaganda 'yan, okay?" Inagaw ni Julia ang atensyon ko. "If you keep yourself overthinking so much, para mo na ring tino-torture ang sarili mo. And worst, overthinking doesn't allow you to sleep at night. Gusto mo bang mangyari sa iyo 'yon?"

"Hindi ko mapigilan," sambit ko.

"That's because wala kang ginagawa para pigilan ang sarili mo," mariin niyang sagot. "Imagine, paano tatakbo ang gulong ng bisikleta kung hindi ka magpipidal? Gano'n din sa buhay, Magi. Walang magiging progress ang buhay mo kung wala kang gagawin."

"Woah, I'm quite amazed with you. Nagiging malaman na ang mga sinasabi mo, huh?"

"Experience taught me," she laughingly said. "Pero seryoso, iwasan mo ang pag-o-overthink. Hindi 'yan healthy, sinasabi ko sa iyo. Ipahinga mo rin ang utak mo sa pag-iisip, kasi parang tao lang 'yan --- napapagod rin."

Natatawa akong tumango-tango sa kanya kahit na wala naman akong dapat ikatawa. "I can't promise na magagawa ko 'yan, but I'll try." I smiled. "Syempre minsan hindi talaga maiiwasan dala ng pagka-miss sa isang tao na sobrang halaga sa iyo.

Hindi naman sa sinisisi kita kung bakit lumayo si Dylan, pero kasi nakakalungkot lang isipin na dahil lang doon, pinili niyang lumayo sa akin. I can't imagine how hard it is for him na layuan ako despite the feelings he has for me."

"Kasalanan ko naman talaga, Magi. Siguro kung hindi nangyari ang tapos ng mangyari, kasama mo pa rin siguro siya ngayon, 'di ba? Pero dahil padalos-dalos ako at nagpauto sa isang demonyo, ikaw tuloy ang sumalo lahat ng mabibigat na bato mula sa malupit na tadhana." She moved closer to me and held my hand. "Patawarin mo ako sa lahat, Magi. Hindi ko gustong mag-suffer ka nang ganito, at mas lalong hindi ko gusto na mangyari 'to sa relasyon mo sa kapatid ko.

Maniwala ka man sa akin o hindi, pero botong-boto ako sa iyo for Dylan. Malamang, kaibigan kita at matagal na kitang kilala. Alam ko lahat ng tungkol sa iyo: gamit mong pabango, brand ng sapatos mo o kung ano'ng size ng boobs mo.

Sabi nga nila, kung ipagkakatiwala mo na lang din ang kapatid mo, doon na sa taong nakilala mo na nang matagal para sure kang mababatukan mo sila once na saktan nila ang kapatid mo."

"Bwiset ka!" natatawa kong sambit. Paano ba naman kasi, binanggit niya pa na alam niya kung ano'ng size ng boobs ko. That's quite embarrassing! "But seriously, I'm extending my gratitude to you kasi nalaman kong boto ka sa akin for Dylan.

Sa kabila ng pinagdaanan kong relasyon kay Eli, and I do even know I've hurt you kasi sinayang ko 'yong pagpaparaya mo sa kaniya for me, still, you accepted me for your brother. Akala ko nga magiging against ka sa akin because of the thought that like Eli, sasaktan ko lang din si Dylan."

"Hindi naman makitid ang utak ko para hindi ka intindihin, Magi. Isipin mo nga, kung hindi nangyari sa inyo ni Eli 'to at hindi ginulo ni Trisha ang relasyon niyong dalawa, edi hanggang ngayon nasa maling tao ka pa rin.

No offense meant at not Eli hater here, pero kasi kung ikukumpara ko siya kay Dylan, my brother is a lot better and deserving for you than Eli. Tiyaka isa pa, dapat thankful ka na nangyari 'yon dahil ang pangyayari pala na 'yon ang magiging tulay para magkita kayo ulit ng first love mo."

A smile suddenly formed on my lips. "I can't control myself but to smile while reminiscing about those days na kasama ko pa si Dylan noon.

Just how fast the night changes. Parang kahapon ang saya-saya ko pa, tapos biglang nangyari ito, 'no?" I faked a laugh. "But things went clear just now, Julia."

"Huh?"

"If ever I had two hearts, I would fall for him twice," I mumbled. "As I entered the new page of my life, I've realized my love for Dylan became stronger. Wala ng dahilan para i-deny ko pa sa sarili ko na mahal ko siya, because even before Eli came into my life, I already love Dylan."

Might be the moments I've shared with Eli are remarkable memories that I surely will treasure forever. Eli is my beautiful experience who taught me to love myself as he kept ignoring my presence back then just because he's dying hard to become a celebrity.

While Dylan edified me how important self-love is. On my mournful days, he was always by my side and reminding me that self-love should come first before loving someone.

What a surprise because from being a nobody on Eli's arms while comparing myself to Trisha as a celebrity, now I'm already on Dylan's arms to start loving myself furthermore.

It wasn't a huge improvement para sa iba, but for me, it was a pleasure that I've developed my character.

"Alright, thank you!" Nang makapagbayad sa counter ng hospital bill, kasabay rin noon ay ang makita ko si Israel na nakaalalay ito kay Julia habang si Yuwi naman ay bitbit ang mga gamit.

"Tuwang-tuwa 'yan kasi malaya na raw siya," sambit ni Yuwi. "Pero ako, hindi ako natutuwa. Sapilitan na nga akong pinasama ni Israel dito, ginawa niyo pa akong taga-bitbit ng gamit."

"Let me help you," natatawa kong sabi at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang bag.

"Kaarte mo naman! Hanggang labas lang naman ng ospital mo 'yan bibitbitin!" Israel complained.

"Napakatamad mo talaga, Yuwi!" sambit naman ni Julia.

"Tutal masipag naman kayong dalawa, edi sana nag tag-isang bitbit na rin kayo ng bag, 'no?"

Pinalakad ko na lang papalabas si Yuwi nang matigil na sila. Nakakahiya kasi, talagang dito pa sila nagsasagutan ng gano'n, e.

Nang makalabas, dumating din kaagad ang susundo kay Julia at ito'y inalalayan ni Israel papasok ng kotse at 'yong mga bag ay naisakay na rin sa loob. Naiwan kami ni Yuwi rito habang si Israel na ang sumama kay Julia upang ihatid ito sa bahay nila.

"Uuwi na ako, Magi. Ingat ka pauwi, huh?" Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot. Hindi na kami nagsabay dahil hiwalay ang daan namin pauwi, e.

Uuwi na ba ako sa condo ko?

I heaved a sigh. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang mag-stay sa condo ko ngayon. Honestly, I'm planning to leave and go back to our house. Pero naaalala ko naman si Lola tuwing nandoon ako.

Gosh. This is the problem with getting attached to someone. When they leave, you just feel lost. And I felt I'm getting lost on the path that I used to go through before.

Naliligaw ako sa sarili kong daan.

"Stop overthinking, Magi!" I said while shaking my head.

I was about to step off the ground when suddenly, someone grabbed my hand. I took a look at who it was --- he's a not-so-old man. He's looking at me seriously which made me confused.

"Who are you, Sir? Why are you suddenly approaching me?" I politely asked.

He grinned at me. "Sa tagal ng panahon, sa wakas ay nakita na ulit kita."

My forehead creased. "P-Po?"

"Magi, anak ko." Without letting me speak, he immediately wrapped my body.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro