Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Gustuhin ko man na iiwas ang tingin ko kay Eli ay hindi ko magawa. Gustuhin ko man na takasan ang mga tanong niya, ngunit para akong na-estatwa sa aking kinatatayuan.

I can't find the right word to say. What's clear in my mind is that I was startled when Eli totally found out about that confidential secret I used to hide from him.

But the question is, how did he know?

"I won't get any answer from you kung tititigan mo lang ako. Magi, I want the truth!" He raised his voice at me as a sign that he's slowly being irritated.

I let out a heavy sigh. "All of that was true. Na-diagnosed si lola na mayroong Alzheimer's disease at totoo rin na si Dylan ang kinikilala niyang apo.

That's why I proposed him a deal para sa isang fake relationship --- dahil ang alam ni lola, I was the girlfriend of her grandson."

His face screams disappointment. "What the hell? You fooled me, Magi!"

"We just pretended to be in a relationship, pero wala 'yong malisya, Eli! You know that since day one, I don't like Dylan's behavior and having an interaction with him was what I hate the most." Sa pagkakataon na 'to, nararamdaman kong nanggigilid na naman ang mga luha ko. 

"I left with no option kung di ang gawin na lang 'yon, alang-alang sa kondisyon ng lola ko. All I want is to keep her healthy at maging maayos ang kondisyon niya.

If Dylan was the key to make that happen, then I'll go for it even if I may look desperate."

Tuluyan na kong naiyak sa harap ni Eli, even how much I tried to pull myself to not cry in front. As much as possible, I don't want to let him see my weakness, but it was just so hard to fake myself.

"M-Magi," I heard him say that before I suddenly felt that he wrapped my body. "I'm sorry, I didn't mean to say all of that. Nabigla lang ako sa mga nalaman ko kaya I immediately jump into conclusion that right before I saw the both of you at the rooftop garden --- kissing passionately --- mayroon na talagang namamagitan sa inyong dalawa... and that you're deceiving me."

Lumayo ako sa kanya before I glanced at his behavior. "You know how much I love you, so I can't do that." I harshly wiped my tears away from my face. "That only means one thing, Eli. Hindi mo ko ganoong pinagkakatiwalaan, that's why you are easily manipulated by someone."

Tumalikod ako sa kanya and was about to walk away nang maramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. "Kaya ako nandito ngayon, Magi. I want to make things right. Could you please give our relationship a second chance?"

I gently unplugged his arms around my waist. "They believe that everybody deserves a second chance." I rotated my body just to face him and smiled. "But exclude me from them. Kasi ako, hindi ako naniniwala sa second chance, Eli.

Why should I waste my precious time just to spend it with someone like you? Our relationship was already done, at wala na akong nakikitang dahilan pa para maayos ito.

Tiyaka isa pa, isang katangahan kung hahayaan kong itama ang pagkakamali ng isa pang pagkakamali. Giving second chances depends on the person… kaya sana respetuhin mo ang desisyon ko na ito."

"Kaya pwede bang 'wag mo na akong kakausapin?" pakiusap ko. "Itinanggi mo na sa publiko ang relasyon nating dalawa, 'di ba? So, why are you still pestering me? Could you please stop?!"

"Ginawa ko 'yon para sa iyo!" He screamed. "Ayoko nang patuloy kang makatanggap ng hate comments at pam-b-bash ng mga tao dahil sa issue. 

Itinanggi kong girlfriend kita para humupa ang issue, Magi. I don't like seeing you suffering again... because of me."

"Kaya ginawa mo 'yon?" mahina kong tugon. "Nahinto nga ang pam-b-bash nila sa akin... but still I'm hurt. Nasaktan ako sa ginawa mo, Eli. Ang daming paraan para iligtas mo ako sa mga bashers! Pwede mo namang sabihin sa kanila na na-setup lang kami ni Trisha kaya nangyari 'yon---"

"Pwede bang huwag mo nang idamay si Trisha sa issue natin? Walang kasalanan 'yong tao, Magi!"

"Kung hindi mo rin lang ako kayang paniwalaan, siguro mas mabuting 'wag mo na ulit akong lalapitan." Pinanlisikan ko siya ng mata. "At 'wag ka nang umasa pa na hahayaan pa kitang saktan ako. Tapos na ang relasyon natin... tanggapin na lang natin 'yon pareho."

I was about to step my feet away from him when he mumbled. "Ano'ng pumipigil sa iyo para bigyan ulit ng chance ang relasyon natin? Ay mali! Hindi ano, kung di sino?" 

Pwersahan niya akong iniharap sa kaniya, only to see his eyes getting teary. "Do you love him, Magi? Akala ko walang malisya 'yon pero---"

Upang matigil siya sa pag-iilusyon niya ay sinampal ko siya. "Desiyon ko ito para sa sarili ko, hindi para sa ibang tao. Pagod na akong masaktan ng paulit-ulit, Eli.

Hindi mo lang alam pero mula nang piliin mo ang showbiz kaysa sa akin, para mo na kong sinasaksak ng itak nang paulit-ulit. Napakasakit para sa akin at labag sa loob ko na suportahan ka, pero ginawa ko pa rin kasi tanga ako, e.

Masyado kitang mahal kaya siguro... umabot na sa kasukdulan ang katangahan ko.

Pero ngayon, magpapaalam na ko sa katangahan ko dahil sisiguraduhin kong hindi ko na 'yon uulitin." Kahit rumaragasa ang luha mula sa aking mga mata ay mataman kong tinitigan si Eli. "All I want is a peace of mind. 'Yon lang ang hiling ko kaya sana ibalato mo na sa akin 'yon.

From now on, let's live our life in separate ways. Let's live our life as complete strangers."

What I hate the most is when I can't control my tears to fall down. Ayokong maging weak sa harap ni Eli, pero itong pesteng luha ko, hindi nakiki-cooperate sa akin.

It's quite hard to fake oneself as a strong one when you start as being fragile.

"Magi, ang tagal mo kaya pumasok na ko para i-check ka---"

Dylan wasn't able to finish his sentence when his eyes landed on Eli and I.

"Paalis na rin ako. Umuwi na lang tayo---"

"Long time no see, bro. Matagal na talaga kitang gustong makita para magawa ko na ito sa iyo, e," Dylan said at walang patumpik-tumpik na ginawaran si Eli ng suntok sa mukha.

Napasinghap ako sa nakita at sandaling hindi nakagalaw sa kinatatayuan. At ang mas ikinagulat ko pa, gumanti rin ng suntok si Eli kay Dylan --- tuluyan na talaga silang nagsuntukan sa harap ko kaya agad ko silang inaawat.

"Both of you, stop this nonsense! Huwag kayo rito mag-away!" Pinipilit ko na pumagitna sa kanilang dalawa pero itinutulak lang nila ako para maabot at masuntok ang isa't isa.

Seriously, ano nga bang magagawa ng isang kagaya ko na awatin sila?

'Edi aartehan ko!'

Patakbo akong pumuntang kusina tiyaka kumuha ng kutsilyo roon. Ito lang ang paraan para mapatigil sila kaya kailangan ko itong gawin.

"Kung hindi kayo titigil na magsuntukan diyan, gigilitan ko leeg ko!" lakas-loob na sambit ko habang nakatutok ang kutsilyong hawak ko sa aking leeg.

Effective naman 'yong act na ginawa ko kasi kaagad silang natigil sa pag-aaway at tumingin sa akin.

"Magi, don't!"

"Magi!"

Dahan-dahan kong ibinaba ang kutsilyong hawak at pilit silang pinaglayo. "Pwede bang 'wag kayong isip-bata? Tama ba namang magsuntukan kayo tapos dito pa talaga sa bahay namin? Nababaliw na ba kayong dalawa?!"

"Si Dylan naman kasi 'yong naunang sumugod."

"Deserve mo naman 'yon, bro. Gago ka kasi!"

"Shut up, will you?!" Tumaas na ang tono ng boses ko dahil na-h-highblood na ako sa dalawang ito. "Wala namang magagawa kung mag-aaway pa kayo. Hindi naman makakatulong 'yan para ibalik ang lahat sa dati. Nangyari na ang nangyari kaya dapat tanggapin na lang natin 'yon."

"Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko---"

Kinuha ko ang kutsilyo na hawak ko kanina at ibinigay roon sa dalawa. "Huwag kayo magsuntukan, magsaksakan na lang kayo para mabilis ang laban."

After saying those words, agad akong lumabas ng bahay. Deadma na kung gawin talaga nila 'yong sinabi ko --- pero sana 'wag naman.

"Magi, wait!" I heard Dylan said behind my back habang habol ang hininga. "Galit ka ba---"

"How do you expect me to react, Dylan? Of course, nakakagalit na nagsimula ka pa talaga ng away. Naiintindihan ko naman kung magalit ka man kay Eli dahil sa ginawa niya, pero sana hindi ka na lang gumawa ng gulo," naiinis kong sambit.

"Nasugatan ka pa tuloy," mahinang bulong ko.

I can see in my peripheral vision that his gaze landed on me. "Heal me, Magi," he said in between laughs.

Umikot ang mata ko ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. "Mag-drive ka na lang. Gusto ko nang umuwi, okay?"

"Paano 'yong sugat ko?" He started driving but he's not yet done of driving me crazy dahil sa malandi niyang pagnguso.

"Sisihin mo ang sarili mo kung bakit ka nagkasugat. Kung 'di ka sana nakipag-away, edi sana makinis pa rin 'yang mukha mo."

Dumungaw na lamang ako sa bintana upang titigan ang kalsada. Kaysa naman si Dylan ang titigan ko, baka mapagkamalan pa niyang may gusto ako sa kanya.

Err.

"Ginawa ko lang 'yon para sa iyo. Alam kong mali na gumanti sa iba, pero ako 'yong tipo ng tao na hindi kayang tumayo na lang nang walang ginagawa. Deserve niya naman 'yon after everything he has done to you.

He made you suffer and make you experience to be in hell so, ang pagsapak sa mukha niya ay kulang pa. Buti nga 'yon lang ginawa ko, e."

I remained my mouth shut dahil wala rin naman akong masasabi. He was right in the first place, so why would I bother objecting to his opinion, when in fact, he's stating the obvious.

"Let me tell you this, Dylan." At this moment, I faced him. "Never stop being a good person just because you're surrounded by people who have bad attitudes. Kung anuman ang ginawa nilang masama sa iyo, be a good person so, you could be able to have a peace of mind.

Let them throw you a stone, but throw them a piece of bread in return. Let them start a fire but, think of a way to cease the fire.

Hindi magiging payapa ang mundo o ang buhay mo kung gagantihan mo rin sila. Hinding-hindi matatapos ang gulo kung patuloy kayong maggagantihan sa isa't isa."

"Ahh, kaya ba you're still having a second thought na gantihan si Trisha sa ginawa niya?"

I smirked. "Hindi naman tao si Trisha kaya exempted siya sa usapan. She deserved to experience how exquisite hell looks like."

---

"Aray, masakit nga!" daing ni Dylan while I gently put a cotton with alcohol on the wound on his face. "Dahan-dahanin mo kasi, medyo mahapdi."

"Edi dahan-dahan," ani ko at pinigaan ng alcohol 'yong mismong sugat.

"Aray!" hiyaw niya at kaagad na lumayo sa akin. "Nang-aasar ka ba---"

"Yan ang parusa mo dahil basta-basta ka na lang nanunugod," iiling-iling na tugon ko. "Ang lakas ng loob mo na manapak ng iba, pero sa alcohol ka lang pala iiyak." Lumapit ako sa kanya upang asarin siya. "Geez, disgusting!"

Palayo na sana ko sa kaniya nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa may batok ko at pwersahan akong inilapit sa kaniya. "I just want to protect you from the blades that attempted to scratch your soul, once again."

Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko ay ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Hindi naman mabaho ang hininga niya kaya 'di ako nagreklamo.

Ang weird lang kasi bakit parang mas gumagwapo siya sa paningin ko tuwing tinitingnan ko siya nang malapitan?

"G-Go away!" Malakas ko siyang itinulak at kaagad rin akong lumayo sa kanya. "I'm done cleansing your wounds kaya pwede ka nang pumasok sa unit mo. Gusto ko nang magpahinga!"

"Ang aga pa---"

"Get out, will you?!"

Agad siyang tumayo sa sofa at nagmamadaling lumabas ng unit ko.

"Tawagan mo lang ako kung nagugutom ka na, huh?" pahabol niya pang sabi.

Napaupo ako sa sofa dala ng sobrang panghihina. Habang tumatagal, mas lalo akong naguguluhan sa nararamdaman ko. Ang dami ko na ngang problema tapos dadagdagan pa ni Dylan.

Seriously?

Sa totoo lang, ang laki talaga ng pinagbago niya after that incident. He became sweeter and caring for me lately. Malayong-malayo sa Dylan na mayabang na nakilala ko noon sa venue ng wedding reception ng tita niya.

Maybe this was the thing that Delancy usually told me before. Kung mas kikilalanin ko raw si Dylan ay maiintindihan ko kung bakit niya ito nagustuhan.

No lies, napaka-sweet at caring ni Dylan. He's also a boyfriend material kaya siguro I am slowly being attached to him. I'm not saying that I totally like him, but I adore him for being that kind of person.

Whenever I feel like there's no one who would want to hear me, he's always right there to lend him his ears para lang pakinggan ako. That was a sufficient reason why I adore him this much.

---

Dis oras ng gabi ay naisipan kong lumabas ng unit ko upang mag take-out ng pagkain sa kahit anong fast food chain. Hindi ko na inabala pang katukin si Dylan sa unit niya dahil alam kong nagpapahinga na 'yon.

Sumakay ako ng taxi upang magpahatid sana sa may McDo. Few minutes had passed pero nasa loob pa rin ako ng taxi dahil biglang nagkaroon ng traffic. Hinintay ko na lang na lumuwag 'yon at tumingin na lamang sa bintana… nang biglang may nahagip akong pamilyar na babae sa labas.

Kaagad kong iniabot sa driver ang bayad at bumaba ng taxi upang puntahan 'yong babae.

"What the hell are you doing, Delancy?" I asked while looking at her.

She's a total mess. Ang gulo-gulo ng buhok niya habang mayroon siyang hawak na mga artworks na hindi ko alam kung para saan.

Umupo ako to faced her. "What happened? What are these artworks? At bakit nandito ka sa labas nang ganitong oras?!"

She deliberately glanced at me while her eyes were getting teary. "Nagkasagutan kasi kami ni papa kanina dahil sinubukan ko lang naman isumbong si Lucy sa kanya. Pero hindi niya ako pinaniwalaan, Magi," umiiyak na tugon niya. 

"Pinalayas ako ni papa sa bahay at itinapon sa akin itong mga artworks na gawa ko. Ibenta ko raw para may makain ako kasi hinding-hindi niya na raw ako paaapakin pa sa bahay namin."

What the hell? How could her father do this to her? This is unbelievable!

"Tumayo ka riyan at sumama ka sa akin. Doon ka muna sa condo ko, huh? Kumain ka na ba?"

Tanging iling lamang ang naisagot niya. Inalalayan ko siyang makatayo at tinulungan na pulutin ang mga artworks na nakakalat sa gilid niya.

I stopped for a moment when she suddenly talked. "Hindi siguro magandang idea na sa condo mo ako tumuloy, Magi. Good for only one person lang ang kada unit, 'di ba? Baka mareklamo tayo if you will let me stay at your unit?"

Oo nga pala, hindi ako pwede magpatuloy ng ibang tao roon kasi pang-isahan lang ang nakuha kong kwarto. Kung sana overnight lang si Delancy roon ay pwede, pero kung patutuluyin ko siya roon for a couple of days or weeks, I think she had a point.

"Sa bahay ka muna tumuloy. Ipagbibilin na lang kita kina Manang Yolly roon," I replied at kaagad na pumara ng taxi patungo sa bahay.

"Thank you, Magi," Delancy said which made me turn my gaze on her. "Nahihiya kasi akong tawagan kayo ni Julia kaya hindi ko na lang ipinaalam sa inyo ang nangyari."

"Kung hindi ko pa naisipan na lumabas ngayong gabi, malamang sa lansangan ka na natulog," iiling-iling na sambit ko. "Kaya please lang, if ever there's unwanted things happened to you again, allow us to inform. We can't let you live like this, okay? Promise me this won't happen once again."

"Okay," nakayuko niyang sabi.

Nang makarating sa bahay ay kaagad kaming bumaba. Ipinaalam ko kina Manang Yolly na dito sa bahay tutuloy si Delancy at ipinangako naman nila sa akin na aalagan nila si Delancy just like how they took care of me before.

At least ngayon, panatag na ang loob ko 'cause our Delancy is now in a safe place.

"What are your plans na? Hahayaan mo bang mabuhay sa kasinungalingan ang papa mo?" I asked Delancy while she's enjoying eating some food.

She looked at me. "Hindi ako papayag, Magi. Hahanap ako ng paraan para maniwala si papa sa akin at maibuking ko 'yong Lucy na 'yon.

Kung akala niya ay maglalaho na lang ako na parang bula sa buhay niya, pwes nagkakamali siya. Hahanap ako ng ebidensya na magpapatunay na niloloko niya lang si papa."

"Relax," natatawa kong sabi dahil gigil na gigil si Delancy habang hinihiwa 'yong steak sa plato niya.

"Tuwing naaalala ko 'yong masaya niyang mukha habang kinakaladkad ako ni papa palabas ng bahay, lalong umiinit ang dugo ko. Napakabruha niya!"

"Kumalma ka, okay? 'Wag kang mag-alala dahil darating ang araw na mabubuking din ang babaeng 'yon. Tandaan mo, walang sikreto na hindi nabubuking," I said.

'Yong sikreto nga namin ni Dylan ay nalaman ni Eli... kaya naniniwala na talaga ako na lahat ng sikreto ay nalalaman din kahit ano'ng gawin mong tago rito.

"Huh? Ano 'yong sikreto niyo ni Dylan na sinasabi mo?"

Nanlaki ang mata ko sa itinanong niya. Gosh, akala ko sa isip ko lang 'yon sinabi---

"Magi, ano 'yon?"

Napahinga ako nang malalim. "Tungkol kasi 'yon sa lola ko. Na-diagnosed ang lola ko na may Alzheimer's disease kaya hindi niya na ako naaalala. It turns out that she recognizes Dylan as her grandson, hindi ako.

Kaya ayon, nakipag-deal ako kay Dylan na magpanggap kami na mag-couple kasi ang alam ni lola, ako ang girlfriend ng apo niya na si Dylan."

"What? Kaya pala nakita ni Julia si Dylan na nasa bahay niyo?"

"Exactly," I replied. "But things between us have already done dahil wala na si lola. Wala nang dahilan para ipagpatuloy namin ang pagpapanggap."

"Does Eli know about this?"

I looked at her. "He finds out, just now." Yumuko ako upang iiwas sa kanya ang tingin. "Wala naman akong choice kung di ang sabihin sa kanya ang buong katotohanan. He understood why I did that, and afterwards..."

"Then what?"

"He's asking me to give our relationship a second chance."

"Magi, no way!"

"Syempre hindi ako pumayag. 'Di na ko ulit rurupok sa kagaya ni Eli, 'no?" I grinned. "Sumobra na ang katangahan ko kaya tama na, ayoko na."

"Mabuti naman kung gano'n. Ilang chance na ang ibinigay mo sa kanya. Hindi yata siya marunong magbilang kaya akala niya, pang-second chance lang ang hinihingi niya sa iyo. Sa dami ng chances na ibinigay mo sa kanya, baka hindi niya na mabilang."

Saktong lumalagok ako ng tubig nang masamid ako tiyaka umubo-ubo. "What the hell, Delancy? Hindi magandang biro 'yong umiinom ako tapos bigla kang magpapatawa riyan," naiinis kong sabi.

"Hindi naman ako nag-j-joke---"

"Whatever! Tapusin mo na 'yang kinakain mo at matulog ka na rin pagkatapos, okay?"

"Okay!"

Lumabas na ko ng bahay upang umuwi na sa condo ko. Nakalimutan ko nang gutom ako dahil kay Delancy.

Grabe 'yong pinagdaanan niya, nakakalungkot lang talaga. Kung magkakaroon lang din ako ng ama na kagaya ng kanya, na madaling mapaikot ng iba, 'di bale na lang. Okay na kong mag-isa, kahit papaano ay nagagawa ko ang gusto ko at walang kumokontra sa akin.

Pero kung si lola or si mama ang babalik sa buhay ko, ibang usapan na 'yon. Kung possible man na mangyari 'yon, I will welcomed them with open arms.

"What the hell, Magi? Things like that aren't possible to happen. Minsan ang imagination, hindi na rin nakakatuwa," I said at the back of my mind.

---

Since we have at least two hours before our class starts, Dylan has decided to have our breakfast at his aunt's coffee shop. Iyon 'yong tita nila ni Julia na ikinasal at naniniwala na kung sino raw ang makasalo ng bouquet of roses na hawak ng bride --- which is siya --- ay sila raw ang susunod na ikakasal.

Yeah, she's their aunt na may traditional mindset about weddings.

"Himala at napadpad ka rito, gwapo kong pamangkin?" iyon agad ang bungad nito sa amin bago kami pinaupo sa isang two-seater na table.

"Ayaw mo po ba, tita? Aalis na lang kami kung ayaw mo."

"Huwag na, baka mas lalong bumaba ang sale ng coffee shop ko kung aalis pa kayo." Tumingin ang Tita niya sa akin after saying those words. "Ikaw na ba si Magi?"

"Opo," sagot ko.

Wala naman akong pinagbago buhat no'ng nagpunta ko sa reception ng wedding niya, ah? Ang gara lang kasi ng dating sa akin ng sinabi niya, para eka ang laki ng pinagbago ko.

"Naaalala ko na! Kayong dalawa 'yong nakasalo ng bouquet of roses na hawak ko no'n, 'di ba?"

I averted my gaze sa sobrang hiya. Bakit ba kasi b-in-ring-up niya pa 'yong tungkol doon? Binabaon ko na nga sa limot, e.

"Opo. Pero parang hindi naman totoo 'yong pamahiin mo sa kasal. Hanggang ngayon, 'di pa rin nag-p-propose 'tong si Magi sa akin," I heard Dylan say while giggling.

"Tangengot ka talaga! Bakit si Magi ang hihintayin mo na mag-propose? Siya ba ang lalaki, huh?!"

Gosh! Paano ko ba sasabihin na walang proposal na mangyayari kasi wala naman kaming relasyon ni Dylan? Ahh, nakakainis!

"Speaking of proposal, alam niyo bang may celebrity na pumunta rito kahapon? Dahil nga roon ay na-featured pa ang coffee shop ko, e!" na-e-excite na pagkwento ng tita ni Dylan.

"Ano'ng connect no'n sa proposal?"

"Dito kasi nag-propose 'yong lalaki doon sa babae. Kilig na kilig nga kami habang pinapanood sila, pati mga customers ay kinikilig din sa kanila!"

Agad itong tumakbo sa counter at nang makabalik sa harap namin ay dala na nito ang phone niya at may video na ipinanood sa amin.

"Ito 'yon, e. Panoorin niyo 'to! Na-video-han ko sila kahapon. Promise, kikiligin kayo!"

Sabay naming tiningnan ni Dylan ang video at pinanood 'yon. Gano'n na lang ang gulat ko nang mapagtanto kung sinong celebrity ang tinutukoy ng tita niya.

"Will you marry me, Trisha?"

That's only a five word phrase but hits different when I heard it mumbled by the guy who I spent my whole life with, before.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro