PITO
[Feya's POV]
"Feya..." mahinang tawag sa akin ni Kael.
Tinignan ko siya.
Malikot ang kaniyang mga matang nakatitig sa akin, inaalam kung ano ang aking problema.
"Are you okay?" nanantya niyang tanong nang hawakan niya ang aking kamay na nasa lamesa.
I put a small smile on my face and nodded at him.
"Pupunta muna ako sa treehouse. I want to be alone for a while." mahinahon kong sabi.
Nanatili siyang nakatitig sa akin. Huminto ang pag-uusap nila Clara at Josh.
Tinignan ko sila at nginitan. "Papahinga lang ako."
They were all looked worried but they just smiled and nodded.
"Balik ka rin kaagad, ha?" malambing na sabi ni Clara.
Tumango at tumayo ako.
Hinila ko ang aking kamay na hawak ni Kael at lumabas ng bahay.
Mabilis ang aking paglalakad paakyat sa treehouse.
I put my hands on the wooden railings. I tighten my grip because of the anger I felt inside for myself.
Hinayaan ko ang aking sarili na umiyak.
Bakit hindi ko tinulungan si EJ!?
Tumalikod ako at napasabunot sa aking buhok. "Ah!" nagpipigil kong sigaw.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila.
Napakawalang kwenta ko!
Paulit-ulit na nag-reply ang huli kong sinabi sa babaeng anma.
Why did I say that!? What's happening to me!?
I was busy blaming myself when the rain started to pour, again.
And someone called my name abruptly. "Feya."
[Clara's POV]
Umakyat na muna kami ni Josh sa kwarto pagkatapos naming maghugas ng pinggan.
Si Adrian at Kael ay naiwan sa baba.
Nakaupo kaming dalawa ni Josh sa carpet habang nakasandal kami sa gilid ng kama. His arm was wrapped around my shoulder while I'm comfortably lying my head onto his shoulders.
He started to caress my hair softly. "Baby, are you okay?" malambing niyang tanong.
I looked at him. I nodded and smiled a bit.
He looked at me and examined my face. "You look worried, babe."
Wala sa sarili akong napangiti dahil nabasa niya ako kaagad. Muli kong hinilig ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Pinulupot ko ang aking braso sa kaniyang bewang para yakapin siya.
"Everything's gonna be fine." masuyo niyang sabi.
"I know, but I'm scared..."
He touched my face with his other hand. "Don't worry, I'm here." He assured me.
Hinigpitan ko ang aking pagyakap sa kaniya. "I love you." I said dearly like I was about to cry because of the emotions I'm feeling.
He giggled. "I love you too." he said sincerely.
He placed a kiss on my hair.
I smiled and look up at him.
I closed my eyes and kissed his lips. "Mahal kita." bulong ko sa kaniyang labi.
He giggled. "You're so cute when you say that." He cupped my face and kissed me more. I felt the smile on his lips. "Mahal na mahal din kita, Clara."
We both chuckled.
He pulled away a bit. He grinned his teeth. "You're so sweet."
Pinisil ko ang kaniyang bibig dahil sa gigil at muli siyang pinaulanan ng halik.
May kumatok sa pinto at mabilis itong bumukas. Agad kaming napabalikwas at naglayong dalawa.
What the fuck, Adrian. "Can't you knock and wait for a couple of seconds?" inis kong tanong sa kaniya.
Paano kung may iba pa pala kaming ginagawa!?
Naiiling na lang ako nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng nobyo ko.
Pinandilatan ko siya ng aking mata. "What?" masungit kong tanong.
Natutuwa pa talaga siya sa reaksyon ko.
Inirapan ko siya.
Walang ganang umirap si Adrian. "Lagi ko nang nasisilayan ang inyong paglalandian." Tinignan niya kami nang seryoso.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Nakikita mo kaming naghahalikan!?" gulat kong tanong.
Adrian was shocked with my question.
Mabilis siyang umiling. "Hindi 'yan ang tinutukoy ko. Tanging pagyayakapan lang ang aking sinasabi."
"Ops." rinig kong sabi ni Josh sa pagitan ng kaniyang mga tawa. "Now you know." pagkausap niya kay Adrian.
Walang ganang huminga nang malalim si Adrian at tumalikod. "Tara sa baba, may kailangan kayong malaman."
Napaawang ang aking bibig. "So he didn't know about that?" I asked out of realization and frustration.
Nagpigil ng tawa si Josh. "Alam niya na ngayon dahil sinabi mo."
Napayuko na lamang ako at minasahe ang aking sintido. Napamura ako dahil sa paninisi ko sa aking sarili.
Nakakahiya!
"Next time, act innocently." Josh winked. Nang-aasar pa talaga.
We always do those things, privately— pero nahuli ako sa sarili kong bibig.
Pagkarating namin sa baba ay nakita namin si Kael na nakaupo sa sofa habang hawak ang kaniyang phone.
He looked confused.
"What happened?" tanong ko.
Pinindot ni Kael ang kaniyang phone at may nagsalita mula roon— si Hera.
"Guys si Feya." She sounded scared, trying to make her voice as low as possible.
She took a deep breath and sobbed, she was crying.
"Sinabi ko na sa inyo. Kasabwat ni ITJ si Feya!"
"What?" wala sa sarili kong tanong. Anong pinagsasasabi ni Hera?
"I saw her walking into the woods, so I followed her...then she stopped." Mabigat ang paghinga ni Hera. "I don't know how but the ground started to open up and it looked like it was a way to the underground." Napaiyak siya at kapagkuwan ay kinalma ang kaniyang sarili. "She looked different...it was so scary like ITJ." Humagulgol na naman siya sa kabilang linya.
"Please help me, I don't know where I am right now. Naliligaw ako rito sa gubat." She pleaded.
Napasinghap ako nang marinig ko ang sigaw ni Hera.
"Feya, feya...Please don't hurt me, please—" naputol ang boses mula sa phone ni Kael.
I was puzzled.
Pinigilan ko ang nanunudyong luha sa aking mga mata. Hindi nagsi-sink in sa aking utak na magagawa 'yon ni Feya.
Huminga ako nang malalim.
"Saan 'yan galing?" tanong ko.
"Sinend 'to ni Hera kanina sa messenger."
"Alam niyo ba kung nasaan si Feya?" tanong ni Josh.
"Nowhere to be found—" naputol ang pagsasalita ni Adrian dahil sa pagtaas ng boses ni Kael.
"Of course she's with Hera right now!"
I didn't expect that.
"You heard it from the voice messages. Why do you have to question where she is?" mabigat ang pagkakasabi ni Kael. He was angry.
"Hindi 'yon magagawa ni Feya." seryosong sabi ni Adrian. He was trying to be calm but his fist was like ready to punch Kael's face.
Umiling si Kael at nag-iwas ng tingin. "These voice messages are the evidence." Matalim niyang tinignan si Adrian. "How can you explain these if that wasn't her?" paghahamon nito.
Hindi ako nakapagtimpi. "What if it wasn't Feya? What if that was like an impostor?" I'm mad at Kael. "Out of all people, Kael, you're the one I least expected to act like that. Seems like you don't believe her at all."
Natulala siya dahil sa aking sinabi. Now he looks guilty.
Tumalikod ako at umakyat sa kwarto.
Naiiyak ako habang hinahanap ang papel na pinaglagyan ko ng buhok ni Feya— I asked her to give me some of her, in case of emergency.
"Babe." masuyong tawag sa akin ni Josh pagkapasok niya sa kwarto.
Hindi ko siya pinansin at binuksan ang aking bag at kinuha ang papel na 'yon.
I'm angry. How could Kael say those things!?
Maingat na hinawakan ni Kael ang aking braso.
Nilingon ko siya.
"Hey." Inabot niya ang aking mukha at pinunasan ang luha sa aking pisngi.
I'm hurt on everything Kael said about her. She's my friend, and she's also the love of his life— or maybe was.
"He's confused, okay?" paliwanag ni Josh para kay Kael.
Iniwas ko ang aking mukha sa kamay niya at umalis. Pumunta ako sa harapan ng mirror table at sinubukang hanapin kung nasaan si Feya sa pamamagitan ng spell— pero hindi ko ito matukoy. May sumasagabal sa akin— ang lugar na kung nasaan man siya ay may protecting spell.
Kailangan ko siyang makausap. There's another one way to do that— through a dream.
"Nahanap mo na ba siya?" tanong sa akin ni Josh. He knew what I'm doing.
Kailangan ko muna siyang patulugin dahil ramdam kong gising si Feya.
Umiling ako.
Pumasok si Adrian at nakiusap na hanapin ko si Feya.
"I'm trying." sagot ko at pinaliwanag sa kaniya ang aking ginawa kanina.
"Then talk to her through dream." sagot ni Josh.
But that's risky...
"I may not be able to wake up for a couple of days. It needs a lot of energy. Or worse I may not be able to find my way back to my body." mahina kong sabi habang nakatitig sa kaniyang mga mata.
Kumunot kaagad ang kaniyang noo. "What do you mean?"
"Some souls may take my body away from me."
Parang binuhusan nang malamig na tubig si Josh, naistatwa siya. Unti-unting dumaloy ang pagkabahala sa kaniyang mukha.
Natahimik kaming tatlo, walang nagsalita.
Mabilis na lumapit sa akin si Josh. "Don't do it." Takot ang kaniyang mga mata, nagmamakaawa ito na huwag kong ituloy.
Ngumiti ako. "I'll be fine."
Umiling siya. "Please...baby don't. I'm scared..." Naluha ang kaniyang mga mata.
I held his hands tighly. "You said a while ago that everything's gonna be fine, that I shouldn't have to worry."
"But you're the one who was scared a while ago. Now I'm the one who's scared." paglilinaw niya.
I kissed him. "Then don't be scared, I'll be back."
Umiling siya.
"Josh..." mahinang tawag ni Adrian.
Tumingin kami sa kaniya.
His eyes were watery. "Alam kong makasarili ang hihilingin ko," Tinignan niya ako. "pero maaari bang hanapin mo siya, Clara?" Nagmamakaawa ang kaniyang tinig. "I'm so sorry..."
Malalaking hakbang ang ginawa ni Josh palapit sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng t-shirt ni Adrian.
"Josh!" pagpipigil ko sa kaniya.
"Fck you, Adrian. That's my girl. Buhay niya nakataya rito." mariin niyang sabi.
Lumapit ako kaagad sa kanila at hinawakan ang kaniyang braso.
"Josh, let me do it..." naiiyak kong sabi.
Nilingon niya ako. Nakita ko ang pagdaloy ng takot sa kaniyang mukha nang marinig niya iyon. Binitawan niya si Adrian at hinarap ako.
"Clara, no..." pakiusap niya.
"Trust me, I'll be fine..." Ngumiti ako. "Please, Josh, I need to do this. I really need to." Tumulo ang luha sa aking mga mata.
Hindi lang ito tungkol kay Feya kaya ko 'to ginagawa.
He just stared at me. He didn't know what to say. I know he was scared to let me do it but he knew I'm determined.
Napapikit siya at agad akong niyakap. "Promise me, you'll come back...please..." he said. He was having a hard time to let me go.
"I promise..."
He pulled away and glared at Adrian. "Tumalikod ka, I'm gonna kiss my girlfriend."
Napatawa pa saglit si Adrian kahit naiiyak ito. "Maraming salamat." he sincerely said. Tinakpan niya ang kaniyang tenga.
Tumingin ako kay Josh. "I'll be back—"
I was stopped by his kiss.
Natatakot rin akong hindi makabalik— pero babalik ako.
I kissed him back.
He held me tightly and closer to him. His kisses were so deep— I could feel his love and the fear of losing me.
I pulled away. "Let's continue later, okay?" natatawa kong sabi.
Tumango siya at muli pang humabol ng halik sa aking noo bago ako bitawan para magawa ko ang spell para makausap si Feya.
I called out her name. "Feya?"
Nababalot ng hamog ang paligid. Ramdam ko rin ang lamig na yumayakap sa aking katawan.
"Clara?"
Napantig ang tenga ko nang marinig ko siya.
"Feya!?" nilakasan ko lalo ang aking boses para marinig niya ako.
I saw her!
"Feya!" sigaw ko.
Lumingon siya. Naluha ang mga mata niya nang makita ako. Tumakbo siya nang mabilis sa akin tsaka niya ako niyakap.
"Clara tulungan mo ko." 'Yon kaagad ang kaniyang sinabi.
"Shush." pagpapaklma ko sa kaniya habang hinahaplos ang kaniyang likuran.
Humiwalay ako sa pagkakayakap. "We need to hurry, okay?" Tumango siya. "I'm literally Clara so you need to answer me cleary so I could help you, okay?"
Kumunot ang kaniyang noo. "What do you mean?"
"It's a spell, it put you to sleep and so I am— so we can talk to our dreams."
Mabilis siyang tumango at nakuha kaagad ang aking sinabi. "What do you need to know?"
"Sabihin mo kung asaan ka ngayon pati na rin ang nangyari kay Hera."
We were talking fast as we could.
Naguluha siya sa aking tanong. "Anong nasaan si Hera?"
Hindi niya ba alam?
"Nawawala si Hera, at nag-send siya ng mga voice messages. Pangalan mo ang sinisigaw niya at nagmamakaaawa siya sa'yo na 'wag mo siyang sasaktan."
Hindi niya kaagad nakuha ang aking paliwanag kaya mabilis kong ikwenento sa kaniya ang lahat ng nangyari kanina.
Nataranta siya. "Clara, hindi ako 'yon. Wala akong maalalang ginawa ko 'yon!" Napahawak siya sa kaniyang ulo at sunod-sunod ang pagtulo ng kaniyang luha dahil sa pagkabalisa.
"Ang naaalala ko lang ay may tumawag sa pangalan ko sa treehouse at bigla na lang nagdilim ang paligid. Paggising ko andoon na ako sa isang selda."
"Anong selda? Saan 'yon?"
Umiling siya. "Hindi ko alam kung saan 'yon, nagising na lang akong naroon."
Fck.
Nag-isip ako ng ibang tanong.
"Kung hindi ikaw ang may kagagawan no'n kay Hera, sino?"
Tumingin siya sa akin na para bang may naisip na isang bagay.
"Paano kung isang mapagpanggap na Feya rin ang kumuha kay Hera?"
"Yan din ang naisip ni Josh kanina." Napatango ako. "Baka tama ka nga."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Clara, kailangan kong ma-link kay Barbara. Kailangan ko na gawin mong magkadugtong ang buhay naming dalawa."
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Bakit?"
Nginitian niya lang ako.
"Clara, birthday ko ngayon. Pwede bang ito na lang ang regalo mo sa akin?" Ngumiti ulit siya na para bang nagpapaalam na sa akin.
Agad akong umiling. Nababaliw na ba siya!?
"Ayoko! Bakit ko 'yon gagawin? Paano kung may mangyari kay Barbara, pati ikaw kasama sa mapapahamak."
Naiyak siya. "Clara, please... Ito lang ang paraan."
Napatingin siya sa aking likuran at kapagkuwan ay kinakabahan niya akong kinausap.
"Bumalik ka na. Paparating na ang mga kaluluwa." Sumulyap siya ulit sa aking likuran at pati ako ay napalingon.
May mga nabubuong katawan sa mga ulap na papalapit sa isang itim na pintong nakatayo roon at bukas.
Niyakap niya ako bigla. "Mag-iingat kayo palagi, ha?" masuyo niyang sabi.
Nakita ko rin sa likuran niya ang iba pang mga naglalakad na kaluluwa, medyo nagdidilim na ang paligid. Kailangan ko nang makabalik.
"Huwag mong kakalimutan ang hinihingi kong pabor, okay?" Hindi ako sumagot. "Maraming salamat sa'yo, Clara. Maraming salamat sa inyo. Hindi ko kayo makakalimutan."
Magsasalita pa lamang sana ako nang mabilis siyang humiwalay sa akin. She pushed me away and I went right straight to the door.
I gasped when I gained my consciousness. Habol ang aking hininga dahil doon— parang galing ako sa isang masamang panaginip.
Malakas ang kalabog ng aking dibdib nang maalala ang mga kaluluwang muntik na akong maunahang makapasok sa pintuan.
"Clara, are you okay?" paulit-ulit na tawag sa akin ni Josh habang patuloy pa rin ako sa paghabol ng aking hininga.
Para akong tumakbo ng ilang kilometro!
"Nahanap mo ba siya?" tanong ni Adrian sa kabilang banda ko.
Pareho silang nakaupo sa kama habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
Hindi ako makapagsalita.
Tinignan ko si Josh.
Aabutin ko na sana siya para yakapin nang bigla na namang dumilim ang paligid.
"Clara!" naramdaman ko ang pagtapik ni Josh sa aking pisngi. "Baby, wake up." He was so scared and worried.
I wanted to tell him that I'm fine and was just tired from what I did but I couldn't— I felt restless.
[Feya's POV]
Nagising ako. Napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa aking batok.
Dahan-dahan ko iyong hinaplos.
Anong nangyari?
Inilibot ko ang aking tingin sa paligid nang may tumawag sa aking pangalan.
"Feya." pabulong ang kaniyang pagtawag.
Gumapang ako palapit sa railings ng aking selda nang mapagtantong boses 'yon ni EJ.
"EJ?" pagtawag ko sa kaniya nang makita ko siya sa katapat kong selda.
Bahagyang naalis at nakalaylay ang duct tape sa kaniyang bibig— mukhang pinilit niyang alisin.
Tahimik siyang umiyak. Tumingin siya sa paligid para siguraduhing walang tao.
Nilibot ko ang tingin sa aming pinaroroonan. Ito ang lugar na nasa aking alaala. Hindi nga 'yon isang panaginip.
"Feya, tulungan mo ako." nagmamakaawa niyang sabi.
Naiyak ako. "EJ."
Hindi ko rin alam kung anong gagawin. Maski ako ay natatakot sa kung ano ang pwedeng mangyari sa loob ng napakaluwang na basement na ito.
"Feya, what a beautiful name. My beautiful daughter."
Napaigtad ako dahil sa pagsasalita ng isang babae.
Nakita ko sa aking peripheral view ang paglayo ni EJ sa railings ng kaniyang selda nang naglakad palapit sa amin si Barbara— may sungay siya ngunit makinis ang kaniyang mukha.
Umupo siya sa labas ng selda ko habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Hindi mo ako anak!" sigaw ko sa kaniya.
"Sinabi ko na sa'yo na ako na ang iyong magiging bagong mama. Tinawag mo pa nga ako 'di ba? Hindi mo na ba naaalala?" Tumawa siya na parang isang demonyita.
"Hindi!"
Tumayo si Barbara at umatras. May dalawang anmang lalaki ang nagbukas ng aking selda at hinatak ako palabas.
Bakit ang pangit ng mga 'to, 'di nila gayahin si Barbara!?
"Saan niyo 'ko dadalhin!?" sigaw ko sa kanila habang pilit na kumakawala.
Buong pwersa kong pinigilan ang pagsama sa kanila.
"Feya! Bitawan niyo si Feya!" naiiyak na sigaw ni EJ.
"EJ!" Nilingon ko siya at pilit na tumatakas sa dalawang pangit na lalaking 'to— ngayon ay ako naman ang humihingi ng tulong sa kaniya kahit na alam ko na wala rin siyang magagawa.
Walang kwenta ang pagpupumiglas ko dahil malalakas sila. Patapon nila akong binitawan nang makapasok kami sa isang kwarto.
Nasa harapan ko si Barbara at irita ang kaniyang mukha. "Huwag ka masyadong maingay masakit sa tenga." Tumingin siya sa kawalan. "Pasalamat nga 'yang kaibigan mo at hinayaan ko na siyang makapagsalita."
Ngumiti siya na parang batang binigyan ng candy. Binalik niya ang tingin sa akin. "Natutuwa kasi ako sa tuwing humihingi siya ng tulong— kahit na alam naman niyang wala 'yong silbi."
Itinali nila ako sa isang upuan habang nakaharap sa lamesa na may kung ano-anong parte ng katawan ng tao— sa isang gilid ay mayroon pang isang mahabang lamesa na kung saan nakapatong ang maraming kandila at mga libro, may mga manika na parang ginagamit ng isang mangkukulam na gaya ni Barbara para sa kaniyang mga ritwal.
"Maligayang kaarawan Feya." Ngumiti si Barbara at may inilagay siyang isang bowl na may lamang dugo sa aking harapan. Napapikit ako at napaiwas ng tingin— hindi dahil sa nandiri ako kundi para pigilan ang pagkauhaw sa aking lalamunan.
Kadiri 'yon pero bakit ko gustong inumin!?
Tumawa siya. Natuwa siya sa aking reaksyon. "Huwag mong pigilan."
Tumulo ang aking luha. "Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?"
Bigla siyang lumapit sa akin at pinisil ang aking bibig.
Galit na galit ang mga mata niya. "Dahil pinatay ng mga magulang mo ang asawa ko!" kapagkuwan ay bigla niya akong binitawan at tumawa.
Moody pala siya.
Bigla na naman siyang nagseryoso.
"Kasalanan niyo ang lahat Feya."
Tumalikod siya sa akin at humarap sa mga kandila.
"Hindi ko pinagtaksilan ang aking angkan para lang sa wala. Hindi ko minahal ang halimaw na 'yon!" Binato niya ang isang baso na may kandila at tumalsik ang mga bubog nito.
"Buong akala nila ay may tinatago akong kadiliman sa aking puso— pero ginawa ko lang ang lahat ng iyon dahil para rin 'yon sa kanila." Humarap siya sa akin at nakita ko ang pagtulo ng luha niya. She's in pain.
"Ang buhay ng pamilya ko ay karugtong ng akin! Ginawa 'yon ng halimaw na 'yon dahil sa sobrang kabaliwan niya! Tinakot ako niya ako na papatayin niya ako kung hindi ako sasama sa kaniya!" Marahas siyang bumuga ng hangin. "Gusto ko lang namang mabuhay nang mapayapa kasama ang pamilya ko."
Sinabunutan niya ako dahil sa gigil niya. Napakalapit ng kaniyang mukha kaya kitang-kita ko ang pagbakat ng kaniyang mga itim na ugat sa makinis niyang na mukha.
"Pero anong ginawa nila Feya? Pinatay nila ang halimaw na dapat ako ang papatay!"
Patulak niyang binitawan ang buhok ko at lumayo ulit siya sa akin.
Kinalma niya ang kaniyang sarili bago magpatuloy sa kaniyang pagkwekwento— humupa ang ugat sa kaniyang mukha at nawala ito. "Isang lapastangan na mangkukulam ang nanay ng halimaw na 'yon, magkasabwat sila sa lahat ng mga kamalasang nangyari sa aking buhay."
Tinitigan niya ako na para bang babalatan niya ako nang buhay.
Napangisi siya. "Dalawa lang ang solusyon sa lahat para lang matapos ang kagaguhang nangyari sa buhay ko."
"Ang isa ay ako dapat ang papatay sa lalaking iyon— ako ang dapat pumatay para mawala ang sumpa sa akin, pero hindi ko 'yon nagawa dahil sa mga magulang mo!" Muli na namang lumabas ang ugat sa pisngi niya at muli na namang nawala nang kumalma siya.
"At ang isa ay kapag nakain ako ng kadiliman at maging katulad ko sila."
Biglang na lang siyang tumawa na parang baliw.
"At nawala na nga ang sumpa— na kapag nawala ako ay mamatay ang mga mahal ko sa buhay. Alam mo ba kung paano? Dahil kinain ako ng kasamaan. Naging katulad ko sila. Sa sobrang galit ko sa pamilya ninyo ay hiniling ko sa nanay ng halimaw na 'yon na gawin akong katulad nila, 'yon na lang ang natitirang solusyon! Ayokong mabuhay na may takot— na baka madamay ang aking pamilya kapag may ginawa akong katangahan at hindi 'yon magustuhan ng lapastangang nanay ng lalaking 'yon!" Nanggagalaitin siya. "Galit na galit ako sa pamilya ninyo dahil ginawa niyo akong ganito! Nawala ang tanging pag-asa ko na makabalik sa dati kong buhay!"
Tumulo ang luha sa aking mga mata para kay Barbara.
She wasn't wicked afterall.
"Kaya ikaw, Feya... Ginawa kitang katulad ko para maranasan mo lahat ng paghihirap na dinanas ko!" kapagkuwan ay napatawa na naman siya.
"Hindi pa huli ang lahat, Barbara. Pwede ka pang magbago." pangungumbinsi ko.
Umiling siya. Hindi pa rin nawala ang nakaguhit na pilyong ngiti sa kaniyang labi. "Huli na ang lahat Feya— wala na ang kabutihan sa puso ko. Hindi na ako ang dating Barbara, at kasalanan ng mga magulang mo ang lahat-lahat." Tinaasan niya ako ng kaniyang kilay. "Ngayon, ikaw ang kabayaran."
Bumwelo ang kamay niya sa ere at isang malakas na tunog ang nilikha ng kaniyang pagsampal sa aking mukha.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro