Chapter 22
"Walanghiya ka! Pinagkatiwalaan ka namin nang buo tapos ito pa ang malalaman namin?! Ikaw pala ang matagal na naming hinahanap!" Tita Ellen stood up from her seat. "You should be ashamed of yourself!"
I let my tears fall down on my cheeks while I keep avoiding her solemn stares on me. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Dylan sa kamay ko, but it wasn't enough for me to calm myself down.
"Ma, sumosobra ka naman na. Hindi naman sinasadya ni Magi 'yon!" Dylan tried to defend me.
"Ano'ng hindi sinasadya?" Tiningnan ako ni Tita Ellen sa mga mata. "Malakas ang pagtulak sa iyo ng babaeng ito kaya ano'ng hindi sinasadya? Pwede bang 'wag niyo akong gawing tanga!"
"Kaya pala ang weird no'ng sinabi niyo sa amin na nag-d-date na pala kayong dalawa.
Kaya pala parang ang bilis ng mga pangyayari at biglang may something na sa inyong dalawa," Julia mumbled those words firmly as she glanced at me. "It was you... who almost killed Dylan, eleven years ago."
Even though I tried to avert my gaze on Julia, still I can't help myself but to look at her eyes full of hatred. Nasasaktan ako ngayon, ang sakit lang sa loob na magalit silang dalawa sa akin nang ganyan.
Tita Ellen was so precious to me and I used to treat her as my mother, back then. However, Julia was my friend for a couple of years kaya siguro ganito na lang ang bigat na nararamdaman ko ngayon.
It was just hard to endure the pain.
"Sinabi ko ito hindi para magalit kayo sa kaniya," Dylan suddenly talked while he's facing his mother. "Ma, gusto kong maayos na itong lahat. Kalimutan na lang natin 'yong nakaraan at magsimula na lang tayo ng bago. Pwede ba 'yon?"
"Anak, I can't let this slide. Kailangang pagbayaran ng babaeng 'yan ang kasalanan na ginawa niya. Muntik ka nang mamatay no'ng bata ka dahil sa kagagawan niya, tapos gusto mo na kalimutan ko na lang ang lahat?!"
"Kahit kaibigan ko si Magi, hindi 'yon sapat na dahilan para makaligtas siya sa ginawa niyang kasalanan.
Hustisya ang gusto namin kaya dapat lang na makulong siya," walang-emosyon na sambit ni Julia tiyaka ito kaagad na umalis sa dining area.
"Buhay naman ako, 'di ba? Hindi naman ako namatay kaya ano pang sense na pagbayarin niyo si Magi? Bata pa siya no'n, hindi niya pa alam ang mga ginagawa niya, ma!"
Hinawakan ko ang braso ni Dylan senyales na tumigil na siya. Wala rin namang mangyayari kung pakikiusapan niya ang mama niya at si Julia na 'wag akong ipakulong.
In order to bring peace of mind for them, I'm going to lock myself in the prison.
"Gawin niyo po ang gusto niyong gawin. Kung ang makulong ako ang paraan para matahimik na kayo at maayos ang lahat, sige po. Ipakulong niyo na ako. I'm willing to pay off the crime I committed."
"Magi---"
"Huwag mo nang hintayin na arestuhin ka ng mga pulis sa bahay niyo. Isuko mo na lang ang sarili mo sa kanila." Tita Ellen stood up at tiyaka kinuha 'yong strawberry cake na dala ko. "I just lost my appetite." Agad niyang itinapon sa sahig ang cake bago tuluyang umalis.
Wala na akong nagawa sa mga oras na 'yon kundi hayaan ang sarili ko na lamunin ng kalungkutan. My heart was filled with sorrow and pain while looking at Julia and Tita Ellen who had just turned their back at me.
Our bond in each other was inestimable but because of this huge revelation, everything just went upside down.
"Stop crying, Magi. Nandito ako para sa iyo, okay?" I heard Dylan mumble as I felt his arms wrapped around my body to give me a hug.
In his shoulders, I can find my comfort zone. There's only one thing I want to do, and that is to cry my heart out. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko, so I think it's time to ease the pain.
"Hindi ka pupunta sa mga pulis, Magi. Hindi ko hahayaan na makulong ka, okay?" He faced me with his somber expression. "Aksidente ang nangyari kaya walang salarin ang aarestuhin.
I think I own the decision kung makukulong ka o hindi, 'cause I am the victim."
"Kailangan kong gawin ito para maayos ang lahat, Dylan. I have to pay the consequences of my action... and that is to lock myself in the prison in order to bring justice to you."
He shook his head. "Matagal mo nang napagbayaran ang kasalanan mo na 'yon, Magi. Lumaki kang walang ama at ina, tapos ngayon mag-isa ka na lang at walang pamilya.
You didn't know but as you're growing up, you've already paid for the mistake you made when we were children. I think that's enough at hindi mo na kailangan pang magdusa sa kulungan."
Napaisip ako sa sinabi ni Dylan. Maybe he's right. Lahat ng pinagdaanan ko sa buhay as I grow up, I believe there were a reasons behind that. At siguro ito ang kaparusahan ko... dahil sa ginawa ko kay Dylan noon.
'I'm deserving of a slot to go to hell.'
"Mapapatawad ka rin nina mama at Julia basta maghintay ka lang ng tamang oras. You don't have to worry, I'm always by your side through your ups and downs."
I didn't reply, instead, I let myself be locked on his body.
---
As we headed on our campus, my mind was filled with bunch of questions sa mga nakikita ko sa paligid. Our field was surrounded with a lot of decorations, gayundin ang gymnasium.
It's kinda weird to glimpse at our campus like this, when in fact, there's no occasion happening.
Or baka mayroon?
"Is there any occasion?" I asked Dylan while we're busy sauntering going to our classroom.
"Wala rin akong idea kung ano'ng mayroon ngayon, e. Wala naman kasing announcement sa facebook page," he replied.
Napatango na lamang ako at tahimik na naglakad. Nang nasa hallway na kami, siniko ko si Dylan upang itanong doon sa dadaan na estudyante kung ano'ng okasyon.
"Miss, pwedeng itanong kung ano'ng mayroon ngayon?"
"Pa-event ng HM Department po. Late celebration daw para sa Friendship's day," sagot no'ng babae bago umalis.
Event for Friendship's day? Kaya pala ang bongga ng mga decors sa labas at mukhang 'di papakabog --- kasi gawa ng mga taga-HM.
But, why did they think of celebrating that occasion all of a sudden?
"May gano'n pala? Ipinagdiriwang pala ang araw ng pagkakaibigan?" Dylan asked in between his laughs as we continued going to our classroom.
"I didn't know either, na there's that kind of occasion, though. First time ko nga lang narinig 'yon, e," ang nasabi ko na lang while I'm still in deep thoughts.
How could I celebrate this day if I was in the midst of a serious war with Julia? Hindi naman siguro tama na kami lang ni Delancy ang mag-c-celebrate ng Friendship's day ngayong araw. Parang ang rude ng dating no'n kay Julia.
"Iniisip mo ba si Julia?" Dylan asked as we were about to enter our classroom. "Ako nang bahala sa kapatid ko. I will make sure you will enjoy this day together with your friends."
He gave me a genuine smile before we finally entered our classroom. Wala man akong idea kung ano'ng balak gawin ni Dylan, still, I want to trust him.
As soon as I sat on my proper seat, my gaze landed on Julia who was busy looking at her phone. Nananatili siyang walang kibo kahit na noong nakaupo na ako sa tabi niya.
Yeah, I have to deal with her. At least I tried my best to talk to her, 'di ba?
"Julia---"
"Hoy, Delancy, palit tayo ng upuan." Hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko sana ay bigla na siyang tumayo sa upuan niya at nakipagpalit siya ng upuan kay Delancy.
Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nasaktan sa ginawa ni Julia. I just can't control myself na maiyak na naman.
"She told me everything yesterday night," Delancy said as she caressed my back. "Nabigla rin ako sa nalaman na ikaw pala 'yong first love ni Dylan na muntik nang makapatay sa kaniya.
I was so sad, dahil doon kaya naiintindihan ko si Julia if she is still not ready to face you," she mumbled in a lower volume.
"I understand," I replied. "Gusto ko lang naman ipaliwanag sa kaniya 'yong side ko. But yeah, you're right. Maybe she's not yet ready to talk about everything."
Pero hanggang kailan kaya kami ganito ni Julia? Hanggang kailan tatagal 'yong cold treatment niya sa akin?
Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa klase at hinayaan ang sarili na makinig na lamang sa idini-discuss ng professor namin. But how much I tried to focus myself in the discussion, still, thoughts keep twirling in my mind continuously.
This is torturing me, literally. Para tuloy nakakapangsisi na naalala ko pa ang tungkol sa past ko. If at the first place, nalaman ko na magkakaganito, edi sana hindi ko na lang sinabi kay Dylan ang lahat. Wala sanang ganito na mangyayari if I just choose my mind over my heart.
It's like life offered me gold, but I plumped for a stone.
"Okay, you may now go.
Our class will be dismissed early in order for you to be part of the celebration of Friendship's day today. Sana lahat ay mag-enjoy ngayong araw, give yourself a reward kasama ang mga kaibigan niyong chismosa.
Class dismissed."
Nang makaalis ang professor namin ay kani-kaniya ng ayos ang mga kaklase ko bago lumabas ng classroom. Some of them are excited but some are not.
I, myself, don't feel any excitement in this event. Wala naman akong makakasama to celebrate this. Maybe Delancy was an option, kaso mas okay pa rin kung buo kaming tatlo na nagkakasiyahan sa araw na ito.
Patayo na dapat ako sa upuan when suddenly, I hear her talked.
"Stay," isang word lang ang sinambit ni Julia pero ang laking epekto no'n sa akin. "Ang hirap mong tiisin na hindi kausapin kaya go na, explain everything!"
Dala siguro ng sobrang tuwa ko ay napatakbo ako sa harap ng upuan niya at naupo sa harap niya. "Are you sure---"
"Kailangan ko pa bang ulitin ang sinabi ko?" she asked as she rolled her eyes at me.
Umiling ako. "Okay, I will explain everything." I let out a heavy sigh bago ako nagtuloy sa sasabihin. "Nalungkot ako kasi nagsinungaling si Dylan sa akin noong araw na 'yon. Ang buong akala ko ay mayroon pa akong isang linggo para makasama siya, pero bigla niya na lang ako s-in-urprise when he said they are leaving that day.
Nabalot ako ng sama ng loob that time, kaya hindi ko sinasadyang itulak siya nang malakas. I'm not aware that I pulled him that hard and I was so guilty when I saw him in the middle of the road --- naliligo sa sarili niyang dugo."
At this time, binaha na naman ng luha ang pisngi ko. Every time I recall those happenings in the past, I can't help but feel guilty. I'm such a bad person and I deserved every sorrow I experienced dahil sa kagagahan ko na 'yon.
"Wag ka ngang umiyak diyan, Magi! Baka akalain ng iba nating kaklase, e binu-bully kita. Aba, ayokong ma-guidance, huh!" aniya habang pilit akong pinapatayo at pinupunasan ang luha sa pisngi ko.
I smiled at her. "Guilty ako sa ginawa ko, so let me release my pain."
"Don't be feel guilty. Hindi mo naman 'yon sinasadya," rinig kong sambit ni Dylan. Ikinagulat ko pa nang nasa tabi ko na pala siya nang 'di ko namamalayan.
"But look, I'm willing to face the consequences of my actions. Although ayaw ni Dylan na gawin ko 'to, but I've made up my mind. Pagbabayaran ko ang kasalanan ko sa kulungan, Julia," I sincerely said.
"Magi," ani Dylan na halatang kontra pa sa akin.
"To be honest, no'ng nalaman kong ikaw 'yong sinasabi ni Dylan na first love niya, which happened to be the reason kung bakit muntik na siyang mamatay, 'yong eagerness ko na makulong 'yong gumawa no'n kay Dylan ay parang naglaho no'ng malaman kong ikaw 'yon." She held my hand after saying those words. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, Magi. Gaya ng sinabi mo, hindi mo sinasadya na gawin 'yon, so you don't have to do that.
Kung ang iniisip mo ay si mama, just give her time to think. Nabigla lang din 'yon kaya ka niya napagsalitaan ng gano'n. Makalipas lang ang ilang buwan, good shot ka na ulit sa kanya. Sa inyo ni Delancy, ikaw ang favorite niya kaya 'di ka matitiis no'n."
"Never ever think to surrender yourself kasi, in the first place, walang krimen na nangyari," Dylan said as he placed his arm around my shoulders.
"But---"
"Huwag ka nang humirit pa, Magi. At least nga hindi na nagtatampo si Julia ngayon, e. Ma-c-celebrate na rin natin ang friendship's day nang buo!" na-e-excite na sambit ni Delancy.
"Legit! Excited na nga ako kanina pa!" ani Julia naman.
I smiled. Buong akala ko ay tatagal ang sama ng loob sa akin ni Julia, but here we us, our friendship suddenly came back to normal like before. Kung anuman ang dahilan ni Julia para patawarin niya ako ay lubos kong ipinagpapasalamat.
"Maging masaya ka na lang sa nangyari ngayon," rinig kong sambit ni Dylan in the midst of our walk going to the field. "Gano'n siguro katibay ang friendship niyong dalawa kaya ang hirap sa kalooban ni Julia na makita ka sa kulungan."
Suddenly, a smile appeared on my face. After a couple of years that Julia and I shared a moment together, maybe that pulled herself back, so she didn't let me lock myself in the prison.
I was just so lucky to have a friend like her --- both Delancy and Julia.
As they say, out of seven billion people in the world, there was at least 1% of them who were considered to be true to you, nakatalikod ka man sa kanila o hindi.
The world might be polluted by thousands or millions of toxic people, but to find a true friend in this world is a blessing, indeed.
"Hala, ano 'to? Bakit niyo ako hinuhuli?!" I was alarmed when suddenly, two students are now arresting me at ipinasok doon sa isang kulungan na gawa sa kawayan.
Akala ko ay ako lang ang nandito pero ang mas ikinagulat ko ay nang makita rin si Yuwi sa loob.
"Bakit tayo nandito?"
"Naapakan mo kasi 'yong guhit doon," sagot niya habang itinuturo 'yong sahig na dinaanan namin.
There was a line drawn on it, at siguro 'yon ang bawal maapakan, or else they'll end up like us.
"Miss, paano namin sila mailalabas diyan? Kailangan ba namin magbayad?" rinig kong tanong ni Dylan doon sa mga humuli sa amin.
"Hindi po pera ang kailangan niyong ibigay," sagot no'ng isang babae.
"Ano?" Julia asked.
"Kailangan n'yo pong bumirit at dapat maka-score kayo ng 100 points para makalabas silang dalawa."
Sabay-sabay namin tiningnan ang kinalalagyan ng karaoke. Ang ibig sabihin pala, they should gained a perfect score para ma-i-release kami sa cell na 'to?
Isn't it possible?
"Hindi nga ako maka-100 kapag kumakanta ako sa videoke, e. Mukhang malabo naman yatang mangyari 'yon," bulong ko kay Yuwi.
"Itabi niyo, ako na!" Pumwesto si Dylan sa harap ng karaoke, pero bago magsimulang kumanta ay tumingin pa siya sa akin. "Para sa iyo 'to!" aniya at sinabayan pa ng kindat.
"Hindi niya alam ang ginagawa niya," sambit ko.
"You don't know Dylan," ani Yuwi kaya naman napatingin ako sa kanya. "Watch and learn."
Sinimulan ng kantahin ni Dylan 'yong kanta na napili niya. Halos mamangha ako no'ng nasa middle part na siya ng kanta kung saan kailangan niya talagang ibirit 'yon. All of us here was amazed by him kasi, for me lang, kahit wala akong alam sa pagkanta, e feeling ko lahat ng notes ay naabot niya.
Ang galing.
"You're a great singer, kuya! Ikaw pa lang ang una na naka-perfect ng score. Ang swerte ng haharanahin mo," puna no'ng isang babae habang in-a-unlock 'yong cell na kinalalagyan namin ni Yuwi.
Buti na lang kamo ay may itinatago palang galing sa pagkanta si Dylan. Kung wala siguro 'yang talent niya na 'yan, baka forever na kami ni Yuwi roon.
"Mapalad talaga si Magi." As soon as I was released from the cell, Dylan immediately grabbed my hand.
Umalis na kami sa lugar na 'yon at naiwan 'yong dalawang babae roon na kinikilig. Masyado naman kasing ginalingan ni Dylan ang pagbanat, kaya imbes na ako lang ang kikiligin, e pati 'yong dalawang babae roon ay kinilig din.
"Salamat sa pagiging tanga, Magi. Kung hindi ka pa nakaapak doon sa guhit, baka 'di na ko nakalabas sa inaanay nilang kulungan."
Ewan ko kung matutuwa ba ko kay Yuwi kasi pinasalamatan niya ko o maiinis dahil magpapasalamat na nga lang, e may kasama pang insulto.
"Sinasadya ko talaga 'yon," maang-maangan ko.
"Para lang talaga 'di masabihan na tanga e, 'no?" Julia said.
"Ssshhh! Saan ba pwede magpunta?" tanong ni Delancy.
We were surrounded by tons of booths and a lot of food stalls. Gusto kong magpunta sa booths but at the same time, I'm starving.
"Tara doon!" Nagtatakbo si Delancy patungo sa may gitna ng field.
Ano naman kayang mayroon doon?
"Getting to know your friends?" pabulong kong pagbasa roon sa tarpaulin na nakabalandra sa may tent na pinupwestuhan nito.
What does it mean?
"Yes po. We will be giving a question sa kada isa sa inyo and dapat masagot niyo nang tama. Related naman sa friends niyo ang questions namin.
Like ikaw po, Ate Delancy ay tinanong kita kung ano'ng fav food ni Ate Julia. Kapag nasagot mo po 'yon nang tama, may prize po kayo."
"Game ako!" na-e-excite na sabi ni Julia.
Lahat naman kami ay nag-join kaya nag-start na 'yong game. Though it was just a simple game, I believe it is worth the money.
"Kailan ang birthday ni Ate Delancy?" tanong no'ng babae kay Yuwi.
Napahimas si Yuwi sa kanyang baba bago sumagot. "February 27---" Napahinto sa pagsasalita si Yuwi nang mapansin kong sinesenyasan siya ni Julia. "March 27 pala."
Tumango naman si Delancy kaya naman nakuha ni Yuwi ang prize niya na isang tinapay. Aangal sana ako kasi nandaya sila, pero no'ng nalaman ko na tinapay lang ang prize, 'di bale na lang.
"Ano naman pong height ni Kuya Yuwi?" tanong naman no'ng babae kay Delancy.
Hindi ko alam kung bakit tumawa si Dylan sa tabi ko matapos ng tanong na 'yon. There's nothing funny naman sa itinanong no'ng babae.
Weird.
"Hindi ko alam," alangan na sambit ni Delancy.
Because Delancy failed to answer the question, she didn't receive a prize which is 'yong tinapay.
Nagpatuloy lang ang kasiyahan when Julia and Dylan proceeds to the moment of truth.
Dylan was asked kung ano raw ang favorite brand ng sapatos ni Julia and he answered Adidas... which is wrong. Ang totoo kasi niyan, hindi mahilig sa sapatos or any kind of shoes or rubber shoes si Julia.
However, when Julia asked who Dylan's girlfriend is now, all their gazes landed on me. As expected, my name was mentioned even though wala pa naman kaming label ni Dylan. But I just let it slide na lang and let Julia claim her prize.
I wasn't able to join the game kasi wala akong ka-pair. The girl said hindi raw pwedeng maka-dalawa ng laro ang isang tao kaya hinayaan ko na lang. We went outside of that place and headed to a photobooth, instead.
"Kanina pa namin kayo hinihintay rito, e," Israel complained as we got there. He's with Warren.
Aww, hindi buo ang DWEIYAH. Maybe Harris and Alec were too busy with their work. Si Eli naman, hindi ko na inaasahan na magpakita pa 'yon sa amin. Obviously, he's now enjoying his life with a different atmosphere.
"Kami muna nina Magi, huh? Tiyaka na kayo! Ladies first!" ani Julia at hinatak kami ni Delancy papasok doon sa loob.
Ang dami namin t-in-ake na pictures doon. Mayroong formal lang, naka-wacky and nagsuot din kami ng mga costumes na available sa loob.
Nang matapos kami ay sina Dylan, Israel, Yuwi, at Warren naman ang pumasok sa loob. Just like what we did, gano'n din sila.
"Mas maganda sana silang tingnan in one frame kung kumpleto sila," I heard Delancy said.
I agree with her. Until now, I wasn't given a chance to see the seven of them in one frame. Iisang beses lang nangyari na nakita ko silang pito na magkakasama, at 'yon 'yong araw na kakauwi lang ni Eli sa Pilipinas at nag-aya siyang lumabas.
Pati na rin pala 'yong pag-perform ng DWEIYAH sa anniversary party ng SGN... kaso isa na namang katangahan na hindi ko sila nakuhanan.
My fault kasi hindi ko man lang naisip na kuhanan sila ng picture kahit patago man lang. Malay ko ba kasing last na pala 'yon.
"Possible pa naman mangyari 'yon kung sana bumalik sa katinuan si Eli at layuan na niya si Trisha," ani Julia.
"Huwag na tayong umasa na mangyayari pa 'yon. Kasi ako, 'di na umaasa," bulong ko.
Nagtungo na ulit kami sa loob upang makapag-picture na kasama sina Dylan. Ang naging ayos namin ay dalawang by-two's at isang by-three. Sa kanan na part si Delancy at Warren at sa left side kami ni Dylan. Sa gitna naman sina Israel at Yuwi habang nasa gitna nilang dalawa si Julia.
Yes po, opo. Until now, 'yang tatlong 'yan ay finding pa rin sa kanilang 'the one.' Hoping for the best para sa kanila, LOL.
"May tag-iisa na tayong copy, huh? I-laminate niyo na tutal naman lahat tayo diyan ay mukhang tao," rinig kong sambit ni Julia.
Napailing na lamang ako sa kanya bago kami naghiwa-hiwalay ng landas matapos makalabas ng campus. Umaambon na rin kasi no'ng lumabas kami sa photobooth kaya 'yong mga nagkalat na booths ay nagsimula ng magligpit bago sila hampasin ng malakas na ulan.
Gusto ko pa naman sanang i-try lahat ng booths kaso 'yong panahon, ang KJ. Pangit ka-bonding, e.
"Hindi na muna ako sasabay sa iyo pauwi. May dadaanan pa ako, e," sabi ko kay Dylan tiyaka nginitian.
"Saan ka pupunta?"
"May dadaanan nga ako. Mag-t-taxi na lang ako papunta roon." Umalis na ako pagkasabi ko no'n.
Kanina pa talaga ako binabagabag ng konsensya ko. I won't let myself have the freedom, habang si Tita Ellen ay matagal nang humihingi ng hustisya sa nangyari kay Dylan.
Kung ako man ang nasa katayuan niya, I also wished someone should've pay for his/her crime.
As soon as I get inside the taxi, nagpahatid ako sa police station. Buo na ang desisyon ko, I will surrender myself.
Deadma na kung ikagalit man ni Dylan o ni Julia na ginawa ko 'to, but I think this was the right thing to do. Kahit saang anggulo pa tingnan, nagkasala ako. I was committed a crime kaya dapat lang na pagbayaran ko 'yon.
Nang makababa ako sa taxi ay dahan-dahan akong pumasok sa loob ng police station. I can feel that my hands are shaking, but I just ignored it and proceed to one of the police's table.
"Ano'ng kailangan mo?"
I gulped. "I-I commited a c---"
"Are you Miss Magi Serrano?" I wasn't able to continue what I'm trying to say nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
I turned to face him. "Who are you?"
"Ako ang lawyer na humahawak sa kaso ng lola mo."
Crinkle of suspicion formed on my forehead. "W-What do you mean?" naguguluhang tanong ko. "The death case of my grandmother was officially closed."
Inanyayahan ako nito na maupo sa may bench tiyaka marahan na tiningnan. "Would you like to reopen the case once again?"
"What's the sense? Bakit ko pa bubuksan ulit ang kaso? Unless... there's something dubious at the crime scene."
"Exactly my point, Miss Serrano," the lawyer said. "One thing is for sure, hindi aksidente ang nangyari. Hindi totoo ang unang claim ng mga pulis na dala ng sakit ng lola mo, which is Alzheimer's disease, that's why she forget to step kaya siya nahulog sa hagdan. For I believe... may pumatay sa lola mo, Magi."
My eyes widened. "Ibig mo bang sabihin, pinatay ang lola ko? P-Pero sino ang gagawa no'n?" At this moment, I can't let myself cry.
"That's our goal, Magi --- to catch the culprit."
I feel like I'm running out of air to breathe. It seems like the passageways of air in my body were blocked, so I can't breathe properly.
That's how this news affected my whole system.
All this time, I thought it was my grandmother's illness who took her life, but after hearing this, I just can't imagine how that person would do this kind of thing?
"Well then. Let's catch the culprit."
Maybe this isn't the perfect time to lock myself in the prison. Before I could be able to pay for the crime I committed a long time ago, I have to give justice, first, to my grandmother's death.
By hook or by crook, I will catch whoever the culprit was.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro