Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Either of them have killed my grandmother? Of all people, bakit si Eli o si Dylan pa ang hahatulan na salarin?

I can't imagine they could do such things --- lalo na sa akin. They are both important persons in my life, but after what the private investigator have said, hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko.

Kanina pa ikot nang ikot sa kawalan ang utak ko para isipin ang dahilan nilang dalawa para gawin 'yon, pero walang pumapasok sa utak ko. Ayokong maniwala na isa nga sa kanila ang may gawa, pero kasi nagsalita na ang ebidensya.

"Are you okay?" habang naglalakad patungo sa bus stop, Delancy started talking.

I shook my head. "How could I feel okay after knowing the truth?" Nang makarating sa bus stop ay nanghihinang napaupo ako roon. 

"Okay lang 'yan, Magi. Sometimes, it's okay not to be okay. 'Wag mong pilitin ang sarili mo na 'wag ilabas 'yang bigat ng nararamdaman mo." Nakikinig ako sa sinasabi niya, but my gaze stuck on the endless road. "Hindi ko rin lubos mapaniwalaan 'yong sinabi ng private investigator. Ako man ay ayaw maniwala, but if ever he was telling the truth, you have to face it."

Malamang totoo ang sinasabi ng private investigator dahil 'yon ang trabaho niya --- ang alamin ang katotohanan sa likod ng isang libong kasinungalingan.

"Ang hirap lang kasing i-process sa utak ko ang lahat, Delancy. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko, e.

Bakit naman nila 'yon gagawin sa lola ko? Alam naman nilang mahal na mahal ko si lola, so ang labo naman siguro na gawin ng isa sa kanila ang gano'ng klaseng bagay.

They've mean so much to me, kaya siguro ang hirap para sa akin na tanggapin. Ang sakit lang kasi, 'yon pang tao na lubos kong pinagkakatiwalaan, sila pa 'yong taong maghahatid sa akin sa kalungkutan."

At this moment, I let myself cry my agony out. There's no reason for me to hide how I feel right now. Iyakin naman talaga ako. Siguro kahit ano'ng gawin ko, e hindi na 'yon mababago pa.

"Hindi ka nag-iisa, Magi. We're always here for you, no matter what.

Sana hindi mabawasan ang tiwala mo sa amin just because one of your friends betrayed you for murdering your grandmother."

I just leaned my head on her shoulders and began to imagine things that aren't possible to happen. How I wish everything would come back to normal, where I was free and happy --- walang problema na iniintindi.

Regarding what Delancy has said, I don't know if I would be able to put all of my trusts on them just like before.

After what happened, I should trust no one, but only myself.

---

Nang makarating sa floor kung nasaan ang unit ko, hindi sinasadyang napatingin ako sa kaharap na unit ng akin. It was Dylan's personal space, so I walked towards and clicked the doorbell button.

Mariin kong pinagpipindot ang doorbell button nang hindi pa rin bumubukas ang pinto. I don't know what just happened to myself but unintentionally, I did something horrible I didn't expect I could do.

Dala siguro ng sobrang init ng ulo, binasag ko gamit ang sapatos ko na may takong ang salamin kung nasaan ang fire extinguisher. Kinuha ko 'yon and immediately came back in front of Dylan's unit para ipukpok nang malakas sa pinto niya ito.

Nagdulot ng yupi sa bakal na pinto ang pagpukpok ko ng fire extinguisher at papalo pa sana ako ulit nang bumukas na ang pinto.

Dylan welcomed my eyes by his gorgeous naked chest, may kasama pang abs, while a piece of towel was covering his little weapon down there.

"Lasing ka ba?" gulat niyang tanong nang makita ang pintuan niya na muntik ko na palang masira.

Nawala ang atensyon ko sa six-yummy pack abs niya when he suddenly talk. I met his gaze at me. Without hesitation, I punched his face.

"Hindi porke yummy ka, kakalimutan ko na ang atraso mo sa akin." Muling nagdilim ang paningin ko at ang nakababa kaninang fire extinguisher ay kaagad kong pinulot. "You should suffer in hell---"

"Miss Magi, okay ka lang?"

I came back to my senses when suddenly, one of the staff approached me. I quickly scanned myself which made her think that I'm not okay. 

W-Well. Nakatayo lang naman ako sa harap ng unit ni Dylan habang tangan ang isang sapatos ko.

All along, it was just a hallucination, but seems real.

"Y-Yes, akala ko kasi unit ko 'to. Ito palang kabila." Kaagad akong tumakbo sa harap ng unit ko at mabilis na pinindot ang passcode bago pumasok sa loob.

Hindi ko alam kung bakit hinihingal ako nang makaupo ako sa sofa. It was just a hallucination… pero halos paniwalaan ko nang totoo iyon.

But thank God, hindi 'yon naging totoo because I don't like to hurt someone just because of the misery I'm suffering until now.

All I want is to have a fair justice, but killing someone is an exemption. Kung sinuman ang pumatay sa lola ko, kailangan niya 'yong pagbayaran sa kulungan. Not the other way around in which I took someone's life in return for my grandmother's death.

"Hingang malalim, Magi," bulong ko sa sarili at ilang ulit akong humigop at bumuga ng hangin hanggang sa makuntento ako.

"This is just a reminder, Magi," sambit ng private investigator nang makarating kami sa opisina niya. He wishes to talk to me, privately. "Don't trust anyone, but only yourself. Sa panahon ngayon, nakatago sa maamong mukha ang mga demonyo. If you don't like na tirahin ka patalikod, don't let them near you."

Muli kong naalala ang sinabi ng private investigator sa akin kanina. He reminded me of not trusting anyone about this matter, dahil walang iba na makakatulong sa akin na makamit ang hustisya kundi ang sarili ko lang.

'He could count on me.'

Pagkatapos ng lahat ng nangyari, nagkaroon na ako ng trust issues sa mga taong nasa paligid ko. Even Delancy and Julia, I'm suspecting them, too. Although kasama ko si Delancy nang malaman ang totoo, I shouldn't put all of my trust on her. 

In that way, I would be able to unfold the mask of whoever is the culprit behind this crime.

---

Kasalukuyang nasa classroom kami ngayon habang nakikinig sa discussion nina Dylan, Delancy at Eli sa harapan. They're the group na sasalang for another teaching demo. 

Dalawang beses sasalang si Eli sa teaching demo para doon na lang kukunin 'yong grade niya sa Practical Exam na hindi niya nadaluhan last time because of his hectic schedule.

'This is the perfect time, kaya ko 'to!'

Dahil busy naman si Julia kakatitig sa phone niya, palihim akong tumayo sa upuan at bahagyang yumukod. I went to Dylan's seat, which was just placed at the back of Julia's seat, tiyaka ako naupo roon.

Nasa bandang likuran naman ang upuan namin kaya I'm sure na 'di obvious na may pinakikialaman ako sa bag ni Dylan.

Kinuha ko kaagad ang bag niya and quickly scanned for his phone. Nabanggit niya kasi sa akin last time na wallpaper niya raw ang passcode ng unit niya, para kung sakaling makalimutan niya ang passcode ay i-o-open niya lang ang phone niya to recall what's his passcode.

Daming dama, daming pakulo.

As I opened his phone, muntik ko na itong malaglag nang makita ko ang mukha ko roon.

What the hell? I am his phone wallpaper? Bakit naman niya ginamit ang mukha ko para doon?

"Kaya pala parang wala na kong katabi rito. Bakit ka nandiyan?" Kaagad kong itinago muli sa loob ng bag ni Dylan ang phone niya nang lingunin ako ni Julia.

"A-Ano? Uhm, manghihiram lang sana ako ng ballpen kay Dylan. Naghahanap ako sa bag niya ng ballpen kasi nag-LBM na naman 'yong ballpen ko, e."

"Kung ako sa iyo, maglapis ka na lang. Tuwing hahawak ka ng ballpen, e laging nagtatae, e." 

Pilit akong ngumiti bago ibalik sa pagkakaayos ang bag ni Dylan. I went back to my seat as well, para muling ituon na lang ang atensyon ko sa harap.

Waley 'yong plano ko. Hindi ko rin nakuha kung ano ang passcode ng unit ni Dylan kaya hindi ko maitutuloy 'yong balak kong pasukin sana ang unit niya mamaya.

This is frustrating!

Few minutes had passed before our class was officially dismissed. Muntik na kong mabaliw sa upuan ko kakaihip doon sa ballpen na nagka-LBM kasi ba naman, wrong timing, e. Hindi tuloy ako nakapag-lecture sa topic nina Delancy. Lahat pa naman daw ng mga lessons na gagamitin sa teaching demo namin ay ang magiging final exams namin kaya nakakalugmok talaga.

"Ingat!" paalam ni Eli at Yuwi sa amin nang makarating sa labas ng campus. 

Yuwi doesn't like to hangout so, he's going home early, while Eli has to go to his agency for another appointment.

Kami nina Dylan, Delancy, Julia, Warren at Israel ang natira, so kami ang magtutuloy sa hangout na binabalak nina Warren at Delancy kahapon pa. Last day of the weekdays kasi ngayon kaya nagbabalak silang gumala, which seems so exciting.

Magandang timing na sana ito para patago akong tumungo sa unit ni Dylan kaso 'yong lintek na passcode ng unit niya, e hindi ko makita. Wallpaper niya raw kasi ang passcode, so ibig sabihin ako 'yong passcode niya?

So impossible!

"Hala, ang bigat naman sa budget niyan, ate. Wala na bang ibababa 'yan?" rinig kong tanong ni Delancy roon sa sales lady ng pinuntahan naming shoe store.

Tama ba namang humingi ng tawad, e kitang nasa mall kami?

"Hindi po kami nagbibigay ng discount as of now. Every holiday lang po like Christmas or New Year."

"Malapit naman na ang Ber months, hindi ba 'yon considered na holiday?" Warren asked.

"Delancy ko, balikan mo na lang 'yan sa pasko. Ipagdasal mo na lang na walang kumuha niyan, tiyaka mo balikan," wika ni Julia.

Ito na naman tayo sa babalikan na 'yan, pero ang ending, hindi rin nila babalikan. Pinaasa lang 'yong store, hays. Kakahiyang kasama.

"Bakit kasi kayo hindi nagdala ng pera kung dito sa mall ang punta? Ang dami pa namang magaganda na ang sarap bilhin, oh!" ani Israel sabay turo doon sa Mang Inasal. 

"Gets ka namin, bro. Oo, gutom ka na," ani Dylan kaya nagpunta na kami roon upang kumain.

I have no problem naman if we're going to eat at Mang Inasal. Hindi naman ako maselan pagdating sa lugar ng kakainan, basta ang mahalaga ay may kakainin.

No lies, isa sa favorite kong fastfood chain ang Mang Inasal dahil, bukod sa may unli rice sila, ang bibilis din no'ng servers nila.

Hindi mo na sila need pang hiyawan nang sobrang lakas para hingan ng extra rice. All you have to do is to raise your hand, na parang nag-r-recite, at kaagad silang lalapit sa iyo dahil alam na agad nila ang dahilan ng pagtaas mo ng kamay.

Ano pa nga ba, edi hihingi ng extra rice.

Well, hindi siguro sa lahat ng branch ay gano'n. Pero maswerte kami dahil 'yong mga servers na h-in-ire ng Mang Inasal sa branch namin ay alerto sa pagtawag sa kanila ng customers.

Gano'n sana lahat.

"Hindi ka yata nagsasalita riyan, Magi?" pagpansin sa akin ni Israel kung kaya't natigil ako sa akmang pagkagat ng manok na nasa plato ko. "I mean, likas namang tahimik ka pero kasi---"

"Sinong tanga ang magsasalita habang kumakain?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. "Malamang ikaw lang."

"Boom, sunog!" ani Julia habang hawak ang sandok at ito'y nakaturo kay Israel. "Tanga ka pala, e!" At tumawa pa siya nang mapang-asar.

"Ibaba mo nga 'yan, Julia. Nakakahiya ka. Mamaya pagtinginan tayo ng tao rito, mapagkamalan ka pang takas sa mental!" saway ni Dylan sa kaniya.

I just looked at Dylan who flawlessly cutting the chicken on his plate, habang ako naman ay hawak ang paa ng manok dahil tamad akong maghiwa, hindi kagaya niya.

Shocks, ang baboy ko palang kumain.

"Gusto mo bang subuan kita?" Hindi ko namalayan na napatagal ang pagtitig ko kay Dylan at umabot na sa pagkakataong nahuli niya ako na nakatitig sa kaniya. "Nganga." Hawak ang kutsara na may lamang kanin at manok, nakatingin siya sa akin habang pinapanganga.

Wala sa sariling naibuka ko ang aking bibig at isinubo ang laman ng kutsarang hawak niya. I chewed it deliberately while my gaze glued to his face.

His smiling face was priceless habang itinutuloy ang pagkain niya. He's such a sweet and caring guy, which stopped me from believing he was the one who murdered my grandmother.

His innocent face isn't deserving to be captured in a camera wearing a shirt of a prisoner. His angelic face was so far from the reality of committing a crime.

He's too good to be a prisoner --- and that's what makes everything hard for me. It's hard to believe the probability that he's the culprit.

"Magi, bakit ka umiiyak?" natatarantang tanong ni Dylan. Kaagad niyang pinunasan ang pisngi ko by just using his palm.

Pati ang mga kasamahan namin sa table na sina Julia ay nataranta na rin dahil sa biglaan kong pag-iyak. Ito talaga ang kinaayawan ko sa lahat; hindi ko ma-control ang sarili kong emosyon. 

Pigilan ko man na huwag maiyak, still, naiiyak pa rin ako. Kaya nga inggit na inggit ako roon sa iba na nakakaya nilang pigilan ang sarili nila na maging emosyonal.

Like mapapaisip na lang ako, ano'ng secret recipe para magawa ko rin 'yon?

"W-Wala! May naalala lang ako," I excuses.

Hindi sinasadyang dumapo ang tingin ko kay Delancy, at ang mga mata niya ay punong-puno ng pag-aalala.

Of course, she's aware kung bakit naiyak na lang ako nang gano'n. It was because of Dylan who happened to be one of the suspected persons with regards sa pagkamatay ng lola ko.

"Wait, dito ba kayo palaging kumakain ni Eli noon? Kaya ka siguro naiiyak kasi may memories kayo ni Eli rito?" Julia asked.

"Posible," pagsang-ayon ni Warren. "Kaya lang ang alam ko, sa McDo lang daw ang walang forever."

"Oo nga," sambit naman ni Israel. "Dito sa Mang Inasal, may forever dito. Alam niyo kung bakit?"

"Bakit?" sabay na tanong ni Warren at Julia.

"Kasi walang katapusan 'yong unli rice nila. Ikaw ang susuko sa dami ng unli rice na ma-a-avail mo sa kanila."

"Mas lalo kong gustong maiyak," I muttered.

"Ikaw magbabayad ng bill natin, Israel," seryosong sambit ni Dylan bago niya ako inalalayang tumayo.

Hawak ang balikat ko, lumabas kami ng Mang Inasal at kaagad na nagtungo sa parking lot.

Hiwa-hiwalay naman kasi kaming nagtungo rito; kasama ni Warren sa kotse si Delancy, si Dylan naman ay kasama ako at wala namang choice si Julia kung hindi ang isakay sa kotse niya si Israel.

"Kinabahan naman ako sa iyo, Magi. Bakit ka kasi bigla na lang umiyak? May problema ka ba?"

Nanghihinang idinantay ko ang ulo sa upuan tiyaka mariing napapikit. Hindi ko alam kung saang parte ng dila ko hahanapin ang isasagot sa tanong niya.

Honestly, when I'm having a conversation with him, it's so hard for me to tell a lie.

"May naalala lang nga ako." 

"You know that I won't believe you, Magi," I heard him say that. "I understand if you're having trust issues towards me.

Hindi naman nakakapagtaka dahil nga isa sa amin ang pinagsususpetsyahan na pumatay sa lola mo. So, I won't force you to share your problems with me."

He successfully pulled the trigger and hit the target. Exactly, that's what stopped me from tossing a single word at him.

In this situation I'm now engaging in, I should trust no one.

"But you know what," habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay muli na naman siyang nagsalita. "Natatakot ako sa posibleng mangyari for the next coming days. I'm scared of the fact that you'll begin to change the way you treated us before.

Once na mapangalanan na kung sino ang may sala, siguro kasabay no'n ay ang pagkasira ng pagsasamahin natin. Nakakatakot isipin na mangyayari 'yon, and I hope that day won't come. Ayokong magbago ang lahat, pero alam kong hindi pwede.

Dahil sa pagkakamali ng isa, 'yong nabuong friendship nating lahat ay posibleng mawala."

I pursed my lips while looking at the tinted window of his car. Nakikipaglaban na naman ako sa sarili ko na huwag maiyak, pero 'yong mata ko pa rin ang nasunod kaya binaha na naman ng sangkatutak na luha ang pisngi ko.

"Looks like you're tossing the blame on me, Dylan." Tinapangan ko ang boses ko tiyaka palihim na pinahid ang pisngi ko. "Is it my fault that I'm wanting to seek justice for my grandmother?"

Sumisikip ang dibdib ko kaya naman napahawak ako sa leeg ko, but the only thing I got is the necklace that Dylan gave to me last time.

However, the necklace with a pendant of a jar filled with some of my grandmother's ashes was on my pouch. 

Hinubad ko rin 'yon nang mailibing si lola dahil hindi ko pala kayang makita 'yon palagi na suot ko. Memories keep ruining my mind, and it brings so much sorrow.

"It's not like that---"

"Pwede ka bang dumaan ng Starbucks? I'm craving for their frappé." Nang lingunin niya ako, his forehead formed a curved.

"Ang layo no'n dito." 

"Please? It's my comfort food kasi," I pleaded with matching puppy eyes. "Don't worry, lalakarin ko na lang papuntang condo. Malapit na rin naman, e." 

"Sure ka?"

"Yeah." Agad niyang inihinto ang kotse sa may gilid ng kalsada. Bumaba ako at nagmamadaling naglakad upang makarating ako nang mabilis sa condo.

Even though hindi ako sure sa passcode na naiisip ko, still, I want to give it a try. Baka sakaling tumama ang hula ko, edi bravo!

As soon as I arrived at our unit's floor, agad kong i-ni-nput ang code na nasa isip ko. 

1,2,3,4,5

Kasi apat na letter ang nickname ko tapos idinagdag ko lang 'yong 5 kasi 5-digit ang need, kasi baka kako iyon ang passcode… kaso mali.

Ang sunod ko namang sinubukan ay ang birthday ko which is 02-11-97, pero mali rin.

At sa ikatlong trial---

13179

Kung pang-ilan na letter sa alphabet ang letters M, A, G, I and tada, nakabuo ako ng 5-digit numbers. Sa wakas ay nabuksan din ang pinto ng unit ni Dylan. Balak ko sana kung 'di pa 'to nagbukas, e baka pinalo ko na talaga 'to ng fire extinguisher.

Mabilis pa kay Flash akong pumasok sa loob at hinalughog lahat ng pwedeng halughugin. Nang wala kong napala sa paghalughog sa living room, pumasok ako sa kwarto ni Dylan at binuksan lahat ng cabinet na nakita ko.

Bukod sa mga brief, shirts at boxer shorts, wala na akong ibang napala sa cabinet niya. Hanggang sa mapadpad ako sa maliit na cabinet that was placed on the side of his bed.

Tinungo ko ito at binuksan. I was stunned by the thing I found inside of his cabinet.

"Ano'ng ginagawa mo sa kwarto ko?" 

Kaagad akong napaikot paharap sa taong nagsalita... it was Dylan while tossing his serious stare at me.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro