Chapter 25
"Hindi ko alam," ang tanging nasabi ni Dylan habang siya ay tulala rin sa bagay na hawak ni Alec.
"No offense meant, bro. Pero kasi, you owned this thing and, all of a sudden, nakita natin ito na nandito --- kung saan may ganitong nangyari.
I mean, walang ibang tao na pwedeng ituro kung sino ang may gawa nito... kung hindi ang nagmamay-ari ng bracelet na ito," sambit ni Alec while glancing at Dylan. "Bro, kung hindi ikaw, paano mapupunta sa lugar na 'to ang isang bagay na pagmamay-ari mo?"
I agree with Alec. There's no one who we should suspect about this matter except from the person who owned the bracelet --- which happened to be Dylan.
Maski ako ay hindi lubos na mapaniwalaan ang mga nangyayari, yet I don't want to jump into conclusion hangga't hindi nakakapagpaliwanag si Dylan.
"Choice niyo na kung maniniwala kayo sa akin," Dylan caught our attention when he told that. "Ang totoo kasi niyan, Magi, kaya kita nakitang nasa tapat ng elevator kanina ay palabas talaga ako para hanapin 'yong bracelet na bigay mo.
Sinubukan kong hanapin sa loob ng unit ko pero hindi ko talaga nakita, kaya lumabas na ako para sana hanapin sa campus, when I suddenly bumped onto you.
Noong nalaman ko na urgent ang pupuntahan mo ay ipagpapabukas ko na lang sana ang paghahanap." He looked down and his voice suddenly broke. "Kaya lang 'di ko inaasahan na dito ko pa 'yan makikita."
If Dylan was stating the truth... What the hell? Did someone plan this? Again?
"Now I know," Alec said. "Just like how Eli caught a glimpse of both of you kissing in the rooftop garden... obviously, someone set this up."
Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang unti-unting nag-s-sink-in sa utak ko ang lahat.
Her dirty tricks and plans are so childish and cheap. Sino pa ba ang gagawa ng ganitong ka-cheap na pakulo kung hindi si Trisha lang naman. She's trying to poke fun at us, and no doubt, she planned all of this para sirain ang tiwala ko kay Dylan.
"I trust you." I glanced at Dylan as I grinned at him. "Hindi ang kagaya ni Trisha ang kayang sumira sa tiwala ko sa iyo, Dylan. Her dirty games are nothing compared to the trust I have for you, and I'm rooting for you to not break it."
Tumawag si Alec ng mga pwedeng maglilinis sa libingan nina mama, and I just paid them cash in return.
Nang matapos ang paglilinis, I locked the gate and called for some person to secure the place. Wala na akong pakialam kung magtapon ako ng pera para lang may magbantay sa libingan nina mama, as long as I can assure that they are secured in that place.
I want them to live at peace, so I won't let anybody ruin that place… again.
---
"Bago kayo sumabak sa paparating na hell week, allow yourselves to enjoy for the meantime. Faculty members have decided to launch a special activity that is open for all students exclusively registered in our campus.
That means lahat kayo ay pwedeng mag-participate sa activity na 'to just to unwind your minds from bunch of requirements and activities na kakaharapin niyo next week." Our professor wears her wide smile while talking in front, cheerfully.
Mukhang exciting 'yong pa-activity kemerut nila, kaya lang 'di ko maramdaman sa katawan ko na na-e-excite ako. Para akong naging manhid nang 'di ko nalalaman.
"Alam kong atat na kayong malaman itong activity, kaya ito na nga!" na-e-excite nitong sambit. "It is what we call, 'Treasure Hunt!'"
Mas lalong lumukot ang kanina pang lukot kong mukha nang marinig ang sinabi ng prof. So, ano 'yon? Gagawin niya ba kaming si Jake in the Neverland?
"Kayo na ang bahala na humanap ng grupo niyo since by group ito. Minimum of 8 persons and maximum of 13 persons, only. Ang goal niyo lang naman ay matagpuan ang treasure chest, at kayo na ang panalo. Isang treasure chest lang ang paglalabanan n'yo pero mind you, pahihirapan namin kayo na makita 'yon.
There were clues na nagkalat sa campus and riddles or problems that you need to solve. Patalasan na lang ng memorya ang labanan kaya galingan niyo sa pagpili ng mga kagrupo.
Di naman required na sumali ang lahat, walang pilitan."
Woah? This is completely insane.
Tsk, hindi nila ako mapapasali sa ganiyan. Manonood na lang siguro ako kaysa i-stress-in ko pa ang sarili ko na mag-solve ng mga problems, tapos mamaya ang bubulaga pa sa iyo na problems doon, e tungkol pa sa Diff. Cal.
No way!
After she discussed the activity that will be held tomorrow, umalis na ang prof namin kaya nagsimula nang umingay ang classroom. They seem so excited about that activity, which I don't feel the same way.
"Oo naman, mukha ngang exciting!" rinig kong sabi ni Julia. "Go, ako! Tayo nang siyam ang grupo, goodluck sa atin!"
"Isali na natin sa team si Eli. Kahit ngayon lang, kalimutan muna 'yong issue," sabi naman ni Israel.
"Ayokong sumali," I said. "Hindi naman sa ayaw kong makasama si Eli, hindi ko lang talaga bet 'yong game."
"Buo na tayo, wala nang aatras. Na-contact ko na rin sina Alec at Harris kasi sila malupit sa ganiyan kaya wala nang aalis!" Julia said with authority.
"Hindi ko rin talaga bet ang ganitong adventure type of game, pero susubukan ko pa rin kasi mukhang masaya naman," Delancy said. "Sali na tayo, Magi. Kahit tumunganga na lang tayo basta sumali tayo, huh?"
I just rolled my eyes at them. Ano pa nga ba ang magagawa ko, e mukhang buo na ang desisyon nila. Anyway, buo na rin naman ang team kaya hindi na ako nag-protesta pa.
But one thing I want to object to is that they include Eli as part of our team. I'm against with it because, for sure, the atmosphere will become awkward between us.
Well, there's nothing I could do to eliminate Eli from the team because, majority of them have decided to include him, and temporarily, forgets about the issue between us. Wala naman na akong magagawa kundi ang mag-adjust na lang para hindi ako magmukhang tanga bukas.
"Oh, tama na! 'Wag naman sanang pang-byernes santo 'yang mukha mo. Aware naman kami na 'di ka sang-ayon sa pag-include namin kay Eli sa team." We're in the midst of sauntering to the cafeteria when Julia started talking. "Kaso ang rude naman natin kung hindi natin siya isasali. May napagsamahan pa rin naman tayo at parte siya ng DWEIYAH, 'di ba?"
"Legit," Delancy said. "Kung anuman 'yong nangyari sa nakaraan, pansamantala muna natin 'yong kalimutan kahit ngayon lang. Alam kong hindi ganoon kadali para sa iyo na kalimutan na lang 'yon pero kahit man lang sa pagkakataon na ito ay subukan mo."
Tumango ako at hindi na pinili pang magsalita. I find their excuses have sense, maybe I was just dumb enough to think na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang makisama kay Eli just like how we used to, before.
Hindi naman kasi kasing dali na magprito ng itlog ang pag m-move on, ang haba pa ng proseso bago siguro ako, totally, maka move on sa kanya.
"Si Dylan siguro ang magiging daan para maka move on ka na kay Eli." As we sat down on our table bitbit ang in-order naming pagkain, bigla 'yon sinabi ni Delancy. Muntik ko na tuloy malaglag 'yong tray na hawak ko.
"Why did you say that, all of a sudden?" I asked and started to eat my food.
"Because he came into your life in your mess," sambit niya kaya 'di ko na napigilan ang sarili na tingnan siya. "Real love doesn't meet you at your best, but in your mess.
Nang magsimulang gumuho ang mundo mo just because Eli turned around his back to you, Dylan was always by your side. Hindi man ako sigurado, but it's visible in your eyes that you find solace in his arms. Palagi siyang nasa tabi mo, handang ayusin ang buhay mo and prevents you to be defiant just because of the disaster that Eli gave to you."
Tumatak sa isip ko ang sinabi ni Delancy --- that real love doesn't meets you at your best, but in your mess.
Noong mga panahong tila pasan ko ang mundo dahil nagkaroon ako ng problema kay lola, si Dylan lang ang kaisa-isang tao na natakbuhan ko.
Noong panahon na uhaw na uhaw ako sa atensyon ni Eli dahil mas inatupag niya ang career niya kaysa sa akin, kay Dylan ko lang naranasan ang atensyon at pag-aalaga na hinahanap ko kay Eli.
And right after the truth came out, Dylan still chose to be by my side. Kahit ikasira man ng friendship nila ni Eli, he still choose me.
Ang manhid ko siguro para hindi ma-realize kung gaano kaimportante sa buhay ko si Dylan. He was too inestimable gem that I don't deserve to have.
"Kaya nga ipinagpaliban ko 'yong poot ko sa iyo no'ng nalaman kong ikaw pala ang muntik nang makapatay sa kapatid ko," si Julia naman ang nagsalita. "Bukod sa kaibigan kita, nakokonsensya rin ako kung magagalit ako sa iyo dahil lang sa nangyari sa nakaraan.
Mahal na mahal ka ni Dylan, at umabot na siya sa punto na hindi siya nakipagrelasyon sa kahit na kanino, kasi gusto niyang ikaw ang una at huli niyang pag-ibig. Saksi ako sa lahat ng iyon kaya mabilis din kitang napatawad, Magi."
I couldn't help but to be emotional dahil sa mga narinig ko kay Julia. Deadma na kung isipin man ng ibang mga estudyante rito na baliw ako while eating with teary-eyed. Hindi ko lang kasi talaga mapigilan na maiyak, kasi itong dalawa kong kaibigan bigla ba naman nag-drama.
"Pero sana ay mapatawad na rin ako ni Tita Ellen," nahihikbi kong sambit.
Julia pats my head. "Don't worry, ako nang bahala kay mama. Kung kailangan araw-araw ko siyang kulitin at suyuin na patawarin ka na niya ay gagawin ko para lang tigilan mo na ang pagiging iyakin."
Hinampas ko nga sa braso ang bruha. Wala na talagang pag-asa na magbabago ang ugali ni Julia. Mukhang habambuhay na talaga siyang maldita --- pero with a heart.
---
I speak without a mouth and hear without ears. I have no body, but I come alive with wind. What am I?
"Ano raw? Nakakapagsalita kahit walang bibig at nakakarinig kahit walang tenga?" pag-uulit ni Julia roon sa riddles.
We're here at our campus upang mag-feeling detective at hanapin ang treasure chest. Nagsisimula na kami by answering those riddles na nakakalat sa buong campus, and when we answered that correctly, ay makakakuha kami ng isang letter. We have to collect those letters at bubuuin iyon para malaman kung saang lugar nakatago ang susi, pati na rin ang treasure chest.
"Four letter words," sambit ni Alec.
"Pito?" Israel said. "Whistle yata 'yon sa english, e."
Sinubukan na i-input ni Alec 'yon doon sa parang screen ngunit mali ang sagot. Marami pa silang sinubukan na word hanggang sa magsalita si Eli.
"Echo," sagot nito. "We get a tiny hint about wind so, try to think broadly."
Napatango naman si Alec at iyon ang in-input niya. Woah, tama ang sagot kaya naman nakakuha kami ng isang letter, at iyon ay letter P.
I have cities, but no houses. I have mountains, but no trees. I have water, but no fish. What am I?
"Nakakabobo naman 'yan. Sino ba may gawa niyan? Kakausapin ko lang talaga!" umiirap na sambit ni Harris at nakita kong nakaupo siya roon sa may damuhan habang pumapapak sila ng chips kasama si Warren at Yuwi.
Wow, ang lakas magreklamo pero wala namang ambag. Akala ko ba magaling itong si Harris pagdating sa ganito? Bakit parang hindi naman?
"Mga senyorito, uso ang tumulong! Mag-isip din kayo, aba!" sigaw ni Julia sa kanila.
"Papel siguro?" sagot ni Delancy.
"Three letters lang, e," Dylan replied.
"I knew it," sabi naman ni Alec at nag-input ng word roon.
MAP.
Tumama ang hula niya kaya naman nakakuha na naman kami ng isa pang letter. Letter A.
Unang letter ay P, sumunod naman ay A. Mukhang hindi pa sapat ang mga letters na nakuha namin, kaya we have to seek for more letters pa.
What word in the English language does the following? The first two letters signify a male. The first three letters signify a female. The first four letters signify a great. While the entire word signified a great woman. What is the word?
"Seven letters," ani Alec.
"Brainstorming tayo, mukhang mahirap," Eli suggested. "Unahin muna natin 'yong two letters which signify a male."
"He," I answered.
Eli looked at me kaya ang inaasahan kong awkwardness ay naganap na. Agad akong nag-iwas ng tingin ngunit kay Dylan naman nag-landing ang tingin ko, which happened that he's also looking at me.
Corner, ah?
"Obviously, ang three-letter word which signifies a female is her, 'di ba?" Israel asked.
Alec nodded. "The word that signifies a great is called hero. Ang tanong naman, ano'ng tawag sa babae na bayani?"
"Heroine," Delancy answered.
Iyon nga ang in-input ni Alec at sa pangatlong pagkakataon ay tumama ang word na nahulaan namin. Sa pagkakataon na ito, we got another letter. Letter I.
At this moment, wala pa akong idea kung ano'ng word ang mabubuo namin sa mga letters na P, A, at I. No choice kami kung hindi ang magpatuloy sa pag-s-solve ng riddles.
Magsisimula na sana ulit kaming mag-solve ng riddles nang biglang makarinig kami ng tunog mula sa fire alarm. That means break muna sa pag-s-solve para pakainin ang sarili namin.
"Let's eat for a while!" ani Alec.
Imbes na sa cafeteria ay dumiretsyo kami ng labas ng campus para kumain sa isang restaurant na halos kalapit lang naman ng campus namin. For sure kasi ay dudumugin ang cafeteria ng mga feeling detective na kagaya namin dala ng sobrang gutom, kaya kami na lang ang mag-a-adjust.
"Ang taray natin, ah? Three-streak in a row, partida wala pa akong ambag niyan." As we sat ourselves down on the table we picked, Harris opened the conversation.
Can't expect na makikita at makakasama kong muli na buo ang DWEIYAH. Kaya naman habang hindi pa ako nauupo at busy sila sa pag-uusap, I secretly captured them a photo.
"Okay na nga na 'wag ka nang tumulong kasi baka malasin pa ang grupo natin!" asik ni Julia, habang ang ilan sa amin ay abala sa pamimili ng pagkain na o-order-in.
"Best seller daw nila ito, try natin?" Dylan asked, as he's sitting next to me.
Tinanguan ko na lamang siya as a response before I grabbed a cup of water in front of me. Nang hahawakan ko na 'yon, Eli just placed his hand on top of mine. Nagkatinginan kaming dalawa as he was sitting in front of my seat.
Agad kong binitawan ang baso. "Sa iyo na 'yan," sambit ko while my gaze stuck on the glass of water.
"Nauna mong hawakan kaya sa iyo na 'yan, love---" Napatigil siya sa pagsasalita at nang dahil sa sinabi niya ay tumingin ako. "I mean, Magi."
Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya upang mapigilan ko ang sarili ko na maiyak. Just like what Julia said, napakaiyakin ko. At ayokong masaksihan nilang lahat, including Eli, that soft side of me.
For Pete's sake, I don't want to cry anymore. Ayoko nang maging mahina sa harap nilang lahat.
"Back to the topic!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Dylan at ang mas ikinagulat ko pa ay nang akbayan niya ako bigla. "Sana kasi hindi pabuhat 'yong tatlo diyan, edi sana ngayon hawak na natin 'yong treasure chest." Obviously, he's pointing to Warren, Yuwi, and Harris.
"Pasensya na, bobo kasi ako sa riddles kaya di ako sumasali sa pagsasagot. Hindi nga ako sang-ayon na sumali rito, kayo lang ang mapilit," sambit ni Yuwi.
"Naniniwala naman akong kaya niyo na 'yan kaya hindi na ako nakisali. Baka kasi bulungan ko kayo ng maling sagot, ako pa sisihin n'yo sa huli," sagot naman ni Warren.
"Ahh basta ako, hindi ako pabuhat. Nananahimik ako kasi ayokong mapadali ang lahat. Kapag kasi tinulungan ko kayong magsagot, baka wala pang isang oras ay nahanap na natin 'yong treasure chest."
"Bright na bright ka talaga!" Dahil katabi ni Julia si Harris ay walang ano-ano'y tinampal niya ito nang mahina sa pisngi. "Sana 'yang kayabangan mo, gamitin mo sa pagsasagot, hindi 'yong puro ka lang salita riyan habang pinapanood kaming nahihirapan sa pagsasagot!"
"Nakikibasa ka lang naman ng riddles para kunwari may naitutulong ka," rinig kong sambit ni Israel.
Natawa kami sa sinabi ni Israel at sang-ayon din naman ako sa kanya. Napansin ko nga 'yon kay Julia at 'di ko na talaga sana i-o-open sa kanila, pero si Israel naman ang nagbida.
"Puro talaga kayo asaran, hindi na kayo nagbago," Alec suddenly said in between his laughs. "But kidding aside, 'no? Masaya ako na nagkasama-sama tayo ulit dahil sa simpleng activity ng campus. Though ang daming naganap, pero thankful ako kasi nakasama ko ulit kayo nang buo at kumpleto."
"Ubos na ba ang sama ng loob niyo sa akin?" Napasinghap ako nang magsalita si Eli. "Honestly, I had no plan to participate in this activity because I'm already aware that some of you don't want me to be part of this team. Alam kong may hindi sang-ayon, pero hinayaan niyo pa rin ako na makasama sa team na ito." Tiningnan niya kami nang isa-isa before showed us his fake smile. "Bakit?"
"Kasi kahit anuman ang mangyari, kaibigan ka pa rin namin, Eli," I heard Dylan speaking behind me. "Lahat naman ng tao ay nagkakamali ng desisyon sa buhay at lahat tayo ay ipinanganak na hindi perpekto. Nakasakit ka ng damdamin ng tao, oo… but that wasn't enough to turn our back to you."
"My apology sa nangyari last time," he added.
"True! Saksi ako sa tibay ng pagsasamahan ng DWEIYAH at ni minsan, hindi ko inisip na masisira kayo nang dahil lang sa isang babae.
I mean, normal lang naman sa isang pagkakaibigan na magkalamat dahil sa love, pero hindi 'yon sapat na dahilan para pati 'yong friendship ay talikuran niyo. Sa tagal ng pagsasamahan niyo, malabong masira na lang nang gano'n ang friendship na nabuo niyo through the years." At this moment, Delancy shared her thoughts.
"K-d-drama niyo naman! Nasa restaurant tayo at wala sa sinehan. Tantanan niyo ang kadramahan niyo!" Harris complained as he started eating his food.
"Hindi ka naman ni-r-required na makinig sa kanila, bro. Feel free na takpan ang tenga mo, huh?" Warren sarcastically uttered.
"O kaya lipat ka na lang ng ibang table para magkaroon ka ng peace of mind," ani Julia naman.
Hindi ko na lang sila pinansin pa at itinuon ang sarili sa kinakain. Kaya lang 'di ko magawang maging comfortable sa kinauupuan ko dahil pakiramdam ko ay nakatingin si Eli sa akin.
As I took a glance at him, hindi nga ako nagkamali. Our gaze met, once again.
"Don't ever think that the way I'm looking at you means that I'm still hoping for our relationship to work for the second time. Gusto ko lang tingnan ka because you've grown so much, Magi.
From being a withered rose, you've become an alluring rose with a gorgeous color combination in each of your petals." Lumayo ang tingin niya papunta kay Dylan. "All thanks to you, bro. Without you, this piece of rose wouldn't be able to find how beautiful she was."
"Hindi, bro," sambit ni Dylan. "Thanks to the pain you've given to her, because she learned to love herself even more, after suffering those wounds you've planted in her. People tend to be more exquisite after being hurt by someone they love, thanks to you."
I kept my mouth shut… and just smiled at Eli. Hearing him saying those words is the least I'm expecting him to do. It's beyond my expectation that Dylan and Eli are talking with each other like they used before… ngunit masaya akong makita silang unti-unti nang nagkakaayos. I want their friendship back… I want to see DWEIYAH get even stronger and bolder.
"Okay, tapos na ang palabas! Magbayad na tayo para matapos na 'tong pesteng activity na 'to. Gusto ko nang matulog," sambit ni Yuwi upang basagin ang ongoing movie ngayon sa table namin.
Pft.
Nagsitayuan na kami at si Alec na ang nagbayad sa lahat. Afterwards, we head back to the campus upang magbalik-aksyon.
"Be happy with him, Magi. So that I could be able to be happy, as well." Habang naglalakad ay biglang tumabi si Eli sa akin para lang sabihin 'yon.
I was about to respond when he immediately took a step away from me, palapit naman kay Israel bago ito akbayan. Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya dahil kahit papaano ay gumagaan na ang loob ko, but I think it's not the perfect time for that.
Hindi man naging maganda ang daloy ng pag-uusap namin ni Eli noong nakaraan, at least ngayon may nasabi na rin siyang maganda. Sana magtuloy-tuloy 'yon.
What four-letter word can be written forward, backward, or upside down, and can still be read from left to right?
"Four letters daw na kahit bali-baliktarin ay gano'n pa rin ang basa," ani Delancy.
"Teka, nakakabobo," rinig kong sambit ni Julia.
"Wait---"
"Noon," I answered. "Write it forward, backward or upside down, still it's the same."
"Exactly," Alec said as he inputted the word. We got the correct answer and that only means, nakatanggap kami ng isang letter.
Letter N?
"Ano nga ulit 'yong mga letters na nakuha natin kanina?" Dylan asked.
"P, A, I and N," Israel recited those letters that we've collected.
"Pain? May lugar bang pain dito?" naguguluhang tanong ni Julia.
"Nipa hut."
Nagulat ako ng magkasabay naming banggitin ni Eli ang kataga na 'yon. I'm not surprised 'cause that place was so precious for the both of us before. Sa kubo malapit sa HM building nagsimula ang lahat --- ang lugar kung saan nagsimula ang love story naming dalawa.
"Of course, alam nilang dalawa 'yan. Doon kasi sila unang naglandian," natatawang sambit ni Julia.
"Ipagpabukas niyo na lang 'yang asaran na 'yan! Tara na roon!" pag-aaya ni Harris at siya na nga ang nanguna para pumunta roon.
"Kung kailangan namang alam na natin kung nasaan ang treasure chest, tiyaka nanguna 'tong si Harris. Wala namang ambag sa pagsasagot ng riddles," bulong ni Israel.
Few seconds had passed bago namin narating ang kinaroroonan ng kubo. Ayokong i-deny ang totoong nararamdaman ko ngayon, dahil sa pagkakataon na 'to, nagsisimula na namang bumalik ang alaala kung saan kami unang nagkausap ni Eli.
Sa kubong ito ko siya natagpuan na natutulog ng mahimbing. It's his comfort place whenever he wants to be alone or he wants to be at solace. Tahimik kasi rito kaya payapa siyang nakakatulog. Nag-iba lang 'yon kasi no'ng minsang napadpad ako sa lugar na masasabi kong pag-aari niya, and that was when our love story started.
Siguro komportable kami sa isa't isa at same vibes din kami na ayaw ko rin sa maingay. Pero hindi ko hobby ang matulog.
Nagkasundo kami sa bagay na 'yon at ang kubo ang nagsilbing lugar kung saan nagsimula ang lahat, at kung saan magiging saksi rin sa pagwawakas ng isang librong hindi natapos isulat.
"Nakita ko na!" Iwinagayway ni Harris ang kamay na may hawak na susi.
Lumapit siya kay Warren at Yuwi na hawak ngayon ang treasure chest at iyon ay ipinasok doon sa lock upang mabuksan ito.
Some of our faces were full of excitement to witness what's inside the box---
"Ano 'yan?!" gulat na sambit ni Harris at sabay-sabay kaming napalayo sa kinalalagyan ng treasure chest.
Suddenly, I felt uneasy while looking at what's inside the treasure chest. It was some pieces of the skeleton of a human body.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro