CHAPTER 3
🍩🍩🍩
"Goodmorning!" Nakangiting bati ni Vlaixe, parang araw-araw na nga niyang routine iyon, ang batiin kaming lahat habang nakangiti.
"Goodmorning, Vlaixe!" Bati sa kanya nila Ate Barbs saka nagsimula ng maglakad katulad ng ginagawa namin noong mga nakaraang araw ay naglalakad kami ng sama-sama hanggang sa sakayan ng bus pero hindi pa man nakakalayo sa bahay ay may naalala ako.
"Nasaan si Dhairy?" Tanong ko ng mapansing wala ang babae at lima lang kami.
Napahinto sila at napalingon sa akin saka lamang nila naalalang kulang nga kami ng isa.
"Mabagal talaga ang babaeng 'yon," sagot ni Ate Barbs.
"Una na kayo, hintayin ko na lang."
"Sigurado ka? Baka hindi ka makapasok sa unang subject,"
Tumango lang ako kaya hindi na nagpumilit si Ate Barbs at nagpasya na silang lumakad para pumasok samantalang naglakad naman ako pabalik sa tapat ng bahay nila para hintayin siya. Ilang minuto ang lumipas bago siya lumabas ng bahay, agad na kumunot ang noo niya ng makita ako.
"Ikaw na lang?" Takang tanong niya, "Nasaan sila?"
"Nauna na."
"Kanina ka pa?"
Umiling ako, "No, kababalik ko lang." Sagot ko saka sumabay sa paglakad niya.
"Kababalik?" Kumunot ang noo niya saka tiningnan ako, "Bumalik ka pa?"
"Wala kang kasabay."
"Ayos-"
"-Shut up, bilisan-aray!" Napadaing ako ng hampasin niya ako. "Oh bakit? Kapag walang humintay sayo, magagalit ka na naman sakin!"
"Hindi ako magagalitin!" Pilit niya.
"Whatever you say," dismiss ko dahil ganoon pa rin naman, kaysa patulan ko siya ay hinawakan ko na lang ang bag niya saka kinuha iyon.
"Ano ba! Bakit?" Inis na tanong niya pero imbis sagutin iyon ay hinawakan ko siya saka hinila na para bumilis ang lakad.
"CHASE!" Malakas na sigaw niya saka hinatak ang kamay dahilan para mapahinto ako, saka ko lamang napagtanto na kamay niya pala ang hawak ko. "Bakit ba madaling-madali ka?!"
"Mali-late tayo!"
"Ano naman?"
Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya, "Seriously?" Sarkastikong sambit ko.
"Ayos lang yan! Friday naman ngayon!"
"Kahit na,"
"Akala mo naman grade conscious!"
"Baka mawalan tayo ng goodmoral!"
"Edi wala!"
Napasimangot ako, "Bahala ka sa buhay mo." Inis na sabi ko saka akmang uuna ng lumakad ng hatakin niya ang kwelyo ko sa likod.
"Saan ka pupunta? Iiwanan mo ko?!"
Nilingon ko siya at nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, hindi ako nakaimik habang pinagmamasdan siya.
"Ano?!"
"Maganda ka sana e, maldita ka lang." Naiiling na sabi ko saka piniksi ang hawak niya pero hindi pa ako nakakatayo ng maayos ng ipulupot niya sa leeg ko ang braso niya kaya muli akong napaliyad.
"Anong sabi mo?!"
"Bingi ka ba?"
"Chase!"
"Bitawan mo ko! Hindi ako makahinga!"
"Saan ka nakakita ng sinasakal na nakakahinga?!"
"Seriously! Late na tayo!"
"Friday nga ngayon!"
"Anong kinalaman ng friday sa late na tayo?!"
"Friday, ibig sabihin free day! Walang klase!"
Napahinto ako at muling nilingon siya ng marinig iyon.
"Totoo ba?" Dudang tanong ko.
"Oo!"
Napakurap-kurap ako samantalang binitawan naman niya ang pagkakasakal sa akin.
"Gusto mo pa bang pumasok?"
"Oh," tinaasan niya ako ng kilay, "Bakit tinatanong mo ko ng ganyan?"
"Free day e!"
Napailing-iling siya, "Ambilis mo naman mabago!"
"Mukhang ayaw mo rin naman pumasok."
"Tambay na lang tayo?"
"Yari tayo pagnalamang hindi tayo papasok!"
"Ako ng bahala," nakangiting sabi niya saka hinawakan ako, nagpatianod na lamang ako habang pinagmamasdan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang hila-hila ako.
Noong mga panahong iyon, dahil bata pa ay wala namang ibig sabihin ang kahit na ano, ang mahalaga ay nagkakaintindihan kaming dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro