Chapter 11
"It was from the girl he first admired?" I asked at the back of my mind.
Hanggang ngayon ay hindi mapanatag ang loob ko about that bracelet. I am sure na nakita ko na somewhere ang bracelet na 'yon but I can't recall kung saan ko 'yon nakita.
Because of that, I'm starting to get curious about Dylan's personality. I shouldn't have thought about this, but, is he part of my past?
"What the hell, Magi? Ano'ng klaseng tanong 'yon? Of course not!" I shrieked as if I'm battling against my thoughts. Alright, I think I'm starting to go crazy because of these thoughts I have.
I go outside of my room to visit my lola, siguro naman ay hindi pa siya tulog. I just want to check her condition para naman hindi na 'ko ma-bother nang sobra.
As I arrived in her room, naabutan kong gising pa nga si lola habang mayroon siyang hawak na libro --- a smile suddenly appeared on my face while I'm giving her a gaze. After all the dreadful things that happened, she is still my grandmother who I used to be with. Her hobby of reading books will always be her recreation.
"Lola, why are you still up?" I asked while walking towards her.
"Na-miss ko kasi bigla ang apo ko," malungkot nitong sambit and when she turn her gaze onto me, sorrow reflects on her eyes. "Hindi ako makatulog kaya nagbasa na lang muna ko ng libro."
Hinahanap niya ang apo niya without knowing I am just here, always by her side.
'Kahit kailan hindi kita iniwan, lola. All I want is for you to recognize me... but things are like I'm waiting for the moon to shine like the sun.'
It's impossible to compare two things that are completely different from each other.
I held her hand and managed to smile. "Don't be sad, lola. One of these days, bibisitahin niya kayo rito."
"Hindi ako okay na bibisitahin niya lang ako. Ang gusto ko ay ang makasama siya rito sa bahay para araw-araw ko siyang kasama. Bakit ba kasi kailangan niya pang manatili sa condo kung may bahay naman siyang uuwian, hindi ba?"
I frozed by what she said. Kahit ano'ng gawin niyang intindi sa mga bagay, still, she wouldn't understand everything.
Ayoko na lang magsalita 'cause I'm afraid I will shock her from the truth na alam kong mahihirapan siyang tanggapin. Instead of answering her question, I kept my mouth shut. Words are so powerful that they may harm other people's sentiments.
"Bukas ko na lang itutuloy ang pagbabasa nito dahil inaantok na ko. Matulog ka na rin, hija," she said as she placed the book on her side table.
"Ang hiling ko lang ay sana maabutan ko pa 'yong araw na maikakasal kayo ng apo ko. Mabuti kang tao at alam kong magiging masaya ang bubuuin niyong pamilya ni Dylan." After saying those words, she closed her eyes.
Before closing the door, sinilip ko muna siyang muli and whispered, "Maghihintay rin po akong dumating 'yong araw na maaalala niyo na kung sino ako."
---
"Edi sige, ibibigay ko na lang itong bracelet ko sa iyo para may palatandaan ako na ikaw 'yan. Basta kapag malaki na tayo, hanapin natin ang isa't isa," sambit ng batang babae habang isinusuot ang isang bracelet sa kamay ng batang lalaki.
"Hahanapin talaga kita kahit ano'ng mangyari. Kapag nasa tamang edad na tayo, ipinapangako ko sa iyo na pakakasalan kita!"
Kinikilig man ang batang babae ay nagawa niya pang hampasin sa dibdib ang kausap niyang batang lalaki. "Crush mo talaga ko, 'no?"
Mabilis akong napabangon sa kinahihigaan habang habol ang hininga ko. "What was that?" bulong ko.
Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla ko na lang napanaginipan iyon --- and what shocked me the most is that the bracelet I've seen on Dylan's wrist is the same as the bracelet na nakita ko sa panaginip ko.
I don't want to jump to a conclusion, but I can't help myself think about it. Was there a connection --- no! It's absurd. How come would that happen?
I've met Dylan just these past few days and Julia told me that Dylan was studying abroad so, things like that aren't able to happen.
"Magi, ang lola mo!" I came back to my senses when someone shouted in front of my room.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni lola. Naaabutan kong nagsisisigaw si lola and her room was totally messed.
"What happened?"
"Sinusumpong ang lola mo, Magi. Hinahanap niya si Dylan," Nurse Jane replied while her hands were trembling.
'Yong mga kasambahay naman namin ay halatang nahihirapan na patigilin si lola sa pagbabasag ng mga gamit.
I walk towards her. "Lola, si Magi po ito---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sampalin niya ako. "Iuwi mo ang apo ko rito, ngayon na!" sigaw niya at muli na namang nagbasag ng mga gamit.
I was stunned by what she did. Parang kanina lang ay naging maayos ang pag-uusap namin, then after a few hours had passed, bigla na siyang naging ganyan.
I hold back my tears from falling bago ako lumabas sa kwarto niya. It's already 3 AM in the morning kaya I'm hesitant to call Dylan. Malamang tulog pa 'yon, but I don't have any option but to try to reach him through a call.
Tatlong beses ko siyang tinawagan and finally he picks up the call.
[Hello?] bakas sa boses niya na inaantok pa siya. Nahihiya tuloy akong sabihin sa kaniya ang pakay ko. But for the sake of my grandmother, I will do this.
"Could you please come over here, Dylan? My lola needs you." My voice is almost broken.
[What? At this hour?]
"Yeah, please come here."
[Alright, I'm on my way.]
That's a relief. Good thing na pumayag si Dylan na pumunta rito sa bahay nang ganitong oras. I know that I disturbed him kasi dapat natutulog pa siya at this hour, but I'm desperate now. My lola needs him for her to calm herself down.
"He's on his way," I told Nurse Jane and she just nodded.
She's preparing the injection na ituturok niya kay lola mamaya for her to fall asleep. For now, we have to calm her down to do that action.
I walked towards my lola's room at walang pinagbago, nagwawala pa rin siya sa loob.
My tears started to fall while glancing at her. Nasasaktan ako habang nakikita siyang nagkakaganyan. It was so not her. Ang sakit lang makita na 'yong lola ko na dati ay mahal na mahal ako, ngayon ay halos hindi na niya ko makilala.
This is absurd!
"Magi." Agad kong tiningnan ang taong nasa likod ko --- and it was Dylan habang habol ang kaniyang hininga. "Bukas kasi 'yong pintuan kaya dumiretsyo na ko ng pasok dito."
"Go and see my lola," I commanded.
He nodded at pumasok na sa loob ng kwarto kung saan naroon si lola. She stopped from throwing things away nang makita si Dylan. Ang kaninang galit na galit nitong mukha ay umamo bago nito salubungin ng mainit na yakap ang lalaking nasa harap niya.
The happiness on her face was so priceless. I wished that I was the one who planted that smile on her face.
"Apo ko, miss na miss kita!" humahagulgol nitong sambit habang sinasakal si Dylan sa higpit ng kanyang yakap.
"I miss you, too," he replied. "But please don't cause any inconvenience like this once again, la." Iniharap niya si lola sa kaniya. "My girlfriend was startled because of you. Look at her, pinakaba niyo siya sa ginawa ninyo."
Lola glanced at me. Her face seems worried but I managed to smile at her to assure that I'm fine.
"Hindi ko na-control ang sarili ko, apo. Pasensya na."
I looked at Nurse Jane para iturok na 'yong injection kay lola na ngayon ay kalmado na.
She went closer to lola habang abala itong kinakausap si Dylan. That's her cue to inject that, afterwards, lola suddenly fell asleep. Dylan carried her going to the room next to her room para doon ihiga dahil kailangang linisin ang kwartong ito.
"Thank you for coming, huh? Without your help, baka kung ano nang nangyari kay lola," I thanked him as he closed the door of the room where lola's sleeping.
"It's part of the deal, kaya hayaan mo na 'yon. Although naabala 'yong tulog ko pero huwag mo na lang isipin. Umaga na rin naman."
Tumango ako and suddenly, napalingon na naman ako sa kamay niyang may suot na bracelet. That fucking bracelet that ruined my fantasy and thoughts are starting to twirl inside my head once again.
"Are you okay?" he asked.
Gosh, he noticed pala na nakatitig ako sa bracelet na suot niya. Nakakahiya naman!
"Y-Yeah, of course!" Wth, why am I stammering?
I looked at him when he chuckled. "Naalala ko bigla si Harris dahil sa 'yo."
"Bakit?" I curiously asked as I went to the kitchen upang magtimpla ng kape. "Before you leave, magkape ka muna."
"Preparing to be a housewife already? Hindi naman kita minamadali---"
"Shut up, will you? I'm just doing this para magpasalamat sa 'yo, and I felt guilty kasi naabala ko 'yong tulog mo. That's it!"
"You're too defensive," he said. "Si Harris kasi 'yong tipo na if he's suspecting about something strange, bigla na lang siyang nagiging lutang or natutulala."
Nanliit ang mata ko. "I think lahat naman tayo ay nagiging ganyan ang reaction when we're suspecting some strange things, right? Syempre you're overthinking so much---"
"That's the cue. Why are you suspecting me? What's so strange about me?"
My forehead crinkled. "What do you mean?"
"People tend to hide their thoughts from others, so this is my way para alamin kung ano 'yon. Unfortunately, you bite the bait."
W-What?
"Kanina pa kita napapansin na parang may sentimental value para sa 'yo ang bracelet na 'to," he said at ipinakita 'yon sa akin. "You're familiar with this, aren't you?"
"W-What? Ano namang pakialam ko riyan? I don't mind someone's business. You're just hallucinating things, Dylan," I said bago inilapag sa table ang kape. "Sip this coffee nang kabahan ka man lang sa mga sinasabi mo."
Nang iwan ko siya roon ay narinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa.
He really likes to tease me, 'no? Of all people, bakit ako pa? I only want to have a peaceful life, bakit kailangan niya pang guluhin?
Kung hindi lang dahil sa deal namin, I won't be nice towards him.
---
This day serve as our vacant day kaya naman nagkaroon kami ng time nina Julia at Delancy na mag get together ngayong araw. Of course sa bahay nina Julia ang venue kasi sa bahay lang nila tahimik at peaceful.
Hindi pwede rito sa bahay namin kasi ayokong malaman nilang dalawa 'yong about sa condition ni lola. Until now, I wanted this problem to be confidential and kept a secret between me and Dylan.
"Ano ba namang mukha 'yan, Magi? Get together ba 'to o nasa lamay tayo?" Julia asked before placing the snacks on the center table.
Tsk, until now I'm worried about my grandmother, that's why I'm like this.
"Will you stop talking nonsense and just prepare the snacks instead?" I replied.
"Sige, nakakahiya naman baka magutom ka."
"Minsan na lang tayo mag-bonding nang ganito tapos mag-aaway pa kayong dalawa. Act at your age, come on!" Delancy stated as she rolled her eyes.
"Hiyang-hiya naman ako sa matured mong pag-uugali, Delancy! Maagawan ka nga lang ng lollipop, umiiyak ka na."
And the fight got started. I thought we're going to have fun but things aren't going according to plan. Dahil sa simpleng away, lumaki pa tuloy. Sana pala 'di ko na lang pinatulan pa si Julia.
"Both of you, please stop!" I said. "Umayos nga kayo, para kayong mga bata."
"Sino ba kasing nagsimula, Magi?" Julia asked, pointing out that I was the one at fault here. I admit, the blame should be tossed at me.
"Cut the nonsense. Kalimutan niyo na lang, okay?" I mumbled. If we continue fighting about that matter, wala ring mangyayari.
"Do you guys have a fight?" nagulat ako nang may magsalita mula sa likod namin --- I was astounded nang makita si Alec, Harris, Yuwi at Warren na nandito.
Hindi naman sa ayaw ko silang makita, but why do they here?
"I invited them to be here, since wala naman si mama ngayon dito kaya walang problema kung may mga lalaki rito sa bahay," Julia explained.
"Mukhang masama yata ang loob mo, Magi? Ayaw mo yatang nandito kami, e," nagtatampong sambit ni Harris.
Ito na naman tayo, it feels like what's happened in the past will happen once again.
"I didn't utter any words," I replied.
"Sure ka ba? Mukha kasing masama talaga ang loob mo. Kung ayaw mong nandito kami, bukas na bukas ang pintuan para sa 'yo. Get out!" he said, obviously, to tease me.
"You're way too harsh on her, don't you?" Alec suddenly mumbled.
"Ang workaholic mo kasi, ayan na-stress ka tuloy. Sabihin mo, hindi ka pa nakakasahod, 'no?" Warren asked while laughing his ass out.
"Sa gwapo kong 'to, ma-s-stress ako? Mag-isip nga kayo!"
"Nahiya 'yong aircon namin sa kahanginan mo," Julia said.
"Ready yourself for World War II," dinig kong bulong ni Delancy.
I just rolled my eyes and chose to not get myself disturbed by them. Instead, I enjoyed myself by eating snacks gaya ng ginagawa ni Yuwi.
"Halos isang taon lang naman ang nakalipas no'ng hindi tayo nagkita-kita pero grabe ang in-evolve ng ugali mo, Julia.
Akala ko may development na sa ugali mo pero hindi, saksakan mo pa rin ng maldita," Harris said.
But look, I can't help myself from listening to their chitchats.
These people, why don't they discussed that privately para naman makapanood kaming mga walang pakialam sa pinag-uusapan nila?
"Bro, wala ka rin namang character development, e. Hanggang ngayon hindi mo magawang maging humble," Yuwi said in between eating snacks.
"Finally, may nasabi ka ring nagustuhan ko, Yuwi," Julia complimented him.
"Among of you guys, si Delancy ang nakitaan ko ng character development," dinig kong sambit ni Alec.
Kaming magkatabi ni Delancy ay parehas na nagulat sa sinabi niya.
"So, wala akong development---"
"Wala," Alec cuts Warren's sentence and glances at Delancy.
"No'ng una kong nakilala si Delancy, she's very quiet and does not like to socialize with other people. Ang palagi lang niyang kasama ay itong sina Julia at Magi --- she had no confidence of leaving her comfort zone."
Yeah, Delancy is that type of woman I've known BEFORE. She's afraid of communicating to others, unless it's us.
Although we were close to DWEIYAH, still, she doesn't communicate with them 'cause she's uncomfortable.
Not until the day has come na she's starting to be approachable and nakikipag-usap na rin siya sa iba. Even though I don't know what's her reason for becoming that person, I want to respect that and I really adore her for that.
"People change, you know?" Delancy replied while giggling.
"Pero 'yong dalawa riyan, wala namang pagbabago," sabat ni Yuwi na halatang si Julia at Harris ang pinatatamaan.
"Wala ka rin namang---"
"I just realize na hindi ako mag-g-grow as a person kung hindi ako lalabas sa comfort zone ko," sambit ni Delancy which turned all our gaze to her. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi ko sina Magi at Julia. Darating ang time na kailangan naming maghiwa-hiwalay ng landas, 'cause I know our goals are different from each other.
Naging mahirap ang process kasi hindi naman ako sanay na makipag-usap o makipagkaibigan sa iba lalo na kung galing ka sa pagiging introvert.
But nothing is impossible. They say, 'the word itself says 'I'M POSSIBLE.'
Akala ko rin hindi ko magagawang makipag-socialize sa iba but look at me now, kahit through social media ay mayroon na kong mga kaibigan who I run to when Julia and Magi was too busy on their own business." Delancy smiled as she hurled her gaze towards Alec.
"Salamat sa pagpansin sa naging development ko. Honestly, I don't consider that as a development but as you say it is, all I can say is thank you."
"You just proved me right," Alec said and looked at us one by one. "Sana na-inspired kayo sa k-in-wento ni Delancy at malaman niyong mahalaga ang character development."
"Ano pa bang kailangan kong i-develop, e ang bait-bait ko kaya," Yuwi said at patuloy pa ring kumakain.
"Maraming tao ang na-i-intimidate sa 'yo, 'di mo alam?" sambit ni Warren.
He's telling the truth kasi isa ko sa na-i-intimidate na kausapin si Yuwi.
"Tiyaka bawas-bawasan mo rin ang pagka-pilosopo mo," Julia added.
"Hindi ko na kasalanan kung na-i-intimidate kayo sa 'kin. Ganito talaga ang personality ko kaya kung ako pa ang mag-a-adjust para sa inyo, 'wag na. Mas okay na 'kong walang kaibigan kaysa mag-adjust," aniya at tumingin kay Julia. "I was born this way. Kung naiinis ka dahil pilosopo ako, edi mainis ka hanggang sa maubos na 'yang pasensya mo. At the end of the day, wala akong pakialam."
"Huwag niyo na kasi kwestyunin kung gano'n talaga 'yong tao. 'Wag niyo silang pilitin na magbago, kasi magbabago sila kung handa na silang gawin 'yon," ani Harris.
"Character development is really important pero kagaya ng sinabi ni Harris, this is not a thing that you can force someone to do.
Just because you want them to have a character development, you will force them to? Paano kung mas lumala ang pag-uugali niya kaysa maging better?
Anything you force doesn't have a better outcome. Let them work things out for themselves. Let them change their behaviour because they want, not because other people want them to be." I let these words inside my mind out.
Even though they aren't asking for my opinion, still, I burst it out 'cause I think I have to.
"I agree. It's about how people need changes in themselves. After all, changes from themselves are for their own sake," Alec said in between laughs.
"At least hindi naging nonsense ang araw na 'to, 'di ba? Talaga ngang nakaka-miss na magkaroon tayo ng ganitong bonding and heart-to-heart talk, you know?" natatawang sabi ni Warren.
I laughed as I shook my head before handing the remote to switch the channel.
BREAKING NEWS:
CONFIRMED! Her former boyfriend will be her leading man on the upcoming series that will launch this September.
Nakapanayam namin ang aktres na si Trisha Burgos at kanyang kinumpirma na ang dati niyang boyfriend na viral ngayon sa social media dahil pumatok sa netizen ang kanta nitong 'Pagsuko' na si Eli Dela Peña ang kaniyang magiging leading man sa isang serye na i-la-launch sa Setyembre.
Kaugnay ng mainit na balitang ito, inilantad rin ng SGN na ang newest love team ng kanilang agency ay ang dalawa.
"What the hell?" iyon ang narinig kong reaksyon ni Julia nang mapanood ang balita.
Sising-sisi ako kung bakit ko ba inilipat sa channel na 'yon, nalaman pa tuloy nila ang tungkol sa balita. When I look at their faces one by one, iisa ang reaksyon nila at sila'y gulat na gulat. Kami lang ni Alec ang hindi nagulat 'cause we already know about that news.
And I didn't expect sila 'yong newest love team na ibinalita ni Delancy sa amin noon. How could Eli hide this from me?
"Alam mo ba ang tungkol dito, Magi?" Warren asked me.
"Yeah."
"Pero hindi mo sinabi sa amin? What's our friendship for if you keep things like this as a secret?" I understand kung bakit gano'n na lang ang galit ni Julia.
"Have you discussed this thing with Eli?" Delancy firmly asked. "And wait! Sila pala 'yong love team... OMG!"
I give them a small smile. "We haven't communicate these past few days---"
"Ayan na nga ba 'yong sinasabi ko. Malay ba natin kung nagkabalikan na ulit 'yong dalawa, 'di ba? Hello? Hindi 'yon malabong mangyari, Magi!" galit na sambit ni Julia.
"Ngayon pa't sila ang bagong love team? Malamang ay dumagsa ang mga supporters na mag-ship sa dalawa. Ang laki pa naman ng fanbase ni Trisha kung hindi ako nagkakamali!"
Kung bakit kasi nauso pa 'yang ship ship na 'yan. Hindi malabong mangyari ang sinasabi ni Julia --- what if mas ma-develop 'yong dalawa kaka-push sa kanila ng mga fans na bagay eka sila? Paano ako?
"Magtiwala na lang kayo kay Eli. Hindi naman siya magmamahal ng iba kung hindi pa siya nakaka-move-on kay Trisha, 'di ba? Kung binalak mang akitin ni Trisha si Eli, malamang hindi tatablan si Eli no'n kung mahal na mahal naman niya si Magi."
"KUNG!" galit na sinagot ni Julia kay Harris. "Hindi natin sure kung talaga bang wala na siyang feelings para sa Trisha na 'yon.
Sabihin niyo man na tapos na ang lahat sa kanila bago niya mahalin si Magi, still, may pinagsamahan silang dalawa. Minsan nang minahal ni Eli si Trisha kaya hindi malabong bumalik 'yong pagmamahal niya lalo't wala na siyang time para kay Magi. Naiintindihan niyo ba ako?"
"Tiyaka ang big deal dito... sila 'yong bagong love team! Sa mundo ng showbiz, tinototoo ng mga artista 'yang love team love team na 'yan. Baka 'yan pa ang maging dahilan para magkabalikan 'yong dalawa," Julia added.
Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon dahil sa mga thoughts na umiikot sa utak ko. Kinakabahan ako, natatakot akong maging totoo ang sinasabi ni Julia... na obvious namang hindi malabong mangyari.
At tiyaka isa pa, mas lalong magiging mahirap para sa amin ni Eli ang setup ng relasyon namin --- kasi kailangan niya 'yong isikreto. Ano na lang ang sasabihin ng fans once they knew Eli is already taken, 'di ba?
Ako na naman ang sasalo ng lahat ng sakit... ako na naman.
"Before jumping to conclusion, hintayin niyo munang magsalita si Eli. 'Wag puro husga kasi malay ba nating may dahilan lahat nang ito," Delancy stated.
I hope so.
"Nakakagulat talaga 'yong balita pero magtiwala na lang tayo kay Eli na hindi niya tatalikuran 'yong present niya para lang sa past," Warren said. "Tiyaka 'yong tungkol sa love team, I don't think may magagawa pa tayo regarding that."
"Ang magiging ending niyan, itatago ni Magi at Eli ang relasyon nila sa publiko para lang hindi masira ang image nilang dalawa sa publiko. Isipin n'yo nga kung gaano kasakit sa part ni Magi na hindi siya magawang i-flex sa public ng sarili niyang boyfriend?"
"Kumalma ka, Julia---"
"Paano ako kakalma, Yuwi? Wala ka na ngang naitutulong diyan kung hindi lumamon ng lumamon e, nakikisabat ka pa!"
"Stop it, Julia," pagsaway ni Alec. "Parte ng relasyon na pinasok ni Magi ang masaktan. Una pa lang ay dapat aware na siyang magiging ganito kahirap ang papasukin niyang relasyon once she let Eli entered showbiz."
He looked at me. "Ang hiling ko lang ay sana magpakatatag ka lang at pagkatiwalaan mo si Eli. Mahal ka no'n at naniniwala kaming hindi siya gagawa ng bagay para saktan ka."
"Nandito lang kami for you, Magi. Kahit kailan ay 'wag mong isipin na nag-iisa ka. We got your back!" Delancy cheered me up.
"Pagdating niya rito, kausapin mo siya kaagad," Warren said. "I believe you deserve an explanation kung bakit hindi niya kaagad sinabi 'yong about sa love team nila ni Trisha."
I nodded. "Don't worry about me. I believe things will fall into their proper place. Naniniwala akong bandang huli, mas pipiliin ako ni Eli over his past. I gave him the benefit of the doubt --- 'til the end, I'll believe only in his words," I said and stood from my seat. "Let's call it a day, shall we? Thanks for this fruitful conversation."
"Aalis ka na agad? 'Di pa ubos 'yong snacks," sambit ni Yuwi.
"Kaya mo namang ubusin 'yan lahat, e," I said and looked at Harris and Alec. "It's nice to see the both of you again. Na-miss ko 'yong ganitong usapan and I hope this will happen occasionally." I waved my hand before walking outside of the house.
Umalis lang talaga ko to hide my pain. Ayokong makita nila kong umiiyak --- NOT AGAIN. Ang hirap itago 'yong sakit na nararamdaman ko kaya pinili ko na lang na umalis.
Hindi ko alam na ang kapalit pala ng lahat ng saya na kasama ko si Eli noon ay may katumbas na sakit ngayon. Sa pagkakataon na ito, ramdam kong unti-unti nang nangyayari ang kinatatakutan ko. Ang takot ko na ipagpalit niya ako sa Trisha na 'yon.
But not this time. Kailangan ko siyang pagkatiwalaan na gagawin niya ang tama... hindi ang mali. Paniniwalaan ko 'yong sinabi niya na kahit saan siya magpunta, ako lang ang babae na mamahalin niya.
Napahilamos ako sa mukha ko gamit ang mga kamay. Sa totoo lang, sobra akong nasaktan nang malaman ko 'yong tungkol sa love team nila ni Trisha. Akala ko magkatrabaho lang sila sa project... bakit may pa-love team?
Dahil dito, mas lalo lang akong sinasaktan ni Eli at ng pangarap niya. Wala akong binatbat kay Trisha para matanggap ako ng mga fans nila sakaling ilantad ni Eli ang relasyon namin... na mukhang malabong mangyari.
Ayoko rin kasi na malaman ng publiko na ako ang girlfriend niya --- dahil aware naman akong kahit ano'ng gawin ko, hindi nila ako magagawang tanggapin for Eli.
I know I don't need their approval... but I just can't disregard it. Mas ibababa ko lang lalo ang sarili ko kung susubukan kong pumantay sa isang kagaya ni Trisha.
"Pagsubok lang 'to, Magi. Maging matatag ka lang para sa kaniya."
Kasalukuyang nandito ako sa may waiting shed habang nag-aabang ng taxi when my phone suddenly vibrated.
I took it out of my pouch only to see that Eli was calling me. I don't know if this is the perfect time to have a conversation with him, but on second thought, maybe he has something important to tell.
I answered the call. "Why, love?"
[Love, pauwi na 'ko ng Pilipinas!]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro