Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

My eyes went wide. "A-Ano kamo?" I asked Trisha.

The smirk planted on her face still doesn't fade which add-up the annoyment I'm feeling right now.

Hindi ba talaga siya titigil sa kakangisi nang gano'n? Baka punitin ko na talaga ang labi niya para hindi na talaga niya maulit 'yan!

She steps forward and leans her face closer to me. "Kilala ko kung sino ang pumatay sa lola mo." 

"S-Sino?" At this moment, parang biglang nanghina ang mga tuhod ko sa narinig. 

Hindi man ako sure kung totoo ang sinasabi niya o pina-prank niya lang ako, e wala na akong pakialam. This time, I'm dying-hard to know the truth.

"Seek for yourself," 'yon ang huli niyang sinabi bago siya naglakad palayo sa akin.

Napabuga ako ng hangin habang pinagmamasdan ang impakta na 'yon na maglakad papalayo. Bakit nga ba umasa pa ako na magsasalita ang babaeng 'yon kung alam niya man kung sino ang killer ni lola? Of course, she wants me to suffer in hell before I uncover the truth.

That's why I hate that bitch. Bukod sa sulutera na, sadyang nakakainis lang din talaga ang buo niyang pagkatao. 

"Pero ano nga bang nalalaman ni Trisha?" I asked out of the blue.

Na-setup niya nga kami ni Dylan at pinagmukhang cheater kami sa harap ni Eli, kaya siguro kung iisipin ko man na kasabwat si Trisha sa pagkamatay ng lola ko, e hindi 'yon imposible na mangyari. Sa mukha pa lang ng babaeng 'yon, mukha ng kriminal.

It isn't impossible kung kasabwat siya o siya nga ang pumatay sa lola ko.

Pinagmumukha niya lang na alam niya kung sino ang pumatay sa lola ko, pero siya naman pala talaga ang salarin.

Wala namang kriminal na umaamin, anyway. 

"Lalim ng iniisip mo, ah?" I'm in the midst of walking to nowhere when I heard Yuwi's voice behind me.

I glanced at him seriously. "Can you lend your ears to me for a short time?" 

Hindi na ako nagulat kung kumunot man ang noo niya sa itinanong ko. Alam kong ang weird naman talaga kung basta-basta ko na lang itatanong sa kaniya 'yon.

"Sige."

My mouth formed an O-shape when I heard his response. He's not the type of person who will just easily allow others for him to be a listener. Lalo na't puro kadramahan lang naman 'yon. That's why I'm a little bit surprised when, all of a sudden, he's open to listen to my kadramahan.

"This is a very quick lang naman," panimula ko. "I found it odd when Trisha confronted me a while ago." 

"Ano ba 'yong sinabi niya sa iyo?"

"She knew who was the culprit behind my grandmother's death," I answered. "Our family lawyer contacted me para sabihin na hindi raw purely accident ang nangyari kay lola. That means someone killed her; at 'yon ang inaalam ko sa ngayon."

"Ang iniisip mo ba, baka involved si Trisha sa pagkamatay ng lola mo?"

I nodded. "Wala na akong ibang rason na nakikita kung paano niya makikilala kung sino ang pumatay kay lola, unless she's involved or she planned the assassination."

"Don't jump into conclusion agad, Magi. Kailangan mong makasigurado bago ka gumawa ng aksyon," he replied. "Posible naman ang sinasabi mo, pero hangga't wala kang hawak na ebidensya na magtuturo na may kinalaman si Trisha sa pagkamatay ng lola mo, o kung siya man ang pumatay, walang maniniwala sa iyo."

Yeah, indeed. He was right. Sa panahon ngayon, hindi maniniwala ang mga tao sa mga sinasabi mo, unless pakitaan mo sila ng ebidensya na sumusuporta sa claim mo.

And right now, that's what I'm lacking.

He walked away after that dahil tapos na raw ang five minutes na ibinigay niya para sa akin. Talagang inorasan niya ako kasi nga sabi ko sa kaniya, saglit ko lang siya na aabalahin.

Well, knowing Yuwi, his time was too precious to him. Ayaw niyang nasasayang lang sa walang katuturan 'yong oras niya, gano'n din 'yong laway niya. But eventually, kahit maikli lang 'yong oras ng pag-uusap namin ay nagpapasalamat ako dahil may sense naman 'yon, kahit papaano.

This time, I have to seek for a solid evidence na magpapatunay na si Trisha nga ang pumatay sa lola ko. She's now the person of interest dahil kahit wala pa akong ebidensya, alam kong may kinalaman siya sa pagkamatay ng lola ko.

I will make sure she'll lock herself inside the prison. She'll be able to spend all of her life being a prisoner just to give justice for my grandmother's tragic demise. 

---

"Sinasabi ko na nga ba, e! Kabisado ko na talaga ugali ng Eli na 'yon! Hindi naman kasi talaga pag-aaral ang dahilan kaya ka niya gustong kausapin. Ikaw lang 'tong si tangengot na naniniwala pa rin sa kanya!" As expected, nakatanggap ako ng lecture from Julia.

Instead of wasting my saliva just to respond to her, I remained my mouth shut. Inabala ko na lamang ang sarili sa pagkain ng burger, pretending like I'm not interested of whatever she will say.

"Hayaan mo na nga. At least nga hindi na nagtagal 'yong pag-uusap nila ni Eli, kasi si Magi na ang umalis," Dylan defended me.

"Yup, same thoughts," sagot naman ni Delancy while having a quality time sa boyfriend nitong si Warren.

They perfectly match with each other at ang sweet pa nilang tingnan. Siguro pati ang asin at ang patis ay lalanggamin dahil sa tamis ng pagtitinginan nilang dalawa.

"Tipid na tipid sa salita, Delancy? Ubos na ba laway mo sa kaka I love you mo riyan kay Warren?" Julia stated, exasperatedly.

"Pag inggit, pikit!" natatawang sambit ni Warren kay Julia at parang bata na dinilaan pa 'to.

"Bakit kasi maiinggit ka pa sa kanilang dalawa kung nandito naman ako?" At this moment, nagparamdam na ang kayabangan at pang-aasar ni Israel.

Julia looked at her, wearing her blanked expression. "So, what?"

"Bro, kung ako sa iyo, pumili ka na lang ng babae na hindi marunong magtaas ng kilay. Tigil-tigilan mo na kakasuyo riyan sa kapatid ko. Promise, hindi ka sasaya. Hayaan mo siyang tumandang dalaga."

Dylan just received a punch from Julia after saying that. "Hiyang-hiya naman ako sa iyo! Paano kaya kung bulungan ko si Magi na 'wag ka niyang sagutin para parehas na tayong tatanda na walang asawa? Ayaw mo 'non? Siblings goal." 

Nabitin sa ere ang dapat sanang pagkagat ko muli sa kinakain kong burger ng madawit na naman ang maganda kong pangalan. Nananahimik na nga ko rito at nakikinig na lang sa kanila, akalain niyong napansin pa ako.

"Malabo 'yan, 'no? Ipupusta ko lahat pati si Delancy, sure ako na magkakatuluyan 'yang dalawang 'yan," Warren said while chortling.

"Hoy, bakit naman pati ako ay ipupusta mo?" asik ni Delancy tiyaka pinalo ng mahina si Warren sa braso.

"Love isn't a gamble kaya tigilan niyo 'yan," I muttered. "There is still no assurement if I will open my heart again... for someone."

I forced myself to not look at Dylan, who was just sitting next to me. Ayokong makita kung anuman ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko.

Gusto ko lang naman magpaka-honest ngayon. Ayokong umasa siya sa isang kagaya ko na hirap pa rin talaga na mag move on. Ang dami namang ibang babae riyan na mas deserving para sa kaniya kaysa sa akin, and I want to let him see other girls rather than me.

"Pasimple ka niya nga talagang ni-r-reject, bro," rinig kong sambit ni Israel.

"It's not like that---"

"Okay," napahinto ako sa pagsasalita nang magsalita si Dylan. This time, I couldn't stop myself from glancing at him. "There's no problem with that, Magi. I've decided to court you dahil walang nagbago sa feelings ko para sa iyo hanggang ngayon. 

Niligawan kita kasi gusto kong tuparin 'yong pangako ko na once na malaki na tayo, I won't let this chance slide to, finally, court you. 

Kung iniisip mo man na kagaya ako ng ibang lalaki na titigil lang sa panliligaw sa isang babae just because that woman says there's no assurance kung sasagutin niya ba ang lalaki na 'yon o hindi, exclude me from them." Lumayo ang tingin niya papunta sa mga kasama namin. "I believe someone's willingness drives someone to court the woman they like or they love. 

May assurance man o wala, patuloy lang ang panunuyo hanggang sa magkalaman 'yong isang bote na butas ang ilalim.

Sa panliligaw, ang kahit anong bagay ay hindi sigurado. There comes the thing that you thought will impossibly happen, yet life made it possible." His gaze landed on me and smiled. "Kaya ano'ng dahilan para tumigil ako sa ginagawa ko? E, wala naman akong inaapakan na ibang tao."

Gustong-gusto kong bumitiw sa titigan naming dalawa ni Dylan pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Parang magnet ang mga mata niya kaya sobrang hirap para sa akin na humiwalay sa kaniya.

"Edi kayo na!" 

I came back to my senses when I heard Julia's ear-splitting voice. Buti na lang at nagsalita siya kundi baka tuluyan na akong matunaw sa mga titig ni Dylan.

Like what the hell? How come that I let myself stare at Dylan like that? Sirang-sira na talaga ang dignidad ko dahil sa kaniya. Hindi na ako magtataka kung pinagtatawanan man niya ako sa isip niya ngayon after I stare at him like that.

OMG!

"Tularan mo kasi si Dylan, Israel. Kung gagawin mo 'yon, baka bukas makalawa ay mayroon ka na ring girlfriend," ani Warren.

"Effective ba sa iyo 'yon, Julia---"

"Hindi! Ibang babae na lang ang ligawan mo kasi 'di pa ko ready sa commitment!" naiinis na talak ni Julia bago siya lumabas nang tuluyan sa cafeteria.

No lies, mukhang tatanda talagang dalaga ang isang 'yon. Kung hihintayin man niya na maging handa ang sarili niya para sa commitment, siguro siya na lang ang nag-iisang tao na nabubuhay sa mundo.

"Hanap ka na lang kasi ng ibang babae, Israel," Delancy uttered, laughingly.

It's the best thing to do, for me. Kaysa sayangin ni Israel ang effort niya para sa isang babae na hindi pa ready for commitment, ibaling niya na lang ang atensyon niya sa iba.

---

Right after we fed up our starving stomach, naghiwa-hiwalay na kami ng landas. 

Warren and Delancy went outside of the campus habang may mahigit isang oras pa ang vacant time nila pareho. However, Israel go to their classroom kasi may klase na raw sila at si Julia naman ay 'di ko malaman kung saan nagtungo after mag walk-out.

Now that I'm left with Dylan, awkwardness was our atmosphere. Hanggang ngayon kasi ay fresh pa sa utak ko lahat ng sinabi niya kanina, so I can't help myself but to felt awkward.

"Do you, perhaps, meet Trisha earlier?" We're in the midst of walking when he suddenly tackled that topic.

"Why did you ask?" 

"Nakita ko siya kanina sa may hallway, right after you went outside to meet Eli." 

Huminto ako sa paglalakad, at dahil napansin niyang huminto ako ay huminto rin siya. "Sinabi niya sa akin na alam daw niya kung sino ang pumatay sa lola ko."

His forehead creased. "What do you mean? 'Di ba aksidente ang nangyari sa pagkamatay ng lola mo?"

"Nakausap ko 'yong family lawyer namin and while he's investigating the case, he found something odd in the crime scene.

Upon his speculations, he was a hundred percent sure that there was 'someone' involved in the crime. Hindi aksidente ang nangyari, kundi may pumatay sa kanya."

Hindi ko alam kung may deperensya ba ang mata ko pero kasi bigla na lang nag-iba ang ekspresyon ni Dylan. He seems uncomfortable upon hearing what I've said and his face screams astounded.

"Is there any problem?" I courageously asked. "You seems not feeling well---"

"Nagulat lang ako sa sinabi mo," aniya at pinilit ang sarili na ngumiti sa akin. "What are your plans now?"

"May isang tao na akong pinagsususpetsyahan at humahanap na ako ngayon ng ebidensya para patunayan na totoo ang suspicions ko." 

"S-Sino ang taong 'yon?"

I glanced at him as my eyes were full of hatred. "Si Trisha," I replied. "Paano niya malalaman kung sino ang pumatay sa lola ko kung 'di siya involve sa crime, 'di ba? Malakas ang kutob ko na siya ang salarin kaya hahanap ako ng solid evidence para patunayan 'yon."

Suddenly, he held my hand. "Huwag ka mag-alala, Magi. Kasama mo ako sa laban mo, 'wag mong kalilimutan 'yan."

I managed myself to grinned at him before we proceeded sauntering to our classroom.

Right at this moment, I feel something odd. Those suppositions running in my head just slowly fade --- and are replaced by another. 

---

Just like what my friends told me to do, I just messaged Eli on his facebook account those files that he needed to study for our teaching demonstration for next week. Document files pa lang ang naibibigay ko kasi 'yong powerpoint presentation ay ginagawa ko pa.

And yes, ako lang lahat ang gumagawa. The only thing he have to do is to study his part para mataas ang grade na makuha namin. Wala naman akong choice kundi ang buhatin siya pagdating sa ganito, since alam ko naman na walang maitutulong si Eli sa akin due to his hectic schedule.

Wala naman akong reklamo roon since this kind of setup gave me freedom from a possible another interaction with him. Hindi nga naging maayos ang naging daloy ng conversation namin ni Eli last time, at hindi imposible na mangyari ulit 'yon kung hahayaan ko na magkaharap na naman kaming dalawa.

"Never again!" sambit ko at nagsimula nang gawin ang powerpoint presentation.

Medyo challenging 'to kasi marami-raming slides ang gagawin ko pero bahala na, keribels ko 'to. Ako pa ba?

Baka si Magi 'to, ang sinaunang babaeng marupok sa Pilipinas.

I was in the midst of designing the PPT na ginagawa ko nang marinig kong mag-ring ang phone ko. Without hesitation and looking at the screen, I answered the call.

"Why?"

[It's me, Alec,] he replied. [I called you just to let you know about the place where your family was buried.]

Napahinto ako sa ginagawa nang banggitin niya ang mga salitang iyon. "W-What do you mean?" I stuttered.

[Come over here, Magi.]

Agad kong ibinaba ang tawag at nagmamadaling lumabas ng unit ko. While waiting for the elevator to open, namataan ko si Dylan na papalapit sa kinaroroonan ko.

"Bakit parang nagmamadali ka yata? Saan ang punta mo?"

"Cemetery."

"Bakit?" tanong nito. "May nangyari ba?"

"Kaya nga ako pupunta roon para alamin kung ano ang nangyari," sambit ko. "Pero itong pesteng elevator na ito, e hindi nakikisama. Bakit ba ang tagal bumukas nito?" I raised my tone of voice out of frustration.

"Hindi talaga bubukas 'yan kasi under maintenance," he said and then he held my hand to enter another elevator next to the other one which is under maintenance.

Malay ko ba kasing under maintenance pala 'yon. Hindi ko na napansin kasi 'yong nakapaskil dahil sa pagmamadali ko. Pati nga 'yong mousepad ng laptop ko ay nakalimutan ko nang iwanan. 

"Ikaw, saan punta mo?" tanong ko kay Dylan nang malaman na kasama ko pala siya rito sa loob ng elevator.

"Sasama ako sa iyo," cool na sagot niya. "Mairita ka man sa akin 'cause I keep on tailing you, then go on. Basta hayaan mo lang ako na buntutan ka."

"I'm not saying any words nor expressing annoyed reactions," I said before I went outside of the elevator.

Sa parking lot ang diretsyo namin since naroon ang sasakyan ni Dylan. Good thing na kasama ko si Dylan ngayon dahil kung hindi, baka mamroblema pa ako kung saan ako sasakay. Ang dalang pa naman ng taxi nang ganitong oras.

"Tumawag kasi sa akin si Alec kanina at pinapapunta niya ko roon sa pinaglibingan nina mama. Kinabahan ako kasi baka may kung ano nang nangyari doon."

"Okay, I'll drive as fast as I can," aniya at talagang tinotoo ang sinabi niya. He really drove at the maximum speed of his car.

Hindi ko alam kung saan ako kakapit, kung sa upuan ba, sa handle ng pinto ng kotse, o sa---

"Sa kamay ko." He immediately searched for my hand before he held it so tight.

Hindi ako nakagalaw sa inuupuan ko dahil abala ko na pansinin ang puso ko na nagpapapansin na naman ngayon. Ang bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko, mas mabilis pa sa pagpapatakbo ni Dylan sa kotse.

'Gosh, when will he stop driving me crazy?'

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa sementeryo. Patakbo namin iyong pinasok hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan namamahinga ang mga mahal ko sa buhay.

One thing that caught my attention were those garbages na nakakalat sa paligid. May mga pintura rin sa mga dingding, ngunit ipinagpapasalamat ko na hindi nagalaw 'yong mga jar na kinalalagyan ng mga ashes nina mama.

"W-Who did this?" I asked Alec as I walked towards him. "Sinong demonyo ang gumawa nito sa libingan nina mama?!"

Hindi ko na napigilan pang pagtaasan ng boses si Alec. Tears are slowly falling down on my cheeks even though I keep on preventing myself from crying.

"Dumaan ako rito para dalawin ang puntod ng kapatid ko at nang madaan ako rito ay ayan ang bumungad sa akin." I can see in my peripheral vision that Alec glanced at me. "Magi, I'm sorry but I have no idea kung sino ang may gawa niyan."

I clenched my fist while it's shaking as hell. Galit na galit ako and I think anytime, I will explode like a ticking bomb.

"Wala naman sigurong kagalit ang pamilya niyo, 'di ba?" Dylan asked.

I shook my head. "Ang tagal ko nang nabuhay bitbit ang apelyido kong Serrano, pero walang nangyari na ganto," may diin na sambit ko. "Ngayon lang."

Hindi ko alam kung ano'ng dahilan ng tao na gumawa ng ganitong bagay. Ano namang mapapala niya kung dumihan niya nang ganito ang himlayan ng mga mahal ko sa buhay? 

"Imposible naman kasing napag-trip-an lang ng mga tao rito na dumihan ng ganito ang libingan ng pamilya mo. Walang duda, sinadya ito," Alec mumbled.

"Pero sino naman ang gagawa ng ganiyang bagay? Baliw ba 'yon?" si Dylan naman ang nagsalita.

"Mas baliw pa siya sa baliw," I said. "Tahimik na namamahinga ang pamilya ko rito tapos gagawin niya 'to? Have some mercy naman, 'di ba? Although kaya namang linisin ang mga kalat na 'to, pero bakit kasi kailangan pang gawin ito? Hindi man lang nirespeto ang lugar na 'to!" 

"Sshh." Dylan enveloped my body with his hug, and I left with no option but to cry on his shoulders.

"May isa pa akong napansin," Alec suddenly said as he walked towards the mess inside the burial area.

Napahiwalay ako kay Dylan sa pagkakayakap at tiyaka sumunod sa tinungo ni Alec. Mas lumaki ang question mark sa itaas ng ulo ko nang makita ang isang bagay na hawak-hawak niya ngayon.

He deliberately presented it in front of us. "Alam mo ba kung kanino 'to?"

Pakiramdam ko ay nanghina ang mga tuhod ko sa nakita. Napuno ng sangkatutak na katanungan ang isip ko, like bakit nandito ang bagay na 'yon? Paano 'yon napunta rito?

I unhurriedly glanced at Dylan's behavior and quickly scanned the bracelet placed on his hand before --- but I failed to find it.

"Be honest with me," I said. "Why is that bracelet I've given to you… here? Are you..." I stopped for a second as I felt a sudden cramps in my chest. "Are you the person behind this mess?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro