Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

LIMA

[Feya's POV]

Natapos kaming kumain at umakyat na kami sa kwarto. Pati ang mga lalaki ay pumasok sa aming pinagtutulugan.

Napaikot ang tingin ko sa paligid dahil naroon na rin ang kanilang mga maleta at maging ang mga kumot, unan at foam ay naroon na rin sa isang gilid— nakatayo at nakasandal sa dingding.

Kumunot ang noo ni Hera at umupo siya sa kama. Tinignan niya kami. "Ano bang meron, napaka-weird niyo talaga." Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa amin na para niya kaming iniimbestigahan.

Wala akong alam diyan, ha.

Umupo kaming tatlong babae sa kama habang ang tatlong lalaki ay nasa harap namin— kinuha ni Josh ang upuan sa tapat ng mirror table, isinandal ni Kael ang kaniyang pang-upo sa lamesa no'n, at si Adrian ay nakatayo, nakasandal sa dingding habang nakabulsa ang kaniyang mga kamay.

Ang cute nilang tignan.

"Ang seryoso ninyo?" nananantya kong sabi.

"Clara." seryoso tawag sa kaniya ni Josh. Woah. Hindi baby ang tawag niya ngayon.

Mukhang mahalagang bagay ang pag-uusapan namin at tinawag ni Josh si Clara sa kaniyang pangalan.

Tinignan ko si Clara.

Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Bahagya niyang iniangat ang kaniyang kamay sa ere. "Et maneat sonus, sonus maneat in. Haec est mea carmina, ubi incipit." (Sound stay out, sound stay in. This is where my spell begins.)

Napatagilid ang aking ulo habang pinagmamasdan ko siya. Anong pinagsasasabi niya?

"Anong ginagawa mo?" tanong sa kaniya ni Hera habang nagtataka rin itong nakatitig.

Minulat niya ang kaniyang mata at tumingin sa amin. "Spell." tipid niyang sagot.

Nagtaka ako. "Spell for what?"

Tumingin siya sa paligid at casual na sumagot. "Soundproofing this room."

Napatawa si Hera. "Hoy, anong trip 'to?"

Makikisabay na sana ako sa pagtawa ni Hera pero sumabat si Adrian.

"Hindi 'to trip."

Napakaseryoso naman niya.

Nawala ang ngiti sa labi ni Hera.

"Maybe you won't believe this, but you need to." seryosong sabi ni Josh. Tamad siyang bumuntong hininga at tumingin sa amin. "EJ didn't go home— I'm sure of it."

Nanlaki ang mata ko.

"That's absurd. Tito Jose said he went home." I firmly said.

"That wasn't Tito Jose."

Napatingin ako kay Adrian dahil sa sinabi niya.

"Lah?" 'di makapaniwalang sabi ni Hera. "Anong pinagsasasabi niyo?" natatawa pa ito habang nagpapalipat-lipat ang tingin.

"What are you trying to say?" pagtatanong ni Kael kay Adrian.

Bumuntong hininga muna si Adrian. "Because I can see things that you guys can't."

Napatawa si Hera dahil akala niya ay nanti-trip si Adrian. "Is this a prank?"

Walang sumagot at seryoso lang sila na nakatingin sa amin.

Tinignan ko siya. "Please explain every single thing, Adrian." utos ko.

"Something is happening in this place, and I think you don't know that. I'm one of the hunters. We kill monsters— like anma or cannibal witches, messorem or vampire who are reapers." Tumingin siya sa ibang direction. "I know it so vague but that's the basic information about me for you to understand the next things I'm about to say."

Hindi ko alam kung saan ako magugulat— sa sinabi niya o sa pagsasalita niya ng Ingles.

Wala sa sarili akong napahawak sa aking ilong. Ka-nosebleed, pati accent beri nays.

Nagkatinginan kami ni Josh.

"Spokening dollars." natatawang sabi ni Josh.

Pinigilan ko ang aking pagtawa.

Napatingin silang lahat sa kaniya at sinamaan siya ng tingin ni Adrian. Naiiling na umirap si Kael sa kaniya.

Tinikom niya ang kaniyang bibig at paloko niya itong zinipper habang nagpipigil ng tawa.

Buti na lang 'di na ako sumabay baka pati ako nabigyan ng nakakamatay na sulyap mula sa kanila.

Bumuntong hininga si Adrian bago niya ako tignan nang seryoso. "And you, Feya, you're a hunter too. You already know that, right?"

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman?

"Your family is one of the well-known hunters in our history." dagdag niya.

Oh, okay...

"Unfortunate to say, you didn't know where to find us for you to learn about the things you should supposed to know." He paused. "Not all of the hunters can have what I have— I'm able to see if someone was pretending with its form. I'm capable in scrutinizing a thing or someone. That's why I could see the Tito Jose a while ago— was not the Tito Jose we have met the first day we came here and the brother of Tita Fe."

Nahihirapan akong i-take lahat ng mga sinasabi niya. Wala akong ideya na katulad ko siya.

"I couldn't see his face clearly. It was a blur." Tinignan niya kami. "Remember the dish you ate a while ago at the beach?" Huminto siya para sumagot kami. "That's not a meat of a pig."

"Woah." Itinaas ni Clara ang kamay niya para sinyasang huwag na niyang ituloy. "Adrian, I think I wouldn't like to hear what you're about to say."

"Karne yun ng tao." casual na sabi ni Adrian.

Tumaas ang balahibo ko at nakaramdam ng pagkaduwal. Napatakip ng bibig si Hera at nandiri nang sobra si Clara sa kaniyang narinig.

"Ew!" pandidiri ni Clara. "Kaya pala kakaibang sarap 'yong lasa no'n kanina!"

Tama. Masyadong malinamnam nga 'yon— pero masarap talaga.

"How did you know?" tanong ni Kael.

Tinignan siya ni Adrian.

"Naalala mo ba no'ng may natirang isang hiwa ng karne?" Tumango si Kael.

"Yong tanging natitirang karne kasi hindi nila tayo tinirhan?" pagpaparinig ni Josh.

Inirapan namin siya.

"Ang nakikita niyo ay karne lang 'yon ng baboy pero sa paningin ko...." Inilipat niya ang tingin niya sa amin. "Mata 'yon ng tao."

Napapikit na lang ako dahil sa mga sinasabi ni Adrian.

Kaya pala no'ng kinausap ko siya ay parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

"Buti na lang hindi niyo kami tinirhan." palokong sabi ni Josh para asarin kami.

"Bakit hindi niyo sinabi kaagad?!" naiinis na tanong ni Hera.

"Hindi naman namin alam." sabi ni Josh. Tinaasan niya kami ng kaniyang kilay. "Paano 'di niyo kami tinirhan."

"Tumigil ka na nga Josh!" inis na saway sa kaniya ni Clara.

Napasinghap si Josh. "Hindi mo na ako baby?"

"Wait." mahina kong sabi habang nakatingin sa kawalan.

May mapagtanto ako. "If Tito Jose was not the Tito Jose I used to know."

Bumigat ang aking paghinga at kinabahan. Nanubig ang mga mata ko dahil sa aking naiisip.

"Si EJ." pabulong kong sabi.

Napasinghap si Hera. "Sht! Nasaan si EJ!?" Niyugyog niya ang aking braso.

"Yon ang hindi namin alam." rinig kong sagot ni Adrian.

Nataranta si Hera. "D-dapat sinamahan natin si EJ kanina!" Tinignan niya si Adrian. "May nakita ka na pala kanina Adrian na kakaiba pero bakit hindi mo sinabi kaagad!?" She was freighted on what could have happened to EJ.

"Bakit hinayaan mong umalis si EJ nang walang kasama!? Bakit!?" She was panicking.

"Hera, calm down." mahinahong sabi ni Kael sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin.

"S-sana nandito pa siya kung nalaman namin kaagad!" sigaw ni Hera kay Adrian habang umiiyak. Sinisisi niya si Adrian. "Paano kung may nangyari na kay EJ?" Napatakip si Hera sa kaniyang mukha.

Hinaplos ko ang likuran niya. "Hera, okay lang si EJ. 'Wag tayong mag-isip ng gano'n." pagkumbinsi ko sa kaniya kahit na ako ay natatakot na rin sa kung ano ang kalagayan niya ngayon.

Inalis ni Hera ang kamay niya sa kaniyang mukha. Galit siyang tumingin sa akin. Itinulak niya ako kaya nahulog ako sa kama.

"Ikaw! Ikaw! May kinalaman ka ba rito!?"

"Hera!" suway sa kaniya ni Clara at tinulungan akong tumayo.

"Feya!" agad na tumakbo si Kael papunta sa akin.

Nagulat ako sa kaniyang iniasta.

Pumagitna si Adrian at inilayo ni Josh si Hera sa akin.

Hindi ako makapaniwala sa ibinintang niya.

Ako? H-hindi ko 'yon magagawa kay EJ!

"Walang kinalaman si Feya rito." mahinahong sabi ni Adrian. "Binanggit ko nga kanina na si Tito Jose pa ang ating kasama noong mga unang araw. Anong nais mong ipahiwatig— na may kinalaman si Feya para mawala ang tunay na Tito Jose?" matapang ang naging tono ni Adrian sa kaniyang huling sinabi.

Hindi niya sinagot si Adrian.

Tinignan niya ako nang masama at sinisi na naman. "Hindi na lang sana tayo pumunta rito!" Humarap siya kay Adrian at pinunasan niya ang kaniyang luha. "Sabi ko kasi sa inyo, sa bahay na lang tayo! Pero bakit ba kasi at pumayag pa kayo sa suggestion ni Feya!?" Tumigil siya at saglitan niya akong tinignan.

Kapagkuwan ay ngumisi siya. "Sabagay si Feya 'yan ih. Ano bang panama ko riyan?"

"Hera!" Halos mag-echo ang sigaw ni Kael. "Walang magagawa ang paninisi mo. Nag-vote tayo kung saan natin gusto, at mas maraming pumabor dito."

Tinaasan niya ng kilay si Kael "Sige, ipagtanggol mo pa 'yang si Feya. Ni hindi mo nga alam kung kasabwat 'yan o pinagplanuhan pala nila 'to ng Tito Jose niya! Siya na nga tong may kasalanan siya pa 'tong kinakampihan mo." mabigat ang kaniyang pagkakasabi.

Hinawakan ni Clara ang braso ni Hera. "Tama na Hera... Pleaseee... 'Wag na tayong mag-away-away... Nanganganib na ang buhay natin dito..." pagpapaklama ni Clara sa kaniya.

Tinignan niya si Clara na parang nagmamakaawa na paniwalaan nila, siya. "Kasalanan nga ni Feya. Bakit ba ako ang nagmumukhang masama rito? Bakit ba laging si Feya kinakampihan niyo?" naiiyak niyang sabi.

"Hindi sa pinapaburan namin si Feya, Hera. 'Wag na tayong magtalo-talo rito." mahinanong sabi ni Adrian.

Umiling si Hera at tinignan si Adrian. "Isa ka pa Adrian. Nakakap*ta na! Napahamak na nga si EJ, nasa panganib na ang buhay nating lahat pero bakit puro Feya pa rin ang kinakampihan niyo! Kung hindi tayo pumunta rito. Hindi 'to mangyayari!" Tumalikod si Hera sa amin at dumiretso sa pintuan.

"Huwag kang lumabas ng pintuan Hera!" sigaw ni Kael.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Kael at dumiretso siya sa kaniyang paglalakad.

"Cincinno!" (Lock!) sigaw ni Clara.

Sinubukang buksan ni Hera ang pinto pero hindi niya ito mabuksan.

"Bwes*t! Bakit ayaw mabuksan nito!? Buksan niyo 'to! Gusto kong mag-walk out!" sigaw niya sa amin.

"Magtigil ka na nga Hera, para kang bata." singhal ni Kael.

"Ayoko! Bahala kayo at kampihan niyo 'yang si Feya!"

Hera, I'm sorry. Tama ka, dapat hindi nalang tayo pumunta rito.

Nagmatigas siya. "Open the door, Clara. Hahanapin ko si EJ."

"Fck paano mo siya hahanapin?" panghahamon sa kaniya ni Josh dahil sa inis.

"Pwede ba!? Mag-stay nga tayo rito sa iisang kwarto. Please lang mga pride niyo ibaba niyo! Walang mangyayari kung ganyan kayo!" maawtoridad na sabi ni Kael.

Tumahimik ang lahat.

Sinamaan kami ng tingin ni Hera at padabog siyang umupo sa tapat ng pinto. Pahikbi-hikbi siya roon.

Pinunasan ko ang aking luha at umayos ng upo sa kama.

"Bumalik ka rito Hera kung ayaw mong paliparin kita riyan at ipunta rito." matapang na banta ni Clara.

Nanlaki ang mata ko at nagpabalik-balik ang tingin ko kay Hera at Clara.

Hinamon siya ni Hera. "Anong papaliparin pinagsasabi mo ha! Ano ka may magic?"

"I am a witch, dumbass. I can enchant some spells to make you fly from there to here." mariin na sabi ni Clara.

"Bwes*t!" Tumayo si Hera at bumalik siya sa pwesto niya kanina pero mas malayo sa akin.

"You're a what?" tanong ni Kael kay Clara.

"I'm a witch. Paulit-ulit? Naiinis na ako ah." sagot ni Clara. "Joke." poker face niyang sabi.

Napabuntong hininga sila dahil sa kaguluhang nangyayari.

"Huminahon na muna tayo. Dapat magtulungan tayo hindi magsisihan." sabi ni Adrian.

Walang nagbalak na magsalita sa amin.

After a couple of seconds Josh talked.

"I think EJ is still alive."

Hera tsked. "Paano mo nasabi? Mukhang mamamatay tao si Tito Jose?"

Nagsalita ako. "Sang-ayon ako kay Josh. Sa tingin ko rin ay mukhang buhay pa siya at baka siya ang narinig ko na ingay sa kabilang linya kanina, dahil may sumisigaw roon— na parang nakatakip ang bibig." Tinignan ko sila. "Mukhang nagsisinungaling siya, dahil sabi niya ay bata lang iyon na nagwawala at pinapatigil ng nanay niya."

"Malamang nagsisinungaling 'yon hindi nga siya si Tito Jose 'di ba?" sarkastikong sabi ni Hera.

"Maybe that's EJ." sagot ni Adrian.

"Naamoy ko na hindi 'yon si EJ, sa iba galing 'yon. I think if EJ was not alive then he would make EJ a dish for tonight— but I'm sure that it was not EJ." pagkausap ni Josh sa hangin.

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi.

"It? Anong pinagbabasihan mo?" tanong ni Kael.

"Yong hawak ni Impostor Tito Jose kanina na plastic." sagot ni Josh.

"What do you mean, iba—" napahinto si Clara. "Don't tell me...That's a... "

"Yeah. Katawan ng tao 'yon— mga parte." pagdudugtong ni Adrian.

Sinamaan niya ng tingin si Adrian. "I told you, don't tell me!"

"Hindi 'yon kay EJ, hindi gano'n ang amoy ng dugo niya, sa iba galing ang dugo na 'yon." komento ni Josh habang nakatingin sa kawalan.

Naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasasabi niya.

"What the fck are you saying, Josh? Linawin mo." iritang sabi ni Kael.

"How can you distinguish his blood?" tanong ko.

Tinignan niya kami sa pagkakataong iyon. "Half vampire." Ngumiti siya sa amin nang malapad.

Napakurap ako.

Napa-massage si Kael sa kaniyang sintido.

"May iba pa bang magsasabi?" Tinignan kami isa-isa ni Kael.

"Tingin ko ay wala na. Ikaw may nais ka bang sabihin?" tanong ni Adrian kay Kael.

"I'm just an ordinary human being, but I'm adopted by hunters, I know how to kill but I don't have special ability, like you have." Tinignan niya si Adrian. "Pero kaya ko pa ring makipagsabayan in terms of muscle strength and endurance."

Kumunot ang noo ni Adrian.

"Ngunit ang kakayahan ng isang hunter ay 3 times better keysa sa mga ordinaryong tao lamang?" pagtataka niya.

"Well maybe I'm an exception."

Napatango na lang si Adrian at hindi na nakipagdebatehan.

"You Feya, do you have special ability as a hunter just like Adrian?" tanong ni Kael.

"I don't have. I'm just an ordinary hunter." casual kong sagaot.

"You have. You have the night vision." sagot ni Adrian.

Nagsalubong ang kilay ko. "Ba't may ganyang kang alam tungkol sa akin na hindi ko alam?"

He giggled softly. "Ang pamilya ninyo maging ang amin ay kasama sa mga pamilyang may special ability." I didn't know that until now. "Hunters can have special abilities but...just with the eyes only, nothing else."

"Interesting information." rinig kong bulong ni Josh. Kapagkuwan ay tinignan niya kami. "We should be prepared always, so if something happened, we're gonna fight that ITJ."

"ITJ?" sabay-sabay naming tanong.

"Impostor Tito Jose." proud niyang sagot dahil hindi namin kaagad nakuha ang meaning.

Nagsalita si Clara. "Kailangan ko nang mag-set ng boundaries dito sa bahay niyo Feya para hindi na makapasok si ITJ."

I heard Josh giggled. Mukhang natuwa siyang ginamit na ang ITJ na acronym na kaniyang ginawa.

"How?" tanong ko.

"Kailangan ko ng isang gamit mula rito sa bahay niyo para ibaon 'yon sa lupa niyo. "

Kinuha ko ang maliit na salamin sa drawer ko na nandoon pa— simula no'ng bata ako. "Ito pwede na ba?"

Tumango siya.

"Feya, alam mo ba kung saan nakalagay ang mga ginagamit ng mga magulang mo rati para sa pag-hunt?" tanong ni Adrian.

"Yes, nasa basement."

"Dapat natin 'yong makuha para kung sakaling may dumating at kakailanganin natin ng mga gamit ay meron tayong nakahanda." dagdag niya.

Tumango ako.

Lumabas kami sa kwarto.

Kinilabutan ako dahil napakatahimik ng bahay. Hindi ko mapigilan ang aking takot kaya humawak ako sa kaniyang braso.

Pinakiramdaman muna namin ang paligid kung meron ba si ITJ bago kami bumaba.

Wala kaming narinig na kaluskos o anoman kaya bumaba na kami ng hagdan.

Tinawanan niya ako. "Pahigpit nang pahigpit ang iyong hawak. Huwag kang mag-alala narito lamang ako."

"Tawa ka pa." masungit kong bulong.

Nahanap namin ang daan pababa sa basement at halos yakapin ko na si Adrian dahil sa takot. Binuksan namin ang ilaw.

"Dalian na natin ayoko na rito." mahina kong sabi sa kaniya.

Nauna siyang bumaba at sumusunod naman ako.

Puro box ang narito sa basement. Mga gamit na hindi na masyadong nabibigyan ng pansin kaya minabuti na lang na ilagay rito.

Bigla niya akong hinila sa tabi niya nang makita niya ang mga ulo ng mga hayop na ginawang display.

Mukhang nagulat siya.

"Bakit takot ka riyan? Wala bang ganyan sa bahay niyo?" natatawa kong tanong sa kaniya.

"Ahh ahm meron naman, ngunit ako lamang ay nagulat." Napailing nalang ako at napangiti dahil sa reaksyon niya.

Nahanap namin ang mga ginagamit nila mama rati sa isang baol. Kumuha ako ng dagger at isang set ng mga maliliit na kutsilyo.

"Adrian." tawag ko sa kaniya nang biglang nawala ang ilaw.

"Nasaan ka?" bulong niya.

"Nandito." Lumapit ako sa kaniya dahil nakikita ko siya.

"Wait buksan ko ang flashlight." sabi ko.

Nakarinig kami nang pagbukas ng pinto ng basement.

"Huwag," pagpigil niya. "baka si ITJ ang nagbukas ng pinto."

Hinawakan ni Adrian ang kamay ko tsaka siya bumulong.

"Iwanan na muna natin ang mga bagay na hindi na natin kayang dalhin, mahihirapan tayong lumabas kapag marami tayong dala." Tumango ako kahit na hindi niya ako nakikita.

"Halika na." bulong ko. Hinila ko siya pero napatigil ako dahil hindi siya gumalaw kaagad.

"Feya wala akong makita." Oo nga pala, ako lang nakakakita sa aming dalawa sa kadiliman.

Siniksik ko sa gilid ng short ko ang ibang bagay at pinalagay ko rin kay Adrian ang iba pa.

Hinawakan ko ang kamay niya at naunang maglakad.

May mga yabag akong narinig na pababa sa hagdan, pagkatingin ko ay pababa si ITJ.

Humigpit ang hawak ko sa kaniyang kamay.

"Adrian get back. It's ITJ." bulong ko tsaka ko siya itinulak nang dahan-dahan.

"Bakit? Anong binabalak mo?" mahina niyang sabi. He seemed worried.

Mas humigpit ang paghawak ko sa kaniya ng magsalita si ITJ. "So you knew it after all?" Tumawa siya bago ulit magsalita. "I can feel you're here." nakakaloko ang kaniyang pananalita.

Hindi kami nagsalita at nanatili sa kung nasaan kami.

Nagkaroon ng saglitang pag-ilaw sa gawi niya dahil sa pagbukas niya ng flashlight para makita kung nasaan kami. Bigla siyang sumugod kay Adrian pagkatapos niyang itapon ang naka on na flashlight.

Narinig ko ang pagbagsak sa lapag at daing ni Adrian dahil sa sakit.

Lumingon ako kaagad at nakita kong duguan ang kaniyang binti dahil sa dagger na nakatusok doon.

Lumipat ang tingin ko kay ITJ na nakatayo at ngayon ay nakatingin na sa akin.

Naaaninag niya na kaming dalawa ni Adrian dahil sa ilaw na binibigay ng flashlight na hinulog niya sa lapag.

Tumawa siya at kapagkuwan ay sinulyapan si Adrian. "Ang bagal naman ng kasama mo."

"You, monster!" Itinama ko sa kaniya ang itak na nahawakan ko pero mabilis siyang nakaiwas.

"You're just like me Feya." Bumubungisngis siya habang naglalaban kami— parang hindi niya alintana ang mga ginagawa kong pagsugod sa kaniya.

Nakakaasar.

Kinuha ko ang dagger pero bago ko siya matamaan ay nakalmot niya ang braso ko.

"Ah!" Masakit kaya!

Sinugod ko siya pero hindi ko pa rin siya natamaan.

"Feya sumama ka na lang sa akin para hindi ka na mahirapan pa at magsimula na tayong magsalo-salo." sabi niya sa pagitan ng pag-iwas niya sa mga tama ko.

Tinapakan ko ang flashlight para masira at nang hindi niya na makita ang mga susunod kong atake sa kaniya.

"Tumahimik ka!" sigaw ko.

At sa pagkakataong 'yon ay natamaan ko siya sa tiyan at bumaon ang dagger. Hinugot ko uli ang dagger at paulit-ulit na isinaksak sa kaniya kahit na nakahiga na siya sa lapag.

"Feya..." Napatigil lang ako nang marinig ko si Adrian na nahihirapan. Tumayo na ako kaagad at kinuha ang dagger tsaka ako pumunta sa kaniya.

"Adrian! Tara na!" Tinulungan ko siyang tumayo at pinasan ko ang kaniyang braso sa aking balikat.

Inalalayan ko siya sa bawat paghakbang niya dahil walang ilaw ang buong bahay.

"Guys!" hingal kong sigaw nang makalabas na kami ng basement.

Binuksan nila kaagad ang pinto at pinapasok kami. Puro phone ang ginagamit nilang pang-ilaw sa kwarto.

Nataranta sila nang makita si Adrian na may sugat at duguan ang aking kamay pati damit.

"Anong nangyari!?" Tsaka kami nilapitan nila Hera para alalayan.

"Si ITJ sinugod kami sa basement." sagot ko.

Lumapit si Kael sa akin at sinuri ako. "Are you okay?" nag-aalala niyang tanong.

Tumango ako. "Yes, I'm fine. Don't worry." Binigyan ko siya ng ngiti para hindi na siya mataranta.

He hissed. "You're not." Nakita niya ang sugat sa aking braso.

Kinuha niya ang kaniyang panyo at itinali iyon sa aking sugat.

"Asan na siya?" tanong ni Kael.

Tinignan ko si Adrian habang sinusuri nila ang kaniyang sugat.

"Andoon sa basement iniwan na namin siya roon. Pinagsasasaksak ko kaya malamang patay na 'yon."

"Nasaksak mo ba pati puso niya?"

Mabilis kong tinignan si Kael. "No, why?"

"Oh sht." wala sa sarili niyang sabi. "Buhay pa 'yon. Kailangang puso ang tamaan sa kanila para tuluyan silang mamatay."

"Clara hindi pa ba iyan tapos?" tanong ni Adrian.

"Malapit na." sagot ni Clara habang may inaasikaso sa mirror table.

May mga kadila na nakatayo roon.

Habang abala si Clara roon ay binigyan ko sila ng mga nakuha namin sa basement.

"Tapos na!" mabilis na sabi ni Clara. "Ibaon niyo na sa lupa sa baba." pagmamadali ni Clara sa amin. "He'll automatically die if you put it right now while his inside the parameter." dagdag niya.

Sabay-sabay kaming napamura nang biglang may tumama sa pintuan at may tumagos na itak.

"Sht anong gagawin natin!?" sigaw ni Hera.

"Kael dumaan na kayo sa bintana wala na tayong ibang choice." sabi ko sa kanila ni Josh dahil sila ang magbabaon no'n sa ibaba.

"Kami na ang bahala rito dalian niyo!" sigaw ni Clara sa kanila.

Dumaan na sila sa bintana at naiwan kami rito.

Pagkabukas ng pinto ay nakita namin ang dalawang sungay niya, ang itim ng mata, pati itsura niya ay nag-iba na— laspag ang kaniyang mukha at may mga itim na ugat sa kaniyang pisngi at noo.

"What the heck, you're so ugly!" Nakuha pang mangutya ni Clara sa kabila nang kaba na bumabalot sa amin.

Napasigaw si Hera nang sumugod siya. "Ahh!!!"

Sinugod namin siya ni Adrian kahit na may sugat ang kaniyang binti.

Nang mapatumba namin siya ay bumwelo ako sa hangin para isaksak ang dagger na aking hawak, pero hindi ko magawang ibaba ang kamay ko para ibaon 'yon sa kaniyang puso.

Hindi ko mailapit ang patalim sa kaniya.

Tumawa siya. "Hindi mo kaya?" panghahamon niya sa akin.

"I know you can't kill me dahil kauri—" Hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil agad na inagaw ni Adrian ang dagger sa akin at siya na sumaksak sa kaniyang puso.

Bigla kong naitulak si Adrian dahil sa ginawa niya.

"Feya!" tawag ni Clara.

Gulat ang mata ni Adrian.

I automatically got my hands away from him when I realized what I've done.

"I'm sorry 'di ko sinasadya." Lumayo ako sa kaniya.

Why did I do that?

"Ayos lang, alam kong nabigla ka lamang." Hinawakan ni Adrian ang balikat ko. "Okay ka lang?"

Bakit parang nagalit ako kay Adrian dahil sa pagpatay niya sa halimaw na 'yon?

Bakit?

Bakit parang nawalan ako ng isa sa mga kauri ko?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro