Chapter 15
"Could you please explain to me what's the meaning of this?" tinapangan ko ang pagkakatanong no'n dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.
Their reactions are the same as our reactions yesterday --- ito na ba ang karma ko? Just because Eli thought that I was cheating on him, then will he do the same?
What a childish game.
"Magi, it's not what you think. Let me explain---"
"Now you feel how desperate I was yesterday, pleading with you to hear my explanation. But what did you do? You walked away from me, disregarding the fact I held just to clear your mind." Tears are starting to fall on my eyes. "Nagpunta ko rito para makipag-ayos sa iyo, Eli. Pero ito pa 'yong dadatnan ko?"
"You don't understand everything unless you let me speak."
Hindi ko siya pinansin, bagkus kusang l-um-anding ang tingin ko kay Trisha na nasa likuran niya at nagtatago na akala mo ay isa siyang pusa na balak singhalin ng isang tigre.
I step forward to see her face. "Ito ba 'yong sinasabi mo? Ang ganda pala ng plano mo, halata ngang pinaghandaan." I smiled a little before grabbing the collar of her polo shirt. "Masaya ka na ba? Masaya ka na bang nasira mo kami?!"
"Stop making a scene here, love!" dinig kong pag-awat ni Eli sa akin pero 'di ko siya pinansin.
"Just because you can't move on, gagawin mo na 'to? Gagawin mo ang lahat para lang makasira ng relasyon... para lang sa sarili mo?! Ano'ng klaseng tao ka --- ay mali. Tao ka pa ba?!"
"Magi, tumigil ka na---"
"You shut up!" I cut his words by slapping his face. "Bakit ba hanggang ngayon ay hindi mo ako magawang piliin? Tinanggap ko na mas pinili mo ang career mo over me, yet I supported you to achieve your dreams. Tapos ngayon, ako na 'yong nasasaktan pero ibang babae pa ang pipiliin mo? How dare you?!"
Suddenly, I heard Trisha chuckling. "Hindi naman ito mangyayari lahat kung hindi mo inumpisahan, Magi." I turn my gaze on to her only to see her signature smirk. "Huwag kang mag-inarte na parang wala kang ginawang mali. Ikaw ang naunang mag-cheat, 'di ba? Gantihan lang."
I could no longer control myself but to reward her a slap. "Alam mong hindi ko kailanman ginawa 'yon kay Eli. Kung anuman ang nakita kahapon ni Eli, it was all your plan, 'di ba?"
"Love, come on. Let's not talk about this here," Eli said as he held my hand, pero kaagad rin akong lumayo sa kaniya.
Tiningnan ko siya nang masama tiyaka marahas na pinunasan ang basang-basa kong pisngi. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan, Eli. Nagpunta ko rito para sana maayos pa 'yong relasyon natin, pero dahil sa nakita ko, mas pinatunayan mo lang na kahit ano'ng gawin ko ay wala na talagang pag-asa na maibalik pa ang lahat sa dati."
I immediately left the room afterwards, without letting myself hear Eli's reply. Alam ko sa sarili ko na hindi na dapat ako manatili sa lugar na 'yon kasi mas lalo lang bibigat 'yong sama ng loob na dinadala ko.
Deadma na kung may staff na tumitingin sa akin habang paalis ng building. Bakit ko ikakahiya kung makita man nila ako na umiiyak? Masama bang masaktan?
Bakit kasi gano'n? Bakit kasi hindi ko na-predict no'ng una pa lang na pwedeng mangyari 'to? Noong araw pa lang na nakita ko ang Trisha na 'yon, dapat nag-ingat na ko sa kaniya para sana hindi na niya ko napasakay sa plano niya. Wala sanang mangyayaring ganito kung noong una pa lang ay pinagana ko na ang utak ko.
'Yong relasyon na iniingitan ko ay alam kong malabong ng maayos pa ulit. Kanina ay may namumuo pang pag-asa sa puso ko na may chance pa para sa aming dalawa ni Eli, pero pagkatapos ng nangyari, ayoko ng umasa at sumubok pang muli. Masyado ng masakit 'yong mga nakita ko, kaya tama na --- ayoko na.
Nang may madaanang waiting shed ay naupo ako roon upang maghintay ng bus pauwi sa bahay. Maging ang paghugot sa phone ko para tumawag sa sundo ko ay hindi ko magawa dahil sa sobrang panghihina. It feels like the only thing I can do is to cry my agony out --- that's all.
My weeping face settled down nang may maalala ako. It was exactly the same when Dylan found me on a waiting shed habang humahagulgol --- and the person behind my agony is the same person why I am now crying again.
Ang weird lang kasi bakit parang hinahanap siya ngayon ng sistema ko? That person who usually came beside me para i-comfort ako, where is he? And why the hell am I searching for his presence?
Lol, maybe I find solace in his arms lately.
Naalala ko pang sinabi niya na hindi gagaan ang pakiramdam ko kung hindi ko ito ilalabas.
To whom should I release this pain inside me then?
Feeling ko ay wala na kong matatakbuhan. Maski ang kumausap ng iba ay ayokong gawin --- but if it is Dylan, why not?
I know it's weird that I felt like this towards him. But all I need right now is comfort from him.
Suddenly, my phone vibrated. Tinatamad man akong kuhanin 'yon sa pouch ko ay kinuha ko pa rin. It was just Eli who flooded me with tons of text messages and then now, he's calling me.
What should he expect? Na sasagutin ko ang tawag niya, neglecting the scene that I've witnessed just now?
Alam kong ilang beses na kong nagpakatanga kay Eli, but now I'm pledging myself to not do it once again. Kung magpapakatanga na naman ako sa kaniya, mas lalo lang akong masasaktan.
Maybe if ending our relationship is my way to escape from this resentful pain, then I'm willing to let him go.
---
Nang makauwi sa bahay, Dylan startled me as I saw him there, palabas ng kwarto ng lola ko. Maybe he just finished his job kaya siguro pauwi na rin siya, but unfortunately, I caught him in action. Now I believe at Nurse Jane, patago nga pala talagang dinadalaw ni Dylan ang lola ko.
"Are you going home already?" I asked him as I walked closer to him, trying myself hard to sound normal.
"Okay ka lang?" he asked while peeking at my face. "Umiyak ka ba---"
"Don't try to deviate from the topic. I'm asking you, tama bang sagutin mo ko ng isa pang tanong?" hindi ko na naitago pa ang pagkairita sa kaniya.
"Tinawagan kasi ako ni Nurse Jane para daw tulungan siyang painumin ng gamot ang lola mo, kaya ako nandito ngayon. She's doing fine naman na and she fell asleep just now."
I nodded. "Well then, thank you sa pagpunta rito. Ingat ka sa pag-uwi."
I was about to walk away when he suddenly held my hand. "Now you're turn to answer my question, Magi." As I was staring at his eyes, parang ayokong magsinungaling. "Okay na ba kayo ni Eli? Naayos naman ba ang relasyon niyo?"
"O-Of course---"
"I won't accept lies as an answer. Pwede bang kahit ngayon lang ay pagkatiwalaan mo ako na malaman ang nararamdaman mo at ang katotohanan. Nag-aalala ako sa iyo e, hindi ka mukhang okay."
Umiwas ako ng tingin sa nakakatunaw niyang mga titig. Parang kanina, gustong-gusto kong makita si Dylan para ilabas itong problema ko, pero bakit ngayon, parang nagbago ang lahat? I feel like I'm running out of words at ang lahat ng mga gusto kong sabihin sa kaniya ay 'di ko na mahanap sa dila ko.
Should I tell him the truth?
But I'm still having second thoughts. Ayaw kong ako ang maging dahilan para magkasira sila ni Eli. They are friends for a long time kaya hahayaan ko bang masira 'yon nang dahil lang sa kagaya ko?
"I'm waiting for your answer, Magi. Be honest with me, ano'ng nangyari?" he asked me once again.
"W-Wala," I stammered. "Hindi ko naabutan si Eli sa SGN kaya hindi kami nakapag-usap---"
"Magi, is this true?!" naputol ako sa sasabihin nang may marinig na nagsalita behind my back. "Bakit ba ayaw niyo kong papasukin? Kaibigan nga ako ni Magi and I once enter this house before!"
Why was Delancy here?
Agad akong lumapit kay Delancy tiyaka siya hinatak palabas ng bahay. She shouldn't be here dahil baka makita niya ang lagay ng lola ko. We didn't keep it confidential for nothing!
"Bakit tayo rito sa labas mag-uusap kung pwede naman sa loob?" pagmamaktol pa niya.
"Go to your point. Ano 'yong sinasabi mo?"
She handed me her phone. "Nagulat ako nang may ilabas na news update ang SG News sa website nila."
Binasa ko ang article ng maigi. Ewan ko ba, pero biglang nangatog ang mga kamay ko habang binabasa 'yon.
"Miss Magi Serrano is just a friend of mine. Kung sinuman ang nagkalat ng balita na siya raw ang girlfriend ko, hindi 'yan totoo.
About the latest issue with Magi and my friend, Dylan, what's wrong if they found kissing? The woman is not affiliated with me... so I think she doesn't deserve to receive judgements and rude messages from the bashers," actor Dela Peña added.
"Ano'ng nangyayari kay Eli? Akala ko inayos mo na ang gusot? Break na ba kayo?"
"Itago mo 'to, tiyaka natin ito pag-usapan!" Ibinalik kong muli ang phone ni Delancy para sana itago niya pero huli na dahil agad iyong nakuha ni Dylan.
"Ano 'yan?" aniya at kinuha ang phone.
"It's none of your business---"
"That's why your eyes are swollen." From the phone he was holding, his gaze landed on my face. "Is he out of his mind? Bakit bigla na lang niyang itinanggi na hindi ka niya girlfriend?"
"We all thought maaayos na ang relasyon niyong dalawa... pero ano'ng nangyari, Magi? Ano'ng ibig sabihin ng article na 'yon?" Delancy kept asking me.
Huminga ako nang malalim. "I think it's good decision na gawin niya 'yon... dahil tinapos ko na ang relasyon namin."
"Ano ba talagang nangyari---"
"Imbes na siya ang masurpresa dahil sa pagdating ko, ako 'yong na-surprise!" I faked a laugh. "I caught them kissing,"
"Him... kissing Trisha?!"
I nodded at Delancy. "Mukhang gusto niya rin naman tapusin e, edi tapusin!" My fist clenched to stop myself from another storm of sobbing. Hindi ko na kayang umiyak pa kasi pakiramdam ko, malapit na kong maubusan ng tubig sa kakaiyak.
"Pinatulan ni Eli ang Trisha na 'yon?!" Delancy shockingly asked. "May pasabi-sabi pa siya sa iyo na matagal na silang tapos, 'di ba? Tapos ano 'yan, continuation?!"
Napaupo na lamang ako sa damuhan dala ng panghihina. Bumalik na naman 'yong sakit nang maalala ko 'yong nakita ko. Akala ko nakalimutan ko na lahat, at once na maiiyak ko na lahat ng sama ng loob ko ay tapos na 'yong sakit na nararamdaman ko.
Kaso sino ba namang matinong tao ang makaka move-on kaagad nang wala pang 24 hours ang nakakalipas, 'di ba?
Idagdag pa 'yong article na nabasa ko... na itinanggi ako ni Eli sa publiko na ako ang girlfriend niya. Kung nagbibiro man siya, pwes hindi ako natutuwa.
Nasasaktan ako.
"Ginawa ba talaga ni Eli 'yon? Mahal na mahal ka niya kaya bakit niya pinatulan si Trisha? Gumanti lang ba siya dahil sa nangyari kahapon?" once again, Delancy asked. "At tiyaka hindi ako makapaniwala na itinanggi ka niya sa public as his girlfriend? Sira ba ang ulo niya?!"
"Hindi na nakakapagtaka kung nangyari man 'yon dahil may past silang dalawa. Kahit na sabihing past na 'yon, may pinagsamahan pa rin sila at 'di yon kaagad mawawala," Dylan replied. "Ang nananatili na lang na tanong sa akin, e kung bakit sinabi niyang hindi ikaw, Magi, ang girlfriend niya."
Maybe Eli finds solace in Trisha's arms. Gano'n naman ang mga karaniwang tao, e. Madaling mahulog sa mga taong lagi lang nasa tabi nila when they need comforts. Malay ko bang mahal na ulit ni Eli si Trisha dahil lang doon, 'di ba?
Ang sakit lang.
"Ewan ko... ayoko na lang alamin," tugon ko. "Iwan niyo na lang muna ko. Gusto ko munang mapag-isa," I pleaded with them.
"Paano ka naman namin iiwan kung ganito ka? Kaibigan mo ko at nag-aalala ko kung ano'ng pwede mong gawin. Baka mamaya, 'yang kaka-overthink mo ay kung saan ka na madala. Mabuting nasa tabi mo kaming mga kaibigan mo para may pipigil sa iyo kung tangkain mo man na magpakamatay!"
"I agree with Delancy," Dylan suddenly said and faced me. "You can't deal with these things alone. Hindi imposibleng gawin mo 'yong mga sinabi ni Delancy that's why you can't force us to leave you alone.
We'll let you do what you want, we'll give you personal space to breathe and please do the same. Let us stay by your side, Magi."
Nababaliw na ba ang Dylan na 'to? Buti pa sana kung siya lang, pero kung kasama si Delancy, hindi ako mapapanatag. I won't let her see my grandmother's condition.
"I want to see Julia," sambit ko. "Let's go to her place instead, shall we?"
In this way, I could escape to Delancy from unveiling the truth behind my grandmother's condition.
---
"Ilang beses na kitang sinabihan tungkol diyan pero ano, hindi mo naman ako pinapakinggan, 'di ba? Ayan tuloy ang napala mo, tapos ngayon ngangawa ka?!" Expected ko na rin naman na ganito ang magiging reaksyon ni Julia once na malaman niya ang nangyari, kaya hindi na ko nagulat pa.
We've finally arrived at Julia's place while Dylan doesn't go with us dahil warla pa rin daw sila ngama niya. He said his soul is finally at serene kasi kasama ko naman daw ang mga kaibigan ko, at least may mga tao na raw na pipigil sa akin if maisipan ko man na mag-suicide.
Although wala pa naman sa plano ko 'yon, but yeah, taking my own life wouldn't ever cross my mind. My life was too great to calculate para lang sayangin ko sa isang tao.
"Toss the blame on me as much as you want. After all, I deserved it. Napakatanga ko, e," That's the only thing I said.
Surprisingly, hindi ko na magawang umiyak. Siguro naiiyak ko kanina lahat kaya wala ng luhang lumalabas sa mga mata ko.
Bukas na lang siguro ulit.
"Akala mo kokontrahin ko 'yang sinabi mo na tanga ka? Gaga, tanga ka talaga. Buti naman at natauhan ka na rin. Ang mga tanga nga naman, kung kailan huli na at nasaktan na nang sobra, tiyaka sila matatauhan."
I just laugh at the back of my mind. Bakit naman ako masasaktan sa sinabi ni Julia, e tama naman siya. Most of the people ay gano'n --- at kabilang na ako sa kanila ngayon.
"Nanggigigil ako riyan kay Eli, huh? Nahuli mo na nga siyang kahalikan ang Trisha na 'yon, nagawa ka pa niya ngang itanggi as his girlfriend sa public? Kung hindi ba naman isang kilong gago ang lalaking 'yon! Mahal ka raw, huh? Pero ano'ng ginawa niya? Gawain ba ng matinong tao na itanggi ka as his girlfriend?!"
"Malay mo naman may dahilan si Eli kaya niya ginawa 'yon---"
"Ipinagtatanggol mo na naman 'yang manok mong may sakit, Delancy!" uttered Julia, frustratedly. "Ubos na 'yong mga dahilan na naiisip ko para gawin ni Eli 'yon kay Magi. Kagaguhan ang ginawa niya tapos ipagtatanggol mo pa? Sa iyo kaya gawin 'yon... matutuwa ka?!"
"Syempre hindi."
"Let's not talk about it," pakiusap ko. "As much as possible, I don't want to remember anything related to him. Pagod na akong saktan ang sarili ko... so, please stop."
"Sana kasi nakinig ka sa akin, Magi. Hindi sa lahat ng pagkakataon, tama ang dinidikta ng puso.
Kaya ka nga may utak... para gamitin mo sa pag-iisip. Kung puso ang palagi mong paiiralin, baka araw-araw kitang makitang umiiyak." She tapped my shoulder. "Hindi na ako mag-aaksaya ng laway ko para paulit-ulit na isampal sa iyo ang pagkakamali. Ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman mo."
"Hiling lang namin ni Delancy... sana pagkatapos ng lahat ng nangyari ay piliin mo na ang tama at ang mas makabubuti para sa iyo. 'Wag mo na sana siyang bigyan ng isa pang pagkakataon... dahil hindi ang kagaya ni Eli ang deserve mong lalaki."
"Masakit man para sa akin at para tanggapin, I ended our relationship on this day." I faked a laugh. "Akalain niyo nga naman, inaasahan ko na ang araw na 'to 'yong araw na magkakaayos kami ni Eli, but it turns out the least I am expecting to happen."
Julia chortled. "May nagawa ka ring tama sa paningin ko," she uttered. "Tama ang ginawa mo na piliing 'wag ng mag-stay sa relasyon n'yong dalawa. Mabuti't pinalaya mo na ang sarili mo sa katangahan."
Rude as it may sound... but she's right. I've been fooling myself that this guy, Eli, was so damn in love with me. Let's say mahal niya nga talaga ako, but why we ended up like this? Why on Earth did this happen? Ginawa ko naman ang lahat... pero bakit parang hindi sapat?
"Minsan ko na ring naisip kung saan ba ako nagkulang?" I asked out of the blue. "Sinuportahan ko naman 'yong pangarap niya, tiniis ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko sa panahong hindi niya na ako nabibigyan ng atensyon at napaglalaanan ng oras. I've been loyal to him all along... I never cheated on him."
"I love him so much... that I forgot to love myself." Natawa ako ng bahagya. "Dahil sa kanya, I experience comparing myself to others. I have self-doubts in myself... lacking self-esteem, dahil puro flaws at imperfections ko ang nakikita ko sa sarili ko. I was dying hard to attain perfection just to fit in his world, when in fact, I don't really have to fit in... all I need is to stand out in my own alluring way."
"Should I owe him gratitude?" I hummed softly. "Thanks to him, because I finally realized my worth as a person. Hindi dapat ako tine-take for granted lang. Most especially, I don't deserve to be treated like how he did to me before... because I deserve a man who's willing to choose me, more than anything else."
I know it's his dream I'm trying to compete with, and it's completely fine with me if i-prioritize niya ang pangarap niya over me. But in our situation, he has crossed the boundary, and so does my patience. Hindi ako ipinanganak para habambuhay siyang intindihin, I also need his time and attention in order to keep our relationship stronger... pero hindi niya ginawa.
Julia poked my forehead. "Ilang beses ka na kasing pinagsasabihan... pero ano? Mas sinusunod mo pa rin 'yang marupok mong puso kaysa sa payo ng mga kaibigan mo. Ano tuloy nangyari sa iyo?"
"Easy-han mo lang," dinig kong sambit ni Delancy. "Down na down na nga si Magi, mas lalo mo pang dina-down kasi ipinapamukha mo pang tanga siya. Tao lang naman si Magi, nagkakamali rin paminsan-minsan."
"Ano'ng nagkakamali siya nang paminsan-minsan? Araw-araw kamo! Kahit na alam na niyang mali ang ginagawa niya, pero sige pa rin para sa taong mahal niya," she said as she quivered her head. "Ngayon, ano'ng plano mo?"
I was astounded by what she asked. Ano nga ba ang plano ko? Ano na ang gagawin ko sa buhay ko after nito? Teka, may dapat ba kong gawin? May dapat ba kong pagplanuhan?
"Huwag mong sabihin na hahayaan mo lang ang Trisha na 'yon na nakawin si Eli mula sa iyo ng hindi siya nagagantihan? Masyado ka naman yatang mabait para palampasin ang demonyitang iyon!"
"Like legit! 'Wag mong hayaan na sumaya ang Trisha na 'yon nang hindi ka nakakaganti. Bawian natin siya, Magi!" paggatong ni Delancy.
My forehead creased. "Ano namang gusto niyong gawin ko?"
"Make her taste her own medicine." A smirk suddenly appeared on Delancy's face. "Iparamdam mo rin sa kanya 'yong feeling na manakawan ng isang taong importante sa buhay niya."
How come that I forgot about that thing?
Of course, I shouldn't let this thing slide without doing anything. Kung akala ng Trisha na 'yon ay nakuha na niya ang happy ending na inaasam niya, I will proved her wrong.
Pareho sila ni Eli na kailangan kong gantihan... lintik lang ang walang ganti.
They both hurt my feelings kaya sisiguraduhin kong babalik sa kanilang dalawa ang karma nila.
"Hindi pwedeng ikaw lang ang magdurusa, Magi. Pagdusahin mo rin siya sa ginawa niyang kagagahan para magtanda!" Julia exclaimed. "At 'yang si Eli... ipamukha mo sa kanya na maling tao ang iniwan niya!"
I smirked. "Siya naman ang nagsimula nitong lahat kaya sisiguraduhin kong sa kaniya rin magwawakas.
After all, life is a little bit messy. People don't have any option but to go with the flow and engage themselves in this filthy world."
I looked at Delancy and Julia and showed them my genuine smile. "We all make mistakes, but that doesn't mean we aren't able to make changes in ourselves. Indeed, change starts within only yourself."
"Ibabalik ko ang sakit na ibinigay nilang dalawa sa akin."
"May nasabi ka ring nagustuhan ko, Magi. Sana nga legit na 'yan. Magbago ka na talaga at unahin mong tanggalin sa katawan mo ay 'yang karupukan mo, okay?"
"Hayaan mo na Magi, kapag naging marupok 'yang si Julia, tatawanan talaga natin siya nang bonggang-bongga," hirit ni Delancy habang natatawa.
"Malandi ako pero 'di marupok. Ew, disgusting!" She rolled her eyes before flipping her hair, e marami namang split ends.
"But overall, thanks to you, guys! Sa iyo Julia, kay Delancy at kay Dylan, kasi tinulungan niyo akong i-release itong bigat ng nararamdaman ko. Without you, baka tuluyan na kong na-dehydrate sa bahay kakaiyak ng magdamag."
"Drama nito, e may gatorade naman kung sakaling ma-dehydrate ka!" Julia said. Obviously, she's just poking fun at me.
I answered her corny joke with a smile --- at least this time, I managed to smile as genuine as possible.
Iba talaga 'yong feeling kapag nailalabas mo 'yong bigat ng nararamdaman mo at may mga taong nandiyan para pakinggan ka.
---
Hindi ko alam kung pang-ilan ko nang bote ng soju ang iniinom ko, pero deadma na basta nauuhaw ako. Pambawi lang din sa mga luhang nasayang ko no'ng iyakan ko si Eli.
Pweh, bakit ko ba kasi iniyakan ang walang kwentang 'yon? Ni hindi niya nga deserve kahit isang patak ng luha ko, e.
"Makakauwi ka pa ba niyan, Magi? Nakakailan ka na, huh? Dito ka na lang siguro kina Julia mag-overnight," I heard Delancy say.
"Dito talaga matutulog 'yang gagang iyan. Hindi ko 'yan pauuwiin hangga't may hangover 'yan," si Julia naman ang nagsalita.
"Magaling kayo, e. Edi *hik sige, ihanda niyo na hihigaan ko kasi *hik gusto ko nang *hik matulog!"
Tumayo na ko ngunit expected ko na rin naman na hindi ako makakatayo nang diretsyo. Sa dami ba naman ng nainom ko, malamang 'yong mundo ko umiikot na ---
Sa iyo.
"Dahan-dahan." Akala ko ay natumba na ko, pero hindi ko namalayang naalalayan pala ko ni Dylan.
Huh? Nandito siya?
"Oh, nandito ka pala? Ano'ng *hik ginagawa mo rito, huh? Bati na *hik ba kayo ng mama mo? Handa *hik ka na sigurong ipakulong 'yong first love mo? *hik."
"Dalhin mo na sa kwarto 'yan at baka kung ano pa ang masabi!" rinig kong sambit ni Julia.
Sus, ano ba namang mali sa sinabi ko? May mali ba roon, huh?!
Lumaki ang mata ko. "Dylan, *hik lumulutang yata ako *hik o lumilipad?"
"Binubuhat kita, Magi," sagot niya. Doon ko lang din napansin na buhat-buhat niya nga ko.
I remained silent for a while. Few minutes had passed bago kami nakarating sa isang kwarto. He opened the door at nang makarating sa kama ay dahan-dahan niya akong inihiga roon.
"Sleep well."
Aalis na sana siya nang abutin ko ang kamay niya. Agad ko siyang hinila at pinahiga sa ibabaw ko. "Matulog na tayo," sambit ko habang nakayakap ang dalawang kamay sa katawan niya.
"M-Magi."
"Ssshhh! Matulog na tayo! *hik."
Akala ko ay natahimik na siya at natulog na dahil sa hindi niya pagsasalita, pero bigla ko na lang naramdaman na umalis siya sa pagkakapatong sa ibabaw ko.
Dahil doon ay napamulat ang kaliwa kong mata. "Why---"
"I won't sleep next to you, unless we're married. Malaki ang respeto ko sa mga babae, Magi. Hindi ako 'yong tipo ng lalaki na basta na lang tatabi sa isang babae sa higaan, kasi feeling ko may malisya 'yon.
Pwera na lang kung kasal na tayo, baka kahit umaga, e matulog ako basta ikaw lang ang katabi ko," he said that in between laughs before he walked away.
"Ang choosy, huh?"
"Gosh!" Agad akong napabangon sa pagkakahiga while tapping both of my cheeks.
Ang gara naman ng panaginip ko na 'yon! P-Parang totoo, e.
I shook my head harshly before going downstairs. Nagulat pa ko nang mapagtantong nasa bahay pa pala ako nina Julia. Wala naman akong matandaan kung bakit pa ako nag-stay rito nang overnight kung pwede naman akong umuwi sa bahay namin.
"Julia, ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ko nang maabutan siyang nasa may sink nila at parang hinuhugasan yata 'yong kamay niya.
Agad siyang humarap sa akin. "Nagsasaing lang naman ako, baka kasi nagugutom ka na."
I laughed. "Bakit ba ko nandito sa bahay niyo? Wala akong matandaan masyado, e."
"Nakalimutan mo na kaagad? Nag-inuman tayo rito kagabi, tapos naparami ang inom mo kaya ka nalasing." She wiped her hands with a tissue bago lumapit sa akin. "Kagaya ng ginawa mo no'ng nakaraang nalasing ka, may nakakahiya ka na namang ginawa."
My eyes widened. "A-Ano?"
"Alalahanin mo." She chuckled.
Teka, 'yong panaginip ko --- ibig sabihin... hindi 'yon panaginip? Talagang nangyari 'yon --- OMG!
"Hiyang-hiya na ko sa kapatid mo," mangiyak-ngiyak na sambit ko tiyaka napahilamos sa mukha. "Akala ko ay panaginip lang 'yon, pero totoo palang nangyari --- aaaahhhhh! Bwiset, bakit ba kasi hinayaan niyo akong maglasing?!"
"Hoy, ikaw kaya 'tong hindi namin maawat na dumakot ng bote ng soju kagabi. Parang ibabato mo sa amin 'yong bote ng soju kung hindi ka namin hahayaang uminom, e," she explained.
What a wonderful day to start.
"Mababaliw na ko!" I said out of frustration. "Sa amin na ko kakain, Ju. Salamat na lang sa pagpapatulog. Baka hinahanap na rin ako ni lola."
"Wait, ihatid na kita."
Umiling ako. "Kaya ko na ang sarili ko, magluto ka na lang diyan." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita dahil agad na kong naglakad papalabas ng bahay nila.
Sakto namang paglabas ko ay mayroon akong nadaanang taxi kaya kaagad ko 'yong pinara at nagpahatid sa bahay namin. While I was inside the taxi, hindi ko alam kung bakit parang hindi ako mapalagay.
Maybe it's because of what I did last night to Dylan --- another embarrassing moment with him, jusko.
"Bayad po, oh. Keep the change na lang po!" I said nang makarating sa bahay tiyaka ako bumaba ng taxi.
Nagtatakbo ako papasok sa bahay, when suddenly, Nurse Jane confronted me. Her eyes are a bit teary which made me confused.
"What happened?" I asked.
"Magi, nasa ospital ngayon ang lola mo," naiiyak nitong sagot sa akin.
"A-Ano?" My voice almost broken. "B-Bakit? Inatake na naman ba siya ng sakit niya? Akala ko ba ay nakakainom naman siya ng gamot regularly? So, paano mangyayari na nasa ospital ang lola ko?!"
"It's not a-about her i-illness." Nurse Jane is stuttering as of now. "N-Nakarinig kami ng kakaibang i-ingay kaninang madaling araw, tapos n-nakita na lang namin ang l-lola mo na nasa ibaba ng h-hagdanan... n-naliligo sa sarili niyang d-dugo."
Hindi ko na inabala pang sagutin siya, bagkus agad akong lumabas upang puntahan si lola sa ospital. I'm still hoping na maabutan ko siyang buhay at patuloy ko pa ring pinanghahawakan 'yong ipinangako niya sa akin na hindi niya raw ako iiwan.
Kung kailan naman na tanggap ko nang nasa ganito kaming sitwasyon kung saan 'di niya na ako naaalala, tiyaka naman mangyayari 'to?
Okay na sana ang lahat at kahit papaano, sa tulong ni Dylan, ay nakakausap ko na nang matino si lola. Okay na sana e, bakit pa kailangan mangyari 'to?
Ilang minuto lang ang nakalipas ay kaagad rin akong nakarating sa ospital. I ran as fast as I could hanggang sa madala ako ng mga paa ko sa ICU. Naabutan kong naroon sina Manang Yolly habang iyak nang iyak, which made me so nervous.
As I walk closer to them, isang doktor ang lumabas ng ICU --- wearing his desolated face.
"Who's the family of the patient?" the doctor asked.
"I am her granddaughter," I answered, which turned Manang Yolly and company's eyes on me. "How was she? Her condition is now stable, isn't it?"
Umaasa akong magbabago ang eskpresyon ng doktor… ngunit nagkamali ako.
Agad akong lumapit sa ICU at pumasok doon para lang maabutan ang mga doktor na ni-re-revive ang lola ko sa abot ng makakaya nila.
But the lines on the monitor remains at flat---
Tumigil na sila sa pag-revive sa katawan ni lola at isa-isang binitawan ang mga equipments na kanina ay hawak nila.
"Time of death, 8:15 A.M."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro