Chapter 20
I didn't even know kung bakit ko nga ba ginawa 'yon, but I felt my heart was satisfied because of that.
As I moved away from him after that embarrassing moment, his eyes were full of blithe while smiling at me from ear-to-ear.
"Why did you do that?" he asked me as his smile still didn't fade on his face.
Agad akong napaiwas ng tingin, ngunit ang sumalubong naman sa akin ay sina Warren at Delancy na nakangiti nang nakakaasar habang nakatingin sa aming dalawa ni Dylan.
"W-Why are you looking like that? Could you please close that fucking judgemental eyes of yours?!"
Naupo ako sa damuhan malayo sa kanila para sana iwasan na tuksuhin nilang dalawa, but knowing both of them, 'di talaga sila papaawat, e.
"May naaamoy akong malansa, sweetie. Ano kaya 'yon?" Inumpisahan na nga ni Warren ang panunukso.
Si Dylan naman ay nakita kong nangingiti lang sa tabi ng telescope habang nag-s-stargazing siya roon nang mag-isa.
"Nabigla rin ako, e. Teka, nasa sinehan ba tayo at nanonood ng isang romantic movie---"
"Tumahimik nga kayo! Ang sakit niyo sa tenga!" nagmamaktol na sambit ko. Kumuha na lamang ako ng chips upang kumalma.
Nakangising tiningnan ako ni Delancy tiyaka siya bumulong, "Ikaw, huh? May itinatago pa pala kayo sa amin! 'Yong totoo, ano nang ganap sa inyong dalawa? Kayo na siguro, 'no?"
Grabe, hindi ko na talaga kinakaya 'yong lawak ng imagination ni Delancy. How could she think like that? 'Yan siguro ang epekto sa kanya ni Warren.
"Si Dylan na lang ang tanungin natin," sambit ni Warren at tinawag na nga niya si Dylan na pumunta sa pwesto namin.
After that moment, hindi ko alam kung paano ako haharap at kakausapin si Dylan. It feels like I have done a lot of embarrassing moments with him --- and that was sufficient reason for me to stay away from him.
But how? Paano ko lalayuan 'yong isang tao na nakasanayan ko ng nasa tabi ko?
"Hindi ko rin alam kay Magi," rinig kong sagot ni Dylan while I caught him looking at me. "Nagugulat na lang ako sa mga ginagawa niya. Minsan, parang feeling ko type niya rin ako, minsan naman parang hindi."
All I did was to avert my gaze on him. I'm not aware that he feels that way whenever he's with me, and I'm not also aware that I make him feel that way.
Hindi ko naman sinasadya kung napapaasa ko man siya. It's just that my feelings were like the Wattpad community right now --- napakagulo.
As they say, action reflects our feelings or emotions towards someone. But in my case, I'm still uncertain. Bunch of things are twirling in my mind, which leads me to these unsure feelings.
"Malamang hindi pa siya totally moved on kay Eli," Warren said kaya napalingon ako sa kanya.
I heave a sigh. "Okay, I'll be honest with the three of you," nilakasan ko ang loob ko na magsalita at tiningnan sila isa-isa. "Honestly, a part of me still wants Eli to come back in my life. Gusto kong bumalik na lahat sa dati, 'yong kaming dalawa lang at may sarili kaming mundo.
Of course, it was hard na kalimutan na lang lahat ng memories ko kasama siya. There were times that I couldn't stop myself from missing him --- missing his hugs, his kiss --- I miss everything about him." I looked up at the sky and smiled.
"But I believe it was all part of the process. Just because I miss him doesn't mean I need him back in my life. I believe missing him like this was all part of moving on."
"Totoo na ba 'yan?" nang-aasar pang tanong sa akin ni Warren.
I just rolled my eyes at him. "Kapag talaga naka move on na ko kay Eli, 'di na kita papansinin!"
"Joke lang!"
I just laughed at him. Ang saya naming nagtatawanan nina Delancy at Warren, pero si Dylan ay nananatili lang na walang kibo habang nakatingin sa amin. His face was a bit serious compared before.
"Pero hindi mo na kami sinagot, Magi. Bakit bigla na lang kaming nakakita ng kissing scene kanina, huh?" Akala ko ay nakaligtas na ko, pero tinanong pa talaga ulit 'yon ni Delancy.
"Nabigla lang din ako sa ginawa ko," nakasimangot kong sagot tiyaka tiningnan si Dylan. "Sorry sa nagawa ko, Dylan. Kalimutan mo na lang sana 'yon."
"Why would I?" he asked. "Ibig ko sabihin, wala naman akong nakikitang mali sa ginawa mo kaya 'wag ka mag-sorry."
"Nagustuhan mo lang, e!" natatawang sabi ni Warren habang sinisiko si Dylan. "Kahit 'di mo sabihin sa amin, halata masyado na crush mo si Magi."
My eyes became wider nang sabihin 'yon ni Warren. I don't know but… my heart seems like racing a horse at the sheer speed of its throbbing. A part of me wants to believe Warren, while my other half wants to ignore what he said just now.
"Halata ba masyado?" Dylan replied as he looked at my direction, wearing his sweetest smile. "What's wrong if it is true that I like her?"
Narinig kong paimpit na napatili si Delancy habang pinapalo-palo ang braso ni Warren. "Kinikilig ako sa kanila---"
"Crush mo si Dylan dati, 'di ba? Ang supportive mo naman yata sa ex-crush mo?" natatawang sabi ni Warren.
"Dati ko ngang naging crush si Dylan, pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi na ko magiging masaya para sa kanya. Ang bitter ko naman kung gagawin ko 'yon," Delancy explained.
"Ibig sabihin ba niyan, nakuha ko na 'yong boto ng isa sa malalapit na kaibigan ng idolo ko?" He's referring to Delancy at ang napakabait ko namang kaibigan ay todo kung makatango kay Dylan.
Talaga lang, huh?
Dahil I feel uncomfy na, iniba ko na lang ang topic. "Both of you, could you please tell us how your love story starts? Nabigla na lang kasi kami no'ng malaman na kayo na pala, e ni hindi nga namin napapansin na nagliligawan na pala kayong dalawa."
Nagkatinginan silang dalawa. "Ikaw na magkwento sa kanila," sabi ni Warren kay Delancy.
"Ikaw na! Nahihiya ako magkwento."
"Sweetie, ikaw na. Kaya mo na 'yan."
"Nahihiya nga ako---"
"Itabi niyo, ako na ang magkukwento." Nasira ang pagtatalo ng dalawa nang umeksena si Dylan. "Ang totoo kasi niyan, hindi sila nagligawan. Nagising na lang sila isang araw na gusto na nila ang isa't isa kaya naging sila na kaagad."
Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon nina Warren at Delancy matapos mapakinggan 'yong sinabi ni Dylan. Alam kong masamang tawanan ang kapwa, pero kasi benta 'yong sinabi ni Dylan kaya kahit minus 10 ako sa langit, deadma na.
"Bro, kasyang-kasya ka roon sa telescope. Gusto mo bang doon ka na habambuhay tumira para kahit umaga, e makapag-stargazing ka?" pilosopong sambit ni Warren.
LT amp.
"Ako na nga lang ang magkukwento sa kanila ng lahat," ani Delancy. "Nag-start ang lahat no'ng araw na binigyan ko si Dylan ng cupcake. Naaalala mo 'yon, Magi?" Nilingon ako ni Delancy, so I nodded as a response. "Doon pa lang, alam ko nang wala na akong pag-asa kay Dylan. Hindi man niya sabihin pero, alam kong may something na siya for you."
I was startled by what she said. Ako kasi, hindi ko tiningnan na may kalansahan ang nangyaring 'yon. I just thought trip lang ni Dylan na kainin niya 'yong cupcake na kinagatan ko --- but for Delancy, it seems not.
"Hindi ako umuwi kaagad sa bahay no'n at dumiretsyo sa isang art museum sa kabilang kanto ng campus natin. Tapos doon kami nagkita ni Warren.
Alam niyo namang ni isa sa DWEIYAH ay wala akong kinakausap, pero si Warren, he insisted na kausapin ako, so sa kaniya ko nailabas lahat ng bigat ng nararamdaman ko.
Actually that time, masama ang loob ko sa iyo, Magi. Kasi kahit wala naman kaming label ni Dylan, e pinagselosan kita. Pinili kong 'wag na lang sabihin sa iyo kasi baka kung ano pang masabi ko at masira ang friendship nating dalawa. Kaya kay Warren ko na lang sinabi.
Thanks to him kasi, of all people, I couldn't believe I will find solace in his behavior."
"Kagaya ng mga napapanood natin sa movie, 'yong taong nag-comfort sa iyo at laging nasa tabi mo tuwing down na down ka, sa kanila pa mahuhulog ang loob mo.
At 'yon ang nangyari kay Delancy --- nahulog siya sa akin kasi expert ako sa pag-comfort ng babae." Warren winked at us, seems like he's so proud of himself.
Pinalo siya ni Delancy sa braso. "May purpose ka naman kung bakit mo ko c-in-omfort, e. Hindi ba't sabi mo, matagal mo na kong crush? Noong araw lang na iyon ka nagkaroon ng lakas ng loob na lapitan ako?" nakataas-kilay na tanong ni Delancy. "Ikaw, huh? Mukhang balak mo pang pagmukhain na ako 'tong baliw na baliw sa iyo. Hindi, 'no?!"
"Totoo pala talaga 'yon?" naagaw ang pansin namin nang magsalita si Dylan. "Edi may possibility na mahulog din sa akin si Magi, kasi ako 'yong nasa tabi niya when she faces her greatest downfall?" while asking that question, his eyes seems shining like a diamond.
Napasinghap ako sa sinabi niya. "Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay totoo 'yon. Depende rin 'yon sa tao."
"Magi, nakakahalata na ko sa iyo," dinig kong sabi ni Warren. "Pasimple mo yatang ni-re-reject si Dylan, e," he said while chuckling.
Warren suddenly stopped from laughing as we enveloped a deep silence. It's not like I'm rejecting him, but I'm just protecting myself with a probability of experiencing a heartache once again.
"Let's go home, shall we?" binasag ko na nang tuluyan ang katahimikan bago tumayo sa kinauupuan. "Gumagabi na rin kasi, nakakaramdam na ako ng antok."
Nagsitayuan na rin sila at nagtulong-tulong kami upang iligpit ang mga gamit bago sumakay ng kotse.
As I was about to lean my back on the backrest, naramdaman ko ang kamay ni Dylan na hinawakan ang ulo ko upang isandal sa balikat niya.
"Let yourself feel serene with the warmth of my body. Rest well, Magi."
I have no words to utter, thus I let myself lean towards him. My eyes were slowly closed as I started to imagine things that only in my dream could possibly happen.
---
"Sino ba 'tong kay aga-aga na nang-iistorbo ng tulog?" inaantok na bulong ko sa sarili habang kinakapa-kapa sa side table 'yong phone ko. "Hello---"
Rise and shine! 7 o'clock na!
Iminulat ko ang mga mata ko tiyaka tiningnan ng maigi ang phone. Akala ko kasi ay may kung sino na tumatawag sa akin, but it ends up that it was just only a fucking voice recording that serves as my alarm.
"Sino namang gago ang gagawa nito?"
Habang palabas ako ng kwarto ay patuloy ko pa ring iniisip kung sino kaya ang may gawa ng katarantaduhan na 'yon---
"Effective pala 'yong ginawa ko kasi nagising ka na." Nang makarating ako sa dining table ay naabutan ko si Dylan doon na naghahanda ng mga pagkain.
"W-Why are you here?" I asked and walks towards him. "Tiyaka paano ka nakapasok sa unit ko? Paano mo nalaman ang passcode---"
"Before you fell asleep last night, sinabi mo sa akin kung ano'ng passcode ng unit mo. Sinabi mong birthday mo 'yong passcode kaya ko nalaman," aniya tiyaka naupo sa upuan.
"Sinabi ko 'yon?" hindi makapaniwalang tanong ko at tiyaka naupo sa harap ng upuan niya. "I didn't remember anything after we assemble everything and go home."
"Antok na antok ka kasi kagabi kaya siguro hindi mo pa naaalala," aniya. "Palitan mo na lang 'yong passcode mo para naman mapanatag na 'yang loob mo."
"Kaya nga birthday ko ang ginawa kong passcode kasi mahina ako sa memorization. Ginawa kong passcode 'yon para 'di ko kaagad makalimutan tapos papapalitan mo lang sa akin?" Ikinain ko na lang 'tong sama ng loob ko since nandito rin lang naman ako.
In fairness talaga kay Dylan, he's good at cooking. Nakakahiya man aminin pero daig niya pa ako na magluto, pero ako itong babae. Parang nakakababa ng pagkatao na mas marunong siyang magluto kaysa sa akin, pero hindi ko naman kasalanang ipinanganak akong walang talent sa pagluluto, e.
"Sabi nila, the way to a man's heart is through his stomach. How I wish na sana totoo talaga 'yon."
Napatigil ako sa pagnguya dahil sa sinambit niya. Lumagok ako ng tubig tiyaka nilunok ang kinakain ko. "Hindi naman ako lalaki kaya 'di yan mangyayari," I said, obviously, to poke fun at him.
He chortled. "Gagalingan ko pa lalo magluto para wala ka nang dahilan para tanggihan ako."
"Are you serious?" My reaction turned to be solemn. "Why are you doing this, Dylan? Why are you making me believe that you like me? When in fact, that's not even sincere."
"Paano mo naman nasabing hindi ako sincere?" he replied. "Hindi naman kita pinipilit na paniwalaan ako, 'cause the only thing I want is to inform you that I like you."
"How about your first love? Hindi ba't hinihintay mo siya? Akala ko malapit na kayong magkita? So, what's the sense of pursuing me, when you're about to reunite with your first love?"
"Magi." He held my hand and smiled. "Do you believe that in every sentence we construct, there's an untold story?"
Kumunot ang noo ko. "What are you trying to say?"
"Malalaman mo rin kung ano 'yong untold story na 'yon about my first love. But I believe, it's not the right time for that."
Tumayo siya at nagtungo sa may kusina upang ituloy roon 'yong fried rice yata na niluluto niya. May niluluto pala siya pero pinabayaan niya lang para makipagdaldalan sa akin dito.
"I think you have to hear this!" rinig kong sigaw niya habang naghahalo ng kanin. "Always remember, do not ever settle for anybody who isn't hundred percent sure that you are the one.
Kung ayaw mong magsisi sa huli, do not settle for him. People tend to normalize na ang pagsisisi ay palaging nasa huli, pero hangga't kaya mong iiwas ang sarili mo sa isang bagay na pagsisisihan mo rin sa huli, iwasan mong gawin."
"Pero paano ko malalaman 'yong mga bagay na dapat kong iwasan?" bulong ko sa sarili at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.
It was so hard to prevent those things that will or will not harm you. May mga pagkakataon talaga that people made mistakes, at 'yon ang mahirap iwasan.
Love is like a gamble. Admit it or not, pero tayo rin ang gumagawa ng ikapapahamak natin. Tayo rin ang nananakit sa sarili natin kasi tayo lang ang may kakayahan na gumuhit ng kapalaran natin.
Kagaya ng sugal, sigurado man o hindi ay willing tayong magtaya para sa isang tao. Kasi mahal mo, e. Deadma na kung mapariwara, basta taya lang nang taya.
"May expected ka bang bisita?" rinig kong tanong ni Dylan.
"Baka si Delancy o Julia lang 'yan," I replied as I headed to my unit's door para buksan.
The arrival of Eli in my condo unit just blew my mind. How does he know where I am staying?
"What brought you here?"
"Allow me to come inside your unit?" He grinned at me. "Shall we?"
Papasok na sana siya nang harangan ko ang daraanan niya. "What's the sense if I will let you come in, kung pwede namang dito na lang tayo mag-usap?"
"Or else, baka may itinatago ka?"
"Bakit ka ba kasi nandito? Have you forgotten something to say? Then, go! Get straight to the point!"
"I want you back," he said at bigla na lamang siyang lumuhod sa harap ko. "Mahal na mahal kita, Magi. I am dying to have you back in my life.
Alam kong nagkamali ako at ang laki ng pagkukulang ko sa iyo, kaya sana bigyan mo ako ng chance na makabawi sa iyo. I will do everything para maibalik ang dating tayo---"
"Stand up," pagputol ko sa sinasabi niya. "Kahit lumuhod ka sa harapan ko at halikan ang paa ko, you won't be able to have me back to your life. I've made my decision, Eli… and it was final."
"W-Why? Wala na ba talagang pag-asa na bumalik ka sa akin?" As he stood up, nakita ko ang mga mata niya na naluluha na. "Isang chance lang naman ang hinihingi ko para maibalik ang lahat sa dati---"
"Sira na ang tiwala at pagmamahal ko sa iyo, Eli. Sirang-sira na, kaya wala nang pag-asa na maibalik ang lahat sa dati."
Mataman ko siyang pinasadahan ng tingin.
"Come to think of it, kapag nabasag mo ang plato, ano'ng gagawin mo para ibalik ulit 'yon sa dati? Is there an alternative way para maibalik sa dati ang nabasag na plato at pagmukhaing bago?"
"Magi, sino ba 'yan? Ang tagal mo naman yatang bumalik. Hindi mo pa inuubos 'yong kinakain mo, baka lumamig na."
Pareho kaming natigilan ni Eli nang magsalita mula sa likod ko si Dylan. And there he finally revealed himself to Eli.
Kaya nga 'di ko pinapapasok sa loob si Eli, kasi ayokong makita niya na nasa loob ng unit ko si Dylan, e.
"Ang dami mong reason, Magi. Ang sabihin mo, may ibang tao na ang nagpapasaya sa iyo ngayon." Ramdam kong nakatingin siya sa akin... pero hindi ko siya magawang tingnan. "Kaibigan ko pa talaga, Magi? Bakit?"
"Kung sana sa una pa lang ay inalagaan mo na at tinratong girlfriend si Magi, hindi ka sana masasaktan ngayon na kasama ng babaeng mahal mo 'yong kaibigan mo."
Akala ko ay susuntukin ulit ni Dylan si Eli, pero ipinatong lang niya ang kamay sa balikat nito. "Hindi mo pala kayang makita siya na hawak ng iba, edi sana hindi mo pinabayaan."
"Dylan, wala kang alam kaya manahimik ka na lang."
Dylan shook his head. "Marami akong alam tungkol sa kaniya kaysa sa iyo. Kumpara sa alam mo, ¼ lang niyan ang alam ko."
I suddenly felt his hand held my hand tiyaka ako hinatak papasok ng unit. Siya na mismo ang nagsarado ng pinto at hindi na hinintay pang makapagsalita si Eli.
Ito 'yong kinakatakot ko na mangyari. Baka ako pa ang maging dahilan para masira ang pagkakaibigan ni Dylan at Eli.
"Dylan---"
"Kung tungkol 'to kay Eli, 'wag mo na lang siyang banggitin. Hahayaan mo bang masira ang araw mo nang dahil lang sa kanya?"
"Layuan mo na ko, please."
His forehead creased. "Ano? Bakit ko naman gagawin 'yon, Magi? Hindi ako ang dapat lumayo sa iyo, kundi si Eli."
"Ayokong masira 'yong pagkakaibigan niyong dalawa nang dahil sa akin!" At this moment, hindi ko na napigilan pang maiyak.
"Mabuti nang wala na tayong connection sa isa't isa, gayundin ako kay Eli. I will forever be grateful for having you by my side when I faced my greatest downfall. But I think everything is destined to end."
Nagtatakbo ako papasok sa loob ng kwarto ko at agad iyong ini-lock. Narinig ko pang kumakatok si Dylan sa labas pero hindi ko siya inabala pang pagbuksan. Alam kong hindi siya titigil hangga't hindi niya nasasabi ang gusto niya, pero wala akong pakialam.
Ang ayoko sa lahat ay ang maging dahilan ako para magkasira ang isang magkaibigan. Ayokong masira ang samahan ng DWEIYAH nang dahil lang sa kagaya ko --- kaya ako na lang mismo ang lalayo sa kaniya.
Late na nang ma-realize ko 'to. Kung kailan namang malapit na sa akin 'yong tao tiyaka pa 'to nangyari. Sana noong una pa lang ay hindi ko na hinayaan pa ang sarili ko na mapalapit sa kaniya.
Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. At mahirap gawan ng paraan para iwasan ang mga bagay na sa huli ay pagsisisihan mo rin naman.
---
"Edi sige, ibibigay ko na lang itong bracelet ko sa iyo para may palatandaan ako na ikaw 'yan. Basta kapag malaki na tayo, hanapin natin ang isa't isa," sambit ng batang babae habang isinusuot ang isang bracelet sa kamay ng batang lalaki.
"Hahanapin talaga kita kahit ano'ng mangyari. Kapag nasa tamang edad na tayo, ipinapangako ko sa iyo na pakakasalan kita!" sabi ng batang lalaki. "Kaya mangako ka sa akin na gaya ko... ako lang ang lalaking magugustuhan mo."
"Oo, ikaw lang!" pa-cute na tugon nito. "Hanapin natin ang isa't isa..." Kinikilig man ang batang babae ay nagawa niya pang hampasin sa dibdib ang kausap niyang batang lalaki. "Crush mo talaga ko, 'no?"
"Simula pa lang no'ng nagkakilala tayo, crush na kita. Malandi man pakinggan kasi ang bata ko pa, pero na-attract na ko agad sa iyo. Ang cute mo kasi tiyaka sa iyo ko lang ito naramdaman.
Ikaw ang first love ko... kaya gagawin ko talaga ang lahat para makita ka ulit. Pangako ko sa iyo, ikaw lang ang una at huling babae na mamahalin ko."
Hindi maitago sa mukha ng batang babae ang kilig niya ngunit kaagad rin iyon nawala dahil sa sinabi sa kanya ng kausap.
"Kaya ko sinasabi ito sa iyo ngayon kasi ito na ang araw ng huli nating pagkikita. Ma-mi-miss kita!"
Kumunot ang noo ng batang babae at bakas sa mukha nito ang galit. "Akala ko ba sa isang linggo pa ang alis niyo?!"
"Napaaga kasi ang pag-book ni mama ng flight kaya ngayon na raw ang alis namin. Kaya nga kita inaya na mamasyal ngayong araw para masulit natin dahil nga---"
"Sinungaling ka pala, e! Akala ko may isang linggo pa ako na makakasama kita pero huli na pala 'to! Ang daya mo!" sambit ng batang babae bago nito itinulak nang malakas ang batang lalaki.
Kasalukuyan silang nasa gilid ng kalsada at dahil napalakas ang tulak niya rito ay nakarating ito sa gitna ng kalsada.
Saktong mayroong paparating na sasakyan.
Sa isang kisap-mata, nakita ng batang babae ang kasama niyang batang lalaki na naliligo sa sarili niyang dugo.
Agad tumakbo ang batang babae papalapit sa nakahiga na batang lalaki habang umiiyak. "H-Hindi ko sinasadya---"
"Sshhh. 'Wag k-ka nang umiyak.. K-Kalimutan mo na l-lang na may nangyaring g-ganito at… tuparin n-natin ang p-pangako natin n-na hahanapin n-natin ang i-isa't isa."
Agad akong napabangon sa kinahihigaan nang dahil sa panaginip na iyon.
Kaya ba pamilyar sa akin ang bracelet na suot ni Dylan, dahil sa akin mismo nanggaling 'yon?
At... ako ang batang babae sa panaginip na 'yon? Si Dylan 'yong first love ko?
Hindi ako pwedeng magkamali dahil… naaalala ko na ang lahat!
Agad akong lumabas ng kwarto, nagbabaka-sakaling nasa loob pa ng unit ko si Dylan ngunit wala na siya. Nagtatakbo ako palabas ng unit ko upang mag-doorbell sa unit niya.
Few seconds had passed before he finally opened the door. He revealed himself habang naka-sando lamang at nakasuot ng short, while his hair was still wet.
"Okay ka na ba---"
"I-I'm sorry." I cried in front of him. "Hindi ko sinasadyang gawin 'yon sa iyo..."
"Ano bang sinasabi mo?"
Tiningnan ko siya. "I was the reason why you bumped into a car, eleven years ago. That was all my fault so... I'm sorry!"
He didn't reply to me, instead, he pulled me closer to him to give me a hug. I can feel that he caresses my back while I'm still crying my agony out.
"At least natupad natin ang pangako natin na hanapin ang isa't isa... sa tulong ng tadhana."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro