CalysLee's Fan Mail
To MJ, Jin Jin, Eunwoo, Moon Bin, Rocky, and Sanha, Annyeong!
It has been 4 years since we met (kunwari close tayo, char!) and still parehas na feels pa rin ang nararamdaman ko. Walang pagbabago. Kayo pa rin talaga ang ultimate babies ko. I still remember, years back, kayo ang nag-save sa 'kin mula sa nakaka-stress sanang journey ko as a senior college student. Dahil sa inyo hindi ko na-feel ang burden ng acads, instead naging enjoying siya para sa 'kin.
Kayo rin ang isa sa nag-motivate sa 'kin no'ng halos mag-fall to zero ang confidence level ko dahil sa anxiety attack na hatid ng licensure exam. I remembered, kapag napapagod na ako sa pagre-review no'n, makikinig lang ako sa songs ninyo (this was way back Rise Up era) gumagaan na ang pakiramdam ko.
And now na ganap na akong professional, kayo pa rin talaga ang ultimate inspiration ko—next to may family and friends. I am much grateful dahil nakilala ko kayo. Dati, akala ko magfa-fan girl lang ako dahil kay Eunwoo (kasi siya ang una kong nakilala sa inyo) pero hindi pala. Kasi I learned to love you all. Natutunan kong mahalin ang maingay na side ni MJ, ang funny side ni Leader-nim Jin Jin, ang motherly side ni Eunwoo, ang charming side nina Binnie and Rocky, at pati na rin ang mapang-asar na side ni medyo evil maknae, Sanha. Ah! What more could I say? You captured my poor hearteu, babies. Take responsibility of it, jaebal! 😁😍😍😍
By the way, nasabi ko na ba na super proud ako sa achievements ninyo? Kung may hihigit pa sa word na "proud" para i-describe ang nararamdaman ko, let me use that adjective then. Throughout your journey feeling ko nakasama ninyo ako. Nakakatuwa ring ma-witness ang growth ninyo as artists and as a group. Indeed, napaka-unique ninyo. Your talents are awesome as well! Sana magpatuloy pa kayo sa pag-create ng inspiring songs. Also, I hope that we could be together for the next 50 years or more. Kung ano man ang na-achieve ninyo ngayon (super congrats sa triple win ng ONE!💕) you really deserve them all. I'm a proud Aroha and I can't imagine living without ASTRO 💕💕💕
I really hope I could see you soon. Sana matupad ang ultimate dream ko na iyan. For the meantime, habang hindi pa tayo nagkikita, do not forget to take care of yourselves. I will always pray for your safety and well-being and I also promise that I will always be here for you.
Saranghae, babies! See you soooon! 💕💕💕
Love,
Calys💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro