Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

I've decided na ipa-cremate ang labi ni lola. In that way, I can still feel her presence beside me. Some of her ashes were filled in a jar and some of it ay inilagay ko sa maliit na jar na pendant sa kwintas ko. 

Manang Yolly and her company suggested na itabi ang jar, kung saan naroon ang ashes ni lola, sa puntod ni mama at ni lolo. Kaya rin ako nag-iwan ng ashes para ilagay sa pendant ng kwintas ko, 'cause still I want to feel that my grandmother never leave me.

Now, I was here in a cemetery upang ihatid sa huling hantungan ang kaawa-awa kong lola. Together with some of our household workers and my friends na sina Julia kasama sina Dylan. At least for now, I didn't feel that I was all alone. 

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos na matanggap ang nangyari. Parang kahapon lang ay nakikita ko pang masigla si lola, and all of a sudden, life would mocked me with this surprising gift that I've received --- yet I don't considered it as a gift. 

"Palayain mo na ang lola mo, Magi. Ang isipin mo na lang, kasama na siya ni God habang nakasubaybay sa iyo," Delancy said while caressing my back.

Dala siguro ng sobrang panghihina, kahit pilit na ngiti ay hindi ko magawa. Sa sitwasyon ko ngayon, isa lang ang gusto kong gawin at iyon ay ang magluksa. Another important person for me has officially bid her goodbye. 

"Si lola 'yong tumayong ama at ina sa akin dahil ako 'yong sanggol na minalas ipanganak sa mundo na walang kinagisnang magulang. Walang araw, linggo, buwan o taon na ipinaramdam niyang may kulang sa buhay ko --- ngayon lang ulit kasi tuluyan na niya kong iniwan." Tears are now falling down on my cheeks once again. 

"Now that she's completely gone, paano ako mabubuhay? Paano ko sisimulan ang susunod pang mga araw? Paano ako babangon mula sa pagluluksa sa pagkawala niya?"

"Hindi madali na kalimutan mo ang lahat, pero may isang bagay na natitira pa rin sa iyo at importanteng hindi mo kalimutan," Warren uttered. "Nandito pa rin naman kaming mga kaibigan mo para samahan ka sa pag-iisa mo. Hindi man namin matutumbasan 'yong pagmamahal ng isang tunay na pamilya, at least sa mga bagay na ganito ay pwede mo kaming takbuhan kung kailan mo gusto." 

"Oo nga, Magi. Kailanman 'wag mong iisipin na tinalikuran ka na ng mundo at wala nang sinuman ang handang samahan ka. Kung kailangan mo ng kausap, alam mo namang one call away lang kami, 'di ba?" Israel added.

Mas lalo akong naiyak dahil sa mga sinasabi nila. "Hindi ko alam ang sasabihin, kung di ang magpasalamat sa inyo dahil lagi kayong nandiyan para damayan ako. Thank you." 

"Tama na 'yan, 'wag na kayo mag-iyakan diyan. Kung sakaling nandito si Harris, baka pinalo na niya kayo sa pwet kasi iyak kayo nang iyak," balewalang sambit ni Yuwi. "Though kailangan naman talagang umiyak kasi libing ito pero 'wag naman sobrang tagal. Tipong isang patak na lang ng luha, e dehydrated ka na pagkatapos."

"Palibhasa wala ka kasing puso kaya hindi ka marunong umiyak at makiramay diyan!" singhal ni Julia kay Yuwi habang nagpupunas ng pisngi. "Ni isang patak nga ng luha mula sa iyo, e wala akong nakita. Tipid na tipid ka?!"

"Dito ka pa talaga mang-aaway, Julia? Hindi ka na nahiya sa mga taong nandito na nakikiramay. 'Wag ka ngang bastos," malumanay na saway sa kanya ni Dylan.

I just turn my gaze on my grandmother's jar of ashes na ngayon ay kasama na nina mama at lolo. 

'Tatlo na silang mga bituin na hahanapin ko sa langit.'

"You will forever be missed, lola," I whispered.

Literal, mas masakit pa 'to sa break-up. Kaya ko pa naman makapagsimula muli ng wala si Eli sa buhay ko, but living my life without my grandmother is the hardest thing to overcome. 

"Huwag kang panghihinaan ng loob, Magi. Hindi natatapos sa isang malaking unos ang buhay mo. Nasalanta ka man nito, but you have to keep going and live your life to the fullest. We're always here for you if you need assistance. Give us a call if you need someone to talk to," Dylan caught my attention as he said those motivational words towards me.

Ang dali para sa kanya na sabihin 'yon kasi wala naman siya sa sitwasyon ko ngayon. Ang dali na magbigay ng comfort sa iba kasi hindi niya naman naranasan 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon. 

Sabay-sabay kasing nangyari kaya imbes na mabawasan 'yong bigat na nararamdaman ko, mas lalo pang nadagdagan.

"I believe it will take time before this wound will completely healed. Magiging mahirap 'yong process na pagdaraanan ko, but I have to endure it. Hindi ko man alam kung ano bang karumal-dumal ang ginawa ko sa past life ko para parusahan ako nang ganito, but at the end of the day, things like these are happened for a reason."

Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan ko ngayon. Maaaring binigyan ako ng ganitong pagsubok ng tadhana para mas lalo akong maging matatag. 

These are my lessons that I have to learn to teach myself that life isn't all about being delighted… but also about enduring those challenges that will teach us how to be strong.

"May lakas ka pa talaga ng loob na pumunta rito? At talagang isinama mo pa ang impaktang 'yan?!" 

Naagaw ang atensyon ko nang marinig ang gigil na gigil na boses ni Julia. As I turned around to look kung sino ang tinutukoy niya, it was just Eli... at kasama niya nga si Trisha para siguro makiramay.

I just smiled bitterly. Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, I hate to admit it, but they perfectly fit in each other. They are absolutely a perfect match. Compared sa akin, a homeless woman at wala rin namang ipagmamalaki.

Nakakalungkot lang kasi bakit naman magkasabay pang nawala 'yong dalawang importanteng tao sa buhay ko? Pinilit ko naman na protektahan sila pero kapag tadhana na ang nagbiro, alam kong wala na kong magagawa pa roon.

"Condolences, Magi," Eli just told me while wearing his mourning face. "Pumunta ko rito kahit alam kong hindi niyo magugustuhan na nandito ako. But I just can't help kaya ako pumunta, kasi naging malapit na rin ako sa lola mo, e."

"Okay lang sana kung ikaw lang ang pumunta, pero bakit isinama mo pa 'yang Trisha na 'yan?" naiiritang tanong ni Julia.

"Bro, aware ka naman siguro sa mga nangyari, 'di ba? Hindi naman sa galit kami sa iyo, pero sana kaunting respeto naman para kay Magi," Israel said.

"Ang OA niyo naman! Sumama ko rito para makiramay rin. Bawal ba 'yon?!" 

Napasinghap kaming lahat nang biglang sampalin ni Julia si Trisha. "Wala sa mukha mo na marunong kang makiramay. Sa sama ng ugali mong 'yan, sino'ng maniniwala na alam mo kung paano magluksa?"

"Stop making a scene here, Julia. Nakakahiya sa mga taong nandito, oh!" Inawat siya ni Dylan by holding both of her arms.

"Wala naman kasing gulo na mangyayari kung sa una pa lang, 'di mo na dinala si Trisha rito, Eli," sambit ni Yuwi.

"No offense, Trisha. Pero kasi halos lahat kami rito ay masama ang loob sa iyo. Kaya pasensya na kung pakiramdam mo ay hindi ka welcome dito, kasi hindi ka talaga welcome. Sana next time, 'wag ka na ulit magpapakita sa amin," Warren said --- honestly, his words are quite offensive.

"Dapat lang talaga na 'wag na siyang magpapakita sa atin. Baka paandarin ko ang pagka-warfreak ko, baka umuwi ang babaeng 'yan na mata niya lang talaga ang walang latay!" again, nagsisisigaw na naman si Julia.

This time, I took action. Lumapit ako kina Eli at Trisha to face them both. "Leave this place immediately. I don't want to sound rude and to be honest, I appreciate your condolences." I faced Eli and managed to draw a smile on my lips. "Thanks for coming, but I think it's the perfect time to leave this place now. Magkaroon man lang sana kayo kahit kaunting respeto sa libing ng lola ko."

"I'm sorry," that's the only words Eli said bago sila tuluyang umalis ni Trisha.

Pansamantalang nawala 'yong galit ko sa kanilang dalawa, marahil apektado ako sa pagkawala ni lola kaya naubos na 'yong lakas ko na magalit sa kanila.

"Ang kapal talaga ng mukha na magpakita rito pagkatapos ng ginawa nila. Ganiyan ba talaga kapag artista? Mga makakapal ang mukha at mga walang kahihiyan sa katawan?!" 

Hindi ko na lang pinansin ang mga rants ni Julia dahil naka-stick kay Eli ang atensyon ko. Magsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal. We've been in a relationship for a long time at hindi ganoon kadali para sa akin na basta na lang siya kalimutan. 

But doesn't mean hindi ko siya makalimutan ay hindi ko na siya tuluyang kakalimutan. 

These feelings I have for him should be totally vanished as soon as possible --- 'cause I believe, there's no more second or third chance for our relationship.

---

"Magi, seryoso ka na ba talaga? Kaya mo na bang manirahan mag-isa or gusto mong samahan ka ng kahit sino sa amin?" nag-aalalang tanong sa akin ni Manang Yolly.

Kasalukuyang nasa living room kami ng bahay while I was preparing all my baggages, 'cause I've decided to leave our house temporarily. 

Naisip kong mas mabuting manatili muna ko sa condo habang fresh pa sa isip ko 'yong pagkawala ni lola. Staying here at home feels like torturing myself of those memories na kasama ko si lola… na walang-duda na iiyakan ko araw man o gabi.

"I will try to live as an independent person now. Kayo na ang bahala rito, and I promised that if the right time comes that I'm fully recovered from this complex happenings, I will surely get back to home." I grinned at Manang Yolly as I tapped her shoulders. "But for the meantime, let me leave this house. Basta magtiwala lang po kayo sa akin, kakayanin kong maitawid ang araw-araw nang ako lang mag-isa."

"Mag-iingat ka roon, hija," she replied while she was teary-eyed. I just gave her a nod before leaving the house.

Before getting inside the car, I quickly took a glimpse of our house. I will surely miss the feeling na nakatira ako sa isang bahay talaga. But for my own sake… at para na rin mapadali ang recovery ko, I have to leave my comfort zone.

---

They say after a rain comes the rainbow. Even though the clouds were dark, good things come to those who wait. Even the moon managed to shine through the darkness, therefore, people were able to do that, also. 

Gusto kong tingnan ang mga nangyari sa akin as my inspiration to keep going. Walang mangyayari kung patuloy lang akong magmumukmok at ikukulong ang sarili ko sa nakaraan. I won't be able to move forward if I'm going to prison myself from this nightmare.

"Hi, neighbor!" 

I was about to enter the passcode of my unit when suddenly, I heard someone speaking behind me. As I turned around to face him, it was just Dylan who was waving his hands at me blissfully.

My mouth formed an O-shape. "You're staying here, also?" I asked as I wandered towards him.

"Yes. I'm staying here… also," he replied while smiling at me.

I don't know if it is just me, or talagang masaya lang siya ngayon? What's with him at bakit parang ang optimistic niya?

"Okay." I nodded. "Good thing you're my neighbor." 

"Can I come in?" he asked as he smiled sheepishly. "I just want to have a little conversation with you." 

"About what?"

"Hmm, about random things?" 

As I finished entering the passcode, siya na ang nagbukas ng pinto at sinenyasan akong mauna na kong pumasok sa loob. His smile is still on his face, which makes me so uneasy.

"What makes you think na mag-condo na lang?" he asked bago naupo roon sa mahabang sofa.

Sumobra naman yata 'yong pagka feel at home niya, 'no?

"Gaya ng sinabi niyo, I have to move forward. I won't be able to do that kung mananatili ako sa bahay at patuloy ko lang maaalala si lola dahil sa mga memories na nabuo roon," I said as I sat on the single seater sofa. "Little did I know, living independently is quite hard. Pero nandito na ko e, kaya bahala na." 

"Sigurado naman akong kakayanin mo, e. Tiyaka 'wag kang mag-alala masyado dahil mayroon ka namang gwapong kapitbahay. Akong bahala sa iyo!" He winked at me and once again, his smile captivated me.

I immediately averted my gaze on him. "Alam mo naman na hihingi lang ako ng tulong sa iba when I badly need it. Pero kung hindi naman, you don't have to insist and do an action."

"Whatever you say." I heard him chuckling after saying that. He looks like a different person just now, or is this a kind of hallucination?

"You seem exhilarated, huh? Ano'ng mayroon at bakit masaya ka yata?" hindi ko na na-control ang sarili ko at nagtanong na ko sa kanya.

"Sabihin na lang natin na sa kabila ng mga hindi kaaya-ayang naranasan natin sa buhay, may maganda pa rin iyong naidulot." 

My forehead creased. "Was this about your first love? Nakita mo na siguro siya, 'no?" I teased him as I poked his flank.

He chortled. "Stop it, will you?" Tawa siya nang tawa kaya naman tumigil na ako. "Dahil na-mention mo na nga siya, feeling ko malapit ko na siyang makilala." 

Biglang nawala 'yong ngiti sa labi ko once I hear him told that. Siguro dahil nagiging malapit na sa akin si Dylan, kaya parang may impact sa akin 'yong sinabi niya. 

It's not like I don't want him to reunite with his first love. I just felt anxious kasi baka mabawasan 'yong time na nakakausap ko siya nang ganito kapag nagkita na sila ulit.

Alam kong ang weird ko pero kasi, 'yon ang nararamdaman ko ngayon. It's so uncomfortable.

"Ohh? I'm happy for you! Finally makikita mo na rin siya. Kaya pala ang positive ng energy mo ngayon, e." 

It was the opposite feeling of mine. Sorrow and grieving for my grandmother's death are what envelops my soul. Idagdag pa 'yong issue sa pagitan namin ni Eli na talagang ang hirap kalimutan. 

Patong-patong ang naging problema ko that's why I can't stand to be as optimistic as Dylan was.

"Kumain ka na ba? Gusto mo bang ipagluto na kita? Or sa unit ko na lang, kasi nakapagluto na ko? Welcome ka naman doon, Magi." 

I shook my head. "No need. Kaya ko namang magluto. I think you should go home na rin para makapag-rest ka na." 

He stood up. "Okay. Basta if you need help, alam mo na ang gagawin, huh?"

Tumango ako. "Yes. I will give you a call right away if I ever need your help." Inihatid ko na siya papalabas ng unit ko bago ako dumiretsyo sa kusina.

I opened the refrigerator kaso mga meats pala ang naroon. 

Honestly, hindi naman talaga ako marunong magluto. Ang alam ko lang na iprito ay hotdog at itlog, tapos 'yon pa ang hindi ko nakita na nasa loob ng ref ko.

Tumingin ako sa cabinet kung naglagay ba si Manang Yolly rito ng stocks ng noodles ngunit wala rin akong nakita. Madali kasing magluto ng noodles kasi mag-iinit ka lang naman ng tubig, kaso ni isang pack ay wala akong nakita.

"Should I go on Dylan's place para makikain na lang? Pero nakakahiya naman yata 'yon, although siya na rin naman mismo ang nagsabi na pwede ko 'yong gawin, pero syempre may kahihiyan pa naman ako sa katawan." 

I went straight to my room to searched for my pouch dahil ang balak ko na lang sana ay kumain na lang sa labas. When I was about to go outside of my unit, sumalubong sa akin ang mukha ni Dylan while he was holding a container.

He handed me the container he was clasping. "Alam kong wala kang kakainin kaya ka lalabas. No offense pero wala akong tiwala sa iyo pagdating sa pagluluto, kasi nasabi ni Delancy sa akin na weakness mo raw ang pagluluto." 

"That's why you're giving me this?" I asked, pointing out the container in his hand.

"Korean cuisine 'yan na ako mismo ang nagluto. Baka kapag tinikman mo 'yan, ma-in love ka pa sa akin." Once again, he winked at me as he placed the container in both of my hands. "Make sure na kakainin mo 'yan before going to sleep. Let me tell you about this, Magi." 

"What?" 

He motioned me na ilapit ang tenga ko sa kaniya kaya 'yon ang ginawa ko. "Masama raw ang matulog nang gutom dahil kakainin ka raw ng kaluluwa mo."

Agad akong lumayo sa kaniya tiyaka hinampas siya sa braso. "You ain't funny!" Padabog kong sinara ang pintuan ng unit ko, buti na lang kamo hindi nasira.

I opened the container nang makarating ako sa dining table. It consists of a plain cup of rice, bulgogi, some radish kimchi and kimbap. Sa tingin pa lang ay mukhang masarap na kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili to taste it.

"Woah, these foods are incredibly delicious!" ang nasabi ko out of being delighted. Ang sarap kasi, para akong kumakain sa isang sikat na Korean Restaurant.

No lies, Dylan is good at cooking. Thanks to him because I was able to survive my first night of being an independent woman because of extending his arms to give me assistance --- though I didn't accept it multiple times, but still, he insisted on doing so.

---

"Totoo talagang sa condo ka na tumutuloy ngayon? Naikwento lang din sa akin ni Dylan and nabanggit niya rin na magkapitbahay lang pala kayo. At least panatag kami na siya ang makakasama mo roon!" Julia said, releasing a heavy sigh. "That's a relief!"

"Kaya pala nagulat ako no'ng nakita kitang lumabas sa kotse ni Dylan. Nagtaka pa ko kung bakit kako kayo magkasabay na pumasok, iyon pala magkapitbahay na kayo," natatawang sambit ni Delancy.

"Sumabay na lang daw ako sa kaniya tuwing papasok at uuwi since parehas lang din naman kami ng inuuwian." I looked at Delancy. "Pero wala namang malisya 'yon kaya 'wag mo kong pagselosan, huh?"

"Late ka na naman sa balita, Magi! Naka get-over na ang Delancy natin kay Dylan, ano ka ba!" 

"What?" I shockingly asked and returned my gaze on Delancy. "W-Why? Bakit naman biglaan? What's your reason?"

"I found the love on Warren," kinikilig na sambit nito. 

W-Woah? Hindi ko man lang nahalata na may something kalansahan na pala ang namamagitan kay Delancy at Warren? Why am I being so insensitive?

"Nawindang kasi nang bonggang-bongga ni Trisha 'yang utak mo kaya 'di mo napansin," I heard Julia mumbled. 

"I'm sorry for being so insensitive. Marami lang talaga kong iniisip lately kaya hindi ko na napansin 'yong mga ganitong bagay." I held Delancy's hand. "But trust me, I'm so happy for the both of you. Finally, you found the love you were seeking for. Congratulations, our dearest Delancy!" 

Weird na kung weird, pero hindi ko lang talaga ma-control 'yong sarili ko na hindi maiyak for our Delancy. After so many years of her admiration for Dylan, she finally found love in Warren's behavior.

Love tends to be this playful which misleads the path you are walking through. Mayroong mga taong nagmamahal pero hindi nasusuklian, but it happens to be other person revert the love na hindi nasusuklian ng ibang tao. 

Good example for that is Delancy. As I say, she admires Dylan a lot but Dylan couldn't able to return the favor to Delancy, kasi 'yong tao ay umaasa pa na magkikita pa sila ng first love niya. He pulled himself back para 'wag magmahal ng iba, unless it's his first love.

While Delancy was seeking for the love she wanted to receive from Dylan, natanggap niya 'yon, pero kay Warren. My theory was Delancy fell in love with a person who is able to love her together with her imperfections.

That's how they end with each other.

"Calling to Magi's soul, nariyan ka pa ba? Iwan ka na kaya namin dito sa classroom?" 

I came back to my senses nang guluhin ako ni Julia. Medyo tumagal yata 'yong pagtulala ko because of the theory na biglang nag-flash sa utak ko.

"Walang klase?"

"May kaguluhan sa labas. Kaya pala wala rito si Dylan kasi nakikibalita. Ang dami ngang mga estudyante ang nasa labas," Delancy said.

Palabas na sana kaming tatlo nang bigla kaming harangin ni Migs, 'yong President namin sa klase. "Hindi siguro magandang idea na tingnan niyo pa 'yong nasa labas."

"Chismosa kami, Pres. Walang chismis ang dapat palampasin kaya tumabi ka riyan!" nagmamalditang sambit ni Julia.

"Magi---"

"Okay lang ako," nakangiting sagot ko kay Migs bago kami nagtatakbo papunta sa loob ng gymnasium upang tingnan kung ano ang pinagkakaguluhan doon.

As we arrived there, super daming mga estudyante ang naroon. Ang ingay rin kasi may mga nagsisigawan na akala mo nasa isang malaki silang hawla, e.

"Dito tayo!" pagyaya ni Delancy na tumuntong sa mga bleachers upang makita namin kung ano'ng mayroon sa harap.

Finally, nasilip na namin kung ano'ng pinagkakaabalahan ng mga estudyante roon.

"The series will premiere earlier than we expected. Instead sa last week of September ay ma-mo-move ito on the second week of September!" si Trisha 'yong nagsasalita while her hand was clinging on Eli's arm.

"Miss Trisha, could you please tell us if it is true that you and Eli are back to being a couple... again?" I heard a student ask.

Trisha nodded her head. "We're back in each other's arms… again."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro