WALO
[Feya's POV]
I heard tinnitus because of the slap. Namanhid ang kaliwang pisngi ko— parang inipon niya lahat ng galit at sa sampal na 'yon niya ibinuhos.
"Makakabalik pa sana ako sa pamilya ko kung napatay ko si Jax!"
That was his name— Jax.
Kapagkuwan ay tumawa na naman siya. Pinaikot-ikot niya ang kaniyang buhok sa kaniyang daliri at tsaka nagpalakad sa harapan ko. Tumigil siya pero patuloy rin ang paglalaro niya sa hibla ng kaniyang buhok.
Ngumisi siya. "Mas nakakatuwang panoorin na maging halimaw ka kagaya ko at ikaw mismo ang papatay sa iyong mga kaibigan."
Nanginig ang aking labi dahil sa kaniyang sinabi. Iyon ang kaniyang plano.
"O kung gusto mo, sabay natin silang paglaruan at pagkatapos no'n ikaw naman ang isusunod ko." Ngumiti siya. Kapagkuwan ay suminghap siya at umiling. "Ah hindi hindi hindi!" pagbabawi niya.
Tinitigan niya ako at ngumiwi. Unti-unting humulma ang ngiti sa kaniyang labi. She lightly clapped her hands— she seemed excited about the idea she just formed.
She bended down to face me.
"May bago akong naisip." She giggled. "Pagkatapos mo silang saktan tsaka ko aalisin ang sumpa na meron sayo para magalit ka sa sarili mo—mas nakakatuwa nga 'yon— tapos magmamakaawa ka na lang sa'kin na patayin kita o gawin kitang katulad ko dahil sa sakit at sa hindi mo matanggap ang kahayupang ginawa mo."
She faked her frown. She clenched her hands and put it in front of her face. "Huhuhuhuhu kawawang Feya." She said dramatically while she's moving her hands to wipe his imaginary eyes— Barbara is mocking me like a child.
Kumuyom ang kamay ko sa aking likuran habang nakatali ito. I clenched my jaw as I stared at her.
Magaling siyang mang-asar.
"Hindi kita magiging katulad!" sigaw ko kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng aking luha.
Ayokong mawala ang mga kaibigan ko nang dahil sa akin. Ayoko silang mapahamak. Kailangan na nilang makaalis dito. Kailangan nilang mailigtas si EJ. Kailangan ko silang makausap.
Habang pautoly ako sa pag-iyak ay bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso. Ilang beses akong kumurap nang unti-unti akong nahihilo— dumilim ang paligid.
Sa sunod na pagkurap ng aking mga mata ay nag-iba ang aking lokasyon.
Mahamog ang paligid at malamig.
Napayuko ako para tignan ang aking sarili— hindi na ako nakatali sa upuan.
Nasaan na naman ako ngayon?
"Feya?"
Mabilis kong inilibot ang aking tingin nang marinig ko ang tinig ni Clara.
"Clara?"
"Feya!"
Nang lumingon akong muli ay nakita ko si Clara— she was happy to see me and so was I.
[Clara's POV]
When I woke up I ate a lot to regain my energy and afterwards I did what Feya asked me to. I didn't tell to them— Adrian, Kael and Josh— what are the things we've talked about in the dream, 'coz I knew they would stop me.
I finished to link Barbara and Feya's life, then decided to tell them the truth— just with Adrian and my boyfriend 'coz Kael was locking himself at the other room. Hindi niya kami pinapansin.
"Why did Feya ask that?" nagtatakang tanong ni Josh habang nakaupo siya sa gilid ng higaan.
Nasa kwarto kaming dalawa at nakaupo ako sa tabi ng mirror table.
Tinignan ko lang si Josh.
Pinandilatan niya ako. "Ano nga?"
"Isipin mo— Feya wants to save us. Barbara is a threat to our lives. If something happens to Feya it will also affect Barbara, vice versa."
Nanlaki ang mga mata niya habang naiiling— seemed like he already got the point of the spell. "Nah... don't tell me— Feya is thinking that she's gonna be killed by that monster!? So she would take Barbara with her if she died!?"
Nag-iwas ako ng tingin. "Maybe... " mahina kong sagot.
"Babe!? Then why did you do it?" he sounded frustrated.
My heart felt the squeeze— I'm scared. I could already feel the guilt if something happens to her.
"Feya asked me for it. I know she has a plan and what we can do now is to trust her."
"Most of the curses or spells have counter spells, right?" seryosong sabi ni Adrian na nasa gilid ng pintuan.
Hindi namin napansin ang kaniyang tahimik na pagdating.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ka man lang kumatok?"
Paano kung may ginagawa kami!? Ito talagang si Adrian pasulpot-sulpot.
Tinignan niya lang ako.
Inirapan ko siya.
Nagsalita si Adrian, "Hindi na ako nag-atubiling kumatok sapagkat bukas naman ang pinto— ipinagpalagay ko na lamang wala kayong ginagawa dahil hindi ito nakasara." Binigyan diin niya talaga iyon.
I was surprised. "Anong ginagawang pinagsasasabi mo!?" defensive kong sabi.
Tumawa si Josh.
Inilingan na lang ako ni Adrian habang walang ekspresyon ang kaniyang mukha.
Sinulyapan ko si Josh. Pinandilatan ko siya ng aking mga mata.
Huminto siya sa pagtawa.
He pulled up the neck part of his shirt to cover his lips— but I could still see the hint in his eyes that he's laughing so hard!
Adrian let out a heavy sigh. Sumandal siya sa dingding at humalukipkip.
Nakatuon ang kaniyang atensyon sa akin. Tinaasan niya ako ng kaniyang kilay. "Maaari ko na bang malaman ang sagot sa aking katanungan?' nabuburyo niyang tanong.
Umismid ako bago sumagot. "Yes, most of it have a counter spell." pabalang kong sagot sa kaniya habang naririnig ko pa rin ang mahinang pagtawa ni Josh.
Hindi ko na lang 'yon pinansin.
Tumingin sa kawalan si Adrian at kinausap ang hangin. "Then we could help her overcome the curse."
Josh growled and released his shirt from the grip. "Dude, I told you to stop speaking in English."
Adrian looked at him. "And I also told you before that I'm gonna get you used to it."
Natawa ako, at maging sila.
Nagseryoso ulit si Adrian. "Ang sumpa na mayroon kay Feya ay nagawa dahil sa galit." Napaisip siya. "There has to be something to counter that."
Napatawa si Josh. "Then what are you telling to us— that it could be a true love for the counter?" Humalakhak siya. "Because hatred is the opposite of love, right?"
I hissed to make him stop and Adrian gave him a death glare.
Tumigil siya kaagad at nag-poker face. "Okay sorry sorry." Nag-ayos siya ng upo. He zipped his mouth.
I blurted out. "Yes baby, so stop laughing about it. It's kinda cliche but that could be the possible answer." Iniripan ko siya.
Sumagot na naman si Josh. "So kailangan lang nating ipunta si Kael kay Feya and then?" He looked at us to continue the sentence but we didn't so he resumed his sentence. "Then they're gonna say I love you and magki-kiss sila ganon?" nananatya niyang tanong.
Si Adrian naman ang napatawa. "Josh, we're not in the disney movie."
Josh shrugged. "That's what disney movies mostly show." casual niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "It's kinda easy, if that was the case."
"Iyan din ang nasa aking isipan." pagsang-ayon ni Adrian. "Hindi lamang basta tunay na pag-ibig ang sagot sa sumpa na binigay niya kay Feya."
"Maybe a lot more savage, but connected with that true love thingy." dagdag ko.
Josh hummed. "Can you guys tell me about Barbara? Maybe we could find clues with what happened to her."
Adrian looked at me— waiting me to tell the story.
Okay.
"My parents said, Barbara was one of the prominent witches in our coven."
"Woah." react kaagad ni Josh.
"She was also the best friend of mommy— but I didn't meet her. Mommy described her as one of the best and one of a kind— reasons why she was undoubtedly liked by the boys around their place. None of them was liked back by her, but there was one man who passed her high standards— Tito Gregor, one of the well-known witch, too— yet she always had setbacks about him 'coz he was flirty with the other girls before. He always and could easily win a woman's heart, however he didn't have any girlfriend, never had— that's why he doesn't have a wife right now." Napatawa ako. "Mommy and daddy always tease him with the other girls he had a thing before but didn't become official. He's also the best friend of mommy and daddy, also my godfather. He always visits in our place to give me some gifts."
Ngumiwi si Josh. "But did your Tito Gregor like her?"
Napangisi ako. "I think so."
"Ba't hindi naging sila?" pagtataka naman ni Adrian.
Nagkibit-balikat ako.
"Maybe because Tito Gregor was always with the other girls— turn off." puna ni Josh.
Tumango si Adrian "Tapos nakilala niya 'yong anma." kapagkuwan ay kumunot ang noo niya. "Paano niya nakilala 'yong anma?"
"I don't know the details about that. What I'm sure of is— she just went along and joined Jax, the anma. Like she didn't even bother to leave her family behind. After that, many rumors spread in our community— her, doing nefarious things that made our coven degrade her. She wrecked our place, killed tons of people from our coven."
I took a deep breath. "They didn't know what happened to the light in her heart, but most of them say— they just didn't see the villainous behavior that's creeping deep down in her core."
Josh let out a heavy sigh. He couldn't believe. "What the heck. Barbara is a wicked ass witch." walang pakundangan niyang komento.
Napalabi ang boyfriend ko. "But what's the connection between Feya and Barbara?" pagtataka niya.
Ngumuso ako sa gawi ni Adrian para tignan niya ito.
"Okay, now you're the one who's gonna tell a story." puna ni Josh. Napamasahe siya sa kaniyang sintido, mukhang napapagod na siyang makinig sa mga kwento. "Wow, there's a lot that I don't know."
Napangiti ako nang palihim. He's so cute.
Tinignan siya ni Adrian at mabilis na kwenento ang mga impormasyong alam niya tungkol sa nangyari sa pagitan ng mga magulang ni Feya at ni Barbara, at kung paano nadamay si Feya sa gulong iyon.
I just stared at him while he was really paying attention to every details Adrian was talking about. Sometimes he looked confused because Adrian was so fast to talk and he also used deep tagalog words that made my baby frowned many times, so he would ask Adrian to say it in other term for him to understand.
I silently giggled.
He lightly nodded after Adrian finished.
Josh tilted his head, seemed like he had an idea. Ngumiwi siya at tumingin sa ibang direksyon. "Earlier, you told, Adrian," He pointed his index finger to Adrian while he was not looking at him. "that there are spells to counter another spells, right?"
"Nabanggit ko nga." sagot ni Adrian.
Humalukipkip ang aking boyfriend. He placed his other hand below his chin. "I don't know if I'm just thinking too much and exaggeratedly concluding but—"
"Maaari bang dalian mo ang iyong pagsasalita at ilahad na ang iyong nais sabihin?" naiinip na sabi ni Adrian.
Josh hummed, he didn't listen to Adrian.
Nainip na rin ako. "Josh, just say it."
Kaya napakatagal naming nagpakiramdamang dalawa no'ng hindi pa kami dahil ganyan siya, napakaraming paligoy-ligoy, pa-suspense.
Tinignan niya kami at saglit niya kaming tinawanan dahil sa aming itsura habang naghihintay sa kaniyang sasabihin.
Bumuntong hininga siya at nagseryoso. "You, hunters are enemies of anma and other creatures, like reapers. Her husband— Jax— was killed by hunters— parents of Feya. So since Barbara— our wicked ass witch— is the savage villain. I think the counter spell we can do to her curse to Feya—"
"Babe! Ano ba!?"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ito na nga."
Sumimangot ako at pinagpatuloy niya ang kaniyang sinasabi.
"What if the true love of Feya would be the one who should kill her or maybe vice versa?" Nagkibit balikat siya. "Or anyone who are close to her— lover, friend, family. 'Coz enemy was the one who killed Jax. I feel Barbara wants Feya to suffer so probably she would do that, making Feya kill her loved ones or the other way around."
"Babe, ang OA."
Tinignan niya ako at muling nagkibit balikat. "That's possible."
"Possible nga iyon." pagsang-ayon ni Adrian.
"We're doomed if that's the case." bulong sa hangin nang sumandal ako.
"We're already doomed." pagtatama ni Josh.
Napahawak ako sa aking sintido, nakaka-frustrate.
It could be one of us who'll do the job or will be sacrificed.
[Feya's POV]
"Kasalanan mo ang lahat ng 'to Feya!"
Nagising ako dahil sa isang sigaw ng babae.
Minulat ko ang aking mga mata.
Nagugulumihanan kong inaaninag ang malabong pigura ng isang babaeng nakaupo sa lapag habang may isa pang pigura ng katawan sa lapag na nakahiga.
Nilibot ko ang aking tingin. Narito pa rin ako sa kwarto bago ako mawalan ng malay at makausap si Clara. Nakatalikod na ang aking upuan sa lamesang may gutay-gutay na katawan ng tao.
Nahihilo kong binalik ang tingin sa dalawang tao na nasa aking naharapan. Nang lumiwanag ang paningin ko ay nagulat ako. Si Hera at Kael!
Nakatali ang kanilang mga kamay gamit ang lubid. Anong ginagawa nila rito?
"Kael!" sigaw ko sa kaniyang pangalan. Akma akong lalapit para puntahan siya pero napigilan ako dahil sa pagkakatali ko sa upuan.
Niyugyog ni Hera si Kael.
"Anong ginagawa niyo rito?" nag-aalala kong tanong kay Hera.
Tinignan niya ako nang matalim.
"Kasalanan mo ang lahat ng to!" sigaw niya sa akin habang umiiyak.
Lumipat ang tingin ko kay Kael. Duguan ang kaniyang damit— parang kagagaling sa bugbog. Ano na naman ba ang nagawa ko nang hindi ko namamalayan?
Parang pinupunit ang puso ko habang nakikita siya roong walang malay.
"Kael." nagsusumamo kong tawag sa kaniya, umaasang magigising sa aking boses.
Gusto ko siyang puntahan at yakapin.
"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko kay Hera.
Mas lalong tumalim ang kaniyang pagtitig sa akin. "Huwag mo akong tanungin! Tanungin mo ang mga kauri mong halimaw!"
Nang gumalaw si Kael ay nagbago ang ekpresyon ni Hera, nag-alala niyang inalalayan si Kael. "Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong sa kaniya.
Ako ang dapat na nagtatanong niyan sa kaniya, hindi ikaw, Hera.
Dumaing siya sa sakit nang tinulungan siyang makaupo.
"Kael... " masuyo kong tawag sa kaniya. "Ayos ka lang ba—"
Napatigil ako nang lingunin niya ako ng galit niyang mga mata.
Kumunot ang noo ko at mabilis na hinabol ang kaniyang mga mata nang ilihis niya ito sa akin at ipinunta kay Hera.
His facial expression softens when he talked to her and checked if she was okay.
"Hera, are you okay?"
Bakit mo siya kinamusta at ako hindi?
Inilihis ko ang aking mga mata nang makita kung paano magtitigan ang nag-aalala nilang mga mata para sa isa't isa.
Pakiramdam ko ay dinadaganan ang aking puso.
Hindi man lang niya ako kinausap at mas inuna niya pa si Hera.
Lumandas ang luha sa aking pisngi.
"Okay lang ako, okay ka lang ba?" Hera's tone was so worried.
Naaninag ko sa aking peripheral view ang paghawak ni Hera sa pisngi ni Kael.
Lumingon ako at tinitigan sila.
Masuyo niyang hinaplos ang mukha ni Kael.
"Kael." pagtawag ko ulit sa kaniya para agawin ang kaniyang atensyon— pero hindi siya lumingon, narinig niya ako pero pinagsawalang bahala niya iyon.
Napaiyak na ako. "Francis, bakit hindi mo ko pinapansin?" I sounded like I was pleading for his attention.
Mabilis niya akong nilingon at pinagtaasan ng boses. "Huwag mo kong tatawaging Francis! Wala kang karapatan para banggitin 'yan!" He was so angry. Namumula ang kaniyang mga mata dahil sa pag-agos ng kaniyang luha.
He doesn't just let anyone call him, Francis. He said, the only people who can call him that are the people he trusts and loves the most. I'm one of them, or was I?
"Hindi mo na ba ako mahal para hindi kita tawaging Francis?" sambit ko sa pagitan ng aking pag-iyak.
"Wala akong minahal, mahal at mamahalin na isang halimaw na katulad mo!"
Ano bang nagawa ko sa kaniya?
Hindi ko naman ginusto ang nangyari sa akin.
I slowly shook my head. "Hindi ako halimaw." I tried to convince him.
Marahas siyang napabuga ng hangin. "EJ told us everything a while ago when we were in the cell— the nights when you visited here." Napaiyak siya. Iniwas niya ang kaniyang mga mata na parang hindi maatim na tignan ako nang matagal. "He even told us that you ate human body parts." His jaw was clenching.
Pinagtanggol ko ang aking sarili. "Hindi ko ginusto 'yon." pilit kong pagsusumamo sa kaniya para paniwalaan ako.
He glared at me. "Sinungaling!"
Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung ano-ano na nga ang nangyayari sa akin tapos dadagdag pa ang ganitong trato sa akin ni Kael.
Wala nang naniniwala sa akin.
We heard a heavy sighed.
Lumingon ako at nakita si Barbara na nakatayo sa gilid ng pintuan— may sungay ito pero makinis pa rin ang kaniyang mukha habang itim ang buo nitong mata.
"Tama na ang dramahan, Feya." walang emosyon niyang sabi, wala siyang pakialam sa aming mga nararamdaman. "Tara na sa labas." dagdag niya.
Pumasok ang anim na anmang lalaki, kitang-kita ang kanilang mga sungay at ang mga itim na ugat sa kanilang pisngi, buong itim rin ang kulay ng kanilang mga mata.
"Mamatay na kayong mga halimaw!" sigaw ni Kael sa kaniya.
Napasinghap ako nang pukpukin siya ng isa sa mga alagad ni Barbara at nawalan siya ng malay dahil sa lakas.
"Kael!" sigaw ko. Nagpumiglas ako sa upuan.
"Ilabas niyo na ang mga iyan pati ang baklang naroon sa selda." tinatamad niyang utos sa mga pangit na halimaw.
They cut the rope that was tying me to the chair. Tinutukan ako kaagad ng kutsilyo sa aking leeg ng isang anmang lalaki. "Huwag ka nang lumaban pa kung ayaw mong mas lalong mahirapan o pahirapan pa namin lalo ang mga kaibigan mo." pagbabanta niya.
Marahas kong tinabig ang kaniyang kamay na may kutsilyo. Mahigpit na hinawakan ng dalawang anma ang magkabilaan kong braso at hinila ako palabas.
Sa pagpadyak ko ng aking mga paa ay taimtim akong nagdadasal sa aking isipan habang nagpapalinga-linga.
Ang mga torch na nakasabit sa magkabilaang hallway ang nagbibigay liwanag sa paligid— iyon din ang dahilan para masilayan ko ang mga ulo ng hayop, at ang iba ay mula sa tao.
Inilihis ko ang aking mga mata. Naisip ko ang maaaring mangyari sa kanila. Natakot na baka ang ulo nila ay maisali sa mga nakasabit sa dingding. Ayokong mapahamak ang aking mga kaibigan dahil sa akin.
Nakalabas kami sa mahabang hallway at isang malaking espasyo ang sumalubong sa amin. Nagmukha itong parang isang museum. Napalibutan ang buong dulo ng maluwang na silid ng mga naka-preserve na katawan ng tao na may sari-sariling pahabang glass box kung saan sila nakapaloob. Nakasuot nang magagarang damit ang mga ito. Napanatili silang nakatayo at may sari-sariling postura dahil sa mga taling nakakonekta sa kanilang katawan mula sa tuktok ng glass box. Para silang mga puppet.
Napahinto ako, maging ang mga anmang may hawak sa akin nang may nakaagaw ng buong atensyon ko.
Napatitig ako.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking kinatatayuan, naistatwa ako.
"Ma...pa..." Halos wala ng boses ang lumabas sa aking bibig.
Nanikip ang aking dibdib. Nadurog ang puso ko habang tinitignan sila na nakalagay sa sarili nilang glass box. Isa sila sa mga puppet na ginawang palamuti.
Dilat ang kanilang mga mata at puro tahi ang kanilang mukha pati bibig.
Napatakip ako sa aking bibig at humagulgol.
Ngumisi si Barbara. Lumapit siya sa akin at tinitigan din ang aking mga magulang.
"Bumati ka naman sa mga magulang mo." Tinignan niya ako habang may nakakurbang ngiti sa kaniyang labi. "Ilang taon na rin ba simula nang mawala sila?" Humalakhak siya.
Mabilis kong inabot ang kaniyang buhok para hablutin ito pero nauna ang mga anmang lalaking hawakan at ilayo ako sa kaniya.
Nagwala ako. "Napakawalanghiya mo! Bakit mo sila dinala rito! Bakit!?" I screamed at the top of my lungs. "Hindi mo man lang sila nirespeto!" Patuloy ang pagsigaw at pag-iyak ko.
Humalukipkip siya sa harapan ko— pinapamukha niya sa aking wala akong laban sa kaniya.
Pasalamat ka talaga may pumipigil sa akin. Kanina ka pa nakalbo kung 'di dahil sa mga alipin mong pangit!
"Isa akong halimaw, Feya. Ano pa bang aasahan mo sa isang katulad ko, maging mabait?" sarkastiko niyang sabi. Naiiling siya habang tinatawanan ako. "Kawawang bata."
Kapagkuwan ay umandar na naman ang ka-moody-an niya.
Sumeryoso ang kaniyang mukha. Lumapit siya sa akin. Mariin niyang pinisil ang aking bibig at pinaharap sa mga magulang ko.
"Hindi ba't napakagandang tignan?" She said with a mocking amusement.
Pinikit ko ang mga mata ko dahil ayoko nang makita ang kanilang mga itsura. Hindi ko na kaya.
"This is art!" She exclaimed, she was proud of her collection.
Halimaw ka nga talaga.
"Buksan mo ang mga mata mo at tignan mo!" galit niyang sigaw sa akin.
Sinunod ko ang kaniyang utos, pero sa kaniya ako tumingin. Matalim ang aking pagtitig sa kaniya.
Ngumiti siya. "Very good!" pagpuri niya sa akin. Lumuwang ang hawak niya sa aking bibig at binitawan ito.
Nilapit ko ang aking mukha sa kaniya. "Hindi ka magtatagumpay, hindi ako magiging isang katulad mo." mariin kong sabi.
Lumabas ang ugat sa kaniyang mukha. "Isa kang hangal!" Sinampal niya ko nang napakalas.
Humapdi ang mukha ko dahil sa kalmot na nagawa ng kaniyang mahahabang itim na kuko.
Naubos ang kaniyang pasensiya. "Ilabas na 'yan!"
Nakalabas kami. Naroon na si Hera at EJ, umiiyak habang hawak sila ng mga anma sa mgakabilaan nilang braso. Kinaladkad nila si Kael dahil wala pa rin itong malay. Dumaosdos ang kaniyang paa dahil sa paghihila ng dalawang anma sa kaniyang balikat.
Gabing-gabi na pero hindi gano'n kadilim ang paligid dahil sa liwanag ng bilog na buwan. Tumayo ang aking balahibo nang tumama sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin. Malakas ang pag-ihip ng hangin.
I heard the sound of the trees dancing with the wind and the rustling of the leaves.
Pinaluhod nila ako. Naramdaman ko ang mga dahon at bato na tumatama sa aking tuhod sa kabila ng aking pantalon.
Lumapit si Barbara sa akin at nagsimula siyang magsalita ng lenggwaheng hindi ko maintindihan.
Nagkaroon ng apoy sa paligid, bumuo ito ng hugis hexagram. Ako ang nasa sentro nito.
Napasigaw ako sa sakit ng ulo na nararamdaman ko.
Parang pinupukpok—
"Ah!" daing ko.
Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ito.
Lumayo siya sa'kin at may kinuha siyang kutsilyo na hawak ng isa sa mga alagad niya.
"Anong gagawin mo sa akin?" kinakabahan kong tanong.
Sinugatan niya ang magkabilaan gilid ng aking noo.
"Ah! Tama na!" pagmamakaawa kong iyak dahil sa sakit. Bumagsak ako sa mga dahon.
Umiiyak habang pilit iniiwasang hawakan ang sugat sa aking noo.
"Ngayon, Feya, inumin mo ito." Hinila niya ang aking buhok para umayos ako ng luhod. Iniharap niya sa akin ang isang baong may lamang dugo.
"Inumin mo to!" sigaw niya ulit sa akin.
"Ayoko!" Iniwas ko ang aking bibig sa kaniya, pero hinila niya ulit ang buhok ko at pinaharap sa kanila Kael.
Lumapit siya sa aking tenga at ngumisi. "Mamamatay kaagad 'yang mga kaibigan mo kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko."
Tinutukan nila ng mahabang sibat ang dibdib ni Kael habang nakahandusay pa rin siya sa mga dahon. Pinuwesto ng isang anma ang itak sa leeg ni Hera, handa na ito para gilitan siya. Hinila nila ang buhok ni EJ at inilagay sa tapat ng kaniyang leeg ang isa ring itak.
Umiyak si Hera. Pumikit siya habang nagmamakaawa. "Huwag! Parang awa niyo na!"
"M-maawa kayo." hirap na pagmamakaawa ni EJ habang nakatingala ito sa langit.
"Maawa ka raw, Feya." bulong ni Barbara. "Nakasalalay ang buhay nila sa'yo kapag hindi mo 'yan ininom."
Kahit na ayaw ko ay agad kong kinuha ang hawak niyang bao at ininom ang laman nitong dugo.
Narinig ko ang tawa ni Barbara dahil sa tuwa, nagtagumpay siya sa nais niyang mangyari.
Nabitawan ko ang bao. Pumintig ang sugat na ginawa niya sa aking noo. Sumikip ang aking dibdib. Hinabol ko ang aking paghinga. Naubos na ba ang hangin!?
Bumagsak ako sa mga dahon. Sa kabila ng paghihirap ko para sa hangin ay nakita ko si Barbara na nakayuko at pinagmamasdan ako.
Hinila ko ang kwelyo ng aking damit palayo sa aking leeg— umaasang makakalanghap ako ng hangin kahit papaano.
Unti-unting nagdilim ang aking paningin, pero bago ito tuluyang magsarado ay lumipat ang tingin ko sa langit at nasilayan ang bilog na buwan, napakaliwanag, napakaganda.
Narinig ko ang boses nina Clara na tinatawag ang aking pangalan. "Feya!"
Sinubukan kong buksan ang aking mga mata para siguraduhin kung sila nga ba ang dumating—
[Clara's POV]
"Feya!" sigaw namin sa pangalan niya nang makita namin siya.
Napahinto kaming tatlo 'di kalayuan sa kanila dahil sa pagharang ng ibang mga anma. Nakatutok ang kanilang mga sandata sa amin.
Nilibot ko ang aking tingin. Napasinghap ako nang makita ang aking mga kaibigan. Nanumuo ang luha sa aking mga mata.
Nakahiga si Feya sa gitna ng hexagram at walang malay habang ang iba naming kaibigan ay tinututukan din ng patalim, handa nang kunin ang kanilang mga buhay.
Lumipat ang tingin ko kay Barbara.
Walang habas na tumulo ang luha ko nang makita ko siya na ngayon ay napatulala rin sa akin. Kumislap ang kaniyang nga mata dahil sa nanunudyong luha.
"Bakit ka nandito?" mahina niyang tanong sa akin.
Tumulo ang luha ko nang marinig ang kaniyang boses.
"Anong pinunta mo rito?" garagal niyang tanong.
Hindi ako sumagot.
"Pumunta ka rito para ano? Makita ang kalagayan ko? Kung paano ako namumuhay?" Ngumisi siya. Hindi ako ulit sumagot. "Ganito ang buhay ko." mahinang sabi ni Barbara pero sapat na 'yon para marinig ko.
Itinuro niya ang paligid at sinundan ko ng tingin kung saan siya nakaturo. Mas lalo akong napaiyak dahil sa mga nakita ko sa paligid.
"Nakikita mo ba ang mga nasa paligid, Clara? Kagagawan ko ang lahat ng iyan."
May mga nakasabit na tao sa paligid, nakabigti, natuyuan ng sarili nilang dugo, ang iba ay kulang-kula ang mga parte ng katawan.
Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata. Halos galit ang nakikita ko sa kaniya, pero sa kabila noon ay umaasa akong may kabutihan pa ring nakatago.
I sobbed. "Ma..." tawag ko sa kaniya.
Nanlaki ang kaniyang mata at mas lalong lumabas ang itim na mga ugat sa kaniyang mukha. "Huwag mo kong matawag-tawag na ma! Dahil wala akong kinikilalang anak."
Nag-iwas ako ng tingin. Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko napigilang mapaiyak nang marinig ang mga 'yon sa kaniya.
Ang sakit na makita na nagkakaganito siya.
"Clara..." rinig kong sabi ng mga kaibigan ko.
"Ina mo siya?" Napatingin ako kay Hera, may bahid ng luha ang kaniyang pisngi.
Tumitig lang ako sa kaniya.
"Bakit ka pa pumunta rito! Bakit!?" galit na galit akong sinigawan ni Barbara.
Nagtungo siya sa kaniyang mga alagad at pinagsasapak niya ang mga ito para ilabas ang kaniyang galit.
"Mga walang kwenta kayo! Bakit niyo hinayang makapunta 'yan dito!?" Tumulo ang luha ni Barbara habang sinisigawan niya ang kaniyang mga alagad.
Hindi nila siya sinagot at nanatiling nakayuko.
Tumigil siya. Bigla na lang siyang nagseryoso at kapagkuwan tumawa na para bang wala lang nangyari.
She's moody?
Napatingin kaming lahat kay Feya dahil gumalaw siya.
Pagmulat niya ay iba na ang kaniyang mga mata, purong itim.
Napaatras ako.
Mayroon na rin siyang sungay gaya ng mga anma ngunit ang kaniyang mukha ay makinis pa rin, wala pang mga itim na ugat.
Tumayo siya at inilibot ang kaniyang tingin.
Nang magtama ang kanilang tingin ay binate siya ni Barbara ng may ngiti sa kaniyang labi. "Maligayang kaarawan at pagdating Feya!"
Naguguluhan pa si Feya no'ng una pero kalaunan, gumuhit sa kaniyang labi ang mapilyong ngiti.
Tumindig ang aking balahibo.
"Maraming salamat." Hinawakan ni Feya ang gilid ng kaniyang pantalon na para bang isa iyong palda at nag-bow.
Umayos siya ng tayo.
They giggled.
Lumingon sa amin si Feya, hindi nawala ang ngisi sa kaniyang mukha.
Naiiling ako habang pinagmamasdan siya. Tinakpan ko ang aking bibig, 'di ako makapaniwala.
"Hi, friends." masaya niyang bati sa amin.
Gumalaw si Kael, nagising na siya.
"Kael!" masayang tawag sa kaniya ni Feya.
Napahinto si Kael nang makita kung ano ang nangyari kay Feya.
Napatulala ito. Hindi nakapagsalita kaagad.
Lumuha si Kael. "Tama nga si Hera isa kang halimaw, Feya." mariin niyang sabi.
Nawalan ng emosyon ang mukha ni Feya. Tinagilid niya ang kaniyang ulo, wala siyang pakialam sa sinabi ni Kael.
Sumigaw si Kael. "Mga katulad mo ang pumatay sa mga magulang ko! Dapat ka nang mamatay Feya at ang mga katulad mo!" Kael cried.
Tumawa si Feya at nilapitan niya si Kael, huminto siya sa harapan nila Hera at umupo.
"Wanna try to kill me?" paghahamon nito sa kaniya. Sinulyapan niya saglit si Hera at muling ibinalik ang tingin kay Kael. "Isama mo na rin si Hera sa pagpatay sa akin, tutal kayong dalawa naman ang may gustong-gusto na mawala ako sa mundong ito. Walang kwentang mga tao." Inirapan sila ni Feya at umalis ito sa kanilang harapan.
"Tama nga si Hera." mahinang sabi ni Adrian pero sapat na iyon para aming marinig.
Lahat kami ay napalingon sa kaniya.
"What are you talking about?" nalilito kong tanong.
"Dapat nga lang talaga ay hindi na kami nag-abala pang ipagtanggol ka kay Hera. Hindi na sana kami nadamay pa kung hindi kami sumang-ayon sa pagpunta rito." mabigat at may halong galit ang pagbanggit ni Adrian ng mga salita.
Siniko ni Josh si Adrian. Lumapit ito sa kaniyang tenga. He was confused too. "Adrian, anong sinasabi mo?"
"Sinasabi ko lang ang matagal ko nang dapat sinabi sa halimaw na babaeng 'yan!" Dinuro ni Adrian si Feya.
Nanlaki ang mata naming dalawa ni Josh at nagkatinginan.
Wait, what?
Palihim kaming nag-ilingan dalawa para sabihing wala kaming alam sa ginagawa ni Adrian.
I thought we were here to rescue Feya.
"Mama Barbara nagsasayang lang tayo ng oras, patayin na natin sila." Tumalikod si Feya na para bang wala lang sa kaniya ang mga binitawang salita ni Adrian.
"Ito Feya kunin mo." Tumawa si Barbara at binigyan niya si Feya ng kutsilyo.
Hinarap niya kami. Pinuntahan niya ang tatlong kaibigan namin na mas malapit sa kaniya.
Ngumiwi siya. "Sino kayang uunahin ko sa inyo?"
Pinuntahan niya si EJ at hinawakan niya ito sa leeg.
"Feya 'wag!" sigaw ko sa kaniya pero mas lalo lang kaming nilapitan ng mga halimaw.
"Itigil mo na ito Barbara!" Isang tinig ng lalaki ang nagpahinto sa aming lahat.
Napalingon ako at nakita si Tito Gregor na may kasamang ibang witches at hunters.
Nagkatitigan silang dalawa.
Humupa ang itim na ugat sa mukha ni Barbara at saglit kong nakita ang emosyong dumaloy sa kaniyang mga mata.
But it didn't last long.
It was a couple of seconds when Barbara hissed. "Mga lapastangang!" Muling lumabas ang itim na ugat sa kaniyang mukha.
"Patayin niyo ang mga iyan!" sigaw niya sa kaniyang mga alagad.
Hindi nagsayang ng oras ang mga anma at sinugod kami.
Mabilis na pinana ang mga anmang nasa harapan namin.
Agad akong tumakbo sa pwesto nila Hera at Kael para alisin ang mga tali sa kanilang kamay.
Naaninag ko si Feya na umatras kaya tinignan ko siya.
"Feya!" sigaw ko sa kaniyang panglanag nang mabilis siyang tumakbo palayo.
"Ako na ng bahala." sabi sa'min ni Adrian at hinabol niya si Feya.
Ano ba ang plano niya!? Hindi kami na-inform.
"Lumayo ka sa akin isa ka ring halimaw!" pagpupumiglas ni Kael nang hawakan ko siya.
Sumulpot si Josh at dumugo ang labi ni Kael dahil sa pagsuntok nito sa kaniya. "Ikaw na nga ang tinutulungan ang kapal pa ng pagmumukha mong sabihin 'yan sa girlfriend ko. Matuto kang alamin kung sino ang totoong kalaban!"
"Josh!" sigaw ko ng may bigla na lang humila sa akin at napunta ako sa ibang parte ng gubat.
"Lumayo ka sakin!" Itinulak ko siya gamit ang mahika, tumilapon siya sa 'di kalayuan at tumama ang kaniyang likod sa puno, pero kahit na gano'n ay nagawa niya paring tumayo at sumugod.
I panicked but I exclaimed. "Incendia!"
Nabalot siya ng apoy at nasunog. Sumigaw siya dahil sa init at unti-unting napaluhod hanggang sa mawalan siya ng buhay.
Nakarinig ako ng palakpak. "That's my girl!" Josh was proud, kararating niya lang. Lumingon ako. Kapagkuwan ay nag-peace sign siya. "Sorry, I'm late." Kinindatan niya pa ako bago matawa.
Nanlaki ang mata ko nang may sumugod mula sa kaniyang likuran.
"Rigescunt indutae!" (Freeze!) Bumagsak ito bago pa niya matamaan ng itak ang boyfriend ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Landi pa kasi!" Naglakad ako at nilagpasan siya.
"Sorry!" natatawa niyang sabi nang habulin niya ako para hanapin namin sina Feya at Adrian.
We were crouch walking, trying to make hide ourselves from the anmas. Dahan-dahan kaming naglalakad, palinga-linga sa paligid. Nagtatago sa mga puno dahil baka makita kami ng mga anma.
Huminto kami kaagad sa likod ng isang malaking puno at umupo nang may napadaan na anma-ng papunta sa ibang gawi.
We stayed there for a couple of seconds.
Sumilip ako sa puno.
"Babe, ba't hindi mo sinabi?" masuyo niyang bulong.
Napahinto ako.
Hindi ko siya nilingon. Kinagat ko ang aking labi at napayuko.
"Coz I'm too scared. What if iwan mo ko dahil anak niya ako?" nahihiya kong sabi.
"Clara..." Maingat niyang hinawakan ang aking braso para iharap ako sa kaniya.
Hindi ko pa rin siya tinignan.
Inabot niya ang aking mukha. He caressed it with so much care.
"Clara, I love you so much." he said sincerely. "It's not your fault to be her daughter..." malambing niyang sabi para pagaanin ang aking loob.
Tinignan ko siya.
He gave me a sweet smile.
Nanudyo ang luha sa aking mga mata. "I thought you're gonna hate me." Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang aking iyak.
He chuckled softly. "Why would I hate you?" He looked at me dearly. "I'm not gonna hate nor leave you."
Tears fell down to my cheeks. I'm touched.
"That's why you wanted to talk to Feya..." Now he understands my determination. "You wanted to know where she was 'coz you knew you would find her too."
I sobbed. "Yes." I sniffed. "Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, na makita siya." Napapikit ako at umiling. "But it hurts me so much seeing her like that..."
He held my hands. "You could have asked your mommy and daddy to help you find her." suhestiyon niya.
Tinignan ko siya. "They didn't know I already knew that they aren't my biological parents."
Kumunot ang noo niya, nagtataka siya. "How did you learn that Barbara is your mother?"
Tumingin ako sa ibang gawi. Inalala ang pagkakataon kung paano ko nalaman ang lahat-lahat.
"It was because of my mommy's diary I found in our basement."
Hindi ko inaasahan na sa bulaklaking diary ni mommy ko malalaman na hindi nila ako tunay na anak.
"I was curious so I opened it."
Sorry, pakielamera lang talaga.
When I looked Josh, he was really engaged to what I'm saying.
Hinihintay niya ang aking kwento.
I reminisced. Napangiti ako. "I was astonished when I opened it and images started to float above the written events in the diary— it was portraying the happenings that mommy wrote. It also had sounds like it was a movie." I said it with enthusiasm. It gave me the nostalgic feeling— I was so amazed when I first saw it.
"I also saw how mommy felt kilig because of daddy when they were dating— that was when I realized those times were the era when I wasn't even born yet."
Napalabi ako, nawala ang ngiti sa aking labi. "But then with the one flip of the sheet of her diary— my amusement vanished."
Pinisil ni Josh ang aking kamay nang maramdaman niyang nalungkot ako. He wanted me to know, he's with me, listening.
"I saw fire, panicking people, children were crying and hiding. They were all scared and worried." I took a deep breath. "I saw mommy ran into our basement to hide. Barbara went downstairs too."
"Barbara, maawa ka naman sa amin bakit mo ba 'to ginagawa?" pagmamakaawa ni mommy habang umiiyak.
Umiling si Barbara. She tried to reach mommy's hand, asking mommy to trust her. "Cecil, hindi ko kayo sasaktan. Please kailangan ko ang tulong mo." Nagsimula nang umiyak si Barbara sa harapan ni mommy.
Pinunasan ni mommy ang kaniyang luha. Hindi niya pinaniwalaan si Barbara. "You set fire in our place and you even brought anmas!" pagpapamukha ni mommy sa kaniya.
Umiyak si mommy. "Hindi pa ba sapat na tinalikuran mo kami at sumama ka kay Jax?" She could barely spake because of the pain and disappointment in her heart.
Barbara cried and pleaded to mommy. "Let me explain..." Her eyes were shouting for help about something, she wanted to be heard.
"I need you and Edward to help me..."
Sakto, ang mabilis at mabibigat na yabag ni daddy ang kanilang narinig pababa ng basement.
Pareho silang napatingin doon.
"Cecil—" Napahinto si daddy nang makita niya kung sino ang naroon.
Nanlaki ang mata niya nang makita si Barbara sa harapan ni Cecil.
Bumigat ang kaniyang paghinga at hinahabol niya ito dahil sa kaba. Itinaas niya ang kaniyang kamay para senyasan si Barbara na huwag ituloy kung ano mang binabalak niyang gawin. "Please, don't hurt her." He said calmy— but behind it, he was worried and nervious for the love of his life.
Paulit-ulit na umiling si Barbara. "I'm not gonna hurt her..." She cried out of frustration, she wanted to be believed. "Please, I need your help...both of you..." pagmamakaawa niya.
Naguluhan si daddy sa iniaasal ni Barbara. "What are you saying?" hindi makapaniwalang tanong niya. "What help do you need? Help you in destroying our place?" sarkastiko niyang sabi.
"This is the only way I could save you from further desctructions." naiiyak na sagot ni Barbara. "Because if I didn't do this to warn you, most of you will gonna be dead later when Jax and the other anma's arrive. I need you to leave this place and I also needed to be here to ask for help." paliwanag niya.
"And why would you do that?" Daddy wanted a valid reason.
"Because it's not true that I love him."
Napahinto si daddy maging si mommy.
"Pero bakit ka sumama sa kaniya?" tanong ni mommy.
Lumingon si Barbara sa kaniya.
"Dahil hawak niya ang buhay ko pati na rin ang buhay ng aking pamilya. Nakarugtong ang buhay nila sa akin." Napahagulgol si Barbara. "Patay na patay ang halimaw na iyon sa akin, at tinakot niya ako na papatayin niya ako."
"So it's a one sided love?" tanong ni daddy.
Tumango si Barbara, naramdaman niyang naniniwala na sila sa kaniya.
"Ang haba ng hair mo." wala sa sariling komento ni mommy.
Pinunasan ni Barbara ang kaniyang luha at natawa. "I know." She sniffed.
Yinakap siya ni mommy, naniniwala na siya."Bakit hindi mo sinabi kaagad?"
"Dahil ayokong madamay kayo."
"You're such a dumbass witch. You know we wouldn't mind that." Mahinang hinampas ni mommy ang kaniyang likuran.
Naghiwalay sila sa kanilang yakapan.
"What help do you need?" tanong ni mommy sa kaniya.
Hindi kaagad nakasagot si Barbara. Kinalma niya ang kaniyang sarili.
Huminga siya nang malalim at mahina siyang nagsalita. "Buntis ako."
Napaawang ang bibig ni mommy. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ni Barbara— hindi pa ito gano'n ka umbok kaya 'di halatang may laman itong bata. "Kay Jax!? Akala ko ba hindi mo siya mahal bakit mo sa kaniya binigay!?"
Mabilis na umiling si Barbara. "Hindi sa kaniya ang batang ito kaya kailangan ko itong mailayo sa kaniya."
Mas lalong napanganga si mommy dahil sa gulat. "So sa ibang lalaki!? Ang landi mo." komento ni mommy.
Napalabi si Barbara. "I know, that's why I need your help." Tinignan niya rin si daddy na tumabi kay mommy.
"So, sino ang ama niyan?" tanong ni daddy.
Lumunok si Barbara. Nahihiya siyang sumagot, "Kay Gregor."
"Si Gregor!?" gulat nilang tanong.
Tumango lang si Barbara.
Napahawak si daddy sa kaniyang batok, iniisip niya paano 'yon nangyari.
Hindi pa rin nawala ang gulat sa mukha ni mommy. "Matagal na kayo?"
Tumango ulit si Barbara. Hindi makatingin nang diretso sa kanila.
Pinanliitan siya ng mata ni mommy. "Ang landi niyo talagang dalawa."
"Bakit hindi niyo sinabi?" pagtatanong din ni daddy, parang nagtatampo dahil kaibigan sila nito at 'di man lang nila nabanggit sa kaniya.
"Dahil ayoko pang ipaalam."
Sa kabila ng kaguluhang nangyayari sa labas ay pag-iimbestiga naman ang ginagawa nila mommy at daddy kay Barbara sa relasyon nila ni Tito Gregor.
Huminga nang malalim si mommy. Napairap siya sa kawalan.
"Sige na Barbara gawin na natin ang kailangang gawin para mailagtas ang anak mo."
Ngumiwi si Barbara. "Pero panatilihin niyo lamang itong lihim sa iba, ayokong mahirapan ang anak ko kapag lumaki siya." Napayuko siya. "Ayokong layuan siya ng mga kagaya natin dahil ako ang kaniyang ina."
"Bakit ganyan ang sinasabi mo? Babalik ka at ikaw ang magpapalaki sa kaniya. Everything's gonna be fine and you'll gonna redeem yourself." seryoso sabi ni mommy.
Tumahimik lang si Barbara— alam niyang may posibilidad na hindi niya magagampanan ang obligasyon bilang isang ina.
"Paano si Gregor?" tanong ni daddy.
Tinignan siya ni Barbara. "You can tell him— he has the right to know about our child."
Nagkasundo sila at ginawa ang spell para mailigtas ako.
It was a spell that made me transfer to mommy's womb from my biological mother, Barbara.
Bago umalis ang tunay kong ina ay may pinahabol pa itong pasuyo para sa tunay kong ama, Tito Gregor.
"Pakisabi kay Gregor na mahal na mahal ko siya. Siya lang ang aking mahal at mamahalin— hindi ko siya ipagpapalit sa halimaw na iyon." she said it with full of love that even my parents could feel how real it was.
Even I, could feel it too.
Napangiti si mommy at daddy.
Barbara smiled too when she looked at mommy's tummy. Nanubig ang kaniyang mga mata. "Babalik ako baby, rito ka muna kay tita mo, ha?" Marahan niyang hinaplos ang tiyan ng kaniyang matalik na kaibigan.
Nag-angat siya ng tingin kay mommy at daddy.
"Maraming salamat sa inyong dalawa. Babalik ako sa inyo, pangako." Kapagkuwan ay naging mapait ang ngiti niya. Muli siyang napatingin sa kung nasaan ako. "At kung hindi ko man matupad ang pangako ko at maging katulad ko sila. Please fill her with love and keep her from the truth that I'm her mother— I don't want her to be disappointed and ashamed. I want my daughter to live her life positively and happy." pangungusap niya.
"You'll be back." siguradong sabi ni mommy. "You'll be the best mom she would ever have."
Tinignan ni Barbara ang dalawang taong nasa kaniyang harapan. Pinilit niyang ngumiti. "But in case," Hinawakan niya ang kamay ni mommy. "Alagaan niyo siya para sa akin, ha? Please..."
Naiiyak na tumango si mommy.
Hinawakan ni daddy ang balikat ni Barbara. "We will love her..." He assured her like a promise.
Huminga nang malalim si Barbara. "Kapag gano'n ang nangyari pakisabi rin kay Gregor na gusto kong hanapin niya ako at kaniyang paslangin." Ngumiti siya at kasabay no'n ay ang pagtulo ng kaniyang luha. "I want his face to be the last thing I see."
She really loved my father.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro