Chapter 29
Imbes na bumalik sa classroom ay sa kubo ako dumiretsyo. Naupo ako roon at tahimik na umiyak.
Natatakot akong may mawala na naman dahil sa kagustuhan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng lola ko.
All along, I knew that everything was planned by Trisha. Naging complicated ang buhay ko right after Eli made a way for me to meet that bitch.
'And horrible events in my life started to happen.'
She planned the assassination, but she was not the person who killed my grandmother. Wala akong sapat na ebidensya para ipakulong si Trisha, unless malaman ko kung sino ang kasama niya sa plano. As she said, it's either Dylan or Eli who is the culprit.
But what scared me the most is that I have only three days para alamin kung sino ang taong 'yon. I already have a clue and some evidence, but it was not enough to uncover the truth.
After all, they are part of my life. Whoever the culprit was, I never pledge God to punish that person to die as well.
Hindi ko kayang mawalan na naman ng importanteng tao sa buhay ko. Gusto ko lang ay ang makulong ang taong 'yon, hindi ang patayin siya.
"Kailangan kong makilala ang killer ng lola ko as soon as possible. Hindi ko hahayaan na may isang tao na naman ang magbuwis ng buhay."
Siya rin ang may hawak ng sapat na ebidensya para makulong ang demonyong Trisha na 'yon. Hindi ko hahayaang mabuhay siya nang malaya after everything she have done to me.
"Pumupunta ka pa rin pala rito." Mabilis kong pinahid ang luha sa pisngi nang may biglang magsalita sa likod ko. "Aren't you torturing yourself if you keep going in a place where all of our good memories have been made?"
Napayuko ako at bahagyang ngumiti. "Hindi naman ako manhid para hindi masaktan everytime my mind was recalling our good memories together in this place. Of course, it hurts. But I guess, it's part of moving on."
And besides, kahit ano'ng gawin ko ay hindi ko maiiwasan ang lugar na 'to. Unless our campus directress gets rid of this nipa hut.
"I know that our relationship has come to an end, and we've made a proper closure para naman makapag move on na tayo sa isa't isa." He began to talk while I'm still having a battle of stares at the green grasses on the soil. "But you know what? Nakakapanghinayang that our relationship has a bitter-sweet ending.
After a year of being together, we'll just have an epilogue like this. Kasalanan ko naman kung bakit tayo umabot sa ganitong punto so, setting you free is the best decision I've made, so far.
All I want for you is that you find a guy who completely lends his life and love to you. All the promises I pledged to you before, I hope that guy fulfills that."
Sunod-sunod na butil ng luha ang pumatak sa mga mata ko bago ko siya tiningnan. "Likewise, Eli." I forced a smile. "Mahanap mo rin sana 'yong babaeng deserve ang pagmamahal mo.
You are a nice guy, but I believe we were not destined to be together. That's why our relationship didn't work out."
"Yeah." He placed his palm on my cheeks and gently wiped my tears away. "Just always remember that I am still by your side... as a friend. I won't ever leave you, because those who left aren't real."
'Those who left aren't real.'
I get his point as I dig deeper. Couple of people come to our life unexpectedly. They bring happiness in our life but only in a short period of time, before they turn their back at us.
I came to realize that we don't need a bunch of friends para lang masabing masaya ka or memorable ang adulthood memories mo. We don't need a lot of friends because the world is surrounded by fake people. Be thankful if you have a friend, or two.
Despite belonging to a small group of friends, be thankful because the less friends you have, the lesser toxicity you can get.
I watch him walking away from me right after he bids goodbye. Dumaan lang daw siya rito sa campus to submit some important papers and afterwards, babalik na ulit siya sa SGN building.
Balita ko nga, doon na siya halos naglalagi. Malaki ang building ng SGN and it was like a five-star hotel in which some of their artists are able to stay there if they want to.
In Eli's case, he chose to stay there for the meantime while his mother understood it naman.
"Right eyes will see your worth, Eli," I said at the back of my mind.
He deserves someone better than me, kaya kahit masakit para sa akin na pakawalan siya, ginawa ko pa rin.
Well, it was a unanimous decision which we both agreed to end our relationship for good.
---
"Sure ka ba sa gagawin natin, Magi? Baka mahuli tayo nito, huh?" kinakabahan na tanong ni Delancy sa akin while we're assembling all the things we need inside the car.
Nasa parking lot kami ng SGN building ngayon upang isagawa ang susunod kong plano. There's no way para ipagpaliban ko na imbestigahan ang place ni Eli dahil para din naman sa kanila ang ginagawa ko.
Kailangan kong mahuli ang killer bago makagawa ng aksyon si Trisha.
"Paano naman tayo makakapasok sa room ni Eli? Malamang, mga staffs lang or household workers ang papapasukin nila roon---"
"Exactly," I said bago bumaba ng kotse. "We're going to pretend like a hotelier para makapasok tayo roon."
"Delikado 'yan! Umuwi na tayo!" ani Delancy na nakadungaw sa bintana ng kotse.
"Porke marunong ka nang mag-drive diyan, iiwan mo ko rito? Fake friend ka talaga!"
"Baka kasi makulong tayo, Magi. Nag-aalala lang ako sa possible things na mangyari sa atin."
Lumapit ako sa kanya. "Hindi tayo mahuhuli kung mag-iingat tayo ng maigi. Trust me, saglit lang tayo sa loob."
Mabuti na lang at napilit ko si Delancy na bumaba ng kotse. Kaagad kaming nagtungo sa restroom area upang magnakaw ng damit ng mga staff doon.
Pinag-aralan ko ang lugar na 'to at alam kong dito sa restroom na 'to sila nagpapalit ng damit. Hindi naman ako nagkamali dahil may mga damit kaming nakita roon na nakasampay pa.
Sinuot namin 'yon tiyaka naglagay ng mask sa bibig upang hindi kami makilala. We entered the elevator going to 48th floor, kung saan naroon ang room number ni Eli.
Nang makarating sa room 48011, papasok na sana kami roon kasi natyempuhan namin na walang bantay, kaso may isang guard ang nakapansin sa amin.
"Sino kayo?"
"Nakatanggap kami ng call from Mr. Eli's manager and he requesting us to clean Mr. Eli's room," sagot ko.
"Bakit wala kayong panlinis na dala?"
Ay gaga. Nakalimutan naming magdala. Kakamadali ko 'to, e.
"U-Uhm, kukunin namin right after we finished assembling the things inside the room. Balita ko sobrang gulo raw, e."
Tinanguan naman kami nito kaya dumiretsyo na kami sa pagpasok sa room ni Eli. Kabaliktaran sa palusot ko, sobrang ayos sa loob at wala kang makikitang ni isang butil ng alikabok.
Buti na lang tanga 'yong guard kaya naniwala sa alibi ko.
"Maghanap na tayo para makaalis na tayo kaagad," rinig kong sambit ni Delancy kaya 'yon ang ginawa ko.
Kung saan-saan na ko napadpad kakahanap ng mga bagay na pwedeng gawing ebidensya, pero wala akong mahanap. Sa sobrang linis ng lugar na 'to, para akong naghahanap ng alikabok.
"Bakit wala akong makita?" bulong ko sa sarili habang patuloy pa ring naghahalughog ng mga gamit.
"Magi!" I heard Delancy shouted kaya naman agad akong nagtungo sa living room dahil nandoon siya. "I-Ito ba 'yon?" She handed me a glove that she found roon sa gilid ng sofa.
Dahan-dahan kong kinuha at pinagmasdan ang glove --- and it was really the glove na kapares ng glove na ipinadala ni Trisha sa akin last time.
D-Does this mean---
"Mamaya na tayo mag-usap about diyan. Kailangan natin magmadali na umalis dito!"
Sumilip ako sa pintuan upang hanapin 'yong guard na kumausap sa amin kanina --- and he's nowhere to find. Agad kaming lumabas sa lugar na 'yon at nagmamadaling pumindot sa elevator.
"Bakit ang tagal naman nitong bumukas?" reklamo ko.
"M-Magi, ayon siya, oh!" Itinuro ni Delancy 'yong guard na ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Tapos na ba---"
Agad kaming tumakbo at ginamit ang hagdan upang makababa nang mabilis. Nagmamadali kaming bumaba, tipong muntik na kong gumulong paibaba dahil 'yong tuhod ko ay nanginginig na sa sobrang kaba.
Nang makababa ay tumakbo kami diretsyo sa parking lot, tiyaka sumakay sa kotse. Nagmamadaling binuhay ni Delancy ang engine ng kotse at ito'y kaagad na pinaharurot.
"Why naman tayo tumakbo nang gano'n?" rinig kong tanong niya. "Hindi niya naman kasi tayo hinabol."
"Ano?!"
"Legit," aniya, "kaya nga nagulat ako sa iyo kasi nagmamadali kang tumakbo pababa sa hagdanan, kaya sumunod na lang din ako sa iyo."
Napahilamos ako sa mukha. "Sinabi mo man lang sana sa akin, hindi sana nangalay itong paa ko kakamadali na tumakbo."
"Sorry," hinihingal niyang sagot. "But the thing is, we found something mysterious in Eli's place."
"Yes." Kinuha ko ang glove at pinagmasdan. "According to Trisha, kung kanino ko makikita ang kapares ng glove na ibinigay niya, siya ang killer ng lola ko."
"Bakit si Eli?"
Tears are now slowly falling down on my cheeks once again. "I don't know," I muttered. "We talked yesterday and he seems innocent about the crime, but finding this thing in his place makes me in deep pain.
Hindi ko alam kung ano'ng dahilan para gawin niya 'yon. Just like the question I keep asking myself when I found my grandmother's sleeping pills in Dylan's place, the same questions were swirling in my mind. How could that be possible?"
Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng takbo ng kotse hanggang sa huminto na ito.
"Why did you---"
"People tend to be wise in pretending, you know? Mahusay silang magtago sa inosente nilang mukha, but they really are demons." I think this is the first time that I saw Delancy's face na naliligo sa luha and her eyes were full of sorrow.
"Do you believe that it was really him who killed my grandmother?"
"I think hindi ako ang dapat sumagot ng tanong mo, Magi." She wiped her tears before she forced herself to grin at me. "Ang bigat lang sa pakiramdam pero okay na, itutulog ko na lang siguro 'to."
She started the engine once again bago nagpatuloy sa pagmamaneho. Honestly, she's kinda weird, just now.
Diverting my attention to Delancy, I looked at the glove once again. Sapat na sigurong ebidensya ang bagay na 'to para paniwalaan kong si Eli nga ang pumatay sa lola ko.
It isn't impossible, dahil mas madalas na kasama ni Eli si Trisha, lately. Malay ko bang hindi pala related sa showbiz ang pinag-uusapan nila kundi ang krimen na 'to, 'di ba? Who knows?
Ngayon ako mas naliwanagan; totoo ngang ang mga tao ngayon ay mahusay magtago sa maskara ng kasinungalingan.
Behind his innocent and gorgeous face, I can't believe he could be able to do this kind of thing. I'm so disappointed.
---
8:00 in the evening, I've decided to go out just to unwind. I went to a nearby park and got myself busy watching those couples who are spending their night in the beauty of this park.
This park was designed for couples, family and friends. Maraming nagtutungo rito tuwing gabi kaysa sa umaga kasi mas maganda nga naman ang scenery every night time, dala ng mga naggagandahang ilaw sa paligid.
While roaming around my gaze, my attention got caught when someone placed a coat on my shoulder. Tumingala ako upang tingnan kung sino 'yon --- it was Dylan who welcomed me with his beautiful, smiling face.
"Sinundan kita no'ng nakita kitang lumabas kaya ako nandito," he said before sitting next to me. "Nakakapagtaka kasi na lalabas ka nang gabi, baka mamaya kung ano pa ang mangyari sa iyo."
I can't help myself but to smile privately. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kapiranggot na kilig dahil sa sinabi niya.
Bata pa lang kami, ang husay niya nang babanat ng mga ganiyang lines. 'Di ko akalain na mas huhusay pa siya nang lumaki na.
"Don't treat me like a child, will you? I can protect myself without accepting any help from you, so get lost." Nagpanggap akong hindi gusto ang presensya niya, but it was the other way around.
Mapagpanggap talaga ang mga tao, 'no?
"I won't leave this place without you," he said. "Puro couple ang nakikita ko rito at kung iiwan kita, baka magmukha kang third wheel or ma-out of place ka.
Ayoko namang maramdaman mo na pinagmumukha ka nilang single." I can see in my peripheral vision that from glimpsing on the couples around us, he turned his gaze at me.
"Tsk, I'm not affected. Ano namang masama kung single ako? Hindi naman ipinagbabawal na tumambay ang mga single dito, 'di ba?"
"Ang cute mo," natatawa niyang sambit kaya naman napatingin na ko sa kaniya ng tuluyan. Our face was an inch away, kaya sising-sisi talaga ako na hinarap ko pa siya. "Good decision na humarap ka sa akin, Magi. Now I will be able to see how beautiful you are."
Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Dala ng sobrang kaba, naipikit ko ang aking mga mata habang hinihintay ang susunod niyang gagawin.
He kissed my forehead. "Thousands of years ago, kissing a woman on her forehead was still the sweetest thing a man could do."
Gusto kong magmura ng sandaang beses dahil sa sobrang kilig. Ang simple lang naman ng ginawa niya at ng sinabi pero iba 'yong dulot no'n sa akin.
He's such a sweet guy.
Darating din 'yong araw na masasabi ko rin sa iyo na 'yong nabuong feelings ko para sa iyo no'ng mga bata pa tayo ay hindi nawala, ngunit nadagdagan.
---
Wala kasi kaming pasok ngayong araw ng Sabado dahil nagsilbi ang araw na 'to na pahinga namin after sumabak sa mapaminsalang Teaching demo. Buti na lang at lahat kami ay pumasa kaya kahit papaano, sulit ang pinagpaguran.
Final exams na lang sa ibang subject ang aatupagin and voila, tapos na ang bangungot namin sa third year.
"Akala ko ba tayong tatlo lang? Bakit kasama ang mga 'yan?" I asked, pointing my fingers to Warren, Yuwi and Harris.
Pinameywangan ako ni Harris bago ako minalditahan. "Kung ayaw mo sa presence namin, umuwi ka na. Ang daming taxi diyan, kaya magsimula ka nang mag-abang."
"What's wrong with asking, Kuya Harris?" I pouted. I called him Kuya just to pissed him off --- ayaw niya kasing tinatawag siyang kuya dahil nakakatanda raw.
"Ang luwag ng kalsada, Magi. Kasya ka riyan, gusto mo diyan kita iburol?"
"Sige, mag-away na lang kayo! 'Wag na tayo umalis, 'no?" pagsingit ni Julia sa usapan.
"Saan ba kasi ang punta natin?" Yuwi asked the same question I had in mind.
"Kung saan niyo gusto."
"So, ayon, hahanapin pa natin kung saang lugar 'yang 'Kung saan niyo gusto'? Ang init na nga ng panahon, mas lalo mo pang pinag-iinit ang ulo ko, Delancy!"
"Isa lang ang sagot diyan," sambit ko at ngumisi kay Harris. "Edi 'wag kang sumama sa amin. Ang daming taxi diyan, kaya magsimula ka nang mag-abang."
"Bakit ako makikinig sa copycat na kagaya mo? Gawa ka sariling linya mo, Magi."
Tinawanan ko na lang siya at napailing. Napakamaldita talaga ng lalaki na 'to, muntik ko na talagang mapagkamalan na bakla.
No lies, lalaki 'yan si Harris. Gano'n lang talaga siya makipag-usap, palibhasa ipinaglihi sa sama ng loob.
"Doon kaya?" rinig kong sambit ni Julia tiyaka itinuro ang isang cotton candy shop.
"Isip-bata ka na pala ngayon, Julia?" nang-aasar na tanong ni Warren.
Naagaw ang pansin ko roon sa kamay ni Julia --- she has wound on her palm. Bigla ko tuloy naalala 'yong additional note ni Trisha, which is the person who killed my grandmother has a wound on the right palm.
Sa place ni Eli ko nakita ang kapares na glove... pero kay Julia ko nakita ang sugat sa right palm.
Pinaglalaruan ba ako ng Trisha na 'yon?!
"May napanood ako sa facebook." Habang naglalakad sa isang park malapit sa mall, naagaw ang pansin ko nang magsalita si Delancy. "Exciting ito, gawin natin!"
"Ano 'yan, sweetie?" Warren asked.
"This is our goal," aniya. "Make someone happy. Kahit sino, basta itanong niyo sa kanila kung ano'ng magpapasaya sa kanila, and then ibibigay natin 'yon sa kanila."
"Sarili mo sana muna ang pasayahin mo, bago ang iba," ani Yuwi.
"Oo na, Yuwi. After nito, ililibre ka ni Delancy kumain nang sumaya ka man lang,* sambit ni Julia.
"G kayo?" Harris asked.
"Mukha naman siyang exciting, so let's give it a shot," I answered.
We group ourselves by two since anim naman kami. Delancy's partner is, obviously, Warren. Si Julia naman ay si Yuwi at si Harris ang kasama ko.
"Make sure na pasasayahin natin, hindi mo mamalditahan," sambit ko habang naglalakad kami patungo sa kung saan.
"Bakit ba kasi kayo pumayag sa ganito? Ang cheap, sa totoo lang."
"I find Delancy's idea has a sense." Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Harris, wearing my serious look. "Puno ng negative things ang mundo, and we're not aware how some people struggle just to survive their everyday life.
Ang daming tao na nabuhay para lang maghirap at pagkaitan ng tadhana na sumaya. That's the reality that we aren't able to see, because we choose to ignore it.
This is now our chance to, at least, make someone happy in our own way. Think of the world where it is surrounded by people who have a beautiful smile on their faces. It's satisfying, right?"
"Sa haba ng sinabi mo, buti na lang may sense lahat. Isa rin ako sa mga taong walang pakialam sa iba, kasi aminado akong makasarili ako," he said before we proceed seeking a target. "Ewan ko nga ba. Kung sino pa 'yong mga taong may kakayahan na tumulong sa iba, sila pa 'yong ayaw magbigay."
Napatango ako sa sinabi ni Harris. Sa panahon ngayon, hirap sa kalooban ng mga mayayaman ang maglustay ng pera para tulungan ang ibang nangangailangan. Pero kung makapaglustay para sa sugal o sa luho nila, walang pakundangan.
"Hi, lola. Kumusta po kayo?" Sa isang gilid ng bangketa ay may isang matanda akong nakita kaya ko ito kinausap.
Ang sakit sa kalooban na makakita ng mga matatandang kagaya niya na sa kalye o sa kung saan-saan lang tumitira. I think it's because I'm too attached to my grandmother who just passed away, kaya ko nararamdaman ito.
Oldies like her shouldn't be in this kind of place. Mayroon namang home for the aged, and sa lugar na 'yon dapat naninirahan ang mga kagaya niya na wala ng mapupuntahan.
"Lumalaban pa rin," natatawa nitong sambit. "Kahit mahirap ang buhay at minsan sa isang linggo lang makakain, ito naman ako't nagpapasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako."
Patingkayad akong naupo upang maka-level ko ang matanda na nakaupo sa isang manipis na karton. "Lola, hindi ka po dapat nandito. Sobrang hirap po ng buhay kung sa lansangan lang kayo nakatira."
"Wala akong magagawa, hija. Inabandona na ako ng mga anak at pamilya ko dahil may sari-sarili na silang pamilya. Pabigat lang daw ako sa kanila kaya hinayaan na nila ako rito sa lansangan," pagkukwento niya kung kaya't hindi ko na napigilan ang sarili na maluha. "Dalawang taon na rin siguro ang nakakalipas magmula nang ituring kong tahanan itong lansangan.
Mahirap na nga ang buhay namin sa isang barong-barong na bahay, hindi ko aakalain na mas doble pala ang hirap kapag sa lansangan na ako nakatira.
Napakahirap humanap ng pagkain, at ang hirap din magmakaawa na manlimos sa mga taong hindi marunong maawa sa mga pulubing kagaya ko." Nakatingala siya sa langit habang nakangiti. "Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil hindi niya pa rin ako pinababayaan.
Gustuhin ko man na kuhanin na niya ako dahil matanda na rin naman ako, hinahayaan niya pa akong mabuhay." Lumagpak ang tingin niya sa akin at marahang pinunasan ng marurumi niyang kamay ang pisngi ko. "Para siguro matagpuan ako ng mga anghel na ipinadala niya."
Pilit akong ngumiti. "Sorry po kung umiyak ako. Naiyak lang po kasi ako sa kwento niyo---"
"Hindi ba't sadya niyo ako upang pasayahin?" tanong niya. "Wala kayong kailangan gawin para pasayahin ako kasi masaya na agad ako dahil binigyan niyo ako ng atensyon."
"Lola, kailangan ka po naming dalhin sa home for the aged para mas maalagaan ka po nila. Hindi po kayo ligtas sa lugar na ito," I heard Harris insisted.
Ngumiti siya. "Hindi ko lilisanin ang lugar na 'to. Lumagi ako rito ng dalawang taon at nakasanayan na ang ganitong klaseng buhay. Marahil ito ang itinadhana ng Panginoon para sa akin, kung kaya't malugod ko itong tatanggapin."
Agad kong hinalughog sa pouch ang wallet ko at kumuha ng pera. Iniligay ko 'yon sa palad ng matanda. "Tanggapin niyo na lang po sana ito bilang tulong. Hindi man po kalakihan, pero sana makatulong iyan para maka-survive po kayo sa araw-araw."
"Tunay ngang ikaw ang anghel na ipinadala sa akin ng Diyos," nakangiti nitong sambit. "Ayaw ko man tanggapin ang pera ngunit nakakapanghinayang. Layunin ng mga pulubing kagaya ko na makalikom ng pera upang magkaroon ng pambili ng pagkain.
Sa loob ng dalawang taon, ang pinakamalaking natanggap ko na limos ay sampong piso, at masaya na ako roon." Nakangiti niya akong tiningnan. "Ngunit salamat sa iyo, dahil naranasan kong makahawak ng papel na pera."
"Wala pong anuman." Marumi man ang pigura niya ngayon ngunit hindi ko 'yon ininda. Niyakap ko siya nang mahigpit at dinama ang kanyang katawan.
Laking pasasalamat ko na nakilala ko ang matandang ito. Because of her, I feel the warmth of my late grandmother's hug again.
---
Nagpaiwan ako sa botika dahil bibili ako ng vitamins. Right after that, naglakad na lang ako papunta sa condo. Malapit-lapit lang naman kaya nilakad ko na lang.
In the midst of walking, I suddenly felt the raindrops touch my skin. Nagkataong wala akong masisilungan kaya naman hinayaan ko na lang ang sarili na maligo sa ulan.
While I was enjoying bathing myself in the droplets of rain, naupo ako sa gilid ng kalsada. I watch how these droplets fall onto the road, simultaneously.
I was in the middle of celebrating the gift of nature when suddenly, I felt someone behind me. Hindi ko na kasi nararamdaman na nababasa ako, so I looked up.
Kagaya ng pagtingala ko sa kanya noong gabi na nasa park ko, ngunit sa pagkakataon na ito, the smile on his face was absent.
Tumayo ako upang harapin siya, but the weird thing in his behavior is that he's staring at me wearing his poker face.
What's with him?
"Okay ka lang ba, Dylan? Badmood ka yata?"
"From now on, let's treat each other as strangers."
"H-Huh?" gulat kong tanong. "B-Bakit naman? What's with you? Bakit mo biglang sinasabi 'yan?"
"Maybe you're not the right woman I'm looking for. Yet you're my first love, but I think you're not the one for me." He remained poker-faced while saying that. "Let's end everything between us, Magi. Simula ngayon, let's pretend like we didn't know each other. Kalimutan mo na ako."
He placed my hand to hold the umbrella before he walked away from me. While I was just standing here, pinapanood siya na maglakad papalayo sa akin.
Nabitawan ko ang payong dahil may biglang kirot akong naramdaman sa dibdib ko. Dahan-dahan akong napaupo sa gilid ng kalsada. I gave myself the freedom to cry about how I feel right now.
I just made someone happy, but in return, I received his unbearable words, which made my heart shatter into pieces.
'Am I too late to realize that I'm… totally in love with him?'
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro