IX
04-11
Katangahan hanggang kamatayan💀
11:28 AM
Jeric:
Pre @Bryle San Jose hanap ka ni Jezz kanina.
Dan:
Oo nga pre. May sasabihin daw siya sa'yo.
Bryle:
'Yun oh! Ano daw?
Kent:
'Wag ka raw maging masiyadong mapaniwalain.
Jeric:
Asa ka pa pre!
Dan:
Puputi muna ang uwak, bago mangyari 'yan HAHAHAHA
Bryle:
Mga g*go!
Jeric:
Wala ka nang pag-asa dun pre. Grade 8 pa lang tayo nanliligaw ka na. Lampas 1 year ka na nanliligaw, 'di ka naman masiyadong pinapansin!
Kent:
Ni-reject ka pa nga nung g9 prom.
Bryle:
I'm willing to wait. 'Saka pinapansin naman ako ah. We're friends and it can be more than that.
Kent:
Pinapansin ka lang naman nun pag lumalapit ka HAHAHA. 'Di nga kayo friends sa fb.
Bryle:
At least pinapansin. Tigilan niyo na nga ako mga siraulo!
Dan:
There are many fishes in the sea! Masiyado kang nag-aabala kay Jezz.
Kent:
Oo nga pre. Sama ka sa'min sa Sabado. May party sa bahay nung isa nating kaklase. Maraming girls dun!
Bryle:
Igagaya niyo pa ako sa inyo. Mga babaero!
Jeric:
Ganito talaga 'pag gwapo. Sayang ang looks kung 'di gagamitin.
Dan:
Hindi namin kasalanan na maraming naghahabol.
Kent:
We're just enjoying life pare. Sasama ka?
Bryle:
Pass
Kent:
Tsk
Dan:
Kj mo pre
Jeric:
Ikaw naman nagsasayang ng oras, 'di naman kami.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro