Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

ISA

Ingay ng magkakaibigan ang naririnig sa loob ng isang classroom. Masaya silang nag-aasaran dahil tapos na ang unang semester ng kanilang klase.

Ang iba sa kanilang mga kaklase ay umuwi na dahil alas singko na nang hapon.

Ang kulay kahel na liwanag na nanggagaling sa sinag ng araw ay tumatagos sa bukas na glass window ng kanilang classroom. Ang kurtinang nasa gilid ng kanilang mga bintana ay nakikisabay sa sariwang hangin na pumapasok sa loob.

"Ready na ba kayo para bukas?" nakangiting tanong ni Feya sa kaniyang mga kaibigan habang siya ay nag-aayos ng kaniyang gamit papasok sa kaniyang bag na nakapatong sa kaniyang lamesa.

Nakapusod ang kaniyang buhok at may kaunting hibla ng buhok ang naiwan sa magkabilaang gilid ng kaniyang tenga. Siya ang pinakamaayos at malinis tignan sa kanilang magkakaibigan na babae. Simple lang ito at hindi mahilig mag-make up. Sa pagsuot ng kanilang uniporme ay sinisigurado nitong ang mga butones ay maayos na nakasarado, maging ang maaaring makitang himulmol o tastas sa kaniyang mga damit ay lagi niyang tinitignan at inaayos— metikulosa ito sa kaniyang mga gamit lalo na sa kaniyang sarili.

Sa kabilang lamesa kung saan may dalawang upuan ang magkatabi ay nakaupo roon si Clara. Bukas ang kaniyang foundation powder at tinitignan ang kaniyang sarili sa salamin.

Hindi niya tinapunan ng tingin ang kaniyang mga kaibigan."Yes, of course. I'm prepared na nga." maririnig mo sa kaniyang boses ang kaartehan.

Hinding hindi mawawala ang kaniyang makeup kit sa kaniyang bag dahil sa mahilig itong mag-ayos ng kaniyang sarili— sa lahat ng babae sa kanilang magkakaibigan ay siya ang may pinakamagandang taste sa fashion. Siya rin ang pinakamaarte sa kanilang magkakaibigan— maarte sa lahat ng bagay pero kaniya ring nailulugar.

Natawa ang lalaking katabi niya sa kabilang upuan— ang kaniyang boyfriend.

Hinawakan nito ang bewang ng kaniyang nobya. "Baby, maganda ka na... tama na yan." malambing na sabi sa kaniya ni Josh.

Dahil sa kaniya ay natututo si Clara sa mga bagay-bagay dahil kabaliktaran niya ito. Hindi ito maarte kaya naman siya ang nagpu-push kay Clara na subukan ang mga bagay na hindi niya nasusubukan— simpleng bagay na hindi niya ginagawa dahil may kaya ito sa buhay.

Ganoon rin naman ang kaniyang nobyo, pero kahit na gano'n ay marunong pa rin itong makihalubilo sa kahit sino.

Pareho silang mahilig sa fashion at magaling manamit. Maayos sa sarili at mga bagay si Josh. He had a charming smile and a good personality— ito ang mga bagay na napuna ni Clara sa kaniya at mas lalong nang-agaw ng atensyon ng dalaga para kilalanin pa ang lalaking ito noong hindi pa sila.

Nilingon kaagad siya ni Clara at pinanliitan ng kaniyang mga mata, hindi mapigil ang kaniyang labi sa pagngiti dahil sa kaniyang narinig. Hindi maitatangging bagay silang dalawa.

Ang nasa harapan nilang upuan kung saan nakaupo ang isang babae na kanila ring kaibigan ay napasimangot. Nakaharap ang katawan nito sa kaniyang mga kaibigan. "Alam niyo kayong dalawa, sweet kayo pero nakakainis!" mapanlokong sabi ni Hera sa dalawa dahil bitter ito pagdating sa ganitong mga bagay.

She flipped her curly long hair while glaring Josh and Clara.

Magaling itong mambara at ang pinaka-war freak sa kanilang magkakaibigan kaya madami itong nakakasagutan sa kanilang mga kaklase. May magandang dulot din ito dahil kapag may nang-aaway sa kaniyang mga kaibigan ay pinagtatanggol niya ito.

Tinignan siya ni Clara at bineletan niya ang kaniyang kaibigan para painggitin pa ito lalo.

Sa katabi ni Hera ay naroon si Ej. Busy itong nakaharap sa camera nito habang naglalagay ng liptint sa kaniyang labi.

"Omg I'm so excited!" sambit nito nang matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili.

Sa lahat ng lalaki sa kanilang magkakaibigan ay siya naman ang pinakamaayos sa sarili at malinis. Kapag nagsama si Ej at Hera sa isang away ay walang duda na mananalo sila dahil magaling din makipagdakdakan si Ej. Silang dalawa rin ang madalas mag-asaran.

Mas babae pa itong gumalaw kaysa sa kaniyang mga kaibigang babae. Mas magaling ding maghanap ng gwapo at magpa-cute.

Nilingon ni Clara si Ej dahil babarahin niya na naman ito. "FYI. Hindi lang puro saya ang gagawin natin doon. Magfi-film tayo, remember?" casual nitong sabi pero masungit ang nagiging dating nito dahil sa kaniyang resting btch face.

Inismiran siya ni Ej. "Che! Okay lang basta magsasaya tayo! Hahanap akon pogi!" He flipped his imaginary hair.

"Maaari bang huwag kang tumili, Ej? Ang sakit sa tenga." mahina lang ang pagkakasabi ni Adrian pero sapat na iyon para marinig ni Ej. Kanina pa kasi nagugutom si Adrian kaya mabilis itong mairita lalo na kapag maingay.

Ang may pinakamagandang mata sa kanilang magkakaibigan— pero kapag hindi ito nakangiti ay parang sinasamaan ka na niya kaagad ng tingin. Siya rin ang pinakamakata sa kanilang lahat dahil sa pananalita nito. Bihira mo lang ito marinig magsalita ng Ingles, pero mapapamangha ka rin kung paano niya bigkasin ang mga salita dahil may accent ito. Hindi mo talaga aakalain kung sakali.

"Gutom ka lang." pang-aasar ni Kael kay Adrian, nilingon siya nito tsaka inirapan.

Si Kael ang pinakamaaral sa kanilang magkakaibigan. He had the presence and qualities of being a leader. Kaya naman siya rin ang naatasang mamuno sa kanilang grupo para sa film na kanilang gagawin.

Singkit ang mga mata nito kaya kapag ngumiti ay nawawala na. Halos lahat ng mga kababaihan sa kanilang room ay nais siyang makatabi dahil kung bibigyan ng papuri si Kael, hindi ang kagwapuhang taglay niya ang masasabi mo kapag nalapitan mo siya— kundi ang halimuyak na maaamoy mo galing sa kaniya.

Napakabango nito lagi.

"Mabilis kayong papangit kapag nagsusungit kayo." nagbibirong sabi ni Ej.

"Ba't ikaw, chill ka naman lagi bakit pangit ka pa rin?" Humalakhak si Hera na talaga namang nakakaasar, kaya pati ang dalawang lalaking nag-aasaran kanina ay tumawa na rin.

"Walang'ya ka talaga, 'no! Porket maganda ka lang! " Inirapan ni Ej si Hera.

Binelatan siya ni Hera pabalik.

Maya't maya'y nginitian niya si Ej. "Joke lang, syempre ikaw ang pinakamaganda sa aming lahat!" Niyakap ni Hera ang kaniyang kaibigan.

"Che! Layas! Pashnea!" nag-iinarte pa 'tong si Ej pero tumawa rin naman.
 


Umuwi sila sa kani-kanilang mga tahanan at naghanda ng kanilang mga dadalhin. Lahat sila ay may ngiti sa kanilang mga labi— excited silang lahat dahil tingin nila ay magiging masaya ang kanilang bakasyon sapagkat unang beses nilang lalabas at magsasama ng mahabang panahon, nang sila lamang at walang mga magulang na bantay.

Bumaba si Feya at papunta sa kusina para kumain ng hapunan.

Nakaupo na si Feya sa harapan ng lamesa habang inihahainan siya ng kaniyang kasambahay—  pero sa katunayan ay hindi niya na ito nakikita bilang kasambahay lamang sapagkat tumayo na rin ito bilang kaniyang mga magulang. 

"Nanay Fe, bukas na po ang alis namin papunta sa mansion." sabi niya habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa pagkain na inilalagay sa kaniyang pinggan.

Nasa 40 anyos na rin si Nanay Fe, hanggang balikat lang ang kaniyang buhok at lagi itong nakatali. Malinis itong tignan at simple lang ang kaniyang pananamit. Madalas itong naka t-shirt at naka-jogging pants gaya ngayon. 

Kay Nanay Fe niya nakuha ang pagiging masinop.

"O sige. Mag ingat kayo roon, ha? Andoon naman ang kapatid kong si Jose para bantayan kayo." malambing na sabi ni Nanay Fe.

"Opo nay."

Labing tatlong taon na rin ang nakakaraan magmula nang mawala ang mga magulang ni Feya.

Limang taon siya noon ng may nangyaring disgraya na naging dahilan ng pagkawala ng kaniyang mga magulang.

Biglaan at mabilis ang naging pangyayari nang mawalan ng preno ang sasakyang kinaroroonan ni Feya at ng kaniyang mga magulang. Sa pagkawala ng kontrol ng kaniyang ama na siyang nagmamaneho ay bumunggo sila sa isang malaking puno.

Hindi sila nakakuha ng agarang lunas— hindi umabot ang kaniyang mga magulang sa tulong na dumating para sakluluhin sila.

Magmula noon ay si Nanay Fe na ang nag-alaga sa kaniya.

Tumandang dalaga si Nanay Fe dahil naging prayoridad niya ang alagaan si Feya.



[Nanay Fe's POV]

Matagal na panahon na rin simula nang alagaan ko si Feya. Ako na ang tumayong mga magulang para sa kaniya. Napamahal na rin ako nang lubos sa kaniya at itinuturing ko na rin siyang anak.

Kahit na hindi ako nagkaroon ng sariling pamilya ay hindi ako nagsisisi sa desisyong ginawa ko— ang mas pagtuonan ng pansin ang anak ng mga taong tumulong sa akin noong panahong wala akong malapitan.

Utang na loob ko sa kanila ang buhay ng aking pamilya at maging ang akin— kung hindi sila dumating para tulungan kami, wala na rin ako ngayon kung nasaan ako.

Sila ang pamilyang Marquez.

Isa sila sa mga bukod tanging nilalang na aking nakilala. Tinatawag silang mga Hunters— ang mga sumusugpo sa mga angkan ng mga halimaw: isa na rito ang anma, sila ang mga cannibal witches— kumakain ng mga tao na madalas ay ginagawa ring alay sa kanilang mga ritwal. Kinakalaban din nila ang mga messorem o reapers— masasamang bampira na lumalabag sa mga utos ng kanilang uri.

Pawang kathang isip lang ang tingin ko sa mga nilalang na ganoon hanggang sa makakita ako ng mga anma.

Iyon ang gabing hinding-hindi ko makakalimutan sa tana ng aking buhay.

Pauwi na kami no'n sa bagong tahanang aming tutuluyan nang makakita kami ng mga katulad nila at sinalakay kami.

Panay ang takbo namin sa mga kakahuyan noon para lang makatakas sa kanila.

Sigaw. Takbo. Iyak. Kaba. Hingal.

Hindi ko na alam kung saan kami hihingi ng tulong nang mapadaan kami sa isang malaking gate ng mansion.

Habang sumisigaw kami para humihingi ng saklolo ay hindi ko mawala sa aking isipan ang kanilang mga itsura. May mga sungay at laspag ang kanilang mga mukha.

Nang makita naming may lumabas sa mansion ay laking pasasalamat namin— tinulungan nila kami at pinapasok sa kanilang tahanan. Nasaksihan ko ang kanilang labanan— kung gaano sila kalakas para laban ang mga nilalang na gano'n.

Sa paglipas ng panahon, akala ko ay magiging maayos ang kanilang pamumuhay sa kabila ng kanilang ginagawa, ngunit ang asawa ng napatay nila noong panahong tinulungan nila kami ay nais maghiganti— at si Feya ang nais niyang maging kabayaran ng kanilang pagpatay sa kaniyang asawa.

Sa mga panahong nawala si Feya ay kaniyang pinatay si Mr. and Mrs. Marquez— magulang ni Feya.

Nang magkaroon ng disgrasya, tanging sasakyan lang ang naabutan nila. Wala si Feya maging si Mr. and Mrs. Marquez. Hindi kaagad nahanap ang kanilang mga katawan.

Abala ako noon sa paglilinis ng mansion para matuon ang aking atensyon sa ibang bagay dahil sa sobrang pag-aalala kay Feya, nang napansin kong parang may nakahandusay sa labas ng gate.

Dali-dali akong tumakbo at tinignan kung ano man iyon, ngunit hindi pala ano, dahil si Feya ang nakahandusay sa labas ng mansion. Napakadungis at may mga sugat.

Naagaw ng aking pansin ang isang maliit na papel na nakausli sa kaniyang bulsa. Kinuha ko ito. Hinawakan ko at inamoy ang papel dahil sa kakaiba netong tinta na ginamit sa pagsulat— dugo, dugo ang ginamit niyang tinta.

Doon ko nalaman na hindi na katulad ng batang Feya ang dating Feya na aking inaalagaan, dahil sa kaniyang pagbalik ay may isang sumpa na ang nananalaytay sa kaniya na galing sa isang anma.

"Ito ang aking paghihiganti. Ang kadiliman sa loob ng isang kalaban. Ang paghihirap ay mararanasan. Kamatayan ng iyong mga minamahal ay iyong magiging kasalanan. Naglaho ang isang halimaw na inyong tawagin, kapalit nito'y buhay na aking magiging alipin.

Kailangan nang kapalit nang nawala— ito ang aking sumpa."

Hindi ko alam kung ano ang kaniyang ibig sabihin, ngunit isa lang ang sigurado ko— hindi magiging madali ang laban na kakaharapin ni Feya.



________________________________________________________________________________

This story is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead and events is entirely coincidence.

No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

Plagiarism is a crime!

Enjoy reading! ^_^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro