Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23

"Ano kamo? Hindi lang basta aksidente ang nangyari... kung hindi may pumatay sa lola mo?" 

I just nodded at Delancy as a response. I was about to grab a taxi when suddenly, nakasalubong ko si Delancy habang papalabas ako ng police station.

"That's what the lawyer said," I replied.

Once I finally catch who the culprit was, pagbabayarin ko siya ng todo. That person don't deserve a freedom --- kailangan niyang managot sa batas at bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni lola.

"What's your plan now?" 

I sip a cup of coffee before I mumble, "You know how much I hate reading mystery thrillers. Bukod sa nakakainis, nakakabobo pa.

But for the sake of my grandmother, in order to bring justice for her death, I will put my life at stake and do my best to seek that person who's responsible for her tragic demise." 

Deadma na kung saan man ako dalhin ng eagerness ko para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni lola. At this moment, I don't care about the probabilities of what could happen to me, as long as I will procure the justice I want.

"You have my support, Magi." Delancy placed her hand at my shoulder which caught my attention. "Tutulungan kitang hanapin at panagutin ang kung sinumang tao na pumatay sa lola mo. We'll do this together, Magi."

I pursed my lips. Thoughts are starting to swirl in my mind once again. I have to accept the fact that this time, my mind won't be at solace. Now I understand how mad Tita Ellen was of me, 'cause I finally put my feet on her shoes --- life had made me taste my own medicine.

Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang niya kagusto na makulong ako just to give justice for Dylan dahil muntik ko na siyang mapatay. When your loved ones are at stake or have died, all you want is justice for them. That's how I feel right now.

Right after our quick conversation, lumabas na kami ni Delancy roon sa coffee shop na pinuntahan namin upang makapag-usap. Pumara kami ng tag-isang taxi since our route were different.

Ngayong desidido na ko para hanapin at pagbayarin ang pumatay sa lola ko, ang tanong, paano ako magsisimula? Hindi naman ito simpleng hide and seek na may specific na lugar kung saan mo hahanapin 'yong isang tao na nagtatago sa iyo.

Sa sitwasyon ko, there's no specific place kung saan ko hahanapin ang taong 'yon. I have no leads either, kung ano ang pagkatao niya. 

It's like I'm finding the moon in a deep ocean floor.

---

I was a little bit exhausted nang makarating ako sa unit ko. Sumalampak kaagad ako sa sofa dahil sa sobrang pagod. Hindi naman ako nag-marathon kaya nakakapagtaka talaga kung bakit mas lanta pa ako sa gulay ngayon.

*sound of being starving*

Kaagad akong umayos ng upo nang marinig ang hinanakit ng sikmura ko. Tumungo ako sa kusina upang magluto sana pero naagaw ang atensyon ko nang dahil sa may nakita akong natatakpan na kung ano sa dining table.

I went to see what it was, only to see that it was a plate full of dishes. Korean dishes, to be exact.

I can't help myself but to smile. Kahit hindi ako manghuhula kagaya ni Rudy Baldwin, I am sure that these foods came from Dylan.

Okay, I admit. Ang swerte ko nga naman to have a neighbor like him.

"Sayang, 'di man lang ako nakapag-thank you sa kanya ng personal," I whispered before starting to eat these dishes in front of me.

No lies, ang sarap niya talaga magluto. He never failed to amuse me pagdating sa talent niya sa pagluluto. It's like he's a hundred and one percent prepared to have his own family.

"A husband material, indeed," I mumbled.

"Like legit?" Suddenly, someone enters my unit which interrupts me from eating. "Husband material ako para sa iyo, Magi?"

Hindi ko na inabala pa ang sarili ko na lingunin kung sino 'yon, 'cause the way he speaks says it all. 

"What the hell? Hindi ka ba naambunan nang kahit isang patak man lang ng manner? Hindi uso sa inyo ang pagkatok?" I asked, irritatedly.

"Kahit kasi kumatok ako, hindi mo maririnig. Hindi naman gawa sa kahoy 'yong pinto ng unit natin kaya 'di rin maingay kung kakatok," he replied while a smirk still planted on his lips before taking the seat in front of me. "Now your turn to answer my question, Miss Serrano."

"Don't act like I owe you an explanation." I just continued eating my food and pretended that I ignored his presence.

"Kailan ka pa nagsimula magsungit?" Even though I'm not looking at him, alam kong nakatingin siya sa akin nang nakakaasar. "Red days mo ba ngayon---"

"Cut the nonsense, will you?!" This time, I raised my voice out of frustration. "Kung ano-ano ang sinasabi mo, kitang kumakain ako."

"Okay," he mouthed and acted like he zip his mouth.

Hindi pa rin talaga nawawala sa katauhan ni Dylan 'yong pagiging makulit niya minsan. Ever since we were a child, ganiyan na siya. Napakakulit and he never failed to annoy me.

"What brought you here?" As I finished eating, I started to have a conversation with him. Just to eliminate awkwardness inside my unit.

"Ahh, ch-in-eck ko lang kung kakainin mo talaga 'yong pagkain na dinala ko para sa iyo." 

"I have no choice naman kundi ang kainin ang dinala mo since I'm not in the mood to cook for myself."

"Hindi ka lang marunong magluto. Kunwari ka pang wala ka sa mood," he whispered pero rinig na rinig ko naman ang pang-iinsulto niya sa akin.

"You're done insulting me?" I raised my left eyebrow tiyaka ko iminwestra sa kanya ang pintuan ng condo ko. "If you're done, you may leave my unit now."

Iniwan ko siya roon at naupo sa sofa bago paandarin ang TV. Akala ko ay umalis na siya kaya ikinagulat ko nang bigla siyang naupo sa tabi ko at nakinood sa TV.

"Talaga bang pinipilit mo ako na palitan ang passcode ng unit ko para lang hindi ka na makapasok dito?" 

"Hindi mo kaya, Magi. 'Wag mo nang subukan pang gawin." 

Inis akong umusod upang makalayo sa kaniya habang nakatutok ang atensyon ko sa TV. 

He's right, hindi ko talaga kayang magpalit ng passcode dahil kung sakaling makalimutan ko, e baka hindi na ko makapasok ulit sa unit ko.

"Eli was back to school dahil malapit na rin naman matapos ang school year."

My gaze landed at him. "Kung kailan pabakasyon na tiyaka pa nag-aral. Wow." My tone obviously screams sarcasm.

"He will be your partner para sa teaching demo natin for next week," he continued. 

"W-What?"

"Bakit kasi hindi mo gawing hobby ang pagbabasa sa group chat natin para updated ka sa nangyayari?"

Jusko naman, ang dami namang iba roon na pwede kong maka-pair, bakit si Eli pa? Hindi na talaga ako natutuwa kung nagbibiro man ngayon ang tadhana. This is suffocating! I wasn't able to stand this situation and be reunited again with him.

Ayoko na.

"Na-finalize na ni Ma'm Torres ang pairings kaya kahit mag-request ka na makipagpalit ng partner, hindi ka niya papansinin." What Dylan said startled me. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sobrang dismayado sa narinig.

"Why does it have to be him?" I irritatedly asked. "Ayoko na ngang magkaroon pa ko ng connection kay Eli, pero ano 'to? It feels like I'm putting my life again at stake just to pluck an alluring rose, neglecting the torns it has that may harm my fingers."

"Nandito lang ako sa tabi mo, Magi. This time, hindi ko na hahayaan pang masaktan ka ni Eli o mapaniwala pa sa mga sasabihin niya just to win you back." 

I glanced at him. "Don't," I replied. "Please, do not involve yourself in our issue. Ayokong dahil lang sa akin ay masira ang friendship niyong dalawa."

"Maibabalik pa ang nasira naming pinagsamahan pero ang puso mo, once na masugatan niya ay mahirap nang paghilumin, Magi." 

"But---"

He cut my words as he held my hand. "This is the perfect timing na makabawi ako sa iyo. We've been separated for a couple of years, and this is the least thing I can do for you. Let me handle this, okay?"

The only thing I did was to avert my gaze at him dahil sumosobra na siya sa kakatitig sa akin. He shouldn't be the one to make an effort for me; it should be vice versa.

He left afterwards dahil may gagawin pa raw siya. Sinadya niya lang talaga na ibalita 'yon sa akin kasi malamang, nasabi sa kaniya ni Julia na tamad ako magbasa sa group chat ng section namin.

Well then, let's get it on. Aware naman ako na hindi pang-habambuhay ang pag-iwas ko kay Eli. Darating ang araw na kailangan ko siyang harapin, at 'yon ang mahirap takasan. I just have to remain strong in front of him and prevent myself from letting him see how my composure breaked.

I am grateful na napagdaanan ko ang ganitong klaseng kalamidad. Eli just proved to me that actions prove who someone is, and words just prove who they pretend to be.

At this moment, hindi dapat ako magtiwala sa isang tao na puro salita lang ang alam. I want to make them reflect their words through their actions --- in that way, I will be able to believe in them.

---

"Handa ka na talagang makipag-usap sa kaniya, huh? Nako, Magi! Siguraduhin mo lang na hindi ka na rurupok sa kanya ulit. Kapag ginawa mo 'yon, kalimutan mo nang kaibigan mo kami!" gigil na bulong ni Julia sa akin habang naglalakad sa hallway.

I messaged her through chat na hintayin ako sa cafeteria para may kasabay kako ako na pumasok. Hindi kasi ako sumabay kay Dylan na pumasok ngayon since ang bagal niyang maligo. Kalalaking tao, parang babae kung kumilos.

"Kanina mo pa sinasabi 'yan, para ka nang boomerang. Memorize ko na nga 'yang line mo, gusto mo ulitin ko pa?"

She poked my forehead. "Masisisi mo ba ako? E, isa ako sa naging saksi kung ilan daang beses kang nagpaka-marupok diyan kay Eli. Magtiis ka kung paulit-ulit ko 'tong sinasabi, para din naman sa iyo 'to!"

I just rolled my eyes at her before I opened the door of our classroom. Nang makapasok ay muntik na akong mapahiyaw sa gulat ng madatnan ang mga kaklase kong sobrang tahimik. Para silang sinaniban ng anghel ni San Pedro kasi sobrang behave nila ngayon.

"Luh, ano'ng mayroon?" rinig kong tanong ni Julia sa tabi ko.

Nang lingunin ko ang pwesto ng upuan namin, nakita kong nakaupo sa likod ng upuan ko si Eli. Umupo siya roon sa dati niyang upuan, ni hindi man lang ako nirespeto. 

Pinilit kong 'wag mag-landing sa mukha niya ang tingin ko kaya kahit magmukha akong tanga na sa sahig nakatingin, e wala akong pakialam. Ayokong magtagpo ang mga paningin namin ni Eli dahil isa sa dahilan ang mga tingin niya para manlambot ang mga tuhod ko.

I'm worried that if I met his gaze, baka bigla na lang akong magtatakbo pabalik sa kaniya as I rewarded him a hug.

Geez. No way!

"Okay ka lang ba, Magi?" rinig kong tanong ni Delancy, all the way from the third chair.

Tumango ako. "Ang kinis kasi no'ng floor kaya tinitigan ko." 

Halos mamura ko ang sarili ko dahil sa napaka walang kwenta kong palusot. Ano'ng klaseng excuse 'yon? Kahit siguro kasingbobo ni Mary Lite ang kausapin ko, e baka hindi ako paniwalaan no'n.

"Si Eli pala---"

"Shh!" I cut her words. "Ayoko siya pag-usapan!" gigil na bulong ko kay Delancy.

Para man kaming tanga na nagbubulungan sa pwesto namin, e deadma na. Kitang nasa likod lang namin si Eli at kung ilalakas namin ang volume ng boses namin, to think na siya ang topic ng usapan, e ang rude tiyak ng dating no'n sa kanya.

Honestly, I'm not comfortable that Eli is around or his place is near me. Feeling ko kahit hindi ko siya tingnan, e nasa akin ang paningin niya. I understand naman if he's still expecting that our relationship still have a chance to work kasi wala pa naman kaming maayos na closure.

But yeah, why should I even think of that? Oo nga pala, nagkakamabutihan na sila ni Trisha kaya siguro moved on na rin siya sa akin. Ako lang itong si gaga na saksakan ng rupok na nakakapag-imagine pa nang gano'n.

Like duh? Am I trying to say na nag-e-expect pa ako na may chance pa ang relasyon namin?

Hell, no!

Ako 'to si Magi, at nangako ako sa sarili ko na hindi na ako rurupok ulit.

Periodt.

"Let's meet later, after the class. I have something to discuss with you." 

Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko nang marinig na magsalita si Eli mula sa likuran ko. His baritone voice screams formality. Ewan ko ba pero bigla akong tinayuan ng balahibo dahil sa boses niya. 

"O-Okay," I stammered.

Langhiya naman, halata masyado na kabado ako sa pagsasalita. Wala naman akong dahilan para kabahan but why am I acting like this? My whole system doesn't cooperate, for Pete's sake!

Hanggang sa discussion sa klase ay hindi ako maka-focus. Sino ba naman kasi ang makakapag-concentrate sa pag-aaral kung 'yong ex mo ay nasa likod mo lang? Tapos I have this feeling that he's staring at my behavior the whole class.

My god! My hallucinations got worse, 'no?

"You may now go. This class is dismissed," our professor announced before leaving the classroom.

I've seen that Eli started walking outside of the classroom habang ako ay nakadikit pa rin ang pwet sa upuan at walang balak na tumayo. He wants to talk with me to discuss something about school activities.

But why am I having second thoughts about meeting him?

"Hindi mo kailangang kausapin si Eli kung 'di ka pa ready. 'Di mo kailangang pilitin ang sarili mo," Dylan said as he tapped my shoulder.

"Oo nga naman. Kahit pa sabihin na about naman 'yon sa teaching demo natin next week, e kung 'di ka pa ready, pwede niyo naman pag-usapan through phone call," ani Julia naman.

Tumingin ako kay Delancy habang naghihintay sa entry niya.

She shook her head. "Makinig ka na lang sa kanilang dalawa kasi gano'n din ang opinyon ko." 

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumayo na lang sa inuupuan. "I will meet him, deadma na kung ano'ng mangyari.

At some point, hindi ko siya kayang iwasan na lang palagi. Rather to avoid him, kakausapin ko na lang siya." I smiled at them to assure them that I'm fine. "Don't worry, about naman sa pag-aaral ang pag-uusapan namin. Nagdrama lang talaga ako." 

I immediately turned my back to them when suddenly, Dylan spoke.

"Kung tungkol sa isyu niyong dalawa ang pag-uusapan, don't hesitate to leave him immediately. You came to him to discuss school stuffs, and 'yong personal issues niyo ay dapat nakasantabi." 

I looked at him. "I will."

Agad akong lumabas ng classroom upang hanapin kung saan nagtungo si Eli. Hindi niya naman kasi sinabi sa akin kung saan kami mag-uusap. Parang tanga.

Ngayon, saang lupalop ko kaya siya hahanapin dito sa campus? 

"What took you so long?" 

As I roamed around to look for him, nasa likod ko lang pala siya. Hinarap ko siya bago sumeryoso ang aking mukha. "Why do you even care?"

"Siguro pinigilan ka pa nila na kausapin ako kaya ka nagtagal. Gano'n na pala kasira ang image ko sa kanila nang dahil lang sa nangyari." Sadness reflects on his eyes while saying those words.

I looked away. Bakit ko ba kasi kailangan pang tingnan siya sa mga mata? 'Pag ako talaga rumupok na naman sa kanya, magpapakuha na ko sa anghel ni San Pedro.

"Masisisi mo ba sila?" I asked. "They all didn't expect that you would choose your past over your present. Maging ako ay hindi makapaniwala, but yeah, we didn't know when destiny mocked us, don't we?"

"You made me choose her, Magi," sambit niya ng may diin.

"We're here to discuss our teaching demo next week, right? Let's start para matapos na rin kaagad---"

Hindi ako natapos sa pagsasalita nang bigla niyang hawakan ng mahigpit ang magkabila kong braso. He did that to force me na tumingin sa kanya.

"Nang gabing 'yon, pinagmukha mo akong walang kwentang boyfriend sa iyo, Magi. Napahiya ako sa mga kapwa ko artista, pati na rin sa ilang fans nang magsimulang umugong ang balita that you betrayed me --- para lang ipagpalit sa kaibigan ko!

Hiyang-hiya ako sa nangyari, Magi! Wala na akong maiharap sa mga tao dahil lang doon. Nakaka-disappoint na hindi pa man kita naipapakilala sa mga tao... e, sa ganoong paraan pa nila malalaman na ikaw ang girlfriend ko."

I clenched my fist to stop myself from exploding. My tears are about to fall. For the nth time, mukhang 'di ko na naman malalabanan ang kahinaan ko.

"I hate to admit it but... denying you as my girlfriend benefited me. Huminto ang pam-b-bash sa iyo ng mga tao dahil sa issue, at sa tulong din no'n ay kahit papaano... nalinis ang pangalan ko. Nabura ang kahihiyan na nangyari dahil sa ginawa mo."

"Noon ding araw na 'yon, nakipagkasundo ako kay Trisha na para lang luminis ang pangalan ko ay handa akong ilabas sa publiko na mayroon nang namamagitan sa aming dalawa. Those photos that, I'm not sure kung nakita mo, were uploaded on social media… were all Trisha's plans. 

Scripted lahat ng nakita mo noong araw na nakita mo kaming magkahalikan, Magi. It was all for the sake of my image, kaya ko 'yon nagawa."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sampalin siya. "Ang selfish mo, Eli! Napaka-selfish mo!" umiiyak kong sambit.

Mabuti na lang at nandito kami sa likod ng building ng HM kaya wala masyadong estudyante ang nakakakita sa amin.

"Handa kang isugal lahat alang-alang sa career mo, huh? Para lang linisin ang pangalan mo, ginawa mo 'yon? Nasa tama ka pa bang pag-iisip, Eli?!"

"Sa totoo lang, hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Sobra mo akong sinaktan sa mga naririnig ko sa iyo. 

You took me for granted, aren't you?! All along, may utang na loob ako sa iyo for denying that I was your girlfriend para hindi na ako ma-bash... but yeah! Bakit ka nga ba gagawa ng isang bagay kung hindi ka rin naman makikinabang?"

Natawa ako ng bahagya. "Hindi ko akalain na ganyan ang magagawa sa iyo ng pangarap mo... to be a selfish person. You just proved me right for not giving you a chance."

"Kung hindi sana kayo gumawa ng gano'ng eksena ni Dylan, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito!"

"Sana sinabi mo 'yan kay Trisha!" galit kong asik sa kaniya. "Planado niya ang lahat, Eli! Pinlano niya ang lahat para pagmukhain na nagtataksil kami ni Dylan sa iyo. Obvious naman na ginawa niya 'yon para sirain tayong dalawa at gipitin ka!"

"Could you please stop mentioning Trisha's name here? Hindi siya involve sa nangyari kaya 'wag mo na siyang idawit pa, Magi."

I smirked. "Edi kampihan mo siya, Eli. Tutal, wala naman na akong magandang nagawa sa mga mata mo, edi kay Trisha ka na. Mukha namang masaya ka na sa kanya, then go."

Marahas kong pinahid ang luha sa aking pisngi bago ako tumalikod sa kaniya. Handa na sana akong maglakad nang bigla siyang magsalita.

"Umamin ka nga sa akin, mahal mo na ba siya?" His words stop me for a second. "Ang sakit lang na makita kang masaya sa ibang tao, tapos sa kaibigan ko pa talaga."

Nanatili akong nakatalikod bago nagsalita, "You owned your mind, so feel free to believe what you want to believe. I didn't owe you an explanation and even so, I couldn't control your mind." 

"So, totoo nga? Mahal mo na siya, Magi?"

"Hindi kita masasagot… pero ikaw ang una kong lalapitan once na sure na ko sa feelings ko. Ang focus ko lang sa ngayon ay burahin lahat ng feelings na nararamdaman ko para sa iyo, so that I could move forward."

Without further adieu, I started walking away from him. There's no reason para patagalin pa ang pag-uusap na 'yon kung tungkol lang naman sa isyu sa aming dalawa ang pag-uusapan. Just what Dylan said, umalis ako kaagad if it was about our issue.

In the midst of walking, may nadaanan akong isang kawal ng demonyo. She was smiling from ear-to-ear before she confronted me.

"Hi, Magi! Nakita mo ba si Eli? Susunduin ko sana siya e,---"

"Hindi naman ako na-inform na, from being artista, e naging yaya ka na pala ni Eli ngayon." I smirked at her. "Nandoon 'yong alaga mo, mukhang ininda yata 'yong sampal na ibinigay ko sa kaniya."

Lalagpasan ko na sana siya nang bigla siyang magsalita. "Don't belittle me, Magi. Hindi mo alam, hawak ko ang napakahalagang alas sa buhay mo."

Agad ko siyang nilingon. "What do you mean?"

Now she's turned to smirk gorgeously at me. "I know the person who's responsible for your grandmother's death, Magi."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro