Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

EPIGRAPH

Alam kong hindi ako si superman
Ni hindi ko kayang sumagip ng sinuman
Maaaring wala man akong kapangyarihan
Hindi ko man kayang lumipad sa kalangitan

Alam kong simpleng lalake lamang ako
Madalas walang pakealam sa mundo
Pero pagdating sayo
Aaminin kong natutuliro ako

Hindi man ako si superman
Pangakong narito lang ako magpakailanman
Hindi kita iiwanan
Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lamang

Oo na, alam kong wala akong binatbat
Maaaring wala man sa akin ang lahat
Kulang man ako at madalas hindi sapat
Ngunit pagdating sayo, siguradong kaya kong ibigay lahat

Isusugal ko
Kahit kahuli-hulihang piso
Magkaroon lamang ng pagkakataon sayo
Mapatunayang ikaw lamang ang laman ng puso

Alam kong hindi ako si wonderwoman
Ni wala akong lakas lumaban
Maaaring wala man akong kapangyarihan
Hindi ko man kayang ipagtanggol ang karamihan

Alam kong simpleng babae lamang ako
Madalas na kaharap ang mga libro
Pero pagdating sayo
Aaminin kong lumalambot ako

Hindi man ako si wonderwoman
Pangakong hindi ako aalis sa tabi mo, kailanman
Hindi kita hahayaang mag-isa sa gitna ng ulan
Gagawin ko ang lahat masigurong ayos ka lamang

Oo na, alam kong madalas maingay ako
Maaaring palagi man akong galit sayo
Kulang man ako sa pagpapaliwanag ng nararamdaman ko
Ngunit pagdating sayo, siguradong kaya kong isugal lahat

Ibibigay ko
Kahit kahuli-hulihang piraso
Magkaroon lamang ng pagkakataong iparamdam sayo
Mapatunayang ikaw lamang ang nag-iisang kailangan ko

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro