Jamzindy's Fan Mail
Dear Jakeys ko,
Hi, Jake! Sana mabasa mo itong sulat ko para sa'yo. Sulat na galing sa isang dakilang fan. Hehehe isang Fan na nangangarap na makita at mayakap ka. Isang fan na nangangarap na makasama ka habang buhay. Pero alam kong impossible 'yong mangyari... eh kasi ganito lang ako, eh. Tsaka sobrang layo natin sa isa't isa. Sabi nga sa kanta 'Langit Ka Lupa Ako', Jake ikaw ang langit at ako naman ang lupa. Nandito lang ako sa baba habang ikaw sobrang taas mo. Hindi kita maabot. Ang hirap mong abutin.
S'ya nga pala kumain ka na? Jakeys ko 'wag kang magpapagutom, ha? Alagaan mo ang sarili mo... kasi maraming nagmamahal sa'yo. At isa na ako du'n. Galingan mo lagi, ah?! Palagi mong tandaan na nandito lang kaming mga fans mo na nagmamahal at nagsusuporta sa'yo. Always remember na nandito lang lami sa tabi mo in every good time and bad times.
Alam mo Jake minsan parang gusto ko nang itigil 'to. Pero na realize ko hindi ko kaya. Kaya nandito ako patuloy na sumusuporta sa'yo. Patuloy na nagmamahal sa'yo. Kahit na sa huli alam kong ako lang ang masasaktan.
Pasensya na, ah? Pasensya na kung masyadong OA ang ginawa kong sulat. Ito kasi ang sinasabi ng puso ko, eh. 'Wag mong papabayaan ang mga co-members mo lalo na si Jungwonie... ang nag iisang sheep garden. Hahaha Joke lang. Naalala ko lang kasi ang I-land, eh. Naalala ko pa nga 'yung salitang RAS, eh. Resentment, Anger and Shame. Si Jay, 'yan ang iconic line niya.
Jake you inspired me! Na walang imposible para hindi maabot ang isang pangarap. Dahil sa'yo na realize ko na sundin ang puso ko. Na piliin ang mga bagay na magpapasaya sa'yo. At isa ka na du'n Jakeys ko. Ikaw ang nagpapasaya sa'kin. Ikaw ang nagbibigay ng kulay sa araw ko. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito patuloy na ipinagpapatuloy ang buhay.
Jake alam mo ba gusto ko someday makapagpatayo ako ng bakeshop... ano kaya ipapangalan ko? Eto na lang kaya? 'Jakeys Bakeshop' Hehehe ang corny, no! Pero seryoso gusto ko talagang makapag bake...Jake alagaan mong mabuti si Layla, ah.
- Jamzindy
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro