TATLO
[Feya's POV]
10:00 AM
Nasa sala kaming lahat.
Si Kael ay inaayos ang mga equipment— inilalagay niya sa kaniyang bagpack ang camera at iba pang mga gagamitin.
Nakasuot lamang siya ngayon ng white t-shirt, shorts at slippers.
Kinausap niya sina Clara at Josh habang patuloy pa rin siya sa kaniyang ginagawa. "Clara at Josh. Did you memorize it already?" pagtutukoy niya sa kanilang lines.
"Yes, of course." confident na sagot ni Clara habang inaayos niya ang kaniyang buhok.
She already dressed up for the scene— floral dress and white flip flop sandals. Pati si Josh ay nakaayos na rin. Nakasuot siya ng white polo shirt at nude colored short.
Umakyat ako sa itaas para kunin ang mga chinarge kong batteries. Mabilis kong inalis sa saksakan ang mga iyon at dali-daling bumaba.
May ngiting nakaguhit sa aking labi habang naglalakad ako patungo sa aming pintuan— excited na akong mag-shoot!
Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng kwarto sa itaas. Awtomatiko akong lumingon, nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ng kaba ang aking nadadama.
Pinagmasdan ko ang mga kwarto sa second floor mula rito sa sala.
Na-focus ang aking tingin sa isang pinto ng kwarto— ang kwarto kung saan nag-i-stay ang mga lalaki.
Hindi ko inalis ang mata ko sa pintong iyon at dahan-dahang naglakad sa hagdan.
"Tito Jose?" malakas kong tawag.
Walang sumagot kaya mas nilakasan ko pa.
"Tito Jose!?"
Wala pa ring sumagot.
Bumigat ang aking paghinga at bumilis ang tibok ng puso ko.
Huminto ako sa paghakbang ng aking mga paa. Tatakbo ba ako palabas ng bahay o pupuntahan ko iyon?
"Feya?"
Napasigaw ako sa gulat. "Ah!" Napaigtad ako at agad na lumingon dahil sa tumawag mula sa aking likuran.
Nakita ko si Adrian sa may pintuan at hawak ang kaniyang tenga. "Feya, alam kong ika'y nagulat ngunit mas nakakagulat ang iyong pagsigaw dahil sa lakas nito."
Napapikit ako at huminga nang malalim.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't naman kasi bigla-bigla kang nagsasalita?" inis kong sabi.
Saglit niyang sinulyapan ang pinto sa itaas at binalik ang tingin sa akin. "Nakatuon kasi ang iyong atensyon sa taas. Tatanungin ko sana kung ano ang tinitignan mo, pero bigla ka na lamang sumigaw." mahinahon niyang paliwanag. Ngumiwi siya. "Bakit ka galit?"
Sumimangot ako. "Malamang nagulat ako."
Natawa siya. "Paumanhin, binibini. Hindi ko intensyong gulatin ka."
Umirap na lang ako. Naglakad ako at dinaanan lamang siya.
Palihim akong napangiti nang malagpasan ko siya.
Ano ba 'yan, Adrian!? Magtigil ka na sa kagaganyan mo.
"Saglit!" Narinig ko ang mga yabag niyang tumakbo para sumabay sa akin.
Sinulyapan ko siya at nakita ko ang kaniyang mga ngiti. Lumipat ang tingin ko sa kaniyang mga mata.
Kinagat ko ang aking labi.
Makapal ang kilay at pilik mata ni Adrian. Napakaperpekto rin nang pagkakahulma sa hugis ng kaniyang mga mata na parang dahon. May kung ano talaga sa kaniyang mata na hindi ko matukoy kung ano— nakakaakit pagmasdan nang matagal.
Nawala ang nasa aking isipan nang makita ko si Kael na papunta sa aming gawi.
Napakunot ang noo ko. May naiwan ba siya?
"Saan ka pupunta?" nagtataka kong tanong. "May naiwan ka?"
Poker face ang kaniyang mukha nang tignan ang nasa tabi ko.
Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya at tumango. "Meron akong naiwan, ikaw."
Napangisi ako sa sagot niya.
Tumawa siya sa kaniyang sinabi kaya nawala ang mga mata ni Kael dahil siya ay singkit.
Tumabi si Kael sa akin. "Tara na."
Nauna kaming naglakad ni Kael habang nagkwekwentuhan, at si Adrian naman ay medyo nahuhuli sa amin.
"Hindi ko pa nababasa nang buo ang script. Ano ba daloy ng kwento?" pagtatanong ko sa kaniya.
He hummed. "A young love that will be ruined— not because they don't want each other anymore but one of them will die." Nalungkot ako bigla dahil sa sinabi niya.
Alam ko naman ng tragic ang mangyayari pero hays... Nakakalungkot talaga.
"It's the other's life that's gonna decide to end their relationship— not them." malumanay niyang paliwanag pero sa kabila no'n ay rinig ko rin ang lungkot niya dahil sa kwento ng aming ifi-film.
Napangiwi ako. "Ba't naman ang sad, Kael?" Sinulyapan ko siya at wala sa sarili akong napalabi.
He giggled. "You're cute. Don't be sad..." He pinched my cheek.
"Tsaka para naman maiba 'di ba?"
"Pero nakakasakit naman 'yong kwento." Ang pabebe ng tono ko.
"Ayaw mo ba? Palitan na lang ba natin—" Pinutol ko ang kaniyang pagsasalita.
"No!" agad kong pagpigil sa kaniya. "It's not that I don't want the story, okay? It's a good one." pagpapaliwanag ko. "Nakakalungkot nga lang pero okay lang naman." Ngumiti ako sa kaniya kapagkuwan ay sumimangot ako sa kaniya. "Tsaka 'wag na nating palitan wala na tayong time."
"Sure?" May pag-aalinlangan pa siya sa sinabi ko.
Pinanliitan ko siya ng aking mata. "Kapag ba sinabi kong hindi, papalitan mo?"
Agad siyang tumango. "Yes, for you."
Napatawa ako sa kaniyang sinabi. "Ewan ko sa'yo."
Katatapos lang namin mag-shoot ng ibang scene at lunch time na. Kaming mga babae ay kumakain na nang inilutong pagkain ni Tito Jose para sa amin, pero 'yong mga lalaki ay naroon sa dagat, masayang naglalaro na parang mga bata— nagtatalsikan, nagbabatuhan ng buhangin at naghahabulan.
"OMG ang hot nila!" kinikilig na sabi ni Hera habang pinagmamasdan namin sila mula rito sa cottage na gawa sa kahoy.
Naka-topless kasi ang mga lalaking iyon. Binabalandra ba naman sa harapan namin ang mga katawan nila. Well, maganda naman ang hubog nila kaya malalakas ang loob na maghubad.
"Ba't ba kasi bakla yang si EJ? So matcho eh." disappointed na sabi ni Hera.
Natawa kami ni Clara.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Hera. "Sana ganyan din katawan ng magiging jowa ko."
Napatawa si Clara. Tinignan niya si Josh. "Buti na lang at may pa-bonus si Josh sa katawan niya."
"Oy ayan ha!" pang-aasar ni Hera habang may mapanlokong ngiti sa kaniyang labi.
Agad na nilingon ng gulat na mukha ni Clara si Hera dahil sa kaniyang narinig. "Hoy! What are you talking about!?"
Tinawanan siya ni Hera at tinignan ako. "Tignan mo oh. Mukhang defensive."
Tumawa ako habang naiiling dahil sa itsura ni Clara.
Maya't maya'y may naisip na itanong si Clara. Tinignan niya ako at may gumuhit na mapanlokong ngiti sa kaniyang labi. Mukhang hindi ko ata magugustuhan ang kaniyang itatanong.
"How about you, Feya? Who do you prefer, Adrian or Kael?"
Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Hera gasped and afterward giggled. "Oo nga, sino!?" excited niya ring tanong.
Nag-iwas ako ng tingin. "Magtigil nga kayo, para kayong mga tanga." I awkwardly laughed.
Sinundot ni Clara ang aking tagiliran. "Yie Feya! Sino nga?" pangungulit niya sa akin.
Ang lakas mang-asar.
Tinignan ko sila nang seryoso.
Mukha silang mga bata na nakangiti sa akin, mga excited sa sagot ko.
"Si EJ." casual kong sabi.
Nawala ang ngiti sa kanilang labi at inirapan ako— disappointed sila.
"Hay nako, ayaw mag-share." pagpaparinig ni Hera.
Hindi ko siya pinansin dahil nahagip ng mata ko si Adrian. Inaaayos niya ang kaniyang buhok dahil sa pagkakaahon niya.
Ang perfect.
"Baka tumulo laway mo!" malakas na sabi ni Clara na nagpaiwas ng tingin ko kay Adrian.
OMG. Kung saan-saan napapatingin ang mga mata ko!
Nang matapos naming maubos ang mga karne na ulam ay tinawag na namin sila— ang kukulit, ayaw pa nilang kumain kanina kaya nauna na kami. 'Yan tuloy 'di namin sila tinirhan ng karne. Kumain silang gulay riyan bahala sila.
Tumutulo pa ang mga maliliit na butil ng tubig sa kanilang mga mukha galing sa buhok nila nang makalapit sila sa amin.
"Hala 'di ba may karne kanina, asan na?" Kunot noong tanong ni EJ habang binubuksan ang mga lalagyan— hinahanap niya kung nasaan.
"Nasa tiyan na namin." casual na sagot ni Hera.
Napahinto si EJ sa paghahanap at tinignan si Hera. "Ba't di niyo kami tinirhan?" inis niyang sabi.
"Tinatawag namin kayo kanina 'di ba?" sumbat ko.
"And you guys didn't even listen." dagdag ni Clara. Tinaasan niya sila ng kaniyang kilay. "Eat vegetables." maawtoridad niyang sabi.
Nalukot ang kanilang mga mukha. Nag-pout sila sa amin.
"Oo na po." magalang nilang sagot.
'Di na sila sumagot pa dahil wala naman na rin silang magagawa.
"Tara tayo naman maligo!" pag-aaya ni Clara.
Tumayo kaming tatlo at tumakbo papunta sa tubig.
Sumigaw si Clara sa mga lalaki. "Enjoy the vegetables!" pang-aasar niya sa kanila nang makalayo na kami.
"Feya!" malakas na sigaw ni Adrian.
Lumingon ako.
Sinenyasan niya akong pumunta.
"Ano ba 'yan. Basag talaga 'tong mga 'to ayaw ata tayong mag-enjoy dahil 'di natin sila tinirhan ng pagkain." reklamo ni Clara.
"Magrereklamo 'yang mga 'yan." rinig kong sabi ni Hera.
Napatawa ako kapagkuwan ay lumapit ako sa kanila.
"Bakit?" tanong ko kay Adrian.
"Si Tito Jose ang nagluto ng ating pagkain, 'di ba?" Tinuro niya ang bukas na lalagyan ng ulam na karne.
"Kakainis naman 'tong si Adrian! Isang hiwa na nga lang matitikman ko inagaw mo pa, 'yan tuloy nahulog!" Naka-pout at nakasimangot na sabi ni Ej.
Napayuko ako at may nakita akong nahulog na isang hiwa ng karne.
"Oh bakit anyari?" Tinawanan ko si EJ dahil sa itsura niya.
"Kasi 'yang si Adrian isusubo ko na sana yang kalahati ng isang hiwa pero bigla niyang inagaw, 'yan nahulog." Nagdabog si EJ. "Sarap pa naman ng luto ni Tito Jose."
Sinamaan niya ng tingin si Adrian bago sumubo ng kanin.
"Papaluto na lang tayo mamaya, para hindi na kayo mag-agawan." Tumawa ako nang marahan.
"Hindi na" Agad na sagot ni Adrian.
Lumingon ako sa kaniya.
"Pakisabi ahm..." Tumingin siya sa ibang gawi. "maggugulay na lamang tayo para masustansiya ang ating mga kakainin." Tinignan niya ako at ngumiti.
Alanganin ang kaniyang mga ngiti, nakakapangduda.
"Sure ka?" tanong ko.
Mabilis siyang tumango.
Kapagkuwan ay pinanliitan ko siya ng aking mata. "Maliligo na ako, 'wag na kayong magreklamo r'yan."
Bumalik ako sa kanila Clara at nakipaglaro.
Gumawa kami ng aming castle, naghabulan sa may tubig at nagbatuhan din ng buhangin.
Pagkatapos naming magpakasaya ay bumalik na rin sa cottage. Nagpahinga lang saglit, nag-ayos ng sarili para magpapatuloy sa pagsho-shoot.
Nagpalinga-linga ako dahil parang kulang kami. "Nasa'n si EJ?" tanong ko sa kanila.
Nilingon ako ni Kael. "Bumalik doon sa bahay niyo may kukunin lang daw."
Tumango na lang ako sa kaniya.
Medyo matagal na rin ang pagpapahinga namin pero wala pa rin si EJ.
Tinignan ni Kael ang kaniyang relo. "Ang tagal ni EJ." Nag-angat siya ng tingin sa amin. "Let's start, we shouldn't waste time." maawtoridad niyang sabi.
Sumunod kami kay Kael para may matapos kami. Hindi naman kailangan si EJ sa mga scenes kaya okay lang kahit mag-umpisa na kami.
Nakailang kuha kami ng ilang mga scene. Nakailang palit para sa ibang mga ganap sa film. Natapos na kami pero wala pa rin kaming nakikitang EJ na bumalik.
"Ang tagal niya, ha? Tinakasan talaga tayo ng baklang 'yon." inis na sabi ni Hera.
Tumawa si Kael. "Hayaan niyo na. Ilang beses ko pinaayos 'yong script sa kaniya kagabi kaya malamang puyat 'yon."
"Pustahan tayo ang palusot niya 'yan mamaya. Iidlip lang sana siya pero nakatulog na." mapanlokong sabi ni Hera.
"Agree." sabay-sabay naming sabi.
Kapagkuwan ay ipinaalala sa amin ni Kael ang isho-shoot para bukas. "Next naman tayo roon sa treehouse. I-memorize niyo na mga lines niyo para mabilis tayong matapos tomorrow." pagkausap niya sa amin habang inaayos niya ang camera na ginamit.
"Tawagan niyo nga si EJ." biglang sabi ni Adrian.
Napalingon kami sa kaniya at seryoso ang kaniyang mukha— parang hindi siya mapalagay.
Tinawagan nila Hera si EJ pero walang sumasagot. Ilang beses, paulit-ulit— pero wala pa rin.
Kunot na ang noo ni Hera habang nakatingin sa kaniyang phone. "Napakalakas ng ringtone niya, ba't 'di pa rin siya gising?" She seemed worried and so was I.
Nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko alam na dahilan.
Pinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang mga isipang hindi maganda.
Okay lang si EJ. Nakatulog lang siya sa bahay. Antukin 'yon at mahilig magsinungaling na may gagawin or may kukunin lang para makatakas sa mga group projects. Natulog lang siya sa bahay— pagkukumbinsi ko sa aking sarili.
Hindi ko maiwasang kabahan at mag-alala. "Tara na bumalik na tayo sa bahay." mabilis kong sabi.
"EJ?" Agad na tawag ni Hera sa pangalan niya.
"Nako, makita lang talaga kita— sasabunutan kita. Tumakas ka naman." pagpaparinig ni Hera.
Natawa si Josh "Hoy Hera easyh-an mo lang, baka hindi magpakita." palokong sabi ni Josh.
Pumunta ako sa taas para hanapin si EJ. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto kung saan siya natutulog, napansin kong wala ang pink niyang maleta.
"Kael!" tawag ko habang nandito pa rin ako sa tapat ng pintuan. Nakarinig ako ng mga yabag na mabilis na papalapit sa akin.
"Yes? Bakit?"
Nilingon ko siya na nasa aking likuran.
"Wala ang maleta ni EJ. 'Di ba kayo ang magkasama rito?" kinakabahan kong sabi.
Napatingin siya sa paligid tsaka pumasok nang tuluyan sa kwarto. Mabilis niyang hinalungkat ang mga gilid-gilid para hanapin ang maleta.
Umiling si Kael pagkatapos niyang i-check lahat ng sulok ng kwarto.
Nakarinig ako ng mga yabag sa hagdan kaya tinignan ko kung sino 'yon at nakita ko si Hera.
"Oh asan na ang bakla?" pagtatanong niya.
I looked at her worriedly. "Wala. Nawawala rin nga ang maleta niya."
Nagsalubong ang kilay ni Hera at tinignan ako. "Ha?" Tumingin siya sa paligid at napangisi. "Aba gaga talaga pinagtataguan pa tayo. Hanapin natin sa ibang kwarto. Sure akong bini-big time na naman tayo ng baklang 'yon."
Nagsimula naman kaming maghanap sa mga kwarto at sinabihan na rin namin sina Clara na maghanap sa ibang bahagi ng bahay.
Nag-aalala na ako. Anong trip ba ang ginagawa ni EJ?
Paikot-ikot. Paulit-ulit. Pabalik-balik.
Nagsama-sama kami sa sala.
All of us were not so good— we were all worried. Hindi maipinta ang aming mga mukha.
"There's no sign of EJ." Nakita ko na rin ang pag-aalala sa mga mata ni Kael.
Kinuha ko ang aking phone at muling tinawagan si EJ.
Nagri-ring, pero hindi niya sinasagot.
Bumuga ng hangin si Hera. "Sabi niya may kukunin lang siya 'di ba? Ba't asan na siya?" frustrated na tanong niya.
"Baka naman naligaw siya?"
Nagkatinginan kaming lahat dahil sa sinabi ni Clara at saglitan kaming napaisip dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi." sagot ni Adrian. "Kung siya man ay naligaw, mananatili pa rin dito ang kaniyang maleta at hindi na lang basta maglalaho bigla." paliwanag niya.
Tama si Adrian. 'Andito pa rin dapat ang kaniyang maleta.
Tinawagan ko na si Tito Jose para ipaalam sa kaniya na nawawala si EJ at ang maleta niya.
Sumagot ni Tito Jose.
"Ah!" Narinig ko ang pag-aalangang tawa ni Tito Jose sa kabilang linya. "Oo nga pala, kanina kasing bumalik si EJ— ih nandiyan pa ako— nagsabi siya sa akin na kailangan niyang bumalik sa kanila dahil daw may emergency na nangyari. Nagmamadali nga siya kanina at sabi niya, sabihin ko na lang sa inyo." Napapikit ako sa inis. Ba't hindi niya sinabi kaagad?
"Ako na rin ang naghatid sa kaniya kanina papunta sa terminal ng bus, hindi ko kasi siya maihatid gamit ang sasakyan dahil pinapaayos ko, pasensiya na at hindi ko naman nasabi sa inyo kaagad dahil may inaasikaso ako rito sa bayan. Wala rin akong load at nawala sa aking isipan." he sincerely said.
"Pasensya na Feya. Akala ko rin kasi nag-message na siya sa inyo. Sinabihan ko kasi siyang ipaalam sa inyo dahil nga sa wala akong load. Um-oo naman siya kanina pero siguro ay nakalimutan niya na rin 'yon dahil sa pag-aalala sa nangyari roon sa kanila." mahinahon niyang sabi.
Huminga ako nang malalim. "Next time po tito pakisabi sa amin kaagad dahil nag-alala po kami." Kahit na ako ay kalmado hindi pa rin maaalis ang bahid sa aking boses ang pagkairita dahil sa kaniyang ginawa.
"Pasensiya na Feya nawala rin kasi sa isip ko kaya di ako nakapagsabi kaagad."
Nagsalubong ang aking kilay. May narinig akong kakaiba sa kabilang linya. Nag-focus ako sa tunog na 'yon para mas mapakinggang mabuti.
"Asan po ba kayo? Ano po 'yong maingay r'yan?" pagtataka ko.
Parang may naririnig akong pigil na sigaw— parang tinakpan ang bibig nito para hindi makagawa ng malakas na tunog.
"Ah eh nandito ako sa bayan. Eh may bata roon na nagwawala, sigaw nang sigaw ayun pinapatahimik ng nanay niya."
Ha? Mukhang tahimik naman ang paligid niya at tanging 'yon lang ang naririnig ko. Kadalasan kasi sa bayan namin ay maingay.
Nagmamadali si Tito Jose dahil may gagawin pa siya kaya hindi ko na pinatagal ang tawag at nagpaalam na ako sa kaniya.
Sinabi ko sa kanila ang sinabi ni Tito Jose.
Umupo sila sa sofa at napabuntong hininga. They were relieved.
"Guys." pagtatawag ni Adrian. "Huwag na lamang tayong basta lilisan ng bahay nang mag-isa. Mas mabuti kung lagi tayong may kasama para kung sakali mang may mangyari— huwag naman sana— ay mayroon pa ring makaka-contact sa iba, para ipaalam ang pangyayari." Huminga siya nang malalim. "Huwag na sanang maulit ang ganito para hindi na tayo nag-aalala." seryoso niyang paliwanag.
Adrian seemed uptight and alert.
[Third person's POV]
Ilaw ng mga kandila ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng basement ng bahay.
Ngumiti nang nakakaloko ang isang babae. "Paisa-isa hanggang sa mawala." pagkausap niya sa hangin habang iniisip ang mga taong nasa mansion.
Nawala ang ngiti sa kaniyang labi dahil sa ingay na naririnig niya sa kaniyang likuran.
Inalis niya ang pagkakatalukbong ng capa sa kaniyang mukha. Matalim siyang lumingon sa mga selda na nasa kaniyang likuran.
Sa isang partikular na kulungan ay naroon ang isang lalaki. Nakaupo sa lapag. Hindi magtigil ang pagtulo ng kaniyang luha. Nakagapos ang kaniyang mga kamay at paa. Mayroong tape ang kaniyang bibig para pigilan ang pagsigaw niya nang malakas— nais niya nang makalaya pero hindi niya alam kung paano at saan hihingi ng saklolo.
Sa sobrang irita ng babae sa pag-iyak ng lalaki ay sinigawan niya ito. "Tumahimik ka r'yan kung ayaw mong tapusin ko kaagad ang buhay mo!"
Sa makinis niyang mukha ay nasilayan ang pagpintig ng kaniyang itim na mga ugat dahil sa kaniyang galit.
Huminga siya nang malalim at unti-unting naglaho ang mga ito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro