CHAPTER 4
🍔🍔🍔
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng makasakay kami ng bus, nasa may aisle ako habang siya naman ay nakaupo malapit sa bintana.
"Hindi ko alam," sagot niya saka nangalumbaba sa bintana habang pinagmamasdan ang dinaraanan namin.
"May gusto ka bang puntahan?" Muling tanong ko kaya't napalingon siya sa akin.
Ilang minuto siyang nakatingin sa akin bago nagsalita. "Okay lang ba sayo kung mag-bazaar tayo?" Nananantyang tanong niya.
"May bibilhin ka?"
Dahan-dahang umiling siya. "Magtitingin?" Hindi siguradong sagot niya.
"Okay."
Napasimangot siya ng marinig ang sagot ko. "Ayaw mo ba?" Tanong niya.
"May choice ba ko?"
"Sige, huwag na lang." Agap na sabi niya saka ibinalik na ang tingin sa bintana.
"Ai," tawag ko kaya't muli siyang napatingin, "Ayaw mo bang mamasyal na lang?"
"Gusto..." napasimangot siya, "pero kasi gusto ko ding magtingin sa bazaar."
"Bukas na ba ng ganitong oras yon?"
Agad siyang tumango. "Oo naman! Buong araw iyon!"
"Sige."
"Doon na lang tayo?"
"Oo."
Napangiti siya, "Thank you!" Sambit niya saka bumaling na sa bintana hanggang sa makaratig kami sa lugar. Tumayo siya at pumara kaya't pinauna ko siyang lumakad saka ako sumunod.
Pagkababa sa bus ay bumungad sa akin ang malaking lugar, mayroong ilang baitang ang naroon bago makarating sa floor kung nasaan ang sinasabi niyang bazaarngunit mula pa lamang sa kinatatayuan namin ay tanaw na namin ang mga naroon.
"Maganda rito kapag gabi na, napakaraming magagandang lights! Tsaka may tumutugtog din na sabi ni Ate Barbs ay banda raw."
Napakunot ang noo ko ng marinig iyon. "Bakit gusto mong pumunta ng umaga kung mas maganda pala ng gabi?"
"Kasi hindi naman ako papayagang lumabas sa gabi?" Patanong na sagot niya saka nagsimulang humakbang sa mga baitang. "Hindi naman kasi ako katulad ni Ate Barbs na papayagan ni Daddy kasi lagi naman niyang kasama si Kuya Winston."
"Hindi na rin naman siya papayagan ulit."
Napatingin siya sa akin ng saglit. "Bakit?" Takang tanong niya.
"Hindi mo pa ba alam na aalis na sila Kuya Winston?"
"Oo nga pala, sa Alexandriate na sila mag-aaral."
Hindi na ako umimik, pagtapak namin sa floor kung nasaan ang bazaar ay agad kaming naglibot, wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanya o kaya'y sabayan siyang maglakad habang abala naman siya sa pagtingin ng mga naroon.
"Ang ganda!" Sambit niya, "Chase! Tinginan mo oh!" Tawag niya kaya't tiningnan ko siya. Agad naman niyang iprinisinta sa akin ang isang floral dress.
"Bibilhin mo?" Tanong ko.
Tiningnan niya ang price tag at agad na umiling. "Mahal pala yon." Nakangiwing sabi niya saka ibinalik sa lagayan bago lumakad na paalis doon.
Saglit kong tiningnan ang price tag, 250 pesos iyon. Kinapa ko ang bulsa ko habang nakatingin sa kanya kung lilingon ba siya, dinukot ko ang perang naroon sa bulsa ko ngunit puro barya lamang iton at baka kahit isang daan ay hindi pa umabot.
Napabuntonghininga ako saka sumunod sa kanya, hindi ko nga pala dala ang buong allowance ko sapagkat inihuhulog ko iyon sa alkansya dahil may pinag-iipunan akong game set.
"Mag-cotton candy na lang tayo!" Sabi niya ng makalapit ako.
"Gusto mo ba talaga no'n?"
Napahinto siya sa paglakad. "Yung dress? Oo." Sagot niya.
"Yung cotton candy," pagtatama ko.
Napangiwi siya. "Sana nililinaw mo!" Napahiyang sabi niya saka timalikuran na ako. Lumakad siya patungo sa nagtitinda at bumili doon.
Iniabot niya sa akin ang isang supot. "Thank you." Sambit ko na himdi niya pinansin. Lumakad siya palapit sa bench at naupo kaya't tinabihan ko na lamang siya.
Tahimik na kinain namin yung cotton candy habang pinagmamasdan ang paligid.
"Uwi na tayo?" Tanong niya.
"Maaga pa."
Umiling siya. "Umiinit na ng husto, masakit na aa balat ang araw."
"Okay." Pagbibigay ko saka tumayo na.
Itinapon niya lamang sa basurahan na malapit yung supot saka naglakad, kinuha ko sa bag ang payong at sumabay sa paglalakad niya.
Napaangat siya ng tingin at napakunot ang noo. "Parehas kayo ng payong ni Mommy, color black nga lang ang sayo." Puna niya na hindi ko inimikan dahil wala naman akong dapat sabihin.
Naglakad kami hanggang sa sakayan ng bus, sumakay doon at tahimik na naupo hanggang sa makarating sa babaan.
"Ang aga mo?" Puna ni Mommy ng makapasok ako sa loob ng bahay.
"Hindi po ako pumasok, sinamahan ko si Ai."
"Si Dhairy?"
"Opo." Sagot ko.
"Anong ginawa niyo?"
"Nagtingin po sa bazaar." Muling sagot ko saka akmang tutuloy na sa pag-akyat ng may maalala ako. "Ah, mom?"
"Yes baby?"
"Pwede po ba akong lumabas mamayang gabi?"
Napakunot ang noo ni Mommy. "Lalabas ka mamayang gabi? Para saan?" Tanong niya.
"Babalik po kami sa bazaar ni Ai."
"May kasama ba kayo?"
"I'll try to ask Kuya Winston and Ate Barbs."
"Okay." Tipid na sagot niya kaya't tumuloy na ako paakyat sa kwarto ko.
Pagpasok ay isinabit ko ang bag ko saka nagpalit ng damit, napahinto lamang ako ng mahagip ng mata ko ang alkansyang nakapatong sa study table ko.
Lumapit ako at sinilip ang laman no'n, hindi pa umaabot ng isang linggo akong nag-iipon pero mukhang babalik na naman ako sa simula. Inabot ko sa patungan ang maliit na martilyo ko saka ihinampas iyon sa alkansya. Lumikha ng masakit sa taingang tunog ang pagkabasag ng alkansya, nahati iyon sa gitna at lumabas ang laman nun.
Napakunot ang noo ko ng makitang puro barya iyon saka ko lamang naalalang ang allowance ko pala ay sinadya kong pabaryahan upang hindi ko sana agad na mabawasan ngunit heto nakaupo na ako sa silya habang isa-isang binibilang ang mga baryang iyon. Napahinto lamang ako ng magawa ko ng itumpok ang bawat barya sa tig-sa-sampu saka ko lamang napagtanto na isang daan at singkwenta lamang iyon, kung sabagay, sa isang araw ay singkwenta lamang ang allowance ko kaya't iyon lamang talaga ang maihuhulog ko.
Napabuntonghininga ako saka tumayo upang maghanap ng idadagdag, mula sa mga bulsa ng bag ko hanggang sa kasulok-sulukan ng kwarto ko maging sa ilalim ng kama ay sinubukan kong makahanap kung mauroon ba akong naitabi o naiwaglit na pera.
Muli akong bumalik sa mesa at inilapag ang mga nakuha ko upang bilangin, pakiramdam ko'y may kasamang kaba iyon habang binibilang kung aabot ba sa isang daan upang mapunan ang kulang.
Animo'y nakahinga lamang ako ng maluwag ng umabot iyon, inayos ko ang mga barya at ini-scatchtape bago inilagay sa plastic.
Nagpalit lamang ako ng pambahay bago lumabas at bumalik sa bazaar na iyon, ni hindi na ako umikot o nagtingin pa sa ibang stall dahil isa lamang ang sadya ko.
"Salamat po," sambit ko matapos kong maiabot ang bayad at maibigay sa akin iyon. Pakiramdam ko'y nakahinga ako ng maluwag ng makuha ko ang eksaktong bagay na iyon.
Matapos makabili ay bumalik din ako agad sa bahay, hinawi ko ang kurtina sa bintana ng kwarto ko at nakita ko siyang abala sa pagsusulat habang naka-pwesto sa study table niya. Sinubukan kong pihitin ang knob ng pinto patungo sa bridge at ng magawa kong buksan ay dumaan ako sa bridge saka kumatok sa katapat na pinto.
Ilang segundo lamang at bumukas ang pinto, bumungad sa akin ang kunot niyang noo.
"Problem?" Tanong niya.
Imbis sumagot ay iniabot ko sa kanya ang isang supot, kunot pa rin ang noo na tinanggap niya iyon.
"Para saan 'to?" Takang tanong niya.
"Buksan mo."
Nagdududa man ay sinunod niya iyon, binuksan niya ang supot at agad na nanlaki ang mga mata niya ng makita ang laman no'n.
"Chase....?" Hindi makapaniwalang sambit niya habang hawak na sa mga kamay ang dress na nais niya. "B-Bakit....?"
"Sabi mo, gusto mo 'di ba?"
"Pero mahal 'to,"
"Alam ko." Simpleng sagot ko saka umatras na. "Sige, may gagawin pa ko e."
"Teka!" Pigil niya saka hinawakan ako sa braso ng akmang hahakbang na ako. "Saan mo kinuha ang pambili nito?"
"Bakit kailangan mo pang alamin?" Kunot ang noo na tanong ko.
"Sabi ko nga," bumitaw siya sa pagkakahawak sa akin. "Babayaran na lang kita pero mag-iipon muna ako ha? Alam mo namang maliit lang allowance ko e."
"You don't have to."
"No, pera mo 'to e." Kontra niya.
"It doesn't matter, just...." napakagat ako sa labi ko, hindi ko rin maitindihan kung bakit ginagawa ko 'to, ".....just go with me tonight."
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Saan?" Takang tanong niya.
"Sa bazaar?"
"Hindi ako papayagan," nakasimangot ng sabi niya.
"Ako ng bahala."
"Sige," tiningnan niya ang hawak. "Sabi mo e."
Hindi na ako umimik at bumalik na lamang sa kwarto ko. Doon ko lamang pinalipas ang oras habang nakatingin sa kisame, paulit-ulit kong iniisip kung bakit ko ba ginagawa iyon hanggang sa maging sapat na ang dilim. Umangat ako sa pagkakahiga at pumasok sa banyo, naligo ako at nagpalit bago sinilip siya mula sa bintana.
Napangiti ako ng makitang abala siya sa harap ng salamin habang nag-aayos ng sarili at suot na niya ang floral dress na iyon kaya't bumaba na ako saka lumabas ng bahay.
Tinungo ko ang pinto ng bahay niya saka kumatok doon, bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Tita Pau.
"Oh, Chase!" Nagulat na sambit niya.
"Magandang gabi po, Tita."
"Bihis na bihis ka ata, anong sadya mo?" Takang tanong niya saka pinagmamasdan ako.
Marahang nginitian ko siya. "Maaari ko po bang isama si Ai? Pupunta lang po kami sa bazaar." Paalam ko.
Napangiti siya ng marinig iyon. "Oo naman, pero kailangan kasama niyo sila Winston. Gabi na at baka mapano kayo sa daan kung kayo lang." Kundisyon niya.
"Ayos lamang po, mas mabuti nga po iyon." Sang-ayon ko at nabulabog na nga ang lahat. Isang oras makalipas ay paalis na kami ng hindi naman mahagilap si Ai sa buong bahay.
"Nasaan na ang kapatid mong iyon?" Tanong ni Tita Pau kay Ate Barbs.
"Hindi ko alam, Mommy. Nasa kwarto niya lang po yun kanina e." Sagot ni Ate Barbs.
Napakunot ang noo ko saka nag-angat ng tingin sa bintana ng kwarto niya, sinundan ng mga mata ko ang bridge at napahinto iyon sa bintana ng kwarto ko kung saan mayroong silhouette doon.
Nanlaki ang mga mata ko saka dali-daling tumakbo papasok, hindi ko naitabi ang nabasag kong alkansya! Sana'y hindi niya iyon nakita ngunit ng makarating ako sa kwarto ko ay huli na para umasang hindi niya iyon nakita.
Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakatayo sa harap ng study table ko habang nakatingin sa alkansya ko.
"Ai," tawag ko sa pansin niya, agad niya akong tiningnan.
"Binasag mo ang alkansya mo para bilhin 'to?" Tanong niya habang nakahawak sa suot niyang floral dress.
Napasaltak ako saka nilapitan siya at hinawakan sa braso, "It doesn't matter, halika na at iniintay na nila tayo."
"No!" Kontra niya. "Bakit mo binasag?!"
"Ai-"
"-Sagutin mo ko!" Demand niya dahilan para mapahawak ako sa sintido ko, pakiramdam ko'y pumintig bigla ang ugat ko.
Napabuntonghininga ako. "Oo, " sagot ko sa pag-aakalang matatapos a iyon ngunit nangilid lamang ang mga luha niya.
"B-Bakit?" Muling tanong niya.
"Kailangan pa bang may rason? Hinihintay na nila tayo sa ibaba."
"Hindi ako sasama kung di mo sasagutin!" Pagpupumilit niya na ikinasaltak ko.
"Ai, hindi ba pwedeng-"
"-Hindi!" Agap niya.
"Fine," naiinis ng pagpayag ko. "Binili ko kasi gusto mo, kaibigan kita e kaya ibibigay ko sayo lahat! Lahat-lahat!"
"Ai!" Natatarantang hiyaw ko ng tuluyan na siyang umiyak matapos marinig ang mga sinabi ko. "Bakit ka ba umiiyak?!"
"S-Sorry! I-I can't help it!" Taranta ring sambit niya saka pinunasan ang mga mata ngunit kahit anong gawing pagpunas ay tuloy-tuloy pa rin iyon.
Napabuntonghininga ako saka kumuha ng tissue mula sa mesa ko at pinunasan ang mga luha niya.
"Tumahan ka na, baka isipin pa nila na inaaway kita."
"H-Hindi ko mahinto!" Katwiran niya.
"Kumalma ka kasi!"
"Sorry!"
Napasaltak ako. "Magkakaroon na nga lang ako ng kaibigan, iyakin pa." Naiiling na sabi ko dahilan para tingnan niya ako ng masama.
"Hindi ako iyakin!" Deny niya.
"Oo na, halika na sa baba at naghihintay na sila."
Pinunasan niya ang mga luha saka inayos ang sarili, saglit pa siyang sumilip sa salamin para tingnan ang sarili bago lumabas ng kwarto ko. Paglabas naman namin ng bahay ay agad na tumayo mula sa pagkakaupo sila Kuya Winston at hindi na nagtanong pa sa amin, basta na lamang silang naglakad upang umalis na kami doon. Marahil ay kahit pa halata naman nilang umiyak si Ai ay hindi na nila gustong usisain dahil naiintindihan nila iyon.
"Tahimik ka," puna ko ng naglalakad na kami palabas ng subdivision.
Umiling siya, "Thank you." Sambit niya saka tiningnan ako.
"Huwag ka ng iiyak."
"Kapag ba hindi na ko umiyak, bibilhan mo ulit ako?"
Napatikwas ang isang kilay ko. "Umaabuso ka ata?" Ismid ko.
"Joke lang," sabi niya saka humawak sa braso ko. "Ano pa lang pinag-iipunan mo sana?"
"Game set." Tipid na sagot ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.
"Chase!" Hindi makapaniwalang sambit niya sa pangalan ko. "Paano yon....?"
Nagkibit-balikat ako, "Edi mag-iipon ulit." Balewalang sagot ko.
"Ganyan ka pala maging kaibigan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Iminuwestra niya ako. "Ibibigay mo lahat-lahat." Pag-uulit niya sa sinabi ko kanina.
Tumango ako. "Hindi ba't ganoon naman dapat?" Tanong ko.
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa akin. "Buti na lang pala ikaw ang kaibigan ko."
"Mukhang lugi ata ako." Biro ko na ikinasama ng tingin niya kaya't napatawa ako. "Biro lang." Bawi ko saka inakbayan siya, hindi naman siya nagpatalo at inakbayan din ako kaya't magkaakbay kaming naglalakad animo'y matagal ng mag-tropa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro